Share

Chapter Six

Author: August Mae
last update Last Updated: 2020-11-23 09:41:19

Nagising si Shamia Gyllette sa mararahang katok sa pinto ng kaniyang silid. Nakatulog siya dahil sa labis na pag-iyak. Masyado siyang naapektuhan sa kaniyang mga narinig kanina, masyado niyang dinibdib ang mga narinig na animo kasintahan niya ito na nahuling nagtataksil. Apektadong-apektado siya pero kahit ganoon ay kailangan niyang itago ang nararamdamn dahil anumang oras ay maari nilang mabunyag ang nararamdaman niya.

Dahan-dahang bumangon ang dalaga, nahagip ng kaniyang paningin

ang orasan na nasa side table. Alas nueve na nang gabi. Nangunot ang noo niya nang mapagtanto na gabi na nga pero bakit may kumakatok pa rin sa kaniyang silid.

Binuksan niya ang pinto. “What? Hindi mo ba naisip na nakakaistorbo k---”

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil sa nabungaran niya. Si Kaiser na may hawak na tray nang pagkain.

“Kanina pa ako kumakatok, naka dalawang palit na nga ako nang pagkain dahil lumalamig na.” paliwanag nito.

Hindi siya makatingin sa binata dahil naalala niya ang kaniyang narinig habang may kausap ang binata. “Ayokong kumain.”

Pagsasarhan niya na sana ito nang pinto nang iharang nito ang kaliwa paa dahilan ng pagkaipit nito sa pinto. Sigurado ang dalaga na masakit iyon pero hindi niya nakita sa binata ang sakit.

“Kailangan mong kumain Sham dahil simula daw nang pumasok ka kanina nang silid ay hindi ka na muling lumabas pa. Kaya naisip ko na hindi ka pa kumakain.” Paliwanag ni Kaiser na tuluyan ng pumasok sa silid kahit hindi niya pa ito sinasabihan.

Nakairap na sumunod siya sa binata. Mabait siya sa lahat nang mga tauhan niya pero bakit napa-sobra naman ata pagdating sa lalaki. Hindi siya maka-angal kapag ito na ang nag-uutos sa kaniya, hindi tulad sa iba na hindi naman niya pinapakinggan ang mga suggestion.

Inayos nito ang pagkain saka siya hinila para maupo sa gilid nang kama.

“Kain na Ms.Sandler, huwag matigas ang ulo.”

Inirapan niya ito. “Labas na! kakain ako paglabas mo.”

Tinawanan lamang naman siya nang damuho. “I don’t believe in you. Hindi ka kakain pag iniwan kita. Babantayan kita!” Pinal na anito na animo wala nang makakabali pa nang sinabi.

“Kakain ako. Labas na! matulog kana at maghahating-gabi na!”

“Maghahating-gabi na nga kaya kumain kana nang makapag-pahinga kana din.”

Hindi na siya nakipagtalo pa sa binata. Nakakainis! Hindi siya maka-angal sa lalaki. Mataman na nakatingin sa kaniya ang binata habang siya’y kumakain. Pasulyap-sulyap siya sa lalaki habang kumakain.

Napansin nito marahil iyon kaya natawa ang lalaki. “Huwag kang mag-alala hindi kita sasaluhan.” Anito “Pero kung papayag ka naman ---”

Napasimangot si Shamia. Idinadaan na lamang niya sa pagsimangot at pagsusungit ang nararamdaman niyang kaba.

Nasa kalagitnaan na siya nang pagkain nang mag-ring ang cellphone niyang nasa ibabaw ng kama.

Tumatawag ang pinagkakatiwalaan niyang tao sa kompaniya na nakabase sa Los Angeles. Ano kayang problema? Hindi naman ito basta tumatawag, nagse-send lamang ito nang update tungkol sa kompaniya gamit ang email.

Agad niya itong sinagot na nagpakunot ng noo nang binata. “You’re not done eating yet.”

Inilagay nang dalaga ang hintuturo sa tapat nang kaniyang labi senyales na manahimik ito. Agad naman nitong nakuha ang ibig niyang sabihin.

“Hello?”

"Good evening there Madam! I’m sorry to disturb your sleep but I need to ask for your presence on the meeting.” Wika nang nasa kabilang linya.

Bakit biglaan naman ang meeting? Hindi niya naman naalala na nag-set siya nang meeting. Nagkakaroon lamang ng biglaang meeting kapag may kinakaharap na problema ang kompaniya.

“What’s the problem?” Nakakunot na ang noo niya dahil sa balita.

“It’s better if you attend the meeting Madam. Because I don’t think it will be resolve without your presence.”

“Did you already set an appointment?”

When you arrive I’ll set the meeting immediately, Madam.”

Ganoon ba kalaki ang problema para kailanganin pa talaga ang kaniyang presensiya doon? Dati-rati naman ay sa Skype lamang siya nakikipagusap sa kapag simpleng meeting lamang ang nagaganap.

“Okay! I’ll be there.” Pagtatapos nang dalaga sa usapan at ibinaba ang telepono.

Mabilis siyang tumayo sa kama at nag-impake nang ilang gamit na dadalhin. Habang ginagawa iyon ay idinial niya ang numero ni Pia at inipit ang telepono sa pagitan nang kaniyang balikat at ulo para makausap niya ang sekretarya habang nagiimpake.

“Tell my pilot to ready the plane. You should get ready too, we’re flying to Los Angeles right now!” Turan niya nang sagutin nang secretary ang tawag. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon na magsalita ito at dire-diretso sinabi ang pakay. Isang simpleng ‘Okay’ naman ang narinig niyang sagot nang babae saka namatay ang tawag.

Natigilan si Shamia nang maalalang hindi nga pala siya nag-iisa sa silid.

“Saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong nito.

Napakamot siya sa gilid nang ulo. Oo nga pala dapat kasama din ito. Sasabihin na sana niya na magready na rin ang binata nang maalala ang narinig niya. Nangako ito sa kausap na uuwi kapag may pagkakataon, marahil ito na ang tamang pagkakataon na hinihintay nito.

“May emergency sa kompaniya sa LA. Kailangan ako doon.”

“Then I should be ready too!” Sabi ni Kaiser saka nagmamadaling tumayo pero pinigilanito ni Shamia.

“No! You’re not coming. Take this opportunity para makauwi ka sa inyo at makapag-bakasiyon.”

“I am your bodyguard.” Wika nang binata na tila iyon pa lamang ay alam na niya ang ibig sabihin.

Wala siyang nagawa kundi ang tumango. Mabilis nitong iniligpit ang pinagkainan niya saka nagmamadaling lumabas.

Napabuntong-hininga na lamang si Shamia. She’s giving him the opportunity to take a vacation but he’s not grabbing it.

Ayaw ba nitong makita at makasama ang girlfriend nito? O baka asawa na nga iyon.

Ang hilig niya talaga i-torture ang sarili sa kakaisip sa kung anu-ano. Pero hindi naman naka indicate sa information nito na kasal na ito.

Ahh! Baka girlfriend nga. Napailing ang dalaga. Hanggang sa pag-iisip na lamang muna siya dahil wala pa siyang lakas nang loob na magtanong sa binata.

AFTER fifteen hours they landed in Los Angeles. Tumawag si Shamia sa kaniyang assistant na nakabase doon para mai-set agad ang meeting. Sinabi nitong alas nueve ang oras na in-appoint para sa meeting upang kahit paano raw ay makapag-pahinga siya.

She have a house in this place para sa mga ganitong emergency, she have a place to stay. Hindi siya kasing laki nang Villa na mayroon siya sa Philippines but this place is in a village with tight security.

“Find your room guys!” wika niya sa dalawang kasama.

Alam na ni Pia kung saan ang silid nito dahil palagi niya naman itong kasama kapag may meeting siya sa ibang bansa like this. Bahala na din itong ihatid si Kaiser sa magiging silid nito.

Masiyadong napagod sa biyahe ang dalaga. Kahit ilang beses na siyang nagbibiyahe nang malalayo ay hindi pa rin siya masanay.

“Good Night, everyone.” Turan nang dalaga saka umakyat sa ikalawang palapag nang mansion para magpahinga.

Hindi na pinansin pa ni Shamia ang pagsagot nang mga kasama ng ‘good night’ dahil talagang babagsak na ang talukap nang kaniyang mga mata.

Hindi nga pala siya nakatulog kagabi dahil matapos ang tawag ay nagbiyahe na rin sila agad-agad. Sa eroplano naman ay hindi rin gaanong maayos ang tulog niya. Sa totoo lang takot kasi siya sa height. Pero ang magulang niya lamang at kapatid ang nakakaalam pati na rin ang kaniyang sekretarya.

Nang makapasok sa sariling silid agad siyang nagtungo sa kama at dumapa. Sa sobrang antok ay hindi na niya nagawa pang makapagpalit nang damit. Hinatak na siya nang antok.

Pakiramdam niya ay ilang oras pa lamang ang kaniyang pagkakaidlip nang may pangahas na halos gibain na ang pinto nang silid niya sa lakas nang katok.

The fuck! Asar na asar siyang bumangon at naglakad patungo sa pinto. Para siyang zombie na naglalakad at nakapikit pa ang mata na binuksan ang pinto pero hindi pa rin nakalimutan ang inis dahil sa kumatok.

“WHAT!?” Tungayaw niya sa harap ng pinto. Hindi pa niya masyadong maaninag kung sino iyon dahil medyo nanlalabo pa ang kaniyangg mga mata dahil sa biglaang pagmulat.

“Oww easy... Just wanna remind you the meeting at Nine Ms.Sandler.”

Napamulagat siya nang matantong si Kaiser ang nasa labas ng pinto. Ano nga bang hitsura ko? Naku! Naku!

“I – ahmm... ano—sige!”

Shamia can’t look straight into his eyes because she know for sure that his eyes is dancing in amusement dahil sa pagkakautal niya.

“Masiyado ka yatang napagod sa biyahe.” Pansin nito. “Nga pala Sham 8:30 na.” Anito saka mabilis na tumalikod.

Mabilis siyang bumalik sa kama at tiningnan ang orasan sa bedside table. And damn it! She only have 30 minutes to prepare for the meeting.

Nagmadali na siyang mag-ayos. Hindi na niya inasikaso ang pagkain dahil male-late na talaga siya. Kahit siya pa ang Boss ay nakakahiya naman na malate siya. Baka kung ano pa ang masabi nang mga ito.

Mabuti na lamang at alerto din ang kaniyang bodyguard at naihanda na agad ang sasakyan. Naroon na din si Pia na siyang nakapwesto sa driver seat. Ito siguro ang nagpasyang mag-drive. Pinagbuksan siya ni Kaiser sa backseat at saka ito pumwesto sa front seat katabi nang secretary niya.

“Pakibilisan Pia!” Paalala niya sa babae dahil 30 minutes ang biyahe patungong kompaniya.

Busy ang dalaga sa pagtse-check nang emails sa cellphone nang may lumitaw na sandwich sa harap niya. Sinundan niya ng tingin kung saan galing iyon at nakita niya si Kaiser na nakangiti at inaabot ang pagkain.

“Ipinakisuyo kong gawin kay Ms. Pia habang nagbibihis ka at inihahanda ko ang sasakyan.” Paliwanag nito. “Alam ko kasing hindi ka na naman kakain sa pagmamadali.”

Napatingin ang dalaga sa driver seat. Nakangiti rin sa kaniya ang secretary saka ito tumango na tila ipinapakita ang pagsang-ayon sa nais nang binata. Kinuha ni Shamia ang sandwich na ibinibigay sa kaniya nang lalaki at binuksan iyon. Kumain siya habang nagbibiyahe.

Hindi na masyadong inisip ang meeting dahil kahit anong gawin ay late pa rin siyang darating sa kompaniya. Being late for once won’t hurt anyone though.

NAROON na nga ang lahat nang board members nang dumating siya. Halatang kanina pa naghihintay ang mga ito.

Mabilis na tumayo si Azzi, ang kaniyang assistant, nang makita ang pagpasok niya at nang secretary niya sa conference room. Si Kaiser ay nanatili sa labas.         “Sorry we’re late.”

“It’s okey Madam.” Anang babae at iginiya siya sa kabisera nang long table, naupo naman si Pia sa kaniyang gawing kanan.

“Shall we start?” Wika ni Shamia na agad tumutok sa mga papeles na inilapag sa kaniyang harapan.

Sa pagpasada pa lamang niya sa dokumento ay alam na agad niya na may mali sa financial report. May nawawalang 100 million pesos sa kompaniya? The Fuck!!

“What is the meaning of this? Where did those million pesos go?” Agad na singhal niya. Nag-iinit ang kaniyang dugo dahil sa nabasa sa mga dokumento.

“We’re still investigating the problem Mam. But we concluded that it was an inside job because no one outside the company can do this.”

“Who did this?”

Napahilot siya sa sintido dahil sa problema. Sa buong durasyon nang kaniyang pamamalakad sa kompaniya ay ngayon lamang nangyari na may mag traydor.

“Damn it! Aren’t you doing your job here?” Hindi na napigilang magtaas nang boses nang dalaga.

Halata ang gulat nang lahat dahil sa pagmumura niya. Wala na siyang pakialam kung maglipana na ang mga murana nanggagaling sa kaniya. Hindi niya na makontrol ang sarili dahil sa galit.

Sino ang walang-hiyang gumawa nito? Wala naman siyang naaalala na naka-away niya sa industriya nang pagne-negosyo. Kahit na ang mahigpit na kalaban niya sa Magazine Industry ay hindi ganoon kung lumaban.

“What? You all just stare at me! If staring is the solution to our problem then feel free.” Muli niyang singhal sa mga ito. Agad naman na nagbaba nang tingin ang mga ito at binasa ang report saka nagkaniya-kaniya nang suhestiyon.

Mataman lamang siyang nakikinig sa diskusiyon nang buong board. Nag-iisip din nang sariling solusyon ang mga ito. Kung tutuusin ay hindi makaka-apekto ang nawalang pera sa kaniyang kompaniya. Pero malaking halaga pa rin iyon at kailangang solusyonan. At isa pa kailangang malaman kung sino ang may pakana niyon dahil kung hindi baka lugihin na nito ang kompaniya sa susunod.

Related chapters

  • My Beloved Bodyguard   Chapter Seven

    Matapos ang stressful na problema sa Shamia’s Magazine ay agad na ring nakauwi ng Pilipinas sina Shamia.Nahuli na ang salarin sa pagkawala nang 100 million pesos sa kompaniya. Ang CFO ng kompaniya. Inimbestigahan ito dahil ito lamang ang maaring maging suspek dahil ito ang humahawak ng pera ng kompanya. At napatunayan nga na totoo.At sa kasalukuyan ay sakay na sila ng private plane pabalik ng Pilipinas.

    Last Updated : 2020-11-23
  • My Beloved Bodyguard   Chapter Eight

    Muntik nang mahulog sa silya at mabilaukan sa kinakain si Shamia dahil sa ginawa ng lalaki. Malakas ang topak!Mabilis niyang inabot ang tubig at uminom. Ano bang pumasok sa isip nito at may pakindat-kindat pang nalalaman? Masiyado na yata itong at ease sa pakikitungo sa dalaga?Mabilis na tinapos ni Shamia ang pagkain at nagpaalam na babalik sa kaniyang silid para ituloy na ang pagpapahinga.&ld

    Last Updated : 2020-11-23
  • My Beloved Bodyguard   Chapter Nine

    Hindi pa rin siya tinitigilan ni Krysta sa pangungulit. Panay pa rin ang usisa nito sa kaniya tungkol sa nasaksihan nito kanina.Si Kaiser ay agad ding lumabas matapos iabot sa kaniya ang miryenda. Kaya naiwan siya sa mangulit na kaibigan. Agad din nitong ibinalita sa dalawa pa nilang kaibigan ang nakita.“Yung totoo? Wala kayong label? Pero may kiss na agad na nagaganap huh?”“

    Last Updated : 2020-11-23
  • My Beloved Bodyguard   Chapter Ten

    “Ms. Alvaro can you call my bodyguard? Papasukin mo siya dito sa opisina ko.” Wika ni Shamia kay Pia gamit ang intercom.“On it Mam.”Hindi naman nagtagal at pumasok ang binata. “Yes Sweetheart? Miss me?”“I need to talk to you about something.”

    Last Updated : 2020-11-30
  • My Beloved Bodyguard   Chapter Eleven

    It took an hour to reach the port where they can ride a ferry to reach the province. Hinayaan niya lamang si Kaiser na asikasuhin ang mga kailangan para makasakay ng barko. Hindi naman kasi siya pamilyar sa mga ganoong bagay dahil hindi niya alam ang paba-biyahe through sea.Nang matapos ang pagaasikaso nang binata ay itinaas na nang nagbabantay sa pagpasok ng barko ang harang para makadaan ang sasakyan.“Pwede kang lumabas ng sasakyan habang nagbi-biyahe. Maiinip ka jan sa loob ng van.” Anang binata nang mag-settle na ang van sa loob

    Last Updated : 2020-12-03
  • My Beloved Bodyguard   Chapter Twelve

    “Nay... Tay si Shamia Sandler po girlfriend ko! Babe si Nanay Belinda at Tatay Karlito.” “Hello po sa inyo! Mam, Sir!”“Jusmiyong bata ari ee! Tatay at Nanay na lamang daw naman ang tawagan sa amin ening ay!” litanya ni Tatay Karlito na hindi mapigilang mapakamot sa ulo. Natatawa naman si Nanay Belinda dahil sa reaksyon ng asawa.“Ah opo... Nanay hmm&mda

    Last Updated : 2020-12-04
  • My Beloved Bodyguard   Chapter Thirteen

    Tila ilang oras pa lamang ang tulog nang magkasintahan ng naulinigan na agad ni Shamia ang pagtilaok ng mga manok. Mayroon rin siyang naririnig na bumubulong-bulong sa tabi niya. Hindi niya iyon pinansin dahil sa talagang inaantok pa siya ng sobra. Sumiksik pa siya lalo sa katabi.“Hayae na muna sina kuya mo! Wag maingay jan, mga pagod yan sa biyahe.”“Nanay ba’t napunta na dine si Ate Sham? Katabi ko kayang tumulog ari sa kwarto!”

    Last Updated : 2020-12-06
  • My Beloved Bodyguard   Chapter Fourteen

    It’s already four days since Shamia and Kaiser went to vacation. And she noticed something on Kaiser’s action. On there first day, ihinatid nila ang mga kapatid nang lalaki sa eskwelahan at saka sila namasyal pagkatapos. Pero ng mga sumunod na araw umaalis ang lalaki ng maaga at gabi na umuuwi. Ang sabi naman nang magulang nang lalaki ay may inaasikaso itong importante. Maging ang dalawa nitong kapatid ay ganoon din ang sinasabi sa dalaga.Tinatanong niya ito kung anong importante ang inaasikaso nito para sana malaman niya if she can help pero hindi naman nito sinasabi. Kaya siya, kung hindi sa bahay lamang ay namamasyal na mag-isa sa hacienda ang dalaga at minsan ay sa palayan o di k

    Last Updated : 2020-12-06

Latest chapter

  • My Beloved Bodyguard   Special Chapter

    “GYLLETTE!”“Po?”“Oh?”Natawa si Kaiser ng sabay na sumagot ang kaniyang mag-ina. Ang kanilang panganay na anak ang kaniyang tinatawag ngunit maging ang kaniyang asawa ay sumagot rin. Hindi maiiwasan na ganoon ang mangyari dahil nga sa pareho ang mag-ina nang pangalawang pangalan.

  • My Beloved Bodyguard   Last Chapter

    “KAISER!!!”“Ano ba Shamia, ang ingay-ingay mo! Natutulog ang kapatid mo!” singhal nang Mommy ni Shamia sa kaniya. Nakahiga sa kuna sa sala ang isang taong gulang niyang kapatid. Tinatawag niya kasi si Kaiser dahil inutusan niya itong kunin ang phone niya sa kwarto pero kanina pa ito hindi pa rin nagbabalik. Hindi na kasi siya makakilos ng maayos. Malapit na kasing lumabas ang first baby nila ni Kaiser.

  • My Beloved Bodyguard   Chapter Twenty-One

    “Sarap talaga kapag libre!” Matapos kumain ay agad na komento ni Krystaleen. Kahit kailan talaga kung umasta ang babae parang hindi kumikita ng milyones.“Kapal talaga ng mukha mo!” Pambabara agad ni Ysa dahil ito ang nanlibre ngayon. Hindi na sila nito pinagbayad dahil natural ini-reserve nito ang buong beach resort para sa bonding nila.Kasalukuyan silang naglalakad-lakad sa dalampasigan. Nauuna ang tatlo sa paglalakad samantalang sila ni Kai ay nasa hulihan. Panaka-nakang lumilingon si Lourine sa banda nang magkasintaha

  • My Beloved Bodyguard   Chapter Twenty

    “Aray... aray... w-wait! Pakibitiwan ang buhok ko! Masakit!”“Talagang masasaktan ka!”“Magpapaliwanag ako, Shamia!”Kahit gigil na gigil pa rin dahil sa ginawa nang mga ito binitiwan na rin niya ang buhok nang mahaderang babae. Kita pa niya ang pagkalaki-laking ngisi ni Kaiser na nakasandal sa pader malapit sa kinaroroonan nila ng magaling na babae. Napansin n

  • My Beloved Bodyguard   Chapter Nineteen

    Today is Saturday so it means its friends bonding day.Naglalaan ang magkakaibigan ng oras upang magkasama-sama. Maliban na lamang kung may mga emergency sa trabaho o di kaya ay nasa ibang bansa for business matters.Maaga siyang nagising dahil napag-usapan nila na ang venue sa today’s bonding ay sa beach resort nang kaibigang si Ysabell sa Batangas. Naka-reserve na raw ang buong resort para sa kanilang magkakaibigan. Ganoon talaga ang ginagawa nila kapag gusto nang buong barkada ng out of town trip. Noong nakaraan ay sa hacienda Sandler ni

  • My Beloved Bodyguard   Chapter Eighteen

    It was Friday afternoon. The thought of missing someone is really terrifying. Hindi alam ni Shamia kung bakit, pero bigla na lamang pumasok sa isip niya ang binata habang nakaharap sa laptop to process the on going procedures for the magazine that they’re going to launch this month.Shit! Why now? Bakit bigla niya na lamang itong na-miss? Siguro’y dahil sa araw-araw na naman itong nambubulabog.She hate to admit but she like him being around.

  • My Beloved Bodyguard   Chapter Seventeen

    “Miss Shamia dumating na po iyong titulo ng hacienda na binili niyo sa probinsya.” Salubong ni Pia sa dalagang amo nang makapasok ito sa opisina.After another week pinayagan na rin si Shamia nang magulang na pumasok sa trabaho. Siguro’y naingayan na rin ito dahil sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ngawaan ang ina dahil sobrang tigas ng ulo.Sinabing huwag ng mag-gagalaw dahil bawal dito. Binawalan na rin kasi ito nang doktor dahil sa sobrang maselan na pagbubuntis nang mommy niya dahil na rin sa katan

  • My Beloved Bodyguard   Chapter Sixteen

    She was in her office when her friends arrived. Sunod-sunod dumating ang mga ito at isa-isa siyang niyakap. Maliban kay Ysabell.“Oh my god! Are you okay?” agad na usisa ni Krysta. Na sinusuri pa siya.“Kumusta ka?” tanong naman ni Lourine na nakaupo na sa harap ng kaniyang table.“I’m fine.” Sagot ni Shamia saka isa-isa ang mga itong nginitian. “OA

  • My Beloved Bodyguard   Chapter Fifteen

    ISANG buwan na matapos ma-discharge sa hospital si Shamia. At hindi siya hinahayaan na magbalik na kaagad sa trabaho. Kung lalabas naman siya para mag-ikot-ikot at mamasyal, hindi siya hinahayaan na walang kasamang pamilya bukod pa sa limang bodyguard na itinalaga nang ama sa dalaga.Ayon sa mga ito ay kailangan niya iyon para sa safety purposes. Naalala niya tuloy ang nangyari ng magising siya.***

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status