Nagising si Shamia sa hindi pamilyar na silid. Agad siyang sinalakay ng kaba. Nag-madali siyang bumangon para sana makaalis na nang biglang sumigid ang sobrang sakit sa kaniyang sintido. Hindi niya alam kung dahil sa dami nang kaniyang nainom kagabi o dahil sa bigla niyang pagbangon.
Pero nasan nga ba siya? Hindi niya na matandaan na nakauwi siya kagabi. Naging pabaya siya kagabi at uminom ng uminom, siguro dahil palagay ang loob niya na may mag-uuwi sa dalaga sa mansion. Si Kaiser. Pero mukhang nagkamali siya dahil nagising siya sa hindi niya kilalang lugar.
Nasan nga ba ako? At mukhang manipis din ang kutson na kinahihigaan ko dahil masakit ang katawan ko.
Natawa siya dahil sa kabila nang kaba nagawa pa rin niyang pansinin ang kutson na hinigaan.
Agad siyang tumayo saka nagtungo sa pinto ng silid at akmang hahawakan ang door knob para mabuksan at makalabas pero nauna na iyong bumukas. Nagulat siya nang mabungaran si Kaiser.
“Oh gising ka na pala, Good afternoon.” Nakangising bati nito sa dalaga. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagka-aliw at panunukso.
Kinunutan niya ito ng noo. “Where am I?” At lalo siyang nagtaka dahil sa pagbati nito. “Anong good afternoon?”
Tumawa muna ito nang mapanukso saka sumagot. “Alas dos na kasi ng hapon Ms.Sandler.” anito saka pumasok ng silid.
Saka niya lang naalala na dapat ay itinatanong niya sa binata kung nasaan siya. Pero dahil sa katotohanang si Kaiser ang kaharap ay nawala na naman siya sa sarili. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!?”
Tumawa na naman ito na tila sayang-saya saka inilapag sa side table ang dala nitong tray na may pagkain. “Kumain ka muna Sham at saka uminom ka ng gamot para mawala ang hang-over mo tapos matulog ka ulit sandali.”
Muli siyang bumalik sa kama at naupo. “May ginawa ba akong katawa-tawa kagabi?” Napalingon si Kaiser sa dalaga dahil sa tanong niya. “Eh kasi naman kanina ka pa natatawa. Parang pinagtatawanan mo ako!” Pagmamaktol ni Shamia sa harap ng binata.
“Kumain ka muna saka ko sasagutin lahat ng tanong mo, don’t worry malinis ‘yan.” Ani Kaiser kaya wala siyang nagawa kundi ang kainin ang dala nito. Medyo mapili kasi siya sa pagkain.
Ang binata naman ay mataman siyang tinitingnan kaya medyo naiilang siya habang kumakain.
Matapos kumain iniligpit nito ang tray saka akmang lalabas na nang silid.
“Where are you going? I thought you're gonna answer my questions?”
“Ilalabas ko lang 'to tapos babalikan kita, wag kang mag-alala.” Anito at bago lumabas ay kumindat muna ito sa dalaga.
The heck? Uminit ang mukha ni Shamia dahil sa ginawa nang binata. Damn it!
Muli siyang humiga sa kama. Sinunod niya ang sinabi ni Kaiser na matulog ulit pero hindi na siya dalawin nang antok.
Sa pagtitig siya sa kisame para humanap ng dahilan para antukin ay sumagi sa isip niya ang mga pinag-gagawa niya nang malasing. Shit!
***
“Ang gulo pa rin talaga nila.” May ngiti sa labi na turan ng binata.
Hindi na niya naiintindihan pa ang mga pinagsasasabi nang lalaki dahil napaparami na lalo ang kaniyang nainom.
“Okey ka lang Sham?”
“Don’t worry kaya ko pa hihi!” Saad niya saka tumayo pero tila umaalon ang paligid niya kaya pakikamdam niya ay babagsak siya kapag hindi pa muli siyang umupo pero sadyang nakakawalang-hiya nga ata ang alak dahil nagsimula siyang lumakad patungo sa dance floor.
“Sham, where are you going? Teka! Shamia!” Rinig niyang talak nang binata sa likuran niya. Nakasunod ito sa dalaga.
Hindi niya pinansin ang lalaki at nagpatuloy sa mabuway na paglalakad. Pero hindi pa man siya nakakarating sa dance floor ay may humarang na sa kaniyang daraanan.
“Get out of my way bitch.” Angil niyasa babaeng humarang.
“Oh! The Sandler Princess is here! What a suprise. Akala ko hindi kailanman maiisip ng isang prestigious woman na magawi sa isang bar.”
“Oh Hi Pamela the bitch! Hik-ikaw pala yan. Get-ch out of ma way! I just wanna dance. Hindi mo naman pag-aari ang bar na’to right. Shoo!”
Sagot ni Shamia sa babae. Kahit na umiikot na ang kaniyang paningin dahil sa nainom ay napansin pa rin niya ang paglampas nang tingin nito mula sa kaniya patungo sa likuran. At alam na agad kung sino ang nakita nito.
Nilampasan siya nito pero bago pa ito makalapit kay Kaiser ay agad niya itong hinaklit na siyang naging dahilan nang muntik na niyang pagkadapa, mabuti na lamang agad na nakalapit ang binata at sinalo siya.
Ngayon para siyang bata na nakabitin sa leeg ni Kaiser.
“Hi handsome! Wanna dance with me?”
Sinamaan niya nang tingin ang babaeng hindi pa rin pala umaalis at nanatiling pinapanood silang dalawa ng binata. “Bakit hindi ka pa umalishhh!! Bitch?”
“I just wanna dance with this handsome eh! Hindi mo naman ata siya kasama, right handsome?” Anang babae na may gana pang haplusin ang braso nang binata na nakapulupot sa bewang ni Shamia.
Agad bumitaw si Shamia kay Kaiser saka walang habas na hinila ang buhok ni Pamela. “Back off! He’s mine.” Tili niya kaya hindi niyana narinigang pagkasamid ni Kaiser.
Alam niyang nakakahakot na sila nang mga manonood. Ang iba ay may hawak nang cellphone at kumukuha ng video.
Sigurado siya na bukas na bukas din ay headline siya nang balita but she don’t care, this ugly bitch dare to touch her man so this bitch deserve this! Matagal na siyang nagpipigil sa malanding babae na‘to. This bitch is also the reason why she broke up with her ex many years ago! Pero hindi iyon ang ipinagpuputok nang butsi niya kundi ang dahilang hinawakan nang babae ang dapat ay sa kaniya.
“Sham stop! Tama na yan. Let’s go home.” Narinig niyang awat nang binata kaya agad siyang tumigil. Baka maturn-off ito sa kaniya. Mahirap na! Dahil sa naisip ay napahagikhik siya.
“But she’s going to take you away from me!” At nagsimula siyang umiyak.
Umiling ito. “No no no baby! Shh stop crying.”
Nakita niyang susugod pa sana si Pamela nang may umawat na dito.
“Hindi pa tayo tapos Sandler tandaan mo iyan!” Ngawa nito pero hindi na niya pinansin dahil buhat na siya ni Kaiser palabas nang bar. He’s carrying her bridal style.
“Did you see her face? Haha! Buti nga sa kaniya.” Sabi niya habang ibinababa siya nito sa front seat ng sasakyan. Tumatawa-tawa pa siya habang nakapikit dahil talagang hindi na niya kayang imulat pa ang kaniyang mga mata dahil sa sobrang pagkahilo.
“Kaiser? Hindi mo naman ako pinakikinggan eh!” Reklamo nang dalaga ng hindi niya marinig na sumagot ang binata. Nagpapadyak pa siya. “Kai nasusuka ako!”
Baliw na ata siya, umiiyakkanina lamang tapos ngayon tumatawa.
Hindipa rin niya nararamdaman ang pag-galaw ng sasakyan.
“Shit! teka lang wag kang susuka jan.” Narinig niyang sabi ni Kaiser saka ang pagbukas-sara nang pinto sa banda nito. Maya-maya ay bumukas naman ang pinto sa kaniyang tabi. “Halika!”
Hindi pa man siyatuluyang nakakababa nang sasakyan ay nagsuka si Shamia.
Shit! First time niyang uminom at malasing. Ganito pala ang pakiramdam. Ang sakit sa lalamunan.
Habang nagsusuka ay may naramdaman ang dalaga na kamay na marahang humahaplos sa kaniyang likod kaya medyo um-okey na ang pakiramdam niya.
“Okey ka na?”
Tumango ang dalaga.
“Okey let’s go home.” Inalalayan siya ng binata upang muling makapasok sa kotse.
“Kaiser ayoko umuwi sa bahay. Pagagalitan ako ni Manang Leny!” Ungot niya sa binata.
“Hah? Saan kita iuuwi?”
“In your place.” Bulong niya. Hindi na masiyado nagpo-proseso ang isip niya dahil tinatamaan na rin ang dalaga nang antok.
“But---”
“No buts please.”
Narinig ni Shamia pa ang buntong-hininga ni Kaiser pero sa huli ay pumayag na rin. “Okey!”
***
Shit! Shit! Shit!
Anong mga kabaliwan ang nagawa niya?
Hindi na kailangan pa na hintayin niya ang pagsagot ni Kaiser sa kaniyang mga katanungan dahil isinampal na sa kaniya ang mga pinag-gagawa niya kagabi. Damn it!
Nagmamadaling bumangon ang dalaga at lumabas nang silid, tumambad sa kaniya ang pasilyo. Inilibot ni Shamia ang tingin sa paligid habang dahan-dahang naglalakad.
Nagulat siya nang bumukas ang isang pinto. At lumabas doon si “Mang Ton-ton?”
"Oh? gising na kana pala Mam. Kumusta po ang tulog niyo?”
Nangunot ang noo niya. And then it hit her! Nasa quarter siya nang kaniyang mga tauhan!? Sa sobrang kalasingan nakalimutan na niya na sa quarter nga din pala nang mga tauhan tumutuloy ang kaniyang bodyguard.
Shit! Ano pa bang kahihiyan ang aabutin ko?
“Mam? Okey lang kayo?”
“Okey lang po.”
“Sandali Hija at tatawagin ko si Leny.” Anito saka nagmamadaling tumalikod.
Nagmadali siyang naglakad at lumabas nang quarter pero hindi pa man tuluyang nakakalabas ay may narinig siyang boses kaya sinundan niya kung nasaan iyon.
Epekto pa rin ba ito nang alak? Bakit ba pakikinggan pa niya ang naguusap?
Hayy! Oo na. Dahil boses ni Kaiser ang naririnig niya. Tsk!
Nakangiti ito habang may kausap sa telepono.
“Yes sweetie... Oo! Uuwi din naman ako. Huh? Hindi pa today, pero don’t worry pag may pagkakataon uuwi agad ako.” Tumawa ito na tila may sinabing nakakatawa ang nasa kabilang linya. “Sige! Bye... I love you! Oo nga po. Uuwi ako promise!”
Agad naglakad palayo ang dalaga nang ibulsa na nito ang aparato.
Bakit ang sakit sa dibdib nang mga narinig ko? Ngayon niya lang nakita ang ngiting iyon sa binata. Tila masayang-masaya ito dahil pati ang mga mata ay ngumingiti rin.
Damn it! Ang sakit nang dibdib ko. Nang marating ang mansion sinalubong siya nang tatlo niyang aso na german sheperd, tila masayang-masaya ang mga ito na makita siya dahil iwinawagayway ng mga ito ang buntot. Pero hindi niya pinansin ang mga ito maging ang mga kasambahay na bumati sa kaniya.
Dahil pakiramdam niya babagsak anumang oras ang luha na kanina pa niyang pinipigilan.
Nasasaktan ako pero wala akong karapatan. Aniya sa isip habang nakadapa sa kama at nakasubsob ang mukha sa unan.
Nagising si Shamia Gyllette sa mararahang katok sa pinto ng kaniyang silid. Nakatulog siya dahil sa labis na pag-iyak. Masyado siyang naapektuhan sa kaniyang mga narinig kanina, masyado niyang dinibdib ang mga narinig na animo kasintahan niya ito na nahuling nagtataksil. Apektadong-apektado siya pero kahit ganoon ay kailangan niyang itago ang nararamdamn dahil anumang oras ay maari nilang mabunyag ang nararamdaman niya.Dahan-dahang bumangon ang dalaga, nahagip ng kaniyang paningin ang orasan na nasa side table. Alas nueve na nang gabi. Nangunot ang noo niya nang mapagtanto na gabi na nga pero bakit may kumakatok pa rin sa kaniyang silid.
Matapos ang stressful na problema sa Shamia’s Magazine ay agad na ring nakauwi ng Pilipinas sina Shamia.Nahuli na ang salarin sa pagkawala nang 100 million pesos sa kompaniya. Ang CFO ng kompaniya. Inimbestigahan ito dahil ito lamang ang maaring maging suspek dahil ito ang humahawak ng pera ng kompanya. At napatunayan nga na totoo.At sa kasalukuyan ay sakay na sila ng private plane pabalik ng Pilipinas.
Muntik nang mahulog sa silya at mabilaukan sa kinakain si Shamia dahil sa ginawa ng lalaki. Malakas ang topak!Mabilis niyang inabot ang tubig at uminom. Ano bang pumasok sa isip nito at may pakindat-kindat pang nalalaman? Masiyado na yata itong at ease sa pakikitungo sa dalaga?Mabilis na tinapos ni Shamia ang pagkain at nagpaalam na babalik sa kaniyang silid para ituloy na ang pagpapahinga.&ld
Hindi pa rin siya tinitigilan ni Krysta sa pangungulit. Panay pa rin ang usisa nito sa kaniya tungkol sa nasaksihan nito kanina.Si Kaiser ay agad ding lumabas matapos iabot sa kaniya ang miryenda. Kaya naiwan siya sa mangulit na kaibigan. Agad din nitong ibinalita sa dalawa pa nilang kaibigan ang nakita.“Yung totoo? Wala kayong label? Pero may kiss na agad na nagaganap huh?”“
“Ms. Alvaro can you call my bodyguard? Papasukin mo siya dito sa opisina ko.” Wika ni Shamia kay Pia gamit ang intercom.“On it Mam.”Hindi naman nagtagal at pumasok ang binata. “Yes Sweetheart? Miss me?”“I need to talk to you about something.”
It took an hour to reach the port where they can ride a ferry to reach the province. Hinayaan niya lamang si Kaiser na asikasuhin ang mga kailangan para makasakay ng barko. Hindi naman kasi siya pamilyar sa mga ganoong bagay dahil hindi niya alam ang paba-biyahe through sea.Nang matapos ang pagaasikaso nang binata ay itinaas na nang nagbabantay sa pagpasok ng barko ang harang para makadaan ang sasakyan.“Pwede kang lumabas ng sasakyan habang nagbi-biyahe. Maiinip ka jan sa loob ng van.” Anang binata nang mag-settle na ang van sa loob
“Nay... Tay si Shamia Sandler po girlfriend ko! Babe si Nanay Belinda at Tatay Karlito.” “Hello po sa inyo! Mam, Sir!”“Jusmiyong bata ari ee! Tatay at Nanay na lamang daw naman ang tawagan sa amin ening ay!” litanya ni Tatay Karlito na hindi mapigilang mapakamot sa ulo. Natatawa naman si Nanay Belinda dahil sa reaksyon ng asawa.“Ah opo... Nanay hmm&mda
Tila ilang oras pa lamang ang tulog nang magkasintahan ng naulinigan na agad ni Shamia ang pagtilaok ng mga manok. Mayroon rin siyang naririnig na bumubulong-bulong sa tabi niya. Hindi niya iyon pinansin dahil sa talagang inaantok pa siya ng sobra. Sumiksik pa siya lalo sa katabi.“Hayae na muna sina kuya mo! Wag maingay jan, mga pagod yan sa biyahe.”“Nanay ba’t napunta na dine si Ate Sham? Katabi ko kayang tumulog ari sa kwarto!”
“GYLLETTE!”“Po?”“Oh?”Natawa si Kaiser ng sabay na sumagot ang kaniyang mag-ina. Ang kanilang panganay na anak ang kaniyang tinatawag ngunit maging ang kaniyang asawa ay sumagot rin. Hindi maiiwasan na ganoon ang mangyari dahil nga sa pareho ang mag-ina nang pangalawang pangalan.
“KAISER!!!”“Ano ba Shamia, ang ingay-ingay mo! Natutulog ang kapatid mo!” singhal nang Mommy ni Shamia sa kaniya. Nakahiga sa kuna sa sala ang isang taong gulang niyang kapatid. Tinatawag niya kasi si Kaiser dahil inutusan niya itong kunin ang phone niya sa kwarto pero kanina pa ito hindi pa rin nagbabalik. Hindi na kasi siya makakilos ng maayos. Malapit na kasing lumabas ang first baby nila ni Kaiser.
“Sarap talaga kapag libre!” Matapos kumain ay agad na komento ni Krystaleen. Kahit kailan talaga kung umasta ang babae parang hindi kumikita ng milyones.“Kapal talaga ng mukha mo!” Pambabara agad ni Ysa dahil ito ang nanlibre ngayon. Hindi na sila nito pinagbayad dahil natural ini-reserve nito ang buong beach resort para sa bonding nila.Kasalukuyan silang naglalakad-lakad sa dalampasigan. Nauuna ang tatlo sa paglalakad samantalang sila ni Kai ay nasa hulihan. Panaka-nakang lumilingon si Lourine sa banda nang magkasintaha
“Aray... aray... w-wait! Pakibitiwan ang buhok ko! Masakit!”“Talagang masasaktan ka!”“Magpapaliwanag ako, Shamia!”Kahit gigil na gigil pa rin dahil sa ginawa nang mga ito binitiwan na rin niya ang buhok nang mahaderang babae. Kita pa niya ang pagkalaki-laking ngisi ni Kaiser na nakasandal sa pader malapit sa kinaroroonan nila ng magaling na babae. Napansin n
Today is Saturday so it means its friends bonding day.Naglalaan ang magkakaibigan ng oras upang magkasama-sama. Maliban na lamang kung may mga emergency sa trabaho o di kaya ay nasa ibang bansa for business matters.Maaga siyang nagising dahil napag-usapan nila na ang venue sa today’s bonding ay sa beach resort nang kaibigang si Ysabell sa Batangas. Naka-reserve na raw ang buong resort para sa kanilang magkakaibigan. Ganoon talaga ang ginagawa nila kapag gusto nang buong barkada ng out of town trip. Noong nakaraan ay sa hacienda Sandler ni
It was Friday afternoon. The thought of missing someone is really terrifying. Hindi alam ni Shamia kung bakit, pero bigla na lamang pumasok sa isip niya ang binata habang nakaharap sa laptop to process the on going procedures for the magazine that they’re going to launch this month.Shit! Why now? Bakit bigla niya na lamang itong na-miss? Siguro’y dahil sa araw-araw na naman itong nambubulabog.She hate to admit but she like him being around.
“Miss Shamia dumating na po iyong titulo ng hacienda na binili niyo sa probinsya.” Salubong ni Pia sa dalagang amo nang makapasok ito sa opisina.After another week pinayagan na rin si Shamia nang magulang na pumasok sa trabaho. Siguro’y naingayan na rin ito dahil sa loob ng isang linggo ay wala siyang ibang ginawa kundi ang ngawaan ang ina dahil sobrang tigas ng ulo.Sinabing huwag ng mag-gagalaw dahil bawal dito. Binawalan na rin kasi ito nang doktor dahil sa sobrang maselan na pagbubuntis nang mommy niya dahil na rin sa katan
She was in her office when her friends arrived. Sunod-sunod dumating ang mga ito at isa-isa siyang niyakap. Maliban kay Ysabell.“Oh my god! Are you okay?” agad na usisa ni Krysta. Na sinusuri pa siya.“Kumusta ka?” tanong naman ni Lourine na nakaupo na sa harap ng kaniyang table.“I’m fine.” Sagot ni Shamia saka isa-isa ang mga itong nginitian. “OA
ISANG buwan na matapos ma-discharge sa hospital si Shamia. At hindi siya hinahayaan na magbalik na kaagad sa trabaho. Kung lalabas naman siya para mag-ikot-ikot at mamasyal, hindi siya hinahayaan na walang kasamang pamilya bukod pa sa limang bodyguard na itinalaga nang ama sa dalaga.Ayon sa mga ito ay kailangan niya iyon para sa safety purposes. Naalala niya tuloy ang nangyari ng magising siya.***