"B-boss Walter-" Nakaluhod at nagmamakaawa ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Walter. Bakas ang matinding takot. Nanginginig at pinagpapawisan. Nanlilisik na tinitigan ito ni Walter saka sumenyas kay Galaps. Lumapit ang kanang-kamay nito at walang pag-aatubiling dinukot ang baril sa beywang, itinutok at pinaputok sa sentido ng kasamahan. Walang emosyon na nakamasid lang ang mga nasa paligid. Pangkaraniwang tanawin kapag may pumapalpak na transaksyon. Ang kalupitan ni Walter ay inaasahan na ng grupo. Buhay ang katumbas sa bawat katangahan. Walang awa na iniligpit at nilinis ng iba pang mga tauhan nito ang katawang duguan at wala ng buhay. Hindi iisang beses lang silang nagbaon ng bangkay sa malawak na bakuran ng mansyon ni Walter. "Galaps!" Baling ni Walter sa kanang-kamay nito. Mabilis naman itong tumalima. "Alamin mo ang nasa likod ng pagraid ng Warehouse." Mariing utos nito. Tumango naman ito. "Pero tanggapin mo muna ang reward ko." Napangising demonyo si Galaps, baw
Ini-enjoy ni Charline ang huling araw nila sa "Mi Amore" kahit gusto niya na din namang umuwi dahil namimiss niya na ang magninang. Hindi nila isinama ang mga ito dahil ayaw niyang mapagod ang anak. Babawi na lang sila rito kapag nakauwi na, pangako niya. Hinubad niya ang tsenilas at nagyapak sa buhanginan habang hinahampas ng mumunting alon ang kaniyang mga paa. Pansamantala niyang kinalimutan ang presensya ng dalawang asungot na may atraso sa kaniya na nasa di-kalayuan. Habang si Xander naman ay abalang nakikipagkwentuhan sa ilang VIP guest ng Resort kabilang si Governor Ariel na dumating kahapon para bumisita at makita ang bagong bukas na Island Resort ng mga Vergara, kasama nito ang buong pamilya nito. Maliliit ang mga paghakbang habang naglalakad-lakad siya at tinatanaw ang malawak na karagatan saka napapasulyap sa pamilya ng Governor na masayang naglalaro ng volleyball sa malawak na aplaya. May apat na itong mga anak na malalaki na kasama ng mga ito para magrelax, dalawang lala
"Parang hindi nanggaling sa beach ah! Maganda pa rin?!" Birong bungad ni Alyssa. Natatawang Inirapan ni Charline ang kaibigan. "Ang inaanak mo?" "Hindi kayo namimiss, ako talaga ang tunay niyang ina." Napangiti ang mag-asawa nang makita ang papalapit na anak na mabilis na yumakap sa ama. "Good boy ka ba Aj?" "Yes, Mommy." "Yung bilin ko na huwag lalayo at lalabas ng bahay sinunod n'yo ba ng Ninang mo?" Tanong ni Xander sa anak. "Yes, Dad. Saka lagi naman pong naka-bantay ang jowa ni Ninang eh." Napamaang si Charline sa narinig, kumunot naman ang noo ni Xander dahil hindi naintindihan ang salitang jowa. Natatawang nag-blush naman si Alyssa. "Ano na namang itinuro mo sa bata, Alyang?" Baling ni Charline rito. "Si Tito Choi po, jowa ni Ninang." Ang isa sa mga bodyguard na hinire ni Xander ang tinutukoy nito"Jowa?!" Pasimpleng inirapan ni Charline ang kaibigan. "Aj naman, 'lika na nga." Tila kinikilig namang nag-iwas ng tingin si Alyssa. "Alyang?" "Nagbibiruan lang kami." P
"Tinatanggalan mo ako ng karapatan?!" Nagsalubong ang kilay ni Dan. Ngumisi saka napailing. Nilaro-laro ang hawak na ballpen, nagpalipat-lipat ang tingin nito mula sa mga dokumentong nasa harap ng lamesa at sa mukha ng seryosong si Xander. Tahimik na nakamasid si Kimberly, ang abogado ng mga Vergara at ang dalawang bodyguard nito na nakatayo malapit sa pintuan ng silid ng opisina ng CEO ng Gallore."Pirmahan mo na 'yan, ibinabalik ko na rin sa'yo ang lahat ng perang in-invest mo sa kompanya ko." Maawtorisado at pormal na saad ni Xander. "Hindi mo pwedeng gawin sa'kin ito, Xander." Nagtagis ang bagang nito, bakas sa gwapong mukha ang pagtutol. "Mr. Carcuevas, hindi ako nag-aalaga ng ahas." Nagsukatan sila ng tingin saka napa-buntonghininga ito na tumingin sa abogado. "Lahat naman ay nai-proseso sa legal na paraan, Mr. Carcuevas. Basahin mo saka pirmahan." Sabad ni Attorney Arnel Palope. "Kung hindi ako pumayag?" "Well, idadaan pa rin namin sa legal na proseso. May mga hawak kaming
Umikot ang tingin ni Charline sa paligid ng silid na kinaroroonan nang magkamalay. Mabilis na tinungo ang pintuan na nakasara, natatarantang pinihit ang doorknob. Naka-locked? "Walter! Walter please! Palabasin mo ako!" Iniisip niya ang kalagayan ng asawa. Luhaang pinaghahampas ng kamay ang pinto. Pero tila bingi ang mga taong nasa labas ng silid. Nanghihinang napaupo na lang si Charline at napahagulgol. Ikinulong siya ni Walter. Paano na ang anak niya? Bumalik siya sa kama saka umupo sa gilid. Hinayaang maglandas ang luha sa magkabilang pisnge. Magkahalong-takot at kilabot ang nararamdaman. Alam niyang hindi siya bubuhayin ni Walter. Sapilitang aangkinin. Nakatulalang napahiga siya ng kama ngunit mabilis na napabangon nang bumukas ang pinto at iluwa ang bulto ni Walter. Napaatras siya at napasandal sa headboard ng kama. Itinupi ang mga tuhod. "Kumusta ang mahal kong Reyna?" nakangising tanong nito. "Pakawalan mo na ako!" "Matagal kong hinintay ang sandaling ito, Charline. Bakit
"Walter please...Gusto ko lang malaman ang kalagayan ng asawa ko?" Luhaan na nagsusumamong pakiusap ni Charline. Ngunit tila bingi ito na sa halip na sumagot ay sumenyas lang sa mga tauhan nito na alisin na ang piring sa kaniyang mga mata.Tumambad sa paningin ni Charline ang sementado at malawak na pantalan. Ang yate at speedboat na kinalululanan ng ilang tauhan nito na armado. Nasa tabing-dagat siya?"Nas'an ako?" Kinakabahang tanong niya kay Walter. "Sa Resort." Walang emosyong mababasa sa mukha na sinulyapan siya nito. "Ibalik mo na ako sa asawa ko!" "Wala ka ng asawa! Akin ka!" Singhal nito kay Charline.Iginiya siya nito pasakay ng speedboat. Tila gusto nang tumalon ni Charline sa tubig ngunit hindi siya marunong lumangoy man lang kaya tiyak na malulunod siya at tuluyan nang hindi makikita ang kaniyang mag-ama.ATUBILI si Charline sa paghakbang para tawirin ang ladder na aapakan upang bumaba sa pantalan ng resort na pinagdalhan sa kaniya ni Walter. Pinigilan niya ang mamangh
Niyakap ni Alyssa ang inaanak saka pinahid ang luha. "Hindi ka ba sasama Ninang?" Nag-umpisa na ring umiyak si Aj. Umiling si Alyssa. Panahon na para ibigay niya sa inaanak ang karapatan nitong makasama ang mga lolo't lola nito. Isasama ang inaanak niya papuntang America kung saan kasalukuyang nagpapagaling si Xander. Matapos kasing ma-comatose ito dahil sa matinding pinsala na tinamo mula sa pagkaka-hampas ng baril sa ulo ay dinala na ito sa ibang bansa ng pamilya nito. "Susunod kami ng Mommy mo." Pagsisinungaling niya rito. Tiningnan niya si Mrs. Vergara na tinanguan lang siya saka iginiya na ang apo para isabay sa paglalakad papasok sa International Airport. Wala silang planong ipagtapat kay Aj na may pinagdadaanan ang pamilya nito. Masyado pa itong bata para maintindihan ang sitwasyon ng mga magulang."MA'AM Alyssa...Umuwi na ho tayo." Untag ni Emildan, isa sa mga bodyguard na hinired ni Xander para bantayan silang mag-ninang. Team-buddy ni Choi na isa sa mapagkakatiwalaan ng mg
Napamaang si Charline sa bumungad sa kaniyang harapan, malamlam ang liwanag sa loob ng silid na pinagdalhan sa kaniya ni Walter tila isang pribadong silid sa ilalim ng isang basement. Nagtatanong ang mga matang nilingon niya ito.Ngumisi lang ito at deretsong pumasok sa silid at komportableng umupo sa sofa. Biglang kinabahan si Charline, nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang tauhan nito sa gawing likuran ni Walter. Nagbabakasakaling may sumagot sa tanong niya. Ngunit napanatili ng mga ito ang tila blangko at malamig na ekspresyon ng mukha bago lumabas ng silid."W-walter anong ibig sabihin nito?" Nagsimula nang gumiling sa harapan nito ang dalawang seksi at naggagandahang babae. Sinabayan ang saliw ng maharot na tugtugin. Halos wala na itong saplot sa suot nitong T-back undies. Si Charline na ang nahiya para sa mga kapwa-babaeng nagbebenta ng aliw. Nakalantad ang malulusog na dibdib na nagpakiwal-kiwal at umindayog sa gitna ng silid. "Mga lasing ba sila?" Pakiramdam ni Charline nasa
ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno
DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n
MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at
MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang
BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya
"BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!
ISANG malakas na pagsabog ang nagpabalikwas kay Charline mula sa pagkakahiga. Nahihilo siya kaya pinili niya sanang magpahinga sa Room 101 ng Gallore. Nahintakutang bumangon siya at napatakbo sa labas. "Ricky, anong nangyayari?!" Alerto naman ang mga itong inalalayan na siyang makalabas. Nakita niya ang nagkakagulo at natatarantang pagtakbo ng maraming guest at empleyado. "Ma'am, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar." Hindi na siya sumagot pa dahil kumakapal na ang usok sa buong establisiyemento. Nagsimula na siyang umubo ng umubo dahil sa usok. Nakita niya ang mga bodyguard ni Xander sa 'di kalayuan. "Ang asawa ko?!" Kinakabahan niyang sigaw. "Sina Choi na po ang bahala, Ma'am!" Hindi maintindihan ni Charline kung saan humuhugot ng pagiging kalmado ang mga ito sa kabila ng nangyayari? Sumabay sila sa hugos ng maraming tao papalabas ng building. Umikot ang tingin ni Charline sa paligid at hinanap ang asawa pero wala si Xander. "Ang asawa ko?!" Wala siyang narinig na sagot, igi
"Kumusta?" Baritonong tinig na mabilis na nagpakabog sa dibdib ni Charline. Mabilis na nagpalingon sa kaniya ang pinagmulan ng tinig. Napaatras siya sa wall at mabilis na rumehistro ang takot sa mukha. "W-walter?" Umikot ang paningin niya sa paligid. Nasa ikatlong palapag siya ng Gallore. Nas'an si Ricky? Ang bodyguard niya? Humigpit ang pagkakahawak niya sa sling-bag at kahit pa halos mangatog na siya sa takot ay iniisip niya pa ring tumakbo palayo. Ngumisi si Walter. Ngunit mabilis na naging masuyo ang mga tingin nito kay Charline. Napatili si Charline nang hilain siya nito palapit sa katawan nito. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib. Langhap niya ang hininga ni Walter. "Mabilis lang ito, namiss lang kita." Mabilis na sumapo sa dibdib niya ang kamay nito, gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Charline, ang takot na hatid ng bawat dantay ng palad ni Walter. "Wag-" Iniwas ni Charline ang katawan tila nag udyok lang kay Walter na damahin pa ang pa ito. Nagpumiglas
"Ipatumba n'yo na si Alexa! Lahat ng walang silbi sa organisasyon, alisin sa landas ng samahan!" Tumango si Galaps at sumenyas sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga ito na alam na ang gagawin. "Anong gagawin namin kay Celeste, Boss?" Bungad nang kapapasok lang ng isa pang tauhan ni Walter. "Ibaon n'yo ng buhay!" Nagtagis ang bagang ni Walter. Natuklasan nito ang pagtatraydor ni Celeste at pakikipagsabwatan kay Dan. Ang ginawang pagtatangka ni Dan kay Charline ay hindi niya matatanggap. Lahat ay ipapapatay niya! "Masusunod Boss!" Inihulog sa malawak na ilog ang wala ng buhay ng katawan ni Celeste. Walang awang iniwan nang mabilis ng grupo ng mga tauhan ni Walter na nagpalutang-lutang sa tubig. NAGKIKISLAPAN ang mga camera habang ini-interview si Xander ng mga reporter. Matapos mapabalita ang magkakasunod na pagkatuklas sa pagkamatay nina Dan at Celeste tila naging mas mainit na pinag-usapan ang Kahlvati Gallore Empire. Naging kontrobersyal ang pagkakadawit ng mga ito sa gin