Bihis na si Charline nang lumabas ng banyo si Mr. Vergara, halatang alaga sa ehersisyo ang katawan nito para itong modelo sa mga nababasa n'yang men's magazine, iniwas ng dalaga ang paningin sa ibabang bahagi ng katawan nito na natatakpan lang ng maikling tuwalya. Nahihiya s'yang nagyuko ng ulo nang tingnan s'ya nito. Para s'yang alipin na naghihintay na manduhan ng amo."Follow me." Narinig n'yang muling utos nito. Tapos na itong magbihis, naka-suot ito ng simpleng short at white t-shirt na tila lalo lang nagpadagdag sa karisma nito. Sinundan n'ya ito palabas ng silid.Tinalunton nito ang maluwang na sala saka binuksan ang may kalakihang pinto na yari sa kahoy na may kakaibang ukit na hindi n'ya maintindihan. Bumungad sa dalaga ang may kalakihang Dining Area, may mahabang dining table na tingin n'ya ay tila mamahaling antigo. Tanaw n'ya ang katamtamang luwang ng kusina mula sa kinatatayuan. Para s'yang nasa lumang pelikula ng international movies."
Lumapag ang chopper na kinalululanan nila sa malawak at puting buhangin. Namangha ang dalaga sa ganda ng Island Private Resort, matatagpuan ito sa pinaka-dulo na yata ng Southern Palawan, hugis-parihaba ito na may puti at pinong buhangin. Nakita n'ya ang isang malaking arko na may malaking karatula sa hindi kalayuan, malinaw ang pagkakasulat ng pangalan ng Resort "Welcome to: Onuk Island, Balabac, Palawan." Para s'yang nasa isang paraiso. Tumuloy sila sa isang malaking bamboo house na nakatayo sa gitna ng isla, napapalibutan ito ng coconut tree at iba't ibang halaman. Pakiramdam ni Charline hindi s'ya magtatrabaho kundi magbabakasyon. Sinalubong sila ng caretaker ng isla at iginiya papuntang kusina. Biglang kumalam ang sikmura ng dalaga, nang makita ang nakahaing seafoods at umuusok na kanin. Napasulyap s'ya kay Mr. Vergara, bahagya s'yang namula nang magkasalubungan ang tingin nila. Matapos kumain, tinulungan n'ya ang mag asawang caretaker na nakilala n'ya sa pangalang Aling Jah at
Bumilis ang pagtahip ng dibdib ni Charline ng bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang binatang tanging tuwalya lang ang takip sa gawing ibabang bahagi ng katawan. Iniwas n'ya ang paningin sa binata at tumayo. Kailangan n'yang huminga bago pa tuluyang kapusin ng hangin."Saan ka pupunta?""M-magpapahangin lang." Walang lingon-likod na tinungo n'ya ang pinto ng silid. Ngunit maagap itong humarang. Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ng dalaga nang tumingala s'ya rito at pilit salubungin ang mga titig ng binata. Napasinghap s'ya nang bigla na lang s'ya nitong hapitin palapit sa katawan nito."No! Dito ka lang." Nanlaki ang mga mata ng dalaga, pakiramdam n'ya ay tila naninigas ang bawat himaymay ng kany'ang laman. Langhap n'ya ang mabangong katawan nito na naghatid sa kan'ya ng kakaibang sensasyon. Ipinikit n'ya ang mga mata nang mahulaan kung ano ang susunod nitong gagawin.Unti-unting napalitan nang kakaibang sensasyon ang kanina'y takot na bumabalo
Napasinghap si Charline sa napaka-gandang tanawin. Kung nakita niya na ang ganda ng paligid habang papalubog ang araw, higit niyang nasilayan ang ganda ng Onok Island ngayong unti-unti ng binabalot ng liwanag ng sikat ng araw ang paligid. Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa kaniyang balat. At parang idinuduyan ng mahinang pag-ihip ng hangin ang mumunting alon sa dalampasigan. Tila natutukso na siyang hubarin ang see through mesh cover-up na nakatakip sa suot na one-piece swimsuit. Inilinga n'ya ang paningin sa paligid. Abala sa di-kalayuan ang staff ng resort. Iniwan niyang natutulog pa si Xander sa silid kaya medyo nakahinga s'ya ng maluwag sa isiping kahit papano ay ligtas s'ya sa mga titig nito.Mabilis niyang hinubad ang cover-up at hinayaang nasa buhanginan at inihakbang ang mga paa patungo sa tubig. Natukso siyang sumisid at nagparoo't parito sa hanggang balikat na lalim ng tubig.Naaliw siya sa pagtatampisaw at nakalimutang naroon nga pala siya dahil n
Hinapit ni Charline ang katawang tanging tuwalya lang ang nakatakip. Nag-uumpisa na namang tumambol ang dibdib niya ng bumukas ang pinto ng silid at iluwa ang bulto ng katawan ni Xander na tanging swimming trunks lang ang suot. Nagkasalubungan ang mga tingin nila. Namumula ang pisnge na mabilis siyang nag-iwas ng tingin at inihakbang ang mga paa upang tunguhin ang banyong naroon. Pakiramdam niya ay hinuhubaran na siya nito sa pamamagitan ng mga titig. Mabilis niyang isinara ang pinto ng banyo at sumandal mula rito. "Hindi mo kailangang i-lock ang pinto Charline!" narinig niyang sabi nito na pinihit pala ang seradura. Natatarantang lumayo siya sa pinto at hindi malaman ang gagawin? Papasukin ba siya nito sa banyo? Pumikit siya at isinahod ang h***d na katawan sa tapat ng bukas na shower. Pilit pinakakalma ang sarili.Biglang bumukas ang pinto na ikinatigagal niya, gusto niyang tumili ngunit naselyuhan na ito ng mga labi ni Xander. Mapusok siya nitong sinibasib ng halik
Sakay ng motorboat, nilibot nila ni Xander ang paligid ng isla. Magta- tatlong araw na sila sa isla pero hindi niya pa rin maiwasang hindi mamangha sa ganda ng mala-paraisong ganda nito. Tila sinadyang ikubli ng Lumikha ang ganda ng yaman nito sa paningin ng mas marami dahil halos nasa pinaka-dulong bahagi na ito ng Hilagang-Silangan ng Pilipinas. Nanghihinayang ang dalaga na iilan lang ang maaaring umapak sa isla dahil pribado ito. Ngunit ayon sa caretaker, malapit na itong buksan sa publiko at tumanggap ng mga turistang nais magbakasyon sa Onok Island.Hinayaan niyang isayaw ng mabining ihip ng hangin ang nakalugay na mahabang buhok at pinagbigyan ang sariling pagmasdan ang coral reefs at iba't ibang uri ng isda sa hindi kalaliman at napakalinaw na tubig-dagat. Inihulog ni Xander ang pondo ng motorboat matapos nitong patigilin ang makina. Nagpalutang-lutang ang bangkang kinalululanan nila ilang metro ang layo mula sa pampang. Nakita niya sa sulok ng mga mata na naghu
"Kilala mo ba kung sino 'yang kasama mo?!" tumitili pa ang kaibigan sa kabilang-linya. Mabuti na lamang mabilis na nailayo ni Charline ang hawak na cellphone sa tainga, sa lakas ba naman ng boses ni Alyssa tila kaya ng bumasag ng eardrum nito."Oo naman, si Alexander Vergara. Anong nakakagulat 'dun?" pabalewala niyang sagot saka sinulyapan si Xander na nakaupo sa dulong bahagi ng wooden bridge. Nakatanaw ito sa gawing bahagi ng sunset at pinagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw. Sa ilang araw nilang pananatili sa isla, natuklasan niyang nature lover ito kahit hindi pala-salita."Anetch?! Hindi mo ba alam na multi-billionaire 'yang hot fafah na kasama mo? Nagmamay-ari lang naman ng maraming Construction firm at stockholder ng mining company sa Palawan. Ang swerte mo! Tiba-tiba ka girl! Malaki ba?" tumitili na naman ito.Bahagyang nagblush ang pisnge ng dalaga kahit hindi siya nito nakikita. Nahihiya siya rito kahit papano."Ano malaki ba? Ito naman nahiya pa!" u
Pumasok ang motorboat na sinasakyan nila Charline sa tila bukana papasok sa sinasabing pinaka-Bayan ng Balabac. Matapos ang halos isang oras na byahe, natanaw na nila ang mahabang sementadong pantalan na sinadyang paabutin sa pinaka-malalim na bahagi ng tubig. Marahil ay isinaalang-alang ang naglalakihang bangka at ilang lantsa na nakadaong sa gilid ng pantalan upang hindi sumadsad sa buhangin. Tanaw niya ang maraming kabahayan na ang karamihan ay nakatayo sa tubig. Tila hindi napag-iiwanan sa usaping progresibo ang naturang Bayan. Napansin niya kasi ang mga wire na linya ng kuryente at ang mga cable wi-fi na nasa mga bubungan, iisa lang ang ibig sabihin may access sa internet ang lugar. Inalalayan siya ni Xander na makaakyat sa ladder na inihugos ng mga stevedore. Bahagya siyang nakadama ng kilig ng hawakan siya nito at tiyaking hindi siya mahuhulog. "Welcome, Mr.Vergara sa aming Hometown!" pagbati ng lalakeng sa tingin niya ay ang mismong Alkalde ng Bayan na nagmam
ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno
DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n
MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at
MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang
BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya
"BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!
ISANG malakas na pagsabog ang nagpabalikwas kay Charline mula sa pagkakahiga. Nahihilo siya kaya pinili niya sanang magpahinga sa Room 101 ng Gallore. Nahintakutang bumangon siya at napatakbo sa labas. "Ricky, anong nangyayari?!" Alerto naman ang mga itong inalalayan na siyang makalabas. Nakita niya ang nagkakagulo at natatarantang pagtakbo ng maraming guest at empleyado. "Ma'am, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar." Hindi na siya sumagot pa dahil kumakapal na ang usok sa buong establisiyemento. Nagsimula na siyang umubo ng umubo dahil sa usok. Nakita niya ang mga bodyguard ni Xander sa 'di kalayuan. "Ang asawa ko?!" Kinakabahan niyang sigaw. "Sina Choi na po ang bahala, Ma'am!" Hindi maintindihan ni Charline kung saan humuhugot ng pagiging kalmado ang mga ito sa kabila ng nangyayari? Sumabay sila sa hugos ng maraming tao papalabas ng building. Umikot ang tingin ni Charline sa paligid at hinanap ang asawa pero wala si Xander. "Ang asawa ko?!" Wala siyang narinig na sagot, igi
"Kumusta?" Baritonong tinig na mabilis na nagpakabog sa dibdib ni Charline. Mabilis na nagpalingon sa kaniya ang pinagmulan ng tinig. Napaatras siya sa wall at mabilis na rumehistro ang takot sa mukha. "W-walter?" Umikot ang paningin niya sa paligid. Nasa ikatlong palapag siya ng Gallore. Nas'an si Ricky? Ang bodyguard niya? Humigpit ang pagkakahawak niya sa sling-bag at kahit pa halos mangatog na siya sa takot ay iniisip niya pa ring tumakbo palayo. Ngumisi si Walter. Ngunit mabilis na naging masuyo ang mga tingin nito kay Charline. Napatili si Charline nang hilain siya nito palapit sa katawan nito. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib. Langhap niya ang hininga ni Walter. "Mabilis lang ito, namiss lang kita." Mabilis na sumapo sa dibdib niya ang kamay nito, gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Charline, ang takot na hatid ng bawat dantay ng palad ni Walter. "Wag-" Iniwas ni Charline ang katawan tila nag udyok lang kay Walter na damahin pa ang pa ito. Nagpumiglas
"Ipatumba n'yo na si Alexa! Lahat ng walang silbi sa organisasyon, alisin sa landas ng samahan!" Tumango si Galaps at sumenyas sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga ito na alam na ang gagawin. "Anong gagawin namin kay Celeste, Boss?" Bungad nang kapapasok lang ng isa pang tauhan ni Walter. "Ibaon n'yo ng buhay!" Nagtagis ang bagang ni Walter. Natuklasan nito ang pagtatraydor ni Celeste at pakikipagsabwatan kay Dan. Ang ginawang pagtatangka ni Dan kay Charline ay hindi niya matatanggap. Lahat ay ipapapatay niya! "Masusunod Boss!" Inihulog sa malawak na ilog ang wala ng buhay ng katawan ni Celeste. Walang awang iniwan nang mabilis ng grupo ng mga tauhan ni Walter na nagpalutang-lutang sa tubig. NAGKIKISLAPAN ang mga camera habang ini-interview si Xander ng mga reporter. Matapos mapabalita ang magkakasunod na pagkatuklas sa pagkamatay nina Dan at Celeste tila naging mas mainit na pinag-usapan ang Kahlvati Gallore Empire. Naging kontrobersyal ang pagkakadawit ng mga ito sa gin