Share

Chapter 7

Author: RIAN
last update Huling Na-update: 2022-03-14 21:52:24

Sakay ng motorboat, nilibot nila ni Xander ang paligid ng isla. Magta- tatlong araw na sila sa isla pero hindi niya pa rin maiwasang hindi mamangha sa ganda ng mala-paraisong ganda nito. Tila sinadyang ikubli ng Lumikha ang ganda ng yaman nito sa paningin ng mas marami dahil halos nasa pinaka-dulong bahagi na ito ng Hilagang-Silangan ng Pilipinas. Nanghihinayang ang dalaga na iilan lang ang maaaring umapak sa isla dahil pribado ito. Ngunit ayon sa caretaker, malapit na itong buksan sa publiko at tumanggap ng mga turistang nais magbakasyon sa Onok Island.

Hinayaan niyang isayaw ng mabining ihip ng hangin ang nakalugay na mahabang buhok at pinagbigyan ang sariling pagmasdan ang coral reefs at iba't ibang uri ng isda sa hindi kalaliman at napakalinaw na tubig-dagat. Inihulog ni Xander ang pondo ng motorboat matapos nitong patigilin ang makina. Nagpalutang-lutang ang bangkang kinalululanan nila ilang metro ang layo mula sa pampang.

Nakita niya sa sulok ng mga mata na naghubad ito ng pang-itaas. Hindi niya napigil ang sariling hindi ito tingnan at pagkatapos ay mapalunok ng hindi sinasadyang bumaba ang tingin sa umbok na natatakpan ng swimming trunk. Nahihiyang nagbawi siya ng tingin ng makitang ngumisi si Xander saka pilyong kumindat.

"Hubarin mo na 'yan."tukoy nito sa floral dress niyang nakapatong sa suot na two-piece bikini. "Samahan mo akong maligo." utos nito.

Nag-aatubiling napatingin siya sa tubig.

"W-wala bang pating 'dyan?"

Tumawa lang ito at nilapitan siya. Sumikdo ang dibdib niya ng tulungan siya nitong maghubad.

Namumulang nag-iwas siya rito ng tingin ng malantad rito ang katawan.

"Perfect!" titig na titig ito sa malulusog niyang dibdib.

Gusto niya itong irapan pero kailangan niya ng masanay.

Tumalon na ito sa tubig. Bagamat atubili ay sumunod siya rito at nilangoy ang katig ng bangka at isinampay ang dalawang braso.

Naramdaman niya ang paglapit nito at mabilis siyang hinapit at kinintalan ng halik sa labi. Nagulat siya sa kapangahasan nito at napabitaw sa katig ng bangka na ikinalubog niya sa tubig. Mabilis naman siya nitong naalalayan at niyakap. Awtomatikong naiyakap niya ang mga braso sa batok ni Xander.

Titig na titig ito sa kaniya, napasinghap si Charline para siyang kakapusin ng hangin. Kumawala siya sa mga braso nito at lumayo. Tumawa ito na ikinainis niya kaya naisip niyang umakyat na lamang sa bangka. Hindi niya kakayanin ang presensya nito. Pinipilit niyang sumampa pero hindi niya maangat ang katawan. Hirap na hirap siya, habang pilit na bumibitin at iniaangat ang kabilang binti. Dumudulas ang basa niyang mga kamay sa hinahawakang gilid ng bangka. Naiinis na tuluyan na sana siyang bibitaw mula sa pagkakahawak ng maramdaman niya ang mga kamay na sumalo ng kaniyang pang-upo at marahang tumulak sa kaniya paakyat. Gusto niyang tumili ng maramdaman ang palad nito sa kaniyang balat.

Natatawang kinindatan siya nito, alam niyang punong-puno ng malisya ang paghawak nito sa ibabang bahagi ng katawan. Napaka-manyak! aniya ng isip niya. Gusto niya itong irapan pero mas pinili niyang magsawalang-kibo. Itinuon niya na lamang ang atensyon sa pagmamasid sa ilalim ng tubig at pilit binabalewala ang pag-iinit ng mga pisnge sa tuwing mapapatingin ito sa kaniya.

Nang tila magsawa na ito sa paglangoy ay sumampa na rin ito sa bangka at muling pinaandar ang motorboat. Akala niya ay uuwi na sila pero idinaong nito sa kabilang bahagi ng isla malayo sa cottage.

Inilinga niya ang paningin sa paligid. Napakalawak ng puting buhangin, pakiramdam ni Charline nasa dulo siya ng mundo dahil sa lawak ng karagatang natatanaw.

Nakasunod siya kay Xander ng bumaba ito. Para siyang batang nakabuntot rito kahit saan ito magpunta. Tumigil ito sa paghakbang at nilingon siya, nagkasalubungan ang tingin nila. Hindi sumasapat ang ilang araw para matutunan niyang masanay sa mga titig nito. Gumuhit ang pilyong ngiti nito sa labi at hinintay siyang makasabay ito sa paghakbang.

Hinawakan nito ang kanan niyang kamay. Magkaholdinghands nilang binabagtas ang malawak na puting buhangin. Hinayaan niya ito dahil iyun naman ang papel niya rito. Ang samahan ito at sundin ang mga gusto nito. Para silang magkasintahang nandoon para sa honeymoon. May bahagi ng damdamin niya ang tila kumislot at nakadama ng kilig pero pilit niyang binalewala.

Tumingala siya rito ng tumigil ito sa paglalakad. Nagulat siya ng bigla siya nitong kabigin palapit sa katawan nito at mabilis na siilin ng halik. Ganun ba talaga ito? Hahalikan siya kung kelan nito gusto?

Mukhang magaling itong magturo dahil natutunan niya ng gumanti ng halik. Nadarang siya at awtomatikong napayakap rito. Tila natuwa ito ng maramdamang natututo na siya.

Higit itong naging mas mapusok. Gumapang ang labi nito pababa sa kaniyang leeg na ikinasinghap niya. Nakalimutan nilang pareho na nasa gitna sila ng malawak na buhanginan.

Naramdaman ni Charline ang paglapat ng likod sa buhangin. Bakit ba tila nahihipnotismo siya nito? Gusto niyang dumilat ngunit hindi niya na kayang pigilan ang hindi na estrangherong sensasyon dahil paulit-ulit ng itong ipinadarama ni Xander. Napaungol siya ng dumako ang palad nito sa ibabaw ng dibdib. Tila hindi ito nag aksaya ng sandali, mabilis na tinanggal ang hadlang at hinayaan ang sariling magtampisaw sa ibabaw nito. Nananatiling nakapikit ang dalaga at hinayaan ito sa gusto nitong gawin. Nagpaubaya si Charline maging ng tanggalin nito ang pang-ibabang saplot. Napadilat siya ng maramdamang nakahanda na itong pasukin siya. Dito talaga?

"X-xander..." tila wala itong naririnig, punong-puno ng pagnanasa ang mga mata nito.

Mabilis siya nitong pinasok sa ganung posisyon at mabilis na umindayog. Wala itong pakialam sa paligid at tila tinangay na rin ng mabining ihip ng hangin ang hiya ni Charline. Nanatili siyang dilat at nakatingin sa mukha ng kaniig na nag aangat-baba ang katawan sa ibabaw niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito ng maramdaman niyang tulad nito ay tila may sasabog na 'din sa puson niya.

Mas binilisan nito ang pagbayo ng maramdamang malapit na ito sa sukdulan. Ipinikit na ni Charline ang mga mata at kinagat ang pang-ibabang labi at sinabayan itong abutin ang climax.

Parang walang ano mang nangyari na tumayo ito at isinuot ang saplot. Nahihiyang isinuot na rin ng dalaga ang pares ng two-piece bikini na kanina ay hinubad nito. Alam niyang pinagmamasdan siya nito. Wala na siyang maitatago pa sa kaharap. Nakita na nito maging ang pinakatatagong bahagi ng katawan.

Saka lang bumalik ang kaba niya nang humupa ang init ng katawan. Napatingin siya sa paligid, wala naman siyang makitang ibang tao kundi silang dalawa lang na ipinagpapasalamat niya.

Kaugnay na kabanata

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 8

    "Kilala mo ba kung sino 'yang kasama mo?!" tumitili pa ang kaibigan sa kabilang-linya. Mabuti na lamang mabilis na nailayo ni Charline ang hawak na cellphone sa tainga, sa lakas ba naman ng boses ni Alyssa tila kaya ng bumasag ng eardrum nito."Oo naman, si Alexander Vergara. Anong nakakagulat 'dun?" pabalewala niyang sagot saka sinulyapan si Xander na nakaupo sa dulong bahagi ng wooden bridge. Nakatanaw ito sa gawing bahagi ng sunset at pinagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw. Sa ilang araw nilang pananatili sa isla, natuklasan niyang nature lover ito kahit hindi pala-salita."Anetch?! Hindi mo ba alam na multi-billionaire 'yang hot fafah na kasama mo? Nagmamay-ari lang naman ng maraming Construction firm at stockholder ng mining company sa Palawan. Ang swerte mo! Tiba-tiba ka girl! Malaki ba?" tumitili na naman ito.Bahagyang nagblush ang pisnge ng dalaga kahit hindi siya nito nakikita. Nahihiya siya rito kahit papano."Ano malaki ba? Ito naman nahiya pa!" u

    Huling Na-update : 2022-03-22
  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 9

    Pumasok ang motorboat na sinasakyan nila Charline sa tila bukana papasok sa sinasabing pinaka-Bayan ng Balabac. Matapos ang halos isang oras na byahe, natanaw na nila ang mahabang sementadong pantalan na sinadyang paabutin sa pinaka-malalim na bahagi ng tubig. Marahil ay isinaalang-alang ang naglalakihang bangka at ilang lantsa na nakadaong sa gilid ng pantalan upang hindi sumadsad sa buhangin. Tanaw niya ang maraming kabahayan na ang karamihan ay nakatayo sa tubig. Tila hindi napag-iiwanan sa usaping progresibo ang naturang Bayan. Napansin niya kasi ang mga wire na linya ng kuryente at ang mga cable wi-fi na nasa mga bubungan, iisa lang ang ibig sabihin may access sa internet ang lugar. Inalalayan siya ni Xander na makaakyat sa ladder na inihugos ng mga stevedore. Bahagya siyang nakadama ng kilig ng hawakan siya nito at tiyaking hindi siya mahuhulog. "Welcome, Mr.Vergara sa aming Hometown!" pagbati ng lalakeng sa tingin niya ay ang mismong Alkalde ng Bayan na nagmam

    Huling Na-update : 2022-03-23
  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 10

    Naramdaman ni Charline ang pagtaas ng mga balahibo, nanunuot ang kilabot sa bawat himaymay ng kaniyang kalamnan, dulot ng kiliting hatid ng mainit na hininga ni Xander na mahinang bumubuga sa kaniyang maputing batok. Naghahatid ng kakaibang sensasyon ang pagdampi ng pinong halik na gumagapang sa kaniyang balikat. Kinagat nito ang strap ng suot niyang pantulog at ibinaba gamit ang bibig. Nanatili siyang nakapikit habang nakatalikod sa binata. Pinipigilan niyang dumilat at huwag gumalaw man lang mula sa pagkakahiga. Gusto niyang isipin nitong natutulog na siya. Ramdam niya ang gusto nitong mangyari kanina pa dahil sa mga titig nito sa kaniya habang sakay pa lang sila ng motorboat pauwi matapos mamasyal sa Bayan. Ngunit ang pagpapanggap niyang tulog ay dinadaig ng sensasyong tila nagiging kahinaan niya na mula ng ipadama nito.Naramdaman niya ang matigas na bisig ni Xander na yumapos sa beywang niya at marahan siyang itinihaya."Alam kong gising ka." anas nito. Hindi

    Huling Na-update : 2022-03-25
  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 11

    Huminto ang taxing sinasakyan ni Charline sa tapat ng may katamtamang taas na bakuran na maaaring matanaw ang ikalawang palapag ng two storey-type na Townhouse, nakatayo ito sa gitna ng malawak na bakuran na natatamnan ng iba't ibang nagtataasang halaman. Nasunod ang disenyong pinangarap niya. Ang kaniyang dreamhouse, na ilang taon niya 'ding pinag-ipunan mula sa kinikita bilang chef sa ibang bansa. Sa wakas!Akala niya ay hindi niya na maisasakatuparan pa ang pangarap dahil pagkatapos niyang grumadwet ay napilitan siyang huminto sa pagtatrabaho dahil ipinagbuntis niya si Aj. Pero sa tulong ni Alyssa, nakayanan niyang pasanin ang responsibilidad ng pagiging ama't ina sa anak. Ito 'din ang tumulong sa kaniya para makahanap ng maayos na trabaho sa ibang bansa. At heto nga, nagbunga ang lahat ng pagsasakripisyo niya. Nakabili siya ng sariling lupa at nakapagpatayo ng sariling bahay."Mommy..." untag ng tinig ng anak na nasa gawing likuran niya.Nilingon niya ang anak na nagtataka marahil

    Huling Na-update : 2022-03-26
  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 12

    "SUSUNDUIN pa ba kita?" tanong ni Alyssa, inihinto nito ang minamanehong kotse sa tapat ng mataas na gusali na may walong palapag, isa mga nagtatayugang gusali sa Alabang, Muntinlupa. Dito matatagpuan ang napakaraming opisina ng mga kilalang establisyemento kung saan isa sa mga gusaling naroon ay matatagpuan ang opisina ng Gallore Kahvalti Empire. Isa sa pinaka-sikat na Hotel-Restaurant sa bansa. "Hindi na kailangan, magku-commute na lang ako pag-uwi." binalingan niya ang anak na si Aj at h*****k sa noo nito. "Magpapakabait kay Ninang-Mommy ha...""Opo. Kayo 'din po Mommy." bahagya siyang natawa. "Syempre kailangang magpakabait 'din si Mommy para matanggap sa work." ginulo niya ang buhok nito saka bahagyang sinilip sa salamin ang ayos. Bumaba na siya ng sasakyan, bitbit ang hand-carry bag at folder ng resume at bio-data. "Hoy! Goodluck!" sumilip mula sa bintana si Alyssa. "Kayang-kaya!" nginitian niya ang kaibigan, kahit nagsisimula ng magrigodon ang d

    Huling Na-update : 2022-03-27
  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 13

    "NATANGGAP ka pero parang hindi ka masaya." nakataas ang kilay ng kaibigan. Inilalagay nito sa box ang mga cupcakes na ipapa-deliver sa suki nitong costumer. Napabuntong-hininga si Charline at dumampot ng cupcake. "Masarap." komento niya matapos kumagat. "Hindi ka man lang ba magku-kwento?" "Nagkita kami ni Xander." Natigilan ang kaibigan. "Magiging Boss ko siya." matamlay niyang pagpapatuloy. "Wow! Ang liit ng mundo ha!" tila eksayted pa ito na napangiti. "Anong gagawin ko?" nag-aalalang sinulyapan niya ang anak na nanonood ng paborito nitong cartoons. "Baka ito na ang tamang panahon Cha. Hindi mo rin naman habang buhay na maitatago ang totoo." "Hindi pwede! Ayokong malaman niya ang tungkol kay Aj." umiling-iling siya. Hindi niya alam kung ano ang pwede nitong gawin kapag nalaman nitong may anak sila? Napakarami niyang baka... Isa pa ayaw niyang magkaroon pa ng kaugnayan sa buhay nila si Xander."So, anong gagawin mo?" "Kailangan ko na

    Huling Na-update : 2022-03-28
  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 14

    Bumungad kay Charline ang matangkad, gwapo at mestisuhing lalake, mapagkakamalan itong modelo sa mga Men's magazine. Si Danilo Carcuevas ang tipo ng lalakeng bukod sa taglay nitong ka-gwapuhan ay typical na papangarapin ng mga kababaihan. Hindi lang kasi ito basta gwapo, kundi isa ring matagumpay na negosyante. At sa dami ng babaeng nagkakandarapa rito, hindi niya ito lubos na maintindihan kung bakit sa isang gaya niya lang ito nagtityagang manligaw? Lumabas ang magkabilang-biloy nito sa pisnge ng ngumiti ito. Pero kahit pa yata napaka-perpekto na nito, hindi niya ito magawang mahalin? Ayaw niya ng isipin kung bakit? Dahil kahit pilit niyang kalabanin ang sariling damdamin. At paulit-ulit na itanggi sa sarili. Alam niyang may umuokupa rito."Hi!" bati nito. Humalik ito sa pisnge niya tulad ng madalas nitong nakagawian. Inakbayan siya nito bitbit ang hindi kalakihang bag. Naiilang man, pero hinayaan niya ito dahil kailangan niya ng masanay lalo pa ngayong magiging bahag

    Huling Na-update : 2022-03-28
  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 15

    Matapos ipagbukas ng pinto ay inalalayan siya ni Dan nang bumaba ng sasakyan. Ang tamis ng ngiti nito ng dampian siya ng halik sa pisnge. "Goodluck sa bago mong work." Tinanguan niya lang ito saka isinukbit ang bag sa balikat. Ikatlong araw na mula ng maging opisyal silang maging magnobyo ni Dan, pero komportable na sila sa isa't isa dahil kahit papano ay bumilang na rin naman ng taon ang pagkakaibigan nila. Nagboluntaryo itong ihatid siya sa unang araw niya sa trabaho kahit ayaw ng dalaga pero nagpumilit ito kaya pinagbigyan niya na. Kumaway pa siya sa nobyo bago tuluyang humakbang papasok sa entrance ng isa sa mga branches ng Kahlvati Gallore Empire-ang Hotel Restaurant kung saan siya na-assign. Ngunit saglit siyang napahinto nang makita kung sino ang makakasabay sa pagpasok sa maluwang na pinto.Si Xander? Diyata't ito rin ang lulan ng kotseng nakasunod sa kanila at kasabay 'ding pumarada sa harap ng Gallore? Tiyak na kanina pa pala siya nito nakita. Pinil

    Huling Na-update : 2022-04-01

Pinakabagong kabanata

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 102

    ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 101

    DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 100

    MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 99

    MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 98

    BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 97

    "BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 96

    ISANG malakas na pagsabog ang nagpabalikwas kay Charline mula sa pagkakahiga. Nahihilo siya kaya pinili niya sanang magpahinga sa Room 101 ng Gallore. Nahintakutang bumangon siya at napatakbo sa labas. "Ricky, anong nangyayari?!" Alerto naman ang mga itong inalalayan na siyang makalabas. Nakita niya ang nagkakagulo at natatarantang pagtakbo ng maraming guest at empleyado. "Ma'am, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar." Hindi na siya sumagot pa dahil kumakapal na ang usok sa buong establisiyemento. Nagsimula na siyang umubo ng umubo dahil sa usok. Nakita niya ang mga bodyguard ni Xander sa 'di kalayuan. "Ang asawa ko?!" Kinakabahan niyang sigaw. "Sina Choi na po ang bahala, Ma'am!" Hindi maintindihan ni Charline kung saan humuhugot ng pagiging kalmado ang mga ito sa kabila ng nangyayari? Sumabay sila sa hugos ng maraming tao papalabas ng building. Umikot ang tingin ni Charline sa paligid at hinanap ang asawa pero wala si Xander. "Ang asawa ko?!" Wala siyang narinig na sagot, igi

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 95

    "Kumusta?" Baritonong tinig na mabilis na nagpakabog sa dibdib ni Charline. Mabilis na nagpalingon sa kaniya ang pinagmulan ng tinig. Napaatras siya sa wall at mabilis na rumehistro ang takot sa mukha. "W-walter?" Umikot ang paningin niya sa paligid. Nasa ikatlong palapag siya ng Gallore. Nas'an si Ricky? Ang bodyguard niya? Humigpit ang pagkakahawak niya sa sling-bag at kahit pa halos mangatog na siya sa takot ay iniisip niya pa ring tumakbo palayo. Ngumisi si Walter. Ngunit mabilis na naging masuyo ang mga tingin nito kay Charline. Napatili si Charline nang hilain siya nito palapit sa katawan nito. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib. Langhap niya ang hininga ni Walter. "Mabilis lang ito, namiss lang kita." Mabilis na sumapo sa dibdib niya ang kamay nito, gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Charline, ang takot na hatid ng bawat dantay ng palad ni Walter. "Wag-" Iniwas ni Charline ang katawan tila nag udyok lang kay Walter na damahin pa ang pa ito. Nagpumiglas

  • My Affinity Romance with the Billionaire   Chapter 94

    "Ipatumba n'yo na si Alexa! Lahat ng walang silbi sa organisasyon, alisin sa landas ng samahan!" Tumango si Galaps at sumenyas sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga ito na alam na ang gagawin. "Anong gagawin namin kay Celeste, Boss?" Bungad nang kapapasok lang ng isa pang tauhan ni Walter. "Ibaon n'yo ng buhay!" Nagtagis ang bagang ni Walter. Natuklasan nito ang pagtatraydor ni Celeste at pakikipagsabwatan kay Dan. Ang ginawang pagtatangka ni Dan kay Charline ay hindi niya matatanggap. Lahat ay ipapapatay niya! "Masusunod Boss!" Inihulog sa malawak na ilog ang wala ng buhay ng katawan ni Celeste. Walang awang iniwan nang mabilis ng grupo ng mga tauhan ni Walter na nagpalutang-lutang sa tubig. NAGKIKISLAPAN ang mga camera habang ini-interview si Xander ng mga reporter. Matapos mapabalita ang magkakasunod na pagkatuklas sa pagkamatay nina Dan at Celeste tila naging mas mainit na pinag-usapan ang Kahlvati Gallore Empire. Naging kontrobersyal ang pagkakadawit ng mga ito sa gin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status