MULING MAGING AKIN Chapter 21: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – “Pero hindi na pwedeng maging tayo, Jasper. Hindi na pwede ang katulad ng dati.” “B-but why? M-mayron na b-bang i-iba?” Garalgal na boses nyang tanong. Nag buntong hininga ako, kailangan ko magsinungaling sa kanya. “Y-yes. May b-boyfriend na ako at m-mahal ko siya.” Sandaling nagkaroon ng katahimakan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung dinadaya lang ba ako ng pandinig ko o talagang narinig ko siyang humikbi? “Jasper…” “Okay lang, hon. Papayag ako kahit maging kabit mo lang ako, okay lang sa akin. Basta tayo na lang ulit.” Humihikbing pakiusap ni Jasper. Hindi ako makapaniwala na talagang umiiyak ngayon sa akin ang dati kong asawa at payag pa siya kahit maging kabit ko lang siya. Ganun ba talaga ako niya ako ka-mahal kaya nagawa niyang ibaba ang pride niya bilang isang lalaki o di naman kaya ay may iba siyang plano sa akin? Hindi ako nag salita dahil sa mga iniisip ko, naririnig ko lang ang pagtangis niya na p
MULING MAGING AKINChapter 22:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –“Good morning, hon. I love you!”Naalimpungatan ako sa boses ng nagsalita. Napatingin ako sa cellphone ko na hanggang ngayon ay nakabukas pa rin ang video call namin ni Jasper. Maganda ang ngiti niya sa akin.Naalala ko sinagot ko na nga pala siya kagabi. Sanay na talaga ako na walang jowa. Tsk.“Good morning din, hon. Hindi mo pala pinatay ang call. Natulog ka ba?” Humihikab kong tanong. Natawa naman siya sa akin. Nagtakip naman ako ng bibig ko syempre. Baka makita pa niya ang tinago kong Yamashita Treasure. “Opo, natulog ako. Sadyang nauna lang ako sayo nagising and my little friend here.”Bumangon ako at nag-inat-inat habang nasa higaan. Nakalagay sa cellphone holder ang cellphone ko kaya nakikita ako ni Jasper. Hindi ko binigyan pansin ang sinabi niyang little friend. Alam ko naman na hindi little yun. Hindi niya ako maloloko. “Wala ka bang pasok sa trabaho mo?”Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya patuloy lang ako sa pa
MULING MAGING AKINChapter 23:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –Kakadaldal sa akin ni Lovebel, nakalimutan ko na mag-message sa boyfriend ko na dating asawa ko. “Ang dami na palang message ni Boy Laway. Tsk. Wala bang ginagawa ang lalaking ‘to?”“Hon, tawag ka po kapag hindi ka na busy. I love you.”Napangiti naman ako message niya. Para kaming mga teenagers na bago palang na magkarelasyon. “Tsk. Sa umpisa lang yan masaya. Tapos kapag nasaktan, sisisihin lahat ng lalaki sa mundo.”Sinamaan ko naman ng tingin ang masamang hangin na dumaan. Dumaan lang talaga siya dito sa pwesto ko para magparinig. Papansin talaga ‘to si boy uhog. Mahigpit ang pagkakakuyom ko sa ballpen na hawak ko. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Lovebel. “Oo nga, sir. Totoo yan! May saltik kasi talaga kaming mga babae eh. Isa lang yung nag loko pero lahat ng lalaki sa mundo nadamay. Hehe.”Humalakhak naman si manong na parang abot na sa kabilang dako ng mundo. Matanggal sana pustiso niya. Saglit pa nag bi
MULING MAGING AKINChapter 24:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –Lumapit ako sa stall ng milk shake para bumili. Umorder lang ako ng isang large size. “Ito po bayad.” Inabot ko ang pera sa tindera.”“Bayad na po itong order niyo ma'am.”Huh? “Paano pong bayad na?” “Ibig ko po sabihin, libre na po ang first ten na orders. May nag sponsor po kasi ngayong gabi. Pang sampo po kayo kaya libre na.” “Ah..Ganun pala. Okay po. Pakisabi po salamat.”Ang saya naman pala pumunta dito, may libre agad. Halos lahat ng stall pinuntahan ko para umorder pero kahit piso wala man lang ako ginastos. Lahat sila sinasabi na may free sa first ten at lagi ako napapasama dun. Sa totoo lang nakakapag taka dahil sa dami ng tao sa night market, imposible naman na wala pang sampo ang bumili sa kanila. Hindi ko na lang inintindi pa, ang importante libre. Ilang sandali pa ako nag libot-libot. Busog na busog na rin ako sa dami ng kinain ko. Daig ko pa ang food vlogger. Habang naglalakad ako, napapansin ko ang mga nakak
MULING MAGING AKINChapter 25:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –“Nasaan na ba tayo? Kailangan ko na umuwi, may pasok pa ako bukas.”Iritable kong tanong. “Dito sa secret place natin.”Tumingin ako sa labas, ngayon ko lang napansin na parang nasa isang liblib kami na lugar. Ang itsura nito ay parang bahay bakasyunan. Maraming puno sa paligid pero napapalibutan din ng christmas lights. Nakakamangha ang ganda ng paligid. Bumaba kami ng sasakyan kaya mas lalo ko pa nakita kung gaano kaganda ang paligid. May katamtamang laki din na bahay na dalawang palapag lang. Napakaganda din ng bahay at maaliwalas tignan. May kinuha muna si Jasper na ilang gamit sa sasakyan bago ako inakay papasok sa loob ng bahay. Kung napaka ganda ng itsura sa labas ganun din kaganda sa loob. Very relaxing ang ambiance. Kung gusto mo ng peace of mind, ito ang perfect place to hide. Ganito ang pangarap ko noon pa. “Wow hon, napakaganda naman dito.”Namamangha kong sabi. Hindi ko maiwasan purihin dahil napakaganda ng kapa
MULING MAGING AKINChapter 26:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –SPG ALERT! READ AT YOUR OWN RISK. “Siya na ba yun?” malungkot ang boses na tanong ni Jasper. Nakapatong sa balikat ko ang baba niya at nakayapos ang mga braso sa baywang ko. “Siya ang alin?” patay-malisya kong balik na tanong. “Yung b-bago mo.” Tila hirap niyang sambit. Ayaw ko sagutin ang tanong niya dahil wala naman talaga akong bago. Mula noon hanggang ngayon, siya pa din ang laman ng puso ko. Ayaw ko lang kasi na gamitin si Sven sa kasinungalingan ko. Ako ang may desisyon na magsinungaling. “Wag mo na lang alamin pa yun.” Seryoso kong saad. Nalungkot naman ang mukha niya pero hindi siya nagsalita. “Para sa akin ba itong gatas?” Muli kong tanong. Tumango naman siya at pilit na ngumiti. “Yes, hon. Inumin mo muna. Sa akin itong tea.”Inabot sa akin ni Jasper ang baso ng gatas. Nakatitig lang siya sa akin habang nahigop ng tsaa. Hindi ko alam kung nagagandahan ba siya sa akin kaya nakatitig siya sa akin or nasa imagin
MULING MAGING AKINChapter 27:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Babaeng pokmaru, mali-late ka na sa trabaho! Bilisan mo kumilos.”Halos sapakin ko na ang sarili ko dahil anong oras na, ngayon pa lang ako maliligo. Hindi naman ako tinanghali ng gising. Actually, maaga pa nga ako nagising. Kaso imbes na mag-asikaso na ko para pumasok sa trabaho, ako yung pinasok. Hayp!Ang aga ng flag ceremony ng angkol niyo kaya humirit pa ng isang round lang daw. Para na kasing hotdog na galing sa freezer ang alaga niya. Ako naman si pokmaru, bumukaka naman. Yung isang round na request niya, naging tatlo. Tapos ngayon, magmamadali akong kumilos. “Hayst! Inuna muna kasi ang kalandian eh, edi tarantang itik ka ngayon! Bukaka pa more!”Sermon ko sa aking sarili. Hindi na ako pumayag na sumama sa akin si Jasper dito sa loob ng banyo, baka ibang ligo pa mangyari sa akin.Mabilis ko lang tinapos ang pagligo ko. May mga bago na akong damit na susuotin, may inutusan na tauhan ang boyfriend kong makulit na bum
MULING MAGING AKIN Chapter 28: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – “Hon, I miss you so bad. I want to cuddle with you all night.” Pa-baby na sabi ni Jasper. Naglalambing ang kambing. Kung magkatabi lang kami ngayon, sigurado, nakalusot na ang ulo niya sa loob ng damit ko. “Ako din.” Mahinhing ngiti lang ang ginawa ko. Ayaw ko naman na isipin niya na atat ako sa kanya. “Really???” Exaggerated niyang tanong. Nakangiting tumango naman ako sa kanya. Na miss ko naman talaga siya. Cold lang ang pakikitungo ko sa kanya madalas pero sobrang nasasabik ako din ako sa kanya. Anong gagawin? Siya pa rin naman talaga ang nagmamay-ari ng puso ko hanggang ngayon. Maloloko ko ang ibang tao pero hindi ang sarili ko. Naka-video call kami ngayon at pareho na nakahiga. Wala pang suot na pang taas si Jasper, parang nang aakit pa yata ang isang ito. Marupok pa naman ako. Malaki na ang pinagbago ni Jasper ngayon, naging madaldal na siya. Marami siyang kwento na kung anu-ano sa tuwing magkausap kami han
MULING MAGING AKINChapter 127:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko maramdaman sa mga narinig ko mula kay Sven. Wala akong makapang galit sa puso ko kahit konti. Sa totoo lang mas lamang sa akin ang kagustuhan ko na bumalik sa dati ang pagiging magkaibigan namin.“S-Sven…” “I know, Mai. I’m sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan.” Putol niya sa nais ko sanang sabihin.“High school pa lang tayo gustong-gusto na talaga kita eh. Sinubukan ko naman pigilan ang nararamdaman ko sayo, kaso ang hirap talaga.” Natawa siya sa sinabi niya pero may luha pa din ang mga mata.“Sven…” Umusog ako palapit sa kanya at hinaplos ang likod niya.“Inaamin ko, Mai hindi ko matanggap noong una na napunta ka sa iba. Akala ko dati, gusto mo na rin ako hindi lang bilang isang kaibigan.” Ramdam ko sakit sa bawat salitang binitawan niya. “Remember? Lagi pa tayo partner sa lahat ng bagay mapa-school activities or outside pa yan. Akala pa ng lahat, even our teachers na magkakatul
MULING MAGING AKINChapter 126:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Wag ka mag alala, ate Apple kahit malaman ng asawa ko ‘yan, hindi yun magagalit sayo. At isa pa, Mai na lang ang itawag mo sa akin.” Nakangiti kong wika.“Baka pagalitan naman ako ni Sir Jasper niyan at tsaka nakakahiya dahil amo kita.” Napakamot leeg pa siya. Makati siguro sa balat ang damit na suot niya.“Ikaw ang bahala pero sa akin ay ayos lang kahit pangalan ko na lang ang itawag mo sa akin.” May mga ilang bagay pa kami na pinag kwentuhan. Maya’t maya din ang pag rounds ng nurses para i-monitor ang status ng anak ko.May mga ilang bagay pa akong nalaman tungkol kay ate Apple. Probinsyana din pala siya gaya ko, walang kasintahan ever since at sinubukan ang kapalaran dito sa Maynila. Nakasama niya pa daw ng ilang buwan si Manang Lila sa mansion bago namahinga ng tuluyan. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at kapwa kami nagulat ni ate Apple sa taong kasama ng asawa ko. Napansin ko din ang bahagyang pagkagulat sa mukha n
MULING MAGING AKINChapter 125:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Base sa resulta ng test, nag-match si Zanyca at Mr. Jasper Smith para sa Bone Marrow Transplant na gagawin. As early as possible, dapat simulan na ang operasyon.” Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doctor. “Please schedule the operation, doc. I'm ready anytime.” Now, I appreciate him more. Kung siguro naging walang hiya at iresponsable na ama si Jasper at ganito ang nangyari sa anak namin, baka mas lalo lumiit ang chance madugtungan ang buhay ni Zanyca. I’m grateful that he is a responsible one.May mga sinabi pa ang doktor na bagay na dapat paghandaan bago ang araw ng operasyon. Kailangan din physically fit si Jasper. Sa bagay na ito ay wala kami magiging problema dahil healthy living ang asawa ko.Ipinaliwanag din ng doktor kung paano ang operasyon na gagawin at kung ilang porsyento ang chance na maging successful ito. Hindi man 100% but at least, malaki pa rin ang chance at susugal kami dun. Sobrang kinakabahan ak
MULING MAGING AKINChapter 124:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...Kinuha ko ang cellphone ko kay Jasper, binigay naman niya ito pero nakasunod ang mga mata niya sa bawat galaw ko. Nilagay ko muna ang hinubad ko sa bag na lagayan namin ng labahan. Dumiretso ako papunta sa sofa, busy si Zanyca manood ng cartoons sa T.V. Nakasunod lang din sa likod ko si Jasper.“Kakilala ko sa Singapore, hon.” Tinignan naman niya ako ng malalim at tila may inaarok. “Paano mo naman siya nakilala?” Naku naman! Inaalam pa talaga. Napapakamot batok na lang talaga ako.“Dati ko siyang kapitbahay.” Tipid kong sagot at uminom ng tubig. Iinom pa pala ako ng vitamins. “Niligawan ka niya?” Naubo ako bigla sa iniinom ko. Mabilis naman niya ako inabutan ng tissue at tinapik tapik ng mahina ang likod ko.“Ayos ka lang ba, hon?” Nag-aala niyang taong. Tumango naman ako sa kanya at pinunasan ang bibig ko. Nakakubo pala ang tubig.“So, nanligaw nga siya sayo? Naging kayo ba?” Masungit niyang tanong. Umiling naman ako sa
MULING MAGING AKINChapter 123:ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” –...“Mommy, why papa Sven is not visiting me? I miss him already.” Inosenteng tanong ni Zanyca habang pinapakain ko siya. Lumingon ako sa asawa ko na kasalukuyang may kausap sa cellphone niya, nakatayo siya malapit sa bintana. Palagay ko ay narinig niya ang sinabi ng anak namin dahil biglang nag salubong ang mga kilay niya.Muli ko sinubuaan ng pagkain si Zanyca bago ako nagsalita. “Your papa Sven is kind a busy, baby. But he told me last time that he misses you too.” “Really? I want to see papa Sven, mommy. Darating naman siya sa birthday ko diba po?” Puno ng pag-asa na tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag ang sitwasyon namin ang tungkol sa amin ng papa Sven niya. Alam ko na malulungkot ang anak ko kapag wala si Sven sa kaarawan niya. Naramdaman ko ang presensya ng asawa ko na papalapit.“Do you really want to see him?” Tumango naman si Zanyca. Nag-aalangan naman ako dahil baka makita ng bata na magalit
MULING MAGING AKIN Chapter 122: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Puro ka talaga kalokohan!” Natawa ang loko pero mahina lang. “Mahal kita kahit walang bakbakan na maganap sa atin. Minahal kita dahil ikaw yan. Lahat ng flaws mo, tanggap ko yan basta wala lang iwanan. Yun lang ang hihilingin ko sayo, hon. Magsasama tayo sa hirap at ginhawa. Sabay tayo tataba este tatanda.” Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa. Nauna ng lumabas ang dalawang matanda na kasama namin. Sa sumunod na floor naman kami. Nakaalalay lang sa baywang ko palagi ang asawa ako at marahan lang kami maglakad dahil baka madulas o matalisod daw ako. He's very thoughtful and caring talaga. Kami na agad ang sunod na papasok sa clinic. Dra. Monica Lewis, O. B. Gyne ang nabasa ko na nakalagay sa pinto. “Oh, hi dear! Long time, no see, Rayn!” Maganda ang ngiti na bati ng doktora pagkita sa asawa ko pero ako, parang hindi niya nakikita. Tumayo pa ito at b****o sa asawa ko, may pagyakap pa ito at kitang
MULING MAGING AKIN Chapter 121: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Kinaumagahan, sinamahan ako ng asawa ko para magpa-check-up. Kumuha muna si Jasper ng isa sa mga kasambahay niya para maging yaya ni Zanyca. May mga tauhan din siya na inatasan sa pagbabantay sa anak namin. “Babae ba yung O. B. Gyne doctor ko, hon?” Curious na tanong ko habang papunta kami sa clinic nito. “Of course, hon! Palagay mo naman papayag ako na lalaki ang mag check-up sayo? Baka makapatay pa ko pag nagkataon.” Seryosong wika niya. Napairap naman ako sa asawa kong ubod ng seloso, parang nagtatanong lang eh. “Ewan ko sayo. Napaka seloso mo! Pero kayong mga lalaki, okay lang kapag babae ang doktor ang mag check-up sa inyo, samantalang kayong mga lalaki naman ang mabilis matukso. Ang unfair!” Kung gwapo ang doktor, syempre unfair talaga yun. Hindi yun makatarungan. Yun nga lang, hindi ko pwede isaboses yun dahil may magagalit na naman. Baka imbes na isang bata lang ang nasa loob ng tiyan ko, maghimala ang
MULING MAGING AKIN Chapter 120: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Gulat na gulat na nakatingin sakin si Jasper at ilang beses pa kumurap ang kanyang mga mata. Kinuha ko sa bag ko ang medical result ko at inabot sa kanya. Kasama na rito ang ultrasound ko. Hindi pa rin siya makapagsalita at nanginginig ang kamay ng kunin sakin ang papel. “Is… Is this really true, hon? Y-you're pregnant?” May mumunting luha sa kanyang mga mata. Nakangiti naman akong tumango sa kanya. Pinahid niya ang luha niya, biglang siyang tumayo at nagtatalon sa tuwa. “Yes!!! Thank you, hon! I'm so happy. I have two lovely angels.” Niyakap niya ako at hinalikan sa labi ng mariin. Yumuko din siya para halikan ang tiyan ko. “Mwah mwah mwah! I love you so much my little buddy. Thank you for coming! I will protect you and your ate Zanyca. Wag mo pahirapan ang mommy natin. Okay ba yun? ” Napangiti ako sa pag kausap ni Jasper sa anak namin sa tiyan ko. Ganito din siguro siya kay Zanyca kung sakali
MULING MAGING AKIN Chapter 119: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Tumango ako kay Jasper kahit natatakot ako sa mga maaari kong malaman. “H-handa na ko. Sabihin mo lahat, makikinig ako.” Nag buntong hininga pa ako, inabutan naman muna ako ni Jasper ng inuming tubig na kaagad ko naman inubos. Muli niyang pinagdaop ang mga palad namin. Huminga siya ng malalim at tumitig sa mga mata ko. “On the night of our first wedding anniversary, I was really planning to give you the annulment paper because I want to cut our one year agreement. I'm planning to propose to you the next day.” Naguguluhan akong nakatingin lang sa kanya pero hindi pa rin ako nagsasalita. Gusto ko muna marinig lahat ng sasabihin niya. “Humingi ako ng tulong kay kuya Japeth para surpresahin ka, tumulong silang mag-asawa sakin. Kaya din anong oras na ako nakauwi ng gabing yun dahil sinigurado ko na kumpleto at maayos na ang lahat bago pumutok ang umaga. Hindi ko naman akalain na mabilis mo akong iiwan. Akala ko noo