Lauren"Ay hindi ako ang nakikita mong ito. Guni guni mo lang ako " natatawang biro ko dito sabay talon sa kama niya at dinaganan ito para tuluyan ng magising ang diwa nito. Mukha pa kasi siyang wala sa wisyo kaya dapat na gisingin na ito ng tuluyan. Bigla naman itong sumigaw sa ginawa ko at pilit akong tinutulak sa pagkakadagan ko sa kanya. "Ano ba Lauren ang bigat mo. Umalis ka nga sa ibabaw ko dapat si Ma'am Camela na crush mo ang patungan mo at hindi ako." sigaw nito sa akin habang patuloy pa rin akong tinutulak nito para makaalis sa ibabaw niya. Natatawang humiga na lang ako sa tabi nito pero kainis lang kailangan ba na isingit pa ang pangalan ni Camela dito? Hanggang dito ba naman? Kaya nga ako bumisita sa kanya para pansamantala na makalimutan ko ito pero wala pa akong minuto dito ay yan na kaagad ang bukang bibig nito. Kainis naman oh. Inis na inirapan ko na lang ito pero di naman niya nakita yun. Pwede naman kasing ibang pangalan na lang ang banggitin bakit need pa yung s
LaurenMag 9:00 pm na ng gabi ng napagpasyahan ko na umuwi na ng bahay. Wala pa sana akong balak umuwe kung hindi lang masyadong gabi na. Kung nandito nga lang sila Mommy ay baka dito na talaga ako makikitulog at bukas na lang uuwe. Pero dahil nga wala sila mapipilitan talaga ako na umuwi. Panay pa nga ang pakiusap sa akin ni Tita na doon na lang daw matulog sa bahay nila at total gabi naman na daw. Pero sinabi ko na lang sa kanila na kailangan kong umuwi at walang tao sa bahay. Wala kasi sila Mommy at nasa business trip. Mabuti na nga lang at hindi na ito nagpumilit pa. Madalas kasi nag tatampo yan si Tita kapag hindi ko napag bibigyan sa kanyang request. Mabuti na nga lang at naka unawa ito ngayon. Kumain na rin lang ako ng dinner doon para hindi na ito mag tampo pa. Mahirap na at siya pa naman ang nag luto kaya naman kumain na ako. Tsaka paminsan minsan lang naman itong mangyari eh. Di bali babawi ako sa kanila sa susunod na punta ko dito. Dahil mag lalagi talaga ako ng ilang ar
SPG( Take at your own risk. Patnubay ni Author ang kailangan. Walang sisihan kung anuman ang mabasa mo sa Chapter na ito. Basta isa lang ang masasabi ko. Binalaan ko na kayo. Kaya nasa inyo na yan kung e read nyo pa ang chapter na ito o e skil nyo na lang. Pero may request lang si Author baka naman pwede pa vote. Salamat po)LaurenNakaramdam na lang ako na parang may mabigat na bagay na naka dagan sa akin at may mainit din na bagay na dumadampi sa aking labi. Hindi ko tuloy maiwasang mainis dahil sa bagay na yun. Paano ang ganda ng tulog ko tapos gigisinging lang ako ng ganito. Unti unti ko namang minulat ang aking mga mata upang makita kung ano ba ito. Baka mamaya kasi ay nakapasok na pala dito sa room ko ang aso kong si Kopiko at siya na palang dumidila dito sa mukha ko. Mahilig pa naman yun pumasok dito sa room ko lalo pa nga kapag nakakalimutan ko na isara ang aking pinto. Malamang talaga na magising na lang ako na katabi ko na ito at dinidilaan na ang mukha ko. Ilang beses na
LaurenNaiinis na bumangon na ako ng tuluyan at dumiretso na kaagad sa cr para mag shower na rin tuloy. Bad trip naman kasi. Mag we wet dreams din lang di pa tinuloy. Kainis.Padabog na nag ligpit na ako ng hinigaan ko. Mainit ulo ko dahil sa nangyari. Akala ko totoo na shit balak ko pa naman na sanang ayain pakasal si Camela after namin mag lovemaking pero panaginip lang pala ang lahat. Nandoon na eh kakainin ko na lang ang masarap na perlas nito pero naging bato pa. Tuloy bad trip ako ngayon. Huwag lang naman talaga na may mang inis sa akin at mapapatulan ko talaga siya. Ganito pala ang ma bitin sa pakiramdam. Ano ba namang panaginip yan? Kainis nabitin ako doon. Haist ang sakit tuloy ng ulo ko. Kailangan ko ng malamig na paligo nito ng mawala ang init na nararamdaman ko. Idadaan ko na lang sa malamig na tubig ang init na nararamdaman ko. Sana naman ay umipikto siya. Dahil hindi naman kasi ako ang klase ng tao na nag ma masturbate para lang makaraos. Dahil never ko pang na try yun
CamelaMedyo tinanghali na ako ng gising kasi napuyat nga ako sa pag uusap namin ng kababata ko na si Matthew kagabi. Hindi ko na nga namalayan ang oras kung hindi lang bumigay na talaga ang mga mata namin ay baka hanggang ngayon magkausap pa rin kami nito. Huwag kayong ano dyan ha. Sinulit lang namin ang matagal na hindi nagka usap nito. Tsaka Wala akong ginawang masama. Nag usap lang kami ng kababata ko na matagal ng nawala. Usap lang yun kamustahan na inabot ng madaling araw. Agad ko naman kinuha ang aking phone upang e check kung may mga important messages ako. Pero so far galing kay Lauren lang naman ang message at nag good morning ito na ne reply ko rin ng ganun. Pero nagsabi na rin tuloy ako dito na huwag na huwag akong istorbohin nito at marami akong gagawin maging productive naman ito sa buhay hindi iyong pagala gala lang ang ginagawa. Tapos idadamay pa ako sa galaan na gusto nito. Panay yaya sa akin na punta kami sa ganitong lugar total weekend naman daw at isa pa malayo
CamelaHabang nasa daan kami ni Matthew ay panay lang ang kwentuhan namin. Binabalikan lang namin ang mga kalokohang pinaggagawa nung mga bata pa kami hanggang sa makapagtapos ng pag aaral. Mga kalukuhan na tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam. Kilala din ito ng mga kaibigan ko at medyo malapit din itong si Matthew sa mga yun. Bansag pa nga nito sa grupo naming mag kakaibigan ay mga menopause na dragon daw kami. Paano ang bilis daw uminit ng ulo namin at parang bubuga na daw kami ng apoy kapag bumuka na ang aming bibig. Ito nga lang yata ang hindi takot sa amin noon college kami eh. Sabagay nasanay na kasi ito sa ugali ko kaya ganun. Napapailing na lang ako sa mga alaalang yun. Hindi ko rin tuloy maiwasang maalala mga nangyari noon na hanggang ngayon ay dala dala ko pa rin ang bigat nito sa dibdib ko lalo na yung mag dadalaga na ako. Hayst kung maaari nga lang na ibaon na lang sa limot ang lahat ay ginawa ko na pero hindi yun pwede na ganun ganun na lang. Dapat may managot sa p
CamelaLunesMaaga akong nagising at hindi na naman ako nakatulog ng maayos kagabi. Nag away kasi kami ni Lauren este inaway ko pala si Lauren. Kainis kasi ang babaeng yun at gabi na ng magparamdam sa akin ni hindi nga ako kinamusta ng umaga man lang ni ha ni ho wala itong message sa akin kaya sinong matino ang hindi maiinis at magagalit pag ganun. Yung hindi mo alam kung mag aalala ka o maiinis ka dito. Kasi nga hindi mo na alam kung anong nangyayari na dito dahil wala nga itong paramdam sayo. Yung girlfriend mo gabi na nag chat sayo para sabihin lang na nakalimutan niya akong e greet dahil pag gising niya ay may inutos kaagad ang Daddy niya sa kanya kaya hindi na ito nakaalala na e message ako. Ano yun kahit isang saglit man lang ay hindi ako naisip nito? Ganun na ba ako kadali lang makalimutan nito? Na porket may inutos lang sa kanya ay hindi man lang ako sumagi sa isipan niya? Aba ako nga na kahit si Matthew ang kasama ko ay hindi pwede na hindi ko siya maisip o sumagi man lang
LaurenDahil sa sobrang busy na ako ay tuluyan ko ng nakalimutan na e message manlang si Camela ng good morning. Patay na ako dito. May hindi pa kami pinagkakaunawaan tapos ito na naman ako na dinagdagan pa ang kasalanan ko dito. Lagot na talaga ang nag lason. Bakit naman kasi sa lahat yun pa. Pwede naman kasi na makapag greet muna ako dito bago ako bumangon at bumama diba. Atleast kahit hindi na ako mag text pa dito ay okay lang kasi hindi rin naman ito mag a aksaya pa ang oras na makipag harutan sa akin. Baka nga pagalitan pa ako nito kung maging makulit ako sa kanya. Pero yun kasi eh. Kahit yun hindi ko pa nagawa. Kaya tuloy pag tingin ko ng aking phone after ng meeting namin ni Diana with the board members ay nagulat nalang ako sa mga nabasa ko at mga miscalls nito sa akin. Galit na galit ito sa akin kaya hindi na ako nag tataka pa kung bakit ganito ang mga pinag sasabi nito sa akin ngayon. Hindi ko rin naman siya masisi pa kung bakit galit na galit ito. Kahit din naman ako kung