LaurenHindi ako mapakali ngayong araw na ito paano naman kasi kanina lang sinabi sa akin ni Camela na ipapakilala na raw niya ako sa kanyang mga kaibigan. Ano ba naman itong mahal ko na ito at parang nagsabi lang ng mag mall kami. Hello ang mga kaibigan niya kaya yun na mga Professor at naging Professor ko na rin. Kaya naman hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Hayst alam nyo naman ang ugali ng mga friends nito. Katulad din ng mahal ko maldita na may lahi ni lucifer at parang bagong mga panganak na dragon. Baka bugahan ako ng apoy ng mga iyon sure na maiihaw ako doon ng wala sa oras. Hayst hindi tuloy ako mapakali ngayon. Kainis naman kasi si Camela bakit ngayon lang nagsabi. Hindi tuloy man lang ako nakapag ready ng aking sarili. Sana man lang a week before diba? Para naman kahit paano ay makapag handa ako ng maayos. Hayst ayaw ko man kabahan pero na mamawis na ang kamay at kilikili ko. Sana naman maging maayos ang pakikitungo sa akin ng mga yun mamaya at hindi ako m
LaurenMatapos akong maipakilala ni Camela sa kanyang mga kaibigan ay pinaupo na kami ng mga ito at hayaan na lang daw yung mga jowa nila ang mag prepare ng foods namin. Balak ko pa sana na tumulong sa mga ito para naman kahit paano ay may ambag ako sa kanila hindi yung kakain na lang kami ng jowa ko. Pero sabi nga nila hayaan na lang daw namin ang mga ito. Syempre hindi na ako nakipag talo pa about doon. Mahirap na at baka pati ang mga ito ay magalit pa sa akin. Mabuti naman at halatang hindi naman sila against sa akin na siyang ikinatutuwa ko naman. Samantalang itong kasama ko ito nag ma maldita pa rin. Panay naman ang kwentuhan ng mga ito at paminsan minsan ay tinatanong din naman nila ako. Mabuti na nga lang at parang okay naman sila kasama. Kasi nga hanggang ngayon ay mga behave pa rin ang mga dyosa at hindi pa nag mamaldita. Tanging itong girlfriend ko lang na pinsan ni satanas ang kakaiba ang mood pa rin. Sila Avril naman ay iyon busy pa rin sa pagluluto at paminsan minsan
LaurenPagkatapos namin kumain ay nag yaya na sa may garden si Ma'am Jane. Doon na lang daw amin ipagpatuloy ang kwentuhan. Nag dala na rin sila ng alak. Para naman may gana pa ako makipag kwentuhan. Mas maganda siguro na sila na lang at huwag na akong isali pa dahil mapapahiya lang lalo ako pag ganun. Lalo pa nga at mukhang walang balang itong katabi ko na ipag tanggol ako. ay mali siya pala ang pasimuno para mapahiya ako at ang mga kaibigan pala nito ang nag tatanggol sa akin. Tanga lang Lauren? Asa kapa talaga na ipag tanggol ka ng bruha mong girlfriend? Dream on hahaha. Tumayo na rin ang mga diyosa at nagpa iwan na lang ako at tutulong ako na mag urong ng mga pinagkainan namin. Dito man lang ay makatulong ako sa mga ito. Kanina pa kasi sila lang ang gumagawa dito. Tsaka sabi ko nga ayaw ko ng dagdagan pa ang pagkapahiya ko. Tama na yung kanina at masyado na akong loaded at baka di na ako makapag pigil pa ay bigla na lang akong sumabog nito at makagawa ako ng bagay na hindi magan
CamelaPag Sabi ni Lauren ng mga salitang yun sa akin ay medyo natigilan naman ako. Napa sobra ba ang pagkakasabi ko dito sa kanya? Pero tama naman lahat ng sinabi ko ang mga iyon ah bakit ito mag gaganyan ngayon? Huwag siyang mag inarte dyan at hindi o obra sa akin yan. Hindi na siya bata para e treat pa na parang bata. My god kung hindi naman totoo ang mga yun ay bakit ito masasaktan? So isa lang ang ibig sabihin nun na totoo mga sinabi ko at pagkakilala ko dito na wala talaga siyang silbi at palamunin lang ng kanyang mga magulan. Medyo naawa naman ako sa mga magulang nito ng dahil doon. Sana naman kung ito ang talagang magiging asawa ko ay maging responsible na ito dahil hindi talaga ako papayag na maging ganun na lang ito habang buhay. Ayaw ko na ang mga magiging anak namin ang mag suffer sa katamaran ng kanilang isang ina. Hindinh hindi ko mapapayagan na mangyari yun. Dahil ako ang puputol ng sungay nito. Hindi pwede sa akin ang mga tamad kung ayaw niya na mabungangaan at mapah
LaurenNakatanggap lang ako ng text mula kay Camela na nagsasabi na nakauwi na nga ito at huwag na akong mag reply dahil matutulog na nga raw ito. Huwag ko na daw muna siyang istorbohin. Nasaktan na naman ako sa text nito sa akin. Hayst istorbo lang pala ang tingin nya sa akin. Sobra na ang mga pinag sasabi nito sa akin ngayon at parang hindi kayang tanggapin ng sistema ko na ganun na lang iyon. Wala talaga itong balak humingi ng sorry sa kanyang nagawa at talagang nag mamatigas ito na tama lang ang kanyang mga sinabi at wala itong dapat ihingi pa ng tawad. Mukhang kahit mag tampo ako dito ay wala siyang pakialam basta kung ano ang tingin nitong tama doon siya. Kahit masaktan man ako wala itong pakialam. Dahil sa mga pinag sasabi nito sa akin ay hindi ko mapigilan na napaluha na lang dahil sa sama ng loob ko dito. Wala talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko. Basta kung ano ang gusto nitong sabihin iyon ang sasabihin niya. Hindi man lang nito naisip na masasaktan ako. Hindi nito m
LaurenAfter ko makapag shower ay nagbihis na kaagad ako. Hindi na ako nag apply pa ng kung ano man na kolorete sa mukha. Nangangati lang kasi mukha ko doon eh. Tsaka hindi ko naman na kailangan pa ang bagay na iyon. Okay naman ang skin ko at hindi ko na kailangan pa e enhanced ito. Tsaka mas prefer ko pa rin ang natural beauty. Hindi yung gumanda lang ng dahil sa make-up. Feeling ko kasi parang ang kapal ng mukha ko pag naglalagay ako ng make up. Yung pakiramdam na parang sinemento ang mukha mo. At saka ang bigat sa mukha nun. Agad ko ng kinuha ang bag ko at ngmadali na akong bumaba ng hagdan at agad ng lumabas ng bahay sabay diretso sa garahe upang kunin ang aking kotse. Hindi na rin ako nagpaalam pa kay Camela. Bakit pa ako magpaalam sa kanya? Malamang na pagagalitan lang ako nun at kung ano ano na naman ang sasabihin niya na akala mo naman ay wala na akong ginawang maganda sa paningin nito tsaka hanggang ngayon ay wala pa man lang reply sa message ko sa kanya kanina. Impossible
Lauren"Ay hindi ako ang nakikita mong ito. Guni guni mo lang ako " natatawang biro ko dito sabay talon sa kama niya at dinaganan ito para tuluyan ng magising ang diwa nito. Mukha pa kasi siyang wala sa wisyo kaya dapat na gisingin na ito ng tuluyan. Bigla naman itong sumigaw sa ginawa ko at pilit akong tinutulak sa pagkakadagan ko sa kanya. "Ano ba Lauren ang bigat mo. Umalis ka nga sa ibabaw ko dapat si Ma'am Camela na crush mo ang patungan mo at hindi ako." sigaw nito sa akin habang patuloy pa rin akong tinutulak nito para makaalis sa ibabaw niya. Natatawang humiga na lang ako sa tabi nito pero kainis lang kailangan ba na isingit pa ang pangalan ni Camela dito? Hanggang dito ba naman? Kaya nga ako bumisita sa kanya para pansamantala na makalimutan ko ito pero wala pa akong minuto dito ay yan na kaagad ang bukang bibig nito. Kainis naman oh. Inis na inirapan ko na lang ito pero di naman niya nakita yun. Pwede naman kasing ibang pangalan na lang ang banggitin bakit need pa yung s
LaurenMag 9:00 pm na ng gabi ng napagpasyahan ko na umuwi na ng bahay. Wala pa sana akong balak umuwe kung hindi lang masyadong gabi na. Kung nandito nga lang sila Mommy ay baka dito na talaga ako makikitulog at bukas na lang uuwe. Pero dahil nga wala sila mapipilitan talaga ako na umuwi. Panay pa nga ang pakiusap sa akin ni Tita na doon na lang daw matulog sa bahay nila at total gabi naman na daw. Pero sinabi ko na lang sa kanila na kailangan kong umuwi at walang tao sa bahay. Wala kasi sila Mommy at nasa business trip. Mabuti na nga lang at hindi na ito nagpumilit pa. Madalas kasi nag tatampo yan si Tita kapag hindi ko napag bibigyan sa kanyang request. Mabuti na nga lang at naka unawa ito ngayon. Kumain na rin lang ako ng dinner doon para hindi na ito mag tampo pa. Mahirap na at siya pa naman ang nag luto kaya naman kumain na ako. Tsaka paminsan minsan lang naman itong mangyari eh. Di bali babawi ako sa kanila sa susunod na punta ko dito. Dahil mag lalagi talaga ako ng ilang ar