LaurenNang masabi ko ang salitang iyon ay bigla itong tumigil sa pagwawala niya. At tinignan ako ng nanunuri na para bang hinahanap doon ang sagot kung nag sasabi ba ako sa kanya ng totoo o hindi. "Pakiulit mo nga yang sinabi mo Fortalejo. Medyo hindi ko kasi narinig masyado at gusto ko makasiguro kung tama ba ang pag kakarinig ko. Mahirap naman na mag assume ako kaagad pero iba naman pala ang ibig mong sabihin." Matiim na sabi nito sa akin na titig na titig ngayon sa mata ko.Pero may nakikita na akong kislap sa mata nito at tuwa na para bang natuwa ito sa aking sinabi sa kanya. Tinitigan ko rin naman ito at seryoso at nag sabi dito. " Tama ka ng narinig Ma'am Camela, mahal po kita kaya ikaw lang ang papayagan ko na humalik sa akin. Wala na akong ibang gusto na mag may ari sa akin kundi ikaw lang mula ng una kitang makita ay binihag mo na kaagad ang puso ko kaya naman nangako ako sa sarili ko na sayo lang ako. Sana naman maniwala ka sa mga sinasabi ko sayo" Seryoso na sabi ko dito
LaurenNang makalayo na sa akin ito ay nag salita ulit si Ma'am Camela. "Gusto ko pag usapan natin kung ano ang mayroon tayo ngayon Fortalejo. Hindi pwede na ganito lang tayo na walang label eh nagka aminan naman na tayo. Nakarami ka na rin ng halik sa akin hindi naman pwede na ganun na lang yun basta. At bago ka pumunta dito ay nakapag desisyon na ako. Ayaw ko ng mag paligoy ligoy pa. Mula sa araw na ito girlfriend na kita sa ayaw mo man o sa gusto. May reklamo ka ba doon ha Fortalejo?" Tanong nito sa akin at matiim ngayon na nakatingin ito. Awang lang naman ang bibig na nakatingin lang ako dito. Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niyang yan? Baka naman naka drugs ito tapos kung mausawan na ay biglang bumalik sa katinuan niya at itatwa ako na girlfriend ko ito. OMG totoo ba ito na siya na ang nag insist na kami na sa ayaw ko man o sa gusto. Paano pa ako makapagsalita pa dito ay halos hindi kayang e process ng utak ko ang mga nangyayari na ito. Ganito ba talaga itong si Camela ? M
Lauren"Talaga? Liligawan mo pa rin ako kahit tayo na? Hindi mo naman na kailangan gawin yun eh paramdam mo lang sa akin kung gaano mo ako kamahal ay sapat na sa akin yun Lauren. Mas mahalaga sa akin yun kaysa sa mga materyal na bagay dyan. " Nakangiting baling naman nito ng tanong sa akin.Makikita mo sa kislap ng mata nito na natuwa siya sa aking sinabi. Sabagay sino ba naman kasi ang hindi matutuwa sa bagay na yun kung liligawan ka pa rin ng mahal mo kahit na ba kayo na nito. Pero kahit sabihin nito na huwag ko na siyang ligawan at paramdam ko na lang na mahal ko siya ay gagawin ko naman talaga lahat yun eh. Tsaka hindi naman ako mag bibigay dito ng bagay na hindi ko pinag hirapan. Hindi ako ang klase ng tao na mahilig lang mag pa empress. "Opo Ma'am Camela, liligawan pa rin kita kahit na girlfriend o maging mag asawa na tayo. Dahil ikaw lang po ang mahal ko at gusto ko maramdaman mo na mahal na mahal po kita at hindi ka magsisi na ako ang pinili mo. " matapat na sabi ko dito sab
LaurenKinabukasanNapaaga masyado ang gising ko ngayon. Paano ba naman kasi e sobrang excited akong pumasok sa school. Paano makikita ko naman kasi doon ang ehemmm girlfriend ko na ngayong si Camela. Hayst ang swerte ko talagang tao. May magulang ako na super supportive sa akin tapos ngayon yung pinapangarap ko lang noon at tinatanaw sa malayo eh girlfriend ko na ngayon. Halos ayaw ko na ngang umalis sa bahay niya kagabi eh. Kung di lang ako pinanlakihan na nito ng mata ay baka doon na ako natulog. Gusto ko pa sana sulitin na mayakap ito eh. Pero ano magagawa ko eh pinauwi na ako ni Kumander. Mahirap naman ma magalit na kaagad ito sa akin dahil lang doon. Balak ko pa naman na makitulog na lang sana sa bahay niya, wala naman kami gagawin na iba eh. Gusto ko lang na hawak ang kamay nito ang sarap kasi sa feeling yung katabi mo siya matulog sobrang nakaka relax kaya yun. Pero baka nga maiilang lang ito sa akin kapag pinilit ko pa ang gusto ko. Sa mga susunod na mga araw or buwan sigu
LaurenNang makasakay na ako sa aking kotse ay agad ko na itong pinasibat patungo sa bahay ni Camela. Panay pa rin ang tingin ko sa aking cellphone at baka may message natin ito sa akin pero hanggang ngayon ay wala pa rin talaga. Ano na kayang nangyari doon bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong text sa akin? Medyo mabilis na rin ang takbo ng kotse ko kasi nga baka maabutan ako ng rush hour sa daan medyo malayo pa naman ang bahay nito. Maya lang ay may nadaanan na rin akong flower shop kaya naman huminto muna ako saglit upang bumili ng flowers para dito. First time ko na mabibigyan siya nito at first time ko rin mag bigay ng ganito maliban sa Mommy ko kaya medyo wala akong alam kung ano ba ang mga favorite flowers nito. Wala kasi sa mga nasa listahan ko kung ano ba favorite nitong flowers. Hindi ko naman kasi napapansin dito na may hawak o gusto itong bulaklak. Nag decide na lang ako na red roses ang bibilhin. Ito naman kasi ang kadalasan na ibinibigay ng mga minamahal nila
LaurenAgad naman na ako nitong pinaupo sa kanyang sala at umakyat na ito sa taas para mag bihis na raw siya. Mukhang hindi pa nga ito nakaligo at kagigising pa lang daw niya. Pero ang lakas ng loob na makipag tukaan na sa akin. Hehehe wala naman problem doon sarap nga eh. Kung wala nga lang kami oasok ngayon baka hindi ko ito pinakawalan pa at pinapak pa ito ng todo. Bakit ba? bayad lang yun sa pag bubunganga nito sa akin. Doon man lang ay maka singil ako dito. Tumango naman na ako dito at sinabing maligo na siya doon. Ako naman ay pumasok sa kanyang kusina at balak kong igawan ito ng sandwich kahit yun man lang ay may makain ito at hindi yung mag papalipas na lang ito ng gutom niya. Pinag timpla ko na rin ito ng coffee niya para magising na rin ang diwa nito. Alam ko naman ang gusto nitong timpla ng coffee eh. Nakita kong nagustuhan nito noon ung ginawa ko sa kanya nung nasa condo ko siya pinatulogTumango naman ako dito kaagad at naupo na sa may sofa upang hintayin itong matapos
LaurenAfter ng first period ay di ko na maintindihan ang aking sarili dahil ang next na subject namin ay ang ehemmm girlfriend ko lang naman na si Camela. Bakit ba naman kasi dito pa ako pina upo nito sa may harapan banda tuloy problemado ako kung paano iiwas ang aking paningin sa nakaka magnet nitong kagandahan. Bakit ba naman kasi sobrang hot at sexy nito? Pwede naman na medyo maganda at sexy lang siya di ba? Lalo lang akong nababaliw dito kapag naka kita ko siyang naka skirt lang at high heels. Potek na yan ang hot nito kapag naka suot siya ng ganun. Hindi ko tuloy mapigil na hindi tumayo ang little Lauren ko dahil sa kanya yung ang gusto ko na lang gawin ay tumambay sa pagitan ng mga hita nito. Hayst sobrang pervert ko na talaga pag dating sa kanya. Kaya nga hindi ko rin maipag tanggol ang sarili ko kapag sinasabihan ako nito ng manyak bakit ko pa ipag tatanggol eh totoo naman yung sinasabi niya. Pero huwag kayong ano dyan ha. Sa kanya lang naman ako manyak pero sa iba wala ako
LaurenAfter ko makapag paalam dito kay Janine ay agad na rin akong umalis sa office nito. Mabuti na nga lang at di na ito nag tanong pa sa akin kung bakit di kami mag sasabay kumain ngayon. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang idadahilan ko dito kaya mabuti na lang talaga. Mukha naman kasi na umiiwas din ito na ma tanong kong maigi ang tungkol sa naabutan kong tagpo nila kanina ni Dean. Pero hindi pa rin ito ligtas sa akin dahil kapag may time ay mag ha heart to heart kami nito para mapaamin ko siya kung ano ba talaga ang meron sila ni Dean. Hindi naman kasi basta ganun na lang yun dahil sa itsura palang nilang dalawa ay mukhang may relasyon ang mga ito. Mukhang nag lilihim lang sa akin si Janine baka katulad ko rin ito na may ka relasyon na pero hindi pa nga lang masabi kasi nga bawal ito. Pero kasi yung sa kanya hindi maganda talaga eh. May asawa kasi yung tao. Ayaw ko na masaktan lang ito doon. Dahil halata naman na mukhang masaya ang pag sasama ng mag asawa. Baka nabigla lang
LaurenInalalayan ko na bumaba ng kotse si Camela malapit na kasi itong manganak pero ayaw pa rin niyang mag leave sa kanyang trabaho as a CEO of her group of companies. Oo nga pala secretary ako ni hon kaya kahit saan siya mag punta ay nandoon ako. Mas maganda na yun para palagi ko siyang nakikita at nababantayan. Total ayaw naman niyang tumigil mag trabaho eh. Matagal na rin na hindi na ito nag tuturo mula nung ikinasal kami. Yun ay nung time na nag proposed siya sa akin ay yun din ang araw na ikinasal kami. Hindi na daw kasi siya makakapag hintay pa ng kahit isang araw na hindi ako naiuuwe sa kanyang bahay dahil gusto na nga raw ako nitong makasama. Hindi na rin ako nag pakipot pa ng araw na yun. Mabuti na nga rin at yung nag kasal sa amin ay talagang pumunta pa dito sa pinas para lang doon. Sabagay kung pinasundo nga naman ito ni Camela at babayaran ng malaki bakit ba ang hindi. May dalawa na nga pala kaming anak at kambal yun na 5 years old na. Katulad ko rin sila na isang i
LaurenMarami nang nangyari sa loob ng halos isang taon at ito nga malapit na rin akong grumaduate. Sa loob ng mga buwan na lumipas ay nakita ko kung paano na unti unti ng nag bago ang ugali ni Hon. Hindi na ito katulad ng dati na masyadong maldito. Although may pagka maldita pa rin pero hindi na ganun ka grabi. Kaya nga mas lalo tuloy akong na e inlove dito. Sa mga nakalipas na buwan ay nakita ko rin kung paano ito natakot para sa aming dalawa lalo na para sa kaibigan nito na si Ma'am Jane. Lalo na nung na kidnapped ang asawa nito na si Avril. Nakita ko kung paano ito tumulong noon. At kung paano mas naging possessive sa akin. Dapat lahat ng puntahan ko ay alam nito. Kumuha pa nga yan ng bodyguard ko kasi hindi daw siya mapapakali lalo na at nawawala ako sa paningin nito na hindi ko naman na kinuntra pa para na rin sa ika papanatag ng loob nito Maging yung mga kaibigan nga rin nito na Professor ay ganun din ang ginawa sa mga Jowa nila pinag kukuhanan nila ang mga ito ng bodyguar
LaurenNaka uwe na nga pala kami ni Camela dito sa Manila. Kulang isang linggo din na nanatili kami doon. Mabuti na nga lang at Foundation week ng nandoon kami sa hacienda kaya hindi naman halata na nawala kami nito. Yun nga lang at pareho kami na hindi naka attend sa foundation week. Pero okay lang sulit naman ang pag stay namin doon at doon ko rin napatunayan na hindi lang pag mamaldita ang ugali meron ito. Mabait din naman ito paminsan minsan at saka ang sweet niya ha. Tapos maalalahanin din ayaw din nito. na napapagud ako. Kung maaari nga lang daw ay siya ang gagawa lahat para hindi ako mapagud eh. Ano ba naman yan ako ang may lawit pero parang ito ang mas dominant sa aming dalawa. Na parang naka alalay lang ako dito sa mga gagawin niya. Imbis na ito ang umalalay sa akin. Baliktad nga eh. Pero okay lang naman yun kasi nga ganito na ang nakasanayan niya at bakit naman ako mag mamalaki pa dito eh siya nga ang mas mayaman at nakaka angat sa aming dalawa eh. Kaya support na lang sa
LaurenNandito na kami ni Camela sa may talon at nag aayos na siya ngayon ng mga dala namin. May kasama kami kanina na tauhan nila dito sa hacienda na silang nag dala ng mga gamit namin at mga gagamitin namin na pang luto. Manghang mangha naman ako sa aking nakikita. Ganito ang gusto ko na puntahan pag mga sem Break o long weekend. Para mag relax nakaka bawas kasi ng stress ang mga ganitong tanawin eh. Lalo na yung nakikita mo na ang reflection mo sa linaw ng tubig na umaagos ngayon. Mahahata mo na napakalinis pa nito at hindi pa siya ganun ka sagasa ng tao. Kung pwede nga matatawag mo pa siyang virgin eh. Tapos ng ilibot ko naman ang aking paningin ay mga nag tataasang puno ang naka palibot ngayon dito. Hindi naman ako takot sa ganito kasi mahilig din ako mag hiking noon pa. Gusto ko sana na tulungan si Hon na mag ayos ng mga gamit namin ay hindi na naman ito pumayag. Hayaan ko naman daw na pag silbihan niya ako. Kahit sa ganito man lang ay maka bawi siya sa akin na hindi naman na
LaurenNaging okay na ulit kami ni Camela. Magkatabi pa rin kami natutulog dito sa kanyang kama at nabigyan na rin niya ako ng maayos na mga damit ko. Ngayon nga ay nag babalak kami na mag ikot dito sa hacienda nila. Gusto ko rin kasi ma experience ang buhay dito sa province. Nag sabi nga ako sa kanya na kung pwede isa sa mga kubo nila dito ay doon kami matulog kahit minsan man lang or mag camping kami banda sa may burol nila. Mukha kasing exciting yun eh. At saka ramdam na ramdam mo talaga na nasa province ka. Hindi katulad Mansion nila na naka Aircon pa na pwede naman sana na hindi.Maaga naman itong nagising dahil hindi ko na siya namulatan pa ngayon eh. Alam ko na nag luluto na ito sa may kusina kaya paunti unti na bumangon na rin ako. Sobrang nakaka hiya na rin kasi kung mag babad pa ako dito sa higaan samantalang kanina pa gising ang may ari ng bahay. At saka nakaka hiya din kay Tito baka kung ano na ang isipin nito sa akin. Ayaw ko pa naman ma bad shot sa aking soon to be fa
LaurenAgad naman itong tumigil sa pag iyak ng marinig ang sinabi ko sa kanya. Bigla na lang akong sinapak nito na hindi ko napag handaan. Shit lang ang sakit nun. Hilo pa nga ako dahil sa hangover tapos bigla ba naman itong manapak. Walastik din talaga ang matandang ito eh. Ang bilis talaga ng kamay. Kakasabi ko pa lang na pinapatawad ko na siya pero ito at nanakit na kaagad. Mukhang nag sisimula na itong maningil sa sinabi kong masasakit na salita ah. "Ano yang sinabi mo na yan Lauren? Mas maganda sa akin ang haliparot na yun? Mahiya ka naman dyan. Wala pa nga sa kalingkingan ko ang babae na yun eh. Kung tutuusin nga para ko lang siyang alalay pag magkatabi kami tapos sasabihin mo sa akin na malalamangan niya ako? Ano yang mata mo gold? Sundutin ko yan eh. Ka bwisit ka talaga." Galit na turan nito sa akin. My god mas pinag tuunan pa niya ng pansin ang sinabi ko na yun kaysa yung pinatawad ko na siya. Walang joe naman oh. Kung hindi lang kita mahal na mahal na matanda ka. Sinasabi
LaurenNagising na lang ako na parang may kumikiliti sa aking leeg at parang may mabigat na bagay na nakatapatong sa akin. Medyo hindi kasi ako makahinga kaya dahan dahan na minulat ko ang aking mga mata upang tingnan ang bagay na yun. Ganun na lang ang gulat ko ng mamulatan ko si Ms. Martin na busy sa pag halik da aking leeg na kung minsan ay kanya pa itong sinisipsip na para bang nilalagyan niya yun ng kiss mark. At nakakagulat pa ha ito pala ang mabigat na bagay na nakapatong sa akin. Kaya naman pala hirap ako huminga dahil dito. Mabilis naman ang reaction ko at agad ko na itong tinulak upang maalis na siya sa ibabaw ko. Para kasing manyak na hindi mo maintindihan ang matandang ito eh. Manghalik na lang ba at nakapatong pa sa akin ha. Ayaw ko ang ginagawa nito sa akin ngayon. Ganito na ba ang plano naman niya ngayon ang akitin ako? Pwes medyo tinamaan ako sa bagay na yan. Kaya nga mabilis ko siyang inalis sa ibabaw ko eh at alam ko na nag sisimula na kasing mag init ang katawan
LaurenPagkababa ko ay agad akong guide ng kasambahay nila pa puntang kusina ng mga ito. Nakita ko kaagad ang isang medyo may katandaan na ring lalaki pero matikas pa rin at halata mo nung kabataan nito ay marami na pinaiyak na babae ito. Kasama nito ay si baliw na naka titig na naman sa akin. Pareho pala silang dalawa na naka titig sa akin. Hayst ano ba naman ang mag ama na ito at wagas maka tingin. Para tuloy huling kain ko na ito eh. Baka hindi rin ako matunawan nyan. Agad ginala naman ni baliw ang tingin niya sa kabuuan ko. Napalunok pa ang bruha ng makita ko na sa may bandang baba na ito naka tingin ngayon. Napaka visible sa mukha nito na gandang ganda siya sa kanyang nakikita. Pero naka pokerface lang ako na naka tingin dito kunyari ay hindi ako affected sa presensya niya. Ayaw ko rin naman na basta na lang mag maldita dito kay baliw at kahit paano ay nandyan ang tatay nito baka mainis sa akin ito ay bigla na lang ako nitong suntukin. Balita ko pa naman ay nag iisa niyang an
LaurenNagising na lang ako na parang may mabigat na naka dagan sa akin. Kaya naman tiningnan ko ang bagay na yun at nakita kong mga braso at binti pala ng isang babae ang nakayakap sa akin. Ang huli ko lang kasing natatandaan kagabi ay may kumausap sa aking babae na hindi ko matandaan kung sino basta parang familiar siya sa akin tapos niyaya na ako nitong umuwe pero may kumausap ulit sa akin at yun na lang ang huli kong natatandaan at wala ng iba pa. Tapos magising na lang ako na may nakayakap na sa akin. Dahan dahan na tinignan ko naman kung sino itong naka patong sa akin ngayon. Gayon na lang ang pagkabigla na naramdaman ko ng makilala ko kung sino ito. Mabilis pa sa alas kwatro na tinanggal ko ang nakapulupot na braso nito sa aking bewang. Pero mukhang wala yata itong balak pakawalan ako kaya may pwersa na ngayon ang pag hila ko sa braso nito. Bahala ka kung magising ka wala akong pakialam basta maka wala lang ako ngayon at makalayo sa babaeng ito. Hindi kaya ng sistema ko na