Kinagabihan naghanda s'ya ng hapunan ng asawa. Wala ang Mama ni Shawn out of town kasama ng mga kaibigan nito, kaya sila lang ni Shawn ang kakain sa bahay. Nagluto s'ya ng sinigang na baboy, nais kasi n'yang makahigop ng mainit na sabaw ang asawa. Nang marinig ang sasakyan nito sa labas, agad s'yang tumakbo para salubungin ang asawa sa may pintuan. Excited na rin s'yang masilayan ang gwapong mukha ng asawa."Good evening Shawn," bati n'ya sa asawa. "Good evening" malamig na tugon nito."Kumain ka na ba? Nagluto ako ng sinigang na baboy," masiglang sabi n'ya. Habang nakasunod sa asawa. Tumigil ito sa paghakbang at liningon s'ya. "You know what Hainna? You should stop doing all these!" Sabi nito, napakunot ang noo n'ya at hindi s'ya nakakibo."Stop, acting like a perfect wife! Dahil hindi naman magbabago ang tingin ko sa iyo! Kung ako sa iyo huwag ka ng mag aksaya pa ng panahon at huwag ka na ring magpakapagod pa! Wala din namang mangyayari!" Matalim na litanya nito."I'm not acting
Magdamag s'yang gising dahil sa nangyari sa kanila ng asawa. Hindi na muling bumalik ang asawa sa silid, marahil sa ibang silid na ito natulog, gaya ng lagi nitong ginagawa. Naiinis na s'ya at nais na n'yang ayusin ang lahat sa kanila ng asawa, niis n'yang klaruin na ang lahat sa asawa. Pero saan s'ya magsisimula? Paano s'ya magsisimula? Tanong n'ya sa sarili.Ang dami nilang dapat ayusin ng asawa, lalo na ang tungkol sa mga maling akusasyon ng asawa sa kanya, nalais n'yang malinis ang pangalan n'ya, na wala syang masamang ginagawa, hiindi n'ya ito pinagtaksilan."Hainna, everything will be ok," kumbinsi n'ya sa sarili, yabang nakatitig sa kisame. Kinabukasan pag gising n'ya wala na ang asawa. Late s'yang nagising kaya hindi n'ya naipaghanda ng almusal ang asawa, halos wala kasi s'yang tulog kaya sobrang bigat ng katawan n'yang bumangon."Pumasok na po ba si Shawn?" Tanong n'ya kay Manang Helen ng makita ito sa kusina."Ah, eh ang sabi po n'ya, wala s'ya sa opisina, may pupuntahan da
Kinagabihan hinintay n'ya ang pagdating ng asawa, nais n'ya itong makausap. Pag-uusapan na nila ang tungkol sa mga larawang natatanggap ng asawa. Lilinawin na n'ya ang lahat, at kung sino man ang nagpapadala ng mga larawan n'ya kay Shawn ay may masamang motibo ito. Marahil nais sirain ang pagsasama nila ng asawa, at hindi n'ya hahayaang mangyari 'yon, hindi n'ya hahayaan na may sumira sa kanya sa asawa, ang dami pa n'yang dapat ayusin sa pagsasama nila ni Shawn.Aalamin n'ya kung sino ang nagpapadala at anong motibo nito. Sana nga lang umuwi ang asawa ngayong gabi. Wala ni isang text o tawag man s'yang natanggap mula sa asawa.Mula sa sala nakarinig s'ya ng ugong ng sasakyan. Dali-dali s'yang lumapit sa pinto para salubungin si Shawn. Pag bukas n'ya ng pintuan, nakita n'yang dalawang sasakyan ang nasa tapat ng bahay, ang isa ay sasakyan ni Shawn at ang isa ay marahil sa kaibigan ni Shawn. Kumunot ang noo n'ya ng hindi si Shawn ang bumaba sa driver's seat ng kotse nito. "Hi, I'm Law
Pakiramdam n'ya may yumuyugyog sa balikat n'ya. Pilit n'yang binuksan ang mga mata, agad n'yang nakita si Shawn na nakatunghay sa kanya, nanlaki ang mga mata n'ya at tila nawala ang antok ng makita ang gwapong asawa."Shawn?" Anas n'ya."Good morning," walang ngiting bati ni Shawn. At napansin ang pagsulyap nito sa kanya, sa may dibdib n'ya. Niyuko n'ya ang sarili at nakitang hubad s'ya at hindi natatakpan ng maayos sa kumot ang hubad n'yang katawan. Mabilis n'yang hinila ang kumot at tinakip sa katawan hanggang sa baba nya. Napatitig s'ya kay Shawn na titig na titig rin sa kanya. Kanina pa ba ito gising at nakatingin sa kanya?Hindi n'ya namalayan na nakatulog pala s'ya kagabi, kahit hindi tumitigil ang isip n'ya sa kakaisip ng kung anu-ano. Eto nga at nagbungga na ang ginawa n'ya kagabi. Nagising na ang asawa n'ya. Kailangan lang n"yang ipaalam ngayon sa asawa na ito ang may gawa ng kung ano mang nangyari sa kanila kagabi. Kahit wala namang nangyari. Magdamag n'yang pinag-isipan ang
Halos trenta minutos na s'yang nakababad sa bathub, iniisip ang bagong kasalanan na ginawa n'ya sa asawa. Alam n'yang sa ginawa n'yang pagsisinungaling ay nadagdagan lang ang kasalanan n'ya kay Shawn, at lalo pang madadagdagan 'yon sa balak n'yang magpanggap na buntis. Alam n'yang mali, pero anong magagawa n'ya kung 'yon lang ang nakikita n'yang paraan para mapalapit sa asawa? Itutuloy n'ya ang pangalawang plano.), itutuloy n'ya. Kanina muntikan na namang may mangyari sa kanila ng asawa. Pero syempre hindi na naman natuloy dahil sa biglaang pagkatok ng Mama ni Shawn. May problema daw kasi sa planta at hindi matawagan ang asawa kaya ang Mama ni Shawn ang tinawagan ng mga tauhan, kaya kahit weekend wala sanang trabaho ang asawa ay pumunta ng planta para ayusin ang problema, at iniwan s'yang ganun-ganon na lang ng asawa. Mariin n'yang pinikit ang mga mata, inaalala ang napakagandang pangyayari kanina. They are almost there. Pakiramdam nga n'ya nararamdaman pa n'ya ang mga labi ng asawa
Mabilis na lumipas ang mga araw. S'ya na ang nag-aasikaso sa mga personal na kailangan ng asawa. Damit na susuotin sa pagpasok, almusal na kakainin nito sa umaga, pati ang dinner nito matapos ang trabaho nito sa opisina. Pakiramdam n'ya unti-unti na s'yang nagkakalugar kay Shawn, at natutuwa naman s'ya, kahit papano nagagampanan n'ya ang papel n-ya bilang asawa ni Shawn, at pansin din n'yang mas napapalapit na sila ng asawa sa isat-isa.Tahimik silang kumakain ni Shawn ng lumapit ang batang kasambahay nila at sinabing may delivery para kay Shawn. Agad n'yang nakita ang brown envelope na hawak ng kasambahay. Naramdaman n'ya ang biglang pagtambol ng dibdib, pamilyar kasi sa kanya ang envelope. Napalunok s'ya at pakiramdam n'ya hindi s'ya makahinga habang nakatingin sa brown envelope. Dinarasal na huwag naman sana, huwag naman sanang mga bagong larawan n'ya ang nasa loob ng envelope. Unti-unti ng napapalapit sa kanya ang asawa. "Salamat," pasalamat ni Shawn sa kasambahay at matulin na
Naguguluhan s'ya kung sino ang nagpapadala ng mga larawan sa kanya, at anong motibo nito? Naisip din n'ya bigla ang kaligtasan ni Hainna, ang asawa n'ya. Sa tuwing lalabas ng bahay ang asawa n'ya may nakasunod rito. Pero sino at bakit? Tanong n'ya sa sarili nang nasa loob na s'ya ng opisina. Bago s'ya pumasok nag-away pa sila ng asawa dahil sa mga larawang pinadala sa kanya. Sinabi ng asawa na posibleng si Patricia ang nagpapadala, pero walang kakayaang gawin ni Patricia ang bagay na 'yon. Lalo na ang mag-utos sa Canada para sundan ang asawa n'ya. Malakas ang kutob n'yang hindi si Patricia ang sumusunod sa asawa, at lalo s'yang nakaramdam ng pag-aalala para sa asawa. Paano kung masamang tao ang laging sumusunod sa asawa?"Damn!" Mura n'ya. Nitong mga nakalipas na araw ay unti-unti na s'yang nasasanay sa asawa. Nasasanay s"ya sa pag-aasikaso nito sa mga kailangan n'ya, sa pagkain n'ya. Alam n'yang pilit ginagampanan ni Hainna ang papel nito bilang mabuting asawa. Nais na rin naman n'
Tahimik silang naghapunan. Wala pa ang mga Kuya n'ya kaya sila lang ng Mommy't Daddy n'ya at ni Shawn ang nasa hapag. Pansin n'yang maganang kumakain ang asawa, marahil nagustuhan nito ang luto ng Mommy nya. Alam n'yang namana n'ya ang galing sa pagluluto sa Mommy n'ya, kaya sure na gusto din ng asawa ang luto n'ya."Kumusta naman ang pagsasama n'yong mag-asawa ngayon?" Tanong ng Daddy n'ya na medyo kinagulat pa n'ya.Nag de-dessert nalang sila at ang dalang bake lasagna ni Shawn ang kinakain nila. Pasimple n'yang sinulyapan si Shawn at nagkatinginan sila nito, mabilis s'yang nag-iwas ng tingin, nagkunwaring busy sa pagkain."Maayos naman ho," tipid na sagot ni Shawn. Hahayaan n'ya ang asawa na ma hot seat sa Daddy n'ya."Mabuti naman, aba'y dapat mag anak na kayo, at nang magka apo ba kame," natatawang sabi ng Daddy n'ya na muntik pa n-yang ikinabulunan. Umubo-ubo pa s'ya."Are you ok?" Tanong ni Shawn sa kanya at agad na inabutan s'ya nito ng basong tubig. Tinanggap naman n'ya 'yon
Makalipas ang dalawang linggo. Naisaayos na nila lahat ang mga kailangan para sa kasal nila ni Shawn. Dumating na rin ang Mama ni Shawn para tumulomg sa pag-aasikaso. Pagkatapos ng kasal nila ay lilipad din daw ito pabalik ng ibang bansan. Nasanay na daw kasi roon ang Mama ni Shawn, at isa pa nais daw nitong sila lang muna ni Shawn ang manirahan sa Mansion ng mga Alvarez. Para daw maasikaso n'ya ng husto ang asawa.Sa pangalawang pagkakataon ihaharap s'yang muli sa altar ni Shawn at mangangako muli ng pag-ibig na wagas sa kanya, at sa pagkakataong ito, ay mahal na s'ya ni Shawn, kaya iba ang pakiramdam na excitement at kaba sa araw na ito.Sa Alvarez beach gaganapin ang kasal nila. Tanging malalapit na kaibigan at mga kamag-anak lang ang invited. Ayaw na din naman kasi n'ya ng masyadong crowded, lalo na't buntis s'ya iniiwasan n'yang mapagod ng husto."I can't believe na ikakasal ka na naman Hainna," tinig ng Kuya Harvey n'ya, ang napabalikwas sa kanya, mula sa pagtanaw sa malawak na
"Hindi naman siguro natin masasaktan si baby diba?" Tanong ni Shawn nang makarating na sila sa loob, napangiti s'ya at hinaplos ang pisngi ng asawa, saka iniling ang ulo."Our baby will be safe," nakangiting sagot n'ya."Good," nakangiting sagot nito at nagyuko ng ulo para halikan s'ya sa mga labi. Pinikit n'ya ang mga mata at buong pusong sinalubong ang mga halik ni Shawn sa kanya.Dahan-dahan humakbang si Shawn, at pag atras naman sa kanya patungo sa malaking kama, kung saan unang beses n'yang pinagkaloob kay Shawn ang sarili."I love you Hainna," bulong nito, nang makahiga na sila ng asawa sa kama at nakaibabaw na ito sa kanya."How much do you love me Shawn?" Ewan n'ya kung bakit n'ya natanong, basta nais n'yang malaman kung gaano s'ya kamahal nito."Why you are asking that?" Kunot noong tanong nito at hinawi ang hibla ng buhok na kumakalat sa pisngi n'ya."Gusto ko lang malaman Shawn, gusto kong marinig mula sa iyo,""I love you Hainna more than anything, I realized now I can't l
Taranta n'yang buhat-buhat ang asawa habang tumutulo ang dugo nito sa braso. "Hold on Hainna, hold on," sabi n'ya sa asawa.Halos sigawan n'ya ang mga staff n'ya para ihanda ang sasakyan n'ya at dadalhin sa ospital ang asawa. Mamaya na n'ya haharapin si Patricia, ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Hainna. Sinakay n'ya sa likuran ng kotse ang asawa at s'ya na rin mismo ang nagmaneho. Malapit lang naman ang Donya Feliza Hospital rito wala man limang minuto mararating na nila ang ospital."Hainna are you ok?" Tanong n'ya sa asawa at panay sulyap sa salamin para makita kung ok pa ba ito."Shawn," tawag nito sa kanya."Eto na nasa ospital na tayo," sabi n'ya at dali-daling bumaba ng driver seat at tumawag ng emergency sa Nurse na nakatayo roon na agad naman kumilos."Are you ok?" Muli n'yang tanong asawa."I am," sagot ni Hainna at binuhat ang duguan na asawa. May sumalubong sa kanilang mga nurse at maya-maya pa napansin n'yang nawalan ng malay ang asawa."Hainna?! Hainna!" "Nawa
Kinabukasan pinilit n'ya si Shawn na isama sa opisina nito. Ngayon kasi kokomprontahin ng asawa si Patricia. Nangako si Shawn na dahil sa ginawang pagbabanta ni Patricia sa kanya ay paaalisin na nito si Patricia.Inamin kasi n'ya kay Shawn ang mga pagbabantang sinabi ni Patricia sa kanya.Patricia wants to kill her, kaya naalarma na ang asawa at paaalisin na nito si Patricia ngayon din."Ayokong ma stress ka Hainna, kaya mas gusto kong maiwan ka na lang muna sa bahay," sabi ni Shawn ng pareho na silang makasakay sa kotse nito. May inis n'yang sinulyapan si Shawn at hinila ang seat belt, sinuot 'yon habang nakatingin rito.Bumuntong hininga si Shawn at binuhay na ang makina, sinumulan ng magmaneho. Nais n'yang sumama para makita si Patricia, kahit sa huling sandali man ay makahingi din s'ya ng tawad kay Patricia, aminin man n'ya o hindi may kasalanan pa din s'ya kay Patricia. Pagdating sa kompanya sabay na silang umakyat ni Shawn patungo sa opisina nito. Agad na tumayo si Patricia para
"Are you ok?" Tanong ni Shawn sa kanya ng makalabas ng comfort roomHindi n'ya alam kung paano s'ya nakalabas ng comfort room, nanginginig ang buong katawan n'ya sa takot sa pagbabanta sa kanya ni Patricia."Shawn," anas n'ya at liningon ang pinanggalingan, hindi na n'ya makita si Patricia.Kung magsusumbong s'ya kay Shawn ngayon, baka isipin ng asawa na masyado s'yang na o-obsessed kang Patricia, baka isipin ni Shawn na pinapapadali n'ya rito ang pagtanggal kay Patricia sa trabaho."Namumutla ka Hainna, may nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Shawn sa kanya.Napatitig s'ya sa mga mata ng asawa. Paano ba n'ya sasabihin kay Shawn na pinagbantaan s'ya ni Patricia, at sinusundan sila ni Patricia."Wa- wala," utal na sagot n'ya. "Umuwi na tayo Shawn, baka pagod lang to," sabi n'ya."Yeah, sure let's go," sagot ni Shawn at hinawakan s'ya sa kamay at naglakad na sila.Niningon n'ya muli ang loob ng restaurant at nakita si Patricia na masamang nakatingin sa kanila. Sa nakikitang pagkilos
Pagdating sa opisina nakita nanaman n'ya si Patricia. Hindi talaga s'ya kumportable kay Patricia. Isipin pa lang na ilang taon ng kasama ni Patricia ang asawa n'ya sa trabaho ay naiinis na s'ya, dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip n'ya.Pagpasok sa loob ng opisina ni Shawn pabagsak n'yang iniupo ang sarili sa sofa."Hainna," tawag ni Shawn sa kanya na marahil nakita ang ginawa, sinulyapan n'ya ang asawa."Why?" Taas kilay na tanong n'ya rito."Let's talk about Patricia," sabi nito."Shawn isa lang ang gusto ko, ang palitan mo si Patricia," agad na sabi n'ya."Hainna kung ang dahilan mo sa pagpapaalis kay Patricia ay selos, hindi magandang dahilan 'yan," sagot nito at naupo sa swivel chair nito. Sumimangot s'ya at sinandal sa sofa ang likod. Pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib."What if ex ko ang makatrabaho ko Shawn ok lang ba sa iyo 'yon?" Tanong n'ya sa asawa."Hell no!" Mabilis na sagot nito."Exactly Shawn," at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa, lumakad palapit sa mesa ng
Iniharap s'ya ni Shawn rito at hinawakan ang mukha n'ya."I'm so sorry for everything Hainna. For all the pain I've cause you. I'm really sorry," bulong ni Shawn sa kanya, habang nakatitig sa mga mata nito na puno ng pagsisisi."Hayaan mo kong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko, sa lahat ng nagawa kong mali sa pagsasama natin," patuloy nito habang hinahaplos ang pisngi n'ya.Napapikit s'ya at dinama ang bawat haplos nito sa kanya at ninamnam ang bawat salita nito."Let me make it up to you Hainna," he said. She opened her eyes at look at his eyes."Yes Shawn, we can make it up, maaayos natin lahat ng mga mali natin noon," sagot n'ya at hinawakan ang kamay nito.Ngumiti si Shawn sa kanya at dahan-dahang lumapit ang mga labi nito sa mga labi n'ya. Pinikit ang mga mata at sinalubong ang mga labi nito.Naramdaman n'ya ang bahagyang pagtulak ni Shawn sa kanya sa salamin at napasandal s'ya roon, kasabay ang pagdikit ng katawan ni Shawn sa kanya. Unti-unti na ring naglalakbay ang mga kamay
Pagdating sa bahay naunang bumaba ng sasakyan si Shawn at mabilis itong umikot para pagbuksan s'ya ng pintuan. Pigil ang kilig n'ya ng buksan ni Shawn ang pintuan, inalalayan pa s'ya nito sa pagbaba."Salamat," pasalamat n'ya. Hawak kamay silang naglalakad papasok ng mapatingin s'ya sa malinis na dagat. May mangilan-ilan na naglalakad para mamasyal. Bukas ang Alvarez Beach para sa mga tao sa San Miguel, kaya hindi nakakapagtaka kung laging maraming tao sa Beach. Huminto s'ya sa paglalakad, nilingon s'ya ni Shawn."Pwede ba tayong maglakad sa tabing dagat?" Anyaya n'ya kay Shawn, ngumiti ito sa kanya at humigpit ang hawak sa kamay n'ya sabay tango.Ngumiti s'ya sa asawa, at naglakad na sila pababa sa mahabang hagdan pababa sa tabing dagat. Magkahawak kamay silang naglakad ni Shawn sa tabing sa dagat. Ito ang unang beses na nakapamasyal silang mag-asawa sa tabing dagat."Ang ganda," bulalas n'ya. Habang pinanoood ang pag hampas ng tubig palapit sa nilalakaran nila, sinulyapan n'ya si S
Pagdating sa G. Saavedra Airlines binigyan muna n'ya ng space ang mag-ina para makapag-usap ng maayos ay makapagpaalam sa isat-isa.Pansin n'ya ang panay sulyap sa kanya ng byenan kaya duda n'ya s'ya ang pinag-uusapan ng mga ito. Baka sinasabi ng byenan kay Shawn ang sinabi nito kanina sa kanya kanina.Maya-maya pa ay tinawag s'ya ng byenan at sinenyasang lumapit. Naglakad s'ya palapit sa mag-ina. Sinulyapan s'ya ni Shawn, bahagya s'yang ngumiti kay Shawn, pansin n'yang naiilang sa kanya ang asawa. Marahil dahil sa mga nangyari sa kanila kagabi. Hindi pa kasi nila napapag-usapan ni Shawn ang tungkol sa bagay na 'yon, at tiyak mamaya 'yon ang pag-uusapan nilang mag-asawa."Take care to my son hija ah," sabi ng byenan. Tumango s'ya at ngumiti rito"Thank you Hainna," sabay yakap ng byenan sa kanya."Do everything for your marriage," bulong ng byenan sa kanya. "Yes po," sagot n'ya agad. Aayusin talaga n'ya ang lahat sa kanila ni Shawn. Aayusin n'ya ang pagsasama nila ng asawa.Pagsakay