KEZIAH Nagising akong mag-isa sa kama kaya tuluyan na akong bumangon. Bago lumabas ng kwarto ay naghilamos muna ako at nag-toothbrush. Nadatnan ko sila Ethan at Cath sa kusina. Sinipat ko ang sala para tignan kung andun ba sila Cael at ang anak ko pero wala akong makita. "Oh, gising ka na pala Quinn halika ka na sabay ka ng mag-agahan sa amin." sabi ni Ethan ng mapansin ako. "Ah, Ate Keziah sila kuya nga pala nagpunta lang ng mall ni Cali. Ang aga kasi ni Cali nag-aya kay kuya na magpunta ng mall. Di ka na nila ginising." saad ni Cath. Kaya ngumiti nalang ako bilang tugon. "Si Lexie nga pala pupunta yun dito mamaya. Ang aga tumawag para magsabi na pupunta siya." ngiting sabi ni Ethan. Maya-maya ay dumating na sila Cael at Cali. Patakbo namang lumapit ai Cali sa akin at humalik sa pisngi. "Hi,mommy good morning," tuwang bati sa akin ng anak ko. "Mommy look daddy bought me a doll." at pinakita
KEZIAH Malapit na kami sa mansion ng mga Lozano halos wala itong ipinagbago nung huli kong punta dito. Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Cael. Kinakabhan ako sa maaring reaction ng pamilya ni Cael. Hindi ko alam kung galit sila sa ginawa ko, alam ko kung gaano nila kasabik magkaroon ng apo at alam ko kung ano kaya nilang gawin para makuha ang anak ko sa akin. Naramdaman ko ang paghawak ni Cael sa kamay ko kaya napatingin ako dun. At agad ko namang binawi iyon at napatingin siya sa akin."I-I'm sorry, alam kong kinakabhan ka kaya,,,,""I'm okay Cael, don't worry." at nilagpasan ko na siya."Mommy,where are we?" tanong ni Cali."We are here at your lolo and lola's house, your daddy's parents.""Let's go baby,they are waiting for us." aya ni Cael kay Cali at tinanguan ako.Pagkapasok namin sa sala ay nag-aantay ang mga magulang ni Cael. Hindi pa agad nila kami napansin.
"What!? pinagkasundo niyo ako sa lalaking kahit kelan di ko pa nakilala!?"galit na tanong ni Keziah sa mga magulang. "Iha, mabait naman si Cael, at soon makikilala mo rin siya pag nakabalik na sya dito sa pilipinas." saad ng mama niya na mahinahon pa rin ang boses. "Ma, di nyo man lang ako tinanong kung gusto ko ba ang arrange marriage na yan o papayag ba ako?" tanong ko kay mama. "Anak kailangan din natin sila sa negosyo kilala ang mga Lozano na isa sa mga pinakamagaling sa larangan ng negosyo,"turan ng papa niya. "Papa,dahil lang sa negosyo kaya niyo itinaya ang kaligayahan ko, ang desisyon ko sa buhay,ang pangarap ko at ang gusto kong mangyari sa buhay ko!?" sigaw kong sabi sa kanila na di ko na napigilan ang galit at tampo sa kanila dahil sa negosyo kaya nila ako ipapakasal sa lalaking di ko gusto. "Shut up Keziah,! wala ka nang magagawa nakahanda na ang lahat, sa gusto o sa ayaw mo magpapakasal ka kay Cael!" galit na turan ni papa at umakyat sa taas ng
Keziah POVNagising ako nang makaramdam ako ng bigat sa bandang tiyan ko.Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at medyo masakit pa ang ulo ko kaya pumikit ako ulit at ng iminulat ko ulit ang mata ko ay nagulat akong may lalaking nakayap sa tiyan ko at parehas kaming walang mga saplot di ko makita ang mukha niya kasi medyo madilim pa at sa kabilang side siya nakaharap. Dahan dahan kong inangat kamay niya na nasa tiyan ko para makaalis ako sa hinihigaan ko. At ng matanggal ko ang kamay niya na nakapulupot sa tiyan ko ay agad kong hinagilap ang mga damit ko at isinuot ito. Hindi niya dapat ako maabutang gising dito.'Tssshhh... Keziah tinutuo mo talaga ang sinabi mo, pano na ngayon yan?' ngalit ko sa sarili ko. Kagustuhan ko naman na ibigay ang sarili ko sa estranghero na yun kaya bakit ako magsisisi.At nang matapos akong magbihia ay dali dali kong tinungo ang pinto at nagmamadaling lumabas ng silid na yun.Nang tuluyan na akong makalabas ay parang nahimasmasan ako
Keziah's POVMaaga akong nagising at nag ayos kahit tinatamad ako. Kasi nga daw susunduin ako ng Cael na yun mamaya at maaga kaming pupunta sa magsusukat ng susuotin sa kasal. Hayyyss nako pano pa ako makalusot sa kasal na to? Naligo lang ako saglit dahil sobrang tamad akong bumangon iisipin ko pa lang na magkasama kami ngayon ng kumag na yun kumukulo na ang dugo ko sa kanya.Kahit siya na ang pinakagwapo sa lahat ng lalaki, ayaw ko pa rin sa kanya nasusuklam ako sa kanya. Naka off-shoulder summer dress lang sinuot ko na above the knee at flat sandals. Babagay din sa panahon ngayon sobrang init kasi malapit na ang summer. Naglagay lang ako ng liptint at powder kaunti yun lang at itinali ko lang yung hanggang balikat kong buhok. Saktong pababa na ako ng may sasakyan akong narinig sa labas na kakarating lang. Ang kumag ma pala ang dumating kaya nagpaalam lang ako kina mama at papa saglit at bumati lang din siya kina mama at papa tapos alis na agad kami.Pag
CAEL'S POVPupuntahan ko pa si Keziah ngayon sa kanila. Nagpromise ako kay mom and dad na dadalaw ako sa mansion at isasama si Keziah. Nakangiti ako ng maalala ko ang inis ni Keziah sa akin ang cute niya pag nagbablush siya. Oh that brat, napapangiti talaga ako pag nagtataray na siya sarap laging asarin. Malapit na rin naman akong matapos sa ginagawa ko at maaga akong aalis dito sa opisina ko dahil magsusundo ako sa brat na yun. Mabuti nalang ay napa O-oo ko nang gusto siya makita nila mommy. Mapapalambot ko rin yang puso bato mo, at sisiguruhin kong mapaibig kita Keziah. Alam kong sa kabila ng mga pagsusungit mo sa akin ay may nakatago pa rin kabaitan diyan sa puso mo. Mag aalas tres na ng hapon magliligpit lang ako at aalis na agad baka umusok nanaman bunbunan nun bilis pa naman maasar yun sa akin.Nasa harap na ako ng gate sa bahay nila di ko nalang pinasok ang sasakyan ko.Kasi aalis din naman agad kami. Pinagbuksan ako ng guard nila at naglalakad pap
KEZIAH POVIlang araw nalang kasal ko na, parang di ko pa rin matanggap na matatali na ako sa ganitong sitwasyon. Nagtext ako kay Lexie na magkikita kami sa bar na dati pa rin namin pinupuntahan. Kahit sa ganitong paraan makalimutan ko panandalian ang lahat. Nauna na akong dumating dito. Habang nag aantay ako kay Lexie ay nag order na ako ng inumin, parang dito ko nalang lahat naiilabas sama ng loob ko ah."Tssshhhh,wala din namang kwenta na ang buhay ko ngayon, kahit kailan di na ako sasaya pa"saad ko sa isip ko. "Bakit kaya wala pa ang bruhang yun? nakarami na ako ng nainom pero hanggang ngayon wala pa siya, pati ba naman best friend ko pinagkanulo na ako?tshhh,"turan ko sa isip ko na nakangiti, medyo may tama na sa akin ang alak pero di pa naman ganun kalala. Maya-maya ay padami na nang padami ang tao, at umingay na masyado. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ng may maraming missed calls na pala galing kay Lexie, at messagev inopen ko message niya sa
Keziah POVHinatid ako ni Cael dito sa bahay kanina habang iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi. Galit ako sa kanya at bakit naman ako gaganti sa mga halik niya?.Kung totoong halik yun bakit parang nararamdaman kong pamilyar sa akin ang halik na yun? Nasa malalim akong pag iisip ng tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang caller, si Lexie, ano nanaman drama ng babaeng ito. "Quinn!!!" sigaw na bungad niya sa akin, aba ang saya ng bruhang to at inin-dyan pa ako kagabi. "Lexie,hinaan mo boses mo masakit sa tenga at hoyy bruha may kasalanan ka pa akin ng di mo pagsipot kagabi,"sabi ko sa kanya."Naku,Quinn mamaya na yan, Quinn guess what?" excited na tanong niya sa akin. "May pa guess what ka pang nalalaman, ba't di mo ko deretsahin sa gusto mong sabihin," inis kong tanong sa kanya. "Alam kong maeexcite ka rin pag nalaman mo to," kilig niya pang sabi na sinadyang ibitin ang sasabihin. "Ano nga yun, sabihin mo na nga yang sinasabi mong nakak