Humigop ka daw ng sabaw para bumalik ang lakas mo Szarina at tuloy ang bakbakan n'yo mamaya kahit namamaga pa ang labi ng kiffy mo.. Mapapasana all na lang ako...
Szarina Point of view.. Nag-uusap kami ng mga kaibigan ko sa group chat namin... Nag-aalala na kami sa kalagayan ni Isadora.. Ilang buwan na itong pinaghahanap pero wala parin kaming balita... Kahit si Jeran ay tumutulong narin para mapadali ang paghahanap sa kaibigan namin... "Bakit hindi ka pumasok? Ikaw din Aria, bakit hindi ka din pumasok kahapon at kanina?" Tanong ni Rasselle sa amin ni Aria. "Sumakit ang puson ko kahapon at hanggang kanina kaya hindi ako nakapasok." Sagot ko kay Rasselle, si Aria naman ang sinabi ay s'ya ang nagbantay kay tito Florante kaya umabsent ito.. Pagkatapos naming mag-usap magkakaibigan ay pinatay ko na ang phone ko.. Hindi na kumikirot ang pagitan ng dalawang kong hita. Balak kong lumabas para bumili ng makakain sa supermarket sa mall... Palabas na sana ako ng condo ko ng mahagip ng mata ko ang paboritong combat shoes ni Jeran.. May naisip ako na kalokohan sa sapatos nito. Pumasok ako sa kusina, kinuha ko ang pinaka matalas at matulis na ku
𝐓𝐇𝐈𝐑𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍_ Pumunta si Angielina na kasama si Trish sa Condo ni Szarina ng hindi inaasahan ni Jeran. Pumasok ito ng dirediretso kahit pinipigilan ito ni Kian. Kumakain ng umagahan si Jeran ng bigla siyang tinawag. "Jeran, totoo ba na binabahay mona ang kabit mo?" Tanong kaagad ni Angelina kay Jeran na galit na galit... Gulat na gulat naman si Jeran na umangat ng kanyang ulo... Sa gulat na makita niya ang kanyang asawa na nasa harapan niya ngayon ay napatayo pa ito na kamuntikan na nitong ikatumba. Inaasahan na nila ito, dahil hindi magtatagal ay magsusumbong na si Trish sa mommy niya o kay Angielina, pero hindi niya inaasahan na ganitong araw dahil ang alam niya ay nasa London ang kanyang asawa. Hindi kaagad nakapagsalita si Jeran.. Lumabas naman si Szarina sa kusina na may hawak na mangkok na may lamag ulam na wala pang kaalam-alam sa nangyayari sa dining Area. "So, totoo nga?" Naglakad-lakad ito papasok ng dining area at naupo ng naka de kwatro at naghaluki
Szarina Point of view "Ow! Ang liit talaga ng mundo noh? Pilit tayong pinagtatagpo na dalawa ng tadhana na magkita sa iisang lugar... Anong ginagawa ng isang gold digger at kirida dito sa labas ng sikat na restaurant dito sa buong Manila?" Tanong sa akin ng ambisyosang asawa ni Jeran ng makasalubong ko dito sa Entrance ng AZC CUISINE. May mga bodyguard itong kasama para sa seguridad nito.. Hindi naman dito basta-basta dudumugin ang asawa ng Presidente dito dahil mahigpit ang mga security dito, hindi basta-basta nagkakaroon ng gulo. Dahil wala ako sa mood pumatol sa kinulang sa pansin na'to. Nilagpasan ko ito na parang hindi ko s'ya nakita.. pero hindi ako nito tinantanan, hinawakan ako nito sa braso at pinaharap pa sa kanya. "Kinakausap kita kaya huwag mo ako tinatalikuran! huwag kang bastos!" Napipikon na sabi nito sa akin. Tinapik ko ang kamay nito na nakahawak sa braso ko.. "Alisin mo nga yang marumi at mabaho mong kamay sa braso ko kung ayaw mong baliin ko yan!" Banta ko
Szarina Point of view.. Uwian na, naghiwa-hiwalay na kami ng mga kaibigan ko.. Naglalakad na ako patungo sa waiting shed upang mag-abang ng taxi pauwi sa condo ko... Namimiss kona ang dorm ko dati, gusto ko sanang pumunta don kaso kailangan ako ngayon ni Jeran sa Malacańang. Umuwi ang kapalitan kong P.A dahil masama ang pakiramdam nito. Ang sabi ko kay Kian ay sa condo na n'ya ako sunduin at huwag sa tapat ng campus baka makita kami ng mga kaibigan ko, magtaka ang mga ito sa akin. Hanggang ngayon kase hindi ko pa sinasabi sa mga kaibigan ko na hindi ako kina ate Marie nakatira ngayon.. Ayaw kong mag-isip sila tungkol sa kung anong meron sa amin ni Jeran... Mga sesmosa pa naman ang mga 'yun... Marami na ang problema na dumarating sa aming magkakaibigan, ayaw ko naman dagdagan pa ang mga ito ng isipin.. Sinisipa-sipa ng aking paa ang bato na nasa harapan ko ng may tumigil na mamahaling sport car sa harapan ko.. Napakunot ako ng aking noo at napalingon sa paligid ko. Ako lang nama
Szarina Point of view. Lakad-takbo ang ginawa ko.. Alam kong katakot-takot na sermon ang ibibigay sa akin ni Jeran.. Pagbukas ko ng pinto ng aking condo ay napatda ako sa aking nadatnan. Hawak ni Jeran ang paborito nitong guitara habang nagtitipa ng nakaharap sa pinto.. Nakaupo ito sa mataas na wooden chair habang ang isang paa ay nakalawit sa sahig at ang isa naman ay nakapatong sa hamba ng wooden chair. Titig na titig ito sa aking mata bago nito sinimulan kumanta.. A hundred days have made me older Since the last time that I saw your pretty face A thousand lies have made me colder And I don't think I can look at this the same But all the miles that separate Disappear now when I'm dreaming of your face Naantig naman ang puso ko sa bawat ng bigkas ng labi nito sa Lyrics ng kanta... Gwapo si Jeran, pero alam ko kung hanggang saan lang ang limitasyon ko sa kanya. Ayaw kong mahulog ang damdamin ko sa kanya, dahil ayaw kong umasa at masaktan ng dahil din sa kanya... M
Szarina Point of view. Kinaumagahan ay nagising ako na kumakalam na ang sikmura ko dahil sa gutom. Maliligo muna ako bago ako lalabas ng kwarto ko para silipin kung nasaan si Jeran.. Pilit nitong binubuksan ang pinto kaninang madaling araw kaya para kaming dalawa na tanga na nagsisigawan dito kanina bago ako nakatulog. Pagkatapos kong magbihis ay dahan-dahan ko ng inaalis ang sutra sa may pinto... Pinakiramdaman ko muna ko kung may tao ba sa labas, ng wala naman akong maramdaman ay inalis kona ang padlock dito sa loob at dahan dahan kong binuksan ang pinto... Ng mabuksan kona ito, sumilip mona ako... Wala si Jeran kaya lumabas na ako, dahan dahan lang ang bawat hakbang ko. Daig ko pa tuloy ang magnanakaw nito. Bawat hakbang ko sa hagdanan ay may pag-iingat. Wala din dito si Jeran sa sala, seguro pumasok na ang siraulong yun. Dumiretso na ako sa dirty kitchen.. Binuksan ko ang ref. kumuha ako ng dalawang piraso na tj. hotdog. Ito na lang muna ang kakainin ko. Mabilis ang kil
Szarina Point of view "Dito ka lang, hindi ka lalabas hangga't hindi ko sinasabi Szarina...! Kung ayaw mong maulit ang ginawa ko sayo ay sumunod ka sa gusto ko...!" Galit na sabi nito sa akin.. "Ayaw ko...! Hindi kita tatay para sundin ang lahat ng sinasabi mo! Hindi ako tao-tauhan mo na dapat lahat ng gusto mo ay susundin ko...! Pumayag lang ako sa gusto mo na gawin akong babae mo dahil malaki ang pangagngailangan ko, pero bayad na ako sayo! Sobra sobra pa pati interest ay kasama na... Tapusin na natin 'to Jeran... Nasasakal na ako sa'yo... Sobra sobra na ang pambababoy mo sa katawan ko. Hindi kona kaya, hindi kona masikmura... Ang dumi na ng tingin ko sa sarili ko, alam mo ba kung ano na ang tingin ko sa sarili ko? ha!. Pakiramdam ko wala na akong pinagkaiba sa mga babaeng bayaran. Natatakot na ako sa'yo Jeran, baka yong ginawa mo sa akin kanina ay mas malala pa ang gawin mo sa akin sa susunod kaya nakikiusap ako saiyo Jeran tapusin na natin 'to. Tama na! Hindi kona kaya ang gani
Szarina Point of view. "Diyan mo na lang sa gilid ako ibaba." Sabi ko sa gwapong lalaki na tumulong sa akin sa pagtakas ko kay Jeran.. "Sure kaba? Hindi ba delikado d'yan?" Tanong sa akin nito. "Hindi naman, dito nakatira ang kaibigan ko. D'yan ko na lang s'ya hihintayin sa may poste ng kuryente." Sagot ko dito. "Okay, pero kung hindi mo makita ang kaibigan mo huwag kang mahihiyang tumawag sa akin para balikan kita dito." Pag-aalala nito sa akin. "Salamat, oo nga pala kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa natin alam ang tunay nating pangalan sa isa't isa" Sabi ko dito. "Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko na Amer." Sagot nito sa akin. "Alam ko na ang pangalan mo, ikaw si Szarina, di ba? Pasensya kana kung hindi kita pinansin nung mga nakaraan linggo na magpakilala ka sa akin, mainit kase ulo ko nung araw na 'yun." Sabi pa nito at humingi pa ng pasensya sa akin. "Naku, okay lang yun. Maliit na bagay, pero napainit mo ang ulo ko nun." Natatawa na sagot ko dito... Natawa
Jeran Point of view Walang pagsidlan ang aking nadaramang katuwaan ng pagbigyan akong muli ng isa pang pagkakataon na itama ang aking pagkakamali ng aking pinakamamahal na asawa. Lahat ginawa ko mapatawad lang niya ako. Ngayon ay ganap na mag-asawa na kami. Masasabi ko ng akin ng tuloyan ang nag-iisang babae na pinangarap ko. Isang linggo lang ang aming honeymoon sa Isla Rosana, kaya sinulit ko ang isang linggo na 'yon. Ngayon ay nandito kami sa Angels Mental Hospital, dinalaw namin ang pinsan ko na si Trish. Hindi parin ako makapaniwala naka takas ito, nakita na lamang daw ito sa isang parke na nakaupo sa bench habang pinapasuso ang isang kuting sa kanyang dede. Pinabayaan na ito ng tuloyan nila dahil nakakahiya daw ito sa pamilya nila. Ang katwiran pa ay wala silang anak na baliw, kaya ako na lang ang nagmamalasakit sa pinsan ko. Nakatanaw lamang kami sa kanya, habang mahimbing siyang natutulog. Kailangan itong patulogin upang hindi ito magwala, awang-awa na ako sa kalagayan
Szarina Point of view. "Walang salitang sapat para maipahayag ko kung gaano ako ka swerteng tao dahil pinagbigyan mo ako ng pangalawang pakakataon na mapatunayan saiyo na sobra kitang mahal. Hindi sapat ang salitang sorry sa mga nagawa kong pang-aabuso sa'yo bilang isang babae, tama lang ang ginawa mo na pinahirapan mo ako bago ko nakamtan ang pagpapatawad at pagtanggap mo sa akin diyan sa puso mo at bilang isang ama sa mga anak natin. Pinagsisisihan ko ang mga bagay na nagawa ko saiyo sa nakalipas na limang taon. Sa harap nila at sa harap ng Panginoon, pinangako ko sa kanilang lahat na hindi ko sasayangin ang binigay mong pangalawang pagkakataon sa akin, bagkus pahahalagahan ko ito at iingatan na mas higit pa sa diamante ang puso mo, hindi ko ito hahayaan na mahulog sa sahig at magkapira-piraso. Iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iniingatan ngayon at minamahal ang akin. Sabihin na nilang madamot ako, wala akong pakialam. Ang gusto ko, akin ka lang at ako'y sayo, hindi lan
Szarina. Matapos ang pagpropose ko kay Jeran nong umuwi ako buhat sa Isla Rosana ay nandito kami ngayon sa Malacańang. Sunod sunod ang kislapan ng camera ba kumukuha sa amin ng mga anak ko, marami ang mga katanungan sa amin. "Ms. Doctora Orpesa, balita ko po kayo daw po ang nag propose kay Mr. President?" Tanong sa akin ng nagngangalang Agane Chaves na Reporter ng Lireo Station. 101.2 Napangiti naman ako bago sumagot. "Oo, tama ka sa nakalap mong balita Miss. Agane. Inunhan ko na, baka maunahan pa ako ng iba." Nakangiti kong sagot. "At totoo rin po ba na tinutukan mo pa ito ng laruang baril?" Habol pa nitong tanong. Natawa na ako ng maalala kong muli ang pagtutok ng baril kay Jeran. "Oo, tama ka ulit. Tinutukan ko na para hindi na makatanggi pa. Natawa naman ang mga tao na nandito sa harapan namin. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap ay natapos din kami, mabuti na lamang ay hindi nagpasaway ang mga anak ko. Marami ang natuwa na nagkaroob kami ng tatlong anak na mababait. M
Szarina. Asaran at tuksuan ang naganap sa maghapon sa trabaho ko, paano ba naman itong si Jeran simula ng maging maayos kami ay wala ng ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Si Doc. Jack lang ang nakakaalam na may anak kami ni Jeran, nakita niya kase isang beses na magkakausap kami sa video call, at alam narin niya na ako ang babaeng tinutukoy ng Presidente ng bansa na may anak sa akin. Mabuti na lamang ay mapagkakatiwalaan ito. Pero napag-usapan narin namin ni Jeran na pagkatapos ng medical mission namin dito ay bago matapod ang kanyang termino bilang isang pangulo ng bansa ay ipapakilala na niya kami sa mamamayan na nag-aabang sa amin. Ngayong gabi ay babalik na ulit sila ng Manila dahil nagkaroon daw ng kaunting problema sa Malacańang. Hindi naman palagi na nandito si Jeran, mas lamang parin na nasa Malacańang siya. Pupunta lang siya dito kapag susuyuin at kukulitin ako. Pero nong maging okay na kami, isang beses na lamang siya pumupunta dito sa Isla Rosana, kapag maaga naman siyan
Szarina. Kinaumagahan na nga kami nakabalik dito sa camp namin. Simula ng makita kami ni Jeran sa gubat nila Eutanes at Red ay inaasar kami ng dalawa. Sa tuwing dadaanan nila ako ay pasipol sipol ang mga to sa akin. "Hindi nyo ba ako titigilan na dalawa." Sita ko kina Red at Eutanes, hindi na ako makatiis dahil pinagtitinginan narin kami ng aking mga kasamahan. "Uhm... May sinasabi kaba doc. sa amin?" Pagkakaila pa nito sa akin kahit alam naman niya kung bakit ko sila sinisita. "Ehem. Napalingon ako sa taong nasa likuran ko ng tumikhim ito. Si Jeran na may hawak na isang halamang gubat na kung tawagin ay yellow lollipop plant. "Para saiyo," nahihiya pa na sabi nito sa akin na iniaabitbsa akin ang bulaklak. Tumingin naman ako sa paligid ko, lahat sila ay may mapanuksong tingin sa akin. Namumula ang mukha ko na tinanggap ko ito, kaya ang mga siraulong kaibigan ni Jeran ay inaasar nanaman ako, lalo na ang dalawa. "Salamat pero saan mo ito pinitas?" Tanong ko kay Jer
Szarina_ "Anong ginagawa mo, Jeran? Lubayan mo nga ako. Kanina kapa panay ang sunod sa akin." Naiinis na sita ko dito, ki aga-aga pinapainit ang ulo ko. "Kausapin mo muna ako," sagot nito sa akin. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. "Sorry na hindi na mauulit. Nagawa ko lang naman yon dahil hindi mo ako pinapansin." Sabi pa ulit nito sa akin. habang nakasunod sa aking likuran. Hindi ko parin ito pinansin. Tatlong araw na mula ng gumawa ito ng kadramahan sa akin na masakit ang kanyang dibdib kaya hindi ko ito pinapansin ng ilang araw. "Szarina. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik kana don sa Camp, o kaya ay bumalik kana don sa pinang galingan mo, isama mona rin yang mga kaibigan mo, at lubayan ninyo ako! Hindi na ako natutuwa sainyo, lalo na saiyo! Nakakairita na kayo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya na halos hapuin ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, tatalon ako sa bangin na 'to." Pananakot ni Jeran sa akin ng pumunta ito sa may bahagi
Szarina Point of view Iniwan ko ang mga bata kina tatay. Lumuwas ako pabalik ng Rizal kung nasaan ang unang pinatayo ng ama ni papa na private hospital. Nagkaroon ng pagpupulong kinabukasan ng pumasok ako sa hospital ni papa, pinag-usapan kung ano ang mga dapat naming gagawin pagpunta namin don. Iilan lang ang nakakakilala na anak ako ng may-ari ng hospital ni papa, ang may matataas na katungkulan lamang, dahil kailangan ko munang magsimula sa mababa, bago ako ilagay sa mataas na posisyon. "Doc. Szarina, naghihintay na po ang iba sa atin sa roof top tayo na lamang pong dalawa ang hinihintay nila." Tawag sa akin ni Doc. Jack Sawyer na may lahing americano. "Um, okay, susunod na ako, ligpitin ko lamg itong gamit ko." Sagot ko. Niligpit ko na nga ang lahat ng gamit ko, at sumunod kay Doc. Jack. Ngayon ay nandito na kami sa rooftop pasakay ng helecopter na magdadala sa amin sa Isla Rosana. *** Isang oras lang ang nilakbay namin. Nakarating kami sa Isla Rosana. Lumanding a
Szarina Tinawagan ko muna si Nurse Megan na pumunta dito sa bahay ni Tiya Beth, at magpasama kay kuya Franco. "Tiya Beth, uuwi po muna ako sa bahay, nandito naman po si Nurse Megan at si Kuya na makakasama mo." Paalam ko kay tiya Beth. Nakatingin lang ito, sa akin. Lumabas na rin ako ng silid nito. "Segurado kaba, sa ginawa mo Bunso? Hindi naging mabuti ang pakikitungo niya sayo simula't sapol." Tanong sa akin ni Kuya Franco. "Kuya, kung ano man ang nakaraan namin ni Tiya Beth, ay tapos na yon sa akin, kinalimotan ko na at nakaraan na lamang 'yon.) sa amin. Hindi na sa aking mahalaga Kung naging mabuti ba siya sa akin o hindi, ang importante ay itong ngayon, at ipamulat na lang natin sa kanya na ang lahat ng taong masasama ay may hangganan, pwede silang maging mabuti pa rin, gabayan natin sila kung maaari... Hindi sila palaging ang nasa taas, darating din ang araw na manghihina din sila at mangangailangan din ng tulong galing sa iba, sa atin. Hindi pa naman huli ang lahat eh
Szarina. Kinaumagahan ay maaga ako nagising, upang magluto ng almusal ng mga anak ko. Hindi ko na inutusan pa sina Nurse Pia at Nurse Megan. Habang nagluluto ako ng hotdog ay naalala ko ang pagharana sa akin ni Jeran at ng mga kaibigan nito, hindi ko akalain na susundan ako ng siraulong ama ng mga anak ko. Naiiling na lang ako ng aking habang binabaligtad ko ang hotdog, kapag naalala ko ang mga dinala nila sa akin, rose na may bulaklak ng aswang sa gitna, at ginataang itik na hindi ko kinakain. Bumabaligtad ang sikmura ko kapag nakakaamoy ako nito na hindi ko alam kung bakit eh simpleng ulam lang naman ito. Hinango ko na ang hotdog at nilagay ko na ito sa maliit na pinggan. Ano ba ang dapat kong gawin? g Gusto ko naman ng kumpletong pamilya at masaya, dapat ko na bang tanggapin ang pag-ibig ni Jeran sa akin para sa mga anak namin. Pero natatakot ako, paano kung pakulo lang niya ulit ito, upang gantihan ako dahil sa pagtatago ko sa mga anak namin sa kanya?Mas gugustuhin ko pa