Szarina Point of view. "Diyan mo na lang sa gilid ako ibaba." Sabi ko sa gwapong lalaki na tumulong sa akin sa pagtakas ko kay Jeran.. "Sure kaba? Hindi ba delikado d'yan?" Tanong sa akin nito. "Hindi naman, dito nakatira ang kaibigan ko. D'yan ko na lang s'ya hihintayin sa may poste ng kuryente." Sagot ko dito. "Okay, pero kung hindi mo makita ang kaibigan mo huwag kang mahihiyang tumawag sa akin para balikan kita dito." Pag-aalala nito sa akin. "Salamat, oo nga pala kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa natin alam ang tunay nating pangalan sa isa't isa" Sabi ko dito. "Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko na Amer." Sagot nito sa akin. "Alam ko na ang pangalan mo, ikaw si Szarina, di ba? Pasensya kana kung hindi kita pinansin nung mga nakaraan linggo na magpakilala ka sa akin, mainit kase ulo ko nung araw na 'yun." Sabi pa nito at humingi pa ng pasensya sa akin. "Naku, okay lang yun. Maliit na bagay, pero napainit mo ang ulo ko nun." Natatawa na sagot ko dito... Natawa
Szarina Point of view. "Ang gaganda at ang gwapo naman ng anak mo hija, manang mana saiyo..." Sabi ni Doc. Henry Orpesa. . Ngumiti naman ako sa kanya. Isang linggo pa lang ako buhat ng manganak sa triplets ko at tatlong araw ko pa lang nakilala si Doc. Orpesa. Naririnig ko na ang pangalan nito, matalik na magkaibigan sila ni Tito Juanito. Palagi ito sa pag-aari nitong Hospital, bumibisita lang s'ya dito kapag kailangan lang. Iba ang naramdaman ko dito nung unang araw na makita ko ito, hindi ko lang mapangalan kung ano itong nararamdaman ko. Iba din ang mga titig nito sa akin, palagi ko itong napapansin na pinagmamasdan sa malayo. Pero ngayon, hito sya hindi na nakatiis na lapitan ako at kausapin pero wala akong nararamdamang masama sa kanya. "Oo nga po, pero ito pong si Junior kamukha po ng ama niyang sira-ulo." Sagot ko dito na nakangiti.. Natawa naman ito sa sinabi ko. "Ang poge naman ng siraulong yun, pero bakit mo naman nasabi na siraulo ang ama n'ya?" Natatawa na tanong ni
Jeran Point of view "Hanapin n'yo! Hanapin ninyo sa buong building na ito, alam kong hindi pa nakakalayo ang babaeng 'yon. Huwag na huwag kayong magpapakita sa akin kapag hindi n'yo kasama si Szarina...! Galit kong bulyaw sa mga tauhan ko... "Szarina...! Pasaway ka talagang babae ka, magtago ka ng mabuti dahil kapag ako mismo ang nakahanap sa'yo parurusahan kita na pagsisisihan mo." Naiinis kong sigaw dito sa condo... Nakita ko ang lahat ng cctv footage sa palibot ng building na pag-aari ko, nakita kong may isang lalaki ang tumulong dito. Inalam ko kung sino ang lalaking tumulong kay Szarina na tumakas, humanda sa akin ang lalaki na yon. Ang dami ko ng problema, dumagdag pa ang lalaki na yan. Wala parin kaming balita kay Isadora kung sino ang taong nagpadukot dito, dumagdag ka pa Szarina. "Mahanap lang talaga kitang babae ka hindi kita palalakarin ng isang taon. Kumuha ako ng isang bote ng alak sa ref, tinungga ko ito na parang tubig lang... "Lalo mo lang dinadagdagan ang k
Jeran Point of view. Sampung buwan na ang nakalipas. "Ah, shit! Ang sakit ng likod ko. Kailangan ko na seguro magpa-massage. Sobrang daming nangyari ngayong araw na ito. Gustuhin ko man na sumama sa paglusob nila Eutanes sa mga armadong dumukot kay Isadora, ay hindi pupuwede dahil ang dami kong unang dapat asikasuhin dito sa Palasyo... Kailangan ko pang asikasuhin ang pagpapawalang bisa ng kasal naming dalawa ni Angielina. Dahi hindi ako makapag-focus sa paghahanap kay Szarina dahil sa kanya. Sampung buwan na ang nakalipas, ay wala pa rin akong balita sa dwende na 'yon. Magaling magtago, pati na ang lalaking tumulong sa kanya, ay nahirapan akong hanapin. Walang silbi ang kapanyarihan at ang mga koneksyon ko. Bukas ko na lang eguro dadalawin si Trish sa Mental Hospital. Kami lang ni Kian ang nakakalam kung ano na ang kalagayan ni Trish ngayon, kahit ang magulang nito, ay hindi ko pinagsabihan. Bahala silang maghanap sa anak nila. Hanggang ngayon, ay nahihirapan pa rin s
Szarina Point of view. "Mag-iingat kayo don ha, gustuhin ko man na ihatid kayo sa airport, baka makita ako ni Jeran o kahit ang mga tauhan nito." Sabi ko kay Aria ng pasakay na ito sa sasakyan na maghahatid sa kanila sa airport. "Kayo din, mag-iingat dito. Tatawag ako palagi sa'yo kapag hindi ako bucy, basta yong usapan natin, ha, na mag-aaral parin, at sabay nating aabotin ang pangarap nating dalawa." Nakayakap na sabi nito sa akin. "Oo, naman, pero 'yong afam ha, bago mo ereto sa akin dapat hindi supot, ayaw ko ng may balot, hindi masarap." Natatawa kong bulong kay Aria. "Baliw ka talaga, kahit kelan puro ka parin kalokohan, pero paano mo nasabi na hindi masarap ang may balot pa? Nakatikim kanaba nun?" Tumatawa na tanong nito sa akin. "Baliw, syempre hindi pa, narinig ko lang dati kay Maria Maxipeel. Sege na, alis na kayo baka maiwan pa kayo ng eroplano. "Gaga, paano ako maiiwan eh kay Daddy, 'yun. Sege na nga alis na kami, pinagtatabuyan mo na kami eh, basta yong usapab
Szarina Point of view. Tumawag si Tito, Juanito kay Oli. Pinadala kami nito sa isa pa nitong sekretong hideout dito naman sa Rizal, ang pangalan ng underground na ito ay Underworld Mansion, dito daw muna kami pansamantala hangga't hindi pa natatapos ang pagrerenovate ng The Godfather Mansion sa Bicol. Ayaw ko naman umalis don, dahil nasanay na kami ng mga anak ko don, kaso wala naman akong magagawa, nakikitira lang kami ng mga anak ko. "Hija, pwede ba tayong mag-usap na dalawa,may gusto lang sana akong sabihin saiyo." Seryuso na sabi sa akin ni Doc. Henry, habang nakaupo ako, at nanunuod ng t.v dito sa sala kasama ang mga anak ko. "Sege, po. Ano po ba ang pag-uusapan natin, at tungkol po ba saan? Mukhang seryuso po yata 'yan?" Tanong ko dito ng nakangiti. "Sobra, hija. Pwede ba'ng don tayo sa library ni Juanito." Sabi nito sa akin, at inaya ako sa library ni Tito Juanito. "Sege po, tawagin ko lang po si Nurse Pia."Sagot ko dito, pagkatapos kong tawagin si Nurse Pia, ay sumuno
Szarina Point of view. Nagkaroon ng kaunting salo-salo dito sa Underworld Mansion ni tito Juanito dito sa Rizal. Simple lang ang binyag ng mga anak ko, at ganun din kay Aria sa mga quadro nito. Dumating ang aking ama, ganun parin, hindi ko ito pinapansin o kahit tapunan ng tingin pero hinahayaan ko lang na lapitan niya ang mga anak ko, dahil kahit papaano ay apo parin n'ya ang mga ito, at ayaw kong ipagkait yon sa mga anak ko na madama nila ang presensya ng kanilang lolo. "Hija, kung galit ka parin sa akin, ay ayos lang, pero gusto ko sanang ipakiusap saiyo na kung pupwede ay sa akin kana tumira, gusto kong bumawi saiyo, gusto kong iparamdam saiyo na mahal na mahal kita, pinagsisihan ko na hindi ko kayo pinaglaban ng iyong ina sa aking magulang noon." Sabi nito. Hinahayaan ko lang s'yang magsalita. Hindi na sa akin, importante kung ano man ang naging dahilan niya noon. Sa kanya narin mismo nanggaling, hindi niya pinaglaban ang aking- ina, isa lang ang ibig sabihin non para sa a
Szarina Point of view. Umalis din, ang asawa ni Papa, pagkatapos nitong makipag-usap sa doctor. At hindi ako, iniwan ni Oli dito na kasama ko si Drheana. Drheana Adhikshugal Orpesa ang pangalan ng asawa ni papa, may lahi itong African, kaya pala sa unang tingin ko dito, ay yon ang nasa isip ko, dahil sa kulay ng balat nito na bumagay naman sa mukha, at sa pag-uugali din nito. Lumabas muna ako ng silid ni papa, gusto kong ibili si papa ng mga prutas na pwede nitong kainin kapag nagising na ito. "Oli, aalis muna ako, maiwan ka muna dito kay papa, bibili lang ako ng mga prutas." Paalam ko kay Oli ng makita ko itong nakatayo sa labas ng pinto. "Samahan na kita, nandito naman ang apat na tauhan pa ni Bossing na pwedeng magbantay kay Tito Henry." Saad nito. "Sege, ikaw ang bahala." Sagot ko na lamang sa kanya. Kinausap mona nito ang apat na tauhan bago kami umalis. Habang naglalakad kami sa pasilyo ng hospital ay napahinto agad ako ng lakad, at pinigilan ko sa kamay si Oli, upa
Jeran Point of view Walang pagsidlan ang aking nadaramang katuwaan ng pagbigyan akong muli ng isa pang pagkakataon na itama ang aking pagkakamali ng aking pinakamamahal na asawa. Lahat ginawa ko mapatawad lang niya ako. Ngayon ay ganap na mag-asawa na kami. Masasabi ko ng akin ng tuloyan ang nag-iisang babae na pinangarap ko. Isang linggo lang ang aming honeymoon sa Isla Rosana, kaya sinulit ko ang isang linggo na 'yon. Ngayon ay nandito kami sa Angels Mental Hospital, dinalaw namin ang pinsan ko na si Trish. Hindi parin ako makapaniwala naka takas ito, nakita na lamang daw ito sa isang parke na nakaupo sa bench habang pinapasuso ang isang kuting sa kanyang dede. Pinabayaan na ito ng tuloyan nila dahil nakakahiya daw ito sa pamilya nila. Ang katwiran pa ay wala silang anak na baliw, kaya ako na lang ang nagmamalasakit sa pinsan ko. Nakatanaw lamang kami sa kanya, habang mahimbing siyang natutulog. Kailangan itong patulogin upang hindi ito magwala, awang-awa na ako sa kalagayan
Szarina Point of view. "Walang salitang sapat para maipahayag ko kung gaano ako ka swerteng tao dahil pinagbigyan mo ako ng pangalawang pakakataon na mapatunayan saiyo na sobra kitang mahal. Hindi sapat ang salitang sorry sa mga nagawa kong pang-aabuso sa'yo bilang isang babae, tama lang ang ginawa mo na pinahirapan mo ako bago ko nakamtan ang pagpapatawad at pagtanggap mo sa akin diyan sa puso mo at bilang isang ama sa mga anak natin. Pinagsisisihan ko ang mga bagay na nagawa ko saiyo sa nakalipas na limang taon. Sa harap nila at sa harap ng Panginoon, pinangako ko sa kanilang lahat na hindi ko sasayangin ang binigay mong pangalawang pagkakataon sa akin, bagkus pahahalagahan ko ito at iingatan na mas higit pa sa diamante ang puso mo, hindi ko ito hahayaan na mahulog sa sahig at magkapira-piraso. Iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iniingatan ngayon at minamahal ang akin. Sabihin na nilang madamot ako, wala akong pakialam. Ang gusto ko, akin ka lang at ako'y sayo, hindi lan
Szarina. Matapos ang pagpropose ko kay Jeran nong umuwi ako buhat sa Isla Rosana ay nandito kami ngayon sa Malacańang. Sunod sunod ang kislapan ng camera ba kumukuha sa amin ng mga anak ko, marami ang mga katanungan sa amin. "Ms. Doctora Orpesa, balita ko po kayo daw po ang nag propose kay Mr. President?" Tanong sa akin ng nagngangalang Agane Chaves na Reporter ng Lireo Station. 101.2 Napangiti naman ako bago sumagot. "Oo, tama ka sa nakalap mong balita Miss. Agane. Inunhan ko na, baka maunahan pa ako ng iba." Nakangiti kong sagot. "At totoo rin po ba na tinutukan mo pa ito ng laruang baril?" Habol pa nitong tanong. Natawa na ako ng maalala kong muli ang pagtutok ng baril kay Jeran. "Oo, tama ka ulit. Tinutukan ko na para hindi na makatanggi pa. Natawa naman ang mga tao na nandito sa harapan namin. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap ay natapos din kami, mabuti na lamang ay hindi nagpasaway ang mga anak ko. Marami ang natuwa na nagkaroob kami ng tatlong anak na mababait. M
Szarina. Asaran at tuksuan ang naganap sa maghapon sa trabaho ko, paano ba naman itong si Jeran simula ng maging maayos kami ay wala ng ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Si Doc. Jack lang ang nakakaalam na may anak kami ni Jeran, nakita niya kase isang beses na magkakausap kami sa video call, at alam narin niya na ako ang babaeng tinutukoy ng Presidente ng bansa na may anak sa akin. Mabuti na lamang ay mapagkakatiwalaan ito. Pero napag-usapan narin namin ni Jeran na pagkatapos ng medical mission namin dito ay bago matapod ang kanyang termino bilang isang pangulo ng bansa ay ipapakilala na niya kami sa mamamayan na nag-aabang sa amin. Ngayong gabi ay babalik na ulit sila ng Manila dahil nagkaroon daw ng kaunting problema sa Malacańang. Hindi naman palagi na nandito si Jeran, mas lamang parin na nasa Malacańang siya. Pupunta lang siya dito kapag susuyuin at kukulitin ako. Pero nong maging okay na kami, isang beses na lamang siya pumupunta dito sa Isla Rosana, kapag maaga naman siyan
Szarina. Kinaumagahan na nga kami nakabalik dito sa camp namin. Simula ng makita kami ni Jeran sa gubat nila Eutanes at Red ay inaasar kami ng dalawa. Sa tuwing dadaanan nila ako ay pasipol sipol ang mga to sa akin. "Hindi nyo ba ako titigilan na dalawa." Sita ko kina Red at Eutanes, hindi na ako makatiis dahil pinagtitinginan narin kami ng aking mga kasamahan. "Uhm... May sinasabi kaba doc. sa amin?" Pagkakaila pa nito sa akin kahit alam naman niya kung bakit ko sila sinisita. "Ehem. Napalingon ako sa taong nasa likuran ko ng tumikhim ito. Si Jeran na may hawak na isang halamang gubat na kung tawagin ay yellow lollipop plant. "Para saiyo," nahihiya pa na sabi nito sa akin na iniaabitbsa akin ang bulaklak. Tumingin naman ako sa paligid ko, lahat sila ay may mapanuksong tingin sa akin. Namumula ang mukha ko na tinanggap ko ito, kaya ang mga siraulong kaibigan ni Jeran ay inaasar nanaman ako, lalo na ang dalawa. "Salamat pero saan mo ito pinitas?" Tanong ko kay Jer
Szarina_ "Anong ginagawa mo, Jeran? Lubayan mo nga ako. Kanina kapa panay ang sunod sa akin." Naiinis na sita ko dito, ki aga-aga pinapainit ang ulo ko. "Kausapin mo muna ako," sagot nito sa akin. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. "Sorry na hindi na mauulit. Nagawa ko lang naman yon dahil hindi mo ako pinapansin." Sabi pa ulit nito sa akin. habang nakasunod sa aking likuran. Hindi ko parin ito pinansin. Tatlong araw na mula ng gumawa ito ng kadramahan sa akin na masakit ang kanyang dibdib kaya hindi ko ito pinapansin ng ilang araw. "Szarina. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik kana don sa Camp, o kaya ay bumalik kana don sa pinang galingan mo, isama mona rin yang mga kaibigan mo, at lubayan ninyo ako! Hindi na ako natutuwa sainyo, lalo na saiyo! Nakakairita na kayo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya na halos hapuin ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, tatalon ako sa bangin na 'to." Pananakot ni Jeran sa akin ng pumunta ito sa may bahagi
Szarina Point of view Iniwan ko ang mga bata kina tatay. Lumuwas ako pabalik ng Rizal kung nasaan ang unang pinatayo ng ama ni papa na private hospital. Nagkaroon ng pagpupulong kinabukasan ng pumasok ako sa hospital ni papa, pinag-usapan kung ano ang mga dapat naming gagawin pagpunta namin don. Iilan lang ang nakakakilala na anak ako ng may-ari ng hospital ni papa, ang may matataas na katungkulan lamang, dahil kailangan ko munang magsimula sa mababa, bago ako ilagay sa mataas na posisyon. "Doc. Szarina, naghihintay na po ang iba sa atin sa roof top tayo na lamang pong dalawa ang hinihintay nila." Tawag sa akin ni Doc. Jack Sawyer na may lahing americano. "Um, okay, susunod na ako, ligpitin ko lamg itong gamit ko." Sagot ko. Niligpit ko na nga ang lahat ng gamit ko, at sumunod kay Doc. Jack. Ngayon ay nandito na kami sa rooftop pasakay ng helecopter na magdadala sa amin sa Isla Rosana. *** Isang oras lang ang nilakbay namin. Nakarating kami sa Isla Rosana. Lumanding a
Szarina Tinawagan ko muna si Nurse Megan na pumunta dito sa bahay ni Tiya Beth, at magpasama kay kuya Franco. "Tiya Beth, uuwi po muna ako sa bahay, nandito naman po si Nurse Megan at si Kuya na makakasama mo." Paalam ko kay tiya Beth. Nakatingin lang ito, sa akin. Lumabas na rin ako ng silid nito. "Segurado kaba, sa ginawa mo Bunso? Hindi naging mabuti ang pakikitungo niya sayo simula't sapol." Tanong sa akin ni Kuya Franco. "Kuya, kung ano man ang nakaraan namin ni Tiya Beth, ay tapos na yon sa akin, kinalimotan ko na at nakaraan na lamang 'yon.) sa amin. Hindi na sa aking mahalaga Kung naging mabuti ba siya sa akin o hindi, ang importante ay itong ngayon, at ipamulat na lang natin sa kanya na ang lahat ng taong masasama ay may hangganan, pwede silang maging mabuti pa rin, gabayan natin sila kung maaari... Hindi sila palaging ang nasa taas, darating din ang araw na manghihina din sila at mangangailangan din ng tulong galing sa iba, sa atin. Hindi pa naman huli ang lahat eh
Szarina. Kinaumagahan ay maaga ako nagising, upang magluto ng almusal ng mga anak ko. Hindi ko na inutusan pa sina Nurse Pia at Nurse Megan. Habang nagluluto ako ng hotdog ay naalala ko ang pagharana sa akin ni Jeran at ng mga kaibigan nito, hindi ko akalain na susundan ako ng siraulong ama ng mga anak ko. Naiiling na lang ako ng aking habang binabaligtad ko ang hotdog, kapag naalala ko ang mga dinala nila sa akin, rose na may bulaklak ng aswang sa gitna, at ginataang itik na hindi ko kinakain. Bumabaligtad ang sikmura ko kapag nakakaamoy ako nito na hindi ko alam kung bakit eh simpleng ulam lang naman ito. Hinango ko na ang hotdog at nilagay ko na ito sa maliit na pinggan. Ano ba ang dapat kong gawin? g Gusto ko naman ng kumpletong pamilya at masaya, dapat ko na bang tanggapin ang pag-ibig ni Jeran sa akin para sa mga anak namin. Pero natatakot ako, paano kung pakulo lang niya ulit ito, upang gantihan ako dahil sa pagtatago ko sa mga anak namin sa kanya?Mas gugustuhin ko pa