Ilan chapter na lang magtatago na si Szarina at Aria sa Bicol...
Szarina Point of view.. Uwian na, naghiwa-hiwalay na kami ng mga kaibigan ko.. Naglalakad na ako patungo sa waiting shed upang mag-abang ng taxi pauwi sa condo ko... Namimiss kona ang dorm ko dati, gusto ko sanang pumunta don kaso kailangan ako ngayon ni Jeran sa Malacańang. Umuwi ang kapalitan kong P.A dahil masama ang pakiramdam nito. Ang sabi ko kay Kian ay sa condo na n'ya ako sunduin at huwag sa tapat ng campus baka makita kami ng mga kaibigan ko, magtaka ang mga ito sa akin. Hanggang ngayon kase hindi ko pa sinasabi sa mga kaibigan ko na hindi ako kina ate Marie nakatira ngayon.. Ayaw kong mag-isip sila tungkol sa kung anong meron sa amin ni Jeran... Mga sesmosa pa naman ang mga 'yun... Marami na ang problema na dumarating sa aming magkakaibigan, ayaw ko naman dagdagan pa ang mga ito ng isipin.. Sinisipa-sipa ng aking paa ang bato na nasa harapan ko ng may tumigil na mamahaling sport car sa harapan ko.. Napakunot ako ng aking noo at napalingon sa paligid ko. Ako lang nama
Szarina Point of view. Lakad-takbo ang ginawa ko.. Alam kong katakot-takot na sermon ang ibibigay sa akin ni Jeran.. Pagbukas ko ng pinto ng aking condo ay napatda ako sa aking nadatnan. Hawak ni Jeran ang paborito nitong guitara habang nagtitipa ng nakaharap sa pinto.. Nakaupo ito sa mataas na wooden chair habang ang isang paa ay nakalawit sa sahig at ang isa naman ay nakapatong sa hamba ng wooden chair. Titig na titig ito sa aking mata bago nito sinimulan kumanta.. A hundred days have made me older Since the last time that I saw your pretty face A thousand lies have made me colder And I don't think I can look at this the same But all the miles that separate Disappear now when I'm dreaming of your face Naantig naman ang puso ko sa bawat ng bigkas ng labi nito sa Lyrics ng kanta... Gwapo si Jeran, pero alam ko kung hanggang saan lang ang limitasyon ko sa kanya. Ayaw kong mahulog ang damdamin ko sa kanya, dahil ayaw kong umasa at masaktan ng dahil din sa kanya... M
Szarina Point of view. Kinaumagahan ay nagising ako na kumakalam na ang sikmura ko dahil sa gutom. Maliligo muna ako bago ako lalabas ng kwarto ko para silipin kung nasaan si Jeran.. Pilit nitong binubuksan ang pinto kaninang madaling araw kaya para kaming dalawa na tanga na nagsisigawan dito kanina bago ako nakatulog. Pagkatapos kong magbihis ay dahan-dahan ko ng inaalis ang sutra sa may pinto... Pinakiramdaman ko muna ko kung may tao ba sa labas, ng wala naman akong maramdaman ay inalis kona ang padlock dito sa loob at dahan dahan kong binuksan ang pinto... Ng mabuksan kona ito, sumilip mona ako... Wala si Jeran kaya lumabas na ako, dahan dahan lang ang bawat hakbang ko. Daig ko pa tuloy ang magnanakaw nito. Bawat hakbang ko sa hagdanan ay may pag-iingat. Wala din dito si Jeran sa sala, seguro pumasok na ang siraulong yun. Dumiretso na ako sa dirty kitchen.. Binuksan ko ang ref. kumuha ako ng dalawang piraso na tj. hotdog. Ito na lang muna ang kakainin ko. Mabilis ang kil
Szarina Point of view "Dito ka lang, hindi ka lalabas hangga't hindi ko sinasabi Szarina...! Kung ayaw mong maulit ang ginawa ko sayo ay sumunod ka sa gusto ko...!" Galit na sabi nito sa akin.. "Ayaw ko...! Hindi kita tatay para sundin ang lahat ng sinasabi mo! Hindi ako tao-tauhan mo na dapat lahat ng gusto mo ay susundin ko...! Pumayag lang ako sa gusto mo na gawin akong babae mo dahil malaki ang pangagngailangan ko, pero bayad na ako sayo! Sobra sobra pa pati interest ay kasama na... Tapusin na natin 'to Jeran... Nasasakal na ako sa'yo... Sobra sobra na ang pambababoy mo sa katawan ko. Hindi kona kaya, hindi kona masikmura... Ang dumi na ng tingin ko sa sarili ko, alam mo ba kung ano na ang tingin ko sa sarili ko? ha!. Pakiramdam ko wala na akong pinagkaiba sa mga babaeng bayaran. Natatakot na ako sa'yo Jeran, baka yong ginawa mo sa akin kanina ay mas malala pa ang gawin mo sa akin sa susunod kaya nakikiusap ako saiyo Jeran tapusin na natin 'to. Tama na! Hindi kona kaya ang gani
Szarina Point of view. "Diyan mo na lang sa gilid ako ibaba." Sabi ko sa gwapong lalaki na tumulong sa akin sa pagtakas ko kay Jeran.. "Sure kaba? Hindi ba delikado d'yan?" Tanong sa akin nito. "Hindi naman, dito nakatira ang kaibigan ko. D'yan ko na lang s'ya hihintayin sa may poste ng kuryente." Sagot ko dito. "Okay, pero kung hindi mo makita ang kaibigan mo huwag kang mahihiyang tumawag sa akin para balikan kita dito." Pag-aalala nito sa akin. "Salamat, oo nga pala kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa natin alam ang tunay nating pangalan sa isa't isa" Sabi ko dito. "Tawagin mo na lang ako sa pangalan ko na Amer." Sagot nito sa akin. "Alam ko na ang pangalan mo, ikaw si Szarina, di ba? Pasensya kana kung hindi kita pinansin nung mga nakaraan linggo na magpakilala ka sa akin, mainit kase ulo ko nung araw na 'yun." Sabi pa nito at humingi pa ng pasensya sa akin. "Naku, okay lang yun. Maliit na bagay, pero napainit mo ang ulo ko nun." Natatawa na sagot ko dito... Natawa
Szarina Point of view. "Ang gaganda at ang gwapo naman ng anak mo hija, manang mana saiyo..." Sabi ni Doc. Henry Orpesa. . Ngumiti naman ako sa kanya. Isang linggo pa lang ako buhat ng manganak sa triplets ko at tatlong araw ko pa lang nakilala si Doc. Orpesa. Naririnig ko na ang pangalan nito, matalik na magkaibigan sila ni Tito Juanito. Palagi ito sa pag-aari nitong Hospital, bumibisita lang s'ya dito kapag kailangan lang. Iba ang naramdaman ko dito nung unang araw na makita ko ito, hindi ko lang mapangalan kung ano itong nararamdaman ko. Iba din ang mga titig nito sa akin, palagi ko itong napapansin na pinagmamasdan sa malayo. Pero ngayon, hito sya hindi na nakatiis na lapitan ako at kausapin pero wala akong nararamdamang masama sa kanya. "Oo nga po, pero ito pong si Junior kamukha po ng ama niyang sira-ulo." Sagot ko dito na nakangiti.. Natawa naman ito sa sinabi ko. "Ang poge naman ng siraulong yun, pero bakit mo naman nasabi na siraulo ang ama n'ya?" Natatawa na tanong ni
Jeran Point of view "Hanapin n'yo! Hanapin ninyo sa buong building na ito, alam kong hindi pa nakakalayo ang babaeng 'yon. Huwag na huwag kayong magpapakita sa akin kapag hindi n'yo kasama si Szarina...! Galit kong bulyaw sa mga tauhan ko... "Szarina...! Pasaway ka talagang babae ka, magtago ka ng mabuti dahil kapag ako mismo ang nakahanap sa'yo parurusahan kita na pagsisisihan mo." Naiinis kong sigaw dito sa condo... Nakita ko ang lahat ng cctv footage sa palibot ng building na pag-aari ko, nakita kong may isang lalaki ang tumulong dito. Inalam ko kung sino ang lalaking tumulong kay Szarina na tumakas, humanda sa akin ang lalaki na yon. Ang dami ko ng problema, dumagdag pa ang lalaki na yan. Wala parin kaming balita kay Isadora kung sino ang taong nagpadukot dito, dumagdag ka pa Szarina. "Mahanap lang talaga kitang babae ka hindi kita palalakarin ng isang taon. Kumuha ako ng isang bote ng alak sa ref, tinungga ko ito na parang tubig lang... "Lalo mo lang dinadagdagan ang k
Jeran Point of view. Sampung buwan na ang nakalipas. "Ah, shit! Ang sakit ng likod ko. Kailangan ko na seguro magpa-massage. Sobrang daming nangyari ngayong araw na ito. Gustuhin ko man na sumama sa paglusob nila Eutanes sa mga armadong dumukot kay Isadora, ay hindi pupuwede dahil ang dami kong unang dapat asikasuhin dito sa Palasyo... Kailangan ko pang asikasuhin ang pagpapawalang bisa ng kasal naming dalawa ni Angielina. Dahi hindi ako makapag-focus sa paghahanap kay Szarina dahil sa kanya. Sampung buwan na ang nakalipas, ay wala pa rin akong balita sa dwende na 'yon. Magaling magtago, pati na ang lalaking tumulong sa kanya, ay nahirapan akong hanapin. Walang silbi ang kapanyarihan at ang mga koneksyon ko. Bukas ko na lang eguro dadalawin si Trish sa Mental Hospital. Kami lang ni Kian ang nakakalam kung ano na ang kalagayan ni Trish ngayon, kahit ang magulang nito, ay hindi ko pinagsabihan. Bahala silang maghanap sa anak nila. Hanggang ngayon, ay nahihirapan pa rin s
Jeran "Ano pa ang tinatanga-tanga mo diyan, Kian? Pagmamasdan mona lang ba ang pagkalalaki ko, o baka naman nababakla kana sa akin?" Bulyaw ko kay Kian. "Sorry Bossing, ang laki pala niyan? Kaya seguro palaging tumatakbo si Szarina sayo. "Kian...! Aaliisin moba ang pagkakaposas sa akin, o makikipagtitigan ka na lang sa cobra ko! Napipikon na bulyaw k, napaka kulit talaga ng lalaking ito. "Ito na nga Bossing, pakakawalan na kita. Pangalawang beses kana natakasan ni Szarina, mahihirapan kana naman hanapin ito."Tang-na naman, paano kayo natakasan ng babaeng yon? Marami kayo, at mag-isa lang siya!"Bossing, baka nakakalimotan mo kung saan mo nakita si Szarina. Ipapaalala ko lang saiyo Boss, magagaling ang mga taong nagtrain kay Szarina, kaya malabong hindi tayo matakasan non... Pinapunta ko nga pala dito Bossing ang kaibigan ni Boss Fucklers na Doctor."Bakit, kailangan ng doctor? Bilisan mo na nga diyan, hindi kaba marunong magtanggal ng lock ng posas?" Nagtataka ko na tanong di
"Love," masayang tawag ko kay Jeran ng makita ko itong papasok ng mansion nito, alam kong nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya ng Love. Sinalubong ko ito ng isang yakap, at nagulat din ito sa ginawa ko sa kanya. Nakadipa lamang ang dalawa nitong kamay. "Anong meron? Mukhang kay kakaiba yata saiyo ngayon?" Tanong nito sa akin na nagtataka. Kumalas ako ng yakap dito. "May surpresa akong inihanda para saiyo Love, napag-isip-isip ko kase na nakakapagod din ang makipagbangayan saiyo. Uhm... At gusto ko sanang bigyan ka ng pangalawang pagkakataon na patunayan sa akin ang lahat ng sinasabi mo. "Talaga, Love?!" Hindi makapaniwala na sabi nito sa akin. "Ayaw mo ba?" Pabiro kong tanong sa kanya, sana ay maniwala ito sa pakulo ko. "Gusto Love, gustong-gusto ko. Nagulat lang ako sa mga sinabi mo kaya ganito ang reaksyon ko, hindi ako makapaniwala." Sagot nito. Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkalaki-laki. "Tara na sa silid mo, don ko kase inihanda ang surpresa ko para saiyo." Sabi
Szarina "Jeran, ano ba? Pakawalan mona ako dito! Baka nag-aalala na sila sa akin," pagpupumilit ko kay Jeran, isang linggo na ako ditong nakakulong sa Mansion niya, nahihirapan akong makatakas dito, dahil kahit saan ako tumingin ay may mga tauhan si Jeran na nakabantay sa bawat pwede kong daanan at akyatin. Bantay sarado ako kapag umaalis ito. Isang taon na lang ang termino niya sa pagka Pangulo. Napapanuod ko sa balita na, na nagkakaroon ng malaking problema ang Pilipinas, pero nagagawan ka agad nito ng paraan kung paano ito malulutasan. Ngayon naman ay nababalitaan ko na nauuso nanaman ang pagkuha ng mga bata, akala ko tapos na ang problemang ito, naulit nanaman pala, kinakabahan ako para sa mga anak ko. Wala pa naman akong kuntak sa kanila dahil ang phone ko ay naiwan sa hideout ni Tit9 Juanito. Alam kong nag-aalala na sa akin ang mga bata, lalo na si papa at ang kapatid ko. Sana ay ipahanap ako ni papa sa mga tauhan nito, alam kong tutulongan siya ni Tito Juanito. Huwag n
Szarina "Huwag mo na akong alalayang bumaba ng sasakyan, Jeran, hindi ako lumpo, nakikita mo naman di ba? Kaya ko ang sarili ko, nagawa ko ngang makatakas saiyo noon, at makapagtago ng higit na lampas na limang taon, diba?Ito pa kaya ang bumaba ng sasakyan, umalis ka na lang sa dadaanan ko." Pagtataboy ko kay Jeran ng aalalayan sana ako nitong bumaba ng sasakyan. "Kung noon natakasan mo ako, ngayon hindi na. At huwag mo akong tinatarayan kung ayaw mong gawin ko ulit ang ginawa ko saiyo noon." Sagot nito sa akin. "Eh di gawin mo, pero... kung magagawa mo ulit." Mataray na sagot ko na lang dito. Tumabi nga ito sa aking daraanan. Hinawakan ako ulit nito sa aking palapulsuhan, at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob. "Ang higpit mo naman humawak ng kamay, ano, takot kang matakasan ko ulit." Sabi ko dito. Nilingon ako nito at sinamaan ako nito ng tingin. "Limang taon kitang hinanap, kaya sa pagkakataong ito ay hindi kana muling makakatakas pa sa akin. Szarina, kaya kung
Third Person. Pagkarating nila ng Olonggapo ay kinabukasan ay sinabak kaagad silang tatlo sa training. Binigyan sila ng mga codename nila, Si Aria ay Ostrich, Szarina ay, Sarus crane, at si Zirin naman ay Flamingo. "Daddy, bakit naman ang pangit ng binigay mo sa amin na codename, ginawa mo naman kaming mga ibon, hindi naman mahaba ang leeg namin ah?" Reklamo ni Aria kay sa Daddy nito. "Anak, huwag kana magreklamo. Pumunta na kayo don, dahil naghihintay na sainyo si Reyes. "Tito, mabuti na lang po, maganda ako, kung hindi po magrereklamo din po ako. Ang ganda kong tikling, sana may guwapong kalabaw dito, sasakay ako sa balugbog niya." Sabi naman ni Szarina. "Mabuti na lang ako, maganda ang binigay sa akin, Flamingo." Sabi ni Ziri. Hindi na nga nagreklamo pa si Aria dahil sa mga codename nilang mabantot. Sina Aria, Szarina, at Ziri ay nag-umpisa ng kanilang pag-training sa Olonggapo. Sila ay nagpunta sa isang malaking gusali na naglalaman ng mga pasilidad para sa pag-tra
Szarina Point of view Lahat ng kailangan ko na gamit para sa pagsama ko kay Aria sa Olonggapo ay nilagay ko na lahat sa maleta kong dadalhin. Mahirap magpaalam sa mga anak ko, na kailangan ko muna silang iwan pansamantala kay Nurse Pia at kay Papa. Hindi ako pumayag na sa Mansion muna nila ang mga anak ko, dahil wala akong tiwala sa madrasta kong si Drheana, ni hindi ko nga pinapapasok ang lukaret na yon dito sa bahay ko, ni hindi ko din iniimbita tuwing birthday ng mga bata, baka apihin pang nun kapag wala ako. Bukas pa naman ang alis namin, patungong Olonggapo kaya makakasama ko pa ang mga bata ngayong gabi... Para naman sa kanila itong gagawin ko, saka hindi din naman ako magtatagal don, anim na buwan lang ang napag-usapan namin na pagsasanay. Sinarado ko na ang maleta ko, ng wala na akong nakalimotan, nilagay ko muna ito sa may gilid ng pintuan. Lumabas ako ng aking silid para sana tabihan na sa pagtulog ang mga anak ko, ng tinawag ako ni papa na nasa sala pa, akala ko
Third person Limang taon na ang lumipas, ganap ng magaling na Heart Surgeon si Szarina, nakapagtapos ito sa sarili niyang pagsusumikap, kahit na may tatlong anak itong inaalagaan. Ang kanyang pagiging isang ina at isang doktor ay nagbigay ng inspirasyon sa maraming tao, at siya ay naging isang halimbawa ng isang babae na nakakamit ng kanyang mga pangarap kahit na may mga hamon sa kanyang buhay. Hindi siya umasa sa tulong na binibigay ng kanyan ama, nagkaroon ito ng maliit na negosyo. Ngunit, hindi lahat ng bagay ay nagiging madali para kay Szarina. May mga araw na siya ay nahihirapan sa pagbabalanse ng kanyang trabaho at pag-aalaga sa kanyang mga anak. May mga araw din na siya ay nahihirapan sa pagharap sa mga kritiko at mga hamon sa kanyang trabaho. Kapag naiimbitahan ito ng interview sa telivison o sa media ay kailangan nitong magtago sa ibang katauhan dahil sa taong kanyang pinagatataguan. Pero si Szarina ay hindi sumuko. Siya ay nagpatuloy sa pagpupursige at pagpapalakas ng k
Szarina Point of view. Isang linggo si papa namalagi sa hospital, ay na discharge na ito, at isang linggo din kaming nagbabangayan ng asawa nito. Ngayon, ay dito na kami ng mga anak ko nakatira sa bahay nila papa, pumayag ako sa kagustuhan niya na dumito na kami ng mga anak ko. Nakilala ko na rin ang kapatid ko na si Isaiah James, matanda ako dito ng tatlong taon, 17 year old na ito at nasa Senior High pa lang. Mabaet ito sa akin, at sa mga anak ko, tuwang tuwa pa nga ito ng malaman niya na may ate s'ya at may mga pamangkin pa. Masaya ako na nakikitang masaya si papa na Okay na kaming dalawa. Wala namang araw na hindi kami nagtatalo ni Drheana, katulad ngayon, nag-aaway nanaman kami. "Wala ka ng magagawa pa, Drheana, tanggapin mo na lang na hindi na lang ikaw ang Reyna dito sa mansion ni papa, dalawa na tayo. Magluluto, ako kahit na anong gusto kong kainin at wala ka ng pakialam pa don" Sagot ko dito ng may pang-aasar. Ang gaga, nagluto lang ako ng pagkain ko para sa almu
Szarina Point of view. Umalis din, ang asawa ni Papa, pagkatapos nitong makipag-usap sa doctor. At hindi ako, iniwan ni Oli dito na kasama ko si Drheana. Drheana Adhikshugal Orpesa ang pangalan ng asawa ni papa, may lahi itong African, kaya pala sa unang tingin ko dito, ay yon ang nasa isip ko, dahil sa kulay ng balat nito na bumagay naman sa mukha, at sa pag-uugali din nito. Lumabas muna ako ng silid ni papa, gusto kong ibili si papa ng mga prutas na pwede nitong kainin kapag nagising na ito. "Oli, aalis muna ako, maiwan ka muna dito kay papa, bibili lang ako ng mga prutas." Paalam ko kay Oli ng makita ko itong nakatayo sa labas ng pinto. "Samahan na kita, nandito naman ang apat na tauhan pa ni Bossing na pwedeng magbantay kay Tito Henry." Saad nito. "Sege, ikaw ang bahala." Sagot ko na lamang sa kanya. Kinausap mona nito ang apat na tauhan bago kami umalis. Habang naglalakad kami sa pasilyo ng hospital ay napahinto agad ako ng lakad, at pinigilan ko sa kamay si Oli, upa