"Mama.. Papa.. Dulce!!!" hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Narito ang pamilya niya.. sobrang saya ng pakiramdam niya. Para siyang nabunutan ng tinik."Anak..." nilapitan siya ng pamilya niya saka niyakap. "kumusta ka na anak.""Okay lang po ako mama.. lalo na po ngayong nakita ko na ulit kayo," sagot niya dito. "miss na miss ko na po kayo.. Buti nahanap nyo ako.""Ang hirap hanapin ng lugar niyo kuya," sabi naman ni Dulce sa kanya."Sir.. akala namin siya si Marie.. ang ganda pala ng kapatid nyo" humahangang sabi ni Enzo."Siyempre, nasa lahi namin yan" sagot niya. "mama" niyakap niya ang ina ng mahigpit.""Halika na, sumama ka na sa amin" yaya sa kanya ng mama niya."Wala pa po si Ellie mama, magpapaalam ako." sagot niya."Bakit pa? paano kapag pinigilan ka na naman niya? Anong gagawin mo?' tanong ng papa niya."Mauunawaan ako ni Ellie. Hintayin lang natin para makapagpaalam ako mg maayos.""Pero anak.. paano kung hindi?" nag aalala ang kanyang ama "paano ka namin maiisama?""Oo n
Unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Maliwanag na maliwanag ang naaninag niya. May mga tao sa paligid. Naririnig niya ang mga ito."Sir?" boses iyon ni Enzo."Na--nasaan ako?" tanong niya."My God!" waring nakahinga ang tatlong nurse."Tinamaan ka ng bola Bernard. Akala namin kung ano na ang nangyari sayo eh. Okay ka lang ba?" sagot ni Mark.'Panaginip.. panaginip lang ang lahat!! parang totoo...'"Ang lakas kasi bumato ni Enzo," wika ni Juls. "natakot kami sir, nawalan ka talaga ng malay.""Okay lang naman ako," nakangiti niyang sagot."Sorry sir.." napakamot sa ulo si Enzo, "akala ko kasi nakatingin kayo, kaya nilakasan ko anh bato.""Wala yun.. hahaha" tumawa siya kahit kinakabahan dahil sa masamang panaginip upang mapagaan ang nararamdaman ni Enzo."Umuwi na tayo, at baka biglang dumating si Ellie" aya ni Mark sa kanila."Maaga pa naman," sagot ni Juls "dyan lang naman tayo sa kabilang block.""Oo nga.. saka pwede naman siguro nating sabihin kay ma'am na ipinasyal natin
"Anak ko" tinakbo siya ng kanyang ina. Iyak ito ng iyak ng yakapin siya.Niyakap din siya ng kanyang ama at mga kamag anak. Lahat sila ay umiiiyak sa tagpong iyon. Masayang masaya sila. Hindi siya makapaniwalang dumating na ang pagkakataon na ipinagdarasal niya."Tinawagan kami ni Monica, kinontak daw siya ni Ellie. Nakipagkita muna siya sa amin, saka niya kami isinama dito," masayang sabi ng tatay niya."Totoo ba yun Ellie?" hindi siya makapaniwala sa narinig sa ama "ipapaubaya mo na ako sa mga magulang ko?""Hmmm oo," ngumiti ito ng mapait "sorry sa mga nagawa ko sa inyo. Nabulag lang ako ng pagmamahal ko sayo. Pero hindi ko pala kaya talaga.. at ego na lang pala ang nagpapakapit sakin sayo. Hindi ko kasi matanggap, na ipinagpalit mo ako. Pero ngayon.. ngayong magkakaanak na ko...""Buntis ka?" gulat na gulat ang mama niya."Magkakaapo na kami?" tanong ng papa niya."Hindi po.. hindi ito kay-- hindi ito kay Bernard." nakayukong sagot ni Ellie."Eh sinong tatay niyan?" nanlalaki ang
POV: Marie"Will you be my girl?" nakaluhod si Rain sa harapan niya habang napapalibutan sila ng mga tumutugtog ng violin sa restaurant na yun.Kilig na kilig ang karamihan sa narinig buhat sa lalaki. Halos lahat ay pigil ang paghinga dahil hindi pa siya sumasagot.Bago ang eksenang ito, inaya siya ng lalaki sa isang dinner date. Pumayag naman siya, dahil mabait naman itong tao.Pagdating nila sa restaurant, sa isang side sila naupo, may carpet at christmas light doon. Nakakapunta na siya sa ibang resto, ngunit hindi naman ganito ang hitsura.Ang romantic ng lugar, para sa mga nagdidate. Tinawag ng lalaki ang waiter saka binulungan."Bakit may bulong pa?" natatawa niyang tanong dito, "pwede namang malakas ang boses ah.""Para secret ang pagkain. "ngumiti ito sa kanya."Bakit ang bait mo, ang sweet mo pa. Siguro ganito ka sa lahat ng babae no?" biro niya dito."Hindi no.. sayo lang ako ganito," sagot nito."Saan mo nadiscover tong lugar na to? ang ganda ng vibes ha.""Research lang siy
Isang buwan lang ang nakalipas, simula ng siya ay nakauwi ng Pilipinas, nakabalik na siya sa dati niyang buhay. Maganda ang naging improvement ng kanyang kalagayan.Masaya na rin siya ng malaman niyang may mga trabaho na ang mga kaibigan niyang nurses. At masaya na sina Mark at Ellie. Hindi na siya nakaattend ng kasal ng mga ito dahil nasa pagteteraphy pa lang siya ng mga panahong iyon."Masaya akong nakabalik ka na sa trabaho mo anak," masayang inaayos ng kanyang ina ang kanyang kurbata. Binigyan nila ng bakasyon si Dulce.Simula nung mawala siya, ang kapatid niya ang nagpasan ng lahat ng kanyang trabaho. Ilang buwan itong walang off. Kahit hindi nito gamay ang textile company, sinubukan nitong tulungan ang kanyang ina. Kaya deserve naman ng kapatid niya ang magbakasyon.Isang linggo pa lang ulit siya sa kanyang opisina. Naroon pa rin si Andre, ang autistic niyang secretary. Tuwang tuwa ito sa pagbabalik niya. Pero may hirit ito sa kanya."Sir, ang ganda ni Dulce, pwede bang sa kanya
POV: MarieUmulan ng malakas kaya pinili nilang tumigil muna sa may gutter at magpatila muna da waiting shed. Sabi kasi ni Rain, baka abutin sila ng pagtaas ng tubig sa dadaanan nila, kaya bumaba sila at sa waiting shed na malapit sa police station sila tumambay. Nagpaalam saglit si Rain upang bumili ng kape sa katapat na convenient store. Binibilang niya ang mangilan ngilang sasakyang dumadaan. Umagaw ng pansin niya ang isang blue na sasakyan, hindi niya mawari kung anong brand nito, mas nagfocus siya sa lalaking nakasandal sa may bintana na waring nakapikit.Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Kilala niya ang pakiramdam na yun. Nararandaman niya lang ito kapag kasama niya si Bernard.''Posible kayang si--si Bernard yun?" nakasunod ang tingin niya sa papalayong sasakyan."Saan?" tinig iyon ni Rain. Halos mapatalon siya sa gulat dito."Ay! palaka!!" hawak hawak niya ang dibdib "a--ano ka ba naman.. bakit ka nanggugulat?""Sabi mo, nakita mo si Bernard!" sabi nito "asan siya?""Pa--pa
Marie.." mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya, bago ito nakipagbeso kay Ericka, "hija, Marie.. sa mga kwento sakun ni Raun, parang kilalang kilala na kita.""Mommy po kayo ni-- ni Rain?" gulat na gulat siya."Oo Marie, siya si tita Lily, ang mommy ni Rain, at si tito demo, ang tatay naman ni Rain." pakilala ni Ericka sa mga bagong dating."Pe--pero ang bata niyo pa po!" sagot niya."Naku hija, five years na lang, senior na ako. Aning nangyari sa anak ko?" tanong nito."Sumakit po kasi ang tiyan niya. Hindi ko po alam kung bakit." sagot niya "nagulat na lang din---""May sakit talaga siya.." sagot ng ina nito."Gusto nyo pong maupo muna tita?" wika ni Ericka "ako na po muna ang bahala kay Rain..""Sige Ericka.. doon lang kami," inakay siya ng ina ni Rain kasama ang tatay nito. Pumunta sila sa bench na nada gilid."Ma--may sakit po siya?" nagulat siya sa sinabi ng ina ni Rain kanina "a--ano po?" kumakabog ang dibdib niya."Cancer.. colon cancer," malungkot nitong sagot. "bago ka niya
"Ba--babe.." mahina ang boses ni Rain."Oh, gising ka na!" nakangiti niyang sabi dito "gusto mo bang kumain?" nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay."O--okay la--lang ako" nginitian siya ni Rain."Hindi mo man lang nasabi sakin na--may sakit ka. Sana naging mabait ako sayo," biro niya dito."Mas gusto ko yung natural ka.." ngumiti rin ito sa kanya, "isa sa nagustuhan ko sayo yung pagiging mataray mo..""Bolero ka talaga," hinaplos niya ang pisngi ng lalaki, "paano mo ko pakakasalan kung nakahiga ka dyan? magpalakas ka ha.." pinipigilan niya ang luhang unti unting namumuo sa kanyang mga mata."Sorry, babe" mapait ang pagkakangiti ng lalaki sa kanya, "tandaan mo lang na mahal na mahal kita.""Mahal din kita.. salamat sa pagmamahal at pagtatyaga. Bago pa lang tayo pero ipinaramdam mo sakin ang halaga ko." hindi na niya napigilan ang lumuha. Nahihirapan siyang tanggapin ang kalagayan ng nobyo "bakit kasi hindi mo sinabi sakin na may sakit ka?""Ayokong-- mamahalin mo ako, dahil may sak