"Ano na ang gagawin natin, Elara?" tanong ni Andrea.
Nasa condo silang dalawa at nag-iisip sa kung ano ang maaari nilang gawin upang maituloy na ang kasong isinampa nila laban kay Nathaniel—ex-fiancé ni Elara na nagpakalat sa s*x video nila. Hindi kaagad nakasagot si Elara. Humigpit ang hawak nito sa baso niyang may laman ng tubig. Pilit nitong pinipigilan ang nagbabadyang tumulo na luha niya. "Hindi ko na alam, Andrea. Ubos na ang pera ko dahil sa paghahabol ko na masampahan ng kaso si Nathaniel," naiiyak na saad ni Elara, ang boses nito ay punong-puno ng pagod at panghihina. Nawawalan na ng pag-asa si Elara dahil halos lahat ng abogado ay nilapitan na niya. Halos lahat ng paraan ay nagawa na niya hanggang sa naubos lang ang pera nito ay hindi pa rin siya nagtagumpay. Hindi basta-basta ang pagnanais ni Elara na masampahan ng kaso si Nathaniel, nais nitong mapakulong ang ex-fiancé niya upang makuha ang pera na ibinigay nito sa kaniya dahil sa iyon ang nais ni Nathaniel noon. Mahal na mahal ni Elara si Nathaniel na umabot sa puntong kahit pa hinihingan na siya ng pera ay hindi niya ito inalintana. "Hindi tayo pwedeng sumuko, Elara. Ayokong umabot sa punto na hindi niya mapagbayaran ang ginawang pamamahiya saiyo saka sayang lang ang perang pinagtrabahuhan mo na siya lang din ang nakagamit. Tandaan mo, Elara, may sakit ang lola mo at kailangan niya ang tulong pinansiyal mo," may kalungkutan sa boses na saad ni Andrea. Napahinga nang malalim si Elara dahil sa hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Alam naman niya iyon. Alam niya na hindi siya dapat tumigil at kailangan niyang ipaglaban ang kaniyang karapatan. Ngunit hindi niya alam kung paano. Wala na siyang sapat na pera para magbayad sa abogado. Ang perang naipon niya ay naubos din na pambayad sa legal team na kinuha niya noon na wala ring nagawa upang makamit ang hustisyang inaasam niya. Madiing napapikit si Elara. Kailangan niya ng bagong abogado. Kailangan niya ng malakas, matalino at matinong abogado na kayang tapatan si Nathaniel. Nanlaki ang mga mata niyang napatingin kay Andrea. May isang malaglarong ideyang pumasok sa kaniyang isipan. "Marco Lopez," mahinang bigkas niya. Nakunot ang noo ni Andrea. "What? Yung abogado na kasama mo noong isang gabi?" Kaagad na napalingon si Andrea na nakakunot ang noo. "What? 'The' Marco Lopez? Iyong lalaking naka-sex mo?" Napataas ang kilay ni Elara. "Do you really have to mention that?" Umiirap na napailing na lang si Andrea. "But yes. Si Marco Lopez nga. Magaling siya. Alam nating dalawa iyan. Isa siyang kilala, pinaka-respetado, at mautak na abogadong mayroon tayo sa bansang ito. Kung siya ang magiging legal counsel ko, siguradong may laban ako at may chansa na mapakulong ko na si Nathaniel," patango-tango nitong saad habang pinagdudugtong-dugtong ang ideya sa kaniyang isipan. May pag-aalinlangang napatingin si Andrea sa kaniya. "Pero, Elara... alam mo naman na hindi basta-basta pumapayag si Marco sa kahit na anong kaso, hindi ba? Isa pa, kaya mo ba siyang kumbinsihin?" Sunod-sunod na tanong ni Andrea. "Ikaw na nga mismo ang nagsabi, naubos na ang lahat ng pera na inipon mo, ano pa ang ibabayad mo sa kaniya kung wala ka nang pera? Alam mo namang sobrang mahal ng rate niyan." Napakagat ng labi si Elara. May punto si Andrea, tama ang sinabi niya. Hindi ito magiging madali dahil pihikan si Marco pagdating sa mga kasong hawak nito. Iba ang ugali nito sa mga kaso na hawak niya at sa korte kompara sa kung ano siya na labas sa trabaho niya. Ngunit wala na siyang iba pang mapagpipilian. Kailangan niya si Marco. Ito na lang ang pag-asa niya. Si Marco na lang ang Kailangan niya si Marco. Kahit pa ang kapalit nito ay isang bagay na hindi niya pa alam kung kaya niyang gawin. Gagawin niya ang lahat para lang mapaki-usapan si Marco na tulungan siya sa kaniyang problema. Sa isang eleganteng law firm sa Makati, tahimik na nagbabasa si Marco Lopez ng dokumento sa kanyang opisina nang biglang bumukas ang pintuan. Tahimik na nagbabasa si Marco Lopez ng dokumento sa kanyang opisina nang biglang bumukas ang pinto nito. "I told you, I don't want any interruptions at this time," madiing saad ni Marco sa malamig na tono. "Even if it's me?" Napa-angat ng tingin si Marco sa babaeng pumasok hindi niya inaasahan ang taong pumasok na nakita niya—si Elara. Ang seryosong mukha ni Marco ay napalitan ng mapaglarong ngisi. "Well. Oh, well... Anong ginagawa mo rito, Miss Hot and will forget what happened between the two of us?" Humugot ng malalim na hininga si Elara. Alam niyang aasarin siya ni Marco. Ramdam niyang ibabalik nito sa kaniya ang mga sinabi niya sa hotel noong may nangyari sa kanila ngunit desperada na si Elara na mapapayag si Marco sa nais niya. Seryosong tingin ang ibinigay nito kay Marco. "Kailangan ko ang tulong mo, Marco," direktang saad niya, hindi na iniisip pa ang hiya at arte. Napataas ang kilay ni Marco at matalim na tiningnan siya na para bang pinag-aaral ang bawat kilos niya pati na rin ang tumatakbo sa kaniyang isipan. "So you're here because you need me? For what?" "Para sa kaso na isasampa ko laban kay Nathaniel." Sarkastikong napangisi si Marco at umiling-iling. "What made you so sure that I will accept your case? Why the hell I would do that, anyway?" Nagtagpo anh kanilang mga mata. Alam ni Elara na mahabang pilitan ang mangyayari. Alam nitong mahirap pakiusaoan si Marco, nasisiguro nitong kalahati lang ang percent na makukumbinsi niya siya. "Ano ba ang gusto mo, Marco?" tanong niya sa mahina at may paki-usap na tono sa boses. "Ano ang kapalit na nais mo para lang matulungan mo ako at tanggapin ang kaso ko?" Hindi nagsalita si Marco. Tahimik lang ito at pinag-iisipan kung ano ba ang maaari niyang ipagawa kay Elara dahil alam niyang sa punto na iyon ay gagawin ni Elara ang lahat mapapayag lamang siya. "Are you really that desperate to convince me, Elara?" mapaglaro na tanong ni Marco. Napabuntong-hininga ito. Wala na siyang pakealam kung inaasar ba siya ni Marco o ano. At totoo ang sinabi ni Marco, desperado na siya para lang tulungan siya nito at gagawin niya ang lahat upang matulungan lang siya nito. "Kahit ano gagawin ko, Marco," seryosong saad nito. Biglang tumahimik ang paligid. Nakatitig lang si Elara kay Marco na seryosong tinititigan din siya. Isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. "Be my sex slave.""Be my sex slave." Parang nabingi si Elara dahil sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Marco. Pilit niyang pinoproseso ang mga sinabi nito sa kanyang utak ngunit sa isang banda ay hindi na rin ito nagulat dahil iyon naman talaga ang paraan na naisip niyang ipapagawa ni Marco sa kanya. Sa saglit na panahon lamang ay nakilala na rin naman niya si Marco. Mapanukso , mapaglaro at higit sa lahat sa paningin ni Elara ay hindi ito gumagawa ng pabor nang walang kapalit. Nagulat man ay kaagad itong itinago ni Elara at pilit na tinapangan ang kanyang sarili. Tinitigan niya si Marco, pilit na kinokontrol ang sitwasyon. "Are you serious?" seryosong tanong nito. "Do I look like I’m joking?" Marco smirked, leaning back against his chair. "You said you'd do anything. So, prove it.""Do I look like I'm joking?" Marco smirked, leaning his back against the chair. "You said you'd do anything. So, prove it. You expect me to just agree with you when we're not even know each other?" N
Natahimik si Elara. Nakatitig lang ito sa mga papeles na nagkalat sa sahig. Magulo ito na tila ba sumasabay din sa emosyong nararamdaman niya. Hindi pa niya natatapos ang isang problema niya at heto, may bago na namang nabuo. Napabuntomg-hininga si Andrea habang hawak ang isang dokumento. "Elara, huwag na nating hintayin na ipalabas ng banko na hindi ka nagbayad. Huwag na nating paabutin sa puntong sila na mismo ang kukuha ng sasakyan mo. Mas lalo ka lang mababaon sa utang kung hindi mo pa mababayaran ang banko dahil lalaki lang nang lalaki ang interes mo." Napakuyom ng mga kamao si Elara. Lahat ng paghihirap na dinadanas niya ngayon ay dahil kay Nathaniel. Dahil sa kaniya, nawala ang magandang pangalan nito sa larangan ng modeling at showbiz. Napilitan siyang mangutang para lang mabayaran ang mga abogado na kinuha niya. Dahil kay Nathaniel napilitan siyang pumasok sa isang kasunduan kay Marco. Ang dating sikat na modelo na tinitingala ng lahat ay heto na ngayon, isang hamak na lam
"Ano?" Hindi makapaniwala si Elara mula sa narinig niya kay Marco. "Bakit pa kailangan kong tumira sa bahay mo?" Kumunot ang noo ni Marco. "That's what I want, Elara. Remember, our goal is to make people believe that we are a real couple. Besides, its my conditions afterall." Parang hindi kayang i-proseso ng utak ni Elara ang mga nangyayari. Pakiramdam nito ay nananaginip lang siya. "Wala na bang ibang paraan? Sex slave mo lang naman ako saka maipapakita naman natin sa mga tao na nagmamahalan tayo kahit fake lang nang hindi ako tumitira sa bahay mo, ah?" sunod-sunod na tanong ni Elara. "As I've said, its my conditions, Elara. Wala ka nang magagawa. Take it or leave it," sagot naman ni Marco. Ibinalik ng binata ang kaniyang paningin sa binabasa habang pinapakiramdaman ang galaw ni Elara. Tahimik na napaisip si Elara. Hindi nito alam kung ano ba ang magandang maging desisyon. May takot ito na baka kung ano ang gawin ni Marco sa kaniya ngunit naiisip din nito na madumi nga rin pala
Ramdam ni Elara ang panlalamig ng paligid. Hindi lang dahil sa modernong disenyo ng bahay kundi pati na rin sa presensiya ni Marco. Tahimik ang kanilang mga galaw ngunit ang pakiramdam ni Elara ay mabigat."Come with," malamig na utosbni Marco habang tinutungo ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Tahimik lamang na sumunod si Elara sa kaniya. Hawak-hawak nito ang kanyang bag na para bang kinukuhanan ng lakas kasabay ng kaniyang paglakad. Sa bawat hakbang nito sa hagdan, pakiramdam niya ay isa siyang bilanggo na papasok sa isang hawla na hindi na niya kailanman matatakasan. Nakarating sila sa isang kwarto sa dulo ng pasilyo. Binuksan ni Marco ang isa sa mga pintoan at sinenyasan siyang pumasok. Malawak ang silid, halos kasing laki na ng buong condo unit niya. Minimalist ang disenyo ngunit ramdam pa rin ang pagiging elegante nito—kay king-size din na kama. Isang malaking bintana naman sa isang bahagi ang makikita na mayroong magandang view ng city lights, at isang private bathroom.
Buong araw na naglinis si Elara hindi lang sa mansion ni Marco kundi pati na rin sa mga gamit niya. Habang nagpapahinga sa kwarto, biglang tumunog ang telepono ni Elara. "Hello, Drae?" sagot niya sa tawag. "Kamusta ka dyan, Ela? Hindi ka naman ba pinapahirapan ni Marco?" tanong ng kaibigan mula sa kabilang linya. Napangiti ito at pinipigilang mapatili. "Alam mo ha, kaninang umaga habang nagluluto ako hindi ko inaasahan, Drae! Oh my gosh, bigla niya akong hinalikan sa leeg!" Kinikilig ito habang kinakausap ang kaibigan, kinikwemto niya ang saya na nararamdaman dulot ng ginawa ni Marco sa kaniya. Mabilis na lumipas ang hapon at naka-ayos na si Elara para sa date nila ni Marco. Huminto ang isang mustang na kulay itim sa harapan ni Elara na nakatayo na sa tapat ng main door ng mansion ni Marco. Bumaba ang binata suot ang simpleng damit pang-opisina nito na nakatupi ang sleeve. Simple lang iyon ngunit hindi inaasahan ni Elara na pagka-mangha at paghumaling ang kaniyang naramdaman ka
Nang magising si Elara, ramdam niya ang bigat ng katawan dahil sa braso ni Marco na nakapulupot sa kaniya. Napatingin siya sa kaniyang gilid, tahimik na natutulog si Marco sa kaniyang tabi. Sobrang payapa ng mukha nito at parang anghel, malayong-malayo sa kung paano siya makipag-usap kapag gising. Napakagat-labi siya at marahang huminga. Ang pogi ni Marco...Hindi na niya inabal pang gisingin si Marco para sana makapagluto na at para rin makatakas sa awkwardness na pakiramdam. Marahan niyang tinanggal ang braso ni Marco na nakadagan sa kaniyang bewang ngunit sa kasamaang palad, nagising ito. "Good morning, Babe," bati ng binata sa kaniya saka siya hinalikan sa labi. "It is indeed a good morning waking up everyday with you by my side." Namula si Elara dahil sa narinig mula kay Marco. "Magandang umaga rin. Uhm, magluluto muna ako."Hindi alam ni Elara ang gagawin. Ramdam nito ang kaba at pagkabalisa dahil sa presensya ni Marco. Parang wala ito sa sarili dahil sa kahihiyan. Hindi na
Nagising si Elara kinaumagahan na mabigat ang pakiramdam. Parang mabigat ang mga mata nito dahil sa pag-iyak kagabi. May kung anong mabigat sa dibdib niya na hindi na niya maialis.Bakit ba ang sakit? Hindi ko naman siya mahal, 'di ba? Napailing siya sa sarili, pilit niyang tinatanggal ang mga naiisip. Siguro ay pagod lang siya. Siguro, kailangan lang niyang magpahinga. Bumangon siya at bumaba sa kusina para maghanda ng almusal. Habang nilalatag ang pagkain sa mesa, narinig niyang pababa na si Marco.Bumangon na siya at bumaba sa kusina para makapaghanda ng almusal. Nagdadalawang isip siya kung maghahanda ba siya ng pagkain o hindi dahil baka mamaya ay hindi na naman kakain si Marco. Nang marinig niyang pababa na si Marco ay agad itong gunawa ng bagay na kunwaribay nabubusy siya. "Good morning," bati ni Marco na nakagayak na para sa trabaho. Napalingon siya kay Marco at tipid na ngumiti. "Morning. Kakain ka ba bago umalis?" Tumango ito at napakunot ng noo. "Oo, bakit? I won't ea
Lumipas ang mga araw at hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ni Marco kay Elara. Pakiramdam niya ay may nakaharang pa rin sa pagitan nilang dalawa. Masakit man para sa kaniya ngunit parang unti-unti na siyang nasasanay sa sitwasyon nilang dalawa. Iyong para bang hangin lang ito sa paningin ng binata. Walang rason na maisip si Elara kung hindi ang kadahilanang sex slave lang naman siya ni Marco. Nasa garden si Elara, inaasikaso ang mga pananim niya na unti-unti nang lumalago at gumaganda. Dito natuon ang atensyonnniya dahil hindi niya basta-basta na lang papuntahin ang kaibigan upang makausap dahil may trabaho rin ito. Habang naghahalaman siya ay biglang tumunog ang kaniyang telepono. Napabuntong hininga siya at sinagot ito, hindi man lang tiningnan kung sino ang tumawag. "Hello?" "Elara, where are you?" tanong ni Marco mula sa telepono. Nagulat pa siya nang marinig ang boses ni Marco at kinomperma pa kung talagang si Marco ba ang tumawag. "Nasa garden. Bakit?" sagot niya nang
Hindi pa natapos ang mainit na tagpo ng dalawa doon sa kusina. Muli pa iyong naulit nang maligo si Marco dahil dinala niya pa mismo sa paliligo si Elara."By the way, babe, tell Andrea that we're going to Guimaras tomorrow," sabi ni Marco.Nagtaka si Elara. "Guimaras?""Yeah. I decided to take a leave at the company, and I want you to forget all those bad things that happened to us by bringing you to an island," sagot ni Marco na may ngiti sa labi, isang ngiting parang nagpapagaan ng loob ni Elara. "Also, I will leave my card to you. Go to the mall later and have some shopping. Buy all the things you love and like. Look for Atasha, she will be the one to accompany you."Nanlaki ang mga mata ni Elara sa narinig. Hindi siya makapaniwala na parang tinatrato siya ni Marco na isang tunay na nobya. Halos lahat ay ibinibigay nito sa kanya.Sa sobrang tuwa, mahigpit niyang niyakap si Marco habang paulit-ulit na nagpapasalamat. Pero sa sandaling iyon, parang may kakaibang naramdaman si Elara.
Napatulala si Elara nang matapos siyang maghugas ng mga pinggan. Malalim ang iniisip nito tungkol sa buhay niya. Hindi niya inaakalang aabot sa ganitong sitwasyon na kung saan mas naging masaya siya kompara sa dati niyang buhay. Parang naging roller coaster ang buhay niya, naging masaya noong sumikat siya bilang isang artista ngunit napalitan ng kahihiyan at kalungkutan noong ipinakalat ni Nathaniel ang sex video nila. Nabalik si Elara sa kaniyang ulirat nang maramdamang may humalik sa kaniya. Uminit ang pisngi nito nang makita si Marco. "Good morning, baby. Kanina pa ako nagsasalita pero hindi mo ako pinapansin," sabi ni Marco, hinawakan nito si Elara sa balikat. "Is there something wrong?" Inayos ni Elara ang mga pinaghugasan saka pinunasan ang lababo. Iginaya niya si Marco sa lamesa upang makakain na sila. "Naisip ko lang kasi, totoo nga ang sinasabi ng mga tao na kailangan mo munang mapagdaanan ang sakit, hinagpis, at hirap bago mo maranasan ang saya," kwento ni Elara. Itinur
"Are you okay?" tanong ni Marco kay Elara habang nasa sasakyan. Maliit na tumango si Elara na may halong ngiti sa labi. "Salamat." Ibinalik ni Marco ang paningin sa daan. Papunta sila ngayon sa isang restaurant dahil naisipan ni Marco na magpakain ng dinner sa pamilya niya at sa kaibigan ni Elara. Masaya naman si Elara sa naging resulta ng paghaharap nila ni Nathaniel sa korte. Kahit papaano ay naibsan ang bigat na nararamdaman niya sa ex-fiance niya ngunit hindi parin mawala sa kaniyang isipan ang mga pagtanggi nito sa kasalanan niya. Hindi talaga aamin ang demonyo sa kasalanang nagawa niya... Napabuntong hininga na lang si Elara sa isiping iyon. "Okay ka lang ba, Ela?" tanong naman ni Andrea na kasabay nila sa sasakyan. "May bumabagabag ba sa'yo?" Hinawakan nito ang kamay ng kaibigan na humawak sa kaniyang balikat. "Iniisip ko lang kung bakit nagagawa pa ng mga taong magsinungaling sa harapan mismo ng korte?" "Hindi naman kasi talaga aamin ang may kasalanan, Ela. Hanggat kay
Lumipas ang mga buwan at naging maayos ang ugnayan ng pamilya ni Marco kay Elara. Tinuring siya ng mga ito na para bang tunay nilang anak at kapamilya. Naging close rin siya sa mga pinsan nito at sumasama sa mga ganap nila. Tuluyan nang nailipat sa pangalan ni Marco ang kompanya. Humingi ng pabor si Marco kay Elara kung maaari ay unahin na muna niya ang kompanya saka nito aasikasuhin ang pagkakaso laban kay Nathaniel. Natapos na si Marco sa kompanya kaya naman nasa korte siya ngayon kasama ni Elara upang tuluyan nang singilin si Nathaniel sa kasalanan nito. Napuno ng bulungan ang buong hukuman habang hinihintay ang pagsisimula ng paglilitis. Ang kasong nais ni Elara na maisampa kay Nathaniel ay nasa harapan na ngayon ng batas. Sa magkabilang panig ng silid ay naroon ang dalawabg lalaking magkaharap na kapwa mahalaga at naging mahalaga sa puso ni Elara. Si Marco Lopez na ngayon ay kinakasama ni Elara, sa paningin ng mga tao at si Nathaniel, ang lalaking pinararatangan ng isang kasuk
Hindi alam ni Marco kung bakit ganoon ang biglang naramdaman niya. Ang tanging nais lamang niya ay ipaalam kay Elara ang dahilan kung bakit hindi niya ito masyadong pinapansin nitong mga nakaraang araw.Ngunit isang matinding init ang biglang bumalot sa kanyang katawan. Napalunok siya nang mapagtantong nagising ang alaga niya mula sa mahimbing nitong pagkakatulog. Hindi maikakailang kaakit-akit si Elara, at sa suot nitong manipis na damit, lalo lang siyang natukso.Dahan-dahang dumaan ang mga kamay ni Marco sa strap ng kanyang damit, marahang ibinaba iyon habang mariing hinahalikan ang dalaga. Ramdam niya ang mainit na tugon ni Elara—hindi ito tumutol, bagkus ay kusa pang yumakap sa kanya.Mabilis na bumilis ang kanilang paghinga. Ang mga kamay ni Elara ay nagsimulang gumalaw, dumadausdos sa matipunong katawan ng binata. Ang init na nagsimula kay Marco ay tila lumipat na rin sa dalaga. Ngayon, hindi lang siya ang sabik, ramdam na ramdam sa pagtugon ni Elara sa halik ni Marco ang pareh
Halos hindi makagalaw si Elara sa kinatatayuan niya. Hindi parin siya makapaniwala sa mga nangyayari at sa mga nalaman niya. Tila ba hindi niya kayang iproseso ang mga narinig at nasaksihan. Ang babaeng ito ay ang ina ni Marco... ang magandang bahay na ito na para bang isang palasyo ay ang bahay nila. Napatingin siya kay Marco, nanghihingi ng eksplinasyon sa mga sinabi nito at kung bakit narito sila sa bahay ng pamilya niya. Ang binata ay nakatayo lang at may hindi maipaliwanag na emosyon sa mukha, hindi mabasa ni Elara. Para itong walang planong itama ang mga nangyayari at bigyan siya ng ideya kung ano ang pakay ni Marco. "Welcome to our home, and to our family, Elara," sabi ng ina ni Marco, nakangiti ngunit may maliit na pagsusuri sa paningin. "I must admit, I didn't expect Marco to bring you here this soon, Hija." Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elara. Mas lalo itong nalito sa mga sinasabi ng ina ng binata. Nakaramdam din siya ng kaba dahil mukhang seryoso talaga an
Lumipas ang mga araw at hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ni Marco kay Elara. Pakiramdam niya ay may nakaharang pa rin sa pagitan nilang dalawa. Masakit man para sa kaniya ngunit parang unti-unti na siyang nasasanay sa sitwasyon nilang dalawa. Iyong para bang hangin lang ito sa paningin ng binata. Walang rason na maisip si Elara kung hindi ang kadahilanang sex slave lang naman siya ni Marco. Nasa garden si Elara, inaasikaso ang mga pananim niya na unti-unti nang lumalago at gumaganda. Dito natuon ang atensyonnniya dahil hindi niya basta-basta na lang papuntahin ang kaibigan upang makausap dahil may trabaho rin ito. Habang naghahalaman siya ay biglang tumunog ang kaniyang telepono. Napabuntong hininga siya at sinagot ito, hindi man lang tiningnan kung sino ang tumawag. "Hello?" "Elara, where are you?" tanong ni Marco mula sa telepono. Nagulat pa siya nang marinig ang boses ni Marco at kinomperma pa kung talagang si Marco ba ang tumawag. "Nasa garden. Bakit?" sagot niya nang
Nagising si Elara kinaumagahan na mabigat ang pakiramdam. Parang mabigat ang mga mata nito dahil sa pag-iyak kagabi. May kung anong mabigat sa dibdib niya na hindi na niya maialis.Bakit ba ang sakit? Hindi ko naman siya mahal, 'di ba? Napailing siya sa sarili, pilit niyang tinatanggal ang mga naiisip. Siguro ay pagod lang siya. Siguro, kailangan lang niyang magpahinga. Bumangon siya at bumaba sa kusina para maghanda ng almusal. Habang nilalatag ang pagkain sa mesa, narinig niyang pababa na si Marco.Bumangon na siya at bumaba sa kusina para makapaghanda ng almusal. Nagdadalawang isip siya kung maghahanda ba siya ng pagkain o hindi dahil baka mamaya ay hindi na naman kakain si Marco. Nang marinig niyang pababa na si Marco ay agad itong gunawa ng bagay na kunwaribay nabubusy siya. "Good morning," bati ni Marco na nakagayak na para sa trabaho. Napalingon siya kay Marco at tipid na ngumiti. "Morning. Kakain ka ba bago umalis?" Tumango ito at napakunot ng noo. "Oo, bakit? I won't ea
Nang magising si Elara, ramdam niya ang bigat ng katawan dahil sa braso ni Marco na nakapulupot sa kaniya. Napatingin siya sa kaniyang gilid, tahimik na natutulog si Marco sa kaniyang tabi. Sobrang payapa ng mukha nito at parang anghel, malayong-malayo sa kung paano siya makipag-usap kapag gising. Napakagat-labi siya at marahang huminga. Ang pogi ni Marco...Hindi na niya inabal pang gisingin si Marco para sana makapagluto na at para rin makatakas sa awkwardness na pakiramdam. Marahan niyang tinanggal ang braso ni Marco na nakadagan sa kaniyang bewang ngunit sa kasamaang palad, nagising ito. "Good morning, Babe," bati ng binata sa kaniya saka siya hinalikan sa labi. "It is indeed a good morning waking up everyday with you by my side." Namula si Elara dahil sa narinig mula kay Marco. "Magandang umaga rin. Uhm, magluluto muna ako."Hindi alam ni Elara ang gagawin. Ramdam nito ang kaba at pagkabalisa dahil sa presensya ni Marco. Parang wala ito sa sarili dahil sa kahihiyan. Hindi na