Sunod sunod na ambulasya ang dumating sa hospital dala ang mga batang sugatan . ''tama na makakaligtas si Theo wag kang umiyak makakasama sayo yan '' walang tigil sa pag iyak si Melissa habang nakikita niya kung paano irevive ng mga doktor ang anak nitong nag aagaw buhay . ''hindi ko kaya na mawala ang anak natin Tommy alam mo kung gaano ko kamahal si Theo nag iisang anak lang natin siya '' napahagulgol siya sa bisig ng kanyang asawa .Hindi niya lubos maisip na ganon ganon nalang ang nangyari gayong binigay naman nila ang gusto nilang halaga . ''ang dalawang bata kamusta sila?" tanong ni Tommy sa isang doktor . Naalala niya hindi lang ang anak niya nadukot at nasaktan dahil sa inkwentro sa mga kidnappers at mga pulis . Hindi sila sumunod sa usapan kaya naging magulo ang pag kuha sa mga batang hawak nila . '' maayos na ang isa kanila dahil galos lang ang natamo ang isa naman malala gaya ng anak niyo may tama sa baril '' sagot nito . Hindi makapaniwala si Tommy sa nangyari mga
( 25 Years later ) Napapakamot nalang ng ulo si Cashandra habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone. Nasayang ang taon niya sa lalaking pinag laanan niya ng oras at laway sa loob tatlong taon.Hiniwalayan siya ni Lucas dahilan na boring at pakipot . ''ano gusto niya makikipag se* ako sa kanya na hindi kami kasal .Kapal ng mukha '' gusto niyang ibato ang hawak na cellphone pero naisip niya wala siyang pera para makabili siya agad agad ng kapalit . ''ohh ano na namang sentimenta yan Cash .Nag away na naman ba kayo ni Lucas?" napasimangot nalang siya dahil tuwing nakikita siya ng kaibigan niyang si Diane ay kung hindi sila nag away ni Lucas badtrip siya sa trabaho . ''mabuti sana kung nag away kami kaso hindi !! paano nakipagbreak ang loko kala mo naman kung sino '' galit nitong saad . Ang dami na nga niyang problema dumagdag pa ang lalaking naging sakit sa ulo niya rin dahil nahuhuli niya itong may kalandian pero lagi lang siya naniniwala sa paliwanag ni Lucas . ''ah k
''darating si tita ngayon Cash sigurado matutuwa yon sayo kasi pumayag ka ng tumira dito sa bahay '' saad ni Diana sa kanya .Alam niyang magkasundo ang tita Gel at kaibigan niya dahil ang tiyahin niya ang nag paaral kay Cashandra .Hindi niya lang ito madala noon sa kanilang bahay dahil laging may sakit ang lola Melda ni Cash na siyang hindi niya maiwan lagi noon . ''pero Diane hindi ako pwede magtagal dito maka ipon lang ako mag hahanap din ako ng ibang matitirahan .Baka sabihin ng iba mong kamag anak namimihasa ako '' kilala niya ang buong angkan ng pamilya ni Diane .May kaya ang iba sa kanila at hindi din basta basta ang kanilang pagkatao dahil karamihan sa mga tita niya ay nakapag asawa ng mga mayayaman . ''wag mo sila isipin pero kung yon ang pasya mo Cash ay wala ako magagawa basta hanggat wala ka pang naiipon stay here okey '' tinuring na niyang kapatid si Cashandra at yon ang gusto ng kanyang ina na wag silang mag iwanan sa hirap at ginhawa . ''sino pala kasama ni tita
Sinigurado ni Theo ang sala habang hinihintay si Zyrius .Nasa site sila ngayon ng kanilang minahan at naroon siya sa loob ng opisina na pinatayo ng kanyang ama . Doon na rin natutulog minsan ang mga ka share nila sa minahan lalo malayo ang lugar kaya hindi madali ang umuwi agad ng lungsod .Legal ang proseso ng kanilang minahan kaya walang problema kahit mag operate sila ng ilang taon . ''mabuti nakapasyal ka dito ?" tanong ni Zyrius sa kanya .Ang pagkakaalam niya sa pinsan nito ay walang hilig sa negosyo pag tungkol sa minahan .Alam niyang may sariling negosyo si Theo at yon ang bago niyang pinapatayo ngayon .Isang sikat na Architect ang pinsan niya at hindi lang yon ang kinuhang kurso ni Theo kundi madami pa basta tungkol sa business dahil hanggat maari gusto niyang maraming alam at doon walang makakatalo kay Theo dahil matalino siya . ''no choice .!!'' alam na niya ang rason pinilit na naman siya ng ama niya .Alam niyang hindi nakakatanggi si Theo kung ano ang utos ng kanyang ti
''uyy bakit ang lalim naman ng iniisip mo ?" nasa cafeteria sila ni Diane kasama ang ibang katrabaho nila sa financial department. ''naghuhukay kasi ang isip ko kaya malalim '' pagbibiro niyang sagot. ''aray ko naman Ane .'' napahawak siya sa kanyang ulo kung saan binatukan ni Diane . ''mag seryoso ka nga Cash '' minsan may pagkakwela ang kanyang kaibigan .Hindi makikita sa kaibigan niya ang malaking problema dahil hindi ito seryoso magsalita at puro pabalang kung sumagot .Nakakainis man minsan para sa kanya pero wala na siyang magagawa dahil doon lang masaya ang kanyang kaibigan . ''oo na !'' inayos niya ang pagkakaupo at nilagay ang dalawang kamay sa kanyang baba . ''ano na naman ba gumugulo sa isip mo mukhang nawalan ka ng pera '' minsan hindi siya sanay makita si Cash na parang marami ang iniisip . ''hindi ako mawawalan ng pera Diane kasi Cash ang pangala... ohh ohh nakakarami kana ah '' lumayo na siya kay Diane dahil nakakarami na siya sa pagbatok sa kanyang ulo
'' something bothering you bro?" ''yes but maybe naguguluhan lang ako because I don't know if I can fulfill grandma's wish'' mahirap sundin para sa kanya ang gusto ng lola niya dahil kung nag asawa na siya he can no longer taste different women around the world .Hindi naman sa nagmamayabang siya pero he can date different women in one day.'' pero bro baka death wish na yon ni lola '' he hit Harley on the head dahil kung ano ano ang lumalabas sa bunganga . ''I'm serious bro because my grandma used to be like that too'' sapo sapo niya ang ulo .Bigla niyang naalala ang lola niya rin namatay nakaraang taon. ''hanapin mo ang batang babae na ito Harley please'' kinuha niya ang larawan ng isang batang babae at hindi siya nagkakamali kasing edad niya lang ito . Dahil bata palang siya noon ay hindi niya alam kung saan hanapin ang batang binilin ng kanyang lola . '' tanong ko lang naalala mo na ba ang nangyari sayo noong bata tayo ?'' Theo looked at his friend dumbfounded, he couldn't und
'' ano ginagawa mo dito Lucas ?" akala ni Diane kung sino na ang bisita na sinasabi ng kanilang guard .Isa palang maligno na naligaw sa kanilang pamamahay .''gusto ko lang makausap si Cash sana kung pwede Diane !'' pinaikot ang mga mata niya dahil sa mala anghel na boses ng lalaki . Simula sapol hindi na niya gusto si Lucas para sa kanyang kaibigan dahil kilala nya si Lucas bilang tirador ng mga babaeng alam niyang madaling makuha at mabuti nalang naki pag break ang kaibigan niya na walang nangyari sa kanila . Pinapasok niya ito at niyaya sa kanilang sala . ''tawagin ko lang siya '' wala silang pasok ngayong araw dahil sa pagkamatay ng Chairman na kanilang pinagtatrabahuan tatlong araw ang binigay ng anak niya para sa kanilang empleyado .Pero ang masaklap ang mga gawain nila sa opisina ay dala dala nila kaya napuyat si Cash kagabi dahil marami itong trabaho na baon sa bahay . ''Cash !'' kumatok muna siya sa kwarto nito .Kahit matalik silang magkaibigan ay hindi nila nakakalimuta
''sa kadiliman ng aking pagkabigo mahahanap ko rin ang totoong buhay ko '' masakit na kataga ang binulong niya sa mahalimuyak na hangin .Nasa isang cafe bar siya ngayon kung saan tahimik at malayang umiyak .Hanga siya sa may ari ng cafe bar dahil nakapagpatayo ito ng maganda at kaaya ayang tambayan ng mga kapwa niyang broken hearted .Nagpaalam muna siya kaya Diane na lumabas para makapag isip ng maayos . ''ang malas naman niya dahil sinayang niya ako '' nagtaka ang waitres na naghatid ng kanyang order na alak dahil hindi niya alam kung siya ba ang kausap nito o ang sarili . ''diba ate ang malas niya dahil pinakawalan niya ang tulad ko '' napakamot ng ulo ang waitess dahil wala siyang alam na isasagot sa sinabi ng kanilang costumer . ''thank you ate kahit hindi mo ako sinagot '' humingi nalang ng pasensya ang babae at umalis na ito sa kanyang harapan . ''finally I'm free '' sigaw nito sabay taas ang isang baso ng wine na kanyang inorder .Pagka inom niya sa wine ay hindi siya
Pagkarating nila sa mansion ay agad niya itong inutusan umupo dahil bawal sa asawa niya ang nakatayo ng matagal dahil buntis ito. ''hmm ano ba nangyayari sayo at basta basta mo nalang ako iuwi '' inis nitong saad . '' bakit ka aalis kasama ang anak ko .Walang aalis Diane kasal tayo at may anak na .''tila walang paligoy ligoy nitong salita . ''pero Amber kasunduan lang mero sa atin at tama na siguro ang mga nagawa mo sa akin .Hindi naman kita pagkakaitan ng karapatan sa magiging anak natin '' ''no !!! Diane mahal kita at mahal mo ako .May anak tayo at mag asawa tayo .Walang kasunduan ito ay totoo na lahat kaya please huwag ka namang ganyan .Kung kailangan pakasalan kita ng ilang beses gagawin ko iyon huwag mo lang akong iwan .I dont care about the past kung ano man ang hindi ko maalala .The present is most important honey kayo ng anak ko '' naluluhang nakikinig si Diane sa mga mabubulaklak na salita na lumalabas kay Amber . ''totoo ba lahat ng mga iyan ?" tanong nito sabay puna
''Diane!! honey where are you'' pagtawag ni Amber sa asawa niya .Natapos ang lahat at guilty ang pinatong kay Kit sa mga nagawa nitong kasalanan .Isang buwan na din ang nakaraan at na grant na din ang divorce ng byenan nito kay Kit kaya hiwalay na ang mga ito. ''sir hinahanap niyo po ba si ma'am Diane ?" tanong ng katulong sa kanya . ''yeah where is she ?" tanong nito .Pumunta na siya sa kwarto nila ngunit wala . ''umalis si ma'am Diane dala ang iba niyang gamit sir ..'' parang nabingi siya sa narinig kaya pinaulit niya ulit kung tama ba ang pagkakadinig niya . "umalis po si ma'am Diane sir.May iniwan siyang sulat sa kwarto niyo!" hindi niya nakita ang sulat na iyon sa kwarto nila.Pero wala na siyang pakialam doon basta malaman niya lang kung saan ito pumunta . ''wait totoo ba iyang pinagsasabi mo manang '' tumango ang katulong at agad siyang lumabas para habulin ito .Pero ayon sa driver naihatid na niya sa airport si Diane . Nainis siya dahil sa biglang pag alis nito ano
'' mister and misis Laurio doon muna po kayo at mamaya ang turn niyo ''nilayo muna ng dalawang babae ang mag asawang Laurio .Naiwan sa gitna ang dalawa at kunwaring may ipapalaro ang Mc kila Kit at Dona . ''ang larong ito ay magsusuot kayo ng piring . Kailangan hulaan niyo sir kung nasaan banda ang tunay niyong asawa '' kahit hindi nagustuhan ni Kit ang palaro wala siyang nagawa hindi naman pwedeng magwala siya at magalit dahil ikakasira iyon ng kanyang pangalan . Lumapit ang isang lalaki at nilagyan ng piring ang mata ni Kit .Habang si Dona naman ay agad binulungan ni Amber na sumama kay Diane . Dahil alam ni Cashandra ang plano umalis silang palihim sa venue kung at isinama ang mga magulang ng Amber . Pagkaalis nila lumapit ang mga pulis sa kinaroroonan ni Kit na nakapiring parin .Nagsasalita ang mga Mc na parang naaliw sa laro .''sige sir kapain mo '' pag angat palang ng dalawang kamay ni Kit ay agad siyang pinasuotan ng posas .''damn anong ibig sabihin nito ?" gulat niyang ta
''nakahanda naba lahat ?" tanong ni Kit sa mga inutusan nitong magpanggap na waiter sa reveal party . ''oo sir at nakahanda na lahat '' sagot ng lalaki sa kanya . ''good sige at asahan ko bukas na matatapos na iyan '' pinatay na niya ang tawag saka binulsa ang cellphone. ''bakit ang tagal mo '' sigaw nito kay Dona na kanina pa niya hinihintay mag bihis . ''Pasensya kana hinanap ko pa kasi ang iba kong pasa sa katawan para takpan ng make up '' ''mabuti kung ganun tara na at kanina pa naghihintay ang helicopter na magsusundo sa atin ''tumango lang siya at sumunod na rin sumakay ng kotse papunta sa open field kung saan naroon ang helicopter na pinadala ng kanyang manugang . ''huwag mong ipahalata ang lungkot sa mukha mo Dona nakakabanas .Baka mapansin ng anak mo iyan makahalata. Huwag mong subukan magsumbong sa kahit kanino . Naiintindihan mo ba ?" takot na takot siyang tumango kahit naman kokontra pa siya wala din silbi .Ayaw niyang madamay ang anak niya kaya sasarilihin nalang
"wala kaming ginagawang masama anak ..Oo alam namin na ganun ang balak ni Irene pero hindi siya ang may pakana sa pag ambush kila Diane at Amber sa daan" umuwi pa so Brix para komprontahin ang mga magulan matapos niyang malaman ang tungkol pag ambush ng mga kalalakihan kila Diane . Naniniwala siyang walang alam ang kanyang magulang dahil saan naman sila kukuha ng ganung kalalakihan gayong walang pera ang mga ito dahil binawi lahat ni Diane. "si Irene may alam ba dito?" galit niyang tanong . "sa tingin ko siya nalang ang dapat mong tanungin kami nasabi na namin ang totoo Brix. Plano lang namin iyon bago nangyari ang pag ambush sa kanila " matapos nila nalaman ang ganung nangyari kila Diane ay bigla silang natakot na baka sila ang pagbintangan nila .Isang beses na silang nakulong dahil sa ginawa nilang pag utos noon na sirain ang gamit sa hacienda para masira si Diane sa mga tao .Pero ang kumuha ng higit pitong tao para pagbabarilin ang mga ito sa daan parang hindi na nila kaya ang ga
"ano ba ang problema mo Kit bakit lagi nalang mainit ang ulo mo sa akin?" naluluhang tanong ni Dona sa asawa nito . "sino ang hindi magagalit sa isang unghang na tulad mo .Pwede mo naman kausapin si Diane para tumira tayo sa mansion niya diba " ito ang lagi nilang pinagtatalunan .Ilang beses niyang sinabi kay Kit na wala siyang karapatan sa kayaman na meron ang kanyang anak. "pera ng anak ko ay sa kanya lang Kit hindi ako pwedeng maki alam sa meron ang anak ko " isang malakas ang pinatikim ni Kit kay Dona.Dahil sa pagkabulag ng kayamanan na meron si Diane naging masama na siya .Ilang beses pina intindi ni Dona na wala silang karapatan pero pinipilit parin nito na hawakan niya sa leeg ang anak niya . "ang sama mo sa pagiging gahaman mo ngayon nagagawa mo rin akong saktan .Ayos pa ba ang isip mo Kit ?" may malaki siyang utang na dapat bayaran . Pinagmamayabang niya rin na may anak si Dona na taga pagmana ng million. "shut up Dona hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko" "paan
"mabuti at gising kana " pinikit ulit ni Diane ang mga mata parang hindi siya makapaniwala na buhay pa siya dahil nakikita niya si Amber .Mukhang kanina pa siya tinitigan. "nasaan ako ?" kunwari nitong tanong. "dinala kita dito sa hospital nawalan ka kasi ng malay kanina .Mabuti nalang at hindi kayo napahamak" alam na niya ang tinutukoy nito .Laking pasalamat niya dahil talagang ligtas na sila. "ligtas naba talaga tayo?" naluluha niyang tanong . "yes honey at hindi pa umaamin ang mga taong iyon sigurado akong may nag utos sa kanila para patayin tayo.. Pero kailangan parin natin mag double ingat dahil baka nariyan lang sa tabi tabi ang mgs nagbabalak na mawala tayo at hindi ko iyon aasahan mangyari " hinalikan niya ito sa noo at labi na siyang kinilig na naman siya . "ang anak natin?" tanong nito . "maayos ang lagay niya don't worry take time to rest para mabawi mo ang pagod sa kakatakbo mabuti nalang at kumapit siya ng maayos ." ngumiti siya at nagpasalamat ulit .Akala niya m
"yuko !" sigaw ni Amber kay Diane nang mapansin niyang may tumutok na baril mula sa katabi nilang kotse na gustong gumitgit sa kanila kanina pa .Papunta sana sila sa hotel para tignan ang venue para sa gaganaping thanks giving party sa kompanya ng lolo ni Diane ."Amber natatakot ako !" naiiyak na saad ni Diane takot na takot siyang mamatay o masaktan ang isa sa kanila lalo't nalaman niya lang kaninang umaga na buntis siya at balak niyang surprised si Amber ."trust me hindi kita pababayaan" nakipagpalitan ng putok ang ilan sa mga tauhan niya .Mabuti nalang at hindi sila lumabas na walang kasama ."bro I need your help " saad nito sa kausap niya sa kabilang linya . Kailangan nilang humingi ng tulong dahil nasa kapahamakan na sila ."huwag kang matakot ..." tinanggal niya ang suot nitong coat para ilagay sa ulo nila ng kanyang asawa . Kailangan niyang makasigurado na baka sa kakaputok nila ng bala sa kotse niya ay mabasag ang salamin at tumama sa kanila ang bubog .Ilang sandali pa a
''ang Bbroadcast ay may Ceo ay masama tinanggal niya ang isa sa mga pinakamagaling na newscaster gaya ni Dhalia '' biglang sumakit ang ulo ni Diane sa napapanood niyang paninira sa network nila .Mukhang sinubukan siya ng mga ito . ''ako na bahala dyan '' saad ni Amber sa kanya .Mukhang minor problem lang ang paninira ng mga ito . ''saan ka pupunta ?"tanong nito . ''may kailangan lang akong ayusin'' tumango lang siya at hinayaan muna itong umalis .Inabala niya muna ang sarili sa pagbabasa ng mga comments tungkol sa kanya .Nainis siya dahil ginawa na siyang content ng mga ibang influencer . Pagkarating ni Amber sa restaurant kung saan magkikita sila ng dating COO sa kompanya nila Diane .Natanggal ito dahil sa pagpatol niya sa isang employado at naging matapang sila sa pagtaboy kay Diane . ''ano ang kailangan mo ?" tanong nito . ''pagsabihan mo ang kirida mo na shutdown ang account niya kung ayaw niyong masira ang pangalan niyong dalawa .Pwede kong ipakalat ang tungkol sa inyo