Sinigurado ni Theo ang sala habang hinihintay si Zyrius .Nasa site sila ngayon ng kanilang minahan at naroon siya sa loob ng opisina na pinatayo ng kanyang ama . Doon na rin natutulog minsan ang mga ka share nila sa minahan lalo malayo ang lugar kaya hindi madali ang umuwi agad ng lungsod .Legal ang proseso ng kanilang minahan kaya walang problema kahit mag operate sila ng ilang taon .
''mabuti nakapasyal ka dito ?" tanong ni Zyrius sa kanya .Ang pagkakaalam niya sa pinsan nito ay walang hilig sa negosyo pag tungkol sa minahan .Alam niyang may sariling negosyo si Theo at yon ang bago niyang pinapatayo ngayon .Isang sikat na Architect ang pinsan niya at hindi lang yon ang kinuhang kurso ni Theo kundi madami pa basta tungkol sa business dahil hanggat maari gusto niyang maraming alam at doon walang makakatalo kay Theo dahil matalino siya . ''no choice .!!'' alam na niya ang rason pinilit na naman siya ng ama niya .Alam niyang hindi nakakatanggi si Theo kung ano ang utos ng kanyang tito Tommy sa kanyang pinsan dahil wala ng ibang magmamana sa kayamanan nila kundi ang nag iisang anak nila na si Theo . Isa lang anak sa labas ang ama niya kaya wala silang karapatan sa kayamanan ng mga Fortillen at naiintindihan niya iyon ang sa kanya lang ay makatulong siya sa ama niya na kasama sa pag ooperate ng minahan . ''by the way mukhang makakalaban mo sa business ang nag iisang apo ng mga Vargas na lalaki'' ''let him go and I don't care about him. You know we used to be rivals before and I can't forget everything '' hindi na sumagot si Zyrius alam niyang mainit ang ulo ni Theo kay Nich dahilan ay ang pag agaw nito sa first love ni Theo . Pero laking gulat nila ng magpakamatay si Aizrel ng hindi nila alam na dahilan kaya hanggang ngayon galit parin si Theo kay Nich dahil alam niyang ito ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang mahal na mahal niyang Aizrel . Inabala ni Theo ang sarili sa loob ng tunnel para mag inspection kung may mali o wala para sa kaligtasan ng mga tauhan nila . *** ''mama hindi gusto ni Theo ang pangunahan niyo siya sa gusto nito.Kahit malaki ang utang loob natin sa pamilyang iyon ay hindi pwede si Theo na ang pambabayad natin ' 'nanginginig na tumingin ang byenan nitong kakatanggal lang ang oxygen dahil maayos naman na ang paghinga . Naging masigla siya ng malaman niyang umuwi na si Theo at dumalaw at tulog siya kaya hindi niya ito nakita . '' alam mong kung hindi dahil sa anak ni Magnus hindi mabubuhay ang anak mo .Ang anak niya ang nakatanggap ng bala para protektahan si Theo remember Melissa '' ( FLASH BACK) '' kahit nawala ang isa kong hita masaya ako dahil nailigtas ko po ang kasama kong lalaki noong nagkakabarilan na .Nakita ko po kasi na sa kanya tinutok ng isang lalaki ang baril kaya tinaya ko po ang buhay ko sa anak niyong iyak ng iyak dahil sa takot '' kinewento ni Faye ang naganap sa kidnapping kung paano niya iligtas at pinapatahan si Theo . Umiiyak na lumuhod at nagpasalamat si Melissa dahil sa batang babae .Bumalik siya ng bansa para magpasalamat sa batang napag alaman niyang nagligtas sa kanyang anak .Naka wheel chair ito at may artificial na siyang binti na kung titignan parang totoo dahil sa ibang bansa pa nila pinagawa . Hanggang sa nagdalaga si Faye ay ang pamilya nila ang nag bigay proteksyon para hindi mabully . Pero hindi matanggap ni Lumina ang nangyari sa anak kaya sinabi niya sa kanila na kulang ang pera para sa pambayad utang na loob .Gusto niya kung nasa tamang taon na sila ay ipapaasawa nila si Faye sa anak nilang niligtas . *** ''tumupad na tayo sa usapan Melissa alang ala na rin sa dalaga kung hindi dahil sa pamilya natin hindi nadamay si Faye at hindi din naman basta basta ang pamilya ng Corel kaya hindi ka magsisisi Melissa '' hindi siya umimik at tumingin kay Tommy .Sumangayon ito sa plano at siya ay wala pa sa isip niya ang pilitin si Theo para sa kasunduan na hindi niya alam kung tatanggpin ba ng kanyang anak . Wala na siyang nagawa dahil ayon sa asawa niya ginigipit siya ng mga Corel at gusto na din makita ni Faye ang batang niligtas niya noon .''uyy bakit ang lalim naman ng iniisip mo ?" nasa cafeteria sila ni Diane kasama ang ibang katrabaho nila sa financial department. ''naghuhukay kasi ang isip ko kaya malalim '' pagbibiro niyang sagot. ''aray ko naman Ane .'' napahawak siya sa kanyang ulo kung saan binatukan ni Diane . ''mag seryoso ka nga Cash '' minsan may pagkakwela ang kanyang kaibigan .Hindi makikita sa kaibigan niya ang malaking problema dahil hindi ito seryoso magsalita at puro pabalang kung sumagot .Nakakainis man minsan para sa kanya pero wala na siyang magagawa dahil doon lang masaya ang kanyang kaibigan . ''oo na !'' inayos niya ang pagkakaupo at nilagay ang dalawang kamay sa kanyang baba . ''ano na naman ba gumugulo sa isip mo mukhang nawalan ka ng pera '' minsan hindi siya sanay makita si Cash na parang marami ang iniisip . ''hindi ako mawawalan ng pera Diane kasi Cash ang pangala... ohh ohh nakakarami kana ah '' lumayo na siya kay Diane dahil nakakarami na siya sa pagbatok sa kanyang ulo
'' something bothering you bro?" ''yes but maybe naguguluhan lang ako because I don't know if I can fulfill grandma's wish'' mahirap sundin para sa kanya ang gusto ng lola niya dahil kung nag asawa na siya he can no longer taste different women around the world .Hindi naman sa nagmamayabang siya pero he can date different women in one day.'' pero bro baka death wish na yon ni lola '' he hit Harley on the head dahil kung ano ano ang lumalabas sa bunganga . ''I'm serious bro because my grandma used to be like that too'' sapo sapo niya ang ulo .Bigla niyang naalala ang lola niya rin namatay nakaraang taon. ''hanapin mo ang batang babae na ito Harley please'' kinuha niya ang larawan ng isang batang babae at hindi siya nagkakamali kasing edad niya lang ito . Dahil bata palang siya noon ay hindi niya alam kung saan hanapin ang batang binilin ng kanyang lola . '' tanong ko lang naalala mo na ba ang nangyari sayo noong bata tayo ?'' Theo looked at his friend dumbfounded, he couldn't und
'' ano ginagawa mo dito Lucas ?" akala ni Diane kung sino na ang bisita na sinasabi ng kanilang guard .Isa palang maligno na naligaw sa kanilang pamamahay .''gusto ko lang makausap si Cash sana kung pwede Diane !'' pinaikot ang mga mata niya dahil sa mala anghel na boses ng lalaki . Simula sapol hindi na niya gusto si Lucas para sa kanyang kaibigan dahil kilala nya si Lucas bilang tirador ng mga babaeng alam niyang madaling makuha at mabuti nalang naki pag break ang kaibigan niya na walang nangyari sa kanila . Pinapasok niya ito at niyaya sa kanilang sala . ''tawagin ko lang siya '' wala silang pasok ngayong araw dahil sa pagkamatay ng Chairman na kanilang pinagtatrabahuan tatlong araw ang binigay ng anak niya para sa kanilang empleyado .Pero ang masaklap ang mga gawain nila sa opisina ay dala dala nila kaya napuyat si Cash kagabi dahil marami itong trabaho na baon sa bahay . ''Cash !'' kumatok muna siya sa kwarto nito .Kahit matalik silang magkaibigan ay hindi nila nakakalimuta
''sa kadiliman ng aking pagkabigo mahahanap ko rin ang totoong buhay ko '' masakit na kataga ang binulong niya sa mahalimuyak na hangin .Nasa isang cafe bar siya ngayon kung saan tahimik at malayang umiyak .Hanga siya sa may ari ng cafe bar dahil nakapagpatayo ito ng maganda at kaaya ayang tambayan ng mga kapwa niyang broken hearted .Nagpaalam muna siya kaya Diane na lumabas para makapag isip ng maayos . ''ang malas naman niya dahil sinayang niya ako '' nagtaka ang waitres na naghatid ng kanyang order na alak dahil hindi niya alam kung siya ba ang kausap nito o ang sarili . ''diba ate ang malas niya dahil pinakawalan niya ang tulad ko '' napakamot ng ulo ang waitess dahil wala siyang alam na isasagot sa sinabi ng kanilang costumer . ''thank you ate kahit hindi mo ako sinagot '' humingi nalang ng pasensya ang babae at umalis na ito sa kanyang harapan . ''finally I'm free '' sigaw nito sabay taas ang isang baso ng wine na kanyang inorder .Pagka inom niya sa wine ay hindi siya
''saan kaba nagpunta at alam mong madaming bisita saka ka aalis ?'' kararating lang ni Theo at pumunta siya sa harap para tignan ang lola niya nasa kabaong . ''whats the matter dad .Umalis lang ako para makapag isip ng maayos hindi ako matutulungan ng mga bisita sa pagdadalamhati ko '' galit nitong sagot .Hindi niya gusto ang bubungaran siya agad ng salita lalot hindi niya naibuhos ang galit niya sa mga lalaking gustong dukutin ang babae kanina mula sa cafe bar . ''tito no!! '' akma sana suntukin ni Tommy ang anak nito ng biglang nagsalita si Faye mula sa kanyang likuran . ''mapag uusapan po ng maayos yan .Wag po kayong magkagulo dahil nakakahiya kay lola '' tumingin si Theo sa babaeng nakasakay ng wheelchair may itsura ito kaya nanghihinayang siya dahil wala na itong isang paa . ''pasalamat ka dumating si Faye .Pasensya na iha ngayon lang kasi dumating ang anak ko at amoy alak pa kaya nagalit ako '' lumapit na si Faye sa kanila at nakipag titigan siya kay Theo hindi niya maint
"sigurado kaba anak papasok kana sa kompanya.Hindi kaya naprepressured ka lang dahil walang kasama ang daddy mo sa pamamalakad?" ngayon ang simula ni Theo para sa kompanya nila at gusto niya maging maayos ang pagpasok niya ng walang alilangan . Kailangan nilang alagaan ang iniwang kompanya ng lola at lolo nito . "actually mom ito talaga ang gusto ko ang tulungan si daddy dahil wala na siyang kasama at mahihirapan na siya dahil mas dumami ang trabaho nito sa pagiging Chairman. " inalok sa kanya ng board of derektor ang position pero hindi niya tinanggap dahil gusto niya matutunan muna lahat bago sasabak sa ganong position. Wala pa siyang alam tungkol sa kanilang kompanya dahil noong nasa Canada ito hindi niya iniintindi ang magtrabaho . "hayaan mo siya Melissa yan ang gusto ng anak mo .Ang importante lagi siyang nasa site ng minahan at dyan sa kompanya para medyo gumaan na rin ang trabaho ko .Nga pala iho darating ang pinsan mong si Nich gusto ko makausap mo siya dahil maraming alam
Palabas si Theo sa opisina ng ama nito ng makita ni Cashandra. Halos hindi makapaniwala si Cashandra sa nakikita ."oh my gosh ang prince charming ko !" kinikilig niyang yuko mula sa kanyang mesa .Hindi siya pwedeng makita ng lalaki na parehas sila ng pinapasukan dahil baka maging issue ito sa kanya .Nagtatakang tumingin si Princess sa kaibigan nitong nakayuko sa mesa .Parang may tinataguan gayong ang anak lang naman ng chairman ang lumabas at dumaan kanina sa gawi nila ."anong nangyayari sayo?" tanong nito ."nakaalis naba siya?" tanong nito habang ang ulo ay nakayuko parin .Parang nag alinlangan siyang iangat ang ulo mula sa pagkakayuko dahil baka nasa likod lang nila ang kanyang Prince Charming."oo kanina pa tinignan kapa nga niya kasi nakayuko ka .Baka iisipin ni sir natutulog ka sa gitna ng oras ng trabaho " mabilis siyang umayos ng upo at nilibot ang paningin .Wala na nga ang lalaking tumulong sa kanya . "bahala siya kung ano ang isipin niya!" kinuha ang ballpen at nagsulat
Pagod na umuwi si Cashandra nauna ng umuwi si Diane dahil nag overtime sila ni Princess para lang matapos ang pinapagawa ni Theo sa kanila ."mukhang pagod na pagod ang beshy ko a!" pinaupo muna ni Diane ang kaibigan sa sofa .Naawa siya dito dahil mukhang madami ang pinagawa ni Theo sa kanila .Kilala niya ito dahil naging magkababata sila noon kasama si Nich ."madami bang pinaayos sa inyo ?" tanong nito ulit habang nagiinat si Cashandra."sobra beshy ang dami .Alam mo bang pagdating niya kanina sa opisina gumawa siya ng ibang aayusin namin dahil ewan kung sinadya ba niyang ihulog ang mga inayos naming papeles kanina .Ayon kanda halo halo ang mga rereview niyang report " nainis na sila kanina kaya nawala ang paghanga niya sa lalaki kahit prince charming pa niya ito . Nagpakahirap silang ayusin yon kanina tapos ihuhulog lang ni Theo na parang walang nangyari . Hindi na nila nadatnan kaninang tapos sila kumain ng lunchtime kasi nagpasya sila ni Princess na pumunta sa kantina para bum
"kayo na ang bahala sa anak ko Gil .Siguro ito ang tamang gagawin ko ang lumayo muna dahil iyon ang hiling ni Cash sa amin ." nasa airport sila ngayon para pumunta sa ibang bansa . Kailangan ni Lumina at Magnus lumayo para mabawasan ang sama ng loob ni Cashandra sa kanila . " sige at sana huwag kayo mawalan ng pag asa na hindi kayo mapapatawad ni Cash . Siguro hindi madaling kalimutan ang nagawa mo sa kanya at kahit sino naman " naiyak na naman si Lumina maling mali ang nagawa niyang kasalanan dahil muntik ng ikinamatay ni Cash ang galit niya dito.Ang dami palang sakripisyong nagawa ni Cash para kay Faye pero naging bulag siya dahil sa galit at kay Thania na ang alam niya ito ang tunay nilang anak . "pakisabi sa anak ko mahal na mahal namin siya at ayos lang na hindi kami ang kasama niya maglakad sa altar ang importante napunta siya sa lalaking mahal siya ." siguro kung hindi nawala ito baka pinaki alaman din nila ang gusto nitong maasawa .Ngayon lang nila naisip na puro pera pala
"kamusta na ang papa ko dok ?" nakaramdam siya ng awa sa papa Fred niya dahil puro pasa ang nasa mukha at katawan .Tulog parin ito at malungkot ang mukha."swerte nalang niya kung magtatagal pa ng ilang araw ang papa mo he has a stomach cancer at napabayaan lalo't nakita ko sa katawan niya na kulang siya kinakain at lakas para sana maagapan ang sakit nito. Mukhang walang gamutan at inabuso ang katawan sa alak " muling tumulo ang kanyang mga luha .Parang ulan na ayaw ng tumila ang luhang kanyang pinapakawalan ."papa ang daya niyo naman . how many years akong nangarap makasama kayo pero papa ngayong bumalik kayo saka niyo naman ako iiwan " Naramdaman ni Fred na may umiiyak sa kanyang tabi at parang naririnig niya ang boses nito Cashandra. Unti unti niyang minulat ang mata at nakita niyang nakayuko ito habang humagulgol. Kahit masakit ang mga braso pinilit niyang abutin ang ulo ng anak at haplusin . "huwag kang umiyak anak dahil hindi pa naman ako patay at kung mamatay man ako huw
Dumating na ang resulta ng DNA at ini abot ng babae ang resulta sa mag asawang Vargas . Samantala sina Theo at Cash ay nanatiling nakaupo lang .Wala din imik ang mga magulang ni Theo .Lahat sila tahimik at kinakabahan sa resulta ng DNA . Laking gulat ni Lumina sa nababasa niyang resulta halos hindi man lang niya malunok ang sarili laway sa pagkabigla. Nanatiling nakatingin lang si Cash sa ginang pinapanalangin sana hindi sila ang totoong magulang niya . Kinuha ni Magnus ang papel dahil hindi na makapagsalita si Lumina at nanatili itong tulala. " totoo ngang ikaw ang anak namin " matutuwa na sana si Magnus ng biglang naalala niya ang naganap kanina .Sa isang araw ang daming naganap . ''hindi ito maari '' tanging bulalas lang ni Lumina nang biglang napatingin kay Cashandra bigla niyang nakita sa Faye sa mukha nito at pinakatitigan niya ng maayos .Talagang may hawig ng bunso nitong anak . Ang dami niyang kasalanan dahil isa siya sa dahilan kung bakit napahamak ito noon at s
'' talagang ang tapang mong babae ka '' sigaw ni Lumina habang nakatutok parin ang baril sa amang Fred at Cashandra. Kaya nitong ibuwis ang buhay niya sa kriminal niyang ama .Medyo natakot si Fred na baka sa katigasan ng ulo ng kanyang anak mailigtas lang siya .Tama na ang pagkakatong ito para malaman ng lahat . ''kaya mo bang patayin ang tunay mong anak '' seryosong tumingin si Fred kay Lumina . Kailangan na niyang sabihin ang totoo dahil balak na rin niyang sumuko sa mga pulis .Tinignan niya ang batang kinidnap nila noon na siyang nobyo pala ni Cashandra . ''ano ibig mong sabihin ?" nababaliw niyang tanong .Tumatawa siya dahil binibilog lang ng lalaki ang kanilang ulo para lang mauto na naman sila .Tulad ng anak nitong magaling . ''huwag mo kaming paglaruan dahil kahit kailan hindi ko iyan anak '' lalo pa niyang tinutok ang baril sa ulo ni Cash .Masyado na siyang binalot ng galit dahil sa nagawa nito kay Faye . Humarap si Cash sa ama nitong nakatingin sa kanya .''papa ano
''sige patayin mo ako diba dyan ka naman magaling .Kaya kayo siguro kinarma kay Thania dahil deserve niyo iyon .Ano ang ginawa mo sa akin .Gusto niyong ipagahasa ako sa mga tauhan niyo .Pero thankful parin ako dahil hindi natuloy ang pambaboy nila sa akin. Magkaparehas kayo ni Thania dahil parehas kayong mag isip demonyo '' kahit naluluha pilit kinalma ni Cash ang sarili .Hindi natatakot patayin siya ni Lumina .Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang pumunta ngayon sa kanilang bahay para tanungin kung gaano ba siya kasing samang kabit para gawin nila iyon sa kanya .Pasalamat ito dahil hindi pa siya nagsasampa ng kaso laban sa kanya .Kitang kita sa mukha ng asawa nito ang pagkagulat dahil sa mga sinabi niya . "what have you done Lumina?" gulat na tanong ni Magnus .Kung hindi pa nagsalita ang bagong nobya ni Theo wala siyang kaalam alam sa pinaggagawa nito .Hindi niya lubos maisip na kaya nitong manakit. "kabit siya Magnus ang dapat sa mga kabit kinukulong o pinapatay .Huwag mong
Isang malaking pagkakamali ang pagpunta nila Cash sa bahay nila Lumina .Nagulat sila sa nadatnan nilang senaryo . Napamulagat siya ng tumingin sa kanya ang lalaking may tali sa likod . Akala niya nagkasala lang ito sa kanila kaya pinaparusahan pero ang kinagulat niya ng makita na kilala niya ito . ''papa ?'' mahinang sambit ni Cashandra . Nagmadali itong tumungo sa sala kung saan naroon ang mag asawang gulat din sa pagdating nila . ''ano ginawa niyo sa papa ko '' naluluha niyang tanong .Kahit may edad na ang ama n kilala parin niya ito dahil ito ang kauna unahan niyang naalala noong nagkamalay siya galing sa pagkidnap sa kanya ni Thania . ''ano ginagawa mo dito anak ?" gulat na tanong ni Fred . Bigla siyang natakot sa kaligtasan ni Cashandra.Hindi ito ang gusto niyang mangyari bakit narito ang anak niya .Ang daming katanungan sa kanyang isip na hindi masagot . ''kayo ang dapat kong tanungin ano ang ginagawa niyo dito diba po patay na kayo ?" naluhang umiling si Fred dahil naala
''ano ginagawa niyo dito ?" takang tanong ni Magnus sa mga tauhan nila .Nasa labas ng bodega ang mga ito at parang may binabantayan. Hindi naman nakasagot ang dalawa dahil sa biglaang pagdating ng isa nilang amo .Bilin sa kanila na dapat wala muna malaman si Magnus hanggat hindi pa umaamin ang lalaki .Pero hindi nila inaasahan ang pagdating nito . ''si ma'am nalang po ang tanungin niyo sir '' medyo takot na sagot ng lalaki . Kunot noo siyang tumingin sa lalaking sumagot sa kanya pakiramdam niya may tinatago ang mga ito .Kaya agad niyang binuksan ang bodega gamit ang sarili niyang susi at walang nagawa ang dalawang lalaki kundi hayaan lang itong pumasok . Napangangang napaatras si Magnus pagkakita sa loob ng bodega . ''ano ibig sabihin nito ?" malakas niyang salita na siya namang pumasok agad ang mga lalaki . Nagulat siya ng makita niya ang lalaking nakatali sa upuan .Bugbog sarado ito at mukhang pinahirapan .Dahil sa ingay nagising si Fred at kitang kita niya ang mukha ni Magnu
Humugot muna ng hangin si Zyrius bago nagpakita kay Theo na abala ito sa pag inom ng alak. Kailangan na niyang sabihin ang katotohanan dahil hindi na siya pinapatulog ng konsensya.Dahan dahan siyang lumapit at naramdaman naman ni Theo na meron na ito .''mabuti at nagpakita kana '' parang gusto niyang umatras at umalis .Kilala niya ang tono ng pananalita ni Theo sa tono nito parang may diin at galit . ''umupo ka'' utos ng dalawang lalaki na lumapit sa kanya at pilit siyang pinaupo sa harap ng kanilang boss .Napapalunok na siya dahil alam niyang walang sinasanto si Theo pag ito ang galit . ''anong problema bro '' isang suntok sa mukha ang natikman niyang sagot mula kay Theo .Nagulat siya sa inasal nito pakiramdam niya may alam na at mukhang hinihintay lang nito ang paliwanag niya . ''nagawa ko lang iyon dahil niloko mo si Faye kayo ni Cash niloko niyo ang babaeng mahal ko '' mas gulat si Theo sa nalaman .Wala siyang alam na may pagtingin si Zyruis kay Faye gayong wala naman ito
"ano ba saan niyo ako dadalhin" nakaramdam ng takot si Thania habang hila hila siya ng dalawang lalaki palabas ng kwarto . "papa kukunin niyo na po ba ako ?" naiiyak niyang salita .Bigla siyang natuwa dahil naroon ang ama niyang naghihintay sa kasama .Lalo siyang nagtaka dahil sa kakapasok lang na Theo . "papa parang awa muna kunin niyo na po ako dito nahihirapan na ako ..kung ano kailangan nila ibigay niyo " gusto na niyang makalaya dahil nahihirapan na siyang nakakulong nalang ng ilang araw. Nagtataka siya ng biglang pinaupo siya sa may upuan at inutos ito ng kanyang pekeng ama . "ano ibig sabihin nito papa?" isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.May parang isang ingay ang dumagundong mula sa kanyang tainga dahil sa lakas ng pagkakasampal sa kanya . "huwag mo akong papa dahil hindi kita anak Thania .Kung sana mas ginawa ko pa ng maaga ang mag pa Dna ulit sana nalaman ko ng mas maaga " laging gulat niya dahil alam na nila ang totoo . "paan.." hindi niya naituloy