Palabas si Theo sa opisina ng ama nito ng makita ni Cashandra. Halos hindi makapaniwala si Cashandra sa nakikita ."oh my gosh ang prince charming ko !" kinikilig niyang yuko mula sa kanyang mesa .Hindi siya pwedeng makita ng lalaki na parehas sila ng pinapasukan dahil baka maging issue ito sa kanya .Nagtatakang tumingin si Princess sa kaibigan nitong nakayuko sa mesa .Parang may tinataguan gayong ang anak lang naman ng chairman ang lumabas at dumaan kanina sa gawi nila ."anong nangyayari sayo?" tanong nito ."nakaalis naba siya?" tanong nito habang ang ulo ay nakayuko parin .Parang nag alinlangan siyang iangat ang ulo mula sa pagkakayuko dahil baka nasa likod lang nila ang kanyang Prince Charming."oo kanina pa tinignan kapa nga niya kasi nakayuko ka .Baka iisipin ni sir natutulog ka sa gitna ng oras ng trabaho " mabilis siyang umayos ng upo at nilibot ang paningin .Wala na nga ang lalaking tumulong sa kanya . "bahala siya kung ano ang isipin niya!" kinuha ang ballpen at nagsulat
Pagod na umuwi si Cashandra nauna ng umuwi si Diane dahil nag overtime sila ni Princess para lang matapos ang pinapagawa ni Theo sa kanila ."mukhang pagod na pagod ang beshy ko a!" pinaupo muna ni Diane ang kaibigan sa sofa .Naawa siya dito dahil mukhang madami ang pinagawa ni Theo sa kanila .Kilala niya ito dahil naging magkababata sila noon kasama si Nich ."madami bang pinaayos sa inyo ?" tanong nito ulit habang nagiinat si Cashandra."sobra beshy ang dami .Alam mo bang pagdating niya kanina sa opisina gumawa siya ng ibang aayusin namin dahil ewan kung sinadya ba niyang ihulog ang mga inayos naming papeles kanina .Ayon kanda halo halo ang mga rereview niyang report " nainis na sila kanina kaya nawala ang paghanga niya sa lalaki kahit prince charming pa niya ito . Nagpakahirap silang ayusin yon kanina tapos ihuhulog lang ni Theo na parang walang nangyari . Hindi na nila nadatnan kaninang tapos sila kumain ng lunchtime kasi nagpasya sila ni Princess na pumunta sa kantina para bum
Kanina pa naghihintay ang mag asawa na nasa sala para hintayin ang pagdating ni Theo na uuwi galing sa kaibigan nito.Gusto nilang ipaalala na bukas na ang pagdalaw nila sa napangasawa nito . " mukhang hindi pa ata handa si Theo tutal wala naman na si mama pwede bang wag na natin sundin ang kasunduan kasi pinapangunahan natin ang gusto ni Theo " bukas na ang pagpunta nila sa bahay ng mga Vargas para sa opisyal na pag uusap nila tungkol sa engagement nila Faye at Theo .Dahil sa utang na loob gagawin nila ang gusto ng ina ni Faye na ipaasawa ito sa kanilang anak dahil ayon sa kanya wala ng ibang magkakagusto sa anak nilang wala ng isang binti . "hindi pwedeng bawiin ang napag usapan dahil kung hindi tayo susunod kaya nilang sirain ang minahan lalot may mataas na position ang ama ni Faye sa pamahalaan" hindi niya rin gusto ang pamilya ng Vargas para sa kanyang anak pero ito ang napagkasunduan nila noong bata pa ang mga anak nila .Kung hindi dahil kay Faye wala na ang nag iisa nilang
Maagang nagising si Cashandra kahit wala silang pasok ay inuugali niyang maagang gumising para mag jogging sa labas .Ligtas naman ang village kung saan ang bahay nila Diane kaya hindi siya natatakot mag jogging mag isa .Hindi naman niya mayaya si Diane dahil tamad itong mag ehersiso at lagi niyang sinasabi na sexy naman siya kahit hindi magjogging . "Cash!!" nilibot niya ang paningin kung saan banda ang boses na tumatawag sa kanyang pangalan . "boommm !" dahil sa kanyang pagkagulat ay hindi niya namalayan na nahampas hampas niya si Nich .Akala niya may multo ng nagmamasid sa kanya si Nich lang pala na parang magjogging din dahil sa damit nito. "grabe iwasan mo ang magkape ..magugulatin ka sakit mo pala humampas ah!" "manahimik ka !! sino hindi magugulat akala ko multo ka na biglang nagpakita sa harap ko " inirapan niya ito dahil sa inis. "ang gwapo ko namang multo sakali " natatawa niyang saad . "nagbubuhat kana naman ng sarili mong bangko Nich umagang umaga ang hangin " kun
" ok lang ba?" nilakasan na ni Faye ang kanyang loob na lumapit kay Theo nasa pool area ito habang may hawak ng baso ng wine. "what do you think?" malamig na sagot ni Theo sa kanya .Hindi niya gustong masaktan ang babae kaya habang mas maaga pa ay gusto niyang maputol ang kasunduan .Pero wala na siyang magagawa dahil tapos na pag usapan ang tungkol sa kanilang kasal . "aww !" nataranta bigla si Theo ng biglang dumaing si Faye kaya nakaramdam siya ng kunting pag aalala sa dalaga . "heyy what happen may masakit ba?" pag aalalang tanong nito. "medyo masakit na dito!" tinuro niya ang bandang nasa binti nito at naintindihan na ni Theo kung ano ang ibig sabihin ni Faye .Kaya nagkusa na siyang buhatin at ihatid sa kwarto nito .Lihim namang kinikilig si Faye dahil umepekto ang pagpapanggap niya kanina na may masakit . "anong nangyari sa anak ko ?" nag alalang tumayo si Lumina para tanungin si Theo kung bakit buhat buhat niya si Faye ng parang bagong kasal pagpasok nila galing sa lik
"umagang umaga chimisan kayo dyan?" kararating lang ni Cash sa kanilang departamento ng makita niya ang mga ka officemate nitong naguumpukan sa gilid at parang may pinag uusapan. "ito laging huli sa balita may sariling mundo kasi !" lumapit sa kanya si Princess na humiwalay sa mga kasamaan niyang nag uusap tungkol sa magaganap na engagement ng anak nang Chairman. "aba yan pa ba inintindi ko ang dami kong bayarin mas yon ang iniintindi ko " natawa nalang si Princess dahil sa dahilan ni Cashandra sa rason nito hindi na bago para sa kanya ang rason nito . "ano kaba pinag uusapan lang namin ang darating na engagement na gaganapin this coming weekend...Mag aasawa na ang prince charming mo teh!" napatulala siya hindi dahil sa narinig kundi dahil may parang kurot sa kanyang puso na mag aasawa na ang lalaking nagligtas sa kanya nung gabing lasing siya . "ayus ka lang ba?" "oo ayos lang ako ...may naalala lang ako bigla ..Sino ba yung mapapangasawa niya?" may panghihinayang man siyang
Nagmadaling bumababa si Cashandra dahil sa kamamadali ni Diane sa kanya .''pakibilisan naman besh ang tagal gutom na ako tayo nalang ata ang hinihintay sa bahay nila tita '' sabado naganap ang pa blessing sa bagong bahay na bili nila Nich malapit sa bahay nila Diane . Alas tres ng hapon gaganapin ang seremonya para sa blessing kaya nag halfday muna si Cashandra dahil sa rush report na kailangan na nila sa lunes . ''ito nagmamadali .Alam nilang nag halfday ako girl kaya ayos lang sa kanila na mahuli tayo ng dating '' tinignan ni Diane ang orasan at ten minutes nalang bago mag alas tress ng hapon .Tama naman ang sinabi ng kaibigan pero kanina pa siya kinukulit ni Nich na dalian nilang pumunta . ''kahit besh tara na para malibot pa natin ang buong bahay nila tita '' nilock muna ni Diane ang pintuan at sabay silang lumabas ng gate .Kusang nag lolock ang gate pag sinasara kaya deretso lakad sila papunta sa ikatlong bahay malapit kila Diane . ''bakit wala gaano bisita sila tita ?'' tano
''maganda ang design ng bahay niyo '' silang dalawa ni Nich ang naiwan sa sala dahil si Diane ay nasa kusina para tikman ang ginawang cake ng tita Gil nila ,nagtataka siya sa tyan ng kaibigan niya dahil ang daming kinakain flat parin ito at sexy . Uupo na sana siya sa sofa ng biglang niyaya siya ni Nich papunta sa Balcony . Pag akyat nila sa ikalawang palapag ng bahay nila Nich ay nahiwagahan siya sa kwarto .Lima ito gayong tatlo lamang sila at may dalawang kwarto pa sa baba kaya napapaisip siya kung bakit madaming kwarto ang bahay nila Nich . ''nagtataka ka siguro kung bakit madaming kwarto dito sa bahay .'' tumango lang siya at alinlangang ngiti dahil nahulaan niya ang nasa isip nito . ''tig isa nila mama at papa ang kwarto sa baba .Akala niyo siguro masaya ang pamilya namin nuh '' bigla siyang nalungkot na hindi pala maganda ang family circle na meron sila .Pero di baleng hindi maganda sana ang importante nakikita niya ang mga ito araw araw . ''ang huli sa kaliwa ay ang maste
Hindi makapaniwala si Theo sa sinasabi nila sa kanya .Kung susunduin niya ang gusto nila parang wala na siyang kalayaan ulit . ''no hindi pwede .Tama na ang kasunduan noon kay Faye ..Hindi pa ba kayong nagsasawang i alay ang anak niyo sa akin '' malakas na sampal ang napakawalan ni Lumina sa manugang nito .Tiim bagang lang na tumingin si Theo sa byenan niya hindi siya papayag na hahawakan na naman siya sa leeg .Ang gusto nila sundin parin ang unang hiling ni Faye sa kanila .''napag usapan na namin iyan ni Faye bago siya nawala at aware naman kayo sa gusto niya right .So Why do you want that to happen again? Aren't you afraid that what I did will happen to Faye again? '' natahimik si Lumina sa sinabi ni Theo may punto ito at hindi niya gustong maranasan ni Thania ang naranasan ni Faye .Hindi naman nila magawang magalit kay Theo dahil sila ang may kasalanan kung bakit pinagkasundo ang anak nila sa lalaking wala man lang katiting na pagkagusto .Pero ito ang hiling ni Thania kagabi gu
Ang buong akala ni Cash ay si Keinan na ang dumating kaya pinagbuksa niya ito ng pintuan . Pero laking pagtataka niya dahil si Theo ang nasa labas .Kung alam niya lang na ito ang dumating hindi niya sana pagbubuksan .Wala ang security guard niya dahil gabi ito nag duduty . Mamayang hapon pa ang dating .Nagtataka siya dahil nakapasok ng gate si Theo .Inisip niya kung nailock ba niya ito kanina o hindi . '' ano ginagawa mo dito Theo ?" malamig niyang tanong .Hindi siya makatingin ng deretso kay Theo dahil pakiramdam niya ang mata nito ang siyang umakit noon sa kanya . ''masama bang bisitahin ang long los girlfriend ko ..!!! '' napanganga nalang siya dahil parang feel at home ito .Kusa ng pumasok at pumunta sa sala . '' aba!! may pupuntahan ako Theo at saka ang aga aga naka inom ka ?" amoy alak ito kaninang dumaan sa kanyang harapan . Hindi naglalakas loob si Theo kung hindi ito lasing .Tinitigan niya ang ama ng kanyang anak wala parin nagbago at gwapo parin hanggang ngayon . Kagat
Mula sa malayong parte ng private cemetery ng mga Vargas nakatayo si Cashandra habang umiiyak . Ilang beses siyang humingi ng kapatawaran kay Faye kahit alam nitong hindi naman na siya naririnig .Wala naman siyang lakas dalawin ito dahil magtataka lang sila kung bakit siya naroon .Kailangan niya rin iwasan sina Nich at Theo para sa ikakatahik ng kanyang buhay . Parang gusto niya ulit lumayo nalang pero naisip niya nakapagsimula na siya sa negosyo at baka magtataka na naman ang kaibigan niya kung aalis siyang walang dahilan . Mabilisan siyang umalis mula sa ilalim ng puno dahil paalis na ang mga ito sa loob ng cemetery. Nakilala agad ni Diane ang kotse ni Cash nagtataka ito bakit hindi siya lumapit at parang may iniiwasan . Pagtingin niya kay Nich ay naintindihan niya kung bakit . ''tita Diane can I go with you '' kumapit sa kanya si Gabe . ''sige na Diane isama mo muna siya para malibang '' utos ni Theo sa kanya .Ngumiti lang siya at pumantay kay Gabe .''sige pero boring doon
Pag kaayos sa Urn ni Faye ay agad nilang inuwi sa kanilang bahay para doon lamayan ng dalawang gabi .Maraming nagtataka sa dalagang kasama niya kaya agad niyang pinakilala si Thania sa mga bisita .Gusto niya sana magpa event para sa kanyang anak pero hindi na nila nagawa dahil sa biglang pagpanaw ni Faye .Maraming nabigla at nagulat dahil kung kailan namatay ang isa niyang anak ay dumating naman ang isa nitong anak . Maraming humanga kay Thania dahil maganda ito at kahawig ang namayapang Doña. Kung wala sanang DNA result hindi maniniwala ang lahat dahil napakaimposible na mahanap nito kung ninakaw . Pakiramdam ni Thania pagod na pagod siyang makipagplastikan sa mga tao .Alam niyang kunwari lang silang natutuwa pero naririnig niya pinagdududahan ang pagkatao niya .Inis niyang nilapag ang cellphone nito .Nasa likod siya ng bahay para makahinga ng maayos .Walang gaanong tao kaya naisipan magmuni muni muna . ''umangat na pala ang pagkatao mo ?" hinanap niya kung saan ang nagsalit
Maluha luhang tumungo sa parking lot si Cashandra .Lalo siyang naguilty sa ginawa niya kay Theo .Parang bumalik lahat ng nakaraan nila .Muli na naman niya naalala ang anak niya . Hindi niya akalain na magkikita ulit sila kung alam niya lang ganito lang din ang mararanasan niya hindi na sana siya umuwi . Pakiramdam niya lalong gumulo ang mundong ginagalawan niya ngayon . ''anong ginagawa mo dito ?" malamig na tanong ni Nich sa kanya. Pagtingin niya sa lalaking nagsalita ay bigla siyang nagulat dahil si Nich pala ito akala niya kung sino ang na ang nagsalita . ''wala !'' tipid niyang sagot habang nagpupunas ng luha . Biglang umurong ang mga luha niya dahil kay Theo . ''wala pero umiiyak ka ?''' ramdam niya ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Nich . Naiintindihan naman niya ito dahil sa ginawa niyang kasalanan . ''kung wala ka ng sasabihin .alis na ako '' akma sana siyang tatalikod ng biglang hinaglit ni Nich ang kanyang braso .Mahigpit ang pagkakahawak nito at nasasaktan siy
Nanghihinang nilapag ni Cashandra ang kanyang cellphone matapos marinig ang nangyari sa asawa ng lalaking minahal niya noon . '' yes its me ..ako ang dahilan kung bakit ..'' napaupo sa sahig si Cashandra dahil sa nalaman niyang patay na ang asawa ni Theo .Parang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa kanyang nalaman .Ang bigat ng pakiramdam niya .Siya ang dahilan kung bakit nawala si Theo sa tabi ng asawa nito .Kung hindi niya nakilala si Theo hindi nito maiisipan makipaghiwalay sa asawa niya at lumayo . ''I am sorry Faye ..sorry !'' lumuhod siya . Pakiramdam niya nasa harapan niya ang babaeng niloko nila . Humagulgol siya pag iyak dahil sa labis na konsensya. Walang tigil na pinagsasampal niya ang kanyang mukha dahil pakiramdam niya nakapatay siya ng tao .Kahit ilang taon na ang nakalipas nasa puso't isip niya parin na may tao silang niloko .Inayos niya ang kanyang sarili at nagpasya siyang pumunta sa hospital. - Pagdating nila Gil at Diane sa hospital nagulat sila da
Parang hindi magawang pumasok ni Thania papasok sa kwarto ng kapatid nito .Hindi niya maintindihan kung bakit nangangatog ang kanyang mga tuhod . ''iha halikana at gising na ang kapatid mo '' nagpahila nalang siya kay Lumina . ''Ate '' biglang tumayo ang mga balahibo niya sa buo niyang katawan ng marinig ang tinig ng babaeng nakahiga at namumutla . ''oo anak ate ka niya at siya ang kapatid mo '' naluluha siyang tumitig sa babae .Parang may kunting kurot sa kanyang puso pagkatawag sa kanya bilang ate . ''matagal kong hinintay ito . Kung alam ko lang na kung noon hindi ka pala namatay sa sakit .I swear ako nalang sana ang nagpahanap sayo .But its too late dahil anytime I'm gone !'' ''huwag mong sabihin iyan anak tatagal ka pa okey ..''mangiyak iyak na saad ni Lumina habang hawak hawak ang mga palad ni Faye .'' I change my mind mama .Hindi ko papangunahan ang gusto ni ate gusto ko enjoyin niya ang buhay na kasama kayo ..Theo is a brave man I know kaya niyang alagaan at alam kong
''sige na sumama kana sa kanila . '' naluluhang tumingin si Thania sa kanyang ina .Parang panaginip lang ang nagaganap sa kanya .Mga tauhan ng mag asawang Vargas ang sumundo at sinabi huwag na siyang magdala pa ng gamit . ''tatawagan ko kayo inay '' yumakap siya sa ina nitong umiiyak na din tulad niya . ''oo asahan ko yan anak .Pero kailangan mo muna pagtuunan ng pansin ang pakikisama sa kanila .HUwag mo kaming intindihin dahil may binigay silang pera '' pinakita niya ang sobreng makapal ang laman . Tama ang kanyang ina kailangan pag tuunan niya ng pansin ang pakikisama sa bago niyang pamilya .Kailangan kaawa awa siyang tignan para mapaniwala ang mga ito na naninibago siya sa buhay mayaman. Ilang oras lang ang byahe papunta sa village kung saan nakatira ang mag asawang Vargas .Ito lang ang alam niya sa dalawa hindi pa siya sigurado kung may anak ba ang mga ito dahil baka mamaya kakaawain siya ng mga ito .Pero kung ganon ang mangyari hindi siya basta basta mag papaapi . ''welcom
'' Thania may mga sasakyan sa harap ng bahay .'' naalimpungatan si Thania dahil sa ingay ng boses ng kanyang ina .Sarap na sarap siya sa tulog kanina dahil kagagaling niya lang sa trabaho at nag over time siya sa pagkanta dahil hindi pumunta ang costumer na kanyang inaabangan . ''inay naman baka malay mo sasakyan ng taga kabilang bahay iyan '' lalong sumakit ang kanyang ulo dahil sa biglang gising niya .Wala na siyang pakialam kung sino man iyang mga hinayupak na may ari ng sasakyan . ''ano kaba kung sa kabilang bahay iyan bakit nakalabas din si Flora at tinitigna ang dalawang magagarang sasakyan '' bumangon nalang siya at pumunta sa banyo para maghilamos . ''nay hinahanap nila si ate Ania '' kunot noo siyang sumilip sa pintuan ng banyo dahil sa sinabi ng kanyang kapatid. ''sino daw sila ?" tanong nito habang may sabon parin sa kanyang mukha . ''ewan ko ate labas ka nalang dyan dahil hinahanap ka nila '' binilisan niya ang naghilamos at nagbihis dahil baka yung costumer niya ang