Maagang nagising si Cashandra kahit wala silang pasok ay inuugali niyang maagang gumising para mag jogging sa labas .Ligtas naman ang village kung saan ang bahay nila Diane kaya hindi siya natatakot mag jogging mag isa .Hindi naman niya mayaya si Diane dahil tamad itong mag ehersiso at lagi niyang sinasabi na sexy naman siya kahit hindi magjogging . "Cash!!" nilibot niya ang paningin kung saan banda ang boses na tumatawag sa kanyang pangalan . "boommm !" dahil sa kanyang pagkagulat ay hindi niya namalayan na nahampas hampas niya si Nich .Akala niya may multo ng nagmamasid sa kanya si Nich lang pala na parang magjogging din dahil sa damit nito. "grabe iwasan mo ang magkape ..magugulatin ka sakit mo pala humampas ah!" "manahimik ka !! sino hindi magugulat akala ko multo ka na biglang nagpakita sa harap ko " inirapan niya ito dahil sa inis. "ang gwapo ko namang multo sakali " natatawa niyang saad . "nagbubuhat kana naman ng sarili mong bangko Nich umagang umaga ang hangin " kun
" ok lang ba?" nilakasan na ni Faye ang kanyang loob na lumapit kay Theo nasa pool area ito habang may hawak ng baso ng wine. "what do you think?" malamig na sagot ni Theo sa kanya .Hindi niya gustong masaktan ang babae kaya habang mas maaga pa ay gusto niyang maputol ang kasunduan .Pero wala na siyang magagawa dahil tapos na pag usapan ang tungkol sa kanilang kasal . "aww !" nataranta bigla si Theo ng biglang dumaing si Faye kaya nakaramdam siya ng kunting pag aalala sa dalaga . "heyy what happen may masakit ba?" pag aalalang tanong nito. "medyo masakit na dito!" tinuro niya ang bandang nasa binti nito at naintindihan na ni Theo kung ano ang ibig sabihin ni Faye .Kaya nagkusa na siyang buhatin at ihatid sa kwarto nito .Lihim namang kinikilig si Faye dahil umepekto ang pagpapanggap niya kanina na may masakit . "anong nangyari sa anak ko ?" nag alalang tumayo si Lumina para tanungin si Theo kung bakit buhat buhat niya si Faye ng parang bagong kasal pagpasok nila galing sa lik
"umagang umaga chimisan kayo dyan?" kararating lang ni Cash sa kanilang departamento ng makita niya ang mga ka officemate nitong naguumpukan sa gilid at parang may pinag uusapan. "ito laging huli sa balita may sariling mundo kasi !" lumapit sa kanya si Princess na humiwalay sa mga kasamaan niyang nag uusap tungkol sa magaganap na engagement ng anak nang Chairman. "aba yan pa ba inintindi ko ang dami kong bayarin mas yon ang iniintindi ko " natawa nalang si Princess dahil sa dahilan ni Cashandra sa rason nito hindi na bago para sa kanya ang rason nito . "ano kaba pinag uusapan lang namin ang darating na engagement na gaganapin this coming weekend...Mag aasawa na ang prince charming mo teh!" napatulala siya hindi dahil sa narinig kundi dahil may parang kurot sa kanyang puso na mag aasawa na ang lalaking nagligtas sa kanya nung gabing lasing siya . "ayus ka lang ba?" "oo ayos lang ako ...may naalala lang ako bigla ..Sino ba yung mapapangasawa niya?" may panghihinayang man siyang
Nagmadaling bumababa si Cashandra dahil sa kamamadali ni Diane sa kanya .''pakibilisan naman besh ang tagal gutom na ako tayo nalang ata ang hinihintay sa bahay nila tita '' sabado naganap ang pa blessing sa bagong bahay na bili nila Nich malapit sa bahay nila Diane . Alas tres ng hapon gaganapin ang seremonya para sa blessing kaya nag halfday muna si Cashandra dahil sa rush report na kailangan na nila sa lunes . ''ito nagmamadali .Alam nilang nag halfday ako girl kaya ayos lang sa kanila na mahuli tayo ng dating '' tinignan ni Diane ang orasan at ten minutes nalang bago mag alas tress ng hapon .Tama naman ang sinabi ng kaibigan pero kanina pa siya kinukulit ni Nich na dalian nilang pumunta . ''kahit besh tara na para malibot pa natin ang buong bahay nila tita '' nilock muna ni Diane ang pintuan at sabay silang lumabas ng gate .Kusang nag lolock ang gate pag sinasara kaya deretso lakad sila papunta sa ikatlong bahay malapit kila Diane . ''bakit wala gaano bisita sila tita ?'' tano
''maganda ang design ng bahay niyo '' silang dalawa ni Nich ang naiwan sa sala dahil si Diane ay nasa kusina para tikman ang ginawang cake ng tita Gil nila ,nagtataka siya sa tyan ng kaibigan niya dahil ang daming kinakain flat parin ito at sexy . Uupo na sana siya sa sofa ng biglang niyaya siya ni Nich papunta sa Balcony . Pag akyat nila sa ikalawang palapag ng bahay nila Nich ay nahiwagahan siya sa kwarto .Lima ito gayong tatlo lamang sila at may dalawang kwarto pa sa baba kaya napapaisip siya kung bakit madaming kwarto ang bahay nila Nich . ''nagtataka ka siguro kung bakit madaming kwarto dito sa bahay .'' tumango lang siya at alinlangang ngiti dahil nahulaan niya ang nasa isip nito . ''tig isa nila mama at papa ang kwarto sa baba .Akala niyo siguro masaya ang pamilya namin nuh '' bigla siyang nalungkot na hindi pala maganda ang family circle na meron sila .Pero di baleng hindi maganda sana ang importante nakikita niya ang mga ito araw araw . ''ang huli sa kaliwa ay ang maste
'' I announce and I would like to inform you that Faye and Theo's wedding will be next month. '' si Lumina na ang nagsasalita sa harapan .Maraming camera ang nakatutok sa kanila at alam ng buong bansa ang gaganaping kasal ng isang taga pagmana at isang sikat na producer sa ibang bansa na si Faye .Lahat ng nakakapanood sa nagaganap na engagement ng dalawa ay humahanga at nangangarap ang ibang kababaihan na magkaroon sila ng tulad ni Theo na kahit may kapansanan si Faye ay papakasalan niya parin . Pagkatapos ng usapan at pag announced sa araw ng kasal ng dalawa ay kumain muna silang lahat sa mga inihandang pagkain para sa mga bisita . Tahimik lang si Theo sa tabi ni Faye hindi siya makapaniwala na ang tulad niyang hindi nagsasawa sa babae ay ikakasal na sa babaeng hindi niya mahal .Masama man ang loob niya dahil sa kasunduan ay hindi niya magawang hindian ang babaeng nagligtas ng kanyang buhay noong mga bata pa sila . ''ayos ka lang ba ?" nahihiyang tanong ni Faye sa kanya .Hindi na
''nasaan na yon ?'' aligagang naghanap si Cashandra sa report na gawa nito .Kahapon niya lang nalaman na isa siya sa magrereport kaya mas pinalawak pa niya ang tungkol sa gawa niyang report pero kahit anong hanap niya sa mga files ay wala roon ang ginawa niya .Hinanap niya ulit sa bag niya ang USB dahil may back up files siya doon at hinanap niya sa ilalim ng mesa at baka nahulog lang pero wala talaga siyang makita . ''kanina kapa dyan miss Torero .?" naiiyak na siyang tumingin sa head officer nila . Nasa bag niya lang ang USB kung saan doon niya nilagay ang copy ng kanyang report kanina . Wala na rin sa kanyang loptop kaya laking pagtataka niya kung bakit nawala doon. Naawang tumingin si Princess kay Cashandra nagtataka rin siya dahil kahapon pa niya ito natapos at nasave sa loptop at USB nito . Kampanteng nakaupo sina Hazrel at Irene sa gilid na lihim silang nakangiti habang pinapanood si Cashandra na aligaga sa pagkawala ng pinaghirapang report . ''nawawala po ang report ko si
''sabi sa akin ni Miguel tinanggal mo ang isang empleyado dahil hindi napatunayan ang sarili sa pag aakusa na sa kanya ang report ?" hindi gusto ni Melissa ang ginawa ni Tommy pero gusto niyang pakinggan kung bakit nagawa ng asawa niya ang bagay na ayaw na ayaw gawin ng byenan nito noon . ''sinira niya ang maayos na meeting sino ba ang hindi matutuwa lalot gahol kami sa oras '' ''my gosh Tom ang babaw na rason. Why didn't you just give her a chance?'' napabuga ng hangin si Tommy dahil hindi siya titigalan ni Melissa hanggat hindi naibabalik sa kompanya ang tinanggal niyang empleyado.Isa lang ang rason niya kung bakit nagawa niya ang bagay na yon gusto niyang malayo ang babae kay Theo . '' hindi pwedeng ibalik ang tinanggal ko dahil magrereklamo ang iba '' aalamin niya parin ang tunay na dahilan kung totoo bang nawawala ang gawa nitong report .Malalagot parin ang may gawa kung totoo man ang akusasyon niya na kinuha ito ni Irene . Alam niyang baguhan palang ang empleyado na natangga
Nakipagkita si Theo kay Irene kahit katirikan ng araw .Gusto niya itong makita na ayon sa kanyang plano .''akala ko hindi kana magpapakita pa sa akin '' tinignan ni Theo ang dalawang bodyguard ni Irene .Natuwa siya dahil nag secured na ito . ''maari ba yon '' hinalikan niya ito sa leeg at kahit expensive na ang bango ng dalaga ay mas hinahanap parin ng ilong niya ang bango ni Cashandra. ''paano kung mahuli tayo ng asawa mo .?"good question para sa kanya ang tanong ni Irene kailangan niyang mahuli ang kiliti nito at hindi pwedeng mawala na parang bula ang kanyang plano . ''papayag ka bang mahuli nila tayo '' umiling si Irene pero kung sakaling mahuli sila ang ama niya ang magiging problema nito . Nakatingin siya sa bandang kaliwa kung saan kunwari siyang humahalik sa leeg ni Irene ay naroon ang dalawang asungot . Kinukuhanan sila ng larawan .Ngiting ngiti siyang tumingin sa babae . ''magkita tayo mamayang gabi ..may gagawin pa kasi ako ngayon !'' dati rati hindi niya pinapal
Nagising si Cashandra dahil sa malakas na ingay na nanggagaling sa labas at mga boses na naaninag niya ay parang sa dalawa . Nakita niyang wala na si Theo sa kanyang tabi at napangiti siya dahil ang sarap ng kanyang tulog dahil magdamag siyang niyakap at hindi pinakawalan .Walang nangyari sa kanila kagabi dahil bilang respeto na rin sa condo ni Princess . ''hay salamat at gising kana Cash ...'' lumapit agad sa kanya si Princess at hingal na hingal pa ito .Tama ang hinala niya kanina ang dalawang makukulit na naman ang nag iingay . ''tara kain na tayo at nakapagluto na ang dalawang adonis '' kiniwento niya ang naganap sa kusina kanina kung paano siya nakakita ng mala adonis na katawan . ''ohhh sila ang naglauto nakakahiya tuloy dapat tayong mga babae '' hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman na marunong pala magluto si Theo .Tama ang sinabi ni Princess ideal man ang tulad ni Theo . Agad silang tumungo sa kusina at nakita nilang nagsasaling na ng pagkain ang dalawa .Nakita n
Nakakaramdam na ng antok si Princess dahil sa kakahintay kila Theo . ''alam mo yang boss natin nang aasar .Hindi porket walang trabaho bukas pupuyatin nila tayo '' inis na umupo si Princess sa sofa .Mag isa lang siya sa condo ngayon dahil ang kapatid niyang babae ay pumunta sa ibang bansa para mag tour . ''hayaan muna .Dahil huli na ito " kahit kanina nagising siya dahil tumawag si Theo gamit ang isa niyang numero at naki usap siya na pumunta kila Princess para doon dalhin si Cash kaya nagmadali siyang pumunta dahil pabor din sa kanya para makita niya si Princess . ''teka ano ibig mong sabihin hihiwalayan na ni sir Theo si ma'am Cash?" biglang nalungkot si Princess sa narinig .Parang siya ang nasasaktan para kay Cash . ''ang oa !!! hindi !!! ang ibig kong sabihin last na ito dahil kailangan nilang mag laylo lalot may kailangan gawin si sir Theo para sa kanilang dalawa '' tumango lang siya at nauunawaan niya ang ibig sabihin nito namaling akala lang pala siya .Narinig niyang may n
Nagtatakang tumingin si Cashandra kay Theo dahil papasok sila sa bahay kung saan nakatayo ito sa isang malaking puno . Medyo patapos na ang bahay at pintura nalang ang kulang .Isang buwan na pala mahigit simula nakita nilang sinimulan nila gawin ang bahay . ''teka ano ibig sabihin nito ?" tanong niya kay Theo . Hinila niya ang braso nito dahil papasok na siya sa bahay .''hmm anong klaseng tanong iyan .Hindi tayo trespassing dahil sa akin ito '' sobrang gulat niya sa nalaman .Hindi niya akalain na kay Theo ang lupang pinapangarap niya . Hinila ni Theo si Cashandra dahil nakatulala na ito at parang hindi makapaniwala na sa kanya ang bahay .Hindi naman niya masisisi dahil walang nakakaalam kahit ang mga magulang niya ay walang alam tungkol sa pinagawa niyang maliban kay Zyrius na siyang gumawa ng plano . Isang buwan palang ang pagkagawa nila sa kanyang bahay pero halos malapit ng matapos kulang nalang pintura at kagamitan para pwede ng tirahan . Abala ang mata ni Cashandra sa pagl
Dahan dahan lumabas si Cashandra sa kanyang kwarto kailangan hindi magising si Diane at baka makahalata ito sa kanyang ginagawa .Kung hindi lang mapilit si Theo na palabasin siya hinding hindi siya lalabas . Pero napapaisip siya kung bakit nagagawa niyang sundin ang gusto nito kahit alanganin ang kanyang sitwasyon .Nagdalawang isip siya habang nakatingin sa hagdan kung tutuloy ba ssiya na puntahan si Theo o hindi .Pero ang tawag ni Theo ay hindi parin niya pinatay at nanatili itong nakikinig sa bawat hakbang niya . Hindi niya namamalayan kusa ng humakbang ang kanyang mga paa pababasa hagdan . Pagkarating niya sa sala ay nagmadali siyang pumunta sa kusina at doon dadaan dahil kung sa entrance siya lalabas baka magising ang katulong at magsabi kay Diane .May sarili silang susi kaya kahit saan pwedeng lumabas at pumasok dahil lahat ng pasukan na may susi ay binigay sa kanya ni Diane .Para kung walang katulong na magbubukas sa kanila ay makakapasok parin sila .Maingat siyang tum
''look girl kanina kapa tinitignan ng isang Theo Fortillen '' ininom muna ni Irene ang wine na nasa baso niya at nakipagtitigan kay Theo .Ito ang gusto niya ang mahumaling sila sa kanya ang mga kalalakihan . ''do I look beautiful?" tanong nito sa kanyang kaibigan at inayos ang buhok at pagkakaupo nito para ipakita kay Theo ang mapuputi niyang hita . ''kailangan pa ba tanungin yan hindi naman mabibihag ang paningin ng isang Fortillen kung hindi ..gora kana lapitan mo siya baka maunahan kapa ng isa doo'' tinuro niya ang isang blode girl kung saan ang lagkit ng tingin niya kay Theo .Medyo na challenge siya dahil may kaagaw siya kay Theo . ''diba may asawa na yan ?" tanong ng isa niyang kasama . ''like duh mapapasaya ba ng isang nakasakay sa wheelchair ang isang Theo na matinik sa babae '' ''enough huwag na natin pag usapan ang babaeng iyon ang importante sa akin magiging akin sa Theo ngayong gabi '' tumayo ito at kahit nakakaramdam na siya ng pagkalasing ay tuloy parin siy
'' whats wrong dad ?" nagtatakang tumingin si Theo sa ama niyang kararating lang galing sa meeting . Inis na nilapag ni Tom ang hawak niyang bag sa mesa ng kanyang anak . ''isa isa ng nag aatrasan ang mga investor .Alam na kasi nilang nalulugi na ang kompanya kaya nag pull out na sila sa atin at doon na sila kalaban natin sila nag invest '' alam niyang mahina ang pasok ng pera sa kanila dahil biglang dumami ang kanilang kakompentesya na siyang lalong umangat ang pangalan ng isang minahan na gumaya sa kanila . ''ipasara niyo muna ang kompanya '' pagbibiro niyang saad sa kanyang ama . ''no madaming pera ang mawawala sa atin Theo '' as usual pera lagi ang nasa isip ng kanyang ama . ''mas madaming mawawala kung itutuloy niyo dad kung patuloy na ganito baka hindi niyo alam baun na tayo sa utang ..hayaan niyo silang mag pull out and then isara niyo muna dahil kung papatagalin niyo baka magkakaroon na kayo ng utang sa kahit sino '' tahimik na nag isip si Tom sa mungkahi ng anak ku
Nanatiling tahimik sina Cashandra at Theo .Walang imikan sa isat isa at parang hinihintay nilang mauna ang isa sa kanila para mag usap . Nagkatinginan sina Miguel at Princess dahil sa katahimikan sa loob ng van .Hindi ginamit ni Theo ang kanyang kotse dahil iniwan niya ito sa resthouse at dadalhin nalang ng anak ng caretaker nila pag nagdeliver na sila ng mga gulat at prutas sa kanilang bahay . Walang trabaho ngayon si Diane at nanatili lang siya sa kanilang bahay .Wala rin ang kanyang nobyo dahil nasa ibang bansa parin ito para sa business trip . Habang abala siya sa pagdidilig ng mga halaman ay sakto naman dumating si Cashandra na matamlay pansin niyang umitim si Cash at mukhang sa beach nag outing ang mga ito . ''uyyy !'' napahawak sa dibdib si Cashandra ng biglang gulatin siya ni Diane . Sinara muna ni Diane ang gripo at humawak sa braso ni Cashandra. ''ganyan ba ang mukha ng nag enjoy bakit nakasimangot ka hindi mo ba nagustuhan ang biglaang outing '' ''hmm nag enj
Pumikit siya at sinamyo ang sariwang hangin .Ibang iba ang syudad sa probinsya naamoy niya ang mga halaman na nasa kanyang paligid .Hindi makapaniwala si Cashandra na nasa pangarap niyang lugar lang noon na gusto niya tapakan ay natupad na . ''Nagustuhan mo ba dito '' naramdaman niya ang paghalik sa ulo niya at pahigpit ng pagkakayakap sa kanya ni Theo . Wala na siyang masabi mali man ang namamagitan sa kanila pero masaya siya at kuntento na .Buo na ang kanyang pasya makikipag hiwalay na siya kay Nich dahil kung papatagalin pa niya ang kanilang relasyon baka lalo lang niya masaktan ang binata . Akala niya noon si Nich lang ang makapagbibigay sa kanya ng saya dahil simula noon ay gustong gusto na niya si Nich ngayon niya lang naintindihan lahat puppy love lang pala ang kanyang naramdaman noon dahil tuwing nakikita niya si Nich nangangarap siya na sana magustuhan siya nito .Pero mali pala ang imahinasyon niya dahil simula naging sila ni Nich parang nawala lahat ng kilig at parang