Guia POV Pumasok ng conference room si Jacques kasunod ang dalawang lalaki na kaagad naman na umupo sa mga bakanteng upuan. “It’s a good thing you arrived on time, Jacques, considering you were the one who called for this meeting for whatever hidden agenda you have in mind,” saad ni Jacob. Masasalamin sa mata ni Jacob ang poot. His lips are pressed in thin lines. “Relax, brother, I am still on time. As you were informed, I am calling this board meeting to fire Miss Cordero for her incompetence,” walang gatol na saad ni Jacques. “Incompetence? Can you clarify your accusation towards Miss Cordero, Jacques James Larsen?” Halos mag-isang guhit na ang linya ng kilay ni Jacob. Lumaki na rin ang butas ng matangos niyang ilong ang kanyang mga mata ay tila nagbabanta sa kapatid na kanina lang ay pinaratangan ako ng pagiging pabaya sa trabaho. “Aren’t you going to defend yourself, Miss Cordero?” tawag ni Jacques sa akin. Tumikhim ako at tinap
Guia POV “Anong ginawa ng babaeng ‘yon dito, hija?” tanong kaagad ni Tita Josephine. Kasunod niya si Dylan at ang kambal. “Mommy, I saw a woman walking like this.” Ginaya pa ni Vivienne ang lakad ni Melinda na kumekendeng. “Her dress is so bright. Is she coming to a party?” Minuwestra ko na lang ang kamay ko para magmano ang mga anak ko. “No, Vivienne. I don’t know where she is heading to,” kaswal kong sagot. “Did you like your new school?” pag-iiba ko ng topic. “Yes, mommy and Tito Dylan fetch us. Our classmates are nice, too,” pormal namang sagot ni Gio habang umuupo sa swivel chair ni Jacob. “Dad, I like your chair. Someday, I will have my own building and sit in this wonderful chair like yours.” Napatawa na lang kaming apat habang seryoso ang kambal. “I am not joking and I can’t find any reason for you people to laugh at me,” nakasimangot na saad ni Gio. “We are not making fun of you, Kuya Gio. Just enjoy your childhood firs
Guia POV “Recently ko lang din nalaman eh,” kaswal lang na sagot ni Jacob. “OMG! So, meaning to say, pang-romance novel ang love story ninyo?” exaggerated na tanong ng isa pang babae na medyo chubby. Muntik akong matawa dahil busy itong ngumuya ng lumpiang shanghai habang namimilog ang kanyang mga mata. “Ikaw Sir JJ ha! Sa dinami-dami ng mga babaeng naghahabol sayo di man lang namin nalaman na may secret child ka pala.” Abot hanggang tainga ang ngiti ni Jacob habang nakikipag-usap sa mga staff niya samantalang hindi na ako umimik. “Eh, Ma’am Guia swerte ka dito sa boss namin kasi bukod sa gwapo at mayaman na ay mabait din,” saad ng isang lalaki na nakasuot pa ng headphone. Isang tipid na ngiti lang ang naging ganti ko at ngumuya na ako ng pagkain. Naiilang ako sa tingin ng mga tauhan ni Jacob. Sina Tita Josephine naman ay abala sa pag-aasikaso sa kambal, kasama niya si Dylan sa pagsisilbi sa mga anak ko. “Tito Dylan, I want that chicken cu
Guia POV “Jacob, what are you doing?” mahina kong usal. Pinagmamasdan siyang nakaluhod sa harapan ko habang may hawak na isang pulang kahon na may lamang singsing. “Guia, will you marry me?” malakas niyang saad. Nang tingnan ko ang kanyang mga mata nababakas doon ang pagiging seryoso. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig ng katawan at tila nasusuka ako dahil sa sobrang tensyon. Hindi ako sanay sa atensyon pero ngayon nasa sitwasyon ako na nakamasid sa amin ang lahat ng naroon. Pawang galak ang nakikita ko sa kanilang mukha sa ginawang proposal ni Jacob. Hinahagilap ko pa ang sasabihin ko nang muling nagsalita si Jacob. “I promise to love you, and you alone. Five years is long enough for me to just wait around and do nothing. I can’t wait for five more years, Guia,” madamdamin niyang pahayag. Wala pa rin akong masabi. Gusto kong humingi ng saklolo sa mga anak ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Akala ko noon, biro lang ang sinasabi nilang butt
Guia POV Tumirik ang mata ko sa sinabi ni Jacob. Kung ang ibang babae, kinikilig medyo awkward para sa akin. Inirapan ko siya pero isang kindat lang ang binigay niya sa akin. Hindi na siya nagkomento pero panay pagpapa-cute ang ginawa sa akin. Ilang sandali rin ang nilakbay namin pauwi sa mansion niya. At kagaya nga ng sinabi ni Jacob, nakagayak na ang kanilang malawak na garden para sa formal announcement ng engagement naming dalawa. “Wow, mommy! The garden is so beautiful,” tanging nasambit ni Vivienne habang pinagbubuksan ni Michael ng pinto ng sasakyan. Isang matipid na ngiti lang sagot ko. “Princess, punta ka na kay Nanay Nelia para maligo. Kailangan mo pa mag makeup para maganda ka tonight,” komento ni Jacob. “Okay po, daddy,” masayang sagot naman ng anak ko. Sakto lang na nakaalis sang kambal nang dumating naman ang hindi inaasahang bisita. Si Jacques kasama ang tatlong tiyuhin nito. “Well, brother bilib ako sa bilis ng mga pangyaya
Guia POV May sasabihin pa sana ako pero nasa pinto na si Dylan. “Pinsan, dalian mo na diyan. Tama na ang sobrang pagpapaganda at baka lalo ma-inlove pa lalo si Larsen sa’yo,” nakangiti niyang saad. Lumapit si Jacob sa huli at marahang hinampas ang balikat nito. Walang itulak kabigin ang dalawa lalo at halatang may lahing puti ang dalawa. Australian ang ama ni Dylan samantalang Norwegian naman ang ama ni Jacob. Kung may pagkakahawig man silang dalawa, iyon ay ang parehong mas lamang ang pusong pinoy ng mga ito. “Umalis na nga kayong dalawa. Dito pa kayo nagtuksuan. Sige na, tatapusin ko na ang pagbibihis,” pagtaboy ko sa dalawa. Pareho silang umalis at nagpatuloy akong ayusan ng kasama ko. Ilang sandali rin ang lumipas at lumabas na kami sa silid nang matapos. Na-focus sa akin ang atensyon ng lahat nang bumaba na ako sa hagdan. “Wow! Mommy, you are so pretty just like me.” Humagigik pa si Vivienne sa sinabi niyang pagpuri sa akin. Natuwa ak
Jacob POV I wanted to laugh at Guia's face but I stopped the urge to do so. She looked giddy by her reaction. Kahit anong pilit niyang itago ang kanyang kilig, nahalata pa rin sa kislap ng kanyang mga mata. Binaybay ko na ang daan patungo sa silid ni Tita Josephine. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pihitin ang doorknob. "Tita Jo, ano ba ang importante nating pag-uusapan?" bungad ko kaagad matapos isara ang pinto. Ilang hakbang ko lang at lumapit na ako sa sofa kung saan silang mag-ina nakaupo. Napukaw ang aking atensyon ang hawak na brown envelope ni Tita Josephine. May kung anong kaba ang gumuhit sa aking dibdib. "Maupo ka, hijo," minuwestra pa ni Tita Jo na maupo ako sa katapat na single leather seat. "Malamang nagtataka ka kung bakit gusto kitang makausap nang sarilinan." Napabuga pa siya ng hangin na parang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Inabot niya sa akin ang envelope na kanina lang ay hawak ni Dylan. "I'm dying."
Guia POV Katatapos ko lang mag-check ng email. Kanina ko pa hinihintay si Jacob lalo at gusto kong malaman ang sadya sa kanya ng Tita Josephine. Nahihiwagaan ako sa kilos niya nitong mga nakaraang araw. Nawawaglit lang sa isip ko na kausapin siya lalo at napakabilis ng mga pangyayari sa mga buhay namin. Kung ilang araw pa lang kami sa Pilipinas ng aking mga anak pero, pakiramdam ko antagal na namin nandito. Napabuga ako ng hangin lalo at natambakan na pala ako ng trabaho. Ayaw ko naman na maging tampulan ng tsismis lalo at kabago-bago ko pa lang sa trabaho ay panay pa ang absent ko. Kahit pa sabihin na ako na ang fiance ni Jacob, naasiwa ako. Kaya, napagpasyahan ko ang isang bagay. Umawang ang pinto at pumasok si Jacob. Ni hindi kaagad niya napansin ang ngiti ko sa kanya hanggang sa pinatunog ko ang aking mga daliri. I snapped at him and that's how I got his attention. "Ano sadya nila Tita Jo sa iyo?" tanong ko kaagad sa kanya habang sinasara niya ang pinto
Epilogue Nanganak si Guia ng isang malusog na batang lalaki at Jonas Frederic Larsen ang pangalan ng sanggol. Hango ang pangalan mula sa mga yumaong abuelo na sina Jonas at Federico. Walang pagsidlan ang tuwa ni Jacob lalo at tulad ng kambal, siya pa rin ang kamukha ng bagong silang na anak. "Malay mo, Guia sa susunod na anak natin kamukha mo na," natatawang saad ni Jacob habang kalong ang anak. Kaagad namang umasim ang mukha ni Guia sa sinabi ni Jacob. Hindi sa ayaw na niyang pagbigyan ang asawa sa hiling nito na dagdagan ang anak nila pero natatawa na lang siya sa mukha ni Jacob habang nanganganak siya. "Talaga ba? Kapapanganak ko lang tapos ngayon hihirit ka ng bagong anak? Shame on you, John Jacob Larsen! Nakakatawa kaya ang mukha mo sa delivery room." Imbes na mainis natatawa na lang si Guia sa sinabi niya lalo at ni-record pala ni Dylan ang panganganak niya . At doon nga sa recording ay kitang kita kung paano halos mawalan ng malay si Jacob dahil sa sob
Guia POV "Jacob, what's the meaning of these?" Minuwestra ko ang kamay ko paturo sa naka set up ng wedding venue. Para namang eksena sa pelikula kung lumapit sa akin si Jacob. Literal na pakiramdam kong tumigil ang ikot ng mundo. Gusto ko lang naman sanang kumain ng steak at ano itong may sorpresa pang nalalaman? Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Jacob. "Just stay put, Guia. Hindi ka pa pwede ma-stress. Yes, your guess is as right as it is. Ikakasal tayo ngayon. I can't wait to spend my life with you. Ayoko ng palampasin ang pagkakataon na ito. We both have peace with our past and our family issues are almost solved. Wala ng makakapigil pa sa tuluyan mong maging isang Mrs. John Jacob Larsen." Napantastikuhan ako sa sinabi ni Jacob. Why does he sound so unromantic and yet his action speaks otherwise? Lalo pang lumapit ang violinist sa amin at doon ko lang napansin na napapalibutan na pala kami ng mga tao. Hindi ko sila namalayan kanina dahil abala akong ip
MGuia POV "Mommy, is your dad dying?" tanong ni Vivienne. At dahil sa sinabi ng anak ko, pumatak ang aking luha. Hindi ko mapigil ang sarili na tingnan si Tita Jo na impit ang pag-iyak. Sinenyasan ko siya na dalhin ang mga anak ko sa labas. Tumango siya at niyakag ang kambal na lumabas. "Let's give your mom and your grandpa some privacy," saad pa ni Tita Jo. Tumalima naman ang mga anak ko. Pero, hindi ako iniwan ni Jacob. Tiningnan ko siya at saka tiningnan ang kamay ni papa na hawak niya pa rin. "Gusto kong h-humingi nang patawad sa lahat ng pagkukulang ko sa 'yo, anak." Mahina at pautal na bumigkas si papa. Lalong sumakit ang lalamunan ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero puno ng mga swero at tubo ang kanyang katawan. Hirap din ako na yumuko lalo at mabigat na rin ang aking maumbok na tiyan. Ramdam ko ang paghaplos ni Jacob sa aking braso at minuwestra niya ako na ilapit ang aking tainga kay papa. "Gusto mong yumuko para marinig mo pa lalo ang
Guia POV Matapos ang komprontasyon sa living room at pagpapalayas ni Jacob kay papa, hindi na ito nagtangka pang bumalik pa. Nabalitaan ko na lang na naubos na pala ng mag-ina niya ang kanyang pera. Masyadong tinutukan ng mga ito ang pagkuha ng abogado para maabswelto lang si Melinda. But, there is nothing they can do about it. Masyadong malakas ang ebidensya laban sa kanya. Tadtad ng CCTV ang buong resort kaya talagang madidiin siya. "You can give the case a rest, Jacob," suggestion ko pa sa kanya. Isang malalim na paghinga ang narinig ko mula kay Jacob. Nasa library kami habang busy siya na tapusin ang mga gabundok na papeles na kailangan niyan pirmahan. "You are asking me as i wasted Jacques effort to save me, Guia." Hindi man lang nag-aksaya ng panahon si Jacob na tungnan ako. Nahihimigan ko ang lungkot sa boses ni Jacob. Is it regret? Regret that after all they've been through, Jacques chose to save him when in fact he could have let Jacob die. Nagsisis
Guia "Ano kayo 'yon, tita?" tanong ko pa. Nanlalamig na ang aking kamay at iniisip pa lang na baka mapahamak ang kambal ay tila gusto kong mabaliw. "Kumalma ka nga, Guia. Isipin mo na buntis ka. Magtiwala ka naman kay Jacob," sita pa ni tita sa akin. Hinuli niya ang kamay ko at kaagad na umasim ang kanyang mukha. "Malalampasan din natin ang lahat ng ito. Ikakasal ka kay Jacob bago ka manganak." Tumayo ako at nagpumilit na lumabas ng silid. "Kita mo itong buntis na ito. Ang kulit mo talaga! Mananagot ako kay Jacob 'pag may nangyaring masama sa 'yo!" yamot na saad pa ni Tita Josephine habang hinihila ako pabalik. Nakahawak na ako sa seradura ng pinto pero malakas si tita. "Puputi yata lahat ng buhok sa katawan ko sa tigas ng ulo mo!" asik na niya sa akin. "Hindi ninyo ako maintindihan eh!" naiinis ko na ring sagot. Papadyak akong humakbang pabalik sa upuan. Tumulis ang nguso ko sabay halukipkip. Hmp! "Hindi naman ako takot na hindi matuloy ang kasal nga
Jacob Mabuti na lang talaga at naisipan kong i-check si Guia sa dressing room. kinulong ko na talaga si Alberta. Nagtataka ako lalo at hindi pamilyar sa akin ang kasama niyang assistant. Tama nga ang sinabi ni Randy sa akin. Pupuslit ang kapatid ni Guia para manggulo. "Bossing, kinulong na namin si Alberta at papunta na rito ang kakilala kong pulis," pagbibigay alam sa akin ni Michael. "Hindi pa ba dumarating si Randy?" tanong ko. Kanina pa dumating sina Guia at hindi ko mahagilap ang tauhan ko. Nang tingnan ko si Michael, may gumuhit na pag-aalala sa kanyang mukha. "Bossing, nasalisihan tayo. Nasa mansyon pa si Randy at kakagising lang. May 'di kilalang tao ang tinambangan siya sa garahe at nagpanggap na siya," mahinang usal ni Michael habang binabasa ang isang text message mula sa kanyang cellphone na hawak. Dumagundong kaagad ang kaba sa aking dibdib. Sino ang pangahas na nagpanggap na si Randy? Hinamig ko ang sarili ko at kaagad na pinindot ang
Guia "No, kasalanan mo ang lahat ng mga malas sa buhay ko!" nangagalaiti ng sigaw ni Melinda sa akin. "Simula nang mapilitan ang papa na pakasalan ang malandi mong ina, nagkanda letse-letse na ang buhay naming mag-ina!" "Hindi malandi ang mama! Alam ni Gracia sa umpisa pa lang na ikakasal ang papa sa mama. Kaya kasalanan ng nanay mong haliparot kung bakit naging magulo ang buhay niya," sagot ko pa. Biglang nawala ang takot ko lalo at nanginginig na si Melinda sa harap ko. "No! Kayo talaga ni Guada ang may kasalanan! Pati si Kuya Daryl, sa inyo kumakampi. Kaya dapat lang sa walang kuwenta mong ina na namatay na!" tila nahihibang na sigaw ni Melinda. Nagpanting ang tainga ko sa mga salitang nagmumula sa bibig ni Melinda. Walang babala kong nilamukos ang bibig ni Melinda pagkatapos ay sinampal ko nang ubod ng lakas ang magkabila niyang pisngi. Pakiramdam ko umakyat na yata sa ulo ko ang dugo ko sa mga kalapastanganan na sinasabi ni Melinda patungkol kay Mama Guada
Guia "Dalian na natin, Guia. Baka mainip na si Jacob at hindi ka na pakasalan." Umasim ang itsura ko sa sinabing iyon ni Tita Josephine. Pasakay na ako ng bridal car na magdadala sa akin sa resort. Nakatunghay sa akin ang sampung bodyguard na magiging escort namin ni Tita Josephine at Tito David. Dinaig ko pa ang isang artista na may dadaluhang awards night. Nagtataka nga ako kung bakit puro mga foreigner ang mga ito, maliban lang kay Randy na nag-iisang pinoy sa lahat. Ayaw naman akong bigyan ng paliwanag ni Tita Josephine kung saang security agency nila ito kinuha ni Tito David. Kahit anong pilit ko kay Jacob na dapat tatlong bodyguard lang ay ayaw niyang pumayag. "Huwag ka ngang sumimangot, Guia. Malas sa ikakasal ang nakasimangot," dagdag pa niya. Nilingon ko si Tita Josephine at nangunot ang noo ko nang makita siyang namumula na ang kanyang mga mata. “Akala ko ba malas ang sumimangot?” tanong ko sabay dukot ng tissue na nasa tabi ko lang. “
Jacob "Makinig ka kay Tita Josephine, Guia. Why are you avoiding the wedding?" may halong iritasyon ang boses ko. I am not doubting Guia's intention. I know her well. But, I can't blame Tita Josephine's words. "Tapos ang usapan, Guia. Ikakasal ka sa nakatakdang petsa na napag-usapan na namin ni Alberta. Nakakapagod na rin ang mag-postpone ng event. I want you to hear me out. I only want the best for you. Kung ayaw mo makinig, I will take it as you being an ungrateful niece and an uncaring mother to your children." Umasim na ang mukha ni Tita Josephine sa mga sinabi niya. Tumayo na siya at hinila na si Dylan para umalis sa living room. Tikom ang bibig ni Guia. Para lang siyang isang teenager na sinermunan ng kanyang magulang dahil na rin sa katigasan ng kanyang ulo. "Please don't give me that look, Jacob. Nakakarindi ang mga sinabi ni Tita Josephine and yet you seem to enjoy every minute of it," saad pa ni Guia. "Well, I can't blame her, Guia. Pwede