Guia POV Kahit naiilang, sumunod na kaagad ako kay Jacob. Nakahiga na siya sa tabi ni Vivienne kaya wala akong choice kundi tabihan siya para pag gising ni Gio, ako ang mabungaran niya. Nakadantay pa ang kanyang kamay sa katawan ni Vivienne na bahagyang kumislot. Dagli niya itong hinagod at kaagad naman kumalma ang anak ko. Wala kaming imikan lalo at tumalikod ako sa kanya. Kanina pa siya nakapikit pero mababaw pa rin ang kanyang paghinga, tanda na hindi pa tulog si Jacob. Winaglit ko ang mga bumabagabag sa isipan ko at ilang saglit pa, nilamon na ako ng antok. Kinabukasan, naalimpungatan ako sa hagikgik ni Vivienne. Bahagya kong minulat ang aking mata at nasa tabi ko na ang makulit kong anak. “Good morning, mommy. Wake up ka na, po.” Si Vivienne na mismo ang umayos sa buhok kong dumikit pa sa mukha ko. Bumangon na ako lalo at panay hila ni Vivienne ng kamay ko papunta ng banyo. “Mommy, let’s wash your face so that you will look prettier.” Napailing na
Guia POV “Paano mo naman malalaman kung hindi ka nga lolokohin ng isang tao, Tita Jo?” tanong ko. Ayoko na muling magkamali sa totoo lang. Hindi ko pa gaanong kilala si Jacob kahit sabihin pa na may anak na kami, guarantee na ‘yon na magiging faithful siya sa akin. Napakalalim ng sugat na iniwan ni Renz sa akin dahil naging mitsa iyon para mawalan ako ng tiwala sa mga lalaki. Idagdag pa ang nalaman kong sikreto ni Mama Guada. “Hija, wala siya sa harapan mo ngayon at ipagpipilitan ang sarili sayo kung hindi ka niya mahal, right hijo?” “Yes, Tita Josephine. You are one hundred percent correct. As I’ve said mamahalin ko ang mag-ina ko habambuhay. Hindi ko hahayaan na may mananakit o umapi sa kanila. Ipagtatanggol ko ang karapatan nila at bibigyan ko sila ng masaganang buhay.” Napayuko ako lalo at habang sinasabi iyon ni Jacob, nakatingin siya sa aking mga mata. Iyong tipo ng tingin na nakakahipnotismo. Halos hindi siya kumurap at sa huli ay napat
Guia POV “Bakit ililibing na nila na hindi ko alam?” Napatayo ako habang sinasabi ang mga katagang iyon. How dare they bury my mother without my knowledge! Makikita nila ang hinahanap nila. “Jacob, maiiwan ang kambal. Samahan mo ako.” It’s a command more than a request. And if I sound commanding, I don’t care. Kahit pamamahay pa sa pamamahay pa ni Jacob ‘yon. Gusto ko lang na mapuntahan kaagad ang chapel kung saan ang burol ni Mama Guada. Nagkukumahog na sa pag-alis ang mga tauhan ni Jacob. Ang kaninang tahimik na dining area ay naging maingay. “Mommy, sama kami ni Kuya Gio!” ungot na kaagad ni Vivienne. Tiningnan ko siya nang masama at kaagad na nalaglag ang balikat niya.Kapag hganun na ang titig ko, hindi na nila ipipilit ang gusto nila. Nilapitan ni Gio ang kanyang kapatid at may binulong dito. Nang tingnan ako ni Vivienne, halata ang pagpigil niyang huawag na maiyak. “Dito lang kayo and behave kids. Huwag ninyo bigyan ng headache
Guia POV Isang mapait na ngiti ang naging response ko kay Tita Josephine. Sana na. Sana kayanin ko ang harapin ang ama ko. Bumaba na ako ng sasakyan. Nakasunod lang si Jacob sa akin at si Michael na nilapitan ng kakilala nito doon. “Michael, mabuti narito na kayo. Bilisan nyo na at kagabi pa naka-book ang cremation,” anito. Isang pagyuko lang ang ginawa nito para sa amin at minuwestra na kami papasok sa pasilidad. Habang lumalapit kami sa cremation room, mas bumibilis ang tibok ng aking puso. Pipihitin ko na sana ang seradura nang bumukas ang pinto. Si Kuya Daryl ang bumungad sa akin na nagmamadaling isara ang pinto. Isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin na malugod ko namang tinanggap. “Kumusta ka na, bunso? Nasaan ang mga pamangkin ko? Bakit hindi mo dala?” tanong kaagad ni Kuya Daryl. “Iniwan ko sa bahay ni Jacob.” Minuwestra ko na lumapit si Jacob sa akin at ‘yon nga ang ginawa niya. “Si Jacob nga pala, kuya. Siya ang tata
Guia POV “Jacob,” banggit ng lalaki. Matangkad ito na nakasuot pa ng coat and tie. Hindi ako kinakabahan ngunit may gumugulong ideya sa isipan ko. Si Tita Josephine ay hindi ko man lang nakikitaan ng worry sa ginagawa ni Jacob. “I know that look, Guia. Just let Jacob do what’s best for you and your kids. He will not let them have the things that rightfully belong to you,” ani Tita Josephine. “Atty. Ventura, this is my fiance, Guia Cordero. Now, I want to see the draft that I instructed you to prepare,” ani Jacob. May inabot ang lalaki kay Jacob na isang folder at medyo makapal iyon. Kung anuman ang laman ng folder na ‘yon, hindi ko alam. Halos malaglag ang panga ko sa lapag dahil sa sinabi ni Jaco. Draft? Prepare? Bakit masyadong handa si Jacob sa mga posibilidad na haharapin ko. Is he that determined to win me? I mean us, ako at ang kambal that he has planned actions way ahead of our time. Has he been anticipating things because of my mom’s death? “Jacob
Guia POV Tinawagan ni Jacob ang mga tauhan para dalhin ang kambal sa crematorium. Imbes na sana ay unang araw ng kambal sa bago nilang school, napagkasunduan namin na ipa-cremate si Mama Guada. Ayon kasi kay Tita Josephine, baka magbago pa ang isip ni Papa Armando. “Mommy!” sigaw kaagad ni Vivienne pagkababa ng sasakyan kasunod ang kanyang kambal na bodyguard. Pababa pa lang ng sasakyan si Gio at katulad ng kapatid nakasunod ang dalawang bodyguard nito. Lumabas din si Dylan kasunod nila Gio. “Mommy, we will see Lola Guada?” Nagniningning pa ang mata ni Vivienne habang papasok kami sa crematorium. Kung alam lang sana ng anak ko ang pinagdaanan ko, makita lang nila kahit papaano ang abuela na kay tagal silang na-miss. “Yes, anak. We will see her for the last time and we will bring her remains with us afterwards,” paliwanag ko sa kanya. Nilingon ko si Jacob na hawak naman ang kamay ni Gio. Seryoso ang anak ko na nakatingin lang sa akin. Pumasok kami sa cremation room. Kanina pa nar
Guia POV Pumasok ng conference room si Jacques kasunod ang dalawang lalaki na kaagad naman na umupo sa mga bakanteng upuan. “It’s a good thing you arrived on time, Jacques, considering you were the one who called for this meeting for whatever hidden agenda you have in mind,” saad ni Jacob. Masasalamin sa mata ni Jacob ang poot. His lips are pressed in thin lines. “Relax, brother, I am still on time. As you were informed, I am calling this board meeting to fire Miss Cordero for her incompetence,” walang gatol na saad ni Jacques. “Incompetence? Can you clarify your accusation towards Miss Cordero, Jacques James Larsen?” Halos mag-isang guhit na ang linya ng kilay ni Jacob. Lumaki na rin ang butas ng matangos niyang ilong ang kanyang mga mata ay tila nagbabanta sa kapatid na kanina lang ay pinaratangan ako ng pagiging pabaya sa trabaho. “Aren’t you going to defend yourself, Miss Cordero?” tawag ni Jacques sa akin. Tumikhim ako at tinap
Guia POV “Anong ginawa ng babaeng ‘yon dito, hija?” tanong kaagad ni Tita Josephine. Kasunod niya si Dylan at ang kambal. “Mommy, I saw a woman walking like this.” Ginaya pa ni Vivienne ang lakad ni Melinda na kumekendeng. “Her dress is so bright. Is she coming to a party?” Minuwestra ko na lang ang kamay ko para magmano ang mga anak ko. “No, Vivienne. I don’t know where she is heading to,” kaswal kong sagot. “Did you like your new school?” pag-iiba ko ng topic. “Yes, mommy and Tito Dylan fetch us. Our classmates are nice, too,” pormal namang sagot ni Gio habang umuupo sa swivel chair ni Jacob. “Dad, I like your chair. Someday, I will have my own building and sit in this wonderful chair like yours.” Napatawa na lang kaming apat habang seryoso ang kambal. “I am not joking and I can’t find any reason for you people to laugh at me,” nakasimangot na saad ni Gio. “We are not making fun of you, Kuya Gio. Just enjoy your childhood firs
Epilogue Nanganak si Guia ng isang malusog na batang lalaki at Jonas Frederic Larsen ang pangalan ng sanggol. Hango ang pangalan mula sa mga yumaong abuelo na sina Jonas at Federico. Walang pagsidlan ang tuwa ni Jacob lalo at tulad ng kambal, siya pa rin ang kamukha ng bagong silang na anak. "Malay mo, Guia sa susunod na anak natin kamukha mo na," natatawang saad ni Jacob habang kalong ang anak. Kaagad namang umasim ang mukha ni Guia sa sinabi ni Jacob. Hindi sa ayaw na niyang pagbigyan ang asawa sa hiling nito na dagdagan ang anak nila pero natatawa na lang siya sa mukha ni Jacob habang nanganganak siya. "Talaga ba? Kapapanganak ko lang tapos ngayon hihirit ka ng bagong anak? Shame on you, John Jacob Larsen! Nakakatawa kaya ang mukha mo sa delivery room." Imbes na mainis natatawa na lang si Guia sa sinabi niya lalo at ni-record pala ni Dylan ang panganganak niya . At doon nga sa recording ay kitang kita kung paano halos mawalan ng malay si Jacob dahil sa sob
Guia POV "Jacob, what's the meaning of these?" Minuwestra ko ang kamay ko paturo sa naka set up ng wedding venue. Para namang eksena sa pelikula kung lumapit sa akin si Jacob. Literal na pakiramdam kong tumigil ang ikot ng mundo. Gusto ko lang naman sanang kumain ng steak at ano itong may sorpresa pang nalalaman? Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Jacob. "Just stay put, Guia. Hindi ka pa pwede ma-stress. Yes, your guess is as right as it is. Ikakasal tayo ngayon. I can't wait to spend my life with you. Ayoko ng palampasin ang pagkakataon na ito. We both have peace with our past and our family issues are almost solved. Wala ng makakapigil pa sa tuluyan mong maging isang Mrs. John Jacob Larsen." Napantastikuhan ako sa sinabi ni Jacob. Why does he sound so unromantic and yet his action speaks otherwise? Lalo pang lumapit ang violinist sa amin at doon ko lang napansin na napapalibutan na pala kami ng mga tao. Hindi ko sila namalayan kanina dahil abala akong ip
MGuia POV "Mommy, is your dad dying?" tanong ni Vivienne. At dahil sa sinabi ng anak ko, pumatak ang aking luha. Hindi ko mapigil ang sarili na tingnan si Tita Jo na impit ang pag-iyak. Sinenyasan ko siya na dalhin ang mga anak ko sa labas. Tumango siya at niyakag ang kambal na lumabas. "Let's give your mom and your grandpa some privacy," saad pa ni Tita Jo. Tumalima naman ang mga anak ko. Pero, hindi ako iniwan ni Jacob. Tiningnan ko siya at saka tiningnan ang kamay ni papa na hawak niya pa rin. "Gusto kong h-humingi nang patawad sa lahat ng pagkukulang ko sa 'yo, anak." Mahina at pautal na bumigkas si papa. Lalong sumakit ang lalamunan ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero puno ng mga swero at tubo ang kanyang katawan. Hirap din ako na yumuko lalo at mabigat na rin ang aking maumbok na tiyan. Ramdam ko ang paghaplos ni Jacob sa aking braso at minuwestra niya ako na ilapit ang aking tainga kay papa. "Gusto mong yumuko para marinig mo pa lalo ang
Guia POV Matapos ang komprontasyon sa living room at pagpapalayas ni Jacob kay papa, hindi na ito nagtangka pang bumalik pa. Nabalitaan ko na lang na naubos na pala ng mag-ina niya ang kanyang pera. Masyadong tinutukan ng mga ito ang pagkuha ng abogado para maabswelto lang si Melinda. But, there is nothing they can do about it. Masyadong malakas ang ebidensya laban sa kanya. Tadtad ng CCTV ang buong resort kaya talagang madidiin siya. "You can give the case a rest, Jacob," suggestion ko pa sa kanya. Isang malalim na paghinga ang narinig ko mula kay Jacob. Nasa library kami habang busy siya na tapusin ang mga gabundok na papeles na kailangan niyan pirmahan. "You are asking me as i wasted Jacques effort to save me, Guia." Hindi man lang nag-aksaya ng panahon si Jacob na tungnan ako. Nahihimigan ko ang lungkot sa boses ni Jacob. Is it regret? Regret that after all they've been through, Jacques chose to save him when in fact he could have let Jacob die. Nagsisis
Guia "Ano kayo 'yon, tita?" tanong ko pa. Nanlalamig na ang aking kamay at iniisip pa lang na baka mapahamak ang kambal ay tila gusto kong mabaliw. "Kumalma ka nga, Guia. Isipin mo na buntis ka. Magtiwala ka naman kay Jacob," sita pa ni tita sa akin. Hinuli niya ang kamay ko at kaagad na umasim ang kanyang mukha. "Malalampasan din natin ang lahat ng ito. Ikakasal ka kay Jacob bago ka manganak." Tumayo ako at nagpumilit na lumabas ng silid. "Kita mo itong buntis na ito. Ang kulit mo talaga! Mananagot ako kay Jacob 'pag may nangyaring masama sa 'yo!" yamot na saad pa ni Tita Josephine habang hinihila ako pabalik. Nakahawak na ako sa seradura ng pinto pero malakas si tita. "Puputi yata lahat ng buhok sa katawan ko sa tigas ng ulo mo!" asik na niya sa akin. "Hindi ninyo ako maintindihan eh!" naiinis ko na ring sagot. Papadyak akong humakbang pabalik sa upuan. Tumulis ang nguso ko sabay halukipkip. Hmp! "Hindi naman ako takot na hindi matuloy ang kasal nga
Jacob Mabuti na lang talaga at naisipan kong i-check si Guia sa dressing room. kinulong ko na talaga si Alberta. Nagtataka ako lalo at hindi pamilyar sa akin ang kasama niyang assistant. Tama nga ang sinabi ni Randy sa akin. Pupuslit ang kapatid ni Guia para manggulo. "Bossing, kinulong na namin si Alberta at papunta na rito ang kakilala kong pulis," pagbibigay alam sa akin ni Michael. "Hindi pa ba dumarating si Randy?" tanong ko. Kanina pa dumating sina Guia at hindi ko mahagilap ang tauhan ko. Nang tingnan ko si Michael, may gumuhit na pag-aalala sa kanyang mukha. "Bossing, nasalisihan tayo. Nasa mansyon pa si Randy at kakagising lang. May 'di kilalang tao ang tinambangan siya sa garahe at nagpanggap na siya," mahinang usal ni Michael habang binabasa ang isang text message mula sa kanyang cellphone na hawak. Dumagundong kaagad ang kaba sa aking dibdib. Sino ang pangahas na nagpanggap na si Randy? Hinamig ko ang sarili ko at kaagad na pinindot ang
Guia "No, kasalanan mo ang lahat ng mga malas sa buhay ko!" nangagalaiti ng sigaw ni Melinda sa akin. "Simula nang mapilitan ang papa na pakasalan ang malandi mong ina, nagkanda letse-letse na ang buhay naming mag-ina!" "Hindi malandi ang mama! Alam ni Gracia sa umpisa pa lang na ikakasal ang papa sa mama. Kaya kasalanan ng nanay mong haliparot kung bakit naging magulo ang buhay niya," sagot ko pa. Biglang nawala ang takot ko lalo at nanginginig na si Melinda sa harap ko. "No! Kayo talaga ni Guada ang may kasalanan! Pati si Kuya Daryl, sa inyo kumakampi. Kaya dapat lang sa walang kuwenta mong ina na namatay na!" tila nahihibang na sigaw ni Melinda. Nagpanting ang tainga ko sa mga salitang nagmumula sa bibig ni Melinda. Walang babala kong nilamukos ang bibig ni Melinda pagkatapos ay sinampal ko nang ubod ng lakas ang magkabila niyang pisngi. Pakiramdam ko umakyat na yata sa ulo ko ang dugo ko sa mga kalapastanganan na sinasabi ni Melinda patungkol kay Mama Guada
Guia "Dalian na natin, Guia. Baka mainip na si Jacob at hindi ka na pakasalan." Umasim ang itsura ko sa sinabing iyon ni Tita Josephine. Pasakay na ako ng bridal car na magdadala sa akin sa resort. Nakatunghay sa akin ang sampung bodyguard na magiging escort namin ni Tita Josephine at Tito David. Dinaig ko pa ang isang artista na may dadaluhang awards night. Nagtataka nga ako kung bakit puro mga foreigner ang mga ito, maliban lang kay Randy na nag-iisang pinoy sa lahat. Ayaw naman akong bigyan ng paliwanag ni Tita Josephine kung saang security agency nila ito kinuha ni Tito David. Kahit anong pilit ko kay Jacob na dapat tatlong bodyguard lang ay ayaw niyang pumayag. "Huwag ka ngang sumimangot, Guia. Malas sa ikakasal ang nakasimangot," dagdag pa niya. Nilingon ko si Tita Josephine at nangunot ang noo ko nang makita siyang namumula na ang kanyang mga mata. “Akala ko ba malas ang sumimangot?” tanong ko sabay dukot ng tissue na nasa tabi ko lang. “
Jacob "Makinig ka kay Tita Josephine, Guia. Why are you avoiding the wedding?" may halong iritasyon ang boses ko. I am not doubting Guia's intention. I know her well. But, I can't blame Tita Josephine's words. "Tapos ang usapan, Guia. Ikakasal ka sa nakatakdang petsa na napag-usapan na namin ni Alberta. Nakakapagod na rin ang mag-postpone ng event. I want you to hear me out. I only want the best for you. Kung ayaw mo makinig, I will take it as you being an ungrateful niece and an uncaring mother to your children." Umasim na ang mukha ni Tita Josephine sa mga sinabi niya. Tumayo na siya at hinila na si Dylan para umalis sa living room. Tikom ang bibig ni Guia. Para lang siyang isang teenager na sinermunan ng kanyang magulang dahil na rin sa katigasan ng kanyang ulo. "Please don't give me that look, Jacob. Nakakarindi ang mga sinabi ni Tita Josephine and yet you seem to enjoy every minute of it," saad pa ni Guia. "Well, I can't blame her, Guia. Pwede