Matutuloy nga kaya ang kasal ni Erin kay Zach? Thank you so much sa mga nakabantay sa kwento nila. Pipilitin ko na damihan ang updates.
Makalipas ang ilang araw ay naroon si Erin sa kaarawan ni Master Walton. Pinalilibutan ang marangyang ballroom na pinamamahayan ng kumikislap na mga kandilang kristal at magarbong mga bulaklak. Sumasayaw ang soft jazz sa hangin, ang paligid ay kumikislap sa tawanan at kiliti ng mga pinong nilalang. “Alam mo ba ang nasa isip ko ngayon?” tanong ni Orion, nakasuot ng three-piece suit. Inilapit nito ang bibig sa kanyang tainga para hindi marinig nang mga nasa malapit. “What?” usisa ni Erin. “Gusto kong sirain ang suot mo, tingnan kung ano ang nasa ilalim,” tugon nito nang walang pagpipigil. She giggled. “It’s Master Walton’s birthday, O.” “I know.” Sumimangot ito. “It’s your fault for being beautiful.” Namula ang kanyang pisngi. Kasalukuyan silang nagpapalitan ng malalagkit na tingin nang may tumikhim sa kanilang tabi. Tumuwid ang kanyang pagkakatayo nang makita si Drew at Lily. Lumapit ang mga ito sa kanila. “Hindi mo man lang ba kami ipakikilala? Para kayong may
Orion easily contacted the hotel's security, given its ownership by the Arvessos. Dinala ang hindi nakikilalang lalaki sa security office at doon ito uusisain ni Orion para malaman ang dahilan nito kung bakit gusto nitong saktan si Erin. “I don’t think siya ang taong pumasok noon sa penthouse mo. ikalawang beses mo pa lang ba nakita ang taong iyon?” usisa ni Orion kay Erin. “Hindi ko siya kilala. Kahit noong nagmomodelo pa ako ay hindi ko naman naranasan na sundan ng stalker,” ani Erin. Bakit kung kailan nawala siya sa industriya ay saka niya naramdaman na may gustong pumatay sa kanya? “Ako na ang mag-iimbestiga. Erin, kailangan taasan ang security mo ngayon. Hangga’t maaari ay hindi ka na muna pwedeng lumabas nang mag-isa. Reach out to me or Marco if you need anything,” ani Orion. Dumating si Marco at ito ang naghatid sa kanya sa opisina. Samantala, sa isang silid, hindi mapakali ang isang babae na may maikling buhok na umaabot sa leeg nito. Wala itong balita sa bina
Umawang ang labi ni Fred Cheng. “Miss Erin?” ani Assistant Sarah. Binigyan sila ng access card ng babae at saka siya iginiya papasok sa loob. Bawat suppliers ay may kanya-kanyang puwesto sa loob ng warehouse. Tinungo nila ang aisle kung saan naroon ang stocks ng Yurich na nakalagay sa computer system. Nakasunod lang si Fred Cheng sa kanila na halatang tinakasan ng kulay at pinagpapawisan. Bawat aisle at area ay may taong nagmomonitor, at kinausap ito ni Drew para ihatid sila sa stocks ng Yurich. Huminto sila sa nakasaradong cube compartment, binuksan ang lock, at saka ipinakita sa kanya ang tatlong kahon na naroon sa loob. Umawang ang labi ni Erin. She thought, 'Is this some kind of joke?' “Heto ang lahat ng stocks ng Yurich dito sa warehouse,” wika ng nagbabantay. "Uh, there seems to be a mistake, Mr. Walton," hindi napigilan ni Assistant Mike na magkomento. “Why?” Nagpalitan sila ng tingin ni Assistant Mike bago ibinigay ni Erin ang kanyang tablet kay Drew kung s
Pinagbuksan ni Marco si Orion nang dumalaw siya sa penthouse para kumustahin ang dalaga. Nabalitaan niya ang magdamag na naganap sa Yurich. Naroon si Erin sa outdoor area ng penthouse kaya si Marco lang ang naabutan niya. “Fuck, O! Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit ako narito! Napakabuting kaibigan ni Erin at nakokonsensiya ako sa ginagawa mo,” wika ni Marco. Umasim ang mukha ni Orion. Halos makalimutan na niya na alam ng kaibigan na si Marco ang kanyang orihinal na plano sa dalaga. Nagpatuloy ang kanyang kaibigan, “Mawawala na sa kamay niya ang Yurich kahit hindi mo pa nagagawa ang orihinal na plano mo. Ano na ngayon? I feel bad. Iiwan mo na ba si Erin ngayon? Hindi mo na ba itutuloy ang pinangako mong kasal? The woman loves you, O! I could tell how much she loves you!” Iyon ang malaking tanong sa isipan ni Orion. Iiwan niya na ba ang babae? Nagawa niya na ang misyon niya. Wala itong makukuha sa opisina. Hindi ba’t ito naman talaga ang
Hinablot ni Jenna ang larawan mula sa kamay ni Erin. Maraming mali sa larawan na iyon. “Ano ang ibig sabihin niyan? Bakit kasama mo si Daryl sa larawan na ‘yan?” tanong muli ni Erin na naguguluhan. “Nagkasama kami sa picture, so what? Lumabas ka na nga at mag-aayos pa ako ng gamit!” sigaw nito sa kanya. “No! Jenna, kinamumuhian mo si Daryl! Hindi mo itatago ang picture na kasama si Daryl kung hindi mahalaga sa ‘yo ang picture na ‘yan!” sigaw ni Erin. Dahil nagsisigawan silang dalawa ay binuksan ni Orion ang pintuan. “Naririnig kayo ng ilang empleyado sa labas. Nagkakagulo na ang opisina n’yo ngunit nagagawa n’yo pa rin na magtalo.” Hinablot ni Erin ang larawan mula kay Jenna at ipinakita iyon kay Orion. “O, look at this? Heto ang dahilan kaya pinipilit ko si Jenna na magsalita. Hindi maganda ang relasyon ng Daryl at Jenna noong high school kami! This photo is impossible!” Naningkit ang mata ni Orion at saka pinakatitigan ang larawan. Maya-maya pa ay sinabi nito ang nasa is
Tila bumigat ang ulo ni Orion sa narinig kay Danica. “Ibig mong sabihin ay naging girlfriend ni Daryl si Jenna?” ulit na tanong ni Orion sa kanyang kapatid. Kinakabahan siya matapos malaman ang katotohanan na ito. “That doesn’t make sense,” usal niya, ngunit sapat iyon para hindi makaligtas sa tainga ni Danica. “Why?” naguguluhan na tanong ni Danica. “Dahil sinundo ni Daryl si Jenna noon para dalhin sa meeting place nila gamit ang sasakyan ko.” Kinuha ni Orion ang kanyang laptop at saka iniharap kay Danica ang ilang shot sa kanyang sirang sasakyan. “May isinakay si Daryl sa sports car. Nakita ang ilang strands ng buhok ng babae sa sasakyan ko noon at nag-match iyon sa buhok ni Jenna. Noong in-interview si Jenna dati para sa imbestigasyon, ang natatandaan kong isinagot niya ay muntik na siyang sumakay sa kotse ni Daryl, pero pinigilan siya ni Erin.” "We were genuinely puzzled by their responses – none of them seemed to align with the events of that night. Even Erin didn’
“Sigurado ako na si Jenna rin ang taong nasa likod ng ilang beses na muntik nang mapahamak si Erin,” pahayag ni Orion. Tumutugma ang deskripsiyon ng lalaking nahuli nila sa hotel sa anyo ni Jenna. “Pero bakit ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na saktan si Erin?” usisa ni Marco. “Nagsimula ang threat sa buhay ni Erin noong ianunsiyo ang agreement ng Arvesso at ni Erin. Nitong nahuli namin ang lalaki, katatapos lang ng death anniversary ni Daryl.” “You’re right!” Nagpatuloy sa pag-isip si Marco. Nais pa rin intindihin ang mga nalaman nila. "I need to reveal the truth to Erin!" pahayag ni Orion. Ngayon ay alam na niya ang totoo, na pinaglaruan lang sila ni Jenna. Tila napagod silang dalawa ng kaibigan na natulala lang at kinakain pa ng isip ang mga nadiskubre. Unang bumasag ng katahimikan si Marco. “I hate to say this, O. Nalaman mo ang totoo pero ano na ang susunod na mangyayari? Hindi mo naman madedemanda si Jenna dahil, well, I think may kasalanan din ang kapatid
Masama ang hilatsa ng mukha ni Orion nang sunduin nito si Erin sa bahay ni Zach at iuwi sa kanyang penthouse. Dire-diretso si Orion sa silid nito at saka ibinagsak ang pintuan nang malakas. Hinilot ni Erin ang sentido. Ang hirap intindihin ng lalaking matindi ang pagseselos. Ang ipinagpasalamat niya ay hindi ito gumawa ng gulo sa bahay ni Zach tulad noong una. Umupo si Erin sa long couch. Inilabas niya ang kanyang laptop at ipinatong iyon sa center table. Erin chatted with her AI friend, ‘How can one seduce a man who harbors excessive jealousy towards a close friend?’ Lumitaw ang napakaraming sagot. Nakalagay doon na: Prepare his favorite meal; they say the way to a man's heart is through his stomach. Make his coffee. Yakapin at halikan. Ask him to join you for a date outdoors, and then send him the letter expressing your apologies. Kinulayan niya ang isa sa pumukaw sa kanyang atensiyon dahil hindi niya pa nagawa ang bagay na iyon dahil labas sa kanyang comfort zon
Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin
Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island
Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw
Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung
“Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati
Limang taon ang nakaraan, nagkaroon nang maayos na usapan sina Erin at Orion; noong bodyguard niya pa ang lalaki. May ibinigay itong numero sa kanya na maaari niyang tawagan kapag nalagay siya sa alanganin. Sasagutin iyon ni Orion nang “Kuokoa” na ibig sabihin ay rescue or rescue mission. Hindi niya akalain na gumagana pa rin hanggang sa kasalukuyan ang espesyal na numero nito.
“Kailangan ko ng tulong mo,” wika ni Erin kay Jenna. Pinuntahan niya ang babae sa cabin nito at saka ito kinatok. Nabigla si Jenna na makita si Erin ngunit nagpatuloy sa pagpahid ng makeup sa pisngi. Nagtaas ang kilay ni Jenna matapos marinig ang pakay ni Erin. Nasa isipan ng babae kung nababaliw na ba siya na ito ang naisip niyang lapitan. Nagkrus ang mga kamay nito at tiningnan siya sa salamin. “Iniisip mo na tutulungan kita na makatakas?” “Yes.” Desperado na siya! Nasabihan siya ni Honey na mas ligtas siya sa palapag kung saan siya naroon dahil protektado siya ni Boss Scar. Kung aakyat siya sa deck kung saan naroon ang mga kliyente ng cruise, hindi siya makakaalis nang buhay doon dahil marami ang may nais sa kanya. “That’s impossible!” bulalas ni Jenna. “Jenna, kung kailangan mong bumalik sa atin ay tutulungan kita. Alam natin na hindi ito ang buhay mo.” Tumiim ang bagang ni Jenna. “Alam mo pala na hindi ito ang buhay ko, pero ito ang pinili ko matapos magkandaletse-l
Sa sobrang pagkabigla ni Erin ay hindi siya nakasagot. “J-Jenna?” Walang emosyon ang babae. Nagbago na ang anyo nito matapos ang limang taon. Iika-ika na naglakad ito at tinalikuran siya. Naalala ni Erin na nasabi sa kanya ni Honey na may babae na minaltrato si Bald sa kababaihan na halos ikamatay nito, nagpapahinga lang ito sa isang cabin para magpagaling. Si Jenna ba iyon? Nilapitan ni Erin ang kanyang pinsan. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka narito?” Hinawakan niya sa kamay si Jenna na agad na tinabig nito. “Huwag kang umasta na para bang concern ka sa akin!” asik ng babae. Concern siya! Hindi niya kasi inaasahan ang sitwasyon nito. Pinilit nito na magbalat-kayo na matapang. “Sinabi sa akin ng isang babae rito na kasama ko sa kuwarto na dinukot ka raw ng grupo ni Boss Scar. Gusto kong malaman kung gaano iyon katotoo!” “Nakita mo na ako. Masaya ka ba na mapaghihigantihan mo ako?” tanong niya rito. Naiintindihan ni Erin na nakulong ang daddy ni Jenna dahil sa embez