Napaatras si Erin lalo na at nakikita niya ang galit sa mata ni Danica. “What the heck, Orion? Ano ang ibig sabihin nito?” sigaw ni Danica sa kanila. Nagsimulang dumaloy ang luha nito sa mata habang nanginginig sa galit. Napalunok si Erin, nilingon niya si Orion. Nakalarawan ang takot sa kanyang mukha. Natulala siya at hindi makakilos lalo na at para bang nakikita niya ang imahe ni Daryl sa babae. “Bakit kasama mo ang malditang ‘yan?!” sigaw ni Danica. Nagsimula silang kumuha ng atensiyon mula sa iba pa. “Danica…” banta ni Orion. Tumiim ang panga nito. Nilingon ni Orion ang ilang parokyano na napahinto para makiusyoso sa kanila. “Not now! We’re in public, kid!” “I need an explanation!” sigaw nito habang naglalandas ang luha. Baka isipin ng iba na nahuli si Orion na nag-cheat sa asawa nito at nakipag-date sa kanya. Hinila ni Orion palayo ang kapatid nito sa mata ng publiko. Nakasunod si Erin na nanginginig sa takot. Pinasok nila ang daan patungo sa parking lot. Na
Magkahawak ang kamay nina Erin at Orion na naglakad sa pedestrian area ng Senado Square. Ang hangin ay puno ng mga melodiya ng mga musikero sa kalsada, na nagdagdag ng romantikong ambiance sa kanilang gabi. Sumasayaw ang amoy ng mga lokal na pagkain sa hangin, na dahilan para subukan nila ni Orion ang ilang street food. Tinikman nila ang malutong na egg tarts, ang almond cookies, at iba pang masarap na treats mula sa mga nagtitinda sa kalsada. Umakyat sila sa sikat na Ruins of St. Paul's para sa isang pambansang tanawin ng lungsod. Sa harap ng isang maliit na kaharian ng mga bituin, tinanong ni Orion si Erin, “How’s your date with me?” “I feel good, O! Unang beses ako na nagpunta rito dahil hindi naman ako nagkaroon ng show sa Macau dati. I’m happy that you brought me here.” Inaalon ng napakasarap na kiliti ang kanyang dibdib habang nakatingin siya kay Orion. “Our first official date was so fun. Malayo tayo sa trabaho, sa problema. Kaya’t nagpapasalamat ako na dinala mo ako r
Ang pagkakaalam ni Erin ay may pupuntahan sila ni Orion. Nag-request ito ng bestida sa isang shop doon sa hotel na tinutuluyan nila at ipinasuot iyon sa kanya. Isang romantic date muli ang nasa isipan ni Erin kaya siya nag-ayos. Kinatok sila ng hotel manager maya-maya. “Boss, she came.” Tumango si Orion bago siya inayang lumabas ng silid. Kunot ang noo ni Erin habang inihahatid sila ng manager sa isang floor. “Sinong dumating?” bulong niya sa lalaki. Ngunit huminto na sila sa isa sa mga nakahilerang pintuan sa floor. Nang buksan ang silid at papasukin sila sa loob ng suite, nabigla siya na makita si Uncle Roger. Ngunit mas ikinabigla ni Erin na makita si Jenna at Michael na nakaupo sa mahabang couch, kita ang takot sa mukha. “Erin? What is the meaning of this?” tanong ni Jenna. ‘Hindi ko rin alam, okay?’ Nagtaas ang kilay ni Erin at saka siya tumingin kay Orion. Eksakto naman na nagpunas ng labi ang lalaking nakaputing roba, katatapos lang sa dinner nito. Sa mga taong naro
Makalipas ang ilang araw ay bumalik si Erin sa Pilipinas. Mag-isa siyang nagpunta ng Singapore matapos ang napakahaba nilang diskusyon ni Orion. Ang orihinal nilang plano ay sasama sa kanya ang lalaki sa bansang iyon ngunit may trabahong naghihintay rito. Tinawagan ito ni Assistant Jorge na may mga kailangan asikasuhin sa Arvesso lalo na’t nasa gitna ng transition ang kumpanya. Erin decided to travel and work alone. Ayaw niyang isipin na kailangan niya ng bantay sa kahit saan siya pumunta. Nabasa na lang niya sa news ang pagkakahuli sa Uncle Roger niya. At ang abogado ng Walton Group ang nag-aasikaso sa kaso nito. In the following days, Erin was happy. Nagsimula na siyang maghanap ng supplier at ilang bagay na kakailanganin niya sa pagbubukas niya ng business. Mas madalas siyang mag-stay sa penthouse dahil tinapos na rin niya ang posisyon sa Yurich. Sa palagay ni Erin, hindi talaga para sa kanya ang opisina na iyon. Masakit na nauwi sa dissolution ang kumpanya habang siya ang na
Masaya si Erin para kay Orion kahit pa nga nalulungkot siya sa kanyang buhay. Parang ang hirap na kasi nitong abutin ngayon na pamumunuan nito ang Arvesso Group. Gayunpaman, masaya siya sa malaking pagsubok na gagampanan nito. Sa kabila ng lahat, umaasa si Erin na maging madalas pa rin ang kanilang pagkikita ni Orion. Huminto ang taxi sa tapat ng hotel na pagmamay-ari ng mga Arvesso. Pansin niya na isa-isa nang nagsisipagdatingan ang mga imbitado sa pagtitipon. May mangilan-ngilan kasi sa lobby na nakasuot ng magagarang gown. Bumaba si Erin ng taxi at saka nagmadali na tinungo ang daan patungo sa suite nila ni Orion. Ibinigay nito sa kanya ang key card para hindi siya magkaroon ng problema ngayong araw. Tiningnan niya ang oras at kailangan niyang magmadali bago lumipas ang speech ng lalaki Sa hallway, natagpuan niya si Carla. Halatang nakainom ito. “You are so fucking dumb!” pang-iinsulto nito sa kanya. Napangiwi si Erin. Wala siyang panahon dito lalo na’t nagmamadali s
Nagsuot ng salamin sa mata si Erin at saka bumaba ng gusali para puntahan si Zach. Pasakay na siya ng taxi nang pigilan siya ni Orion. “Erin, let’s talk, please…” Nanginginig ang tinig nito. Pinaalis nito ang taxi. “Saan ka pupunta?” “I don’t want to talk to you! Kahit nga ang makita ka ay ayoko!” sigaw niya rito, kasunod ng kanyang pag-iyak. “Erin… kung ano man ang narinig mo, totoo iyon, pero hindi na iyon ang plano ko. Hindi iyon ang gusto ko…” “Kung gano’n, ano ang plano mo, ha? Sabihin mo sa akin!” Humagulgol siya. “I lost the company, O, pero hindi iyon ang rason kung bakit ako nasasaktan ngayon! Sobrang sakit malaman na sa dami ng mga taong nanloko sa akin, isa ka sa kanila. Binigay ko sa ‘yo ang napakalalim na pagmamahal ko, Kinuha mo ang tiwala ko, ang pagkatao ko... Kahit ang katinuan ko ay hindi mo itinira sa akin.” May mga luhang kumawala sa mata nito. “Nagawa ko ang mga planong iyon noong una dahil mahal ko si Daryl. Erin, ginusto ko iyon dahil sa mga bagay na nakit
Magkayakap si Zach at Erin sa couch. Kanina pa siya iyak nang iyak. “So, ibig mong sabihin ay ‘yong kinikilala mong tatay mo ay siya naman talagang biological father mo?” tanong nito. Tumango si Erin at saka suminghot. “Bakit hindi mo alam?” “Walang nagsabi sa akin, eh. Magkaiba kami ng pisikal na anyo ni Daddy, though sa kanya ko namana ang tangkad na mayroon ako,” ang tugon ni Erin. Kumunot ang noo ni Zach, at saka kuryosidad na nagtanong. “Pero hindi ba’t ayos ang relasyon mo sa kanya? Bakit hindi niya sinabi sa ‘yo ang totoo?” “I don’t know. Ang akala ko talaga noon ay anak ako ng mga Walton. Madalas kasi na ang nakikita ko sa mga gatherings ay si Mr. Walton. Noong bata pa ako ay sinugod kami ng nanay ni Drew. Dinig na dinig ko kasi noon na kinutya niya ako at tinanong niya si Mommy kung ako daw ba ang anak sa labas ng asawa niya.” “Pagkatapos niyang ipahiya ang Mommy ko, tumigil na sa pagdalaw sa bahay ang tatay ni Drew. Iyon ang rason kaya inakala ko talaga na
Ilang minuto na lang ay lalapag na ang private jet na sinasakyan ni Erin. Kasama ang kanyang assistant na si Byron at anak na si Lacey. Galing sila ng Seoul dahil sa promotion ng ilang cosmetics at makeup. Ayon kay Byron, nakatakda nang magpakasal si Tanya na magaganap sa loob ng ilang buwan kaya hindi na nito maasikaso ang advertisement company ni Zach. Four years ago noong binawian ng buhay si Zach habang naroon sila sa New York kung saan siya nagte-training para sa kanyang business; ilang buwan pa lang noon si Lacey. Hindi kinaya ni Erin nang mawala ang lalaki ngunit kailangan niyang magpalakas para sa kanyang anak. Nawala man sa kanilang buhay ang lalaki, naroon naman si Lacey, ang kanyang pinakaiingatang hiyas. Kahit saang siyudad o bansa man siya magpunta ay kasama niya ito. Nagpakawala ng hangin sa bibig si Erin. Naging matibay siya matapos ang limang taon. Kaya na siguro niyang harapin ang dalawang kumpanya. “Susunduin ba tayo sa airport ni Tanya?” tanong ni Erin.
Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin
Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island
Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw
Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung
“Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati
Limang taon ang nakaraan, nagkaroon nang maayos na usapan sina Erin at Orion; noong bodyguard niya pa ang lalaki. May ibinigay itong numero sa kanya na maaari niyang tawagan kapag nalagay siya sa alanganin. Sasagutin iyon ni Orion nang “Kuokoa” na ibig sabihin ay rescue or rescue mission. Hindi niya akalain na gumagana pa rin hanggang sa kasalukuyan ang espesyal na numero nito.
“Kailangan ko ng tulong mo,” wika ni Erin kay Jenna. Pinuntahan niya ang babae sa cabin nito at saka ito kinatok. Nabigla si Jenna na makita si Erin ngunit nagpatuloy sa pagpahid ng makeup sa pisngi. Nagtaas ang kilay ni Jenna matapos marinig ang pakay ni Erin. Nasa isipan ng babae kung nababaliw na ba siya na ito ang naisip niyang lapitan. Nagkrus ang mga kamay nito at tiningnan siya sa salamin. “Iniisip mo na tutulungan kita na makatakas?” “Yes.” Desperado na siya! Nasabihan siya ni Honey na mas ligtas siya sa palapag kung saan siya naroon dahil protektado siya ni Boss Scar. Kung aakyat siya sa deck kung saan naroon ang mga kliyente ng cruise, hindi siya makakaalis nang buhay doon dahil marami ang may nais sa kanya. “That’s impossible!” bulalas ni Jenna. “Jenna, kung kailangan mong bumalik sa atin ay tutulungan kita. Alam natin na hindi ito ang buhay mo.” Tumiim ang bagang ni Jenna. “Alam mo pala na hindi ito ang buhay ko, pero ito ang pinili ko matapos magkandaletse-l
Sa sobrang pagkabigla ni Erin ay hindi siya nakasagot. “J-Jenna?” Walang emosyon ang babae. Nagbago na ang anyo nito matapos ang limang taon. Iika-ika na naglakad ito at tinalikuran siya. Naalala ni Erin na nasabi sa kanya ni Honey na may babae na minaltrato si Bald sa kababaihan na halos ikamatay nito, nagpapahinga lang ito sa isang cabin para magpagaling. Si Jenna ba iyon? Nilapitan ni Erin ang kanyang pinsan. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka narito?” Hinawakan niya sa kamay si Jenna na agad na tinabig nito. “Huwag kang umasta na para bang concern ka sa akin!” asik ng babae. Concern siya! Hindi niya kasi inaasahan ang sitwasyon nito. Pinilit nito na magbalat-kayo na matapang. “Sinabi sa akin ng isang babae rito na kasama ko sa kuwarto na dinukot ka raw ng grupo ni Boss Scar. Gusto kong malaman kung gaano iyon katotoo!” “Nakita mo na ako. Masaya ka ba na mapaghihigantihan mo ako?” tanong niya rito. Naiintindihan ni Erin na nakulong ang daddy ni Jenna dahil sa embez