Ano ang mga inaasahan po ninyo sa Part 2?
“Erin!” Nilingon ni Erin si Tanya na nakasunod pala sa kanya sa pagpasok sa private room ng restaurant. Malapad ang pagkakangiti nito at saka siya niyakap. “You look great! Gosh!” wika ni Tanya na halatang excited. Nanginginig ang kamay ni Erin na dinampot ang kanyang telepono na nahulog at saka pilit na ngumiti sa babae at magulang ng Zach. Niyakap niya si Mr. at Mrs. Lopez. “Mabuti at nakaabot ka, hija,” wika ng ginang. “P-pasensiya na po kung hindi ako makadalaw sa mansiyon. Kinukuha ng opisina ang oras ko at in-enroll ko sa nursery si Lacey. Sa weekend pa sana namin planong magpunta sa inyo,” paliwanag ni Erin, pinipilit na pakalmahin ang kanyang tinig. “Naiintindihan namin. Umupo ka na muna,” tugon ni Mr. Lopez. Naging close siya sa mag-asawa lalo na noong humina na ang pakiramdam ni Zach. Itinuturing siyang anak ng mga ito kapalit ng yumaong si Zach. “Oh, by the way, this is Orion, my fiancé!” nakangiting wika ni Tanya, turo ang lalaki. Nagharap ang mat
Nagtungo si Erin sa nursery school ni Lacey nang napakagulo ng kanyang isip. Hindi pa siya makabawi sa pagkabigla na ang taong nakatakdang magpakasal kay Tanya ay si Orion. May mga tanong na pumasok sa utak niya tulad na lang ng kung paano nagkakilala ang mga ito? Paano nagsimula ang dalawa? Nagkaroon ba ng ibang karelasyon si Orion pagkatapos niya? Kapag nagpakasal si Tanya at Orion sigurado siya na mahihirapan siya sa sitwasyon, ngunit nariyan naman si Lacey na paglalaanan niya ng kanyang buhay. Nagmadali si Erin sa pagmaneho ngunit inabutan na siya ng traffic. Nang makarating siya sa nursery school, beinte minutos na siyang late. “Shit!” Tinakbo niya ang gusali matapos iparada ang sasakyan, ngunit hindi niya makita si Lacey sa loob ng silid. Lumabas siya sa hallway habang dumadagundong ang kanyang dibdib. Twenty minutes lang iyon ngunit marami kasing pwedeng mangyari sa loob ng twenty minutes. Hanggang sa buksan ang isa sa mga silid at makita ni Erin ang teacher ni Lacey
It’s morning. Maganda ang umaga ni Erin sa araw na iyon. May ilang linggo na rin sila ni Lacey sa Bel-Air, at nasanay na sila sa araw-araw na pamumuhay. Pinakain ni Erin si Lacey ng almusal. Naroon ito sa mesa katabi niya. Nakaharap naman siya sa kanyang laptop habang nire-review ang report ng Elusion. Katatapos lang niyang basahin ang stock market ng Raw Beauty at mukhang ayos naman iyon sa kasalukuyan. Nasa Hong Kong ngayon si Byron para sa katauhan ni Erin. “Mommy, when is my Dad coming back?” tanong ng kanyang anak. Nabilaukan yata si Erin sa kanyang sariling laway sa biglaan nitong tanong. "Uhm, why do you ask?" "Because Novella’s daddy is living with her with baby Raphael and Auntie Lily. She said her dad is also busy, but he's living with them," tugon nito na halatang naguguluhan kung pagbabasehan niya ang mata nito na nakatingin sa kawalan. Heto na nga yata ang problema kapag nagkaroon na ng kalaro si Lacey. Sigurado na magkakaroon na ng comparison sa pamilya at bu
“The thing is… he’s going to be Auntie Tanya’s husband soon. You must call him ‘uncle’ instead,” ang paliwanag ni Erin. Lumabi ito at saka nagsimulang mamula at magtubig ang mga mata. “Hindi ba niya ako love?” “Hindi sa gano’n. Everyone loves Lacey.” Hindi alam ni Erin kung iiyak din siya tulad ng kanyang anak. Hindi niya maintindihan kung bakit napakakumplikado palagi ng sitwasyon niya kapag si Orion ang usapan. Umaasa lang siya rito noong una. Makalipas ang pitong taon, kumplikado ang role niya sa buhay nito dahil nasasangkot siya sa pagkamatay ni Daryl, kahit ngayon na nagkaanak na siya sa lalaki. Napakahirap mahalin ng taong isa sa mga nanakit sa ‘yo. Hinaplos niya ang buhok ni Lacey. “Kapag nalaman ni Orion ang tungkol sa ‘yo, posibleng kunin ka niya sa akin,” ani Erin. Dadagdag pa iyon sa kanyang mga problema. “Gusto mo bang kunin ka ni daddy sa ‘kin?” Humikbi ang kanyang anak habang umiiling, at nadudurog ang puso niya para rito, para sa kanilang dalawa. “Gani
Muling pumikit si Lacey at nagpatuloy sa pagtulog, ngunit mahigpit ang hawak nito kay Orion. “Ako na ang bahala…” usal ni Erin. Tumiim ang bagang ni Orion. “Sigurado na nahirapan ka mag-isa. You raised Lacey as a single mother.” Tiim ang mga labi ni Erin at ayaw niyang magkomento sa bagay na iyon. Mahirap naman talaga maging magulang na mag-isa; wala kang mabahagian sa napupuna mong pagbabago sa pisikal o mentalidad ng iyong anak, wala kang karamay sa pagdedesisyon, wala kang masabihan ng lungkot o kaya ay saya. Ngunit pinili ni Erin ang sitwasyon niya kaya wala siyang karapatan na magreklamo. Ramdam niya pa rin ang tensiyon sa pagitan nila ni Orion. Mabuti na lang at may kumatok sa pintuan. Nagbukas iyon at pumasok si Kersen na inihatid ang bagahe ni Erin. “Salamat! A-ako na ang bahala kay Lacey,” wika ni Erin kay Orion. “Sige, magpahinga ka na lang din muna. Nasa kabilang silid ang kuwarto ko. Sabihan mo sina Mawar at Kersen kung gusto mong kumain,” tugon ni Orion. Tumang
Erin pumped her butt against Orion’s shaft. From the wall, they moved to the bed. His hands tightly held her bosom to fully dominate her inner womb. Orion growled as he moved his hips upward and faster. “Ah!” Napatili si Erin sa sarap na lumukob sa kanya. Hindi maipaliwanag ang patuloy na pamumuo ng kanyang orgasmo habang kumikiskis ang balat nito sa naglalawa niyang kuweba. Ang usapan nila ay hindi dapat sila marinig sa villa, ngunit sa gitna ng tahimik na gabi, imposible ang nais nito. Hindi niya mapigilan ang sunod-sunod na tili at halinghing.Hindi siya makatanggi matapos itapon ang lahat ng katinuan sa kangkungan, matapos buhayin ang natutulog niyang damdamin.“God!” Napapikit si Erin nang mariin at hindi alam kung paano tatapusin ang walang katapusang sarap. Orion bit her lips to silence her. Nagkukumbulsiyon ang kanyang laman hanggang sa tagpuin nito ang orgasmo mula kay Orion. Mabining sumaway ang labi nito sa kanya habang ibinabalik sa lupa ang sarili. Naglabas ng mabaga
Nagpatuloy si Erin na magpanggap na balewala si Orion sa kanyang damdamin, ngunit mahirap pala talaga. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit nagawa niyang makalimot noong isang gabi at nagpaalipin sa bugso ng sitwasyon. Iniikot sila ni Oliver sa ilang ektaryang resort at ito ang nagpaliwanag sa ilang detalye. Hindi alam ni Erin kung iniiwasan din siya ni Orion, ngunit nagpasalamat siya na lumayo na muna ito sa kanya. Binuhos na muna ni Erin ang oras niya sa kanyang laptop para saglit na kalimutan si Orion. Isang hapon, naroon sila sa lounge area ng resort. Nagtatrabaho si Erin sa kanyang laptop habang naglalaro naman si Lacey nang mag-isa sa carpeted floor. Masama ang pakiramdam niya sa araw na iyon; masakit ang kanyang lalamunan at dama rin niya ang hilo. Pinadala ni Erin ang ilang detalye ng bago9ng cooncept sa kanyang team sa Elusion. Bukod pa doon, kausap din niya si Byron dahil kailangan nilang magpunta sa isang event sa susunod na linggo kasama ang ilang beauty influen
[Nakaraan…] Nagluluha ang mata ni Erin habang papalapit kay Zach na naghihintay sa gitna ng aisle. Masyadong masakit ang dinadama ng kanyang dibdib matapos magpaalam sa lalaking nanakit ngunit minahal niya nang sobra. Niyakap niya ang kanyang kaibigan dahil ito ang kailangan niya sa kasalukuyan. Iniisip siguro ng mga bisita na masyadong masaya si Erin kaya siya umiiyak. Hindi alam ng mga ito na napakabigat ng sitwasyon niya—tinalikuran niya si Orion para yakapin ang hiling ni Zach na pakasalan niya. Nagsimula ang seremonyas, ngunit dama niya ang presensiya ni Orion na nakatutok ang tingin sa kanyang likuran. “Umalis na si Orion…” bulong ni Zach makalipas ang ilang minuto. Hinalukay ang tiyan ni Erin at pinigil niya ang sumuka. Ngunit tinakbo niya ang pinakamalapit na basurahan at may mga tubig na inilabas ang kanyang bibig. Nabigla ang kakaunti niyang bisita sa kanyang ginawa. Tinulungan siya ni Zach. hinagod nito ang kanyang likuran. “Please give us a glass of water!” sig
Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
Tila nawalan ng gana si Orion na sagutin ang tanong ni Erin. “Well?” ulit ni Erin sa lalaki, nasa mukha ang antisipasyon. “Bakit nga ba pumayag ka na magpakasal kay Tanya?” Orion frowned. “Iniisip mo ba na nagkaroon ako ng romantikong relasyon sa kapatid ni Zach?” “No.” Noong una ay aminado si Erin na iniisip niya na nagligawan ang dalawa hanggang sa nabuntis ang babae at magkakaroon na ng anak. Ngunit noong makunan ang babae at pagkatapos ay nagbigay ng anunsiyo si Orion sa publiko at ilan pang bagay, napatunayan ni Erin na kaswal ang relasyon ng dalawa. Ipinaliwanag ni Orion ang mga naganap sa lalaki, kay Mr. Niel Arvesso at kay Tanya. Ang lahat ng naganap sa hotel at kung bakit nabuntis ang huli. “Kung gano’n, alam mo noong una pa lang na hindi ikaw ang tatay ng ipinagbubuntis niya…” usal ni Erin. “Hindi rin si Dad! She's a swindler!” Umawang ang labi niya sa sagot nito. “Kung nagkataon na ako ang nasa silid na iyon at nabuntis ko si Tanya, paano ang gagawin
Haplos ni Erin ang pisngi ni Orion habang naroon sila sa sasakyan. May driver na maghahatid sa kanila sa kung saan ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin. Okupado ng lalaki ang kanyang sistema sa kasalukuyan. Hindi pa rin siya makapaniwala at para bang panaginip ang araw na iyon. “Sabihin mo sa akin na hindi ito panaginip,” usal ni Erin. Isang mainit na halik ang isinagot ni Orion sa kanya. Naglandas sa kanyang leeg ang labi nito. Namumula na ang pisngi ng driver na panay ang lingon sa salamin. Nais na nitong maglaho dahil sa mainit na eksena sa sasakyan. Wala naman silang ginagawang kakaiba. Tamang halik at palitan lang ng matatamis na salita ang namumutawi sa kanilang mga labi. Ilang saglit pa ay nakabalik sila sa bahay ni Orion. Pinangko siya ng lalaki at saka ipinasok sa loob ng bahay. Doon napansin ni Erin ang isang luggage sa pintuan. Mukhang iniwan lang nito ang bagahe at pagkatapos ay sinundan na siya sa fan meeting. Iniupo siya ni Orion sa kitchen island
Umaalingawngaw sa pandinig ni Orion ang bawat pagkilos, ang mga palitan ng usapan at ang tunog ng kung anong aparato na parang panaginip sa kanyang paligid. Makailang beses na naglaro sa kanyang tainga ang mga pagluha ni Erin, ang mga kahilingan ng babae na huwag siyang bumitaw. Nalulungkot ang kalooban niya sa tuwing iiyak ito at nagdadala iyon sa kanya ng pagkabahala. “Wake up, Orion… Wake up!” Kung kani-kanino na niya naririnig ang bagay na iyon, kahit kay Erin, kahit ang mahinang tinig ng sariling isip. Kailangan niyang bumangon. Kailangan niyang balikan ang babaeng mahal niya. Tila may pumahid na mahika sa kanyang balat at ayaw niya itong bitiwan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at kahit nanlalabo iyon ay natagpuan niya si Marco na tumitipa ang mga daliri sa ibabaw ng laptop nito. Kasunod niyon ay ang tila pagbara ng kanyang lalamunan at ang namamanhid at masakit niyang katawan. Nais niyang magmura sa sobrang tindi ng sakit na bumabalot sa buo niyang kataw
Pinunasan ni Lily ang mga luha ni Erin habang naroon sila sa lounge area ng ospital para silipin ang lagay ni Orion. Ipinagbabawal ang crowded o maraming bantay sa loob ng intensive care unit. Kailangan pa na nakasuot sila ng gown dahil sa posibleng bacteria or infection na dalhin sa pasyente. “Erin, kailangan mong magpatuloy sa trabaho at asikasuhin ang anak mo tulad ng nakagawian mo na,” hiling ni Lily sa kanya. Mag-iisang buwan na kasi siya sa ospital at hindi pa rin nagkakamalay si Orion. Aminado si Erin na marami siyang napabayaan tulad ng business niya at ang kanyang anak. Nakailang balik at uwi na rin si Lily ngunit nanatili siya sa siyudad sa paghintay kay Orion. “Naiintindihan ko na nag-aalala ka kay Brother O, pero tandaan mo na nariyan din si Lacey,” dagdag ni Lily. Nasapo ni Erin ang kanyang noo at saka tahimik na umupo sa couch. Bumalik na si Novella sa Bel-Air para ipagpatuloy ang schooling nito. Si Lacey ay naiwan sa kanya sa Mexico City. Si Danica ang nagmung
“Orion! Orion! P-please, pilitin mo na huwag makatulog,” usal ni Erin habang sinusundan ang grupo ng mga tauhan ni James na may dala kay Orion. Natatakot si Erin na baka kapag pumikit na ang lalaki ay iyon na ang huli na masisilayan niya ito. Nagdedeliryo ang mga mata ni Orion at tila inilalarawan sa isipan ang kanyang anyo sa kasalukuyan. Pinilit nito na ilapat ang palad sa kanyang pisngi. Tumawag ng helicopter si James para mas mabilis ang pag-alis nila sa lugar kung saan umatake ang grupo nito. Nang makalabas ng gusali ay nagmamadaling tumatakbo si Marco papalapit kay Erin. “Erin!” tawag nito sa kanyang pangalan. “Marco!” Humagulgol siya na niyakap ang kaibigan. “S-si Orion…” Hindi niya alam kung paano itutuloy ang kanyang mga salita. “I know. Kailangan natin siyang dalhin sa katabing siyudad. Natimbrehan ko na ang ospital na gagamot sa kanya at ipinahanda ang ilang bagay. Hindi tayo pwedeng mag-stay dito sa Acapulco,” wika ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto at dumati
Limang taon ang nakaraan, nagkaroon nang maayos na usapan sina Erin at Orion; noong bodyguard niya pa ang lalaki. May ibinigay itong numero sa kanya na maaari niyang tawagan kapag nalagay siya sa alanganin. Sasagutin iyon ni Orion nang “Kuokoa” na ibig sabihin ay rescue or rescue mission. Hindi niya akalain na gumagana pa rin hanggang sa kasalukuyan ang espesyal na numero nito.
“Kailangan ko ng tulong mo,” wika ni Erin kay Jenna. Pinuntahan niya ang babae sa cabin nito at saka ito kinatok. Nabigla si Jenna na makita si Erin ngunit nagpatuloy sa pagpahid ng makeup sa pisngi. Nagtaas ang kilay ni Jenna matapos marinig ang pakay ni Erin. Nasa isipan ng babae kung nababaliw na ba siya na ito ang naisip niyang lapitan. Nagkrus ang mga kamay nito at tiningnan siya sa salamin. “Iniisip mo na tutulungan kita na makatakas?” “Yes.” Desperado na siya! Nasabihan siya ni Honey na mas ligtas siya sa palapag kung saan siya naroon dahil protektado siya ni Boss Scar. Kung aakyat siya sa deck kung saan naroon ang mga kliyente ng cruise, hindi siya makakaalis nang buhay doon dahil marami ang may nais sa kanya. “That’s impossible!” bulalas ni Jenna. “Jenna, kung kailangan mong bumalik sa atin ay tutulungan kita. Alam natin na hindi ito ang buhay mo.” Tumiim ang bagang ni Jenna. “Alam mo pala na hindi ito ang buhay ko, pero ito ang pinili ko matapos magkandaletse-l
Sa sobrang pagkabigla ni Erin ay hindi siya nakasagot. “J-Jenna?” Walang emosyon ang babae. Nagbago na ang anyo nito matapos ang limang taon. Iika-ika na naglakad ito at tinalikuran siya. Naalala ni Erin na nasabi sa kanya ni Honey na may babae na minaltrato si Bald sa kababaihan na halos ikamatay nito, nagpapahinga lang ito sa isang cabin para magpagaling. Si Jenna ba iyon? Nilapitan ni Erin ang kanyang pinsan. “Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka narito?” Hinawakan niya sa kamay si Jenna na agad na tinabig nito. “Huwag kang umasta na para bang concern ka sa akin!” asik ng babae. Concern siya! Hindi niya kasi inaasahan ang sitwasyon nito. Pinilit nito na magbalat-kayo na matapang. “Sinabi sa akin ng isang babae rito na kasama ko sa kuwarto na dinukot ka raw ng grupo ni Boss Scar. Gusto kong malaman kung gaano iyon katotoo!” “Nakita mo na ako. Masaya ka ba na mapaghihigantihan mo ako?” tanong niya rito. Naiintindihan ni Erin na nakulong ang daddy ni Jenna dahil sa embez