Nakita ni Cris ang bakas ng pagkabigo sa kanyang mukha nang makarating sa abandonadong bahay sa gitna ng kakahuyan. "Nakatakas sila! Ang bilis ni Jhoanna!" pumalatak siya sa pagkabahala. Ang bahay ay tila walang tao, at ang mga bakas ng kanilang presensya ay mabilis na nawala sa mata ng mga naghanap.Sa kabila ng kanyang pag-aalala, napansin ko ang isang piraso ng damit na nakasampay sa sofa—isang piraso na alam kong pagmamay-ari ni Blake. Ang damit na iyon ay isang regalo mula kay Trina, at ang pagkakita nito sa abandonadong bahay ay nagbigay sa akin ng malalim na pag-asa."Ang damit na iyon, iyon si Blake," sabi ko, sabik na tinuturo ang piraso ng damit na nakasampay. "Ito ang ibinigay ni Trina sa kanya."Tumingin si Cris sa damit at agad niyang inisip ang mga posibilidad. "Kung nandito ang damit ni Blake, ibig sabihin ay malapit pa sila sa lugar na ito. Baka hindi pa sila gaanong malayo."Nagtulong-tulong ang mga pulis at mga kamag-anak sa pag-iimbestiga sa lugar. Ang bawat sulok n
"Bilisan mo,"tawag ni Jhoanna kay Drake, "baka maabutan nila tayo," nakarating sila sa pinagtataguan ng kanyang kotse. Agad niyang isinakay doon si Blake. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Drake sa kanya. "Hinahabol na tayo ng masasamang loob, gusto mo bang patayin nila tayo?" sagot niya dito. Baka maabutan pa sila nina Justine. Siguradong hindi siya patatawarin ng mga ito sa mga naging kasalanan niya.Nagmadali si Jhoanna sa pagmamaneho habang si Drake ay abala sa pagtingin sa paligid. Nagmamadali silang umalis sa pinagtataguan ng kotse ni Jhoanna upang makaiwas sa mga taong maaaring maghahanap sa kanila. Ang pag-aalala sa kanilang mga mukha ay hindi maikakaila, lalo na’t alam nilang hindi maganda ang kanilang sitwasyon."Huwag kang mag-alala, Drake. Alam kong wala tayong oras para magpahinga, pero kailangan nating makarating sa ligtas na lugar bago pa tayo maabutan."Nangunot ang noo ni Drake "Pero saan tayo pupunta? Hindi ko alam kung saan ang ligtas na lugar na sinasabi mo.""M
Kinakabahan si Jhoanna ng makita ang ekspresyon ng mukha ni Drake. Natakot siya dito, dahil ganito ang hitsura ng lalaki kapag nagagalit. O nung wala pang nararamdaman, bago niya sirain ang memorya nito. "Bi- baby? O- okay ka lang ba?" Nanginginig ang kanyang boses. "Jhoanna.. asawa ba talaga kita?" Nagsalubong ang kilay nito. Naguluhan siyang bigla.. Ang epekto ba ng gamot na ipinapainom niya dito ay hindi na gumagana? Bakit bigla na lang itong nagtanong ng ganoong bagay? Mukhang bumabalik sa dating alaala ang lalaki. Hindi siya makakapayag. Kapag naalala nito ang lahat, malalaman na niya na siya ang pumatay sa kanilang katulong, at si Blake ay anak nila ni Justine. Bigla siyang nagpanic, "D-Drake.. baka kailangan mo ng mainjectionan at--" "Hindi!" Bulyaw nito sa kanya. Nahintakutan siya sa hitsura nito. Ang biglaang galit ni Drake ay nagpatindi sa takot ni Jhoanna. Ang pag-aalala niya para sa kaligtasan ni Drake at sa pagtakpan ng mga sikreto ay lumalala. Ngayon, mu
"Dagdagan ko kaya ang dosage ng kanyang gamot? Mukhang may mga alaala siyang bumabalik, hindi iyon maaari!" Sabi ni Jhoanna sa sarili, "kailangang manatili lang siya sa piling ko habang buhay!" Tiningnan niya ang hagdang inakyatan ni Drake. "Mommy," hinila ni Blake ang kanyang damit, "nagugutom na po ako." "Sige baby, kainin mo muna ang mga biscuits na binigay ko sayo. Magluluto muna ako," iniwan niya ang bata sa gilid ng lawa. Nagtungo siya sa likod ng sasakyan at kinuha ang butane. Naghanap siya ng maaaring lutuin. Kung matatagpuan sila nina Justine, aagawin ulit nito si Drake, at ipapakulong siya dahil sa pagkidnap niya sa anak nitong si Blake. Bakit kasi hindi niya pa napatay ang babaeng iyon habang nasa puntod ng kaibigan nitong si Trina! Habang pinipiga ni Jhoanna ang hawakan ng butane, hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Naghahalo ang galit at takot sa kanyang isip. Kung mababalikan niya lang sana ang mga sandaling iyon, matagal na sanang tapos ang
Bago pa makasagot si Drake sa kanya, nakarinig sila ng isang bagay na nahulog sa tubig. Agad niya iyong sinilip, namutla siya. Wala si Blake! “Blake!” Sigaw ni Jhoanna, nagmamadaling tumakbo palapit sa gilid ng lawa. Ang tubig ay gumagalaw nang marahas, at may mga bula na umaangat sa ibabaw. Wala siyang nakikitang anumang bakas ng kanyang anak. “Blake!” muling sigaw niya, ngayon ay mas malakas at mas desperado. Nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib, at ang kaba sa kanyang puso ay mabilis na napalitan ng takot. Sinundan siya ni Drake, agad na napatakbo sa gilid ng tubig. "Ano ang nangyayari, Jhoanna? Nasaan si Blake?" tanong niya, halatang nag-aalala. Ngunit ang tingin niya kay Jhoanna ay may halong pag-aalinlangan, parang pilit binabalikan ang mga alaala na tila malabo pa rin sa kanya. Napalunok si Jhoanna. "Hindi ko alam! Dito ko lang siya iniwan!" Umiikot ang kanyang paningin, hinahanap si Blake, ang batang malusog at masayahin na kanina lang ay naglalaro sa tabi ng lawa. Ngay
Nagmamadaling binuhat ni Jhoanna si Blake, ang maliit na katawan ng bata ay nanginginig sa lamig. Habang naglalakad siya patungo sa kotse, hinahabol niya ang kanyang hininga, kinakabahan at takot na baka may mangyari pang mas masama. Sa pagdating sa kotse, agad niyang binuksan ang pintuan at inilapag ang bata sa loob. Kumuha siya ng towel mula sa kanilang mga gamit at agad na hinubaran si Blake ng kanyang basang damit. Maingat niyang pinunasan ang buong katawan ng anak, sinisikap na mawala ang lamig na bumabalot dito. “Okay lang, Blake. Mommy’s here. Safe ka na,” bulong niya habang patuloy ang pagpunas, pilit na pinapalakas ang loob ng bata kahit siya mismo ay takot na takot. Nang matapos niyang balutin si Blake sa makapal na tuwalya, niyakap niya ito nang mahigpit, parang ayaw na niyang pakawalan. Ramdam niya ang mabibilis na tibok ng puso ng bata laban sa dibdib niya, at unti-unti niyang naramdaman ang init na bumabalik sa katawan ng anak. Nilingon niya si Drake, na nanatili sa d
Napatitig ako kay Jhoanna, bakit ibang babae ang nakikita ko sa kanya? "Drake? okay ka lang ba?" tanong ni Jhoanna sa akin, habang kalong niya ang aking anak na si Blake. "O-okay naman ako.." sagot ko sa kanya. Ngumiti ako ng alanganin, at isinubo ang pagkaing nasa kutsara sa kanyang bibig. Ngunit hindi kumbinsido si Jhoanna. "Drake, ano ba talaga ang problema?" Tanong ulit ni Jhoanna, ang boses niya ay puno ng pag-aalala. Napabuntong-hininga ako. "Wala naman, Jhoanna. Napagod lang siguro ako." Hindi ako mapakali. Ang totoo, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Parang may isang bahagi sa akin na nagsasabi na hindi siya ang babaeng nakikita ko sa kanya. "Drake, alam kong may mali," sabi ni Jhoanna, ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. "Hindi ka kumportable. May gusto ka bang sabihin?" Napahawak ako sa aking ulo. "Jhoanna, hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito..." "Subukan mo, Drake," sabi niya, ang boses niya ay mahinahon pero may halon
Mukhang nakakahalata na si Drake sa kanyang mga ginagawa. Kailangan niyang dagdagan ang dosage ng gamot na ibinibigay niya dito.Parang hindi na iyon naepekto. Nagkakaroon na ito ng mga katanungan sa sarili.Kinakabahan si Jhoanna, "bumabalik na kaya ang kayang ala-ala? Ngunit paano? Kulang pa ba ang gamot na itinuturok ko sa kanya, para tuluyan na siyang makalimot?"Kailangan, hindi bumalik ang alaala ni Drake, hindi maaari!"Kumain ka na lang Drake, baka nagugutom ka lang," inilapag niya si Blake sa backseat ng upuan, "iihi lang ako," paalam niya dito.Subalit nagtagpo lang siya at sinilip kung ano ang gagawin ng lalaki.Nagpalinga linga ito, bago naghanap sa mga gamit na dala nila."Ano kayang hinahanap niya?" Pinapanood niya ito mula sa malayo.Nagmamasid si Jhoanna mula sa malayo habang abala si Drake sa paghahanap ng mga gamit sa loob ng sasakyan. Ang kanyang mga mata ay matalim, sinusubukan niyang maunawaan kung ano ang maaaring ipahiwatig ng kilos ni Drake. Dapat, hindi malama