Share

Chapter 38

Makalipas ang anim na taon...

NAALIMPUNGATAN si Calista nang dumampi sa kaniyang balat ang malamig na hangin. Pupungas-pungas siyang naupo mula sa pagkakahiga at iginala ang paningin. Nagtaka siya nang makitang nagsasayawan ang kurtina sa nakabukas niyang malaking bintana. Sa pagkakaalala niya ay isinara niya iyon bago siya natulog.

Nagtataka man, ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon. Tumayo na siya at lumapit sa bintana upang isara iyon subalit ilang metro na lamang ang layo niya rito nang may naaninag siyang bulto ng isang tao sa likod ng kurtina. Bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba kung kaya't hindi niya na nagawang humakbang pa.

"Marcus? Ikaw ba iyan?" tanong niya subalit wala siyang natanggap na tugon.

Lumunok siya bago unti-unting humakbang ulit palapit sa bintana. Unti-unti niyang hinawi ang kurtina. Laking gulat niya nang biglang bumulaga sa kaniyang harapan ang galit at duguang si Henry. Nanlilisik ang ginto nitong mga mata at bago pa man siya makasigaw ay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status