PATUNGO sa silid ni Althaia ang isa sa kanilang mga kasambahay dala-dala ang isang tray ng pagkain. Habang papalapit na sa kwarto ng dating reyna ay gano'n na lang din ang pagtahip ng dibdib nito dahil sa kabang nararamdaman. Kilala na kasi nito ang ugali ni Althaia, masungit ito at natitiyak niya na mas dumoble ang kasungitan nito ngayong namatayan ito at napatalsik na sa pwesto.Kumatok ang katulong sa pinto at tinawag si Althaia. Ilang segundo siyang naghintay subalit wala siyang natanggap na sagot. Bilin sa kaniya ni Reyna Calista na kapag ganoon ang nangyari ay pumasok na lamang daw siya at iwanan na lang sa loob ang pagkain. Gusto rin kasi nito na siguruhin na walang ginagawa ang pinsan na ikapapahamak nito.Bago pa man niya pihitin ang tatangnan ng pinto ay may hinuha na siyang wala si Althaia sa loob dahil hindi niya maamoy o maramdaman man lang presensya nito. Sa kabila ng kutob ay tumuloy pa rin siya sa loob. Doon niya nakumpirma na tama nga ang hinala niya. Kahit saang bah
Makalipas ang anim na taon...NAALIMPUNGATAN si Calista nang dumampi sa kaniyang balat ang malamig na hangin. Pupungas-pungas siyang naupo mula sa pagkakahiga at iginala ang paningin. Nagtaka siya nang makitang nagsasayawan ang kurtina sa nakabukas niyang malaking bintana. Sa pagkakaalala niya ay isinara niya iyon bago siya natulog.Nagtataka man, ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon. Tumayo na siya at lumapit sa bintana upang isara iyon subalit ilang metro na lamang ang layo niya rito nang may naaninag siyang bulto ng isang tao sa likod ng kurtina. Bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba kung kaya't hindi niya na nagawang humakbang pa."Marcus? Ikaw ba iyan?" tanong niya subalit wala siyang natanggap na tugon.Lumunok siya bago unti-unting humakbang ulit palapit sa bintana. Unti-unti niyang hinawi ang kurtina. Laking gulat niya nang biglang bumulaga sa kaniyang harapan ang galit at duguang si Henry. Nanlilisik ang ginto nitong mga mata at bago pa man siya makasigaw ay
NAGTAKA si Clyde nang dumating na siya sa address na ibinigay sa kaniya ni Allen. Isa iyong restaurant. Sinilip niya ang loob mula sa glass wall. Payapa naman sa loob at mukhang wala namang nangyayaring kakaiba. Mayamaya lang ay may lumapit sa kaniyang waiter. "Magandang..." Sandaling huminto ang waiter at tumingala sa unti-unti nang dumidilim na kalangitan, "gabi, Sir," nakangiting patuloy nito. "Ikaw po ba si Captain Martin?"Naguguluhan man sa mga nangyayari at kung paano siya nakilala ng waiter ay tumango na lamang siya.Iminuwestra ng waiter ang kamay papunta sa entrance ng restaurant. "This way, Sir."Hindi siya kumilos at seryoso lamang na tiningnan ito. Mukhang napansin naman nito ang pag-aalinlangan niya dahil muli siyang nginitian nito."Ibinilin ka na po sa amin ni Sir Allen," wika nito.Bahagya nang napanatag ang kalooban niya nang banggitin ng waiter si Allen. Ibig sabihin okay lang ito. Pero... bakit naman siya pinapunta nito roon?Nang nasa loob na sila ay iginiya siya
"MAGANDANG araw, Calista!" magiliw na bati kay Calista ng tinderang si Aling Corrine.Huminto si Calista sa pwesto nito sa tabi ng bangketa upang tingnan ang mga paninda nitong isda."Sariwa pa ang mga 'yan. Ano ipagbalot na ba kita?" nakangiting tanong sa kaniya ni Aling Corrine."Naku! Aling Corrine, sa susunod na lang po siguro ako bibili. Wala kasi akong dalang pera ngayon," sagot niya rito.Tiningnan siya ni Aling Corrine nang may kabuluhan pagkatapos, marahan siyang hinila at binulungan. "Ano ka ba, mahal na reyna? Kulang na kulang pa ang mga isdang ito kapalit ng tulong mo sa tribo natin."Isa si Aling Corrine sa mga nasasakupan ni Calista. Katulad ng pangarap niya noon para sa mga nasasakupan, simula nang lumabas na sila sa gubat ay unti-unti na silang nagkaroon ng normal na pamumuhay at isa na nga si Aling Corrine sa tumatamasa n'on ngayon.Nginitian niya si Aling Corrine at hinawakan ang basa nitong kamay. "But still, ang negosyo ay negosyo. Baka malugi na kayo niyan kung pal
"TITA CALISTA!" Mabilis na tumakbo palapit kay Calista si Morgan at yumakap nang mahigpit nang datnan niya itong naglalaro sa flower shop na pagmamay-ari ni Aimen.Pumikit siya at dinama ang yakap ng anak. Ginantihan niya rin ito ng yakap. Sobrang na-miss niya ito. "How's my baby girl?"Nakangusong kumalas sa pagkakayakap niya si Morgan. "No, Tita I'm already five kaya hindi na ako baby," sabi nito habang nakataas ang limang daliri."Oh, my bad. Kumusta na pala ang big girl ko?" Nakangiti niyang iniipit sa tainga nito ang maiksi nitong buhok."Good! Alam mo, Tita marami na po akong friends sa school. Si Jacklyn, Bobby, Patty, Faye, Sharmaine, at saka si... si William. Kahit inaaway ako minsan ni William friend ko pa rin siya kasi shi-ne-share niya ang snacks niya sa akin," bibong-bibong kwento ni Morgan."Talaga? Wow! That's nice," nakangiti niyang sabi."Nandito ka na pala, Calista."Napalingon siya sa bumukas na pinto. Pumasok mula roon si Aimen. Lumapit ito sa kaniya at yumakap."Ku
HINDI maapuhap ni Calista ang angkop na salita para ilarawan ang nararamdaman habang patagong pinagmamasdan si Clyde. Bukod sa labis na pangungulila, may takot na rin siyang nararamdaman dito. Bakit ito naroroon at paanong nangyari na kapitan na ito ng WW-Force, ang pangunahing organisasyon na pinakaiiwasan nila?Lumapit kay Clyde ang isa sa mga sundalong kasama nito. Narinig niyang tinawag nito iyong Lieutenant Navarro. Lumakad ang mga ito paalis doon. Sinundan niya sila. Kailangan niyang malaman ang dahilan ng pagpunta ng mga ito roon. Nangangamba siya na baka naroon ang mga ito dahil alam na ng mga ito na nandoon sila."Ano'ng masasabi mo, Kapitan?" dinig niyang tanong n'ong lieutenant kay Clyde.Tinanggal ni Clyde ang suot na sunglasses at pinasadahan ng tingin ang lugar. Kaagad siyang nagtago sa likod ng nakaparadang sasakyan nang dumako ang tingin nito sa direksyon niya."Mas maliit kumpara sa aking inaasahan," tugon ni Clyde kay Lieutenant Navarro.Bahagya siyang napangiti. Kay
HINDI pa rin matahimik ang kalooban ni Clyde dahil sa misteryosong paglitaw ng iniregalo niyang bracelet kay Callie. Palagi niya itong dala kahit saan at palagi niya iyong tinitingnan. Iniisip ang lahat ng posibleng dahilan kung bakit iyon naroon sa Barry Hills. Ninakaw ba iyon kay Callie? Pero kailan pa? Wala siyang naaalalang sandali na hindi iyon suot ni Callie sa tuwing nagkakasama sila. Noong namatay ba ito iyon nawala? Kung noong gabi ng trahedyang iyon ninakaw rito, may posibiladad na ang kumuha n'on ay may kinalaman sa pagkamatay nila at naroon ito ngayon sa Barry Hills.Napapikit siya at bumuga ng hangin. Inilapag niya ang bracelet sa ibabaw ng kaharap na mesa. Sumasakit na ang ulo niya sa labis na pag-iisip.Tiningnan niya na lamang ang chocolate shake na nakapatong sa mesa. Binili niya iyon sa katabi niyang food truck. Unti-unting sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi. Chocolates always remind him of Callie. Hindi siya mahilig sa tsokolate pero iyon ang binili niya d
HINILOT-HILOT ni Marcus ang palapulsuhan matapos suntukin sa mukha si Clyde. Nasapo niya ang kaniyang ulo dahil sa biglang pagkahilo dulot ng alak na ininom niya. Hindi niya maiwasang ma-guilty habang tinitingnan si Clyde na nakabulagta sa kalsada at walang-malay. Iyon kasi ang unang pumasok sa isip niya na gawin para mabawi rito ang bracelet ni Calista."Sigurado akong nakita na kita noon... pero saan?" nagtataka niyang tanong habang tinititigan ang mukha ni Clyde. Pamilyar sa kaniya ang mukha nito subalit sa dami na ng mga taong nakasalamuha, hindi niya na maalala kung saan niya ito nakita noon. Umiling-iling na lamang siya. "Hindi na iyon importante."Hinila niya si Clyde patungo sa gilid ng kalsada at pinasandal sa isang puno. Sunod, nagsimula na siyang kalkalin ang laman ng bulsa ng suot nitong leather jacket. Napangiti siya nang nakuha niya na ang bracelet ni Calista.Tiningnan niya nang masama si Clyde. Iniisip niya kung paano napunta rito iyong bracelet gayong hindi naman ito
13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali
MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita
ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa
NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi
MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng
"YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa
PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang
"WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter
HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan