HINDI pa rin lubos makapaniwala si Aimen na kaharap niya ngayon si Calista na buong akala niya ay ilang buwan ng patay. Hindi maalis-alis ang mga mata niya rito habang nakaupo ito sa sofa karga-karga ang anak na si Morgan. Wala pa ring kupas ang ganda nito kahit pa isa na itong ina ngayon.Ang mas lalo pang nagpagulat sa kaniya ay ang mga isiniwalat nito tungkol sa mga nangyari sa buhay nito noon sa Montgomery at sa mga nangyari nang gabing namatay rin ang mga umampon dito sa kan'ya."Can you take care of my Morgan, Aimen?" biglang tanong sa kaniya ni Calista nang hindi man lang inaalis ang tingin sa anak.Nagulat siya. "W-what do you mean?"Tiningnan siya ni Calista. Nagmamakaawa ang mga titig. "Pwede ko bang iwanan sa'yo ang anak ko?"Napalunok siya at nag-alangan. "H-ha?"Batid ni Calista ang pag-aalinlangan ni Aimen. Hindi rin naman kasi madali ang hinihingi niyang pabor.Umusog siya palapit kay Aimen at hinawakan ang kamay nito. "Ikaw lang kasi ang naiisip kong pwede kong pag-iwan
"I TOLD you to dodge it, Marcus!" natatawang sigaw ni Calista kay Marcus nang muli niyang tamaan ang mukha nito ng hawak na espadang yari sa patpat. "Isang buwan na tayong nagsasanay how come na hindi mo pa rin ma-anticipate ang mga susunod kong galaw?"Inunat-unat ni Marcus ang leeg at nginisihan siya. "Pinagbibigyan lang kita, Calista. Huwag kang masyadong makampante."Tinawanan lang ito ni Calista. "Whatever you say, Marcus."Binitawan ni Marcus ang hawak na patpat at hinubad ang suot na t-shirt dahilan para malantad ang upper body nito. Hard and mascular."Mas gusto ko pang kabisahin ang mga skills ko bilang isang lobo. Mas madalas makipaglaban sina Henry sa anyong lobo kaya sa tingin ko mas mainam kung mas sasanayin mo ang mga kakayahan mo bilang isang lobo. Kailangan natin silang tapatan, Calista."Umikot ang mga mata niya at umiling-iling. "I will fight them in my human form, Marcus. In that way, mahihirapan silang mahulaan ang mga ikikilos ko lalo pa't kahit paano ay may alam n
"HUWAG kang duwag! Huwag kang magtago sa likod ng iyong balabal! Magpakita ka!" nagngingitngit sa galit na sigaw ni Marcus sa kaharap na mahigpit pa ring nakahawak sa kaniyang leeg."Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Talaga bang handa ka ng labanan si Henry ngayon?"Natigilan siya nang magsalita ito. Malalim ang tinig nito at boses lalaki.Unti-unting inalis ng lalaki ang balabal na nakatakip sa mukha. Hindi niya inalis ang tingin dito. Napakunot siya nang nalantad na ang mukha nito.Matanda na ito subalit kung huhusgahan niya ang tibay ng pagkakahawak nito sa kaniya, para bang masyado itong malakas para sa edad nito.Tumayo na nang tuwid ang matanda at tuluyan na siyang binitiwan. Walang kaemo-emosyon siya nitong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Hindi ako makapaniwalang sa katulad mo inihabilin ni Hera ang mahal na reyna." Bakas ang pagkadisgusto sa mukha nito habang nakatitig sa kaniya.Kasabay ng pagkagulat sa naging turan nito ang pagguhit ng pagkalito sa kaniyang muk
"ARE you trying to get yourself killed?!" naiinis na tanong ni Calista kay Marcus nang isumbong sa kaniya ni Mang Sebastian na nagtangka itong sugurin si Henry nang pumunta ito sa bayan.Nag-iwas ng tingin si Marcus at ngumuso. "Hindi ko naman rin naituloy kaya bakit nagagalit ka pa?" sabi nito sa kaniya. Nang dumako ang tingin nito kay Mang Sebastian na nakaupo sa tabi ng pintuan ay sinamaan pa nito ito ng tingin."At nagdahilan ka pa talaga." Inirapan niya si Marcus. "Mabuti na lang at nandoon si Mang Sebastian para pigilan ka. Paano kung napahamak ka? Or worst, paano kung namatay ka? Marcus naman! Pwede bang mag-isip ka naman bago ka basta-basta gumawa ng aksiyon?"Humalukipkip si Marcus at nginisihan siya na ikinainsulto niya. "Wala rin namang kaso kung namatay ako. Mas mabuti pa nga iyon kasi makakasama ko na si Hera."Nasaktan siya sa sinabi ni Marcus. Bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Mang Sebastian."Sigurado ka bang magkikita kayo ni Hera? Eh kung ako ang
"TANDAAN mo, mahal na Reyna kapag sinimulan na ang pagpapaputok ay iyon na ang hudyat ng simula ng paglusob natin," mahinang sabi ni Mang Sebastian kay Calista. Kasalukuyan silang nagtatago sa likod ng mga dahon at sanga ng isang malaking punungkahoy, sa bahagi ng gubat kung saan malayo sa pinagdadausan ng kasal nina Henry at Althaia.Bagama't may distansya, nakikita ni Calista kung gaano kasaya si Althaia sa pagkakataong iyon. Napakaganda nito sa suot nitong puting gown habang nakatayo sa gitna ng entablado, katabi ang asawa na nitong si Henry. Lingid sa kaalaman ng mga ito na ang ilan sa mga taong-lobo na dumalo sa kanilang kasalan ay mga kasabwat nila sa gagawing paglusob. Nakapwesto na ang mga ito sa mga itinalagang dako kung saan sila magbabantay, dala-dala ang mga armas na pagmamay-ari ng kaniyang Papa Simeon.Wala silang papatayin maliban lang kay Henry at sa pack nito lalo na kung magtangka na ang mga ito ng masama sa kaniyang buhay. Iyon ang mahigpit niyang bilin sa mga kasam
"NAKABALIK na po ako, Ma, Pa," nakangiting sabi ni Calista sa kaniyang mga magulang. Naroon siya ngayon sa bahagi ng gubat kung saan inilibing ang mga ito. Kasama niya sina Marcus at Mang Sebastian sa pagbisita sa mga ito. Mabilis niyang pinahid ang luhang gumapang sa kaniyang pisngi. "Pasensya na po natagalan ako sa pagbalik.""Nasisiguro kong ipagmamalaki ka nila kung naririto sila," nakangiting sabi ni Mang Sebastian. Nasa gilid niya ito habang may hawak na sulo upang magsilbing ilaw nila sa madilim na paligid. "Maging ako'y proud sa'yo, mahal na Reyna."Tiningnan niya ang kaniyang mga kamay na may mantsa pa ng mga dugo mula sa mga kalahing nakalaban niya kanina... Naalala niya si Henry. Siya ang pumatay rito.Nakagat niya ang ibabang labi nang makita ang panginginig ng kaniyang mga kamay."Ayos ka lang, Calista?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Marcus.Tumango siya at pilit itong nginitian. "Oo, napagod lang ako.""Ang mabuti pa'y bumalik na tayo sa mansiyon at nang makapagpahinga
PATUNGO sa silid ni Althaia ang isa sa kanilang mga kasambahay dala-dala ang isang tray ng pagkain. Habang papalapit na sa kwarto ng dating reyna ay gano'n na lang din ang pagtahip ng dibdib nito dahil sa kabang nararamdaman. Kilala na kasi nito ang ugali ni Althaia, masungit ito at natitiyak niya na mas dumoble ang kasungitan nito ngayong namatayan ito at napatalsik na sa pwesto.Kumatok ang katulong sa pinto at tinawag si Althaia. Ilang segundo siyang naghintay subalit wala siyang natanggap na sagot. Bilin sa kaniya ni Reyna Calista na kapag ganoon ang nangyari ay pumasok na lamang daw siya at iwanan na lang sa loob ang pagkain. Gusto rin kasi nito na siguruhin na walang ginagawa ang pinsan na ikapapahamak nito.Bago pa man niya pihitin ang tatangnan ng pinto ay may hinuha na siyang wala si Althaia sa loob dahil hindi niya maamoy o maramdaman man lang presensya nito. Sa kabila ng kutob ay tumuloy pa rin siya sa loob. Doon niya nakumpirma na tama nga ang hinala niya. Kahit saang bah
Makalipas ang anim na taon...NAALIMPUNGATAN si Calista nang dumampi sa kaniyang balat ang malamig na hangin. Pupungas-pungas siyang naupo mula sa pagkakahiga at iginala ang paningin. Nagtaka siya nang makitang nagsasayawan ang kurtina sa nakabukas niyang malaking bintana. Sa pagkakaalala niya ay isinara niya iyon bago siya natulog.Nagtataka man, ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon. Tumayo na siya at lumapit sa bintana upang isara iyon subalit ilang metro na lamang ang layo niya rito nang may naaninag siyang bulto ng isang tao sa likod ng kurtina. Bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba kung kaya't hindi niya na nagawang humakbang pa."Marcus? Ikaw ba iyan?" tanong niya subalit wala siyang natanggap na tugon.Lumunok siya bago unti-unting humakbang ulit palapit sa bintana. Unti-unti niyang hinawi ang kurtina. Laking gulat niya nang biglang bumulaga sa kaniyang harapan ang galit at duguang si Henry. Nanlilisik ang ginto nitong mga mata at bago pa man siya makasigaw ay
13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali
MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita
ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa
NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi
MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng
"YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa
PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang
"WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter
HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan