NAKAHIGA na sa kama si Clyde at nagpapahinga. Pumihit siya patagilid upang tingnan ang digital clock na nakapatong sa kaniyang bedside table. Pasado alas diyes na ng gabi. Sunod na dumako ang kaniyang mga mata sa larawan nila ni Callie na nakapatong din doon sa bedside table. Sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng lungkot habang nakatitig sa nakangiting mukha nito."I miss you, my Callie," bulong niya pagkatapos, niyakap ang katabing unan habang nakatingin pa rin sa larawan.Sinubukan niya ng ipikit ang mga mata, nagbabakasakali na dalawin na siya ng antok subalit hindi iyon nangyari. Dahil sa hindi makatulog, naupo na lang siya at tumingin sa nakabukas na bintana. Alam niya na hindi siya makakatulog hangga't hindi niya nakikita si Callie.Kumurba ang isang pilyong ngisi sa mga labi ni Clyde nang bigla siyang may naisip na ideya. Umalis na siya sa kama at kaagad na dinampot ang susi ng kaniyang kotse. Pupuntahan niya si Callie.Abot tainga ang ngiti niya habang minaman
"MAMAYA na ang libing nila," walang kabuhay-buhay na sabi ni Marcus kay Callie habang nakaupo sa siksik na sulok ng kubo na pansamantala niyang tinuluyan sa gitna ng talahiban noong naglaban sila ni Esteban. Doon niya muna pansamantalang dinala si Callie ngayong wala pa silang nahahanap na lugar na pagtataguan.Sa isa pang sulok, tahimik din na nakaupo si Callie, malayo ang tingin habang yakap-yakap ang mga binti.Limang araw na ang nakararaan matapos ang trahedyang nangyari sa kanila. Limang araw na rin silang nasa ganoong sitwasyon.Nilingon ni Marcus si Callie at napansing namumutla na ito, marahil ay dahil iyon sa ilang araw nitong hindi pagkain. Kahit kasi anong pilit niya rito na kumain ay ni minsan hindi siya nito pinakinggan. Mukhang sineseryoso talaga nito ang sinabi na gusto na lang nitong mamatay.Ganoon din naman ang nararamdaman ni Marcus. Nang mamatay si Hera ay may bahagi sa pagkatao niya na kasama rin nitong namatay. At dahil doon ay hindi niya na rin alam kung paano i
"NARINIG niyo na ang balita? May tagarito raw sa university na nabiktima ng taong-lobo."Napahinto sa pagbabasa si Aimen nang marinig ang pinag-uusapan ng mga kaklase. Pasimple niyang nilingon ang nagsasalita subalit nang mapansin siya nitong nakatingin sa kanila ay sinamaan siya nito nang tingin. Binalik niya na lamang ang tingin sa librong hawak at nagpanggap na nagbabasa pa rin habang nakikinig sa usapan ng mga ito."Baka naman fake news 'yan! Hello? Nasa siyudad kaya tayo. Paano namang makakarating dito ang mga taong-lobo?" narinig ni Aimen na tugon ng kausap do'n sa unang nagsalita. "At saka wala naman akong napapanood o kaya naririnig sa balita." "Totoo ang sinasabi ko! Sundalo ang kuya ko sa WW-Force. He was supposedly on leave yesterday but he was summoned back to his camp because of this issue. Sabi nga raw ay ilang araw na nangyari iyon pero hindi lang inilabas sa media para hindi mag-panic ang mga tao.""Fine, if you insist," tumatawang tugon ng kausap niyong babae, halata
"HENRY nga pala, pare."Ilang segundo munang nakakunot na tinitigan ni Clyde ang nakalahad na kamay ni Henry bago ito kinamayan."Clyde," matamlay niyang tugon saka ibinaling sa ibang direksyon ang tingin. Wala siya sa kondisyon para maghanap ng bagong kaibigan lalo pa't nagluluksa pa rin siya ngayon."I'm new in this town and I'm impressed! Napaka masayahin at welcoming ng mga residente rito. Tama nga sila, maganda ang lugar na 'to.""Well, I hope you enjoy your stay here," tugon niya sabay inom ng beer."Maganda ngunit may itinatagong misteryo," dagdag ni Henry kasabay ng pagngiti niyang may kabuluhan.Napaisip man sa sinabi ni Henry, hindi na lamang iyon tinugunan ni Clyde para hindi na humaba pa ang kanilang pag-uusap."I saw you earlier..." biglang sabi ni Henry dahilan para mapalingon ulit sa kaniya si Clyde, "sa sementeryo."Tumango si Clyde at ipinagpalagay na lang na isa si Henry sa mga nakipaglibing."Kamag-anak ka ba ng mga Gomez?" tanong niya.Nakangiting ikinibit ni Henry
NANG nakalabas na ng bahay ay unti-unti na ring bumilis ang mga hakbang ni Calista hanggang sa hindi niya na namalayan na tumatakbo na pala siya. Bigla siyang napahinto nang matanaw si Marcus na nakatayo sa tabi ng isang puno sa kaniyang unahan. "Paano siya napunta riyan?" nagtataka niyang tanong dahil buong akala niya ay natutulog ito nang iwan niya sa bahay.Sa kabila ng napakadilim na paligid, dahil sa pambihira nilang kakayahan na makakita pa rin nang malinaw sa dilim ay nakita niya ang madilim na ekspresyon ng mukha ni Marcus. Kaagad siyang pinagpawisan at napalunok."At saan mo naman planong pumunta nang ganitong oras?" walang kangiti-ngiting tanong ni Marcus habang humahakbang palapit kay Calista. Bawat distansiyang natatawid nito ay nagdudulot nang matinding kabog sa dibdib ni Calista."Hayaan mo na ako, Marcus please," lakas-loob na pakiusap ni Calista."Napaka makasarili mo, Calista." Bakas ang galit sa mukha ni Marcus hanggang sa huminto na ito sa harapan ni Calista."Call
"BAKIT iniwan mo pa nang buhay ang lalaking iyon?" tanong ng kamiyembro ni Henry sa kaniya habang naglalakad na sila papasok sa gubat ng Montgomery. Si Clyde ang tinutukoy nito."Isang malaking pribiliheyo para sa lalaking iyon ang kamatayan. Bakit ko iyon ibibigay sa kaniya?" Nakangising tugon ni Marcus. "Hayaan natin siyang magdusa habang-buhay.""Eh, paano sina Calista at Marcus? Hindi na ba natin sila hahanapin?"Sa ilang araw na pagmanman ni Henry kay Clyde ay napagtanto niya na nakaalis na si Calista dahil hindi niya naramdaman ang presensya nito. Ni hindi nga rin ito nagpakita kahit noong burol ng mga magulang ni Clyde. Naisip din ni Henry na marahil ay nagtatago na ngayon ito kasama si Marcus pagkatapos ng mga nangyari. Sigurado siyang malaki ang naging epekto sa mga ito sa ginawa nila sa mga mahal nito sa buhay. Bukod do'n ay hindi naman sapat ang lakas ng mga ito para labanan sila kaya hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon sa mga ito."It's just a waste of time kung hahanap
"MAGIGING katulad ba natin siya?" usisa ni Marcus kay Calista habang tinitingnan ang nakaumbok na nitong tiyan. Sa tuwing tinitingnan niya ang buntis na kaibigan ay hindi pa rin siya makapaniwala na halos magsisiyam na buwan na pala ang lumipas. Pakiramdam niya kasi ay kahapon lang nangyari ang lahat dahil sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang sakit ng pagkawala ng minamahal niyang si Hera."She will become a half-breed..." Tiningnan siya ni Calista, nakapatong ang isang palad nito sa tiyan. Nakaupo ito sa tabi ng bintana at sinusulyapan ang bilog na buwan. "Magiging katulad mo siya since you are also not a naturally born werewolf. Hera turned you."Napakunot-noo si Marcus. "Ganoon ba iyon?"Nagkibit-balikat si Calista. "Siguro?""Wala bang naging kaso noon sa inyo na katulad nang sa iyo?""There was. We have these neighbors before. Mag-asawa sila. Iyong babae ay isang normal na tao samantalang taong-lobo naman iyong lalaki..." Bahagyang inayos ni Calista ang pagkakaupo dahil nararamdam
"SHE'S so tiny," nakangiting wika ni Calista habang lumuluhang tinititigan ang kaniyang sanggol sa kaniyang bisig. Nakabalik na sila ni Marcus sa bahay at kasalukuyan siyang inaasikaso nito."Ano'ng itatawag mo sa kaniya?" tanong ni Marcus habang dinadampian ng bimpo sa mukha si Calista upang punasan ang pawis nito.Napangiti si Calista at saglit na nag-isip hanggang sa naalala niya ang pag-uusap nila noon ni Clyde.(Flashback)"I want to have ten kids! All girls!" excited na sabi ni Clyde nang pag-usapan nila ni Callie ang tungkol sa hinaharap nila. Nakahiga siya sa trunk ng kaniyang kotse at nakaunan sa binti ni Callie."Ten?! Clyde, ano'ng tingin mo sa akin? Inahing baboy? At bakit lahat babae? Ayaw mo ng lalaki?" Marahang tinampal-tampal ni Callie ang pisngi ni Clyde.Tumawa si Clyde. "Well, since I am a guy, alam ko na kung gaano kapilyo ang mga batang lalaki lalo na kapag lumaki na sila. Baka manahin pa nila ang pagkasira-ulo ko noon."Natawa si Callie sa naging tugon ni Clyde a
13 years later..."KAILAN po kayo babalik ulit, Mommy?" nakangiting tanong ni Morgan sa Mommy Aimen niya na kausap niya through a video call.Matagal nang naninirahan sa ibang bansa si Aimen at doon na rin ito nakabuo ng sarili niyang pamilya. Natupad na rin nito ang pangarap na maging isang fashion designer. Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya, taon-taon pa rin itong umuuwi para bisitahin ang kapatid niyang si Allen at ang anak na si Morgan. Mabilis namang nakapag-adjust si Morgan sa set-up nila. Matalino ito at nauunawaan nito na hindi katulad ng ibang mga normal na tao ang pamilya nila.["Miss mo na ba ako, huh, baby?"] nakangiting tanong ni Aimen kay Morgan."Mom, dalaga na po ako," kakamot-kamot sa batok na sabi ni Morgan.Natawa nang mahina si Aimen pagkatapos, umiling-iling. Napangiti naman si Morgan nang bigla na lang sumulpot sa screen ang mukha ng tatlong taong gulang na kapatid niyang si Kenny. Nakisingit na rin ito sa pag-uusap nila ng Mommy Aimen niya. Sandali
MULA sa loob ng nakaparadang van, tahimik na tinatanaw nina Calista at Althaia sina Aimen, Clyde, at Morgan na masayang magkakasama sa parke. Karga-karga ni Clyde si Morgan habang si Aimen naman ay nakangiting pinupunasan ang palibot ng labi ni Morgan dahil sa kumalat ang kinakain nitong ice cream.Sinulyapan ni Althaia si Calista na nakaupo sa shotgun seat. Nakangiti man ay nabakas niya sa mga mata nito ang inggit kina Clyde at Aimen. That was her dream—ang bumuo ng pamilya kasama si Clyde. Subalit tila sa ibang tao na ng lalaki tutuparin iyon.Ibinalik ni Althaia ang tingin kina Aimen at saka muling sinariwa ang huli nilang pag-uusap.(Flashback)Halos kinse minutos nang nakaupo sa bintana ng kusina si Althaia subalit hindi pa rin napapansin ni Aimen ang presensya niya sa lalim ng iniisip nito. May hinuha siya sa dahilan ng paglalayag ng isip nito."I heard nagkita na kayo."Pumuno sa buong kusina ang tunog ng pagkabasag ng pinggang hawak ni Aimen nang magulat sa biglang pagsasalita
ILANG metro mula sa mga taong-lobong nagsasayawan sa palibot ng malaking siga, nakaupo sa isang malaking troso si Calista katabi sina Althaia at Mang Sebastian. Tahimik lamang na pinanonood ng mga ito ang mga katribo sa kanilang mga ginagawa.Hindi magkamayaw ang tuwa na nararamdaman ng mga taong-lobo sa muling pagbabalik ni Calista. Sa gitna ng gubat, naghanda ang mga ito ng sari-saring pagkain at ipinagdiriwang ang ligtas na pagbabalik nito.Noong araw na naganap ang pakikipagsagupaan ng mga taong-lobo laban sa mga sundalo ng WW-Force, nang humupa ang labanan at nakaalis na ang mga sundalo, bumalik si Althaia kasama ang ilan sa mga katribo niya para kunin ang katawan ng mga nasawi nilang kasamahan.Hinukay nila ang mga bangkay ng mga ito sa pinaglibingan ng mga kalaban at doon natuklasan nila na may ilan pa sa mga kasamahan nila na buhay at kasama na roon si Calista. Bagama't kalunos-lunos na ang sinapit, nabigyan ng pag-asa si Althaia nang matuklasan na may pulso pa ito.Ilang buwa
NAPAKO sa kinatatayuan si Clyde. Nakatulala kay Calista. Bahagyang bumukas ang bibig niya para magsalita subalit wala siyang mahagilap na salita sa rami ng gusto niyang sabihin at itanong kay Calista.Nakangiting lumapit si Calista sa hapag at inihain ang mga niluto. "Morgan honey, breakfast's ready."Mabilis namang binitawan ni Morgan ang mga laruan at patakbong lumapit kay Calista. Inilalayan naman ito ni Calista na makaupo sa upuan na bahagyang may kataasan. Bumaling ito sa kaniya at muli siyang nginitian. "What are you waiting for? Maupo ka na para makakain na tayo.""Y-you... you..." Hindi niya pa rin malaman ang dapat sabihin. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito ngayon. Nanaginip ba siya? Totoo bang buhay si Calista?Bahagyang humaba ang nguso ni Calista na para bang nagtatampo nang hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Should I just leave? Akala ko pa naman matutuwa kang makita ako.""Daddy, let's eat! I'm hungry."Sabay silang napalingon kay Morgan. Nakatingi
MABILIS na nagtago si Aimen sa likod ng sasakyan nang lumingon sa direksyon niya si Clyde. Nasa kabilang panig siya ng kalsada samantalang si Clyde naman ay nasa tapat ng kindergarten at katatapos lamang nitong ihatid si Morgan.Tutop ang bibig at tahimik na umiyak si Aimen. Sobrang nangungulila na siya kay Morgan. Mahigit isang buwan nang ganoon ang ginagawa niya. Palihim niyang sinusundan sina Clyde at Morgan kahit saan magpunta ang mga ito para lang masigurong maayos ang lagay ng mga ito.Malaki na ang nagbago kay Clyde. Nakapag-adjust na ito. Kagaya ng sinabi ni Aimen kina Allen at Althaia, naging mabuti ang epekto kay Clyde nang nasa poder na nito si Morgan. Hindi na ito nagkukulong sa kwarto at nakakangiti na rin paminsan-minsan. At para naman matustusan ang pangangailangan ni Morgan, naghanap na rin ito ng trabaho. Noong una, pumasok ito bilang salesman sa isang department store. Ngayon naman ay nagtatrabaho na ito sa isang maliit na academy bilang isang coach sa taekwondo ng
"YOU did what?!" Galit na naibalibag ni Althaia ang maliit na mesa sa harapan matapos marinig ang sinabi ni Aimen. Ibinigay nito kay Clyde si Morgan. Galit siya. Galit na galit. Tumayo siya sa kinauupuang sofa at nanggigil na itinaas ang mga kamay. Gusto niyang sakalin si Aimen pero pinilit niyang kontrolin ang sarili. "Idiot, idiot, idiot! Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala ni Calista ang anak niya sa mga hangal na tulad niyo!"Tumayo rin si Allen sa sofa at nakasimangot na tiningnan si Althaia. "Hoy, alam kong galit ka but that's rude..." Nakakunot siyang bumaling kay Aimen. "Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ni Ate pero pag-usapan natin ito nang maayos."Huminga naman nang malalim si Aimen, saka naupo sa sofa. Wala siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Naniniwala siya na iyon ang makabubuti para kay Clyde."Tell me, ano'ng masamang espiritu ang sumapi sa 'yo at binigay mo ang pamangkin ko sa lalaking iyon? You know he's unstable!" bulyaw ni Althaia.Tumango naman si Allen, sa
PABAGSAK na napaupo sa upuan si Allen. Nakahinga na siya nang maluwag nang sabihin ng doktor na malayo na sa panganib si Clyde. Buong akala niya talaga ay hindi na ito aabot pa ng buhay sa ospital sa dami ng dugong nawala rito. Tiningnan niya si Clyde sa hospital bed. Payapa itong natutulog ngayon. "You fool," mahinang sambit niya, saka bumaling kay Althaia na tahimik lamang na nakatayo sa isang tabi habang nakatingin din kay Clyde. Muli na naman siyang inusig ng kaniyang konsensya habang pinagmamasdan ito. Nang nakita niya kasi ito kanina sa harapan ni Clyde sa ganoong sitwasyon, ang unang pumasok sa isip niya ay ito ang salarin sa nangyari. Subalit nalaman niya na sinundan lang pala nito si Clyde dahil may kutob ito na may gagawin na naman itong hindi maganda. At tama nga ito dahil pagdating nila sa bahay ni Clyde ay halos katatapos lamang nitong maglaslas. "Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit mo siya sinubukang iligtas?" tanong niya kay Althaia.Mula kay Clyde, lumipat ang walang
"WHAT is happening to Morgan?" nag-aalalang tanong ni Aimen kay Althaia. Matapos sabihin sa kaniya ni Clyde ang tungkol sa sinabi ni Morgan na alam na nito na siya ang ama nito ay ipinatawag niya kaagad kay Allen si Althaia. Nag-aalala rin siya dahil sa murang gulang ay nagpapakita na si Morgan ng mga katangian ng isang taong-lobo. "Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-shift?"Mula sa bintana, lumapit si Althaia kay Aimen at naupo sa tabi nito sa sofa. "Maybe she's an early shifter," sabi niya, saka ipinahinga ang mga braso sa tuhod at pinagsiklop ang mga daliri. Masama ang tinging ipinukol niya kay Clyde na nakaupo naman sa kasalungat nilang sofa. Galit pa rin siya rito."Is there such thing?" naguguluhan namang tanong ni Allen na katabi ni Clyde sa sofa.Umirap si Althaia at nagpakawala ng buntonghininga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso at tiningnan ang mga kasama. "That was just my theory. Kung mayroong late shifters then there's a probability na mayroon ding early shifter
HALOS mag-iisang oras nang nakatitig si Clyde sa lubid na nakalapag sa sahig sa loob ng kaniyang silid. Sa tabi naman niyon ay ang isang nakatumbang maliit na silya at ang nahulog na ceiling fan.Mugto ang mga matang kinuha ni Clyde ang bote ng alak na nakalapag sa sahig at tila uhaw na uhaw na nilagok ang buong laman niyon. Pagkatapos, hinimas niya ang kaniyang leeg na may marka niyong lubid. Kani-kanina lamang kasi ay sinubukan niyang wakasan na ang sariling buhay. Subalit sa ilang minuto pa lamang na lumipas na nakabigti, bago pa man siya tuluyang nalagutan ng hininga ay biglang bumigay iyong ceiling fan kung saan niya itinali iyong lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at maudlot ang plano niyang pagpapakamatay.Habang nakasalampak sa sahig, lumuluha na dinampot ni Clyde ang larawan ni Calista na nakalapag sa kaniyang tabi."Ano na'ng gagawin ko, Callie? Parang pati si Kamatayan ayaw na rin akong pakinggan."*****"SAAN ka pupunta ng ganitong oras?" usisa ni Allen kay Aimen nan