"NARINIG niyo na ang balita? May tagarito raw sa university na nabiktima ng taong-lobo."Napahinto sa pagbabasa si Aimen nang marinig ang pinag-uusapan ng mga kaklase. Pasimple niyang nilingon ang nagsasalita subalit nang mapansin siya nitong nakatingin sa kanila ay sinamaan siya nito nang tingin. Binalik niya na lamang ang tingin sa librong hawak at nagpanggap na nagbabasa pa rin habang nakikinig sa usapan ng mga ito."Baka naman fake news 'yan! Hello? Nasa siyudad kaya tayo. Paano namang makakarating dito ang mga taong-lobo?" narinig ni Aimen na tugon ng kausap do'n sa unang nagsalita. "At saka wala naman akong napapanood o kaya naririnig sa balita." "Totoo ang sinasabi ko! Sundalo ang kuya ko sa WW-Force. He was supposedly on leave yesterday but he was summoned back to his camp because of this issue. Sabi nga raw ay ilang araw na nangyari iyon pero hindi lang inilabas sa media para hindi mag-panic ang mga tao.""Fine, if you insist," tumatawang tugon ng kausap niyong babae, halata
"HENRY nga pala, pare."Ilang segundo munang nakakunot na tinitigan ni Clyde ang nakalahad na kamay ni Henry bago ito kinamayan."Clyde," matamlay niyang tugon saka ibinaling sa ibang direksyon ang tingin. Wala siya sa kondisyon para maghanap ng bagong kaibigan lalo pa't nagluluksa pa rin siya ngayon."I'm new in this town and I'm impressed! Napaka masayahin at welcoming ng mga residente rito. Tama nga sila, maganda ang lugar na 'to.""Well, I hope you enjoy your stay here," tugon niya sabay inom ng beer."Maganda ngunit may itinatagong misteryo," dagdag ni Henry kasabay ng pagngiti niyang may kabuluhan.Napaisip man sa sinabi ni Henry, hindi na lamang iyon tinugunan ni Clyde para hindi na humaba pa ang kanilang pag-uusap."I saw you earlier..." biglang sabi ni Henry dahilan para mapalingon ulit sa kaniya si Clyde, "sa sementeryo."Tumango si Clyde at ipinagpalagay na lang na isa si Henry sa mga nakipaglibing."Kamag-anak ka ba ng mga Gomez?" tanong niya.Nakangiting ikinibit ni Henry
NANG nakalabas na ng bahay ay unti-unti na ring bumilis ang mga hakbang ni Calista hanggang sa hindi niya na namalayan na tumatakbo na pala siya. Bigla siyang napahinto nang matanaw si Marcus na nakatayo sa tabi ng isang puno sa kaniyang unahan. "Paano siya napunta riyan?" nagtataka niyang tanong dahil buong akala niya ay natutulog ito nang iwan niya sa bahay.Sa kabila ng napakadilim na paligid, dahil sa pambihira nilang kakayahan na makakita pa rin nang malinaw sa dilim ay nakita niya ang madilim na ekspresyon ng mukha ni Marcus. Kaagad siyang pinagpawisan at napalunok."At saan mo naman planong pumunta nang ganitong oras?" walang kangiti-ngiting tanong ni Marcus habang humahakbang palapit kay Calista. Bawat distansiyang natatawid nito ay nagdudulot nang matinding kabog sa dibdib ni Calista."Hayaan mo na ako, Marcus please," lakas-loob na pakiusap ni Calista."Napaka makasarili mo, Calista." Bakas ang galit sa mukha ni Marcus hanggang sa huminto na ito sa harapan ni Calista."Call
"BAKIT iniwan mo pa nang buhay ang lalaking iyon?" tanong ng kamiyembro ni Henry sa kaniya habang naglalakad na sila papasok sa gubat ng Montgomery. Si Clyde ang tinutukoy nito."Isang malaking pribiliheyo para sa lalaking iyon ang kamatayan. Bakit ko iyon ibibigay sa kaniya?" Nakangising tugon ni Marcus. "Hayaan natin siyang magdusa habang-buhay.""Eh, paano sina Calista at Marcus? Hindi na ba natin sila hahanapin?"Sa ilang araw na pagmanman ni Henry kay Clyde ay napagtanto niya na nakaalis na si Calista dahil hindi niya naramdaman ang presensya nito. Ni hindi nga rin ito nagpakita kahit noong burol ng mga magulang ni Clyde. Naisip din ni Henry na marahil ay nagtatago na ngayon ito kasama si Marcus pagkatapos ng mga nangyari. Sigurado siyang malaki ang naging epekto sa mga ito sa ginawa nila sa mga mahal nito sa buhay. Bukod do'n ay hindi naman sapat ang lakas ng mga ito para labanan sila kaya hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon sa mga ito."It's just a waste of time kung hahanap
"MAGIGING katulad ba natin siya?" usisa ni Marcus kay Calista habang tinitingnan ang nakaumbok na nitong tiyan. Sa tuwing tinitingnan niya ang buntis na kaibigan ay hindi pa rin siya makapaniwala na halos magsisiyam na buwan na pala ang lumipas. Pakiramdam niya kasi ay kahapon lang nangyari ang lahat dahil sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang sakit ng pagkawala ng minamahal niyang si Hera."She will become a half-breed..." Tiningnan siya ni Calista, nakapatong ang isang palad nito sa tiyan. Nakaupo ito sa tabi ng bintana at sinusulyapan ang bilog na buwan. "Magiging katulad mo siya since you are also not a naturally born werewolf. Hera turned you."Napakunot-noo si Marcus. "Ganoon ba iyon?"Nagkibit-balikat si Calista. "Siguro?""Wala bang naging kaso noon sa inyo na katulad nang sa iyo?""There was. We have these neighbors before. Mag-asawa sila. Iyong babae ay isang normal na tao samantalang taong-lobo naman iyong lalaki..." Bahagyang inayos ni Calista ang pagkakaupo dahil nararamdam
"SHE'S so tiny," nakangiting wika ni Calista habang lumuluhang tinititigan ang kaniyang sanggol sa kaniyang bisig. Nakabalik na sila ni Marcus sa bahay at kasalukuyan siyang inaasikaso nito."Ano'ng itatawag mo sa kaniya?" tanong ni Marcus habang dinadampian ng bimpo sa mukha si Calista upang punasan ang pawis nito.Napangiti si Calista at saglit na nag-isip hanggang sa naalala niya ang pag-uusap nila noon ni Clyde.(Flashback)"I want to have ten kids! All girls!" excited na sabi ni Clyde nang pag-usapan nila ni Callie ang tungkol sa hinaharap nila. Nakahiga siya sa trunk ng kaniyang kotse at nakaunan sa binti ni Callie."Ten?! Clyde, ano'ng tingin mo sa akin? Inahing baboy? At bakit lahat babae? Ayaw mo ng lalaki?" Marahang tinampal-tampal ni Callie ang pisngi ni Clyde.Tumawa si Clyde. "Well, since I am a guy, alam ko na kung gaano kapilyo ang mga batang lalaki lalo na kapag lumaki na sila. Baka manahin pa nila ang pagkasira-ulo ko noon."Natawa si Callie sa naging tugon ni Clyde a
HINDI pa rin lubos makapaniwala si Aimen na kaharap niya ngayon si Calista na buong akala niya ay ilang buwan ng patay. Hindi maalis-alis ang mga mata niya rito habang nakaupo ito sa sofa karga-karga ang anak na si Morgan. Wala pa ring kupas ang ganda nito kahit pa isa na itong ina ngayon.Ang mas lalo pang nagpagulat sa kaniya ay ang mga isiniwalat nito tungkol sa mga nangyari sa buhay nito noon sa Montgomery at sa mga nangyari nang gabing namatay rin ang mga umampon dito sa kan'ya."Can you take care of my Morgan, Aimen?" biglang tanong sa kaniya ni Calista nang hindi man lang inaalis ang tingin sa anak.Nagulat siya. "W-what do you mean?"Tiningnan siya ni Calista. Nagmamakaawa ang mga titig. "Pwede ko bang iwanan sa'yo ang anak ko?"Napalunok siya at nag-alangan. "H-ha?"Batid ni Calista ang pag-aalinlangan ni Aimen. Hindi rin naman kasi madali ang hinihingi niyang pabor.Umusog siya palapit kay Aimen at hinawakan ang kamay nito. "Ikaw lang kasi ang naiisip kong pwede kong pag-iwan
"I TOLD you to dodge it, Marcus!" natatawang sigaw ni Calista kay Marcus nang muli niyang tamaan ang mukha nito ng hawak na espadang yari sa patpat. "Isang buwan na tayong nagsasanay how come na hindi mo pa rin ma-anticipate ang mga susunod kong galaw?"Inunat-unat ni Marcus ang leeg at nginisihan siya. "Pinagbibigyan lang kita, Calista. Huwag kang masyadong makampante."Tinawanan lang ito ni Calista. "Whatever you say, Marcus."Binitawan ni Marcus ang hawak na patpat at hinubad ang suot na t-shirt dahilan para malantad ang upper body nito. Hard and mascular."Mas gusto ko pang kabisahin ang mga skills ko bilang isang lobo. Mas madalas makipaglaban sina Henry sa anyong lobo kaya sa tingin ko mas mainam kung mas sasanayin mo ang mga kakayahan mo bilang isang lobo. Kailangan natin silang tapatan, Calista."Umikot ang mga mata niya at umiling-iling. "I will fight them in my human form, Marcus. In that way, mahihirapan silang mahulaan ang mga ikikilos ko lalo pa't kahit paano ay may alam n