Wala si Gideon sa silid-aralan nito nang pumasok sila sa loob. Kanina pa sila naghihintay pero walang pumasok na Professor. Kung hindi pa niya pinigilan si John Drail sa paglabas-masok ay talagang magsisialisan ang mga ka-block niya.
Kanina pa nga niya hawak ang Iphone at nababagot na siya sa kaka-browse sa Facebook. In-exit niya ang app at tiningnan ang Homescreen. Lumukso ang interes niya nang mapatingin sa logo ng Bokipad.
'Let's try this app.'
Binuksan niya 'yon at hinanap ang profile ng favorite writer niya. Pumili siya ng isang erotic romance story at binasa. Nasa kalahati na siya ng Chapter 15 nang biglang tumili si Madeline — ang block President.
"Omg! Sorry guys! May tinext pala si Prof Gideon na tatlong activity!"
Natahimik ang loob at napatingin ang lahat kay Madeline.
"Ba't di mo sinabi, Mad?"
"Naman. Akala ko free time. Tss."
"Busy ka ngayon?" tanong niya. Nag-iwas din siya agad ng tingin.Ngumiti si Simoen at namumungay ang mga matang pinasadahan ng kamay ang buhok. "I have a practice. Pero nagustuhan mo ba ang binigay ko?" bulong nito.Tumango siya. Napalunok at pinaglaruan ang sariling manggas ng uniporme. "Yeah. But don't expect that I'll forget what you've done. I invited you here... to ask you something."Langong ngumiti si Simoen at sumandal sa dingding ng Science and Technology building. Naisip niyang dalhin ito sa flower garden dahil hindi matao at tahimik.Huminga siya nang malalim. "May pininta ka na mas malaki sa binigay mo nang isang araw?""Matagal na. 2 years ago.""2 years ago," bulong niya. "Nasa'n na ngayon ang portrait?"Ngumiti si Simoen at tumingala. "Nawala, Laine. Limang buwan kong pininta ang portrait. Inilagay ko rito sa flower garden para sana sopresah
"Wala pa rin si Prof Gideon, Prof Elise?"Marahang umiling si Elise. "Wala pa, e. Nag-text siya kahapon na stranded siya sa Mandaue. Narinig ko naman sa radyo kaninang umaga na bumigay 'yong underground canal sa isang parte sa Consolacion. Bumaha. Inaayos pa ng otoridad." Bumuntong-hinga ito. "Don't worry. Baka mamaya o bukas, makakabalik na si Gideon, iha.""Iha?"Tumawa bigla si Elise. "Sorry, sorry. Sige na, patapos na ang lunch break.""Okay, Prof. Thanks."Agad siyang umalis ng Faculty, bumaba sa hagdanan, at malalaki ang hakbang na lumabas sa Administrative building.Last week pa wala si Gideon. Martes na ngayon, at ilang araw na niyang iniinda ang anxiety attack na nararamdaman niya tuwing nakakasalubong si Simoen o di kaya'y si Sheena sa hallway.Nagpapasalamat na lang siya at hindi pa kumakalat ang balitang kasal na siya. Hindi nga lang niya alam kung ma
Dahan-dahan niyang pinasadahan ng daliri ang nagulong buhok. Kumikirot ang anit niya at namamaga ang pisngi niya sa lakas ng sampal ni Sheena kanina. Quits lang yata sila. Nakikita niya mula sa kinauupuan ang namumulang marka ng palad niya sa pisngi nito."You!" ani Sheena. "You can't get away with this!" Inis itong tumili. "May exam pa ako sa Physics!""Ms. Marquez, hush a little okay? Tatawagan ko pa ang magulang mo."Sabay silang napatingin ni Sheena sa Guidance Counselor."You shouldn't call my parents!" hysteria ni Sheena."They shouldn't be here, Mrs. Policarpio. You shouldn't call them," pigil ang hiningang sambit niya.Kung papupuntahin sa UDM ang mga magulang ni Sheena, malamang ay tatawagan din nito ang mga magulang niya. Hindi niya gustong magpunta sa UDM ang Mama at Papa niya dahil siguradong hihilain siya ng mga ito pauwi sa Mansiyon. Hindi pa niya nakakausap ang mga 'to matapos malaman ang sikretong pagbabasa niya ng erotica.
Umirap siya at sumimangot. "Fine. Si Sheena."Pinatunog nito ang dila. "I see. It's good to know that it wasn't you who started the fight."Nanlaki ang mga mata niya. "Talagang nasisiyahan ka?" Natawa siya. "Seeing me like this doesn't bother you? What kind of husband are you?"Marahang ngumiti si Gideon at lumapit sa kaniya. Pinatong nito ang kamay sa tuktok ng ulo niya pero inis niya 'yong tinabig."Wala akong sinabing ganiyan. I am happy to know that my wife is not a warfreak student. Lapitin lang talaga ng gulo," sabi ni Gideon.Umismid siya. "Si Sheena lang naman ang may galit sa akin."Tumango-tango si Gideon. "And why would she be?"Bago pa man siya makaimik ay nakita niya ang nurse na papalapit sa kanila. Tinikom niya ang bibig."Deon, inaaway mo ba ang pasyente ko?" tanong ni Nurse Julie.Kumunot ang noo ni Gideon. "Hindi.
"So two weeks kayong magsasama ni Sheena?"Napaubo siya. Agad namang inabot ni Hazel ang mango juice. Huminga siya nang malalim matapos lumagok. "You make it sound ridiculous.""Ridiculous?" Bumaling si Hazel sa dalawa pa. "Girls, may nakakatawa ba?"Dahan-dahang umiling si Tiara. "None but Laine, how come? Ni hindi ka man lang pinagtanggol ni Simoen? You know, siya naman talaga ang pinag-aagawan niyo, right?"Tumango si Gabbi bilang sang-ayon sa sinabi ni Tiara. "Akala ko ba mahal ka no'n?"Ngumuso siya. "Nag-alala siya.""Nag-alala lang?" takang tanong ni Hazel. "Dapat kinausap niya 'yong guidance, o di kaya 'yong parents ni Sheena para i-pardon ka," dagdag nito.Nagkibit-balikat siya. "Ayoko rin naman tumanggap ng tulong sa kaniya."Ngumisi si Gabbi. "Uy, ma-pride si Laine."Napailing si Tiara. "If I were you, tinanggap ko
"Laine?!"Marahan siyang ngumiti kay Tiara at humarap kay Gideon. Bahagya siyang yumuko. "Salamat sa paghatid, Professor."Nanatiling nakatitig sa kaniya si Gideon at maya-maya pa'y tumango. "Are you sure you don't want to visit the clinic?"Umiling siya. "I'm fine. Wala namang sugat saka... I don't want to see Nurse Julie.""Julie..." Tumango si Gideon. "I understand. I'll better go." Sumulyap pa ito sa tatlong kaibigan niya bago tumalikod at naglakad palayo.Bumuntong-hinga siya. Of course, naintindihan ni Gideon. Hindi naman siguro manhid 'yon para hindi malamang not in good terms sila ni Nurse Julie."Laine! Laine? Did you jump on a cliff? Or dive in a muddy pod? Laine naman, you look so pathetic!" sabi ni Tiara.Umiling siya. Wala siya sa mood para makipagkuwentuhan sa tatlo. Isa pa, gusto niyang tawagan si Gideon. Alam niyang may naiisip i
"Take this."Napatingin siya sa inabot ni Gideon at nangunot ang noo niya. "What's that for?""I don't want you to starve yourself. Pinatanggal ko ang dormitory and other facilities fee sa scholarship grant. Kailangan mong bayaran ang ibang pasilidad pati na ang canteen. Gamitin mo 'yan."Tinanggap niya ang credit card at isinuksok sa bulsa ng pants. Umibis siya ng sasakyan at naglakad sa unahan ng hood ng Navarra. Tumingala siya sa bahay ni Gideon na nagliliwanag sa dilim. Narinig niya ang pagbukas-sara ng driver's door at naramdaman niya itong tumayo sa gilid niya."I'm back," bulong ni Jewel."Let's get inside." Naunang humakbang papasok sa gate si Gideon.Humabol siya at hinawakan ang sleeve ng polo nito. "H-Hey."Lumingon ang lalaki sa kaniya. "What is it?"Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. "I want to say thank you."Inabot
Nilapat niya ang hintuturo sa mga labi para patahimikin si Dalya. Nakagat niya ang labi at sinenyasan itong tumakbo papasok sa kuwarto niya."Kailangan mong gumising ng alas-kuwatro bukas. Hindi mo naman gustong mawalan ng tuluyan ang Municipal scholarship, hindi ba? Jewel? Jewel nakikinig ka ba?"Bumaling siya ulit kay Gideon at mabilis na tumango. "Of course, I'm listening. Hindi naman ako bingi." Hilaw siyang tumawa.Naningkit ang mga mata ni Gideon sa kaniya. "Namumutla ka. May sakit ka ba?""Wala! Wala... ano ka ba! Nag-alala ka naman agad," natatawa niyang saad. Pasimple niyang pinahid ang namuong pawis sa noo. "Okay, are you done? I need to go back to my room. You know... magchi-chitchat pa kami ng friends ko."Nangunot ang noo ni Gideon. "Akala ko ba pinutol mo na ang pagkakaibigan niyo?"Nanlaki ang mga mata niya at ngumiti. "Of course, puputulin ko pa. You know..