Madilim-dilim ang paligid kahit alas-cinco pa lang ng hapon. Marahil ay dahil 'yon sa papasok na Low Pressure Area na ngayon ay nasa timog-silangang bahagi ng Samar. Inaasahan na lalabas ang LPA sa Philippine Area of Responsibility sa weekend, ayon sa News.
Ilang minuto pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Mabigat ang bagsak niyon pero hindi nagpatinag si Jewel. Determinado siyang naglakad sa ilalim ng mabagsik na ulan at pabugso-bugsong hangin.
Dumadagundong ang kulog at ilang segundong nagliwanag ang kidlat sa kalangitan. Napalunok siya at nagpatuloy sa paghakbang.
Pinuntahan niya ang faculty office para makita si Gideon pero sinabi ng faculty staff na wala roon ang hinahanap niya. At malamang ay nasa Agriculture building.
Bumuntong-hinga siya at pumasok sa gusali. Isinara niya ang payong at isinabit sa umbrella section na nasa gilid ng entrada. Niyakap niya ang sarili at naglakad papunta sa elevator. Sumakay
Minura niya ito. "Shut up, you freak! I don't need you!"Humikbi siya at nanlalabo ang paninging bumaba sa hagdanan. Binilisan niya ang pagbaba nang marinig niya ang yabag ni Gideon na humahabol pa rin sa kaniya.Pagbaba sa 6th floor ay may tumawag kay Gideon. Nagpatuloy siya sa pagbaba hanggang maabot niya ang 1st floor. Hingal siyang huminto at lumingon sa likuran. Wala si Gideon. Malamang nasa 6th floor pa ito at kausap ang babaeng tumawag dito.Inis niyang pinahid ang basang pisngi at kunot ang noong naglakad papunta sa entrada."Jewel Laine."Nahigit niya ang hininga. Napalingon siya sa elevator. Mula sa bukas na pinto ng elevator ay humakbang palabas si Gideon. Madilim ang awra nito habang humahakbang papalapit sa kaniya."I'm talking to you, Jewel Laine. Don't make me chase you."Nanlaki ang mga mata niya at walang pagdadalawang-isip na tumakbo palabas ng
Linggo. Kakatila pa lang ng ulan at puno pa ng hamog ang kakahuyan sa tapat ng College of Technology. Tahimik siyang naglalakad sa harapan ng Treesury-isang maliit na kakahuyang nagsisilbing entrada sa former SHS Department Area. Gusto niya sanang pumasok sa loob para bisitahin ang parte ng UDM kung saan siya nag-aral ng Senior High. Kaso nakita niyang nakasarado ang tarangkahan sa gitna ng maliit na kakahuyan.Dumiretso na lang siya sa tuwid at sementadong daanan pabalik sa dormitoryo. Pero ilang hakbang pa lang ay nahinto siya nang makita sina Tiara, Gabbi, at Hazel. Nagtatawanan ang mga ito habang tumatakbo papunta sa gawi niya. Ang mas nakakagulat ay nasa likuran ng mga ito si Simoen.Hingal na huminto sa harap niya ang tatlong kaibigan. Bigla na lang siyang hinila ni Tiara sa gilid."Are you and Simoen..." sabi nito."No," tanggi niya."No?""Yeah. Ba't nandito 'yan?" tanong niya saka saglit na lumingon kay Simoen.Humalukip
Bumuntong-hinga siya at naunang pumasok sa Specialized building. Nasa first floor ang canteen, second floor ang locker room, habang nasa 7th floor ang function hall.Wala pa sa kalahati ng populasyon ang nasa loob kaya malaya siyang nakakagalaw. Mabilis siyang pumila para maka-order at makaalis agad ng canteen. Sigurado siyang ilang minuto pa ay mapupuno na naman ang canteen. At may isang tao siyang iniiwasan lalo ngayong nasa iisang mesa lang sila ni Simoen.Hindi rin nakakatulong ang titig nito sa kaniya. Kahit sumusubo ay nakatitig pa rin ito kaya halos hindi niya nagagalaw ang pagkain.Nabigla siya nang magsalita si Tiara. "Hey, boy, pakainin mo naman ang friend namin."Nakahinga siya nang maluwag nang mawala sa kaniya ang titig ni Simoen at napunta kay Tiara. Ngumiti ito. "Kung gusto mo, susubuan ko siya."Nanlaki ang mga mata ni Tiara at napatingin sa kaniya. Bago pa man ito makaimik ay m
Wala si Gideon sa silid-aralan nito nang pumasok sila sa loob. Kanina pa sila naghihintay pero walang pumasok na Professor. Kung hindi pa niya pinigilan si John Drail sa paglabas-masok ay talagang magsisialisan ang mga ka-block niya.Kanina pa nga niya hawak ang Iphone at nababagot na siya sa kaka-browse sa Facebook. In-exit niya ang app at tiningnan ang Homescreen. Lumukso ang interes niya nang mapatingin sa logo ng Bokipad.'Let's try this app.'Binuksan niya 'yon at hinanap ang profile ng favorite writer niya. Pumili siya ng isang erotic romance story at binasa. Nasa kalahati na siya ng Chapter 15 nang biglang tumili si Madeline — ang block President."Omg! Sorry guys! May tinext pala si Prof Gideon na tatlong activity!"Natahimik ang loob at napatingin ang lahat kay Madeline."Ba't di mo sinabi, Mad?""Naman. Akala ko free time. Tss."
"Busy ka ngayon?" tanong niya. Nag-iwas din siya agad ng tingin.Ngumiti si Simoen at namumungay ang mga matang pinasadahan ng kamay ang buhok. "I have a practice. Pero nagustuhan mo ba ang binigay ko?" bulong nito.Tumango siya. Napalunok at pinaglaruan ang sariling manggas ng uniporme. "Yeah. But don't expect that I'll forget what you've done. I invited you here... to ask you something."Langong ngumiti si Simoen at sumandal sa dingding ng Science and Technology building. Naisip niyang dalhin ito sa flower garden dahil hindi matao at tahimik.Huminga siya nang malalim. "May pininta ka na mas malaki sa binigay mo nang isang araw?""Matagal na. 2 years ago.""2 years ago," bulong niya. "Nasa'n na ngayon ang portrait?"Ngumiti si Simoen at tumingala. "Nawala, Laine. Limang buwan kong pininta ang portrait. Inilagay ko rito sa flower garden para sana sopresah
"Wala pa rin si Prof Gideon, Prof Elise?"Marahang umiling si Elise. "Wala pa, e. Nag-text siya kahapon na stranded siya sa Mandaue. Narinig ko naman sa radyo kaninang umaga na bumigay 'yong underground canal sa isang parte sa Consolacion. Bumaha. Inaayos pa ng otoridad." Bumuntong-hinga ito. "Don't worry. Baka mamaya o bukas, makakabalik na si Gideon, iha.""Iha?"Tumawa bigla si Elise. "Sorry, sorry. Sige na, patapos na ang lunch break.""Okay, Prof. Thanks."Agad siyang umalis ng Faculty, bumaba sa hagdanan, at malalaki ang hakbang na lumabas sa Administrative building.Last week pa wala si Gideon. Martes na ngayon, at ilang araw na niyang iniinda ang anxiety attack na nararamdaman niya tuwing nakakasalubong si Simoen o di kaya'y si Sheena sa hallway.Nagpapasalamat na lang siya at hindi pa kumakalat ang balitang kasal na siya. Hindi nga lang niya alam kung ma
Dahan-dahan niyang pinasadahan ng daliri ang nagulong buhok. Kumikirot ang anit niya at namamaga ang pisngi niya sa lakas ng sampal ni Sheena kanina. Quits lang yata sila. Nakikita niya mula sa kinauupuan ang namumulang marka ng palad niya sa pisngi nito."You!" ani Sheena. "You can't get away with this!" Inis itong tumili. "May exam pa ako sa Physics!""Ms. Marquez, hush a little okay? Tatawagan ko pa ang magulang mo."Sabay silang napatingin ni Sheena sa Guidance Counselor."You shouldn't call my parents!" hysteria ni Sheena."They shouldn't be here, Mrs. Policarpio. You shouldn't call them," pigil ang hiningang sambit niya.Kung papupuntahin sa UDM ang mga magulang ni Sheena, malamang ay tatawagan din nito ang mga magulang niya. Hindi niya gustong magpunta sa UDM ang Mama at Papa niya dahil siguradong hihilain siya ng mga ito pauwi sa Mansiyon. Hindi pa niya nakakausap ang mga 'to matapos malaman ang sikretong pagbabasa niya ng erotica.
Umirap siya at sumimangot. "Fine. Si Sheena."Pinatunog nito ang dila. "I see. It's good to know that it wasn't you who started the fight."Nanlaki ang mga mata niya. "Talagang nasisiyahan ka?" Natawa siya. "Seeing me like this doesn't bother you? What kind of husband are you?"Marahang ngumiti si Gideon at lumapit sa kaniya. Pinatong nito ang kamay sa tuktok ng ulo niya pero inis niya 'yong tinabig."Wala akong sinabing ganiyan. I am happy to know that my wife is not a warfreak student. Lapitin lang talaga ng gulo," sabi ni Gideon.Umismid siya. "Si Sheena lang naman ang may galit sa akin."Tumango-tango si Gideon. "And why would she be?"Bago pa man siya makaimik ay nakita niya ang nurse na papalapit sa kanila. Tinikom niya ang bibig."Deon, inaaway mo ba ang pasyente ko?" tanong ni Nurse Julie.Kumunot ang noo ni Gideon. "Hindi.
(4 years ago...)Makitid ang daan sa Aisle at halos tingilain na niya ang matatayog na tubo sa magkabilang parte nito. Nakalabas din siya ng mansiyon na walang kasamang alalay. Hindi sa ayaw niyang may kasama pero mas malaya niyang pasyalan ang Aisle kung walang nakabuntot sa kaniya na nagpapaalala kung ano ang dapat gawin bawat minuto. Nakangiti siyang nagpaikot-ikot sa makitid na daan hanggang sa mabangga siya sa isang matigas na bagay. Napahawak siya sa noo at napatingala.Napapikit siya sa liwanag ng araw at nang masanay ay napatitig sa maiitim na mata sa ilalim ng malaking sumbrero. Natigilan siya. Nakapulupot ang matitigas nitong mga braso sa baywang niya para hindi siya matumba."May masakit ba, Miss?" tanong ng lalaki. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.Napalunok siya at napaatras. Bahagya siyang yumuko. "Pasensya na. Hindi ko tinitingnan ang nilalakaran ko.""Sa susunod, 'wag ka nang magpaikot-ikot dito sa Aisle. Makitid pa ang daan at baka mahulog sa ka tubuhan. H
"Laine, doon lang ako sa gilid. Kukuha ako ng drinks!" paalam ni Tiara.Ngiti siyang tumango. Isa-isa na ring nagpaalam sina Gabbi at Hazel. Hinayaan na niya dahil gusto niyang mag-enjoy ang kaibigan niya sa party.Nilibot niya ang paningin. Dim light. May mga inuming nakasilid sa mamahaling baso ang pinapasa sa mga estudyanteng nagsasayaw sa paligid. Malakas din ang tugtog ng stereo."Jewel!" tawag ng kung sino.Lumingon siya at nakita niya si Joseph. Nakangiti ito sa kaniya at hawak ang isang baso."Nasa'n si John Drail?" tanong niya.Nagkibit-balikat ito at inabot sa kaniya ang isang inumin. "Heto, uminom ka muna."Agad niyang tinanggap ang inabot nito at nilagok. Binaba niya ang baso sa katapat na mesa. "Ikaw lang mag-isa?" tanong niya."Nando'n si Drail sa kabila. Kausap ang gf."Tumango siya. May dumaang tagahatid ng drinks sa kanila. Tinawag niya ito at kinuha ang isang basong nasa ibabaw ng tray na ha
Bilog ang buwan. Hindi naman kakitaan ng takot ang mukha ni Jewel. Bagkus, nakangiti siya.Ito ang gabi kung kailan pwede siyang magsaya sa Christmas party ng Unibersidad. Walang restriction. Walang mga matang nakasunod sa kaniya."Bilis, bilis! Late na tayo!" sabi ni Hazel.Natawa siya. "Hindi 'yan. Alas-siyete pa naman kaya hindi tayo late."Nakabukas na ang ilaw sa mga gusaling nadadaanan nila. Malamig din ang ihip ng hangin at dinig niya ang taghoy niyon. Nilanghap ni Jewel ang sariwang simoy ng hangin. Amoy pa niya ang lumot dahil lumiko sila sa boy's dormitory at doon dumaan."Laine, will Simoen be there?" tanong ni Tiara.Nagkibit-balikat siya. "He should be.""Sus, kung nasa'n si Laine, nando'n naman si Simoen," singit ni Gabbi.Napangiti na naman siya. Noong nakaraang buwan lang niya sinagot si Simoen, at saktong ngayong gabi ang first monthsary nila. Wala siyang regalo kay Simoen dahil hindi siya nak
"Excuse me?" Nagusot ang mukha nito saka napabuntong-hinga. "Alam kong maganda ako pero sana naman, Mister, respito. Hindi ako komportableng sinusundan ng tingin."Umiwas siya ng tingin at nagbaba ng tingin sa relong nasa bisig. Pasado alas-dose na ng tanghali. "I should go, Miss." Nag-angat siya ng tingin. "I'm sorry for nuisance."Tumaas lang ang kilay nito saka nag-iwas ng tingin. Mabilis siyang umalis ng Treesury at naglakad papunta sa specialized para kunin ang sumbrero niya sa locker.Hindi na niya nakita si Julie sa locker kaya diretso na siyang lumabas ng UDM. Nilakad niya ang Tindog bridge at pumara ng tricycle doon."Sir, saan ho?""Sa Munisipyo.""Naku, Sir, ibang ruta po ako." Nagkamot ito ng batok saka hilaw na ngumiti. "Hanggang sa Ayl lang ako, Sir."Nagbaba siya ng tingin sa relo. Malapit nang ala-una. Patapos na ang noon break sa Mun
Elise is such a beautiful woman. Her eyes and lips are like diamonds in Gideon's eyes. Maganda ang hubog ng katawan na talagang kinagigiliwan ng kalalakihan.But not in Gideon's case.Nakawala na siya sa pagiging manyakis matapos niyang makilala si Angela sa Mantalongon. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin nawawala sa kaniya ang paghanga sa babaeng may magandang katawan.Girl's body is like a trophy for men, atleast almost but not all.Kaya habang pinagmamasdan niya ang babaeng kasalukuyang nag-o-order sa counter ng canten ay hindi niya maiwasan isipin kung may boyfriend na ito."Hey, Gideon!"Nawala ang tingin niya sa babae at napatingin sa bagong dating. Si Julie. Nakilala niya ito noong enrollment. Transferee galing sa CNU.Ngumiti siya. "Good morning, Julie."Nilapag ng babae ang tray sa tapat niya at naupo. Tiningnan nito ang relo sa bisig. "Almost ten na. Akala ko ba pupunta ka sa munisipyo ngayon?""Pupunt
Malalim na ang gabi pero binabagtas pa rin ng kotse ang coastal road pahilaga ng Cebu. Tahimik lang ang biyahe. At may pagkakataong tanging headlight lang ng kotse ang nagbibigay liwanag sa paligid.Dumaan sila sa Argao, sa Naga, sa Mandaue, at huminto saglit sa Liloan para mag-drive thru sa isang fast food chain na bukas, bago nagpatuloy pahilaga sa Bogo."Gusto mo bang kumain?" tanong niya.Umiling si Gideon. "Just eat."Sinilip niya ang mukha ni Gideon. Nakapokus ang tingin nito sa harap pero kapansin-pansin ang pagod sa mga mata nito. Lumunok siya. Naawa siya sa asawa.Umikhim siya saka nagbukas ng topic para maaliw naman ito. "May Bible ka ba? Gusto kong magbasa."Sumulyap saglit si Gideon sa kaniya. "Sa glove compartment." At binalik ang tingin sa harap.Binuksan niya ang maliit na hinged door sa dashboard at nakita niya ang isang pocketbook size new testam
Warning: Language.~Jewel is curious. There is something in her heart that urges her to read the Bible. Lumunok siya at pinahid ang pinagpawisang kamay.Katatapos lang ng preaching at nandoon si Gideon sa gilid ng mataas na platform ng public audi. Kausap nito si Angela at Sean. Mukhang napaliwanag na nito sa babae ang binintang niya rito kanina.Tumingin siya sa labas ng public audi. Tumama na ang sinag ng araw sa mga puno. Alas-tres na siguro ng hapon."Jewel."Napatingin siya sa tumawag. Si Gideon. Nasa tabi nito sina Angela at Sean.Nagulat siya nang humakbang palapit si Angela sa kaniya at yumakap. Gulat siyang nagpalipat-lipat ng tingin kina Sean at Gideon."I'm glad to know you," bulong ni Angela sa kaniya.Kumurap siya. Namalayan na lang niyang yumakap na siya pabalik kay Angela. May ngiting sumilay sa mga
Naningkit ang mga mata ng Pastor. "Minulat kayong lahat sa mundong ito na puno ng bitag. Sa bawat binabasang porno-grapiya at erotica ay isang hakbang papuntang impyerno. Sapagkat sa bawat istoryang binabasa mo, dahan-dahan kang hinihila palugmok sa kasalanan hanggang sa hindi mo na kayang bitawan at magpapakalulong ka na nang husto sa putik na minamahal mo nang husto!" Napalunok na naman si Jewel. "Galatians 5:19-21, Now the works of the flesh are evident, which are: adul-tery, forni-cation, uncleanliness, lewdness, idolatry, sorcery, hatred, contentions, jealousies, outbursts of wrath, selfish ambitions, dissensions, heresies, Envy, murder, drunkenness, revelries, and the like; of which I tell you beforehand, just as I also told you in time past, that those who practice such things will not inherit the kingdom of God. Sobrang linaw. Hindi makakaakyat sa langit ang sinumang gumagawa ng mga ganiyang bagay. Dahil gusto ng Diyos na maging banal
Una, sex outside marriage o sa ibang salita ay forni-cation. Ito ay ang paggawa niyon nang hindi kayo kasal. Kahit magkasintahan kayo o kaya engage, hindi kayo dapat pumapasok sa ganitong uri ng relasyon dahil malaking kasalanan ang paggawa ng bagay na dapat ay para lang sa dalawang taong ikinasal na. Bawal na bawal 'yan sa Bibliya! Yes, I am afraid that when I come again, God will humble me in your presence. And I will be grieved because many of you have not given up your old sins. You have not repented of your impurity, sexual immorality, and eagerness for lustful pleasure. (2 Corinthians 12:21) Pangalawa, pakikipagtalik sa kaparehong kasarian o homosexuality!" Naningkit ang mga mata ng Pastor. "Ang pakikipagtalik sa kaparehong kasarian ay isang nakakasukang gawain na hindi niyo dapat ginagawa o tinatangkilik! What happened to you? Why do you love to see, read, and proclaim homosexuality?" Huminga nang malalim ang Pastor. "Do you know the story of Sodom and