"Mula sa mga tala hanggang sa buwan, inialay ko kay Bathala ang tayo na walang hanggan."
"Mula sa aking mga mata hanggang sa nadarama, tinuruan mong magmahal ang tulad kong hindi magtatagal"
Ang Moonaustarsiscoma Colorein ay isang komplikasyon sa paningin. Ito ang kauna-unahang visual disorder kung saan pabago-bago ang daloy ng bisyon ng isang pasyente. Mahihirapan siyang makakakita sa umaga na parang bulag at sa tuwing sasapit naman ang gabi ay magiging normal ang kanyang paningin na parang walang dinaramdam. Sa madaling salita, siya ay bulag lamang sa umaga.
Bihira ang naturang sakit at si Larry pa ang nagkaroon ng nasabing komplikasyon. Ang kanyang mga mata ay mag-iibang kulay depende sa liwanag na kanyang matatanggap. Mistulang magiging bright ash green ang kulay ng mga iris nito na kinakailangan niyang magsuot ng isang improvised retinal device upang maprotektahan ang kanyang mga mata tuwing umaga.
Magiging light brown naman ito sa tuwing sasapit ang gabi sapagkat hindi siya makakita ng maayos kapag sobrang madilim ang paligid. Ngunit, may kakahayan naman ang kanyang mga mata na magzoom-in. Ang pagkakaroon niya ng isang magnifying eyesight ay nakadepende lamang kung ito ay kanyang nanaising gamitin, sa halip magagamit lang din niya ito kung siya'y nasa panganib.
Ang labis din ng kanyang pagkakalantad sa sikat ng araw ay mas lalong makakaapekto sa mga symtomas nito. Kaya't siya'y ipinadala sa tinaguriang Pentagon- ang natatanging pribadong pasilidad sa kalusugan na nagsisilbi lamang sa ganitong uri ng kondisyon.
Ito'y pansamantala sana bagamat naging bahay na niya simula sa kanyang pagkabata dahil sa wala pang nakikitang lunas para rito. Mag-isa lang siyang naninirahan sa pasilidad na iyon dahil ipinagbabawal ang posibleng pagkakaroon nang malakas na ingay sa loob na makakaapekto rin sa kanyang pandinig.
Upang panatilihin siyang ligtas, ang nasabing lugar ay nahahati sa dalawang porsyon, ito ay ang surface at ang core. Ang surface ay isang napakalawak na kagubatan na tanging nagpapalibot sa buong outer level ng core. Ito ang natatanging parte kung saan maraming nakapaligid na mga mababangis na hayop upang mas higpitan pa ang seguridad.
Makikita din sa gitna ang magarang pader na namamagitan sa dalawa at sa likod nito ay ang malaparaisong core. Isa rin itong malawak na lupain na kilo-kilometro naman ang layo mula sa mismong pasilidad na halos walang kahit na anong nakabantay maliban sa nakalakip na mga detectors sa paligid, at maging si Larry ay may suot na tracker upang siya'y ma-trace up kung saan man magpunta.
Gumagabay naman sa kanya ang mga robots na denisenyo para siya'y sanayin sa lahat ng dapat niyang matutunan. Kinakailangan niyang manatili sa loob dahil ipinagbabawal ang paglabas sa surface habang pinag-aaralan pa ang kanyang kondisyon. Ang mga awtorisadong tao lang din ang pwedeng makakapasok kapag nangangailangan siya ng tulong at walang kahit na sino ang pwedeng makialam patungkol dito dahil tiyak malalagay sa peligro.
Ang nasabing komplikasyon ay konektado sa kanyang kutak. Nagkaroon naman ng iba't ibang eye test procedures at pag-aaral sa posibleng maging operasyon o kaya alternative ways upang siya'y tuluyan na nang makakita ngunit hindi pa handa ang kanyang katawan para rito. Kinakailangan muna niyang umabot sa edad na beynte anyos upang kanyang makayanan ang mga procedures na iyon.
Habang siya naman ay tumatanda, mas lalo ring umiikli ang kanyang buhay. Ngayon ay isang taon nalang din para sa inaabangan niyang alternative operation, inihanda na ni Larry ang lahat. Siya ay nagpakalusog, nagsanay at nagpakalakas ng katawan sapagkat dumating ang hindi niya inaasahang sandali, may ibang taong nakapasok sa loob ng pasilidad at naganap ang isang malaking pagkakamali.
"May mga pulis, takbo!" Ito na lamang ang tangi niyang narinig matapos pinagkakaguluhan ng kanyang mga kasamahan ang isang bag na kanilang ninanakaw. Dali-dali naman silang kumilos at tumakbo papalayo mula sa may eskinita upang tuluyan nilang iwasan ang mga pulis na nagsisipagdating at naghahabol sa kanila.
Wala pa ring pagbabago ang nangyari at iyon ay paulit-ulit na nagaganap sa buhay ni Feng. Isang palaboy na binatang ulila at pagnanakaw na ang kinagisnang pagkakakitaan nito. Matapos mawala ang kanyang mga magulang sa isang malagim na pangyayari, napilitan siyang ipasagip muna ang kanyang nag-iisang bunsong kapatid na babae sa isang bahay ampunan dahil iyon lang ang tangi niyang alam na paraan.
Sa murang edad, isang miserableng buhay na ang kanyang madidilat araw-araw at sa loob ng napakaraming taon, kung saan-saan na rin siya napadpad. Dahil kinakailangan niyang kumayod araw-araw, maraming kaso na rin ang kanyang hinarap at isa na siya sa mga hinahanap ng mga awtoridad.
"Maghiwa-hiwalay tayo!" Sambit ng isa pa nilang kasamahan.
Dahil ito na ang kanyang nakasanayang buhay, alam na alam na ni Feng ang bawat paraan ng pagtakas. Sinisigurado muna niyang makuha ang ninanakaw na bag saka na siya maghanap ng pagkakataong umiwas sa mga pulis. Mahilig din siyang makipaglaro sa mga ito habang siya'y hinahabol. Iyon lang din ang paraan ng kanyang paghalakhak habang minamasdan ang mga ito na nahihirapan sa kanilang pagalpas.
"Sige pa, habulin niyo pa ako," halakhak niyang pagsisigaw.
Matapos ang nasabing pangyayari, maswerte silang nakaligtas mula sa kamay ng mga pulis. Mabuti na nga lang din na bawat isa sa kanila ay umuuwing matagumpay. Hindi rin nagtagal gaya ng dati nilang kinagisnan, sila'y napatambay agad sa tindahan ni Wang Ying, isang matandang dalaga na itinuring na rin nilang tunay na ina.
"Magmeryenda muna kayo, mga anak," bati nitong nakangiti habang iniabot ang mainit na baozi (siopao).
"Iba ka talaga Nana Ying, sumasarap lagi bawat baozi na gawa mo," pambobola ni Feng.
"Asus, kung alam ko lang nakikipag-alegro na naman kayo sa mga pulis," tugon naman nito.
"Nakajack-pot na naman po kami! Ano po ba ang gusto ninyong iregalo namin, Nana? Chanel, Fendi, Hermes?" Pagbubuhos pa ng pambobola ng isa nilang kasamahan na babae.
"Naku, nag-abala pa kayo. Huwag na. Ang nais ko lang ay ihinto niyo na ang mga kalokohan niyo sa buhay," sagot naman nito sa dalaga.
"Di bale. Kapag mas malaki pa yung jackpot namin sa susunod, bibilhin na namin si Tom Cruise para sa inyo! Pramis po yan," biro pa ng isa nilang kasamahan na ikinatuwa naman nila agad.
"Asuus, kumain na nga lang kayo. Gutom na gutom na yang mga sikmura niyo eh." Awat naman ng matanda habang iniisa-isa ang pag-abot nito sa boslo ng baozi.
"Feng! Feng!" Agad naman silang napalingon nang sumisigaw ang batang si Li Wei sa may hindi kalayuan. Isa rin ito sa kanilang kasamahan at iyon ang nagpatigil sa masayang sandali habang nakuha pang tumayo ng iba pa nilang mga kasama para salubungin ang bata.
"Takbo! May mga naghahanap sa iyo na mga armadong grupo, Feng! Takas, bilis!" Paghihingal pa ni Li Wei nang makarating sa kanilang kinaroroonan.
Agad nanlaki ang mga mata ni Feng bunga sa kanyang narinig, dahil alam niya kung sinu-sino ang mga armadong iyon. Sila lang naman ang dati niyang nakaareglo na tumangka rin sa kanyang buhay dahil sa isang pangyayari. Dali-dali siyang napakilos upang lisanin ang lugar pero huli na ang lahat para sa kanya nang nasasakupan na ng mga armado ang bawat kalyeng palabas.
Rumispunde naman ang iba pa niyang kasamahan upang siya'y tulungang makatakas ngunit nabigo pa rin ang mga ito. Imbis si Feng lang ang naging pakay nila, dinamay pa ng mga ito ang kanyang mga kasama at ang matandang dalaga na si Wang Ying. Sila'y hinila at dinala sa isang lumang bodega upang doon tuluyang parusahan.
"Kahit anong gawin ninyo! Kahit magtulungan pa kayo, hinding-hindi ko na hahayaan na makatakas ka na naman sa amin, Feng!" Pagsisigaw ng isang lalake habang siya'y sinasaktan nito.
"Parang awa mo na. Huwag niyong idaan sa ganito," Paki-usap naman ng matandang si Wang Ying na pilit niya itong awatin.
"Tumahimik ka!" Muli itong napasigaw at nakuhang isampal ang naglalakihan nitong mga palad sa mukha ng matanda.
Agad namang napatayo si Feng upang awatin ang lalake. "Paki-usap. Huwag niyo na silang idamay. Ako ang may atraso sa inyo, ako nalang ang kunin niyo. Pakawalan niyo na sila," pagmamakaawa pa niya. Muli na naman siyang sinaktan nito dahilan sa kanyang pagsalampak sa sahig.
"Bakit hindi mo nalang ibigay sa amin ang bagay na iyon? Total alam mo naman kung ano talaga yung pakay namin, hindi ba Feng? Matagal na kasi kaming nagtitimpi sa iyo at hindi na kami mapakaling durugin ka!" Sigaw nito at nakuha pa ring sumipa sa kanya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala na sa'kin ang bagay na iyon," paliwanag naman ni Feng nang kanya itong hinarap.
"Sinungaling! Pinagkaisahan mo na kami dati! Kahit saang sulok ka pa magtatago, wala ka ng ibang mapupuntahan dahil buong bansa'y naghahanap rin sa'yo! Hindi ko na sasayangin ang oras na ito dahil kung makakatakas ka man, mahahanap at mahahanap ka pa rin namin," tugon nito nang suntukin siya sa mukha.
"Pakawalan mo na sila. Huwag mo silang idamay dahil wala naman silang kasalanan," paki-usap ni Feng muli nang siya'y mapasandal sa pader.
"Tignan mo nga naman, para kang isang tutang nagmamakaawa. Sa tingin mo ay pakikinggan pa kita? Nagkakamali ka! Sisiguraduhin naming hindi na kayo makakauwing buhay!" Angas nitong sambit.
"Mga hayop! Pagbabayaran niyo 'to balang-araw!" Sigaw pa ng kanyang kasama.
Lingid sa kaalaman ng mga armadong lalake, nagkaroon na ng plano ang bawat kasamahan ni Feng na tumakas sa pamamagitan ng pagtulong-tulong at pagsenyas ng bawat isa. Nang sila ay makatyempo, agad nagkakagulo sa may bodegang iyon. Sa ilalim naman ng lagusang ng tubig ang tanging paraan at doon nga nais ni Feng dumaan habang pilit niyang isama ang matandang dalaga na si Wang Ying.
"Sige na, mauna ka ng tumakas," sabi nito na halatang naghihirap na maiunat ang sarili.
"Hindi. Sama-sama tayo lahat, Nana," pangungumbinsi ni Feng.
"Ikaw ang pakay nila, Feng. Ikaw dapat ang mauna," paliwanag ng matanda. Nasugatan kasi ito sa mga binti kaya't hindi makakalakad ng maayos.
"Pero paano naman po kayo?" Pilit man niyang pakargahin sa kanyang likuran si Wang Ying pero matutumba naman sila dahil sa mga pasa at sugat na mayroon din siya.
"Humingi ka nalang ng tulong. Puntahan mo ang aking kwarto, may makikita ka doon na isang liham. Hanapin mo ang taong nakasulat doon. Siya ang makakatulong sa atin," ang utos ng matanda sa binata.
"Nana, hindi ko magagawang iwan kayo rito," giit pa ni Feng habang sinubukan pa rin niyang kargahin ang matanda ngunit pinigilan naman siya nito.
"Huwag na. Ikaw nalang ang tumakas, Feng. Ito ang tanging paraan para hindi ka na nila mahuli pa. Sige na, huwag mo na kaming isipin dito. Tumakas ka na Feng. Takbo!" Pagtataboy ng matanda sa kanya nang nais nitong harapin ang sumusunod na mga armadong tauhan.
Labag sa kanyang kagustuhan ang iwan si Wang Ying sa lagusan na iyon sapagkat paparating ang iba pang mga armado na tiyak hindi nila iyon ikakatakas ng matagumpay. Mahigpit muna silang nagyayakapan dahil baka ito na ang huling segundo na makita pa ang isa't isa bago sila nagsibitawan ng mga yakap.
Hindi na naman nagdadalawang isip si Feng na umalis kahit na nag-iwan sa kanya ang mga bakas ng mga luha at pusong nadudurog. Maririnig niya ang mga sigawan ng kanyang mga kasamahan na nakikipag-alegro sa itaas habang pinapanood niya naman ang matanda na sumasalubong sa iba pang mga armadong tauhan.
Nang makalabas siya sa lagusan na iyon, ginamit niya ang nakitang motorsiklong kolorom at humarurot nang takbo upang makaalis. Ngunit, kahit na mabilis ang kanyang pagtakas, hinabol pa rin siya ng mga ito.
"Master, paumanhin po ngunit oras na para ika'y magpahinga. Ilang saglit na nga lang din at sasapit na ang gabi." Isang maaliwalas na hapon para kay Larry ang magsanay ng husto. Bukod kasi sa pag-aaral kung paano niya e depensa ang kanyang sarili, kinakailangan din niyang matutong magpakalakas sa darating na panahon. "Saka na. Ilang taon ko na itong pinaghandaan. Ako'y dapat pang magpakalakas," tugon niya habang hindi pa tumitigil sa ginagawang pagsasanay. "Ngunit master, may labing limang minuto ka nalang para ipikit muna ang iyong mga mata. Kinakailangan mo pong huminto at magpahinga," papupumilit nito sa kanya. Agad naman ding napatigil si Larry sa ginagawa nitong pagsasanay nang pinayuhan siya ng robot na dapat na muna niyang tumigil upang e-relax ang katawan. Napakahalagang bagay kasi na ipikit niya muna ang kanyang mga mata sa hindi bababa ng labing limang minuto bago tuluyang makakakita sa gabi, at upang ihanda ang mga iris nito sa pagba
Samantala, naghihingal itong si Feng nang malapit na siya sa may tindahan na iyon. Halos bumibigat ang bawat niyang paghakbang na tila siya ay pagod na pagod. Ramdam din sa kanyang sikmura ang pagkakahilo habang pilit niyang inunat ang kanyang mga paa. Nag-iingat siyang bumalik sa lugar na madalas nilang pinagtatambayan ng kanyang mga kasama. Dahil isa na nga siyang wanted, kinakailangan niyang makapasok sa bahay ni Wang Ying na hindi man lang napapansin ng mga tao sa paligid. Tinabunan niya ang kanyang buong mukha sa isinuot na hoodie jacket habang nagmasid-masid siya sa palibot. Kumilos ito na parang inosente at naging matulin ang kanyang mga paghakbang papunta sa may gusali. "Nakita mo ba siya?" Tanong ng isang lalake sa kasamahan nito. "Hindi. Mukhang doon yata nagpunta," tugon naman niya. "Tara na't sundan natin," sambit nito na nagmamadaling kumilos. Lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib matapos niyang marinig ang mga armadong iyon. Luma
Bumungad sa mga mata ni Feng ang nakakasilaw na sinag ng araw dahilan upang siya ay bumangon. Ikinabigla naman din niyang mapansin ang mga kumakalat na pira-pirasong parte ng mababangis na hayop habang nakapalibot ito sa kanya. Agad niyang napagtanto na ang lahat pala ng iyon ay gawa lamang sa makinarya at ginagamitan ng isang artificial intelligence at makabagong teknolohiya. Makikita sa kanyang mukha ang naguguluhang isip na wari bang walang kaalam-alam sa lugar na kanyang napuntahan. Nakuha muna niyang mapadungaw sa itaas at agad napansin ang isang napakalaking paalala na nakasulat sa magarang pader na iyon. Nakasaad dito na kung sinuman ang hindi awtorisadong makakapasok ay dapat nang umalis. "Anong klaseng lugar na ito? Nasaan nga ba ako?" Pauutal niyang sabi habang nalilito. Pilit man niyang balikan ang mga pangyayari pero hindi pa rin niya lubusang maisip kung paano siya roon nakarating. Dahil wala na siyang
Nagpalit muna ng damit si Larry upang maprotektahan ang kanyang buong katawan mula sa init na mararamdaman bago tuluyang lumabas ng gusali. Sabik na sabik na rin siyang magpunta muli sa may boundary kahit na alam niyang pinagbabawal ito. Ilang beses na rin niyang magtangka na tumakas ngunit ito'y kanyang ikinabigo dahil sa sobrang higpit ng seguridad ang mayroon ng surface. Nasasabik na siyang magpunta sa may boundary ngunit ikinatigil niya ang kanyang mga hakbang nang bigla niyang marinig ang kaunting kulabog sa kabilang sulok. "Ano iyon?" Agad niyang isinuot ang retinal device upang malaman kung ano ang naging kaganapan. Nang tuluyan na niyang isinuot ang retinal device, isang maliit na pulang tuldok lamang ang kanyang napansin habang ito ay kumukuti-kutitap at papalapit sa kanyang kinatatayuan. Nagsimula na ring yumanig ang kanyang dibdib kasabay nang malalakas na mga kulabog habang bumibilis ang pagkilos nito p
"Waaah! Halimaw! Isang halimaw!" Ito lang ang mga katagang naisambit ni Feng nang matuklasan niya ang kakaibang mga mata ni Larry. Pinukos kasi nito ang mga mata habang gumagalaw ang mga pupil sa gitna na lumalaki habang nagkakalat ang kulay sa iris tapos lumiliit naman na parang isang tuldok ng ballpen. Ang pagkakagulat niyang iyon ay nagbuhat sa kanilang dalawa upang itigil ang ginagawang sandali na agad naman din silang napadistansya sa isa't isa. Makikita sa mga mata ni Feng ang naguguluhang isip na wari'y hindi makapaniwala sa nadiskubre habang hindi man lang siya nito kinibo. "Anong klaseng-" Natameme rin siya habang nagugulantang at pilit na binibigkas ang nais niyang sasabihin. Napatayo lamang din si Larry at ginamit ang kakayahan ng mga sensor nito upang makahanap ng insaktong anggulo na makapagdepensa muli. Pinalawak niya ang kanyang hearing senses at ginawa ang anumang physical movement ni Feng sa
Kalaunan, binasag muli ni Feng ang katahimikan dahil gumagambala sa kanyang isip ang naging kondisyon ni Larry. "Bakit wala kang kasama rito? Ikaw ba ay nag-iisa lamang?" Tanong niya kay Larry nang kanyang ipinagtaka kung bakit mag-isa at wala man lang itong kasama. Subalit ang mga pilikmata niyang iyon ay kumikisap dahil hindi man lang siya kinibo ni Larry kaya't hinatulan nalang din niya ang sarili na manahimik. Agad naman siyang napaupo sa harapan nito kasabay sa pagdiin ng kanyang mukha habang maigi niyang pinagmamasdan at kinilatis ang nakakaawang binata. Alam mismo ni Larry ang ginagawa ni Feng sa kanyang harapan dahil ramdam niya ang bawat vibrations nitong dinadala. "Ilang araw ka bang hindi naliligo?" Agad naman siyang napatanong kay Feng nang malanghap niya ang isang kakaibang pangangamoy nito, at nakuhapa niyang lumingon sa magkabilang panig. Samantala, sumimangot n
Halatang nag-enjoy si Feng sa mga oras na iyon. Hindi niya inalintana ang kanyang nakikitang mga holographic images 'pagkat mistulang makatotohanan naman ang lahat. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas sila sa silid na may baong mga ngiti habang makikita pa rin sa kanyang hitsura ang pagiging tulala dahil iyon pa ang natatangi niyang karanasan sa unang pagkakataon. "Ano na ang susunod nating pupuntahan?" Tanong niya kay Larry habang sinimulan na naman ang pagtutulak sa wheel chair. "Dumeretso tayo sa room 15," tugon naman nito sa kanya na may paggagalak pa sa mukha. "Teka, room 15? Ibig mo bang sabihin..." Bahagya siyang napatigil nang mapansin niya ang malaking numero na nakadikit sa may pintuan ng silid. Nagulat rin siya nang mapagtantong may limang kwarto muna silang dapat lagpasan bago makarating sa sinasabing ika-labing limang kwarto. "Seryoso ka ba?" Dagdag niyang tanong na parang

"Mula sa mga tala hanggang sa buwan, inialay ko kay Bathala ang tayo na walang hanggan." "Mula sa aking mga mata hanggang sa nadarama, tinuruan mong magmahal ang tulad kong hindi magtatagal" Ang Moonaustarsiscoma Colorein ay isang komplikasyon sa paningin. Ito ang kauna-unahang visual disorder kung saan pabago-bago ang daloy ng bisyon ng isang pasyente. Mahihirapan siyang makakakita sa umaga na parang bulag at sa tuwing sasapit naman ang gabi ay magiging normal ang kanyang paningin na parang walang dinaramdam. Sa madaling salita, siya ay bulag lamang sa umaga. Bihira ang naturang sakit at si Larry pa ang nagkaroon ng nasabing komplikasyon. Ang kanyang mga mata ay mag-iibang ku