Share

Chapter 1

Penulis: JGABEQUILLA
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

"Master, paumanhin po ngunit oras na para ika'y magpahinga. Ilang saglit na nga lang din at sasapit na ang gabi." Isang maaliwalas na hapon para kay Larry ang magsanay ng husto. Bukod kasi sa pag-aaral kung paano niya e depensa ang kanyang sarili, kinakailangan din niyang matutong magpakalakas sa darating na panahon.

"Saka na. Ilang taon ko na itong pinaghandaan. Ako'y dapat pang magpakalakas," tugon niya habang hindi pa tumitigil sa ginagawang pagsasanay.

"Ngunit master, may labing limang minuto ka nalang para ipikit muna ang iyong mga mata. Kinakailangan mo pong huminto at magpahinga," papupumilit nito sa kanya.

Agad naman ding napatigil si Larry sa ginagawa nitong pagsasanay nang pinayuhan siya ng robot na dapat na muna niyang tumigil upang e-relax ang katawan. Napakahalagang bagay kasi na ipikit niya muna ang kanyang mga mata sa hindi bababa ng labing limang minuto bago tuluyang makakakita sa gabi, at upang ihanda ang mga iris nito sa pagbabagong kulay ng kanyang mga mata na magaganap din maya't maya lamang.

"Pwede ko naman sigurong bawasan iyon at gawin ko lamang ito ng limang minuto, hindi ba?" Giit pa niya habang siya'y napatayo mula sa kanyang pagkakasandal sa may Captain's chair.

"Pasensya na po kayo, master. Ngunit wala iyon sa nasabing patakaran at proseso ng admin. At least fifteen minutes lang po ang naipapayo at hindi na pwedeng ibaba roon," paliwanag naman ng robot.

Ang kanyang ginawang pagsasanay ay bunga ng isang masalimuot na nakaraan. Iyon ay ang mga alaala na naging galos at hindi na kailanman maghihilom. Gayunpaman, napakilos na rin siya sa kanyang pagkakatayo upang tuluyan na niyang itigil ang ginagawang pagsasanay.

"Master, mali po ang inyong dinaanan," sabi ng robot nang ginabayan siya kaagad nito.

"Paumanhin, parang may nakaharang kasi," pagdadahilan niya naman habang siya'y na bumuwelta ng paghakbang.

"Wala pong kahit na anong nakaharang maliban nalang po sa isang wheel chair na nasa iyong haparan, master," tugon naman ng robot.

Ang robot na iyon ang palaging gumagabay sa kanya. Agad naman siya nitong pinapaupo sa automated wheel chair na magdadala naman sa kanya sa may kwarto. Ngunit, binihisan muna siya ng mga ito saka na rin inihatid sa nasabing silid.

"Blood pressure, check. Heart beat, check. Maayos naman po ang iyong kalagayan," sabi ng isang automated na wheel chair.

Dapat ugaliing e check ang blood pressure at heart beat ni Larry bago siya tuluyang magpahinga. Ito na kasi ang naging proseso na binigay ng admin simula sa kanyang pagkabata upang mas panatilihing malusog ang kanyang pangangatawan, lalo na rin ang kanyang mga mata.

Nanghihina na si Larry, at alam niya mismo ang bawat komplikasyon nito. Sa halip hindi na niya dapat ilulong pa ang kanyang sarili sa pagsasanay sapagkat nagtulak pa rin sa kanya ang malagim na nakaraang iyon upang panatilihin niya ang malusog na pangangatawan.

Ipinanganak na siyang may komplikasyon sa paningin sapagkat normal naman ang kanyang naging pamumuhay dati. Kung sa umaga ay palagi siyang nasa kwarto, sa tuwing sasapit naman ang gabi ay halos magdamag siyang magsayang ng oras. Ang kanyang dating buhay ay simple, maayos at masaya bagamat nagbago lang ito nang dumating ang trahedyang nagdulot sa lahat nang napakalalim na sugat.

Nagtagpo ang mga ulap sa langit nang nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa kanyang mga magulang. Ito ay agad tumatak sa buo niyang pagkatao na nais naman niyang ipaghiganti, kaya't minabuti niya ang kanyang pagsasanay sa bawat araw na lumilipas.

Ang pinagkakatiwalaang kaibigan naman ng kanyang minamahal na ama ang tanging kumukopkop sa kanya at maswerteng isa rin itong doktor. Dahil hindi madali ang kanyang naging kondisyon, dinala siya nito sa isang pasilidad na kung tawagin ay Pentagon upang doon pag-aralan ang kanyang naturang sakit. Wala ring kahit na sino ang dapat makakaalam sa alinmang bagay tungkol sa kanya at upang isalba siya sa kahit na anong panganib, mas hinigpitan pa ang seguridad sa bawat sulok nang nasabing lugar.

"Nandito na po tayo, Master," sabi ng robot nang makarating sila sa may silid na iyon habang hinihila naman siya nito papatayo.

"Ihanda ang sarili sa paglipat," pakiusap naman ng automated na wheel chair.

Marahang inilatag ni Larry ang sarili sa malambot na waterbed at dahan-dahan namang umilaw ang buong sulok dahil sumasapit na ang gabi.

"Maaari mo na pong ipikit ang inyong mga mata. Simulan nang magcount-down in three, two, one."

Nagstand-by ang lahat nang ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Habang siya'y nagpapahinga, paulit-ulit namang bumulabog sa kanyang isipan ang mapait na kahapong nakaukit sa mga bato. Ang malakas na pagsisigaw ng kanyang ama't ina, kasunod ng mga halakhak ng mga armadong lalake at ang takot na kanyang nararamdaman sa sandaling iyon. Ito ang bumuhos ng isang napakalaking bangungot sa kanyang buhay magpahanggang ngayon.

Matapos ang ilang minuto, marahan niyang ibinuka ang kanyang mga mata at kaagad sumambulat sa harapan niya ang iba't ibang kulay na makikita sa buong silid. Dali-dali siyang nagpunta sa may salamin habang napansin naman niya ang pagbabagong kulay ng kanyang mga iris.

"Welcome back, Master,"  bati ng robot nang siya'y sinalubong nito.  Hindi niya ito inalintana sa halip ay nakuha nalang niyang ngumiti at kung anu-ano pang ginawang expression sa kanyang mukha.

Napatingin din siya sa may wall clock at agad nang napakilos na parang walang kondisyon sa paningin. Kalaunan, may natanggap na rin siyang tawag mula sa admin.

"Hi, there you are! Masaya akong makita kang muli, Larry. Magkaroon ka sana ng masayang gabi ngayon," pangiting sabi ni Miss May sa may flat screen na tv.

"Hello, Miss May. Bakit po kayo napatawag?" Diretsahan naman niyang tanong sa dalaga.

"Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin. Gusto ko rin malaman kung may nararamdaman ka bang kakaiba? May napansin ka bang pagbabago?" Pagtatanong nito sa kanya na may nais malaman.

Agad naman siyang ini-scan ng robot at ibinalita ang nakuhang nitong status. "Sa ngayon, malusog si master," sabi nito.

"Wala naman po. Ngunit nararamdaman kong palakas ako ng palakas," paliwanag niya naman nang siya'y napaupo sa may sofa.

"Naku, Larry. Dahan-dahanin mo naman 'yang pagsasanay mo. Hindi pwedeng mapagod ka nang husto lalo na't delikado kapag magkafracture ka. Ihanda mo nalang 'yang sarili mo sa pagdating ng alternative operation," pagpapaalala ni Miss May sa kanya habang maririnig ang boses nito na nalulungkot.

Napabuntong hininga naman si Larry sa kanyang narinig. "Miss May, hindi ko naman pinabayaan 'yong sarili ko. Tsaka isa pa, nababagot na po ako rito. Sawa na kasi akong makita nalang 'yong mga androids araw-araw," sambit niya sabay turo sa mga robot na nasa kanyang paligid.

"Larry, naiintindihan ka naman ng admin pero kailangan mo ring sundin ang payo ni Dok. Isa pa, kung pwede lang din sana kitang dalawin diyaan araw-araw, naku, baka ginawa ko na iyon dati pa," pagdadahilan naman ni Miss May na nais pilitin si Larry na kailangan pag-ingatan nitong pangangatawan nang maayos.

"Hindi mo na iyon ipag-aalala pa, Miss May. Nasanay na kasi ako na palagi nalang ang mga ito ang aking makakasama kahit sobrang nakakabagot na ang mapag-isa. Wala naman din kong ibang options," pagpapaliwanag niya naman kung ano sa tingin niya ang may katuturan.

"Di bale. Isang taon nalang din ay maipapagamot ka na," ngiti nito kay Larry. "Nga pala, any updates?" Dagdag pa niyang tanong habang alam naman ni Larry kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Ganoon pa rin po, Miss May," tanging sagot naman niya at nakuha nalang yumuko sa harapan nito.

"Hindi pa rin ba lumuluha iyang mga mata mo?" Nalulungkot na tugon ng dalaga habang hindi naman siya umimik sa halip ay napatalikod na lamang sa kanya. "Larry, huwag mo nang isipin 'yon sa ngayon. Magagawa mo na ring umiyak sa kahit na anong oras na gusto mo balang araw. Basta sundin mo lang ang health procedures," pagbibigay lakas nito sa kanya.

"Gusto ko na pong makaranas ng pagluha. Natatakot lang ako baka sakaling hindi na nga iyon mangyayari pa, Miss May?" Lungkot niyang tugon.

Mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang paglaki, hindi pa naranasan ni Larry ang lumuha. Iyon din ang isa sa mga inaabangang pagbabago at nais malaman ng doktor kung ano ang magiging epekto nito sa kanyang mga mata. Isang napakahalagang bagay kasi ang pagluha dahil napag-aralan nila na makakatulong ito sa pagpapabuti ng kanyang kondisyon.

"Don't worry. Kapag magiging successful yung alternative operation, mararanasan mo na rin ang mamuhay ng normal," payo ng dalaga na nakangiti.

"Umaasa ako, Miss May," sagot naman ni Larry nang napabuntong-hininga.

"Excuse me, Master. Nakikita ko kasi ang biglaang pagbabago ng iyong emosyon, baka nais ninyong subukan ang bagong instrumentong dumating?" Pag-iiba nang usapan ng robot habang kaagad nitong inilahad at ipinakita ang bagong instrumentong dumating na nasa kabilang kwarto sa pamamagitan ng isang holographic image.

Mahilig nga pala si Larry na maglaro ng piyano. Lagi kasi nila itong ginagawa ng kanyang ina sa tuwing siya'y nalulungkot. Napangiti naman siyang maalala ang panahong kasama pa ang kanyang ina habang pinapatugtog ang paborito niyang piyesa, ang christmas rhapsody.

"Mukhang nagbago agad ang iyong timpla ngayon, Larry?" Masayang sambit ni Miss May.

"Paumanhin. Maaari po ba?" Pagpapasensya naman niya sa dalaga at nakuha nalang din niyang yumuko ulit sa harapan nito.

"Walang problema, kung iyon ang makakapagpabuti sa iyo," pagpapasya naman ni Miss May.

"Ayon sa aking nakalap na impormasyon, isang Steinway and Sons Pictures at an Exhibition ang dumating na bagong piyano at siyang nangunguna sa pinakamamahal ngayon sa buong mundo. Excited kami para sa iyo, Master," paglalahad ng robot.

"Kung ganoon, ano pang hinihintay mo Larry? Magpapaalam na rin ako. Mag-usap nalang tayo sa susunod na araw. Huwag kalimutang sundin ang health procedures okay?" Huling sambit ni Miss May nang kaagad naglaho sa may flat screen na tv.

Tumango naman si Larry habang siya'y napangiti. Hindi rin nagtagal ay nagpunta na sila sa may sulok na iyon upang libangin ang sarili sa pagtugtog ng nasabing instrumento. Biglang nanginig ang kanyang mga mata nang ito nama'y kanyang nakita. Hindi naman sa pagkakagulat, sadyang naalala lang niya ang pangyayaring pinaslang ang kanyang ina ng mga armado matapos maglaro sa piyano niyang iyon.

"May problema ba, master?" Pagtataka naman ng robot nang tumigil ito sa pagkilos.

"Wala naman. May naalala lang ako," tanging paliwanag naman niya.

"Alam niyo ba na ang paglalaro sa piyano ng regular ay may iba't ibang mga kalamangan sa pisikal at pisyolohikal sa tao? Pinapatalas nito ang magagaling na kasanayan sa motor, nagpapabuti ng kagalingan ng kamay at koordinasyon ng kamay-mata. Ipinakita rin ang musika upang mabawasan ang rate ng puso at paghinga, mga komplikasyon nito, at upang mabawasan ang presyon ng dugo at madagdagan ang pagtugon sa immune," pagbibigay kaalaman ng robot sa kanya.

Tahimik lang si Larry sa kanyang pagkakaupo. Marahan niyang sinuri ang bawat kurbada at desenyo nang nasabing piano. Nang inilatag na ang kanyang mga kamay sa keyboard, pumasok ulit ang sandaling ginagabayan siya ng kanyang ina sa unang araw ng kanyang pagsasanay. Siya'y napapikit habang dinaramdam ang bawat pagkilos ng kanyang mga kamay at sinimulan na niyang patugtugin ang paboritong piyesa.

"Aheeem, Master. Huwag lang pong masyadong malakas," paalala ng robot.

Nakuha pang umiling ni Larry habang sinasabay ang buo nitong katawan sa himig nang pagkakapindot ng kanyang mga kamay. Mga ilang saglit rin ay bigla siyang napahinto sa paglalaro niyang iyon nang marinig niya ang isang pagsabog na nagmumula sa labas ng pasilidad. Agad siyang nagbukas ng kanyang paningin at ginamit niya ang kakayahang makakita sa malayo ngunit ikinabigo niya ito dahil sa sobrang dilim ng paligid.

"Hindi ko matukoy ang pinagmulan ng pagsabog. Maaari mo bang e check kung saang parte iyon?" Kaagad niyang inutusan robot upang kanyang matukoy ang pinagmulan ng pangyayari.

"Kamangha-mangha! Rinig mo ang pagsabog na nagmula sa surface kahit napakalayo naman dito sa core. Ibang klase ka talaga, Master! Ayon sa record, isa sa mga robot lang ang sumabog sa may boundary. Huwag kang mag-alala, nakasisiguro pa rin ang admin na mahigpit ang seguridad sa bawat sulok ng core para sa iyong kaligtasan. Mga lobo lang siguro iyon na mahilig mangaso ng may dugo," paliwanag nito kaagad nang matukoy ang pinagmulan ng pagsabog.

Hindi pa rin siya nakontento sa naging paliwanag nito sa halip ay mas naging matulis pa ang kanyang mga paningin habang nakamasid naman siya sa labas. Makikita nga sa mukha ni Larry ang naghahalong reaksyon na hindi talaga siya mapakali.

Bab terkait

  • Moon Stars   Chapter 2

    Samantala, naghihingal itong si Feng nang malapit na siya sa may tindahan na iyon. Halos bumibigat ang bawat niyang paghakbang na tila siya ay pagod na pagod. Ramdam din sa kanyang sikmura ang pagkakahilo habang pilit niyang inunat ang kanyang mga paa. Nag-iingat siyang bumalik sa lugar na madalas nilang pinagtatambayan ng kanyang mga kasama. Dahil isa na nga siyang wanted, kinakailangan niyang makapasok sa bahay ni Wang Ying na hindi man lang napapansin ng mga tao sa paligid. Tinabunan niya ang kanyang buong mukha sa isinuot na hoodie jacket habang nagmasid-masid siya sa palibot. Kumilos ito na parang inosente at naging matulin ang kanyang mga paghakbang papunta sa may gusali. "Nakita mo ba siya?" Tanong ng isang lalake sa kasamahan nito. "Hindi. Mukhang doon yata nagpunta," tugon naman niya. "Tara na't sundan natin," sambit nito na nagmamadaling kumilos. Lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib matapos niyang marinig ang mga armadong iyon. Luma

  • Moon Stars   Chapter 3

    Bumungad sa mga mata ni Feng ang nakakasilaw na sinag ng araw dahilan upang siya ay bumangon. Ikinabigla naman din niyang mapansin ang mga kumakalat na pira-pirasong parte ng mababangis na hayop habang nakapalibot ito sa kanya. Agad niyang napagtanto na ang lahat pala ng iyon ay gawa lamang sa makinarya at ginagamitan ng isang artificial intelligence at makabagong teknolohiya. Makikita sa kanyang mukha ang naguguluhang isip na wari bang walang kaalam-alam sa lugar na kanyang napuntahan. Nakuha muna niyang mapadungaw sa itaas at agad napansin ang isang napakalaking paalala na nakasulat sa magarang pader na iyon. Nakasaad dito na kung sinuman ang hindi awtorisadong makakapasok ay dapat nang umalis. "Anong klaseng lugar na ito? Nasaan nga ba ako?" Pauutal niyang sabi habang nalilito. Pilit man niyang balikan ang mga pangyayari pero hindi pa rin niya lubusang maisip kung paano siya roon nakarating. Dahil wala na siyang

  • Moon Stars   Chapter 4

    Nagpalit muna ng damit si Larry upang maprotektahan ang kanyang buong katawan mula sa init na mararamdaman bago tuluyang lumabas ng gusali. Sabik na sabik na rin siyang magpunta muli sa may boundary kahit na alam niyang pinagbabawal ito. Ilang beses na rin niyang magtangka na tumakas ngunit ito'y kanyang ikinabigo dahil sa sobrang higpit ng seguridad ang mayroon ng surface. Nasasabik na siyang magpunta sa may boundary ngunit ikinatigil niya ang kanyang mga hakbang nang bigla niyang marinig ang kaunting kulabog sa kabilang sulok. "Ano iyon?" Agad niyang isinuot ang retinal device upang malaman kung ano ang naging kaganapan. Nang tuluyan na niyang isinuot ang retinal device, isang maliit na pulang tuldok lamang ang kanyang napansin habang ito ay kumukuti-kutitap at papalapit sa kanyang kinatatayuan. Nagsimula na ring yumanig ang kanyang dibdib kasabay nang malalakas na mga kulabog habang bumibilis ang pagkilos nito p

  • Moon Stars   Chapter 5

    "Waaah! Halimaw! Isang halimaw!" Ito lang ang mga katagang naisambit ni Feng nang matuklasan niya ang kakaibang mga mata ni Larry. Pinukos kasi nito ang mga mata habang gumagalaw ang mga pupil sa gitna na lumalaki habang nagkakalat ang kulay sa iris tapos lumiliit naman na parang isang tuldok ng ballpen. Ang pagkakagulat niyang iyon ay nagbuhat sa kanilang dalawa upang itigil ang ginagawang sandali na agad naman din silang napadistansya sa isa't isa. Makikita sa mga mata ni Feng ang naguguluhang isip na wari'y hindi makapaniwala sa nadiskubre habang hindi man lang siya nito kinibo. "Anong klaseng-" Natameme rin siya habang nagugulantang at pilit na binibigkas ang nais niyang sasabihin. Napatayo lamang din si Larry at ginamit ang kakayahan ng mga sensor nito upang makahanap ng insaktong anggulo na makapagdepensa muli. Pinalawak niya ang kanyang hearing senses at ginawa ang anumang physical movement ni Feng sa

  • Moon Stars   Chapter 6

    Kalaunan, binasag muli ni Feng ang katahimikan dahil gumagambala sa kanyang isip ang naging kondisyon ni Larry. "Bakit wala kang kasama rito? Ikaw ba ay nag-iisa lamang?" Tanong niya kay Larry nang kanyang ipinagtaka kung bakit mag-isa at wala man lang itong kasama. Subalit ang mga pilikmata niyang iyon ay kumikisap dahil hindi man lang siya kinibo ni Larry kaya't hinatulan nalang din niya ang sarili na manahimik. Agad naman siyang napaupo sa harapan nito kasabay sa pagdiin ng kanyang mukha habang maigi niyang pinagmamasdan at kinilatis ang nakakaawang binata. Alam mismo ni Larry ang ginagawa ni Feng sa kanyang harapan dahil ramdam niya ang bawat vibrations nitong dinadala. "Ilang araw ka bang hindi naliligo?" Agad naman siyang napatanong kay Feng nang malanghap niya ang isang kakaibang pangangamoy nito, at nakuhapa niyang lumingon sa magkabilang panig. Samantala, sumimangot n

  • Moon Stars   Chapter 7

    Halatang nag-enjoy si Feng sa mga oras na iyon. Hindi niya inalintana ang kanyang nakikitang mga holographic images 'pagkat mistulang makatotohanan naman ang lahat. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas sila sa silid na may baong mga ngiti habang makikita pa rin sa kanyang hitsura ang pagiging tulala dahil iyon pa ang natatangi niyang karanasan sa unang pagkakataon. "Ano na ang susunod nating pupuntahan?" Tanong niya kay Larry habang sinimulan na naman ang pagtutulak sa wheel chair. "Dumeretso tayo sa room 15," tugon naman nito sa kanya na may paggagalak pa sa mukha. "Teka, room 15? Ibig mo bang sabihin..." Bahagya siyang napatigil nang mapansin niya ang malaking numero na nakadikit sa may pintuan ng silid. Nagulat rin siya nang mapagtantong may limang kwarto muna silang dapat lagpasan bago makarating sa sinasabing ika-labing limang kwarto. "Seryoso ka ba?" Dagdag niyang tanong na parang

  • Moon Stars   Prologue

    "Mula sa mga tala hanggang sa buwan, inialay ko kay Bathala ang tayo na walang hanggan." "Mula sa aking mga mata hanggang sa nadarama, tinuruan mong magmahal ang tulad kong hindi magtatagal" Ang Moonaustarsiscoma Colorein ay isang komplikasyon sa paningin. Ito ang kauna-unahang visual disorder kung saan pabago-bago ang daloy ng bisyon ng isang pasyente. Mahihirapan siyang makakakita sa umaga na parang bulag at sa tuwing sasapit naman ang gabi ay magiging normal ang kanyang paningin na parang walang dinaramdam. Sa madaling salita, siya ay bulag lamang sa umaga. Bihira ang naturang sakit at si Larry pa ang nagkaroon ng nasabing komplikasyon. Ang kanyang mga mata ay mag-iibang ku

Bab terbaru

  • Moon Stars   Chapter 1

    "Master, paumanhin po ngunit oras na para ika'y magpahinga. Ilang saglit na nga lang din at sasapit na ang gabi." Isang maaliwalas na hapon para kay Larry ang magsanay ng husto. Bukod kasi sa pag-aaral kung paano niya e depensa ang kanyang sarili, kinakailangan din niyang matutong magpakalakas sa darating na panahon. "Saka na. Ilang taon ko na itong pinaghandaan. Ako'y dapat pang magpakalakas," tugon niya habang hindi pa tumitigil sa ginagawang pagsasanay. "Ngunit master, may labing limang minuto ka nalang para ipikit muna ang iyong mga mata. Kinakailangan mo pong huminto at magpahinga," papupumilit nito sa kanya. Agad naman ding napatigil si Larry sa ginagawa nitong pagsasanay nang pinayuhan siya ng robot na dapat na muna niyang tumigil upang e-relax ang katawan. Napakahalagang bagay kasi na ipikit niya muna ang kanyang mga mata sa hindi bababa ng labing limang minuto bago tuluyang makakakita sa gabi, at upang ihanda ang mga iris nito sa pagba

  • Moon Stars   Prologue

    "Mula sa mga tala hanggang sa buwan, inialay ko kay Bathala ang tayo na walang hanggan." "Mula sa aking mga mata hanggang sa nadarama, tinuruan mong magmahal ang tulad kong hindi magtatagal" Ang Moonaustarsiscoma Colorein ay isang komplikasyon sa paningin. Ito ang kauna-unahang visual disorder kung saan pabago-bago ang daloy ng bisyon ng isang pasyente. Mahihirapan siyang makakakita sa umaga na parang bulag at sa tuwing sasapit naman ang gabi ay magiging normal ang kanyang paningin na parang walang dinaramdam. Sa madaling salita, siya ay bulag lamang sa umaga. Bihira ang naturang sakit at si Larry pa ang nagkaroon ng nasabing komplikasyon. Ang kanyang mga mata ay mag-iibang ku

DMCA.com Protection Status