Kung relasyon ang hanap ko, mas piliin ko na lang ang mamatay na isang matandang dalaga kaysa maging boyfriend siya. Kahihiyan at pangungutya lang ang matanggap ko kung sakali na papatulan ko siya. Ang asyumera ko sa part na maging boyfriend siya, pero saan ba pupunta ang pag amin niya sa akin na gusto niya ako? Saan ba papunta ang panlalandi niya sa akin? Ano yun, tikim-tikim lang ‘pag nagsawa hahanap ng fresh? Humihikab na nakadukduk ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Hindi ako nakatulog ng maayos kaninang madaling araw dahil bumabagabag sa isipan ko ang mga salita na binitawan ni Ethan. Hindi ko rin na enjoy ang pagligo kagabi dahil panay ang tingin ko sa paligid baka nandoon siya pinagmamasdan ako. Naging paranoid ako pagkatapos kaming makita ng secretary niya kagabi. “Mag isa ka lang dito, Lil?” Umangat ang ulo ko at sumalubong sa akin ang stress na mukha ni Maam Mia. Tumango ako. “Bakit , maam?”“Sino ang naka assigned sa mga office's?” tanong niya ulit at tingnan ang schedul
Nang mawala siya sa paningin ko, pinahid ko ang basa kong pisngi at malaki ang hakbang na bumaba ako. Sa banyo ako dumiritso pagkababa ko. Nagkulong ako sa stock room dahil naiiyak na naman ako sa huling sinabi ni Ethan. Tama naman iyong sinabi niya, na baka may makakita sa amin,na mayroong CCTV camera, pero hindi ko maiwasang masaktan sa lamig ng boses niya nang sabihin niya iyon at basta nalang ako tinalikuran.Ganito ang ginagawa ko sa kanya. Ngayon, sa akin na niya ginagawa nasasaktan ako. Mabigat sa loob ko na siya mismo ang iiwas sa akin. Nasanay kasi ako na ako ang palaging umiiwas, ang palaging lumalayo, ang palaging nambabalewala. “Absent ba si, Lil?” boses iyon ni ate Grace mukhang iihi siya.“Hindi. Sabay nga kami pumasok kanina e,” sagot ni Jessa. “Baka hindi pa tapos maglinis, inutusan yun ni Ma'am Mia kanina.”Hindi na nasundan ang pag-uusap nila. Nang tumahimik ang loob doon lang ako lumabas para maglinis sa mga cubicle. Nang matapos sa paglilinis bumalik ulit ako sa
“Ugh! Ka pagod!” Himutok ni Jean bitbit ang isang tray na puno ng plato, inilagay niya iyon sa lababo at bumalik ulit sa labas para magligpit. Si Ate Grace ang taga separate, ako ang taga hugas ng mga kutsara si Rose ang taga punas at ilagay sa electric utensils sterilizer. Subrang busy namin ngayon. Ika-dalawang gabi na ng midnight sale at may pakulo ang department store kaya walang tigil rin ang mga kumakain dito sa food court.“Thank you. Makakain na rin sa wakas.” Nagpalakpak pa ng kamay si Aljon at sinalubong nila ni Sony si Valerie, sumimangot naman ang dalaga, panigurado tinutukso na naman nila ito.“Ano ang gusto niyong hapunan?” tanong niya pero sa akin nakatingin. Tumaas ang sulok ng labi ko at pinagpatuloy ang paghugas ng mga kutsara dahil sumigaw si Jean sa labas na wala na raw kutsara doon.“Pwede mag request ng letson, Miss?” Binatukan ni Miss Toneth si Rey na kakapasok lang.“Mahiya ka naman. Nilibri na nga tayo mag request ka pa,” saad nito at inambahan pa. Napakamo
Kahit anong paglayo ang gawin ko sa kanya, kung sa iisang lugar lang kami, wala ring patutunguhan. Siya ang magdesisyon kung kailan niya ako makita, kailan niya ako pupuntahan, kailan at saan niya ako lalandiiin. Hindi siya mapipigilan kahit naka ilang sabi na ako sa kanya na tumigil na siya sa ginagawa niya dahil ayaw kung may ibang tao na maka alam. Ayaw ko mawalan ng trabaho.Akala ko, pagkatapos na malaman ni Valerie ang tungkol sa amin titigilan na niya ako, pero malala pa pala dahil naging malaya siya na maging malapit pa sa akin pagkatapos ng gabing iyon. Na appreciate ko lahat ng ginagawa niya, ang pag-alala niya sa akin, sa kalusugan ko, sa sarili ko at nakikita ko ang sinseredad doon pero hindi tama. Maling-mali lalo na at may karelasyon siya. Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng ‘Gusto Kita’ na sinabi niya. Gusto bilang ano? Kaibigan? Kalandian? Karelasyon? Hindi ko alam kung alin riyan ang tinutukoy niya. Kasi ako, gusto ko muna siyang makilala. Hindi namin kilala ang
Hindi umalis si Valerie sa tabi ko. Panay parin ang paghagod niya sa likod ko at wala ring tigil ang pagpatak ng luha ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ako lang din naman ang nagpapahirap sa sarili ko tapos ngayon iiyak. Pinunasan ko ang mga luha ko bago humarap kay Valerie.“May kilala ka bang nag sa-salvage? Ipa-salvage ko boss mo,” sumisinghot na saad ko."Ako sana. . . kaso baka ako ang una niyang makatay kapag ginawa ko yun,” patagilid siyang sumandal sa pader, nakaharap sa akin. “Intindihin mo na lang, “aniya. “Baliw yun. Nawawala sa sarili kapag ikaw ang kasama.”Sumimangot ako. BaLiw nga siya. Sino ba ang matinong tao na handang i-risk ang sitwasyon para lang sa isang mababang babae? Hindi niya iniingat ang image niya as a CEO, as a young successful business man, a rich. . . syempre gwapo at hot din. Napabuga ako ng hangin. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para tuluyan na niya akong layuan. Kahit anong iwas ko, kahit anong pagtago ko sa kanya. . . kung sa iisan
Pakiramdam ko pinagkaisahan ako. Gusto ko siyang makilala noon at magpasalamat dahil ang laki ng tip na binibigay niya sa akin at malaking tulong iyon sa amin ni nanay, pero hindi ko maiwasang magalit sa kanya ngayon. May alam pala siya sa buhay ko. Hindi ko akalain na ang taong gusto kung pasalamatan ay iisa pala sila ng taong naikama ko.Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang kasunduan ni Madam Jinky noon. Past na iyon pero ginugulo niya ang isip ko. Ayaw ko na iyon isipin pa dahil kahit anong sisi ko kay Ethan hindi parin maikaila na isa akong naging bayarang babae.“I..”“Huwag mo muna akong kausapin, Ethan,” saad ko at tinalikuran siya. Pumasok ako sa diswashing area, sinalubong ako ng nagtatakang tingin ni Valerie nang makita niya ako. Wala sa sarili na umupo ako sa malamig na semento. Hinila ko ang upuan. Humalumbaba ako. Ginawa kong unan ang magkabila kong braso at tinago ang mukha ko doon. Hinayaan kong tumulo ang luha ko. Umiiyak na naman ako sa hindi matukoy na dah
“Malaking pera ang utang ko sayo kaya hindi ako lalayo,” iyon nalang ang taging nasabi ko dahil nalulunod ako sa mga titig niya. Saglit siyang natigilan at nangunot ang noo. Kumikibot ang kanyang mapulang labi bagaman hindi niya maisatinig ang kanyang nais sabihin. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang paghugas ng mga plato. Bakit kailangan niyang magmakaawa? Hindi ko naman siya pagtataguan. Ang akin lang dumistansya siya sa akin dahil ayaw ko ng issue. Alam ko rin na medyo nakakahalata na ang mga kasama ko pero hindi lang sila nag komento. “Nakaharap dito ang CCTV.”Doon lang siya natinag. Ako naman ang natigilan nang kuhain niya ang mga plato na tapos ko ng sabunan at binanlawan iyon. Umawang ang labi ko. May saltik yata siya sa utak. “A-Ako na. Ano ka ba!?”“Nakaharap dito ang CCTV,” pang gagaya niya nang akma kong agawin sa kanya ang plato na hawak niya. “Bilisan mo mag sabon. Ang bagal mo.”Napasinghap ako ng malakas. Aba’t feeling close ang gago! Nagpapa-empress, akala
Ang tanga ko… Ang laki kong tanga at nagpadala na naman ako sa bugso ng damdamin ko. Gumaganti ako sa halik niya, pinapalunod ang puso sa sandaling saya. I have Zaylon now. Sa kanya lang dapat umiikot ang mundo ko, sa kanya lang sana ako pero ano itong katangahan na ginagawa ko sa buhay ko?Nagmulat ako ng mata. Nakapikit ang mga mata niya, hinahalikan ako ng mapusok. . . Halik na may pananabik at ayaw iyon tigilan. Gusto kong itanong kung sino ang iniisip niya habang nakapikit ang mata na hinahalikan ako. Kung ako ba o ang girlfirend niya. Hindi ako naniniwala na wala siyang girlfriend, siguro ganito siya sa akin dahil wala ang tunay na pagmamay-ari niya. Nang maramdaman ko ang paglakbay ng palad niya sa likod ko, buong lakas ko siyang tinulak. Hindi ko siya hinayaan na makapagsalita, tumalikod ako at mabilis na lumabas sa office niya. Nagtataka na sinalubong ako ng tingin ni Valerie ngunit hindi ko siya pinansin at malaki ang hakbang na nilisan ang lugar.Patakbo akong umakyat
Sa mahigpit pitong taon na paghahanap ko sa babaeng nagpatibok ng puson ko--este ng puso ko, finally nakita ko na siya.Kagaya noong unang gabi ko siyang nakita, umaawit siya, nang paborito kong kanta. Ang tagal ko siyang hinintay. Ang tagal ko siyang hinanap. At ngayong natagpuan ko na siya, hindi ko na hahayaan na mawala pa siya sa akin muli. Ginawa ko ang lahat ng paraan para mapalapit sa kanya kahit ramdam ko na ayaw niya sa akin. Hindi ako sumuko. Kahit may ibang lalaki na naka gusto sa kanya, kahit may taga-sundo siya, ka call mate. Still, hindi ako sumuko.Pinaramdan ko sa kanya na mahal ko siya. Pinapakita ko sa kanya kung gaano ko siya ka gusto, pero wala talagang chance na makapasok ako sa buhay niya.Kahit akitin ko siya. Kahit ipamukha sa lahat ng tao kung gaano ko siya ka mahal, wala paring epekto. Lalo lang siyang nagalit sa akin. Lalo lang siyang lumayo sa akin.I love her. I want her to be mine kaya kahit anong pagtaboy niya sa akin, kahit anong pagtakbo niya palayo
“T-Teka..sandali..” he breathlessly said. Hubo’t hubad kaming dalawa sa ibabaw ng kama. He was the top on me, kissing me passiontly while his other hand massaging my breast. Ang kamay ko nasa kanyang pagkalalaki, hinihimas ko iyon pataas-baba sa mahinang retmo.“Stop m-moving, love..” aniya ngunit hindi ko siya sinunod. I claim his lips. “Ohhh!!” he groan when I suck his lower lip. Binilisan ko ang pag galaw ng kamay ko hanggang sa isang mainit na likido ang bumalot sa ibabaw ng puson ko.Huminto ako sa ginagawa ngunit naroon parin ang kamay ko. Nakaawang ang aking labi nang maramdaman ang kanyang pagkalalaki na kumikibot-kibot sa loob ng palad ko. Napakurap nalang ako na sinundan siya ng tingin nang umahon siya sa ibabaw ko.“Sabi ko naman na huwag kang gagalaw,” mahinang sabi niya nang punasan niya ang sariling dumi sa ibabaw ng puson ko. Hindi siya makatingin sa akin.“You came that fast?” hindi makapaniwalang usal ko. Mahina akong tumawa nang makita ang pamumula ng magkabilang ta
Dalawang linggo na ang nakalipas mula noong pumunta kami s a bahay nila Janice, dalawang linggo ko na rin iniiwasan si Ethan. Palagi akong nagdadahilan kapag yayain niya ako mamasyal, hindi rin ako sumasama sa kanya sa Millanic at sa ibang lakad niya. Umuuwi kaagad ako sa mansiyon nila pagkatapos kong ihatid si Zaylon sa school.Nagtataka siya kung bakit ako ganito sa kanya. Gusto niya ako kausapin pero umiiwas ako. Ang dami kong dahilan hindi lang kami magka-usap dalawa. Hindi naman siya nagpumilit pero ramdam ko na nasasaktan siya. Sa ginawa kong pag-iwas tila naputulan siya ng kasiyahan.“Love,” tawag niya sa akin, nagsusumamo ang tinig ngunit hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. “Sabi ni Nenita, sumakit raw ang ulo mo kahapon.”Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya nang tumayo ako at pumunta sa closet. I heard him sigh nang hindi ako sumagot sa kanya. Narinig ko ang mabigat niyang yabag sa paghakbang papalit sa akin kaya inabala ko ang sarili sa pagkuha ng damit na dadalhin
Narinig niya lang ang salitang 'Mahal Kita' namutla na ito at hinimatay pa.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung lalapitan ko ba siya o humingi ng tulong sa labas. Sa huli, tumayo ako at tarantang binuksan ang pintuan. Nagkagulatan pa kami ni Enrico pagkabukas ko ng pinto nang mabungaran ko siya. Anong ginagawa niya rito?Nanlaki ang mata niya at umawang ang labi nang makita ang kuya niyang nakahandusay sa sahig. "What happened to him?" tanong niya nanatili paring nakatayo sa labas ng naka awang na pinto."Eh, sinabi ko lang naman na mahal ko siya—,"Enrico laughed loudly. Napangiwi ako. Pinagtawan ba naman ang kapatid. Sayang-saya sa nangyari sa kuya niya, na luha pa ang mata niya sa kakatawa. Natigil sa paghakbang papasok si Zaylon na kakarating lang nang makita ang tatay niya. Umawang ang maliit nitong labi sa gulat at takot. "DADDY KO!!!!" sigaw nito nang matauhan. " Patay na ang daddy ko!!!" atungal niya at tumakbo ito palapit sa ama.Tinapik ko ang braso ni Enrico. Tumig
“Tahan na…”Hinalikan ko ang kanyang noo. Pinatakan ko rin ng halik ang kanyang mga mata, ang dulo ng kanyang ilong pababa sa kanynag labi. Humigpit ang pagykap niya sa baywang ko. Nakalapat lang ang labi ko sa labi niya. Hindi ako gumalaw.He kissed me softly. Nanginginig pa ang labi niya dahil sa paghikbi. Marahan kong hinahaplos ang kanyang pisngi kung saan patuloy na dumadaloy ang kanyang luha.“Tahan na…” I whisper in between the kiss.Hinayaan ko siya nang isubsob niya ang mukha sa leeg ko. Tina-tap ko ang likod niya dahil ayaw parin matigil sa pag iyak. Iniyak niya lahat ang bigat sa dibdib na pasan niya sa mahabang panahon. Sinabi niya sa akin kung ano ang nasa puso at isip niya. Na Wala siyang pakialam sa iisipin ko sa pagtangis niya habang yakap ako. Kundi pinapakita niya na hindi lang ako ang nahihirapan sa loob ng pitong taon, na hindi lang ako ang nag aasama na makasama at makita namin ang isat isa. And I’m so proud of him, dahil pinakita niya sa akin ang kahinaan niya. PI
" May sakit ako… May brain tumor ako, Ethan…"My voice broke. Nanghihina na napaluhod siya sa sahig sa sinabi ko. Nanatili akong nakatayo, pilit pinatatag ang sarili na hindi manghina sa harapan niya."Anumang oras mamamatay ako… But, I will die peacefully.. dahil nandito ka na kasama ang anak natin. "Umiiling siya, paulit-ulit. Ayaw tanggapin ang mga sinabi ko." Hindi ka pwedeng mamatay…” nabasag ang tingi niya. “ Gagaling ka. Naintindihan mo?! Gagaling ka.!" Umiling ako." Wala ng kasiguraduhan na gagaling ako. Masayang lang ang pera--,"."Magpagamot tayo!" he sobbed. "Magpagamot ka! Kahit maubos ang pera ko wala akong pakialam gumaling ka lang. Huwag mo lang kami iwan, Yanie. " Nanginginig ang kamay na inabot niya ang palad ko. He hugged my legs, trembling, crying. “ Gagaling ka pa… "Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi nang magpantay kaming dalawa. "May tumor ako sa utak, Ethan… Tumor, Ethan.. Hayaan mo na ako. Narito ka na naman para kay Zaylon at alam na niya ang k
Pigil hininga na sinalubong ko ang nakakapaso niyang tingin sa salamin.Naka awang ang aking labi at parang tuod na nakatayo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong kakapusin ng hangin nang maramdaman ang paggalaw niya sa likuran ko.Nanlaki ang mata ko at mariing napalunok nang maramdaman ang unti-unting paglaki niyon.Dinig ko ang kanyang paglunok habang nakatitig sa akin… Sa namumula kong mukha at naka awang na labi. Ang pareho naming kamay naka kapit sa sink. Kahit may damit akong suot ramdam ko ang init ng katawan niya. Tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang tumama sa batok ko ang mainit niyang hininga. Sinubsob niya ang mukha doon habang abala sa pagkiskis ng kanyang sandata sa nakadikit kong mga hita.Palalim nang palalim ang paghinga niya habang nakasubsob siya sa batok ko. Lumitaw ang mga ugat sa likod ng palad niya nang humigpit ang pagkapit niya roon.Nang umangat ang kanyang mukha ay nakita ko ang pamumungay ng kanyang mata at ang mariing pagkakagat sa pang-ib
Ito ang sekreto ko na hanggang kamatayan sana ay itatago ko. Pero ika nga nila, walang usok na kinikimkim na hindi sisingaw. Walang sekreto na hindi mabubulgar."May sakit ka?! Pero hindi mo sinabi sa akin?" Nahihirapan na sambit niya. Ayaw ko siyang tingalain. Ayaw kong makita ang hitsura niya na nasasaktan. Ito ang dahilan kung bakit pilit kong nililihim sa kanya ang lahat dahil ayaw kong makita siyang nasasaktan at nahihirapan kapag nalaman niya ang sitwasyon ko.Noon pa man tinatak ko na sa isip ko na hanggat kaya kong itago, hanggat kaya kong labanan hindi ko sasabihin sa kanya. Pero may dahilan ang lahat kung bakit lahat ng sekreto ko ay nalalaman niya."Anak naman," humihikbi na sabi niya." Akala ko ba wala ng sekreto?"Nanginginig ang kamay na inabot ko ang palad niya. Luhaan ang pareho naming mata. " Hin-Hindi sa ganun, Nay. Hindi n-naman..Hindi naman ho malala ang sakit ko…” humihikbi na saad ko.“Malala o hindi dapat sinabi mo!” mariin niyang sabi kaya napahagulhol ako. “S
MAHAL NIYA AKO. Totoo nga na mahal niya ako. Na hindi lang ang anak namin ang dahilan kung bakit gusto niya ako, kundi dahil mahal niya talaga ako. Ako lang itong hindi naniniwala. Ako lang itong mali ang iniisip sa tuwing sasabihin niyang mahal niya ako.Makaraan ang ilang minuto na pagkatulala sa kisame, gumalaw ang door knob tanda na may papasok. Nagkunwari akong tulog dahil alam ko si Ethan iyon. Mula sa maliit na bukas ng aking mata, nakita ko ang pasuraysuray na paglakad ni Ethan papunta sa kama. Maingat niyang kinuha ang unan sa gilid ni Zaylon at inilagay sa uluhan. Inayos niya ang kumot ng bata at hinalikan ito sa noo.Tuluyang pumikit ang mata ko ng marahan niyang haplosin ang pisngi ko at ang pagdampi ng mainit at malambot niyang labi sa noo ko.Nang gumalaw ang kama doon lang ako nag mulat ng mata. Bahagya akong natigilan ng magsalubong ang mata naming dalawa. Nakatagilid siya paharap sa akin. Ginawa niyang unan ang kanang braso at ang isang kamay niya nakayakap sa a