Ilang araw pa ang lumipas at halos hindi sila nagpapang-abot ni Timothy sa bahay. Sa tuwing uuwi siya ay wala pa ito, at kapag naman papasok siya sa trabaho ay wala na rin ito. Sinasadya ba iyon ng lalaki para hindi niya ito makompronta o talaga lang busy ito sa trabaho nito? O baka naman talagang iniiwasan s’ya nito?Magkagayon man, hindi na lang niya inabala ang sarili na alamin ang dahilan. Baka lalo lang lumala at mauwi pa iyon sa pagtatalo nila. Ayaw din naman niyang magkagalit silang tuluyan.At gaya ng mga nagdaang araw, wala na naman si Timothy pag-uwi niya nang gabing iyon.“Kakain ka na ba?” tanong ng kanyang Yaya Coring ng mabungaran niya ito sa sala pagpasok niya.“Mamaya na lang, ‘Ya. Medyo busog pa ho ako, eh.” Matamlay na sagot niya at deretsong umakyat sa kanyang silid.Tumigil s’ya sandali sa kwarto ni Timothy at malungkot na pinaraanan ng kanyang mga mata ang loob niyon. Wala namang nabago. It was still the same when she came there. Siya lang talaga siguro ang nakar
“Ahhhhhhh…..!!!” malakas na tili ni Penelope na halos ika-alog na yata ng buong kabahayan nila.Inilang hakbang naman ni Timothy ang pagitan nila at pagkatapos ay mabilis nitong tinakpan ang bibig niya. Pero mukhang nagkamali ito sa ginawang iyon, dahil lalo lang naghisterya ang kanyang isipan at pilit na nagpumiglas sa pagkakahawak nito.Paano ba naman kasi, ramdam na ramdam niya ang naghuhuramindong pagkal*l*ki nito! Tumutusok iyon sa may puson niya na para bang lalo lang nagpainit sa buong paligid.“Don’t fight back,” utos nito sa humihingal na tinig. Bahagya naman s’yang kumalma kasabay ng mabilis na pagtango. “Bibitawan kita, but promised me you won’t scream.” Muling sabi nito.Masunurin namang muli siyang tumango. Dahan-dahang inalis ni Timothy ang kamay nito sa bibig niya. Pagkuwa’y humakbang ito nang isang beses paatras at ito na mismo ang kumuha ng tuwalya at ibinalot iyon sa katawan niya.Mabilis naman niya iyong pinagsalikop at mahigpit na kinapitan ang hugpungan sa kanya
“So tell us, saan ba kayo nag-honeymoon?” pag-uusisa ni Letizia habang kumakain sila. Naglalaro ang mga ngiti sa labi nito ng balingan s’ya.Agad naman siyang pinagmulhan ng mukha sa nahihinuhang tumatakbo sa isip nito.“We went to Isla Catalina,” mabilis na sagot ni Timothy bago s’ya pasimpleng sinulyapan.“Really? Doon kayo nagpunta?” nangingislap ang mga matang wika ng babae. “You know what? I really loved that place. Kasi kung hindi mo naitatanong, I am a pro swimmer. I love travelling around and make new adventures, and Isla Catalina is my perfect getaway place. Sayang nga lang, baka matagalan pa bago ko muling mabisita iyon,” may panghihinayang na kwento nito.“We could do that kapag nakapanganak ka na,” masuyong sabi naman ni Antonio rito. Pinisil pa nito ang palad ng asawa na nasa ibabaw ng lamesa.Kitang-kita niya ang pag-aliwalas ng mga mata ni Letizia sa sinabing iyon ng asawa nito. Wala sa loob na napatingin s’ya kay Timothy na tutok na tutok ang atensyon sa kinakain nito.
“Really…?” hindi makapaniwalang sabi pa nito ng hindi s’ya umimik. Tila biglang napukaw ang interes nito sa kanilang mag-asawa sa itsura palang ng pagkakatitig nito sa kanya.“I knew it!” palatak nito. She even snapped her fingers in the air. “You know what we have. Nagkasundo lang naman ang mga magulang namin para makasal kami. We barely even know each other… Kahit ngayon. Maraming bagay ang hindi ko pa alam sa kapatid mo,” malumanay na paliwanag niya rito.Pero sa halip na magseryoso, nakuha pa nitong ngumiti kasabay ng pangingislap ng mga mata. At hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang reaksyon nito.“Oh, don’t get me wrong…” anito kasabay ng pag-iling ng mahalata ang tumatakbo sa isipan niya. “Hindi kasi nalalayo ang kwento ninyo ni Kuya sa aming mag-asawa. Arranged marriage din ang sa ‘min and you’ll never wanted to know how our relationship started. It was like a roller coaster. Dahil sa loob lang nang halos dalawang oras mula ng malaman kong engaged na ako ay ikinasal na r
“Antonio and I almost got an annulment. At iyon ay dahil na rin kay Daddy,” umpisa nito bago tumingin sa malayo. S’ya naman ay mataman lang na nakinig dito. “Umpisa pa lang noong biglaang kasal namin ay ramdam ko ng may problema, dahil nag-iba ang pakikitungo sa akin ni Antonio. And later, I found out that it was because of the agreement our father’s signed. Nagalit ako sa asawa ko dahil sa isip ko, iyon lang ang dahilan kaya niya ako pinakasalan.”“But then, things changed. Ramdam kong totoong nag-aalala sa akin si Antonio… that he really cares about me. So, kahit hindi ko pa s’ya nakakausap tungkol sa natuklasan ko, mabilis ko s’yang napatawad. We have great time together kahit pa nga wala ni isa sa amin ang naglalakas-loob sabihin ang tunay na nararamdaman para sa isa’t isa. Para bang we already have a mutual understandings of our feelings for each other. Hindi na kailangan ng salita. Our actions were enough to show what we truly feel. However, hindi nagpatuloy ang ganoon. When I
“Hi!” bungad ng kanyang bisita pagkapasok na pagkapasok nito sa kanyang opisina.“Helen…?” salubong ang mga kilay na tanong niya at pilit na kinikilala ang bagong dating.“The one and only,” nakangiting tugon nito sabay lahad nang dalawang kamay.Nanlaki ang mga mata niya.“Oh my God… Helen!” tuwang-tuwang sabi niya sabay tayo, at sinalubong ito nang napakahigpit na yakap. “Kelan ka pa dumating? At saka bakit parang nag-iba ang itsura mo ngayon?” sunod-sunod na tanong niya ng bumitaw sa pagkakayakap dito at pinakatitigan ito.Natawa ito. “Wait... Isa-isa lang,” anito at naupo sa bakanteng upuan sa harap ng mesa niya.Siya naman ay bumalik sa kinauupuan kanina.“So…? Bakit parang may nabago sa ‘yo?” muling tanong niya sa kaibigan.“Well… I just did some enhancement with my body. You know… an added weight to my breast, face lift, and a bit bigger eyes. That’s the reason I went to U.S.” Paliwanag nito.Napailing na lang. “Muntikan na talaga kitang hindi nakilala sa itsura mo ngayon. And
“Hey…” namamaos ang tinig na wika ni Penelope sa namumungay na mga mata. Tumaas ang isang kamay nito at marahang idinampi iyon sa pisngi niya. Marahas siyang napahugot ng hininga. Ang init na nagmumula sa kamay nito ay nagbigay nang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanya. Sandali pa s’yang napapikit bago ito tinitigang muli. “You have to take a rest now,” aniya sa pinakakontrolado niyang tinig. Pero para naman itong walang narinig at pinaglandas pa ang isang daliri sa kanyang mga labi. “If this is a dream, then… I don’t want to wake up anymore,” anito kasabay ng pagsilay ng masuyong ngiti. “Penny… you’re not dreaming. I am really here and—” Ngunit ang iba pa niyang sasabihin ay naipit na lang sa kanyang may lalamunan nang walang sabi-sabing angkinin nito ang mga labi niya. Malakas s’yang napasinghap kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata. Sa una ay padampi-dampi lang ang mga labi nito sa kanya, hanggang sa lumaon ay lumalim na iyon at naging mapusok. Hindi rin ito nag-aksaya
Bahagyang nagmulat ng kanyang mga mata si Penelope at muli rin iyong ipinikit ng makaramdam ng matinding pagsakit ng ulo. Mariin niyang diniinan ng mga daliri ang sintido at marahang minasahe iyon. Sa dami ng nainom niya kagabi, natitiyak niyang hindi lang sakit ng ulo ang aabutin niya.Ilang sandali rin s’yang nasa ganoong posisyon at pinakikiramdam ang sarili nang mapabalikwas ng bangon.Oo nga pala, lumabas siya kagabi!Bigla ang pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib. Wala s’yang iba naaalala kagabi kundi ang pagsakay niya ng taxi at ang pagbibigay niya ng address dito. Pagkatapos niyon ay nakatulog na siya.Sa naisip ay mabilis niyang iginala ang mga mata sa silid na kinaroroonan kahit na nga hilong-hilo pa s’ya. Nakahinga naman siya ng maluwag ng matantong nasa kwarto s’ya ni Timothy at nakahiga sa mismong kama nito.Tiningnan niya ang sarili. Nakapantulog na s’ya habang ang kanyang bihisan ay nakalagay na sa laundry basket na nasa malapit sa banyo. Nang lumingon siya sa kanyang t
“Curious lang ako,” aniya ng bahagyang lingunin ang asawa mula sa kanyang may likuran. Nasa Isla Catalina sila at nakaupo sa buhanganinan habang pinanonood ang papalubog na araw. Pagkatapos ng mga nangyari sa syudad ay mas pinili nitong magbakasyon silang muli doon. “What is it?” tanong nito. “Mahilig ka lang ba talagang magtago ng mga lumang gamit o nakakalimutan mo lang talagang itapon ang mga iyon?” curious na tanong niya rito. “Huh?” salubong ang mga kilay na sabi nito. Natawa s’ya bago muling tiningnan ang papalubog na araw sa kanluran.“You have antique things here in the island. Pagkatapos sa kwarto natin sa Manila may lumang kotse at lumang drawing na naka-frame ka,” sabi niya. Ito naman ang natawa. “Iyon ba? Galing ang mga iyon kay Mommy. She gave me that old toy when I was five. A Christmas gift. ‘Yung drawing naman na naka-frame ay ibinigay niya sa akin noong ma-ospital ako. Sabi niya noon mas madali raw akong gagaling kapag may nakita akong magagandang bagay sa pali
Walang kalaban-labang na nagpumiglas si Penelope ngunit malakas si Adam. Isa pa, nakatali ang mga kamay niya kaya napaiyak na lang s’ya sa kinakaharap na sitwasyon. Ngunit nagulat na lang ang lalaki nang makarinig ng putok ng baril at tamaan sa bandang may balikat. Nabitawan s’ya nito at uubo-ubo namang pinuno niya ng hangin ang dibdib. “Sh*t! Sh*t!” paulit-ulit na hiyaw ni Adam habang hawak ang dumudugong balikat. Tila sanay na sanay na iginala nito ang mga mata sa paligid. “Lay another finger on my wife’s body and you’ll be dead.” Nagngangalit ang mga bagang na wika ni Timothy habang marahang lumalapit sa kanila at hawak ang baril. Kasunod nito sina Brando, Hanz, Antonio, at isa pang malaking lalaki na hindi niya kilala. At lahat ay may kanya-kanyang baril na hawak.Napahagulhol naman ng iyak si Penelope ng makita ang kanyang asawa, habang si Adam ay tumatawa ng malakas at agad na may dinukot sa bulsa at itinutok sa kanyang leeg. Napatigil naman sa paghakbang si Timothy. “Akal
Umiling-iling ito. “Tsk… tsk… tsk… Hindi ka rin talaga magaling na artista ano? Kanina ko pa alam na gising ka na. Akala mo ba hindi kita pinagmamasdan mula sa labas?” nakalolokong wika nito. “And so? Are you going to kill me?” naghahamong tanong niya rito.Tumawa ito ng malakas. ‘Yung tipong paninindigan ng balahibo ang kahit na sino kapag narinig iyon. “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi pa ako nasisiraan ng bait, Penelope…” anito. “Pero kung magiging matigas talaga ang ulo mo, baka nga doon ka mauwi. Sa pagiging isang malamig na bangkay kagaya ng iba ko pang naging kasintahan.” Bigla ay nagbago ang anyo nito at nanlisik ang mga mata. Hindi naman siya nagpahalata na natatakot dito, dahil alam niyang lalo lang iyong ikatutuwa ng lalaki. “Alam mo ba…” anito at itinalikod ang suot na sumbrero. Pagkuwa’y humila ito nang isang upuan at naupo paharap sa kanya. “Alam mo bang itong kinalulugaran natin ngayon ay ang bahay-ampunan na pinanggalingan ko? Dito ako lumaki until makakuha n
"Wait, what? What did you say?" sunod-sunod niyang tanong rito. "You’re one month pregnant," walang ligoy na tugon nito.“I’m what!?” bulalas niya at mabilis na napabangon sa pagkakahiga.“Hey…” ani Candice at agad s’yang inalalayan. “Kasasabi ko lang na bawal kang maggagalaw dahil baka mapaano ang baby mo, eh,” sermon nito sa kanya.Natigilan naman s’ya at muling bumalik sa pagkakahiga.“A-Are you sure I... ahm.. I’m…” naluluhang hindi naman niya maituloy ang sasabihin dito.Naramdaman niyang hinawakan nito ang palad niya at pinisil iyon. “It’s alright… you’re doing fine. Huwag kang mag-alala, nasisiguro kong okay lang ang baby mo. The doctors were just wanted to be so sure about it. But, nonetheless, you and your baby were both fine," mahinahong sabi nito.Maluha-luhang ngumiti s’ya rito.“Thanks… kung hindi siguro kayo dumating kagabi baka napahamak na kaming tuluyan,” sising-sising wika niya.“Don’t mention it. Kahit naman siguro ibang tao ang makakita sa ‘yo tutulungan ka pa ri
“Kuya?” bungad sa kanya ni Letizia ng mababaan s’ya nito sa salas ng mga ito. “Where is your husband?” kaagad ay tanong niya rito. Napakunot ang noo nito. “Upstairs. Bakit? May problema ba?” tanong nito. Hindi ito sumagot. Balisang nagpaikot-ikot s’ya sa harapan nito, habang manaka-naka’y tumitingin sa itaas. “Kuya…? May nangyari ba?” nag-aalala ng tanong ni Letizia. “Where is Penny?” Marahas niyang naisabunot ang mga kamay sa buhok ng marinig ang sinabi nito. “I… I don’t know.” Litong tugon niya. “What do you mean you don’t know? Hindi ba s’ya umuwi sa inyo kagabi?” naguguluhang tanong nito. Napatingin s’ya rito. “What do you mean?” “She came here yesterday. At sabi n'ya dederetso s’ya sa inyo pagkaalis niya dito,” anito. Nag-isang linya ang kanyang mga kilay. “Narito s’ya kahapon? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” galit niyang tanong sa kapatid. “Hey!” mataas ang tinig na wika nito. “Hindi ka naman tumatawag sa akin para magtanong, hindi ba?” “But I was searching fo
Bago umuwi sa kanila ay tinawagan n'ya muna si Timothy upang sabihin dito na huwag na siyang daanan sa opisina. Nagtaka man ang kanyang asawa pero hindi na ito nagtanong pa. Pagdating sa kanila ay naroon na rin ito. Nasa garahe na ang kotseng ginamit nito kanina kaya madali s’yang umakyat sa itaas. Naabutan niyang bahagyang nakaawang ang pintuan ng kanilang silid. Itutulak na sana niya iyon ng marinig na nakikipagtalo sa telepono ang kanyang asawa. “No, Dad! Hindi ba sinabi mo sa akin noon na mananatili pa rin ang daddy ni Penelope sa posisyon niya bilang CEO ng Valencia Telecom? Then, why are you insisting yourself to take over his position?” galit na sabi nito. Napatda naman s’ya. Anong ibig sabihin ng kanyang asawa sa sinasabi nito? Sino ang magte-take over?“Gambling? Sino? Si Juancho Valencia? Paano naman ninyo nasabi iyan?” sunod-sunod na tanong nito pagkuwa’y matyagang nakinig sa sinasabi ng kausap. “No. I don’t believe you. Baka sinasabi n'yo lang ‘yan dahil gusto ninyong
Halos ayaw ng pumasok ni Penelope sa trabaho ng sumunod na araw. Idagdag pa ang palagiang pagsakit ng ulo niya nang mga nakaraang araw na hindi niya rin maipaliwanag kung bakit. Hindi naman niya masabi iyon sa asawa dahil ayaw niyang mag-alala pa ito. But she doesn’t have any choice, but to go to work that day. Kung hindi s’ya papasok, baka may ibang tao na makakita ng susunod na ipapadala ni Adam doon at iyon ang ikinakatakot niya. Pagdating sa opisina ay tuloy-tuloy siya sa kanyang silid at mabilis na ini-lock ang pinto. At pagkuwa’y dahan-dahan niyang nilingon ang ibabaw ng kanyang lamesa. Napahawak s’ya sa dibdib kasabay ng malalim na paghinga, ng makitang walang kahit na anong nakalagay doon maliban sa kanyang mga gamit. Marahan ang mga hakbang na lumapit s’ya sa kanyang lamesa. At pagkababang-pagkababa niya sa bag ay eksakto namang may nahulog na kung ano sa pinaglapagan niya niyon. Isa iyong sobre. Halos hindi humihingang dinampot niya iyon at dahan-dahang binuksan. Pakira
May isang minuto na halos walang tigil ang kung sinumang tumatawag na iyon sa kanya, ay hindi pa rin niya iyon sinasagot. Tila kinakapos ng hiningang napatitig s’ya sa bumagsak na larawan sa sahig. Nanginginig ang kamay na dinampot niya iyon, habang mahigpit na nakatakip ang isa pa niyang kamay sa bibig upang hindi kumawala ang impit niyang pagtili roon. Pakiramdam niya anumang sandali ay sasabog ang ulo niya. Gusto ring kumawala ng mga luha sa kanyang mga mata, ngunit parang may pumipigil sa kanya na gawin iyon. She felt so restless and helpless at that moment. Nawalan ng lakas ang mga tuhod niya at napaupo na lang sa kanyang upuan. At ang gimbal na isip ay muling pinukaw ng pagtunog ng kanyang cellphone. Wala sa loob na dinampot niya iyon. Tanging numero lang ang nakalagay sa caller ID kaya muli n’ya rin iyong ibinaba. At mukha namang napagod na ang tumatawag na iyon sa kanya dahil tumigil na rin iyon sa wakas. Hapong-hapong napasandal s’ya sa kinauupuan habang mariing minamasah
“Ma'am may nagpa-deliver po nito sa inyo,” ani Cindy pagdating niya sa opisina. Malapad naman s’yang napangiti ng makita kung ano iyon. Isang pumpon iyon ng kulay pulang rosas. “Thanks,” aniya sa sekretarya at kinikilig na kinuha ang mga bulaklak. Dinala niya iyon sa loob ng kanyang opisina habang manaka-nakang sinasamyo. Pagkapatong sa kanyang lamesa ay agad niyang tinangnan kung may card iyon na kasama, pero wala naman siyang nakita. Kaya agad niyang kinuha ang telepono at tinawagan ang asawa. “At kanino ko dapat ipagpasalamat ang pagtawag mong ito?” bungad nito mula sa kabilang linya. “Well, Mr. Alvarez, hindi ba dapat na iniabot mo na lang sa akin kanina ang mga ito kesa ipinadeliver mo pa?” natatawang sabi niya. Narinig niyang may kumalansing na kung ano sa kabilang linya. Nahihinuha niyang nagkakape ito nang mga sandaling iyon, base na rin sa tunog ng kutsara na kanyang narinig. “Sh*t!” malakas na pagmumura nito. Kaagad naman s’yang napatayo sa kinauupuan. “Why? What hap