Biglang nag-slow motion ang buong paligid ni Hanz. Pakiramdam niya walang ibang taong naroroon kun’di siya at ang babaeng ngayon ay sa kaniya na rin nakatingin. Titig na titig ito sa kaniya, subalit hindi kababakasan nang pagkagulat ang mukha nito.
Her ocean blue eyes were staring at him like he was the only man there. Pagkuwa’y naglakad ito papalapit sa kaniya na parang naglalakad sa runway. She was swaying her hips seductively, at alam niyang hindi lang siya ang nakatitig sa babae habang naglalakad ito.
“Kuya. . . ?” kalabit sa kaniya ni Letizia. Ito ang bumasag sa tila mahikang bumabalot sa kaniya kanina.
Nilingon niya ito.
“Are you alright?” nag-aalalang tanong nito.
Mabilis siyang tumango at muling hinarap ang babaeng papalapit sa kanila. Pero wala na ito roon. Bigla na lang itong naglaho. Iginala pa niya ang mga mata sa paligid upang hanapin ito, pero hindi niya makita ang babae.
“Kuya? Ayos ka lang bang talaga?” Si Letty na hindi pa nakontento sa pagtatanong nito at hinawakan pa siya sa braso.
Nang harapin niyang muli ang mag-asawa ay pareho ang nakalarawan sa mga mata ng mga ito. They were concerned about him.
Nagpilit siyang ngumiti. “I’m fine. Don’t worry about me, okay?” tugon niya.
Ngunit, tila hindi naman kumbinsido ang mga ito.
“Hey. . .” anang tinig mula sa kaniyang may likuran.
Mabilis niya iyong hinarap upang makaiwas sa mapanuring tingin ng mag-asawa. There she saw Andrea looking as astonishing as ever in her silky-white wedding gown. Nagniningning ang mga mata nito, habang malapad ang pagkakangiting nakatitig sa kaniya.
Gumanti siya ng ngiti rito.
“Hey. . . Congratulations,” aniya at niyakap ang babae.
“I’m glad you made it,” anito.
“Yeah. . . Glad I’ve made it,” saad niyang para lamang sa sarili.
At pasimpleng muli niyang pinasadahan ng tingin ang mga taong naroroon. Napukaw lang siya nang malakas na pagtikhim sa kanilang tabi. Paglingon niya roon ay serysosong nakamata sa kanila si Fred.
“You’re hugging my wife for too long,” anito na ikinatawa nilang pareho ni Andrea. Binitawan niya ang babae.
“Congratulations, Pare,” aniya at inilahad ang kamay sa harapan nito.
“Thanks.” Tinanggap naman iyon nang huli.
“Kumain ka na ba?” tanong ni Andrea.
“No. Kararating n'ya lang, Andie,” sabat ni Letizia.
“Ganoon ba? Kumain ka muna,” anang babae sa kaniya.
“Don’t worry about him. Kami na ni Antonio ang bahala sa kaniya. Estimahin niyo na lang ang mga bisita ninyo. I saw Mama was calling both of you now,” ani Letty at nilingon ang tinutukoy.
Sa di-kalayuan ay katabi ni Donya Consuelo ang ilang business associate's ng mga ito. Habang sa isang lamesa naman sa likod nito ay naroon ang tunay na ina ni Andrea na si Miranda, katabi ang apong si Bella at isa pang batang lalaki na hindi nagkakalayo ang edad kay Bella.
“Are you sure okay lang na iwan ka muna namin dito?” untag sa kaniya ni Andrea.
Tumango siya. “Yeah. Sige na. . . harapin niyo na muna ang mga bisita ninyo. I’ll be fine here. Go.” Pagtataboy niya sa dalawa.
Natatawang tumalikod ang mga ito sa kanila at muling hinarap ang mga naroong bisita.
Masaya ang buong paligid. Lahat ay nagagalak sa pag-iisang dibdib ng dalawa nina Andrea at Fred. Ganoon man ang nararamdaman niya, but he can’t focus himself on that happy celebration.
Bakit ba kasi sa dinami-rami nang araw ay iyon pa ang napili ng isip niya na ibalik ang isang taong matagal na niyang ibinaon sa limot? He knew it was just his imagination. Dahil kung totoo ang nakita niya, the woman will just be around. Pero kahit anong ikot ng mga mata ang gawin niya, wala roon ang babaeng nakita niya kanina.
At isa pa, imposibleng mapadpad ang babaeng iyon doon. Ano namang gagawin nito sa kasal nina Andrea at Fred? They didn’t even know each other. Walang koneksyon ang mga ito sa isa’t isa, kaya imposible talaga ang nakita niya kanina lang.
Napailing na lang siya sa sarili. Maybe, marriage was really not his cup of tea. Dahil kahit sa mga ganoong okasyon ay bumabalik ang anino nang kahapong matagal na niyang nilimot.
Samantalang, humihingal na malalaki ang mga hakbang na pumasok si Yeisha sa loob nang mala-palasyong tahanan na iyon. Dire-diretso niyang tinungo ang bar sa isang sulok at kumuha roon ng kahit anong maiinom.
Mabuti na lang at nasa labas yatang lahat ang tao roon. Mag-isa niyang naokupa ang lugar, dahil pakiramdam niya ay kanina pa siyang nagpipigil ng hininga. And she wanted something to drink para mahimasmasan.
Tila hinang-hinang naupo s’ya sa highchair na naroon nang lumapat ang alak sa kaniyang may lalamunan, at bahagyang nakahinga nang maluwag. Muli niyang binalikan sa isip ang nakita kanina. What she saw earlier shocked her and almost made her faint. Paano bang naroon din si Hanz sa pagtitipong iyon? Sinusundan ba siya nito? Gusto ba nitong gumanti sa kaniya? Ano nga ba ang dahilan?
Pero ni isa sa mga katanungang iyon ay wala siyang maisagot. Paano ba niya sasagutin ang isang tila pira-pirasong mga tanong na iyon? Hindi siya kasing-talino gaya ng lalaki. She’s just an average woman, with an average mind. Aminado siyang mas lamang ang ganda na mayroon siya. At pagdating sa usaping pangkaisipan ay hindi siya papasa.
Malakas siyang napabuntonghininga.
Kararating niya lang kahapon sa Pilipinas. Her mother begged her to attend her sister’s wedding. Dahil wala raw ibang pamilya ang kapatid kun’di sila. Hindi naman niya ito matanggihan kaya heto s’ya ngayon—sitting at the far corner of a bar thinking crazy things.
Matagal n'ya nang alam na nasa Pilipinas si Hanz. Hindi na ito bumalik sa Amerika pagkatapos ng nangyari sa kanila. Subalit, wala siyang kaalam-alam kung saang parte ba ito ng Pilipinas nakatira. Basta ang alam niya galing sa mayamang angkan ang lalaki. Iyon lang at ang pangalan nito ang tanging impormasyon na alam niya tungkol dito.
Muli siyang nagsalin ng alak sa hawak na baso at inisang lagok iyon.
Sa tuwing maaalala niya ang lalaki, bumabalik lahat ng masasaya at masasakit nilang alaala sa kaniya. It was like clear running water that continuously flowed in her mind. Parang sirang video na mabilis na nag-re-rewind.
But she didn’t want to linger those thoughts longer in her head. Kaya ang nababalingan niya minsan ay ang pag-inom. She’s not a drunkard. It’s just that those familiar feelings and pains could easily go away kapag nakatikim siya ng alcohol—isa o kahit dalawang baso man lang.
Well, t***a na kung t***a, pero affected pa rin talaga siya kahit napakahabang panahon na ang lumipas. Sino nga bang hindi maaapektuhan kung minahal mo naman talaga nang totoo ‘yong tao?
“No one,” tila baliw na kausap niya sa sarili.
Pagak siyang natawa.
Kung babalikan niya lang ang huling araw ng pagsasama nila ni Hanz, nakinig na lang sana siya rito. Disin sana'y sila pa rin nito hanggang ngayon. But she was very ambitious back then. She’s at the peak of her career na kahit ang dating asawa ay hindi siya makayang pigilan.
At pinagsisisihan pa rin niya iyon hanggang ngayon. She admits long time ago na kasalanan niya ang lahat kaya nawala ang taong pinakamamahal niya. Wala siyang ibang masisisi kun’di ang sarili. At kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na kalimutan na ito, palagi pa rin itong sumasagi sa isipan niya.
“There you are,” anang baritonong tinig na nagpaigtad kay Yeisha. Napatuwid siya ng upo at hindi makuhang lingunin ang nagsalita.
“I thought I just saw a ghost earlier. Pero, totoo palang naririto ka,” patuloy nito na hindi itinago ang galit sa tinig. “How come na naimbitahan ka rito? Was this one of your ambitious plans, huh? Hindi ka pa ba kontento sa mayaman mong kalaguyo?” sarkatiskong tanong nito.
Huminga siya nang malalim para ihanda ang sarili. Wala nang atrasan ito. Nakita na siya ni Hanz at imposibleng maiwasan pa niya ito.
Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki. Pagkuwa’y diretso itong tinitigan sa mga mata at bahagyang ngumiti; na para bang hindi niya narinig ang pangungutya nito.
“Hi! It’s nice seeing you here,” aniya habang pilit na itinatago ang panginginig ng mga labi.
My, oh my! Hindi pa rin kasi nagbabago ang dating ng lalaki sa kan’ya. He could still shake her world just by staring at him.
Pinaglandas niya ang mga mata sa kabuuan nito. He’s still as gorgeous as ever! Mas gumwapo pa ito sa pagdaan nang panahon.
Ang mga mata nitong itim na itim na animo’y nanunuot ang mga titig ay hindi siya hinihiwalayan ng tingin. Ang may kalaguang buhok nito na palagi niyang pinag-aamutan noon nang lakas ay hindi pa rin nagbabago. Ang matangos nitong ilong na hindi yata niya pagsasawaang paglandasin ang mga daliri kailanman. His alluring lips were so enticing to look at. Ilang beses na nga ba niyang natikman iyon?
Hindi na niya maalala.
Pero sa tuwing lalapat ang mga iyon noon sa kaniya, pakiramdam niya nag-iinit ang buong paligid pati na ang katawan nito. Nagsisilbi iyong posporo na unti-unting tumutupok sa matino niyang pag-iisip. It makes her became wild.
But, added to his old feature was now a not so bearded face; na lalong nagpatingkad sa kagwapuhan nito. Kung dati, he's much better than Zeus. . . Ngayon, he’s far way. . . way. . . way. . . better than him. Pinaghalong semi-badboy at mala-Greek god kasi ang datingan nito na talaga namang kahit sinong babae ay mahuhulog dito.
Dumako ang mga mata niya sa umbok sa pagitan ng pantalon nito. Wala sa loob siyang napalunok. Kahit yata anong tago ang gawin doon ng lalaki ay nagsusumigaw pa rin ang kakisigan niyon. And she knew na maraming babae ang napapaligaya niyon kabilang na siya.
“Tapos ka na?” tanong nitong nagpabalik ng kaniyang pansin sa mukha nito. Nakaismid ito habang naniningkit ang mga matang nakatitig sa kaniya.
Bigla naman siyang nakaramdam ng pagkapahiya. At ang kaninang pinukaw nitong damdamin sa kaloob-looban niya ay unti-unting naglaho. Parang gusto na niyang itago ang sarili sa mga sandaling iyon. At nahiling niyang sana ay lumubog na lang siya sa kinatatayuan.
“Are you following me?” muling tanong ng lalaki sa nagngangalit na mga bagang.
Doon na siya tuluyang natauhan. Hindi pa rin pala siya nito napapatawad hanggang ngayon. At hindi naman niya ito masisisi. Kahit pa nga ipaliwanag pa niya ang sarili rito, matagal nang tapos ang lahat sa kanila. Kaya’t pinatigas niya ang anyo.
“Why would I be?” mataray niyang tugon sabay tayo. Tatalikuran na sana niya ito, pero mabilis nitong nahaklit ang braso niya.
“Don’t you think it’s rude to turn your back on someone who’s talking to you?”
“Are we talking?” sikmat niya. Lumipad ang mga mata niya sa brasong mariing hawak nito. “Please take your hands off me. Bago pa ako magsisigaw rito at maeskandalo ang lahat,” may halong babalang wika niya nang muling tingnan ang lalaki.
Subalit, sa halip na bitawan s’ya nito ay hinila pa siya nito palapit at bumulong sa may punong tainga niya. “Don’t you dare talk to me that way. Dahil kung may dapat na mahiya rito, hindi ako iyon—kun’di ikaw!” mariing wika nito.
Sandali siyang napapikit nang tumama ang mainit nitong hininga sa may pisngi niya. It was intoxicating, causing her to think of running away from him. Dahil baka kung saan pa mauwi ang binubuhay nitong damdamin sa kaloob-looban niya. At noon niya nahiling na sana, kahit isa man lang—sana may taong magawi roon upang pigilan siya.
At mukhang narinig naman siya. Dahil mula sa kung saan ay may lumitaw na isang batang lalaki.
“Mommy?” anito na sa kaniya nakatingin.
Paikot-ikot si Hanz sa kaniyang silid. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin o mararamdaman sa mga sandaling iyon. He was in great shock seeing his ex-wife at Andrea's wedding a while ago. Pero ang mas nakakagimbal pa roon ay ang kaalamang may anak na ito. He didn’t expect that coming. Kahit pa nga ang makitang muli si Yeisha ay hindi niya inaasahan. Why, of all places—sa kasal pa talaga ni Andrea sila nagkita! At wala siyang nagawa kanina kun’di iwanan ito roon with so many questions running on his mind. Pakiramdam niya hindi siya patutulugin ng bagay na iyon sa gabing ‘yon. Marahas siyang humugot ng hangin sa dibdib. It was a different thing to see Yeisha with a child. She looks mature and way gentle. Inang-ina ito kapag kaharap ang anak. Iba ang kislap ng mga mata nito, pati na ang tamis ng mga ngiti sa mga labi habang tinitingnan ang bata. At hindi niya mapigilang hindi balikan sa isip ang tagpo kanina sa casa. “Mommy?” anang batang lalaki na nakilala agad niya. Iyon ang k
“Yeisha?” aniya at hindi makapaniwalang binalingan si Andrea. Hindi niya alam kong binibiro ba siya nito. But Andrea was looking at him seriously. Doon niya napagtantong totoo ang sinasabi ng babae.At kung may malalang termino pa ba sa nayanig na mundo, iyon ang tawag niya sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Why of all people—ginawa pa talagang magkapatid ang ex-wife at ex-fiancee niya! F**k! Marahas niyang naihilamos ang mga kamay sa mukha.Gusto niyang sumigaw pero lalabas siyang katawa-tawa sa harap ng mga ito. Kung magbiro nga naman ang tadhana—oo! Sinusubukan ba siya niyon noong sabihin niya kay Letizia na hindi sila magkasundo? Dahil ngayon pa lang gusto na niyang mabura sa mundong ibabaw ang katagang iyon. Lumapit sa kanila ang naguguluhan ding siYeisha. “Andrea, what’s the meaning of this?” tanong nito. Mukhang kagagaling lang nito sa restroom kaya hindi niya agad ito napansin kanina. “Yeah. . . Andrea. . . What the heck is this?” tanong din niya. Pareho na silang
"Magagawa niya iyon sa sarili niyang anak?” manghang tanong niya. Ano ba talagang buhay ang mayroon si Yeisha? Ano ba talagang buhay ang dinanas nito matapos nilang maghiwalay? Pigil na pigil nito ang mga luha habang nakatitig sa kaniya. “He can. Nagawa niya sa akin, so he could do that to Harvey, too. Kaya ako nakipaghiwalay sa kaniya. Kahit pa nga ayaw niya,” pabulong na tugon nito.“I asked help from your friends. Kinapalan ko na talaga ang mukha ko. I also called my mother. And she immediatelywent to see me,” patuloy nito. “Whose friend you are talking about?” “Christian.” Napaisip siya sandali. Kailan nga ba siya huling nakatanggap ng tawag mulasa kaibigan? Four months ago? At hindi niya alam na kaya pala ito biglang nangumusta ay dahil kay Yeisha. He never mentioned her, but that was a clear hint. Christian is one of his closest friends in California. He was one of those few people who witnessed how he was deeply-madly in love with Yeisha before. And he didn’t know na may c
"Can't you just stay? Milan is too far away from here," lambing ni Hanz kay Yeisha habang nag-eempake ito ng mga damit. "Babe. . . we talked about this, right? You know how much I need this break. Marybeth said that after this, I am going to be the top model of our agency. Kapag nangyari iyon dadami na ang opportunities ko hindi lamang dito sa California. I could be one of those supermodels wearing signature brands on the runway," anito nang harapin siya. Ang tintutukoy nitong Marybeth ay ang PA/Manager nito. Lumabi siya. "But babe. . . I'm going to miss you. Don't you feel the same?" Natawa ito. Tuluyan na itong tumigil sa ginawa at hinarap s'ya. "Of course, I'm gonna miss you." Ikinawit nito ang mga kamay sa may leeg niya. "But have you forgotten that it was just for a week? After that, I'm all yours,"malambing na turan nito. He sighed. "Alright. . ." napapahinuhod na wika niya. Lumapad ang pagkakangiti nito at ginawaran siya ng halik sa kaniyang mga labi. Nang akmang ilalayo
“Mommy. . . Mommy. . . wake-up.” Tinig iyon ni Harvey. Pagmulat ng kaniyang mga mata ay nasa tabi na niya ito at mukhang bihis na bihis, habang masuyong tinatapik ang kaniyang may balikat.“Yes, honey. . . What is it?” namamaos na tanong niya kasabay ng paghihikab.“We are going to Tito Hanz’s place today, remember?” paalala nito.Nawala ang antok niya.Oo nga pala. Nakapangako nga pala siya na ngayong araw pupunta kina Hanz. Tumawag na rin ang lalaki sa casa at sinabi nitong naghihintay nga rin daw ito sa pagdating nila roon.“Can I sleep for at least thirty minutes? Marami pa kasing tinapos si Mommy kagabi, eh,” aniya sa tonong nakikiusap.Mula noong makasal siya kay Dereck, hindi na siya pinayagan pa nitong magtrabaho. Hindi na rin naman siya makakalakad sa runway because she’s pregnant with Harvey. Pero akala niya, pagkatapos niyang manganak ay maari na siyang bumalik. But Dereck pinned her down on their house.Wala raw mag-iintindi sa anak nila. Nauunawaan naman niya ang lalaki n
Napatda siya sa tinuran ng lalaki. Dahan-dahan siyang lumingon sa tinitingnan nito. At di-kalayuan sa kinatatayuan niya ay naroon ang isang matandang lalaki. Matangkad ito kagaya ni Hanz at bigotehin. Puti na ang buhok nito, but he still looks dignified and full of authority. Damang-dama niya iyon kahit ilang metro ang layo nito sa kaniya. Nakasuot ito ng puting polo shirt at asul na pantalon. Sa ulo naman nito ay naroon ang kulay kremang sumbrero. Habang tinitingnan niya ito nang matagal, mas nagiging kamukha ito ni Hanz. Kaya’t walang dudang ama nga ito ng lalaki. Mabilis na lumipad ang mga mata niya sa kinaroroonan nina Hanz at Harvey. Papalapit na ang mga ito sa kinatatayuan niya. “Who is that Tito Hanz?” tanong ni Harvey rito habang ibinababa ito ng binata. “That’s my father,” ani Hanz. Tumango naman si Harvey at tiningnan ang matandang ilang hakbang na lang ang layo sa kanila. “I didn’t know you’ll come here,” wika ni Hanz nang tuluyang makalapit ito sa kanila. Sinulyap
“Miss, can I buy you a drink?” malakas na tanong ng lalaking lumapit sa kaniya. Naka-itim itong leather jacket na pinapailaliman ng itim ding t-shirt. Itim din ang pantalon nito pati na ang sapatos.Bahagyang napataas ang isang kilay niya. She was in a bar in one of the busiest streets in California. Kakatapos lang ng isang show na kinabibilangan niya and it was a success. Kaya nagyaya ang organizer ng fashion show sa bar na iyon. She’s with her co-models, pero mas pinili niyang maupo sa isang sulok sa harap ng bar counter.“Miss?” untag sa kaniya ng lalaki. Subalit, hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. She was not the type of person who likes talking to a stranger. “Miss?” pangungulit pa nito.Napilitan siyang harapin ito.“I’m sorry, Mister. But I have no time to talk to you,” supladang wika niya.Ngumiti ang lalaki na nagpangyari upang saglit siyang matigilan. Paano ba naman kasi, bukod sa napakatangkad nito, nasalo na rin yata nitong lahat ang kagwapuhan nang maghasik niyon sa
“Miss, can I buy you a drink?” malakas na tanong ng lalaking lumapit sa kaniya. Naka-itim itong leather jacket na pinapailaliman ng itim ding t-shirt. Itim din ang pantalon nito pati na ang sapatos.Bahagyang napataas ang isang kilay niya. She was in a bar in one of the busiest streets in California. Kakatapos lang ng isang show na kinabibilangan niya and it was a success. Kaya nagyaya ang organizer ng fashion show sa bar na iyon. She’s with her co-models, pero mas pinili niyang maupo sa isang sulok sa harap ng bar counter.“Miss?” untag sa kaniya ng lalaki. Subalit, hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. She was not the type of person who likes talking to a stranger. “Miss?” pangungulit pa nito.Napilitan siyang harapin ito.“I’m sorry, Mister. But I have no time to talk to you,” supladang wika niya.Ngumiti ang lalaki na nagpangyari upang saglit siyang matigilan. Paano ba naman kasi, bukod sa napakatangkad nito, nasalo na rin yata nitong lahat ang kagwapuhan nang maghasik niyon sa
“Hanz. . .” masuyong tawag niya sa asawa. Subalit ilang sandali na ang nagdaan ay hindi pa rin ito tumutugon. “Babe!” Nilakasan na niya bahagay ang tinig para marinig nito. Humahangos namang lumapit ang lalaki. “What is it, Babe?” tanong nito sa kaniya na sa salamin nakatingin. “Can you help me pulled this zipper?” Itinuro niya ang likuran na hindi makayang abutin ng kamay niya. Mabilis itong tumango. Napansin niyang tahimik lang ito. “May problema ba” tanong niya nang harapin ito. Umiling ito na tutok na tutok ang mga mata sa kaniya. “What’s the matter, Babe? Pangit ba ang suot ko?” takang tanong niya rito. It was Augusto Alvarez’s seventy-fifth birthday. Si Hanz mismo ang pumili ng gown na isusuot niya sa gabing iyon. Sanay na kasi siya sa asawa na alam ang babagay na damit sa kaniya. Daig pa nga nito ang stylist niya noon sa pagmomodelo kung gaano kamitikuloso. But even so, panay papuri naman ang naririnig niya sa mga taong nakakakita sa kaniya. Nakita n
“What’s happening here?” tanong ni Yeisha sa ina at kapatid, nang mabungaran ang mga ito pagkagising. Naroon din si Bella na kalaro ni Harvey sa labas. Lumapit siya rito. “I invited them.” Hinalikan niya ito sa noo. Regular na ganoon sila araw-araw. At nahahalata niyang nasasanay na sa ganoong gawi niya si Yeisha. “Why? Anong mayroon? May okasyon ba?” sunod-sunod na tanong nito na nilapitan sina Andrea at Miranda. “Kailangan bang may okasyon para bisitahin ka namin dito?” ani Andrea pagkatapos itong halikan sa pisngi. Umiling ito at ang ina naman ang ginawaran ng halik. “Hindi naman sa ganoon. This was just. . . unexpected. Sana sinabihan ninyo ako para naipaghanda ko kayo nang pananghalian.” “There’s no need to do that. I already asked Manang Sideng. Maya-maya lang ay luto na ang mga iyon,” singit niya. Nilingon siya ng babae na nakataas ang mga kilay. Kapag titingnan siya nito nang ganoon ay nawawala sa isip niyang may pinagdadaanan ito. At naiisip niyang baka nagk
Pilipinas, Villa Catalina “No. . . no. . . Stop it!” sumisigaw na wika ni Yeisha mula sa silid nito. Napatigil sa paghakbang si Hanz nang matapat doon. Pinakiramdaman niya ito mula sa loob. “Please. . . I will not do it again. Please forgive me. . .” paulit-ulit na pagsusumamo nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng silid nito. Madilim sa loob at tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw roon. Lumipad ang mga mata niya sa kama ng babae. Naroon ito at nakapamaluktot habang nanginginig ang buong katawan. Mabilis siyang napalapit dito at binuksan ang lampshade sa side table. “Yeisha. . . Yeisha. . . Wake up. You're having a bad dream,” paanas niyang sambit. Butil-butil ang pawis nito sa noo nang magmulat ng mga mata. “H-Hanz?” nanginginig ang mga labing turan nito. “Yeah, it’s me.” Napabangon ito at mahigpit siyang niyakap. Ramdam na ramdam pa rin niya ang panginginig ng katawan nito. “I’m scared, Hanz. I'm scared. . .” tila nagsusumbong na wika ni
“Where are you?” nag-aalalang tanong ni Hanz kay Yeisha, na sa wakas, after calling her for twentieth times ay sinagot din ang telepono. “I-I. . . I went somewhere,” alanganing tugon nito. He can sense the worriedness in her voice. “Tell me the truth, Yeisha. Dahil ayokong pati ikaw ay mawala sa akin,” tumatahip ang dibdib na wika niya. It's been a week since Harvey went missing. Ayon kay Bernard, pinakilos na ng ama nito ang mga tauhan sa paghahanap kay Dereck. And anytime soon ay makikita na rin ito. Sinigurado iyon sa kaniya ng lalaki. But Yeisha seemed to be not herself sa nakalipas na dalawang araw. Hindi niya alam kung bakit. Sa isip niya ay dahil iyon sa hindi pa nila matagpuan ang anak nila. Subalit, lumakas ang kutob niya na may hindi ito sinasabi sa kaniya, nang bigla na lang itong magpaalam at uuwi sa apartment, habang kinakausap nila ang mga pulis kanina. At nang puntahan niya ito roon ay wala oon ang babae. “Don’t try to find me, Hanz. I am doing this
“Still no news?” namamaga ang mga matang tanong ni Yeisha sa kaniya nang balikan niya ito sa apartment. Iniuwi niya muna ito roon kanina, upang kahit papaano ay makapagpahinga ito. Subalit mukhang hindi rin naman iyon nagawa nito dahil sa matinding pag-aalala sa kanilang anak. Apat na araw na ang nakalilipas, ngunit hindi pa rin nila natatagpuan si Harvey o si Dereck. Walang makapagpagsabi kung nasaan ang mga ito. Noong pumunta sila sa eskwelahan ni Harvey ay nakuha sa CCTV ang pagpasok ni Dereck sa school premises nito. Kilala ng eskwelahan na anak nito si Harvey kaya walang kahirap-hirap na naitakas iyon ng lalaki. And the cops were having a hard time tracing Dereck’s location. Kahit sa bahay nito ay wala ang lalaki. At tila pinapatay silang pareho ni Yeisha nang matinding pag-aalala. They knew Dereck’s capabilities. Nasisiguro niyang hindi ito mangingiming saktan si Harvey, lalo pa nga’t malinaw naman na hindi nito anak ang bata. Umiling siya at naupo sa tabi nito. “Th
“Daddy?” ani Harvey nang makita siya nito sa playground sa loob ng eskwelahan. Nakangiting nilapitan niya ang bata. “Hi! I came by to see you,” ani Dereck at bahagyang luminga sa paligid. Walang gasinong tao sa mga sandaling iyon. “Where is Mommy? Have you seen her?” Tumingin ito sa may likuran niya na para bang inaasahan nitong anomang sandali ay lalabas doon si Yeisha. “Yeah. She’s waiting in my car. She asked me to pick you up because she wanted to give something to you.” Hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi habang sinasabi iyon. “Really?” nanunukat ang tinging tanong nito. Mabilis siyang tumango. “Yeah. You could ask her yourself,” malumanay na wika niya. Hindi sumagot si Harvey. Kumibot lang ang mga labi nito. “Don’t you wanna see her?” aniya. Alanganing lumingon ito sa loob ng room nito, pagkuwa’y bumuntonghinga. “Please promise me one thing,” anito nang harapin siyang muli. “Go ahead...” “You will not hit Mommy again. Never,” mariing sambit nito.
Malikot ang mga matang iginala ni Yeisha ang paningin sa paligid. She makes sure na walang makakita sa kaniya ni isa man sa mga kasambahay na naroon. Nang masigurong walang kahit na sino sa paligid, tiyak ang mga hakbang na tinungo niya ang dating silid nila ni Dereck. She quickly managed to get in dahil hindi naman iyon nakakandado. Sanay ang dating asawa na iniiwan iyon nang ganoon. Tinungo niya ang dressing room. Dereck used to have a vault there, na naroroon na mula nang lumipat siya. Hindi niya iyon pinag-aksayahang buksan dati. Pero alam niya ang password niyon nang minsang buksan iyon ni Dereck habang nagbibihis siya. Madali ang mga daliring pinindot ang code na naisip. At isang click ang kaniyang narinig. Palatandaang bumukas iyon. She sighed. Pagkuwa'y dahan-dahan iyong binuksan nang may pag-iingat. Nang tingnan niya ang laman sa loob, may mga kung ano-anong mga mahahalagang dokumento tungkol sa agency nito at ilang ari-arian, kasama na ang bahay nito. Hinalungkat
“Let me...” awat ni Yeisha nang akmang bubuhatin ni Hanz si Harvey na nakatulog na sasakyan. “No. Let me.” At tinalikuran na siya nito pagkatapos kargahin ang anak niya. Napailing na lang siya sa sarili habang nakasunod sa mga ito. Mabilis niyang binuksan ang apartment nila at tuloy-tuloy namang dinala ni Hanz si Harvey sa kwarto nito. Ito na rin ang naghubad ng sapatos at umayos ng pagkakahiga ng anak niya. “Salamat,” mahinang usal niya. Tumango ito. Magkasunod nilang tinungo ang salas. “Do you want some coffee before you went home?” alok niya. Hindi naman siguro masamang gawin iyon. Pakonswelo na rin sa ginawa nito para sa kanilang mag-ina sa maghapong iyon. Harvey enjoyed so much the whole day. Walang sandaling hindi ito nakangiti o tumatawa. And her heart was filled. Punong-puno iyon ng kasiyahan. Seeing her son enjoying the life he should be. At kahit siya man ay hindi rin matatawaran ang sayang nadarama. And that’s all thanks to Hanz. “I’d love to. Kung hindi
“A theme park!? Really!?” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Harvey nang makababa ito ng sasakyan. Halatang-halata sa mukha nito ang nadaramang excitement sa mga sandaling iyon. “Yes! And welcome to one of my most favorite place on earth!” hayag niya at sinulyapan si Yeisha na nasa tabi nito. Mataman itong nakatitig sa kaniya na tila ba may ibang tumatakbo sa isip nito. And he knew why. Palihim siyang napangiti nang muling tingnan si Harvey. “Have you been here before?” he asked. Umiling ito. “Not so. Just in small parks with kiddy rides. Mommy said it’s too dangerous to ride those.” Itinuro nito ang nakapakahabang roller coaster na natatanaw. Biglang natawa si Yeisha na ikinalingon nila ni Harvey rito. Hindi ito makatingin nang diretso sa kanila habang patuloy sa pagtawa. Kaya't hindi na maipinta ang pagmumukha niya. Nakikini-kinita kasi niya kung ano ang tumatakbo sa isip ng babae. At iyon ay ang unang beses na sumakay sila sa roller coaster na itinuro ni Harvey. Th