"What's her favorite food?"
Napansin ni Bianca na napahinto si Lucas sa tanong niya.
"May... mali ba sa tanong ko?" tanong niya ulit.
Umiling si Lucas. "Nothing. It's just that... hindi sanay si Gigi na makita sa kusina ang Mommy niya. Hindi nagluluto si Tanya para kay Gigi. You can ask the maids."
"I'm not your wife, Lucas. Hindi ako si Tanya. You want a mother for your daughter, then hayaan mo ako sa paraan ko kung paano ako maging ina kay Gigi."
Isang linggo na ang nakalipas simula nang maoperahan ang Lola ni Bianca. Gamit ang pera na ibinigay ni Lucas ay naging maayos na ang lagay ng Lola niya. Nagpadala rin si Lucas ng nurse na mag-aalaga sa Lola niya dahil tuwing Linggo lang siya pwede umuwi doon.
Dalawang araw na siya dito naninirahan sa mansyon ni Lucas. Nang dumating siya rito noong isang araw at nakita niya na tuwang-tuwang si Gigi. Akala talaga ng bata ay siya ang Mommy nito.
"Mommy! Daddy! I'm home!" sigaw ni Gigi mula roon sa living room. Mukhang tapos na ang klase nito.
"We're in the kitchen, baby! Come here!" nakangiti namang sigaw ni Bianca pabalik.
Mabilis siyang sinunggaban ni Gigi at yumakap sa bewang niya. "Mommy, akala ko ikaw ang susundo sa akin?"
Bumaba si Bianca para magpantay ang taas nila ni Gigi at hinalikan ang pisngi nito. "Si Yaya na ang pinasundo ko dahil magluluto ako ng paborito mong ulam."
Namilog naman ang mga mata ng bata at nagtatalon sa tuwa. "Wow! Really, Mommy? Thank you, I love you!"
Growing without a complete family, isa sa pangarap ni Bianca ay ang maging isang mabuting ina at asawa. Gusto niya kapag nagkapamilya siya ay ibuhos ang pagmamahal na meron siya. Ang bagay na hindi niya naranasan sa kanyang ina at ama.
"And I love you more," tugon niya sa bata.
Sinulyapan niya si Lucas at nakitang nakatingin ito sa kanilang dalawa. Malalim ang iniisip.
"Go to your Yaya, magpapalit ka na sa kanya ng damit. Kakain na tayo maya-maya."
Agad namang sumunod sa utos niya si Gigi at kakanta-kanta pa na tumakbo palabas ng kusina.
"Hanggang kailan mo balak paniwalain ang bata na bumalik na talaga ang Mommy niya?" mahina, pero seryosong tanong niya kay Lucas. "You should find your wife, Lucas. Hindi naman pwedeng habang buhay ay narito ako para magpanggap na Mommy niya. Kailangan mo makita si Tanya, kailangan niyo mag-usap para kay Gigi."
"That's what I'm doing. Mag-iisang taon ko na siya pinapahanap, pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita."
Pareho silang natahimik. Sa isip ni Bianca, nasaan ba talaga si Tanya. Ano ba ang rason nito kung bakit umalis na lang at iniwan ang mag-ama nito. Sa sobrang yaman ni Lucas ay madali nito mahahanap ang asawa, pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin balita? Paano kung si Tanya mismo ang ayaw magpahanap?
**
"Mommy, pwede ba dito kayo matulog ni Daddy sa tabi ko?" request ni Gigi, katatapos lang nito uminom ng gatas at handa na matulog.
Nagkatinginan sina Lucas at Bianca, parehong hindi inaasahan ang gusto mangyari ng bata. Ang alam ni Gigi, sa iisang kwarto natutulog ang dalawa. Pero hindi nito alam, na kapag mahimbing na itong natutulog ay lumilipat na si Bianca sa guest room, at babalik naman sa kwarto ni Lucas bago mag-alas sinco ng umaga.
"Oo naman, walang problema, baby," sagot ni Bianca at tumabi kay Gigi.
"Daddy, halika rito tumabi ka rin sa amin ni Mommy!" tawag ni Gigi sa ama kaya wala ng nagawa pa si Lucas.
Nasa gitna nila Lucas at Bianca si Gigi. Kung sino man ang makakakita sa kanila ngayon ay iisipin talagang masaya silang pamilya.
"Akala ko hindi na ulit babalik sa atin si Mommy. Mabuti na lang pinakinggan ni Lord ang prayers ko," inosenteng bulalas ng bata. "Thank you po, Lord."
"Pasensya na... kung umalis noon si Mommy. May... kinailangan lang ako gawin kaya ako nawala," pag-aarte ni Bianca, guilty sa mga sinasabi.
"Okay lang po yun, Mommy. Ang mahalaga ngayon nandito ka na. Huwag mo na ulit kami iwan ni Daddy." Hinawakan nito ang kamay ng ama. "Daddy, please kiss mo si Mommy, para hindi na siya ulit umalis."
Nanlaki ang mga mata ni Bianca at napatingin sa natatawang si Lucas. Nakangiti naman si Gigi sa harapan nila kaya hindi niya magawang makapalag at makapagreklamo.
"Kiss! Kiss! Kiss" chant ni Gigi.
Bumilis ang tibok ng puso ni Bianca nang inilapit ni Lucas ang mukha sa kanya. Napapikit siya at hinintay na lumapat ang labi nito sa kanya, pero naramdaman niya ang labi nito sa pisngi niya.
"Goodnight, Mommy," malambing nitong sabi, ginaya ang paraan kung paano siya tawagin ni Gigi. "Goodnight, baby." At saka si Gigi naman ang hinalikan sa pisngi.
Napalunok si Bianca at palihim na napahawak sa dibdib niya. She felt something... different. Ang pakiramdam na kakaiba, ngayon niya pa lang iyon naramdaman sa tanang buhay niya.
Nang magising sila kinabukasan ay wala na si Lucas sa tabi nila. Ang sabi ng mga kasambahay ay maaga raw pumunta sa kompanya.
"Mommy, can we call Daddy? I want to go to shopping today?" bored na bored na sabi ni Gigi habang sumisimsim sa gatas nito at kumakain ng almusal.
Naalala ni Bianca ang sinabi kahapon ni Lucas. "Naku, maraming meeting ang Daddy mo ngayon. Sa tingin ko ay hindi siya makakasama."
Napanguso naman si Gigi at nalungkot ang mukha.
"Gusto mo ba tayo na lang?" suhesyon niya kaya biglang nagliwanag ang mukha ng bata. "Sa susunod ay isasama na natin ang Daddy mo."
"Sige po! Payag ako!" kinikilig na tili ng bata.
Pagkatapos mag-almusal ay inihanda na ni Bianca si Gigi. Kasama ang Yaya nitong si Lucy at ang driver ay pumunta sila sa Mall para bumili ng bagong mga damit at laruan ni Gigi. Naglaro rin ito sa kid's toy kingdom, at nakikita ni Bianca kung gaano ito kasaya.
Maya-maya pa ay nagpaalam siya kay Lucy na bantayan muna si Gigi dahil pupunta lang siya sa restroom. Ibinilin niya sa Yaya na huwag aalisin ang tingin sa bata.
"Paris? Of course, sasama ako!" maarteng boses ng babae sa loob ng kabilang cubicle. Mukhang may kausap ito sa cellphone.
Wala sa intensyon ni Bianca na pakinggan ang sinasabi ng babae, pero malakas ang boses nito kaya hindi niya maiwasan na marinig.
"What do you mean my daughter? Her father is taking care with her. I just realize na hindi pa pala ako handa maging isang butihing ina at asawa, so I left to breathe some fresh air. Para na rin makapag-isip isip."
Napailing na lang si Bianca sa sinabi ng babae. Isa na namang ina ang walang pagpapahalaga sa anak.
Lumabas na siya ng cubicle at naghugas ng kamay. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ang babaeng narinig niya at tumabi sa kanya para maghugas din ng kamay.
Kasabay ng pagtingin ni Bianca sa salamin ay siya ring pag-angat ng tingin ng babae. Nagtama ang mga mata nila sa salamin at sabay na umawang ang mga bibig.
Magkamukha silang dalawa!
"W-Who... are you...?" gulat na tanong ng babae sa kanya at pinihig siya paharap.
Pinagmasdan ni Bianca ang babae. Hindi siya pwede magkamali, ang babaeng ito ay si... "Tanya..." bulalas niya.
"How do you know me? Bakit... kamukha kita?" magkasunod na tanong ni Tanya kay Bianca. "Are we... related... or twins...?"
Tama nga ang hinala ni Bianca. Ayaw mismo magpahanap ni Tanya kina Lucas at Gigi. All this time ay nasa paligid lang ito, nagtatago sa mag-ama nito.
"I don't think we're related. Nagkataon lang siguro na magkamukha tayo. Hindi ko gugustuhin na magkaroon ng kakambal na katulad mo," hindi na niya napigilan ang pagtataray dito.
"What? Miss, mas lalong hindi ko gugustuhin na maging kakambal kita." Ismid nito sa katawan. "Pero bakit mo ako kilala? Tinawag mo ako na Tanya."
"Alam mo bang matagal ka na hinahanap ng mag-ama mo," mariin niyang sabi. Hindi niya direktang sinagot ang tanong nito.
Sandaling natahimik si Tanya. Ang akala ni Bianca ay makikitaan niya ito ng pagkaguilty, pero sungay ang lumabas dito.
"Who do you think you are para manghimasok sa buhay ko?" sarkastiko itong natawa. "Wala kang alam kaya hindi mo ako pwede pagsalitaan ng ganyan." Binangga nito ang balikat niya at nilagpasan siya.
Bago pa ito makalabas ng restroom ay hinila ni Bianca ang braso nito pabalik. "Hindi ka ba naawa sa anak mo? Kinakailangan pa magbayad ni Lucas ng babaeng kamukha mo para lang magpakaina sa anak na iniwan mo, dahil gusto mo magbuhay dalaga!"
Napatitig si Tanya sa kanya sa sinabi niya. Pagkatapos ay biglang nagbuntonghininga, at umirap. "So Lucas hired you bilang proxy ko? Kung ganon, just do your job, okay? Alagaan mo ang anak ko. Magpakaina ka sa kanya habang wala ako dahil iyon ang trabaho mo—"
"Ano bang akala mo sa anak mo, Tanya? Isang tuta? Isang kuting? Na pwede alagaan ng kahit sinong amo at palakihin?" Mas diniinan ni Bianca ang pagkakahawak sa braso nito. "Kapag ba sawa ka na sa buhay na gusto mo ay babalik ka sa anak mo na parang walang nangyari?"
"And so what?" Tawa ni Tanya sa kanya. "Ano va ang gusto mo mangyari? Kulang ba ang bayad sayo ni Lucas? Gusto mo ba ay dagdagan ko para lang tumahimik ka at lumabayan mo ako?"
Walang saysay ang mga sinasabi Bianca. Kahit anong paliwanag ang gawin niya kay Tanya ay sarado ang isip nito. Nagsasayang lang siya ng laway sa babaeng ito.
"Makinig ka sa akin, Tanya," ani niya, mahigpit ang tono. "Tandaan mo ang bawat salitang sasabihin ko." Bumigat ang tingin niya rito. "I'm giving you two months para balikan sina Lucas at Gigi... dahil kung hindi mo 'yun gagawin, sisiguraduhin kong wala ka nang babalikan pa."
"Mas masaya ito kung magsasayaw tayo, Bianca!" aya ng kaibigan ni Bianca na si Kia.Nasa dance floor na rin kasi ang iba nilang mga kaibigan sa trabaho, nagsasayaw at enjoy na enjoy ang gabi. Nagkayayaan kasi ang mg ito na maglibang dito sa bar dahil bagong sahod sila."Hindi, ayaw ko. Kayo na lang. Hindi rin ako marunong sumayaw," tanggi niya. Lasing na rin siya at may tama na ng alak. Nararamdaman na niya ang pagkahilo dahil marami-rami na rin siyang nainum."Huwag ka ngang killjoy, Bianca! Halika na, maraming gwapo sa dance floor!""Hindi ako mahilig sa gwapo," palusot niya at hindi talaga nagpahatak sa kaibigan.Napairap sa kanya si Kia. "Kaya ka hindi nagkakaboyfriend!" ismid na sabi nito. "Ewan ko talaga sayo! Baka tumanda kang dalaga!"Natawa na lang si Bianca nang mag-martsa papunta sa dance floor si Kia at naiwan siya sa table nila.Tatanda raw siyang dalaga. Iyon parati ang tukso sa kanya ng mga kaibigan niya. At the age of 27, ni minsan ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend. M
"Lola naman, hindi ba't sinabi ko na sayo na matulog ka ng maaga?" sermon ni Bianca sa Lola niya habang pinapainom ng gamot.Naninikip na naman kasi ng dibdib ng Lola niya. Mahina na rin ang katawan nito at kailangan na talaga magmaintenance ng gamot."Kasi naman, ate. Iyang si Lola hindi mapakali na wala ka rito sa bahay. Akala niya ay kung ano na ang nangyari sayo dahil hindi ka pa raw umuuwi."Napalunok si Bianca. Nakaramdam siya ng guilt sa narinig. Kung hindi kasi siya nagpakalasing sa bar kagabi ay hindi mangyayari ang one-night stand na iyon. Nakauwi sana siya kagabi ng bahay."H-Hindi na... mauulit, Lola," wika niya at napaiwas ng tingin sa Lola niya. "Sige na, Althea, papasok na ako sa trabaho. Ikaw na ang bahala kay Lola. Huwag mo siya kalimutan painumin ng gamot mamayang alas dose ng tanghali pagkatapos niyang kumain."Pumara siya ng taxi at tinungo ang isang sikat coffee shop. Barista siya roon, iyon ang pinangtutustos niy sa araw-araw nilang pangangailangan dahil siya lan
"What's her favorite food?"Napansin ni Bianca na napahinto si Lucas sa tanong niya."May... mali ba sa tanong ko?" tanong niya ulit.Umiling si Lucas. "Nothing. It's just that... hindi sanay si Gigi na makita sa kusina ang Mommy niya. Hindi nagluluto si Tanya para kay Gigi. You can ask the maids.""I'm not your wife, Lucas. Hindi ako si Tanya. You want a mother for your daughter, then hayaan mo ako sa paraan ko kung paano ako maging ina kay Gigi."Isang linggo na ang nakalipas simula nang maoperahan ang Lola ni Bianca. Gamit ang pera na ibinigay ni Lucas ay naging maayos na ang lagay ng Lola niya. Nagpadala rin si Lucas ng nurse na mag-aalaga sa Lola niya dahil tuwing Linggo lang siya pwede umuwi doon.Dalawang araw na siya dito naninirahan sa mansyon ni Lucas. Nang dumating siya rito noong isang araw at nakita niya na tuwang-tuwang si Gigi. Akala talaga ng bata ay siya ang Mommy nito."Mommy! Daddy! I'm home!" sigaw ni Gigi mula roon sa living room. Mukhang tapos na ang klase nito.
"Lola naman, hindi ba't sinabi ko na sayo na matulog ka ng maaga?" sermon ni Bianca sa Lola niya habang pinapainom ng gamot.Naninikip na naman kasi ng dibdib ng Lola niya. Mahina na rin ang katawan nito at kailangan na talaga magmaintenance ng gamot."Kasi naman, ate. Iyang si Lola hindi mapakali na wala ka rito sa bahay. Akala niya ay kung ano na ang nangyari sayo dahil hindi ka pa raw umuuwi."Napalunok si Bianca. Nakaramdam siya ng guilt sa narinig. Kung hindi kasi siya nagpakalasing sa bar kagabi ay hindi mangyayari ang one-night stand na iyon. Nakauwi sana siya kagabi ng bahay."H-Hindi na... mauulit, Lola," wika niya at napaiwas ng tingin sa Lola niya. "Sige na, Althea, papasok na ako sa trabaho. Ikaw na ang bahala kay Lola. Huwag mo siya kalimutan painumin ng gamot mamayang alas dose ng tanghali pagkatapos niyang kumain."Pumara siya ng taxi at tinungo ang isang sikat coffee shop. Barista siya roon, iyon ang pinangtutustos niy sa araw-araw nilang pangangailangan dahil siya lan
"Mas masaya ito kung magsasayaw tayo, Bianca!" aya ng kaibigan ni Bianca na si Kia.Nasa dance floor na rin kasi ang iba nilang mga kaibigan sa trabaho, nagsasayaw at enjoy na enjoy ang gabi. Nagkayayaan kasi ang mg ito na maglibang dito sa bar dahil bagong sahod sila."Hindi, ayaw ko. Kayo na lang. Hindi rin ako marunong sumayaw," tanggi niya. Lasing na rin siya at may tama na ng alak. Nararamdaman na niya ang pagkahilo dahil marami-rami na rin siyang nainum."Huwag ka ngang killjoy, Bianca! Halika na, maraming gwapo sa dance floor!""Hindi ako mahilig sa gwapo," palusot niya at hindi talaga nagpahatak sa kaibigan.Napairap sa kanya si Kia. "Kaya ka hindi nagkakaboyfriend!" ismid na sabi nito. "Ewan ko talaga sayo! Baka tumanda kang dalaga!"Natawa na lang si Bianca nang mag-martsa papunta sa dance floor si Kia at naiwan siya sa table nila.Tatanda raw siyang dalaga. Iyon parati ang tukso sa kanya ng mga kaibigan niya. At the age of 27, ni minsan ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend. M