Share

Chapter 2

Author: KittyNoona
last update Last Updated: 2025-03-16 17:55:27

"Lola naman, hindi ba't sinabi ko na sayo na matulog ka ng maaga?" sermon ni Bianca sa Lola niya habang pinapainom ng gamot.

Naninikip na naman kasi ng dibdib ng Lola niya. Mahina na rin ang katawan nito at kailangan na talaga magmaintenance ng gamot.

"Kasi naman, ate. Iyang si Lola hindi mapakali na wala ka rito sa bahay. Akala niya ay kung ano na ang nangyari sayo dahil hindi ka pa raw umuuwi."

Napalunok si Bianca. Nakaramdam siya ng guilt sa narinig. Kung hindi kasi siya nagpakalasing sa bar kagabi ay hindi mangyayari ang one-night stand na iyon. Nakauwi sana siya kagabi ng bahay.

"H-Hindi na... mauulit, Lola," wika niya at napaiwas ng tingin sa Lola niya. "Sige na, Althea, papasok na ako sa trabaho. Ikaw na ang bahala kay Lola. Huwag mo siya kalimutan painumin ng gamot mamayang alas dose ng tanghali pagkatapos niyang kumain."

Pumara siya ng taxi at tinungo ang isang sikat coffee shop. Barista siya roon, iyon ang pinangtutustos niy sa araw-araw nilang pangangailangan dahil siya lang ang aasahan ng kapatid niya at Lola niya. Noong nakaraang taon naman ay kakamatay lang ng Lolo niya kaya hanggang ngayon ay may mga bayarin pa sila.

Hindi niya kasi kilala ang ama niya. Iniwan naman sila ng Mama niya noong bata pa lang sila para magtrabaho sa ibang bansa, pero hindi na ito nagparamdam pa noong makaalis ito. Wala na silang balita kung nasa ibang bansa pa ba ito o nakauwi na sa Pilipinas.

"Hoy, ang daya mo, Bianca! Nauna ka na umuwi kagabi!" reklamo ni Kia nang makarating siya sa coffee shop.

Napakamot siy sa ulo niya. "Lasing na kasi ako. Hindi ko na kaya pa magtagal roon," palusot niya at naniwala naman ang iba pa niyang katrabaho.

Habang nasa gitna siya ng paggagawa ng kape ay tinawag siya ni Kia dahil may customer raw na naghahanap sa kanya.

"Hinahanap ako?" kunot noo niyang tanong. "Bakit raw?"

Umiling si Kia. "Hindi ko alam. Ang sabi nga namin ay hindi ka naman waiter dito, barista ka. Pero mapilit, si boss na ang kinausap niya para mapapayag ka na harapin siya."

Sinilip ni Bianca ang lalaking sinasabi ni Kia na naghahanap sa kanya. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi niya makita ang itsura nito.

"Sige na, puntahan mo na. Ang gwapo ng lalaki, baka siya pa ang maging destiny mo." Kinikilig siyang itinulak ni Kia.

"Hindi ako naniniwala sa destiny!" natatawang sagot niya pabalik.

Inayos niya ang suot na uniform at naglakad pupunta sa lalaki. "Good morning, sir. How may I help you?"

Umangat ng tingin ang lalaki at nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ito. "Anong... Anong ginagawa mo rito?"

Siya ang lalaki kagabi sa bar!

"I came for you," seryoso sagot ng lalaki. Tumayo ito at naghila ng upua sa tapat niya.

Sandaling na-speechless si Bianca. Hindi niya alam kung paano magre-react sa inasal ito.

"Let's get straight to the point, sir. Ano bang kailangan mo sa akin," tanong niya matapos makahanap ng mga tamang salita.

Umupo siya sa upuan na hinila nito para sa kanya at tinitigan ang lalaki. Masasabi niyang gwapo naman talaga ito, at mukhang mayama din base sa suit na suot nito.

"About what happened last night..." panimula ng lalaki. "I didn't take advantage of you."

Alam naman niya iyon. Kanina ay unti-unti na rin niyang naalala kung ano ba talaga ang nangyari.

Muling nag-init ang pisngi niya.

"K-Kalimutan... na natin kung ano man yun. Salamat sa pagpunta rito, pero marami pa akong trabaho na kailangan gawin." Tatayo na sana si Bianca nang pigilan siya ng lalaki.

"Wait, sandali lang." Hinawakan nito ang kamay niya, at iniabot ang wallet niya. "Naiwan mo sa bahay."

Mabilis niyang kinuha ang wallet niya. Kaya pala nawawala iyon at hindi niya makita sa bag niya. Kaya rin siguro nalaman ng lalaking ito kung saan siya nagtatrabaho dahil binuksan nito ang wallet niya.

"Actually,  hindi lang ako pumunta rito dahil sa nangyari kagabi. Pumunta ako rito sayo dahil sa anak ko."

Biglang nakuha ng lalaki ang interest ni Bianca sa sinabi nito. May soft spot talaga si Bianca sa mga bata.

Pero ano namang kinalaman niya sa anak nito?

Naglapag ng litrato ang lalaki sa lamesa. "This is my daughter's mother..."

Dinampot iyon ni Bianca at ganon na lamang ang gulat niya nang makita na kamukha niya ang nasa litrato.

Tumingin siya sa lalaki, at muling ibinalik ang tingin sa hawak niya. "Kamukha ko siya... maliban sa kulay ng buhok ay wala na kaming pinagkaiba..." mahina at mangha siyang sabi.

"I know. Kaya inuwi kita sa bahay kagabi dahil ang akala ko ay siya ikaw..."

Ramdam ni Bianca ang kirot sa salita ng sinabi ng lalaki.

"Kaya napagkamalan din ako ng anak mo na Mommy niya," buntong-hiningang sabi niya.

"Yes. And I'm here to ask you to pretend to be her mother."

"Ano...?" Parang nabingi sandali si Bianca. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o seryoso. Pero nang hindi magbago ang reaksyon nito, hindi man lang tumawa, doon napagtanto niya na seryoso nga ito.

"Teka, nasaan... ang Mommy niya?" curious niyang tanong dito.

"She left us. I don't know, basta na lang siya umalis," matagal bago ito sumagot.

Nakaramdam ng galit si Bianca sa ina ng bata kahit hindi naman niya ito kilala. Bakit ba may mga ina na nakakayang iwan ang mga anak nila na basta na lang.

"Pero sasaktan mo lang ang anak mo sa gagawin mo," pigil niya rito. Hindi niya gusto ang ideya nito. "Ang gusto niya ay ang totoong Mommy niya, hindi kung sino."

"But at least I can see her happy, kahit sandali lang. I just want to see her smile again," desperado na ang tono nito.

Tumayo na siya nang mapagtanto na walang patutunguhan ang usapan nila. "I'm sorry, but I can't help you. Hindi ko kayang lokohin ang bata at magpanggap na ako ang Mommy niya."

"I'll pay you... kahit magkano, sabihin mo lang." Muli siya nitong pinigilan, pero this time hindi na siya nagpapigil pa. 

"I can't," sunod-sunod siyang napailing. "Hindi ko kayang gawin ang gusto mo."

Bagsak ang mga balikat ng lalaki at napabuga ng malakas na hangin. May kinuha ito sa wallet nito at iniabot sa kanya. "Just in case magbago ang isip mo, pwede mo ako tawagan."

Kinuha niya ang calling card nito at binasa ang nakasulat doon.

Lucas Alcaraz... ForgeLine Engineering & Architecture...

May-ari ito ng isang kompanya.

Inilagay niya ang calling card sa bulsa niya at bumalik na sa loob.

"Anong pinag-usapan niyo? Grabe, mukhang seryoso yun, ah?" usisa ni Kia nang makabalik.

Nagkibit-balikat lang si Bianca. "Wala, may tinanong lang siya."

Nagpatuloy na si Bianca sa kanyang trabaho dahil sunod-sunod ang mga customer na dumadating, bandang tanghali ng araw na iyon. Pero hindi maalis sa isip niya ang kamukha niyang babae, ang asawa ni Lucas. Para silang pinagbiyak na bunga.

Talaga bang may mga tao na sobrang magkamukha kahit hindi naman kambal?

"Bianca!" humahangos ang boss ni Bianca nang pumasok ito sa working area.

"Ma'am, anong nangyari?" tanong niya rito.

"Ang Lola mo! Isinugod siya sa hospital! Tumawag ang kapatid mo sa akin dahil hindi ka raw niya ma-contact!"

"N-Nasaan... sila ngayon? Saang hospital dinala si Lola?"

Bigla siyang kinabahan at nakaramdam ng takot. Mabilis niyang inalis ang suot na hairnet, gloves, at apron. Kinuha niya ang bag niya at tumakbo matapos sabihin ng boss nila ang pangalan ng hospital.

"Lorena Batista, nurse. Anong room siya?" taranta niyang tanong sa lobby nang makarating siya roon.

"Lorena Batista... Room 104, miss," mabilis namang sagot ng nurse.

Tinungo ni Bianca ang room 104 at naabutan ang kapatid niyang si Althea na umiiyak.

"Ate!" salubong ni Althea sa kanya. "Nagluluto ako ng tanghalian namin. Hindi ko alam... na lumabas siya. Hinanap ko siya pero bago ko pa siya maabutan ay nabundol na siya ng kotse. Tumama... ng malakas ang ulo niya, hindi na nahabol pa ang nakabangga sa kanya."

Tumingin siya sa kanyang Lola na may benda ang ulo at walang malay. "Gaano kalaki ang damage kay Lola?"

"Kailangan niya operahan, ate. May naputol daw na ugat sa ulo niya na sanhi na patuloy na pagdurugo. Malaking pera ang kakailanganin natin—"

"Kahit magkano pa ang gastusin natin basta mabuhay lang at maging maayos si Lola. Gagawa ako ng paraan para makakuha ng pera."

Lumabas si Bianca ng kwarto at pinuntahan ang doktor ng Lola niya para kausapin ito. Ipinangako niya na dadalhin niya ang pera mamayang gabi, para maoperahan agad ng Lola niya.

750,000 ang kailangan niyang pera sa operasyon. Hindi pa roon kasama ang mga gamot habang nagpapagaling ang Lola niya.

"I'll pay you... kahit magkano, sabihin mo lang."

Nagring sa utak niya ang alok ni Lucas kanina. Magpapanggap siyang ina ng anak nito. Ayaw niyang lokohin ang bata, pero ayaw niya rin mawala ang Lola niya.

Tumakbo siya papunta sa lobby para makitawag dahil dead battery ang cellphone niya.

Ilang sandali lang ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Good afternoon, thank you for calling ForgeLine Engineering & Architecture. This is Erica Araki, assistant to Lucas Alcaraz. How may I assist you today?" boses ng babaeng sumagot.

"Pwede ko ba makausap si... Lucas?" tanong niya sa babae.

"Mr. Alcaraz is currently signing a contract. May I take a message or assist you with anything in the meantime?"

"Please, tell him Bianca is looking for him. Kailangan ko lang talaga siyang makausap ngayon mismo," aniya, bahagyang humihingang malalim sa kabilang linya.

Napakunot-noo naman ang noo ni Lucas nang makitang matagal sa telepono ang secretary. "Who's that?" tanong nito, bahagyang itinaas ang tingin mula sa mga papeles.

"Sir, Bianca raw ang pangalan. Kilala n'yo po ba siya?" maingat na tanong ng sekretarya.

Hindi nagtagal ay lumamlam ang ekspresyon ni Lucas. "Connect me to the line," utos nito, agad na ibinaba ang hawak na panulat.

"L-Lucas... this is Bianca..." Nanginginig na sabi niya. "I need your help. Kailangan ko ng malaking pera ngayon... Papayag na ako... sa alok mo. Payag na akong maging Mommy ng anak mo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Mommy To The Billionaire's Daughter    Chapter 3

    "What's her favorite food?"Napansin ni Bianca na napahinto si Lucas sa tanong niya."May... mali ba sa tanong ko?" tanong niya ulit.Umiling si Lucas. "Nothing. It's just that... hindi sanay si Gigi na makita sa kusina ang Mommy niya. Hindi nagluluto si Tanya para kay Gigi. You can ask the maids.""I'm not your wife, Lucas. Hindi ako si Tanya. You want a mother for your daughter, then hayaan mo ako sa paraan ko kung paano ako maging ina kay Gigi."Isang linggo na ang nakalipas simula nang maoperahan ang Lola ni Bianca. Gamit ang pera na ibinigay ni Lucas ay naging maayos na ang lagay ng Lola niya. Nagpadala rin si Lucas ng nurse na mag-aalaga sa Lola niya dahil tuwing Linggo lang siya pwede umuwi doon.Dalawang araw na siya dito naninirahan sa mansyon ni Lucas. Nang dumating siya rito noong isang araw at nakita niya na tuwang-tuwang si Gigi. Akala talaga ng bata ay siya ang Mommy nito."Mommy! Daddy! I'm home!" sigaw ni Gigi mula roon sa living room. Mukhang tapos na ang klase nito.

    Last Updated : 2025-03-16
  • Mommy To The Billionaire's Daughter    Chapter 1

    "Mas masaya ito kung magsasayaw tayo, Bianca!" aya ng kaibigan ni Bianca na si Kia.Nasa dance floor na rin kasi ang iba nilang mga kaibigan sa trabaho, nagsasayaw at enjoy na enjoy ang gabi. Nagkayayaan kasi ang mg ito na maglibang dito sa bar dahil bagong sahod sila."Hindi, ayaw ko. Kayo na lang. Hindi rin ako marunong sumayaw," tanggi niya. Lasing na rin siya at may tama na ng alak. Nararamdaman na niya ang pagkahilo dahil marami-rami na rin siyang nainum."Huwag ka ngang killjoy, Bianca! Halika na, maraming gwapo sa dance floor!""Hindi ako mahilig sa gwapo," palusot niya at hindi talaga nagpahatak sa kaibigan.Napairap sa kanya si Kia. "Kaya ka hindi nagkakaboyfriend!" ismid na sabi nito. "Ewan ko talaga sayo! Baka tumanda kang dalaga!"Natawa na lang si Bianca nang mag-martsa papunta sa dance floor si Kia at naiwan siya sa table nila.Tatanda raw siyang dalaga. Iyon parati ang tukso sa kanya ng mga kaibigan niya. At the age of 27, ni minsan ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend. M

    Last Updated : 2025-03-16

Latest chapter

  • Mommy To The Billionaire's Daughter    Chapter 3

    "What's her favorite food?"Napansin ni Bianca na napahinto si Lucas sa tanong niya."May... mali ba sa tanong ko?" tanong niya ulit.Umiling si Lucas. "Nothing. It's just that... hindi sanay si Gigi na makita sa kusina ang Mommy niya. Hindi nagluluto si Tanya para kay Gigi. You can ask the maids.""I'm not your wife, Lucas. Hindi ako si Tanya. You want a mother for your daughter, then hayaan mo ako sa paraan ko kung paano ako maging ina kay Gigi."Isang linggo na ang nakalipas simula nang maoperahan ang Lola ni Bianca. Gamit ang pera na ibinigay ni Lucas ay naging maayos na ang lagay ng Lola niya. Nagpadala rin si Lucas ng nurse na mag-aalaga sa Lola niya dahil tuwing Linggo lang siya pwede umuwi doon.Dalawang araw na siya dito naninirahan sa mansyon ni Lucas. Nang dumating siya rito noong isang araw at nakita niya na tuwang-tuwang si Gigi. Akala talaga ng bata ay siya ang Mommy nito."Mommy! Daddy! I'm home!" sigaw ni Gigi mula roon sa living room. Mukhang tapos na ang klase nito.

  • Mommy To The Billionaire's Daughter    Chapter 2

    "Lola naman, hindi ba't sinabi ko na sayo na matulog ka ng maaga?" sermon ni Bianca sa Lola niya habang pinapainom ng gamot.Naninikip na naman kasi ng dibdib ng Lola niya. Mahina na rin ang katawan nito at kailangan na talaga magmaintenance ng gamot."Kasi naman, ate. Iyang si Lola hindi mapakali na wala ka rito sa bahay. Akala niya ay kung ano na ang nangyari sayo dahil hindi ka pa raw umuuwi."Napalunok si Bianca. Nakaramdam siya ng guilt sa narinig. Kung hindi kasi siya nagpakalasing sa bar kagabi ay hindi mangyayari ang one-night stand na iyon. Nakauwi sana siya kagabi ng bahay."H-Hindi na... mauulit, Lola," wika niya at napaiwas ng tingin sa Lola niya. "Sige na, Althea, papasok na ako sa trabaho. Ikaw na ang bahala kay Lola. Huwag mo siya kalimutan painumin ng gamot mamayang alas dose ng tanghali pagkatapos niyang kumain."Pumara siya ng taxi at tinungo ang isang sikat coffee shop. Barista siya roon, iyon ang pinangtutustos niy sa araw-araw nilang pangangailangan dahil siya lan

  • Mommy To The Billionaire's Daughter    Chapter 1

    "Mas masaya ito kung magsasayaw tayo, Bianca!" aya ng kaibigan ni Bianca na si Kia.Nasa dance floor na rin kasi ang iba nilang mga kaibigan sa trabaho, nagsasayaw at enjoy na enjoy ang gabi. Nagkayayaan kasi ang mg ito na maglibang dito sa bar dahil bagong sahod sila."Hindi, ayaw ko. Kayo na lang. Hindi rin ako marunong sumayaw," tanggi niya. Lasing na rin siya at may tama na ng alak. Nararamdaman na niya ang pagkahilo dahil marami-rami na rin siyang nainum."Huwag ka ngang killjoy, Bianca! Halika na, maraming gwapo sa dance floor!""Hindi ako mahilig sa gwapo," palusot niya at hindi talaga nagpahatak sa kaibigan.Napairap sa kanya si Kia. "Kaya ka hindi nagkakaboyfriend!" ismid na sabi nito. "Ewan ko talaga sayo! Baka tumanda kang dalaga!"Natawa na lang si Bianca nang mag-martsa papunta sa dance floor si Kia at naiwan siya sa table nila.Tatanda raw siyang dalaga. Iyon parati ang tukso sa kanya ng mga kaibigan niya. At the age of 27, ni minsan ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend. M

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status