NAGSIMULA ang Masquerade Party. Glamoroso ang unang salitang masasabi sa ganda ng pagkakaayos ng lugar gayundin ang mga taong naroon. Nagniningningan ang mga kasuotan. Suot ang isang sexy blue dress ay lumakad si Katarina papasok sa loob ng napakalaking hall. Iniabot niya sa isang attendant ang kaniyang invitation. At tinignan iyon ng lalaki.“Good Evening Miss Mayfair! Come in and enjoy the night,” masayang bati ng attendant.Sa kaniyang pagpasok ay nakakuha agad siya ng atensyon dahil pinagtinginan siya ng mga tao. Ngunit wala siyang ibang pakay kundi ang kaniyang ama. Naghintay siya sa isang gilid para makapagmasid. Dumarami ang mga tao at nagsisimula na ang party. May mga performers na sumasayaw at ang alak ay umiikot na para sa mga guest. Ngunit ni isa ay hindi niya tinikman. Napaatras siya ng may biglang humawak sa kaniyang baywang at hinigit iyon na para bang siya lang ang tao ‘ron. Ayaw niya ng gulo at baka gumawa pa ito ng komosyon.Nagpaubaya siya sa lalaki at dinala siya ni
NAGISING si Sebastian sa isang kuwarto. Napaigik siya sa sakit na nagmumula sa kaniyang tagiliran. Pinilit niyang bumangon may malalambot na kamay ang pumigil sa kaniya.“Hindi ka pa maaaring gumalaw, Sev.” Pigil ng boses.“Ka-Katarina?” naiusal niya ang pangalang iyon kahit na ang nasa harap niya ay si Cecilia.“I’m sorry I’m not Katarina, I’m your wife, Sev. That woman tries to kill you!” mahinahon ngunit may diin sa mga sinabi ni Cecilia.Natahimik si Sebastian at inalala ang tagpong iyon. Hindi niya lubos akalaing gagawin iyon sa kaniya ni Katarina. Isang mahinang at nakakaawang babae ang kilala niyang Katarina. Ngunit ang nasa party ay isang bago at mas nakakaakit na pigura ni Katarina para kay Sebastian. Tinignan niya ng masama ang babae at kinalas ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya.“You and your dumb brother will pay for it,” he lay down and turned his back on Cecilia.Wala ng nagawa pa si Cecilia kundi ang maupo at maghintay na gumaling ang sugat ni Sebastian. Labis
“The world is cruel, especially to someone weak like you!” hindi niya maiwasang maalala ang mga salitang sinabi ni Sebastian sa kaniya noon. ‘Tama naman siya,’ bulong niya. Napangiti siya ng napakapait dahil wala na siyang maaari pang gawin dahil bukal sa loob ng magkapatid ang pagsama kay Primo. At ngayon ay wala naring dahilan para magtagal sa poder ni Mikayel. Maiipit lamang siya sa dalawang naguupugang bato. Buo na ang loob niya na umalis at magpunta sa malayong probinsya.Nakita niya si Greta na may mga sugat sa kamay gayundin ang galos sa mga braso nito. Patuloy ang pagdurugo ng mga sugat. Dali-dali niyang ineksamin ang mga sugat ni Greta.“A-Anong nangyari?” nagaalala niyang tanong.“I’m okay. Galos lang ito.” Nakita niyang namutla ito at may hiwa sa braso. Muli niyang naalala si Sebastian sa TVC ‘non. Inagaw niya kay Greta ang box na may lamang first aid kit. Binigyan niya ng tela ang babae at pinakagat niya ito. Halos mapasigaw sa sakit si Greta dahilan para lalo itong manghi
SA ISANG madilim na sulok ng dating kuwarto ni Katarina ay naroon si Sebastian. Sinimsim niya ang huling salin ng alak sa kaniyang baso. Inilipat niya ang tingin sa bakanteng kama ni Katarina. Simula ng umalis ito ay hindi na niya ipinagalaw ang kuwarto nito kung kanino mang katulong kahit na nais pa ni Cecilia na umukupa dito. Palagi siyang umaalis at ilang araw babalik matapos ang kaniyang pagche-check sa mga hawak niyang lugar. Hindi na siya muli pang naglakas ng loob na hanapin ito.“Nandito ka lang pala?” sabi ni Cecilia habang papasok sa loob ng kuwarto.Hindi siya tinapunan ng tingin ni Sebastian kaya niyakap niya ito mula sa likod. Bahagya niyang kinagat at sinipsip ito. Nagiwan ito ng pulang marka at napangiti siya sa kaniyang ginawa. Gumapang ang kaniyang mga kamay sa dibdib ni Sebastian ngunit hinuli ito ng lalaki.“W-What do you want?” malamig nitong sabi.“I miss you. Ilang araw kang nawala at ang sabi ni Dad ay may naikuwentro daw kayo. I was just worried about you.” Sa
NAKATAYO si Katarina sa paanan ng lalaking nasa kama. Nanginginig ang kaniyang kamay habang inilalabas ang isang maliit na bote na nakasuksok sa kaniyang dibdib. Mabibigat ang kaniyang paghinga nang may biglang nagsalita mula sa kaniyang likuran.“Hmmm what about slitting his throat? Ano iyan lalasunin mo lang siya na parang isang dagang salot?” walang prenong sabi ni Sebastian.Hinarap siya ni Katarina at nilisikan ng mga mata. “G-Gusto mo bang mauna?” ani nito.“H-Hindi mo ako kaaway? Gusto ko lang masiguradong okay ka at hindi ka napahamak sa kamay ng lalaking iyan!” paliwanag ni Sebastian.Ilang buwan lamang silang hindi nagkita ay ang laki na ng pinagbago ni Sebastian. Kung dati-rati siya ang maangas sa harap ni Katarina ngayon ay siya na ang kusang tumitiklop sa harap nito na dati lamang niyang mistress.“Tingin mo isa parin akong mahina na tulad ng nakilala mo noon? Mr. Del Castil –” hindi na niya ito naituloy ng maulinigan nilang may pumipihit sa doorknob. Hinablot siya ni Seb
Katarina POVNAKAHINGA ako nang maluwag nang sabihin niyang hindi na niya ako muling ikukulong pero kung sakali man ay pipiliin ko parin na tumakas. Binantayan ko ang kaniyang ikinikilos at marahil ngayon ay alam na ni Mikayel na hindi ko sinunod ang inuutos niya at tumakas pa ako. Ilang beses na may pilit siyang tinatawagan sa telepono pero hindi ito sumasagot at sa inis niya ay naibalibag niya ang telepono. Hindi ko naiwasan ang kabahan dahil sa kaniya ko na-develop ang pagkakaroon ng takot at trauma na nga siguro ang tawag 'don. Hanggang-ngayon ay hindi parin niya kayang kontrolin ang kaniyang galit. "I-I'm sorry," sambit niya nang muling magtama ang mga mata namin. "Lalabas lang ako," Tumayo siya at mabilis na lumakad palabas ng pinto.Hindi na ako sumagot o mas okay na hindi ko nalang siya pansinin dahil para saan ba't magpapanggap siya na mabait kung mala-demonyo parin naman ang ugali niya. He is still that psycho and sadistic Sebastian that I know! Pero bakit ako sumama sa kani
"Rina?" mahina niyang tawag habang may dala-dalang mainit na soup. Hindi pa kasi kumain si Katarina simula kagabi. ---NIYAKAP niya ito dahil sa panginginig nito. Hindi siya lumabas ng kuwartong iyon hanggang hindi bumababa ang lagnat ni Katarina. Hindi na niya kaya pang itago ang pangungulila sa dalaga. Sa ilang buwan na dumaan hindi manlang ito nawala sa kaniyang isipan. Lalo pa itong naging mas mahirap sa kaniya dahil sa paghingi nang tulong sa kaniyang mortal na kalaban na si Mikayel Guererro. Ang pagnanais niyang makuha ito ay mas lalong umigting at kahit na kamatayan ay hahamakin niya para lang mapunan ang pagkukulang at kasalanan dito. "R-Rina..." paulit-ulit niyang bulong rito pero ang mga mata ni Katarina ay nanatiling pinid.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dinama ang init ng katawan ng dalaga. Ilang beses siyang napailing at wari ay may nireresolba sa kaniyang isip. Hanggang sa unti-unti naring mapawi at parehas silang hatakin nang antok.---Ilang beses niyang tina
Sebastian POV“I call you back, Bro!” ani ko kay Marco ng may nakita akong lalaking umaaligid. Dali-dali kong isinilid sa aking bulsa ang telepono ko at nagpanggap na parang wala alam. Naglakad ako ng paunti-unti hanggang makompirma ko ang lalaking sumusunod sa akin. Matapos ay bigla akong lumiko sa mga puno at nagtago. Madilim sa kakahuyan at kabisado ko ito.Ilang araw narin kami ni Rina dito at matapos siyang gumaling ay medyo nagbago naman, nabawasan ang duda sa akin. Akala niya kasi ikukulong ko parin siya.Kinagat naman niya ang pain ko. Mukhang naghahanap na siya sa akin. Narinig ko na ang pagkasa ng kaniyang baril. Hinuli ko siya at sinigurado kong sa sipa ko’y titilapon ang baril sa malayo kung saan hindi niya makikita. Sinuntok ko siya sa sikmura at napa-igik siya sa sakit. Sinunggaban ko na ang sitwasyon para mawalan siya nang malay. Tinali ko siya sa puno. At kinapkapan dahil nasisigurado akong may nakakabit sa damit niyang tracking device. Ngunit wala akong nakita. Sinamp