NAKATAYO si Katarina sa paanan ng lalaking nasa kama. Nanginginig ang kaniyang kamay habang inilalabas ang isang maliit na bote na nakasuksok sa kaniyang dibdib. Mabibigat ang kaniyang paghinga nang may biglang nagsalita mula sa kaniyang likuran.“Hmmm what about slitting his throat? Ano iyan lalasunin mo lang siya na parang isang dagang salot?” walang prenong sabi ni Sebastian.Hinarap siya ni Katarina at nilisikan ng mga mata. “G-Gusto mo bang mauna?” ani nito.“H-Hindi mo ako kaaway? Gusto ko lang masiguradong okay ka at hindi ka napahamak sa kamay ng lalaking iyan!” paliwanag ni Sebastian.Ilang buwan lamang silang hindi nagkita ay ang laki na ng pinagbago ni Sebastian. Kung dati-rati siya ang maangas sa harap ni Katarina ngayon ay siya na ang kusang tumitiklop sa harap nito na dati lamang niyang mistress.“Tingin mo isa parin akong mahina na tulad ng nakilala mo noon? Mr. Del Castil –” hindi na niya ito naituloy ng maulinigan nilang may pumipihit sa doorknob. Hinablot siya ni Seb
Katarina POVNAKAHINGA ako nang maluwag nang sabihin niyang hindi na niya ako muling ikukulong pero kung sakali man ay pipiliin ko parin na tumakas. Binantayan ko ang kaniyang ikinikilos at marahil ngayon ay alam na ni Mikayel na hindi ko sinunod ang inuutos niya at tumakas pa ako. Ilang beses na may pilit siyang tinatawagan sa telepono pero hindi ito sumasagot at sa inis niya ay naibalibag niya ang telepono. Hindi ko naiwasan ang kabahan dahil sa kaniya ko na-develop ang pagkakaroon ng takot at trauma na nga siguro ang tawag 'don. Hanggang-ngayon ay hindi parin niya kayang kontrolin ang kaniyang galit. "I-I'm sorry," sambit niya nang muling magtama ang mga mata namin. "Lalabas lang ako," Tumayo siya at mabilis na lumakad palabas ng pinto.Hindi na ako sumagot o mas okay na hindi ko nalang siya pansinin dahil para saan ba't magpapanggap siya na mabait kung mala-demonyo parin naman ang ugali niya. He is still that psycho and sadistic Sebastian that I know! Pero bakit ako sumama sa kani
"Rina?" mahina niyang tawag habang may dala-dalang mainit na soup. Hindi pa kasi kumain si Katarina simula kagabi. ---NIYAKAP niya ito dahil sa panginginig nito. Hindi siya lumabas ng kuwartong iyon hanggang hindi bumababa ang lagnat ni Katarina. Hindi na niya kaya pang itago ang pangungulila sa dalaga. Sa ilang buwan na dumaan hindi manlang ito nawala sa kaniyang isipan. Lalo pa itong naging mas mahirap sa kaniya dahil sa paghingi nang tulong sa kaniyang mortal na kalaban na si Mikayel Guererro. Ang pagnanais niyang makuha ito ay mas lalong umigting at kahit na kamatayan ay hahamakin niya para lang mapunan ang pagkukulang at kasalanan dito. "R-Rina..." paulit-ulit niyang bulong rito pero ang mga mata ni Katarina ay nanatiling pinid.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dinama ang init ng katawan ng dalaga. Ilang beses siyang napailing at wari ay may nireresolba sa kaniyang isip. Hanggang sa unti-unti naring mapawi at parehas silang hatakin nang antok.---Ilang beses niyang tina
Sebastian POV“I call you back, Bro!” ani ko kay Marco ng may nakita akong lalaking umaaligid. Dali-dali kong isinilid sa aking bulsa ang telepono ko at nagpanggap na parang wala alam. Naglakad ako ng paunti-unti hanggang makompirma ko ang lalaking sumusunod sa akin. Matapos ay bigla akong lumiko sa mga puno at nagtago. Madilim sa kakahuyan at kabisado ko ito.Ilang araw narin kami ni Rina dito at matapos siyang gumaling ay medyo nagbago naman, nabawasan ang duda sa akin. Akala niya kasi ikukulong ko parin siya.Kinagat naman niya ang pain ko. Mukhang naghahanap na siya sa akin. Narinig ko na ang pagkasa ng kaniyang baril. Hinuli ko siya at sinigurado kong sa sipa ko’y titilapon ang baril sa malayo kung saan hindi niya makikita. Sinuntok ko siya sa sikmura at napa-igik siya sa sakit. Sinunggaban ko na ang sitwasyon para mawalan siya nang malay. Tinali ko siya sa puno. At kinapkapan dahil nasisigurado akong may nakakabit sa damit niyang tracking device. Ngunit wala akong nakita. Sinamp
Sebastian Del CastilloSa huli, napagdesisyunan kong ginisingin si Rina mula sa bangungot na iyon. Niyakap niya ako at pawis na pawis siya. Narinig ko ang bawat pitik ng kaniyang dibdib.“Kukunin nila kami! Kukunin nila ang mga kapatid ko!” sigaw niya. Nang magkita sila ulit ng matandang lalaki na iyon bumalik ang lahat.Nahimasmasan siya at humiwalay sa akin.“Ikukuha kita ng tubig,” alok ko.Ngunit nang muli siya magsalita ay bumalik ako sa tabi niya.“N-Nakokonsensya ka na ba sa mga ginawa mo sa akin?” tanong niya. Napalunok ako ng mga oras na iyon, kay Primo siya galit bakit sa akin na naman niya binubunton.“H-Hindi! Gusto lang kitang bigyan ng tubig,” sagot ko sa kaniya.Nais ko pa siyang kausapin pero parang sa tingin ko ay hindi parin siya convince sa ginagawa kong tulong.Bago ako tumayo ay pakunyari akong nagmura para hindi niya bigyan ng kung anong kahulugan ang ginagawa ko. Iniwan ko siyang sapo-sapo ang mukha niya. Masaya akong makita siya na suot na niya ang mga damit na
SEBASTIAN DEL CASTILLOI was stupid and ass*ole. I dragged her into this…Pinagmasdan ko si Rina na tumakbo at dahil sa nangyari hindi niya ako matignan ng diretso. Huminto kami matapos ang 30 minutong pagtakbo. Narinig ko ang paghingal niya at iniabot ko sa kaniya ang isang bote ng tubig. Tinanggap naman niya ito pero inirapan lang niya ako. Malamang lahat ng ininom niyang alak ay naipawis na niya."Malawak ba ang kakahuyan?" tanong ni Rina."Hmm Oo. Pero kung gusto mong ikutin natin, why not?" hamon ko sa kaniya. Alam kong bored na bored na siya. Ako at ang maliit na bahay lang naman ang nakikita niya.Iniabot ko sa kaniya ang dala kong baril. "Glock 43? para saan ito?" may pagtataka niyang tanong sa akin. "... for your protection-- from me." Nginitian ko siya. Matapos ay itinitutok niya sa akin ang baril. Hindi na ako natatakot kapag may nanutok sa akin ng baril. Kung mamatay ako ngayon atleast wala akong maiiwang anak..."Try me. Sev." Hindi ko maintindihan ang naramdaman kong
Dinala siya ni Sev sa dalampasigan. Sa unang pagkakataon nakita niya kung paano ngumiti si Katarina. Mula ng dumating ito sa buhay niya ay larawan na ito ng takot at ngayon naman ay pagka-desperado. Subalit ng makita nito ang malawak na karagatan ay para itong naging bata ulit dahil sabik na sabik itong naghubad para makapagsaya sa tubig. Hinayaan lang niya itong gawin ang nais nito dahil ngayon araw ay mga normal silang tao. Malayo sa gulo at maramdaman ang kapirasong langit.Sa Reception ng Resort ay nagpakilala sila bilang Mr. and Mrs. Dela Fuente. Kumuha ng isang kuwarto at parang bagong kasal na nagha-honeymoon.Naupo si Sebastian sa dalampasigan. Takim-silim na at katatapos lang nila maghapunan. Si Katarina naman ay nakapaang naglalaro sa tubig. Inilabas ni Sebastian ang kaniyang dalang alak nagiisang kopita. Nagsalin siya at itinago sa kaniyang gilid ang alak. Nagsindi siya ng sigarilyo habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.Naging pangarap niya rin ito dati at kung h
KATARINA POVHindi ako naniniwala sa isang magandang panaginip pero ang maramdaman ang maiinit niyang halik at pag-angkin niya sa akin kagabi ay dinala ako sa magandang panaginip na parang ayaw ko ng magising pa. Ang lalaking kinasuklaman ko ay mahalaga sa akin.Mahalaga si Sebastian sa akin at pinigilan ko lang ang sarili kong mahalin ang tulad niya dahil naghihiganti lamang siya at kasal siya. Pagbalik niya sa Villa ay hindi ko siguradong magkikita kami ulit. Paulit-ulit niyang binubulong sa akin ang magandang buhay na naghihintay sa akin kapag pumayag akong pumunta sa lugar na sinasabi niya pero hindi ko kayang pumunta ‘don hanggang hindi ko siguradong ligtas siya at magkikita kami ulit.Naramdaman ko ang mainit na likidong lumandas mula sa aking mga mata. Hindi ko napigilan dahil parang ina-alo- alo ko lang ang sarili ko. I know he’s lying last night. Lalo kong isiniksik ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Patuloy kong pinigilan ang paghikbi ko pero mukhang kanina pa yata gising ang