Share

Chapter 5

Author: ohmy_gwenny
last update Last Updated: 2021-08-19 09:27:20

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, tahimik lang akong nakatitig sa saradong pintuan kung saan siya lumabas kanina. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha sa aking mga mata habang nanghihinang nakatayo.

Alam ko namang makakalimutan niya rin ang mga sinabi niya sa akin kanina at pupuntahan na namang ang babaeng iyon. Tangna!

Dahil sa naisip kong iyon, gumuhit ang galit sa aking puso. Ilang sandali pa ay nahanap ko na ang aking sariling malakas na pinagtatapon ang mga bagay na aking nahahawakan sa sahig.

Wala na akong pakealam kung mamahalin man ang mga nabasag! Ang gusto ko lang ay mailabas lahat ng galit na namumuo sa aking puso! Pakiramdam ko kasi ay mamamatay na ako kung hindi ko ito nailabas.

"Ah!"

Dumagundong sa loob ng malaking bahay ang malakas kong pagsigaw nang tuluyan na akong nanghina at napatukod na lamang sa aking mga tuhod habang patuloy pa rin sa paghagulgol.

Ganito na lang ba ako? Iiyak na lang?

Tangna! Kung alam ko naman palang aabot kami sa ganito na magkakasawaan na, sana pala hindi ko na siya pinakasalan! Sana pala hindi ko na siya hinayaang makalapit pa sa akin at hayaang liligawan niya ako! Sana pala hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong mahulog sa kaniya ng ganito.

Nanatili ako sa ganoon posisyon. Makalipas ang mahigit dalawampung minuto ay umayos na ako ng pagtayo nang sa wakas ay tuluyan nang kumalma ang aking sarili.

Humihikbing naglakad ako patungo sa hapag-kainan upang kainin ang naiwang ulam kanina na niluto ko. Ayaw ko nang umasa pang darating siya dahil lang sinabi niyang para sa anak namin, ayaw kong pati anak namin ay madadamay pa sa sitwasyong ito.

Binuksan ko ang lagayan ng ulam sa mesa na sana ay hindi ko na ginawa. Napangiwi ako at mabilis na ibinalik ang takip doon. Mabilis akong nagtungo sa water dispenser at nagsalin ka agad ng tubig sa baso upang inumin dahil nasusuka ako.

Mayamaya, naglakad ulit akong pabalik sa mahabang lamesa at umupo doon. Inilapag ko ang aking plato at hinila palapit ang lagayan upang kumuha doon. Kailangan kong kumain. Walang mangyayari kung uunahin ko ang arte.

Nagsandok ako ng ulam doon at hinalo ito sa aking kanin. Pagkatapos ay inilapit ko na sa aking bibig. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at tinakpan ang aking ilong kasabay ang pagsubo ko. Walang nguya-nguya at nilunok ko ka agad ang pagkain, ngunit ilang saglit pa ay tila hindi iyon nagustuhan ng sikmura ko at bumalik pataas sa aking bibig. Natapon ang kutsara at patakbong nagtungo sa lababo at doon sumuka.

Isang kutsara lang naman ang kinain ko ngunit tila buong kalamnan ko na ang sinuka ko. Naiiyak na ako dahil nananakit na ang lalamunan ko sa kakasuka.

Napakapit na lamang ako sa gripo nang maramdaman ko ang panghihina ng aking mga tuhod. Binuksan ko ito at hinayaang umagos ang malamig na tubig. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang pinapanood ang pagkaing naisuka ko na inaanod na ng tubig. Sana pala ay hindi ko na lang pinilit ang sarili kong kainin 'yon.

Nang sa wakas ay tuluyan nang kumalma ang tiyan ko, ipinagtabi ko ang aking mga palad at itinapat iyon sa umaagos na tubig upang hugasan ang mukha ko.

I'm so sorry, baby.

Nang matapos ako doon, hindi ko na ulit tinapunan ng tingin ang lamesa at dire-diretsong nagtungo sa kwarto namin. Pagkarating ko roon ay inihiga ko na ang aking sarili at nagtalukbong ng kumot.

"Baby, nagugutom ka na? Baby, hindi talaga kaya ni Mommy kainin 'yon e." Hinimas-himas nito ang kamay sa tiyan nang maramdaman ulit ang pagkalam doon.

Diyos ko, wala pa akong kain. Hindi ko na alam kung anong oras na ngayon. Pero hindi ko na kayang iangat ang katawan ko upang tingnan ang oras. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng antok.

"Aries." Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pagbaba ng kumot na nakatakip sa aking buong katawan kanina.

"Aries, wake up. You need to eat." Narinig ko ang boses ni Leo sa aking likuran.

Naimulat ko lang ang aking mga mata nang maamoy ko ang pagkain na kanina pa hinahanap-hanap ng aking tiyan. Napalunok ako. Nagtatalo na naman ang galit at gutom sa akin.

"Busog ako." Wala sa sariling sambit ko.

"Really. H'wag mo akong lokohin, Aries." mapangutyang sagot nito.

Hindi ko ito sinagot. Nangunguna talaga ang galit na nararamdaman ko dito, "Now, eat. Galit ka? Fine! Pero isipin mo sana ang anak ko dyan sa sinapupunan mo." dagdag pa nito na nagpatigil sa akin.

Ang anak ko. Hindi ko hahayaang mawala siya. Ayokong mawala siya. Mahal ko ang anak ko.

Dahil sa isiping 'yon, nahanap ko na lang ang aking sariling bumangon at umupo sa higaan namin. Tiningnan ko ito.

Nakatayo ito sa gilid ng kama habang bitbit ang isang foldable bed table. Sa ibabaw no'n ay may nakapatong na babasaging plato na may laman nang inihaw na karne. Katabi nito ay isang platito na sa tingin ko ay maanghang na sauce katulad ng sinabi ko rito kanina. Napalunok ako.

"Here, kainin mo na 'to." wika nito at marahang inilagay ang maliit na lamesa sa aking harapan. Nakatitig lamang ako dito. Para bang may kulang.

"Where's the spoon?" I asked.

"Wala. Magsimula ka nang kumain." he commanded.

Masama ko itong tinapunan ng tingin pagkatapos ay ibinalik ka agad sa pagkain na nasa harap ko, "Paano ako kakain? Wala man lang kutsara o kahit tinidor man lang?" inis kong wika dito.

Hindi ito sumagot at pekeng tumawa, "Come on, Aries. Ngayon ka pa ba mag-iinarte? Akala ko ba gutom ka na?" sambit nito.

Kaysa mainis dito, nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at pilit na inalis ang inis na nararamdaman ko, "Gusto ko sanang magpakuha ng kutsara." pamanhik ko.

"Pwede ba, Aries?! Hindi na ako natutuwa sa mga pinanggagawa mo ha?!" saglit itong tumigil at nakapamaywang na umatras.

"Wala naman akong matandaang napilayan ka o baka sadyang nag-iinarte ka lang?! Come on, Aries! Enough with that childish thing! Hindi por que pinaiyak kita kanina, magda-drama ka na, na pati simpleng pagpunta sa kusina para kumuha ng kubyertos hindi mo na kaya!" Bulyaw nito habang paulit-ulit na pinagtuturo ang labas ng kwarto namin.

"And to remind you, lumaki ka sa hirap. Now, how dare you tell me na hindi ka makakakain gamit ang kamay mo?" dagdag nito.

Napapitlag ako na tila ba'y sigaw iyon ng isang taong pinakakinakatakutan ko kaya ganoon na lamang ang sobrang lakas na pagkabog ng puso ko. Bumilis bigla ang paghinga ko habang nanatili pa rin ang mga mata sa galit nitong mukha.

Tumulo ang isang butil ng luha galing sa aking kaliwang mata, "Leo, simpleng pakiusap lang naman 'yon e! Bakit kailangan mo pang mang-insulto?!" Pinunasan ko ka agad ito.

Bakit kung tratuhin niya ako ay para bang ako ang may malaking kasalanan dito?!

"Hindi kita ini-insulto, ipinaalala ko lang sa'yo kung sana ka galing. Baka siguro naisip mo na ngayong mag-asawa na tayo at ako na mismo ang bubuhay sa'yo kaya gusto mong magbagong-buhay. Tama ba ako?"

Mas lalo lamang ako naiyak sa sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin?! Na kaya ko siya pinakasalan dahil alam kong makakatulong siyang makaahon kami sa kahirapan?! Tangna!  Hindi ko inakalang ganito pala kadumi ang pagtingin niya sa akin!

Umiling ako rito. Wala na, nalusaw na naman ang namumuong galit sa dibdib ko dito. Tumayo ako galing sa higaan namin at naluluhang lumapit dito, "Hindi, Leo. Mahal kita. Hindi kita ginamit. Alam kong alam mong malinis ang intensyon ko sa'yo, Leo."

Hindi ko kayang magalit sa kaniya. Hindi ko pala talaga kaya. I love him. So much.

Hindi ito sumagot, bagkus ay tinitigan lamang ako nito. Unti-unting nagbago at naglaho ang galit na kanina'y umuusbong sa kaniyang mukha. Lumambot ang mukha nito.

Ilang segundo itong nakatitig sa akin bago tuluyang nag-iwas ng tingin at tumalikod sa akin, "Kumain ka na. Sa susunod h'wag mo na ulit pairalin ang kamalditahan mo. Hindi na kasi nakakatuwa." Wika nito at lumapit na sa pintuan ng kwarto namin.

"Aalis muna ako. Kailangan ako sa kompanya. H'wag mo na sana akong sundan ulit doon at ipahiya sa mga empleyado ko. Matalino ka 'diba? Sana naman matuto kang mag-isip, Aries." sabi pa nito at binuksan ang pintuan ng kwarto at lumabas na.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
REyna Alde
sana nakipag hiwalay ka na aris katangahan nmn yan ung subrang pag mahal mo
goodnovel comment avatar
Barbrs Vs Mnita
bobo ka nga Aris ka, ginagawa kana niluluko sinasaktan Lalo kapa nag pakaka bobo. bwisit ka, Kong ako my pinag arslan Mg trabaho ako at Hindi ko sundan sundan at ipahiya ang sarili ko. ingat an ko pinag buntis ko at mag pakayaman. lalaki ng bobo gago sa huli yan mag sisi. bwisit.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mistakes, Regrets   Chapter 6

    "Hi, mommy! Can you feel me moving around your womb? I'm already growing, mommy! My skin has fewer wrinkles as a layer of fat starts to form under my skin! Few more months and I'm going to meet you, mommy!" Napangiti ako sa nabasa kong libro. Ilang buwan na ang nagdaan nang huli ko itong binuklat. Parang noon lang, sobrang liit pa nitong tiyan ko. Ngunit ngayon ay malaki na. I'm already in my 7th month of pregnancy. Sa loob ng pitong buwang pagbubuntis ko, masasabi kong sobrang hirap. Pero kahit papaano ay hindi na rin ako ganoon ka mapili sa pagkain tulad noon. Ngunit hindi katulad noon, nagiging mahina na ang katawan ko. Tinatamad na ako palaging kumilos. I once visited my ob-gyn during my 6th month. Sabi niya ay normal lang ang mga ito sa pagbubuntis. Food cravings and fatigue. I shouldn't also have to worry about m

    Last Updated : 2021-08-19
  • Mistakes, Regrets   Chapter 7

    "Alis na ako, hon." Pagpapaalam ko rito habang inaayos ang suot kong maliit na shoulder bag. Hindi na ako nag-abala pang magdala ng mga susuotin kong mga damit dahil paniguradong mahihirapan lang ako. Saka, may mga damit pa naman ako panigurado doon sa bahay namin. Hindi ito sumagot at saglit lang akong tiningnan. Ngumiti ako dito at nagsimula nang maglakad palabas ng bahay. Iyon lang namang senyales ang hinihingi ko galing rito. Nasanay na rin kasi akong hindi niya ako kinakausap. Ngayon ay ang bisita ko sa probinsya namin. Dalawang araw lang naman ako doon at uuwi ka agad ako pagkatapos. Sinabi ko pa sa asawa kong isang araw lang ako doon, but then he told me to extend my stay there. Hindi na ako nagprotesta rito. Siguro ay gusto niya ding makapag isip-isip. Sana nga pagbalik ko rito ay maayos na ulit kami.

    Last Updated : 2021-08-19
  • Mistakes, Regrets   Chapter 8

    "Sayang naman at isang beses ka lang naming nakita sa TV. Pero mabuti na rin, kailangan mong unahin ang apo ko. Hindi ko lang nagustuhan e tinago mo pa sa amin ng ilang buwan." "Pasensya na po, 'nay. Napagplanuhan kasi namin ng asawa kong sorpresahin sana kayo, kaya lang medyo natagalan dahil nagiging busy na rin po siya." Kasalukuyan kaming nasa kusina ni Nanay at tinutulungan ko siyang maghanda ng almusal namin. Pinigilan pa ako nito kaninang tumulong ngunit nagpumilit naman ako.Matapos ilapag ni nanay ang malapad na plato ng kanin sa mesa, saglit itong huminto at tumingin sa harap na tila ba'y may naaalala. "Kumusta na ba si Leo? H'wag naman sana siyang magpakalubog sa trabaho, nakakasama iyon." ani nanay. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga, "Oo nga po, 'na

    Last Updated : 2021-08-19
  • Mistakes, Regrets   Chapter 9

    "'Nak! Mag-ingat ka. Baka mapano ka!" Rinig kong suway ni tatay sa likuran ko kaya ngumiti lamang ako dito."Pasensya na ho, 'tay. Medyo nawili lang ako sa street dancers." paghingi ko ng tawad dito. Pangatlong araw ko na ngayon dito sa probinsiya namin. Supposed to be, ngayon dapat ang uwi ko ngunit sayang naman at araw pala ng barangay namin ngayon. Kaya napagdesisyunan kong, bukas ng umaga ako aalis. Tinext ko na rin si Leo kung sakaling maghanap ito. Hindi ko rin naman kasi matawagan dahil nakapatay ang cellphone nito.Kasalukuyan akong nakatayo sa gilid ng kalsada katabi ang maraming mga tao habang pinapanood ang nagsasayawang mga street dancers. Kumikinang pa ang bawat props na dala ng mga nito ng tila ba'y isang ginto ang nakapalibot doom. "Oh! Talo na naman panigurado ng elementary an

    Last Updated : 2021-08-19
  • Mistakes, Regrets   Chapter 10

    Natigil sa paggalaw ang aking mundo. Pakiramdam ko'y unti-unting nababasag ang aking puso habang nakatingin pa rin sa kanila. Gusto kong mag-iwas ng tingin! Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa! Pakiramdam ko ay napako ako sa sariling kinatatayuan ko. Putangina! Gusto kong umalis na lang sa harap nila at lumayo! Ngunit nangunguna pa rin ang ang galit ko! Bakit?! Bakit niya nagawa ang mga ito?! Nakakababa kasi sa aking parte! Akala ko ba hindi pa siya handa sa responsibilidad?! Bakit ngayon may bago na naman siya?! Ano 'to? Bubuntisin niya, pangangakuan tapos sasabihing hindi pa pala siya handang magkapamilya?! Gano'n ba?!Nang sa tingin ko'y narinig ni Leo ang paghikbi ko ay naalimpungatan ito. Iginala nito ang kaniyang paningin ngunit napatigil naman sa akin. Nanlaki ang mga mata nito.

    Last Updated : 2021-08-19
  • Mistakes, Regrets   Chapter 11

    "Owen..." I whispered."I told you, it's Leo." I heard him chuckled.Maaga kaming pinauwi ngayon dahil may napagkasunduang pagtitipon ang mga guro namin sa paaralan. Kaya dumiretso kami ni Leo sa park malapit sa school namin.Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench na nandoon habang nakaharap sa papalubog nang araw."I like calling you Owen." I giggled after.Nang tingnan ko ito. Nahuli ko siyang nakatingin din sa akin habang nakanguso kaya natawa lang ako.

    Last Updated : 2021-09-03
  • Mistakes, Regrets   Chapter 13

    "A-Anak! Pedro! Mark, tawagin mo ang doktor! Gising na ang ate niyo! G-Gumalaw iyong daliri niya. Salamat, Diyos ko!"Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pabulong at umiiyak na boses ni nanay, kasunod ng paga-anunsyo nito ay pag-uga ng aking tabing hinihigaang kama."Ate.." boses ni Raphiel ang narinig ko.Dahil sa kuryusidad, iminulat ko ang mga mata ko, ngunit ka agad rin namang napapikit at napangiwi nang masilawan ako sa liwanag na nanggagaling sa kisame ng puting kwarto."Anak!" narinig ko ang sabay na pagsigaw ni nanay at tatay. Mayamaya pa'y naramdaman ko ang kanilang mga kamay na marahang nakahawak sa aking magkabilang balikat.

    Last Updated : 2021-09-03
  • Mistakes, Regrets   Chapter 14

    "Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao. Araw ng Biyernes, alas otso y dyes ng umaga. Kayo ay nanonood ng AGD balita.. Kami ang inyong tagabalita, ako si Ari Manabat..""Ako si Liam Gonzales..""At ako naman si Salvy Manalastas, at ito ang AGD balita. Sa ulo ng mga balita."Ilang sandali pa matapos ihayag ni Salvy ang ulo ng mga balita. Nagsimula na ulit akong magsalita sa harap ng kamara. With full of seriousness and eloquence, I talked. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang back-up notes ko dahil habang nag e-ensayo kanina ay sinaulo ko na ang mga ito.Biyernes ngayon kaya he

    Last Updated : 2021-09-03

Latest chapter

  • Mistakes, Regrets   EPILOGUE

    I didn't know that life would be this hard for me. That life would let me experience this all hardships. Ganoon ba talaga kalaki ng naging kasalanan ko? Pinagsisihan ko naman, e. Lahat ng iyon ay pinagsisihan ko na. Pero mukhang ipinamukha lang ng tadhana sa akin na hindi pa ako lubos na natuto at hinayaan niya pa akong makaranas ng ganito kasakit.Ito na yata ang pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay ko. Ang makita sa ganitong kalagayan ang mag-ina ko na nag-aagaw buhay, samantalang ako itong buhay na buhay at nakatayo sa harapan nila.I stayed with them for I don't know how long. Nasa isang sulok lamang ako at nanghihinang nakaupo sa sahig habang nakasandal ang katawan ko sa pader at nakatitig lamang sa kanila. Paulit-ulit na tinutusok ang puso ko na para bang pinapatay ako na hindi naman ako namamatay.Tila ba'y nililipad ang isipan ko na parang mababaliw ako na kahit tunog ng mga taong nasa labas ay hindi ko

  • Mistakes, Regrets   Chapter 80

    "Leo!" I heard her flinched. But I can no longer control my anger. Naghalo na ang parehong inis ko sa pangbibintang ng lalaking iyon at ang problema ko sa palulugi nang kompanya. "Shut up, alright?! I know what I am doing!" I shouted. I'm so sorry, hon. Saad ng isip ko. I promise to apologize to her as soon as we got home. What I wanted now is to go home. I badly want to let go all I've been carrying. Lahat ng bigat ng loob ko gusto kong ilabas. I tightly closed my eyes. "Leo, please.." Pero tila ba'y hinimas ang puso ko nang marinig ko ang umiiyak na pagmamakaawa ni Aries na kailanma'y ayaw ko nang marinig pa ulit. Sa isang iglap ay naglaho lahat ng galit na nararamdaman ko at napalitan ng pagsisisi. Sa oras ding iyon ay alam kong pagsisisihan ko rin ang magiging resulta ng pagkakamaling nagawa ko na naman sa pamilya ko. Tila ba'y nasa isang panagi

  • Mistakes, Regrets   Chapter 79

    "Leo! Leo! Mga anak? Asan kayo?" Paulit-ulit kong sigaw hanggang sa tuluyan nang sumuko ang boses ko. Patuloy pa rin ako sa paglalakad sa kawalan. Wala akong makita niisa! Nasa kadiliman ako at tila ba'y isa akong bulag! "Matthew? Feli? Leo?" I called again for the last time until finally I felt the tears in my eyes started to roll down on my cheeks. I can't see anything! Nasaan ba ako?! "Please! Huwag niyo akong iwan!" I pleaded and then that, I lost all my strength as my body fell down. Oh God! What's happening?! I just cried my heart out. I even can hardly breathe caused by such fear I am feeling right now. "Mommy!" Naimulat ko ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng anak kong si Matt na nagpagising ng diwa ko. Mabilis kong naimulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang dalawang mga anak kong nakadungaw sa akin. Pabalikwas akong bumangon at dali-dali sila

  • Mistakes, Regrets   Chapter 78

    "Kumusta naman kayo dyan anak? Ang mga bata kumusta? Maayos ba silang nag-aaral? Iyong kapehan mo?" sunod-sunod na tanong ni nanay.Natawa ako rito. Ito namang si nanay, masyadong halatang namimiss kami e. Palihim naman akong napabuntong-hininga sa konklusyong nabuo sa isip ko. Oo nga, matagal-tagal na rin simula noong huli kaming nakabisita sa probinsya dahil sa pagkabusy naming pareho ni Leo kaya siguro ganoon na lang ang pagkamiss ni nanay nang tumawag ako."Ayos naman po, 'nay. Namiss ka po ng mga bata kaya panay kwento ito at request na tawagan kayo, e kaso si Feli lang ang kasama ko po ngayon, 'nay. Marami na rin pong mga kaibigan itong dalawa, kahit pa noong huling pumasok si Feli sa paaralan." nakangiting sagot ko rito.Mas lalo lamang napangiti si nanay, "Ganoon ba? Magandang balita iyan!" sagot niya at mayamaya'y saglit itong inilagay ang cellphone dahil may bumili sa tindahan.Kaya habang hinihintay si nanay ay sandali kong sinilip si Feli kasa

  • Mistakes, Regrets   Chapter 77

    Time flies fast and we became more close, I became more contented with my family. Ganoon lamang ang naging takbo ng buhay namin at madalas kaming namamasyal tuwing Weekends, I even started to enroll Feli to a homeschool dahil sooner ay babalik na kami sa doktor ni Feli for her operation on her Cochlear implant. I am excited yet nervous. I and Leo were even having a hard time deciding and so we ask for nanay and tatay's help and they immediately agreed as long as the doctor could assure the safety of my princess.Kaya simula noong nakaraang linggo ay si Matt na lamang ang pumapasok sa eskwelahan niya. Sinasama naman namin si Feli dahil hindi siya pwedeng iwan sa bahay lalo na't alas nwebe pa ang dating ng assigned homeschool teacher niya kaya isasama ko muna siya sa akin dito sa shop at uuwi rin kami mamaya."Take care, baby Matt ah? Be good in school." I said to my son and kissed him on his cheeks, I then faced Leo that looked preoccupied, kanina pa siya ganito.

  • Mistakes, Regrets   Chapter 76

    Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang paghalik-halik ni Leo sa aking noo habang magkayakap kami sa ilalim ng kumot. Mas lalo ko lang isiniksik ang sarili ko rito nang lumapat sa hubad kong balat ang malamig na hanging galing sa aircon."Nilalamig ba misis ko?" I heard his husky voice at the top of my head. I nodded my head with my eyes still closed."Oh, let me hug you even more.." And as what he said, he hugged me even tighter that I giggled.Sobra talaga akong napagod kagabi dahil dumalo kami ng selebrasyon sa Thanksgiving nina Sharon at ng asawa niya. Sinama ko na lang din ang mga anak ko pati si Leo kaya opisyal ko na itong napakilala bilang asawa ko.Pag uwi pa ay mas lalo lang yata akong napagod kasi nang-aakit na naman kasi itong damugo kong asawa dahil gusto niya akong sabayan sa pagligo. Sino ba naman ako para tumanggi kong mismong biyaya na ang nasa harap ko? Ugh! So much of that.Thankfully, kinabukasan matapos naging usapan namin no

  • Mistakes, Regrets   Chapter 75

    "Hi, lola! Hi, lolo! Hi, our beautiful titas and tito Marky!" Matthew loudly greeted as soon as he entered the gate.Napagpasyahan kasi naming bumisita rito dahil holiday naman ngayon at mukhang namimiss na nga nila ang kambal."Mga apo!" napangiti agad ako nang marinig ko ang masayang boses ni nanay.Sinalubong ka agad ito ng mga bata at nagmano bago tuluyang niyakap ang kanilang lola, "Namiss ko kayo mga apo!""Kami rin po lola!"Ah, a part of me felt was disappointed to myself. E, paano, nitong mga nagdaang linggo ay hindi ko na masyadong natatawagan sina nanay kahit na alam kong sobrang namimiss na nila ang kambal dahil simula pa noong ipinanganak ko sila ay hindi na ito malayo-layo sa kanila ni tatay.Ilang saglit pa ay nag-angat ng tingin si nanay sa amin ni Leo na ngayo'y kakalabas lang ng kotse habang bitbit ang mga pasalubong namin, "Hi, 'nay!" bati ni Leo."Mga anak! Halikayo! Naghihintay sila sa loob lalo na ang tatay ninyo

  • Mistakes, Regrets   Chapter 74

    And without warning, he kissed me on my lips.I was dumbstruck for seconds until I finally felt his lips moving, and that made my eyes closed as I followed every movement he does.Oh God, I can't deny the fact that I missed this.I was too destucted by our kisses that I didn't notice that my both hands are already travelling to his nape. The other one was busy caressing his smooth hair."Ah, I miss you so much, wife." he whispered between our kisses."I miss you too." I replied.He planted a soundful kiss on my lips before he swiftly took his eyesglasses off and threw it on the bedside table near us.Mayamaya pa ay hinarap ulit ako nito at sinunggaban ako ng isang mapusok na halik. Naramdaman ko ang marahang pagmasahe nito sa aking baywang at unti-unting paglakbay ng kaniyang kamay patungo sa aking pisngi.Hindi ko na alintana ang malapit nang matanggal na tuwalyang nakabalot sa aking katawan dahil sa sensyasyong binibigay nito

  • Mistakes, Regrets   Chapter 73

    Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng kamay sa bandang tiyan ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay ka agad akong napangiwi buhat ng pagkasilaw sa araw na nanggagaling sa bintana nitong kwarto. I again closed my eyes.Kumilos ako para humarap sa gilid, ngunit sa gulat ko ay mas lalo lamang pumulupot ang kamay sa aking baywang. Doon ko lamang napagtantong katabi ko pala si Leo at siya ang may ari nitong kamay na ito.Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang tulog na tulog na si Leo habang nakaharap sa akin.It felt somehow like Deja Vu, but it actually wasn't. This is my morning routine back then. I am always the first one to wake up and then I get to spend the whole time staring at his sleeping face with his hand on my tummy. I always does that. Nothing really changed.I stared at his slightly opened mouth. Ang gwapo nga naman talaga nitong isang ito kahit na tulog. Ganoon pa rin talaga ito matulog. I silently laughed

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status