NILALAMIG KONG binuksan ang handle ng glass door ng opisina ng CEO. Dala ang mga file reports na kopya ng ibinigay sa chief, kaagad akong napalunok dahil sa pag-aalinlangan.
What if kulang ito para sa kaniya?Tutulungan niya kaya kami sa kaso?Tumikhim muna ako bago marahang ilapag sa harapan niya ang mga report. "Good evening, sir. At this hour, five hours na lang ang natitira sa akin. Pero, the files in front of you are the reports and suspected allies of the embezzlement mastermind na nakatutulong sa amin. I hope patunay ito na karapatdapat kami para sa tulong mo."Bago dapuan ng mga tingin ang files, humigop siya sa kaniyang kape. At sandali itong tinitigan. "Right now, who are you suspecting na kasabwat ng operasyon?""Bukod sa dalawang intern na nasa files, ang may-ari ng private area somewhere the Bonifacio Avenue na si Mr Chua ang pinaghihinalaan namin, sir."Nang kunin niya ang pinakaunang file, bigla na lang lumagabong"THANK YOU, Mr Dyson for allowing us to investigate inside your company. Thank you for helping us.""You shouldn't thank me but the girl laying here. She's the one who convinced me, not to mention her loud voice."Hindi ko man nagawang imulat pa ang mga mata sa sobrang liwanag sa nasa harapan ay nagagawa ko namang pakinggang ang mga tunog sa paligid. Kahit noong una'y malabo ito, nalaman kong si Chief at si Sir Luke ito.Unti-unti kong tinakpan ang mga mata bago bumangon. Nakasisilaw kasi ang ilaw at kailangan kong bumangon para hindi tuluyang mabulag."Hey! Hindi ka pa gaanong malakas!" agad akong natigilan nang bigla akong alalayan nang kung sino sa aking likod at inalalayan upang makasandal ng ayos sa head ng kama.Nang maramdamang tumahimik na ang buong paligid, saka ko lamang iminulat ang mga mata at laking gulat nang makita ang presensya ng girlfriend ni Nathan ang nasa harapan ko. Nginitian niya ako ng marahan at kinawayan pa.
AGAD AKONG napabangon at bumangon na. Inalalayan naman ako ng nars bago ako nilisan. Alam kong magtatawag na naman iyon ng backup at ayaw ko pa nmang pinagtutulungan ako. Katulad na lamang ng ginawa sa akin bago ako mabaril. Isang araw ang lumipas at kausap ko ang doktor. Tuwid na akong nakatatayo at mayroong lakas na rin upang magmakaawa sa kaniya. Gustong-gusto ko na talagang makaalis dito at bagot na bagot na ako."Pwede naman kitang palabasin ngayon na," ani doktor bago lumapit sa mini drawer ng kuwarto ko at kinuha lahat ng gamot ko. "Basta tatandaan mo lang ang oras ng pag-inom mo ng gamot. Okay?"Kaagad na nagliwanag ang aking mukha at lumapit na sa kaniya. Buti na lang at ang doktor na ito ay kapatid ng girlfriend ni Nathan. Alam ko namang hindi niya ako matitiis dahil bestie ako ng kapatid niyang bunso."Yes, yes! I promise, iinumin ko lahat iyan nang hindi nakalilimot."PANGITI-NGITI AKONG pumasok sa loob ng mansion ni Luke dal
LUMIPAS ANG ilan pang araw na nanatili lamang ako sa loob ng bahay. Pero kahit sinusunod ang favor kuno ni Luke, hindi ko maitatangging marami akong gustong malaman.Nagagawa ko nang makipag-usap sa kaniya na para bang wala na ang barricade na humahadlang sa akin upang kausapin siya ng pormal. In a span of time, lalo akong nananabik na malaman ang pagkatao niya.Hindi man niya ako hinahayaang umalis, gayunpaman ay nanatili rin siya sa loob ng mansyon. Hindi naman sa pag-assume pero, ramdam kong nais niya akong bantayan. Sino ba naman kasi ang gustong manatili sa tabi ng isang matigas na ulo at reklamador na tulad ko? Bukod sa kaibigan, nag-stay siya kaya kakaiba.Tanghalian na ngunit hindi pa rin naghahanda ng mesa. Wala rin akong nakikitang mga katulong sa paligid at mukhang bukod sa mga sekyu sa labas ay dalawa lang kaming nasa loob.Dahil sa pagtataka, agad kong hinanap ang CEO upang tanungin kung bakit walang tao. Alam kong nasa garden siya— palagi naman siyang naroon tuwing walan
HABANG KUMAKAIN, ramdam ko pa rin ang awkwardness between us. Nakatungo lang ako sa pagkain sa kaniyang tapat habang siya naman ay pormal na kumakain, walang kaide-ideya kung paano niya ginawang awkward muli ang pakikitungo ko sa kaniya."The Liempo's good. It's not really burnt or uncooked. You did a job well done here."Napaangat ako ng tingin at tipid siyang nginitian. Buti naman at na-realize niyang walang masama sa niluto ko kahit nananahimik ako."But why'd you cut yourself?" tuluyan akong napatigil sa pagkain nang tanungin niya ako tungkol sa nangyari kanina.With no chance, kaagad ko siyang tiningnan at sinagot saying, "Nagulat lang ako sa sinabi mo, sir. Hindi ko lang na-absorb kaagad kasi ang eerie sa pakiramdam."Saglit siyang napabungisngis palihim at nabigla ako roon. Ngayon naman, tumatawa na siya. Sa loob kasi ng panahong nagtatrabaho ako under niya ay hindi ko pa siya nakikitang tumatawa. Ngumingiti lang pero kapag kasama ang sekretarya o kaibigan niya.Ang totoo, naba
NANG MAKAUWI sa mansion ni Sir, dumiretso naman ako agad sa aking kuwarto upang makapagpalit ng damit at makapagpahinga.Habang kinukuskos ang mga nabasang buhok gamit ang tuwalya, naagaw ng aking atensyon ang tatlong shopping bags na ibinigay ni Sir Luke. Kahit nakita ko na ang mga gamit kanina, hindi ko pa rin mapigilang hindi magtaka kung bakit binilhan niya ako."Tsk, dapat itinabi ko na 'to." Nang hindi na makatiis ay agad kong kinuha sa loob ng bag ang mga damit at isinulat ito sa harapan ng salamin. Ang una kong pinulot ay ang coordinates na blazer, spaghetti strap top at pencil skirt. Maganda ito, sa totoo lang kaso ang problema, kulay pink.Hindi ako nagsusuot ng mga matitingkad na kulay lalong-lalo na ang kulay pink. Kung ganito namang mga palda, okay lang basta hindi ruffled o A-line or circle skirt. Kahinaan ko ang mga ganito. Ever since highschool never akong nagsuot ng hindi pencil or tube skirt.I roughly sighed and placed back the coordinates to its original bag. Hind
NAPALUNOK AKO bago napakamot na pisngi. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil wala akong kaide-ideya sa nangyari sa akin. Hindi ako naging updated, sila pa naman ang binabantayan ko.Without saying a word, binaba ko ang tawag. Bumalik ako sa post ko ngunit natigilan nang makita sa pinakadulo ng lugar ang sekretarya na si Daisy, parang mayroong kausap. Dahil sa pagtataka kung bakit ganoon siya, palihim ko siyang sinundan. Nagtago sa mga pader, halaman, at shelves, masundan lang siya.Nang makita siyang nakatigil at parang mayroong kinakausap. Gumilid ang leeg ko nang masilayan ang paglinga-linga siya sa paligid, katulad na lamang ng pagiging awkward niya nang makasabay ko."She's fishy," I whispered before taking her a picture. Hindi naman nagtagal ng ilang minuto ang kanilang pag-uusap kaya muli akong bumalik sa post ko.Habang naglalakad, ibinigay ko ang larawan kay Nathan at iminungkahing imbestigahan si Daisy.Nakita ko naman si Daisy'ng papalapit sa department office kaya nag-iwas
SANDALI PANG nagtagal ang aming titigan ni sir bago ko naisipang bumitaw at padarag siyang itinulak muli. Patakbo kong kinuha ang aking baril at mula sa basag na glass wall ay pinaputukan ko ang tatlong taong tumatakbo palayo.Dinukot ko ang aking cellphone at tinawagan ni Nathan. Gusto kong humingi ng backup para sa nangyari dahil naiipit na si Sir Luke sa gulo. Nang makailang ring at hindi niya pini-pickup, lumingon ako sa gawi ni Sir Luke na tumatawag na rin kung kanino.Lapit ako sa kaniya at tinapik ang kaniyang likod. Lubos akong nag-aalala para sa kaniyang kalagayan at kaligtasan. Kailangan niyang magpahinga. Kailangan niyang umuwi.[On the way na kami sa Dyson Financial, tinawagan ni CEO si Chief, eh. Ayos lang ba kayo?] tanong ng kausap sa kabilang linya at kahit alam kong hindi naman niya kita, tumango ako."Umuwi na po tayo, sir," matigas kong utos sa kanya at halos gumaralgal na ang boses dahil sa biglaang nangyari. Tanging pagtanggi ang nagawa ng kausap at kinuha na ang k
LUMIPAS ANG oras at tanghali na ako nagising. Dumiretso kaagad ako sa banyo at naligo. Matapos noon, lumabas na ako ng kuwarto at naabutang nag-aalis ng sapatos si Luke. Sa aking pagkawindang agad ko siyang sinugod at tinanong."SIR, LUMABAS KA BA?"hindi ko maiwasang hindi mainis dahil nakaporma pa siya at parang nakipag-date. Alam naman niyang delikado ang kalagayan niya tapos ang lakas ng loob niyang lumabas.Nag-angat siya ng tingin at nakakunot-noong tiningnan ako. "Why you mad? I just went to attorney Protacio to know what happened. What's wrong?""What's wrong?" Hindi ko maiwasang hindi mainis. "Ipinagbabawal po kayong lumabas. Paano na lang kung mangyari ulit 'yong kahapon? Sigurado ka bang kaya mo ang sarili mo?""I am with the guards. And I went home safely. It's not my fault na hindi mo ako sinamahan, okay?"Agad akong napasinghap sa inis dahil pinapalabas niyang parang ako pa ang mayroong kasalanan. Inirapan ko siya at napabuntong-hininga, hinahayaan ang sariling kumalma.
Nang makarating kami sa pinakang bungad ng kaniyang main office, kagaad na nangunot ang aking noo nang makitang magulo sa loob. Mayroong crack din ang pintuan niyang glass at palagay ko'y mayroong nangyayaring kaguluhan.Doon nahagip ng aking isipan ang plano ni Chairman Alonzo, ang kunin ang kaniyang mahahalagang papeles sa vault ng main office. Kaagad akong sumingit sa paglalakad ng mag-ama at binunot na ang baril sa hita."What's going on?! Bakit mayroong baril?"Nanguna na rin si Nathan at nakalabas na rin ang kaniyang baril. Binuksan niya ang glass door ng entrance at sinenyasan akong sumunod. I creeped towards him and made sure na hindi masasaktan ang mag-ama.Nagkalat ang mga vase at puro dugo na ang painting niyang nangalaglag. Nilingon ko ang pwesto nila Sir Luke at sinenyasan silang manatili muna sa pwesto nila.The whole place is a mess. Even though there are bloodstains at the floor, dead bodies weren't present. Hanggang sa makarinig ako ng kalabog sa loob ng mismong opisi
MATAPOS ANG buong board meeting ay hindi muna kami umalis sa loob ng conference room. Pinanonood silang isa-isang nagsipaglabasan, hindi ko pa rin maalis sa isipan ang boses ni Chairman Alonzo.Kaunahan itong umalis kanina ay napapansin ko rin ang pagtitig niya sa akin. Kahit nakapokus sa plano, nakaramdam ako ng kaba kanina nang makita ko kung paano ang tingin niya sa akin. Sa pagtama ng aming mga ibsaw through his eyes how suspectable he is towards me.Hindi naman kasi ganoon kahalayang mayroong gap sa pagitan namin. Sir Luke is just blabbering and blabbering all over habang ang aking trabaho lamang ay ang obserbahan ang bawat chairman na nasa loob ng document.Wala namang ingay ang namutawi sa aming bibig nang kaming apat na lamang ang natira sa loob. Si Sir, ako, si Nathan, at ang kaniyang ama. Hindi ko inaasahang magiging ganito kalayo ang loob namin nang bitawan niya ang mga salitang ito. Hindi ko maisip kung bakit labis siyang naapektuhan sa halik na iyon.Alright, who am I to
"I told you not to investigate on the people who are rated to me. Then why do you want the background profile of the Chairmans?" taka niyang tanong at ipinatong na ang daliri sa ilalim ng labi. Tinitigan niya ako ilang beses pa bago bumuntong-hininga."Mayroon pong plano ang isa sa mga chairman na kunin ang nasa loob ng vault mo habang nasa board meeting ka. Narinig mismo ng dalawa kong tainga ang pagtawag ng kaniyang utusan niya ng 'chairman'. Sapat na ba iyon para makuha ko po ang mga profile ng mga shareholders mo, Sir?" Umiling siya kaya agad akong nag-iwas ng tingin at suminghap ng marahan. Napahawak ako sa tungki ng aking ilong at naiinis siyang sinulyapan."Ano po bang kailangan ko para pagbigyan n'yo ako?" hindi ko na napigilan pa ang magtaas ng boses dahil sa frustration. "L-Last time you've agreed, Sir, you'll follow my orders too."Bigla niya na lang ginulo ang kaniyang nakaayos na buhok at niluwagan ang necktie. Masama niya rin akong tiningnan pero hindi iyon sapat upang
Nang marinig ang kanilang usapan ay para akong binuhusan nang malamig na tubig. Sa sobrang lamig noon, hindi ko na maramdaman pa ang sariling paghinga. Nang maramdaman ang kanilang papalapit na yabang ay kaagad akong nagtago sa kabilang shelf, mismong pinaglagyan ko ng librong hiniram ni Nathan. Napapikit pa ako sa kaba, ipinagdarasal na sana ay hindi nila ako makita.Hindi pa sa ngayon, hindi niya ako pwedeng makita.He's one of the chairmans of Dyson Financial Corporation. Marami man pero paniguradong mabobosesan ko ito, once na marinig muli ang boses."Wala na ba?" bulong sa sarili at pinakiramdaman ang paligid.Parang mayroong pinagtataguan akong lumabas ng lungga at marahang naglakad. Iyong tipo bang wala kang maririnig at magugulat ka na lang. Nang makumpirmang wala na sila, parang walang nangyari akong lumabas at muling binati ang librarian."Mukhang natagalan ka pa sa paghahanap. Malaki kasi ang silid-aklatan na ito, hija."Nginitian ko siya at kumaway pa. "Hindi naman po ako
LUMIPAS ANG dalawang araw at ganoon din ang pagbalik ng mga nangyari sa dati. Hindi na 'ko masyadong sumasabit palagi kay Sir Luke at pormal nang muli ang pakikitungo ko sa kaniya. Alam ko namang matalino siya at naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang pagbabago ko.Bumalik na siya sa pagtatrabaho sa kompanya. Ganoon din naman ako bilang security niya.Ngunit ngayon, hindi ako pumasok bilang isang security guard. Pumasok ako bilang bagong intern na nakasuot pa ng ID'ng pinagawa ko pa para lang tuluyan silang mapaniwala.Suot ko ang ibinigay niyang coordinates na pink. Nakasalamin din ako at nagpalagay ng kaunting make-up upang hindi nila ako mamukhaan once bumalik ako para mag-inspeksyon.Normal na empleyado akong nagpa-scan sa entrance at naglakad patungo sa cubicle ko sa loob ng finance. Nang maihanda na lahat ng aking kagamitan, umalis akong muli upang magtungo sa opisina ng CEO para kunin ang pinapakuha niyang papeles sa akin.Sa bungad pa lamang ng mismo niyang floor a
MARIIN KONG pinagdikit ang mga palad na ngayo'y nakatago na sa aking likod nang ilang sandali pa ang nakalipas ay pinasunod ako ni Chairman sa garden.Hindi ko naman talaga inaasahan ang kanilang pagdating at nakakagulat lang, nakagugulat isiping baka ang nasa isip nila'y mayroong koneksyon sa pagitan namin ni Sir Luke nang hindi nila alam.Sa kaba, kinagat ko ang parehong labi at hinintay na magsalita ang nakatalikod sa aking si Chief na pinagmamasdan ang garden ng CEO."I thought you'd became strict when it comes to Luke's safety. Sabi sa akin ng isang pulis na under mo, pinagalitan mo pa nga raw ang ibang guwardiya nang malamang lumabas ng bahay itong si Luke," panimula ni chief at naglakad pa bandang dulo.Hindi ko na siya nagawa pang sundan dahil sa pagkabog ng dibdib ko. Parang sasabog ito anumang minuto lamang dahil sa kaba ko. Huminga ako ng malalim at napapikit. "H-Hindi ko po... itatanggi iyon, chief."Humarap siya sa akin ngunit ngayo'y nakataas na ang kilay. Nakapalikod n
"KAYA NIYA ba ako iniwan kasi hindi niya ako mabuntis-buntis?" naiiyak kong tanong at napatungo na.Naramdaman ko naman ang kamay ni sir sa aking ulo at his hand stroked it up and down. Couldn't help it, namamalayan ko na lang na humihikbi na ako."I should've left the headquarters when I got the chance to grant his favor. I should've let him do things to me instead of staying long in this headquarters.""Shh, it's okay. Iiyak mo lang 'yan. I'm here, to listen."Buong byahe'y umiiyak lang ako dahil sa sakit. Hindi ko namamalayang nakatigil na ang sasakyan at ako na lang ang kaniyang hinihintay para makababa. I rose my head go look out in the window and gasp as I saw that we're at the peek of a hill.Sa ibaba ay mayroon doong ilog na sobrang linis at mayroong bangka sa tabi. At doon sa ibaba, nakita ko siyang kinakawayan ako. Nakangiti at nakaalis na lahat ng butones sa longsleeve.Tahimik akong bumaba ng kotse at nagtungo sa kaniyang pwesto. Hindi naman kataasan ang hill pero tama lan
SUOT ANG kulay sky blue'ng floral dress na lampas hanggang tuhod at itim na stilleto, lumabas ako ng aking kuwarto at mahigpit na napakapit sa gold straps ng bag ko.Hindi niya ako pinayagang jeans ang isuot ko. Aniya, mamahalin daw ang restaurant na kaniyang ini-booked para magsuot ako ng damit na para bang pupunta lang akong sinehan. Kaya, wala akong choice kundi suotin ang isa sa ibinigay niyang damit.Nang tuluyang makalabas, ang nakatalikod niyang physique ang sa akin ay tumambad. Halatang naka-collared long sleeves ito at itim na pantalon. Nang humarap siya, ngumiti siya sa akin at parang tangang pumalakpak pa."I was right, after all. The dress fits you well."He looked manly in his long sleeves with two of his buttons are unbuttoned. Naka-tucked in din ang mga ito at naamoy ko ang tapang ng kaniyang pabango."Pasalamat ka't wala akong dalang damit na gan'to. Hindi ako sanay na magsuot ng gan'to pero ginawa ko pa rin para sundin mo ang magiging utos ko," pormal kong pahayag at
LUMIPAS ANG oras at tanghali na ako nagising. Dumiretso kaagad ako sa banyo at naligo. Matapos noon, lumabas na ako ng kuwarto at naabutang nag-aalis ng sapatos si Luke. Sa aking pagkawindang agad ko siyang sinugod at tinanong."SIR, LUMABAS KA BA?"hindi ko maiwasang hindi mainis dahil nakaporma pa siya at parang nakipag-date. Alam naman niyang delikado ang kalagayan niya tapos ang lakas ng loob niyang lumabas.Nag-angat siya ng tingin at nakakunot-noong tiningnan ako. "Why you mad? I just went to attorney Protacio to know what happened. What's wrong?""What's wrong?" Hindi ko maiwasang hindi mainis. "Ipinagbabawal po kayong lumabas. Paano na lang kung mangyari ulit 'yong kahapon? Sigurado ka bang kaya mo ang sarili mo?""I am with the guards. And I went home safely. It's not my fault na hindi mo ako sinamahan, okay?"Agad akong napasinghap sa inis dahil pinapalabas niyang parang ako pa ang mayroong kasalanan. Inirapan ko siya at napabuntong-hininga, hinahayaan ang sariling kumalma.