PARA ng maiiyak si Anthony habang hinihintay lumabas ang mag-ama. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito pero umaasa siyang hindi sana pumayag ang anak nitong makasal sa kanya.
Hindi niya maintindihan ang Papa niya kung bakit siya nito pinipilit na mag-asawa eh lalaki nga ang type niya?
Maluha-luhang tinawagan niya ang kanyang kakambal na si Andy, “I can’t believe this, Andy. Ano ang akala sakin ni Papa? Isang burger na pwedeng ipalafang kahit na kanino?” Dinukot niya ang kanyang pamaypay mula sa dala niyang bag, “This is so stressful. My gosh, Andy, I can’t imagine myself with a woman!” Napapabilis ang paypay niya, para siyang masusuka habang iniisip ang kasalang senet-up ng Papa niya at ng kaibigan nito.
Paniguradong magwawala ang boyfriend niyang si Basti kapag nalaman nito na gusto siyang ipakasal ng Papa niya.
“Gusto kang maging lalaki ni Papa kaya nya ginagawa ‘yan. . .”
“Which is impossible. Kahit siguro wala ng tao sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sa babae!”
“Anthony, alam mo naman ang kalagayan ni Papa. ‘Wag na ‘wag mo sana siyang bibigyan ng sama ng loob.” Sabi ng kakambal niya sa kabilang linya.
Napasimangot siya, “Madaling sabihin saiyo ýan porke hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!”
“Sorry na lang brother dear. Kasi kung ako naman ang pipilitin ni Papa, okay lang naman sakin, after all, kapirasong papel lang naman ýan. Hindi naman ibig sabihin nyan kailangang maging loyal ka na sa mapapangasawa mo. Ang mahalaga, sundin mo ang gusto ni Papa. . .”
“Talaga lang ha? Eh kung sabihin ko kaya kay Papa na ikaw na lang ang pilitin nyang ipakasal sa anak ng kaibigan nya?”
“No way! Over my dead body!” Mariing sagot ni Andy sa kanya. “Alam mo namang may girlfriend na ako ‘no.”
“Bakit, may boyfriend rin naman ako ah!” Yamot na sabi niya sa kakambal. Pinindot na niya ang end button nang lumabas muli ang mag-ama. Tumuwid siya ng upo. Mapapatay siya ng Papa niya kapag babakla-bakla siya sa harapan ng kaibigan nito kaya kahit hirap na hirap siya ay pinipilit niyang magpakalalaki. Pero may mga pagkakataong di talaga niya mapigilan lalo pa at me pagkamaldita ang anak nito. Pinagtaasan niya ng isang kilay ang babae nang pasadahan siyang muli ng tingin mula ulo hanggang paa. Feelling mo? Hoy girl, mas maganda ko sayo! Gusto sana niyang sabihin dito.
“Anong oras ba darating ang Papa mo para mapag-usapan namin ang tungkol sa kasal ninyo nitong unika ija ko.” Tanong ng kaibigan ng Papa niya na napag-alaman niyang Ariel ang pangalan.
“On the way na po siya, Tito Ariel,” pa-macho ang tinig na sagot niya sabay irap sa anak nito nang muling magsalubong ang kanilang mga paningin. Diyos ko, sarap ahitan ng makapal nitong kilay. Pumilantik ang kanyang mga daliri. Gustong-gusto na niyang sabunutan ang babae kung hindi lang nila kaharap ang tatay nito.
Gosh, kung inaakala mong matitikman mo ang alindog ko, you’re wrong. Mamatay na muna ako bago ko pakasal sayo!
“UMAMIN ka na, alam kong malansa ka!” Sita ni Catherine kay Anthony nang sila na lamang dalawa ang naiwan sa salas habang ang Daddy niya at ang father ni Anthony ay busy sa pag-iinuman sa may wine bar malapit sa kanilang kusina.
Inirapan siya ni Anthony, “Alam mo na pala, bakit pumayag ka pa ring pakasal sakin?”
“Me magagawa pa ba ko kung iyakan na ko ng Daddy ko? Ikaw dapat ang umurong sa kasal eh.”
“Bakit ako? Dapat ikaw ‘no,” Taas ang kilay na sabi nito sa kanya, “Ikaw ang babae kaya dapat ikaw ang magdedesisyon sa buhay mo!”
“Gusto mong atakehin sa puso ang Daddy ko? Sya na lang ang meron ako kaya mas gugustuhin ko pang pagtiisan ka, kesa naman may mangyaring masama sa Daddy!” Muli niyang naalala ang naging pag-uusap nila kanina. Dalawang beses pa lang niyang nakitang umiyak ang Daddy niya. Nuong mamatay ang Mommy saka kaninang nag-uusap sila ng heart to heart. Kaya kahit tutol ang kalooban niya ay napapayag na rin siya nito. Handa niyang isakripisyo ang kanyang kalayaan mapagbigyan lang ang kanyang pinakamamahal na ama.
“Wow ha? Ikaw pa ‘tong magtitiis sakin? Uy, baka gusto mong humarap sa salamin? Saka, hindi ka ba tinuturuan ng nanay mong mag-ahit ng kilay?” May pagkamalditang tanong nito sa kanya.
“Twelve years old pa lang ako nang mamatay sa cancer ang nanay ko.”
“Oh, I’m sorry. . .” Biglang lumambot ang mukha nito, “But God, I really can’t marry you for obvious reason. . .”
HINDI makatulog si Anthony ng gabing iyon. Tinawagan niya ang kasintahang si Basti. Hindi siya makapapayag na makasal sa babaeng iyon.
Hindi siya papayag na kontrolin ng Papa niya ang buhay niya.
“Hello, Basti?”
“Yes, sweety?”
May naulinigan siyang malakas na tugtugan sa background nito, “Asan ka? Nakikipagparty ka na naman ba?”
“Sweety, nagkakatuwaan lang kami ng barkada. Napatawag ka?”
“Magtanan na tayo sweety. Ilayo mo ko dito sa bahay. Kailangan kong makatakas kay Papa at sa babaeng iyon!”
I’M so sorry Papa, but I can’t marry someone I don’t love. Alam mo naman sa umpisa pa lang kung ano talaga ang pagkatao ko, hindi ba? Kung ikinahihiya mo ang isang kagaya ko, magpapakalayo-layo na lang ako. Promise, hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng pangalan mo. Someday, you’ll be proud of me. Pero sa ngayon, hayaan nyo na lang muna ako sa buhay na gusto ko. I am really sorry. I love you. Mahal na mahal ko kayo ni Mama at ni Andy. Nagtangis ang mga bagang ni Facundo. Sa lahat ng ayaw niya ay ang napapahiya siya. Hindi siya maaring sumira sa kanyang naipangako. Mahalaga para sa kanya ang word of honor lalo na para sa kapatiran. Kailangang matuloy ang pag-iisang dibdib ng mga anak nila ng kaibigan niyang si Ariel or else masisira s
“AKALA KO ba hindi ka sisipot? Di ba nagkasundo na tayo?” Nangigigil sa inis na sita ni Catherine sa anak ng kaibigan ng Daddy niya nang dumating ito sa bahay nila kasama ng parents nito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na parang nuon lang siya nakita. “Dapat ikaw ‘tong naglayas para di na matuloy ‘tong kasal,” pasuplado nitong sagot sa kanya. “Bah, aastig astig ka pa dyan, kala mo naman totoo,” angil niya dito saka nilingon ang kanyang Daddy na abala sa pag-eestima sa parents nito at sa judge na magkakasal sa kanila, “Uy, malansang paminta, wag mo kong tinatarayan dyan ha? Baka kala ng Papa mo magkakaron ng milagro oras na matabihan kita? Excuse me, mamatay na muna ako bago mo ko matabihan. Pumapayag akong pakasal saiyo dahil ayo
“SA IISANG KUWARTO kami matutulog?” “Natural, mag-asawa na kayo ngayon, alangan namang magkahiwalay kayo ng kuwarto? Ngayon pa lang sanayin nyo na ang mga sarili nyong me katabi sa pagtulog. Gusto na naming magkaapo ‘no!” Sabi ng Daddy niya saka nakangising tingnan ang kaibigan nitong si Facundo. “’Ma,” dinig niyang sabi ng lalaki, parang humihingi ng saklolo sa ina. Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak sa nangyayaring ito sa kanya. Kahapon lang ay dalaga pa siya. Ni wala nga siyang boyfriend. Pagkatapos ngayon, biglang-bigla heto at Mrs.Catherine Villanueva na siya. Parang um-order lang siya online ng asawa ah. Ang masama, may defect pa. Sabagay, mainam n
NAPANGISI si Andy, kitang-kita niya ang takot na nagregister sa mukha ni Catherine lalo na nang idikit niya ang mukha sa mukha nito. In fairness, maganda naman pala ito kapag natitigan. “Wag mong sabihing ngayon ka lang nakakita ng ganito?” Pilyong tanong niya dito, may amusement sa mga mata niya nang makita ang pagba-blush ng mga pisngi at ang panic sa mga mata nito, “Why, are you still a virgin?” Curious na tanong niya dito. “Ano pa ba sa palagay mo? Bakit, hindi ba normal saiyo ang makakita ng babaeng virgin?” Inis na sabi nito saka mabilis siyang itinulak palayo. “Pwede ba, huwag kang dumikit sakin, nangingilabot ako sa ginagawa mo!” Mukhang masusukang ipinagpag pa nito ang katawan. “Ho
“WHAT THE FUCK?” Gulat na sigaw ni Andy nang magising siya dahil hinampas ni Catherine ang braso niya. “Hinihipuan mo ako!” Halos magsalubong ang makapal nitong mga kilay dahil sa galit, “Bakit, ano bang akala mo sakin, lalaki?” Naguguluhang napakamot siya sa ulo, “Anong lalaki pinagsasabi mo dyan. Sorry. Nanaginip lang siguro ako, akala ko kasi girlfriend ko yung katabi ko,” aniyang tinalikuran ito saka bumalik na sa pagtulog. “At saka bakit ka nga pala naka-brief habang natutulog? Hindi ka ba nahihiya? Me kasama ka dito sa kuwarto uy, kumilos ka ng disente! Kahit na ganyan ka, lalaki ka pa rin kaya. . .” Naiirita na siy
“Huwag mong sabihing walang nangyari sa inyo kagabi?” Tanong ng Daddy ni Catherine sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot. Bakit ba minamadali nitong may mangyari sa kanila ng anak nito? Takot na takot yatang mamatay na virgin ang anak! Sabagay, sa pag-uugali ng anak nito, hindi imposibleng mangyari iyon. “Dad. . .” Dinig niyang sabi ni Catherine na kadarating lamang mula sa pagja-jogging. Naka-suot ito ng leggings at crop top. Hmm, sexy naman pala ang babaeng ito, sa isip niya nang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ni hindi ko kilala ang mokong na ýan pagkatapos pipilitin nyong. . .” pa
“PA’NONG maiibang kaso, babae ka, lalaki si Andy. Maganda ka, guwapo si Andy, hindi imposibleng. . .” “Hindi lalaki si Andy, Dad!” Maagap niyang sagot sabay irap kay Andy, “Saka, Dad, sana binigyan nyo man lang kami ng chance na magkakilalang mabuti bago nyo kami pinakasal. Kung okay, then saka kami magpapakasal. Hindi ganito. . .” “Oo nga po,” sabat naman ni Andy, “Actually, kaya ko lang po pinakasalan ang anak nyo ay dahil ayokong isumpa ako ni Papa. Pero ngayon pa lang po, tatapatin ko na kayo, hinding-hindi ko po magugutushan ang anak nyo. Kaya malabo hong mangyari ýang inaasahan nyo.” “Aba, sa palagay mo magugustuhan kita?” Taas ang kilay na tanon
“MY LOVE, sorry na. . .” Panay ang pa-cute ni Andy kay Alexa ngunit mukhang hindi tumatalab ang pagpapa-cute niya. Ang gulat pa nga niya nang itapon nito sa basurahan ang binigay niyang boquet ng mga tulips. Ang mahal pa naman ng bili nya duon pagkatapos, itatapon lang nito? “Three days kang di nagpaparamdam, for sure kung anu-ano na namang kalokohan ang pinaggagawa mo!” “Wala nga akong ginagawang masama. Iyong nahuli mo ko dati na may kausap na tsiks, isang beses lang nangyari iyon. Saka wala naman yun. Alam mo namang sila ang lumalapit sakin, alangan namang pagsupladuhan ko.” Tiningnan siya nito ng masama. Napakamot siya sa u
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi
“NGAYON, NAIINTINDIHAN na kita, Daddy,” masayang-masayang sabi ni Catherine habang pinagmamasdan ang larawan ng ama. Medyo masalimuot ang naging umpisa nila ni Andy, ngunit tama pa rin ang kanyang ama nang sabihin nito sa kanya na nakikita niya si Andy na mamahalin siya ng husto. At kay Andy lamang magiging kampante ang kalooban nito. Hindi niya alam kung papaanong natiyak ng Daddy niya na magiging okay rin sila ni Andy. Sadya sigurong matalas ang pakiramdam ng mga magulang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Andy. Parang kelan lang ay para silang mga aso’t pusa na palaging nag-aaway. Ngayon ay biglang nagpropose ito ng pag-ibig sa kanya. Wow, akala niya ay sa pelikula lang may ganitong love story. Posible rin pala sa totoong buhay. “Nasa labas ang mga kaibigan mo, siguro ipinamalita mo na kagad sa kanila iyong tungkol satin ‘no? Ipinagyayabang mo siguro ang gwapo mong asawa, ha?”
“MAGPALIT KA, sa fancy restaurant tayo pupunta, hindi sa fastfood chain!” Sita ni Andy kay Cathy nang makitang naka-maong at putting tshiirts lang siya. Napasimangot siya, mag-uusap lang kami, kailangan pang sa mamahaling restaurant pa, hindi ba pwedeng dito na lang kami mag-usap sa bahay? As if magandang salita ang maririnig ko sa kanya. Pero hindi na siya nagprotesta pa, sa halip ay tahimik na nagpalit na lamang siya ng damit. Isang off shoulder na floral green dress ang isinuot niya. Naglagay rin siya ng manipis na make-up saka makailang beses na sinipat ang sarili sa salamin. Kinulang lang talaga ako sa height eh, pero kung beauty ang pag-uusapan, bah lalaban ako! Lumabas siya ng kuwarto at pinuntahan si Manang Terry, “Madali lang daw po kami. Kayo na muna ang bahala sa baby.” Sabi niya sa matanda saka humalik sa mga kamay ng anak. Paglabas niya ng salas ay inabutan niya si Andy, ang guwapo-guwapo nito sa suot niton
“HINDI KA BA TALAGA MAKAPAGHINTAY? Atat na atat ka na talagang makipaghiwalay?” Asar na sita ni Andy kay Catherine nang dumating ito sa bahay, “Hindi na ba magkanda-ugaga si Mak na madala ka sa Canada kaya nagmamadali ka, ha?” “Ibinibigay ko lang kung ano ang gusto mo, Andy!” Yamot na sagot niya dito, “Para hindi na ako nahihirapan pang maghintay saiyo araw-araw. P-para hindi na ko umaasa pa.” “Umaasa?” “Oo. Tatlong araw kang hindi sumipot, ni ha, ni ho wala kang pasabi, ano sa palagay moa ng nararamdaman ko, ha Andy?” Punong-puno ng hinanakit na sambulat niya rito. Bago man lang sila maghiwalay ang masabi niay rito ang lahat ng gusto niyang sabihin. Para at least, makikipaghiwalay siya na walang kinikimkim na mga sama ng loob. “God, Andy, alam mo ba iyong pakiramdam na naghihintay, ha? Sa bawat pagbukas ng gate, umaasa akong ikaw iyong darating. Pero three days? Ni hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing hindi ka