“Huwag mong sabihing walang nangyari sa inyo kagabi?” Tanong ng Daddy ni Catherine sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot.
Bakit ba minamadali nitong may mangyari sa kanila ng anak nito? Takot na takot yatang mamatay na virgin ang anak! Sabagay, sa pag-uugali ng anak nito, hindi imposibleng mangyari iyon.
“Dad. . .” Dinig niyang sabi ni Catherine na kadarating lamang mula sa pagja-jogging. Naka-suot ito ng leggings at crop top.
Hmm, sexy naman pala ang babaeng ito, sa isip niya nang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Ni hindi ko kilala ang mokong na ýan pagkatapos pipilitin nyong. . .” pa
“PA’NONG maiibang kaso, babae ka, lalaki si Andy. Maganda ka, guwapo si Andy, hindi imposibleng. . .” “Hindi lalaki si Andy, Dad!” Maagap niyang sagot sabay irap kay Andy, “Saka, Dad, sana binigyan nyo man lang kami ng chance na magkakilalang mabuti bago nyo kami pinakasal. Kung okay, then saka kami magpapakasal. Hindi ganito. . .” “Oo nga po,” sabat naman ni Andy, “Actually, kaya ko lang po pinakasalan ang anak nyo ay dahil ayokong isumpa ako ni Papa. Pero ngayon pa lang po, tatapatin ko na kayo, hinding-hindi ko po magugutushan ang anak nyo. Kaya malabo hong mangyari ýang inaasahan nyo.” “Aba, sa palagay mo magugustuhan kita?” Taas ang kilay na tanon
“MY LOVE, sorry na. . .” Panay ang pa-cute ni Andy kay Alexa ngunit mukhang hindi tumatalab ang pagpapa-cute niya. Ang gulat pa nga niya nang itapon nito sa basurahan ang binigay niyang boquet ng mga tulips. Ang mahal pa naman ng bili nya duon pagkatapos, itatapon lang nito? “Three days kang di nagpaparamdam, for sure kung anu-ano na namang kalokohan ang pinaggagawa mo!” “Wala nga akong ginagawang masama. Iyong nahuli mo ko dati na may kausap na tsiks, isang beses lang nangyari iyon. Saka wala naman yun. Alam mo namang sila ang lumalapit sakin, alangan namang pagsupladuhan ko.” Tiningnan siya nito ng masama. Napakamot siya sa u
“IKUKUHA mo ba ko ng tubig pangbanlaw o gusto mong tumayo ako dito sa harapan mo ng nakahubad?” Pilyong tanong ni Andy kay Catherine. Nakita niya ang takot sa mukha nito. Lihim siyang napangiti. Madali lang naman palang sindakin ang babaeng ito, sa isip niya habang nakatingin dito. Pumikit ito at lumingon pakaliwa saka itinulak siya ng ubod lakas. Pero dahil mabilis niya itong nahawakan, nahila niya ito at sabay silang bumagsak sa sahig. Ramdam niyang bahagyang kumislot ang nasa pagitan ng kanyang mga hita nang maramdaman ang isang hita nito sa ibabaw niyon. “Ahhh, manyak!!! Manyak!!!” Malakas na sigaw nito. Damn. Tinakpan niya an
NATAPUNAN ng gatas ang suot niyang tshirt kaya naisipan niyang magpalit. Pagpasok niya sa kuwarto ay nakita niyang natutulog na si Andy kaya nagmamadali niyang hinubad ang suot na shirt at nagpalit. Sabagay, kahit naman makita pa siya nito ay hindi naman ito tatalaban dahil lalaki rin ang type nito. Pero kung hindi lang niya alam ang tunay na kulay ng dugo nito, posibleng magka-crush siya dito. Matangos ang ilong. Mapula ang mga labi. Makamandag ang tsinito nitong mga mata. Matangkad at maganda ang pangangatawan. Muli niyang naalala ang itsura ng sandata nito. Kinilabutan siya ng maalala iyon. Kahit na bakla ito, lalaki pa rin ito kaya dapat ay nag-iingat pa rin
“I’M SORRY, hindi ko kasi alam kung pano sasabihin ang tungkol kay Andy,” halos paanas lamang na sabi ni Catherine kay Mak. Hindi maitago ang sama ng loob na nararamdaman nito nang ipagtapat niya dito ang tungkol sa kasalang naganap sa kanila ni Andy. “Bakit hindi mo man lang ako tinawagan?” Parang maiiyak nang tanong nito sa kanya. “Ayoko kasing mabigla ka.” “Sa palagay mo hindi ako mabibigla neto?” Sumbat nito sa kanya. “I’m sorry. Please naman, Mak. Wag mo ng dagdagan ang sakit ng ulo ko. Heto nga’t namrumrublema na ko sa kumag na yun eh.”&
“BAKIT, anong napanaginipan mo?” Tiningnan ni Catherine ng masama si Andy, “Pinagsasamantalahan mo raw ako.” Bahagya itong natawa, “Ang sama nga ng panaginip mo.” Nanunuyang sabi nito saka bahagyang napaismid, “Napakasamang panaginip on my part dahil hindi ako ganyan ka-cheap para pagsamantalahan ka.” Sabi nitong bumalik na sa kama at nahiga. “Pwede bang magsuot ka ng shorts? Alam mong me kasama kang iba dito, natutulog ka ng naka-brief. Kahit naman paminta ka, nakakaasiwa pa ring nakaganyan ka dito sa kuwarto!” Angil niya dito. “Hindi ako nakakatulog ng maraming suot sa katawan. Kahit winter, naka-underwear l
Confirmed, daing ng utak ni Catherine habang hindi pa ring makapaniwalang nakatingin sa lalaki. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Ewan ba niya kung bakit para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. “So, siya ang. . .ang boyfriend mo?” “Oo at kakalbuhin kita kapag kwenento mo sa iba na nagkita tayo dito, okay?” Sabi nitong pinandilatan pa siya ng mga mata. Napakurap-kurap siya. Ang bilis naman ng transformation nito, kaninang umaga lang ay parang lalaking-lalaki pa itong tingnan habang kasalo kong mag-breakfast. Ngayon, tinalo pa ako sa kapal ng foundation at lipstick.&
“WHAT? Nagsumbong ka sa Daddy mo?” “Syempre hindi ‘no. Hindi ko nga alam na bigla syang uuwi dito,” aniya kay Andy na halatang iritado ang tono ng pananalita. Biglang inagaw ng Daddy niya sa kanya ang kanyang cellphone. “Umuwi ka na dito! Ngayon din!” Iyon lang at mabilis na nitong pinatayan ng telepono ang lalaki. Gulat siya sa ama. Bakit ba ganun na lang ito kapursigido sa kanilang dalawa ni Andy? Hindi pa rin niya ito magets. Napapaluha na siya. Ano bang akala ng Daddy niya sa damdamin niya? Masama ang loob na bumalik na siya sa kanyang kuwarto. Gusto niyang mahimbing na ang tulog niya pagdating ni Andy.&
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“MABUTI naman nakapag-usap kayo ng maayos ni Mak. So, tanggap na nya na hindi mo kayang pahindian ang kaguwapuhan kong ito?” Sabi ni Andy habang dahan-dahang kinakalas ang butunes ng suot niyang pajama top. “Kailangan bang hubarin mo ‘yan habang nag-uusap tayo?” Napapangisi niyang tanong dito, kahit ang totoo nanabik na rin siya sa susunod nitong gagawin. Dios mio, inaara-araw na yata nila ang paglalab making. “Ayaw mo?” Nanunukso ang mga matang tanong nito sa kanya. Pilya ang ngiting pinakawalan niya, “Kaya mo akong tikisin?” Mapanuksong tanong niya rito. May naglaro sa isip niya kaya bumangon siya at bahagyang ibinaba ang suot saka pinagdikit ang mga balikat para lumitaw ang cleavage niya. Bumangon rin si Andy, hinubad ang suot na shorts. Namula ang mga pisngi niya nang tumambad ang nakabukol nitong hinaharap sa suot nitong underwear, “Eh eto, kaya mo rin bang tikisin?” Mapanukso ring tanong nito sa kanya. Napabungisngi
“NGAYON, NAIINTINDIHAN na kita, Daddy,” masayang-masayang sabi ni Catherine habang pinagmamasdan ang larawan ng ama. Medyo masalimuot ang naging umpisa nila ni Andy, ngunit tama pa rin ang kanyang ama nang sabihin nito sa kanya na nakikita niya si Andy na mamahalin siya ng husto. At kay Andy lamang magiging kampante ang kalooban nito. Hindi niya alam kung papaanong natiyak ng Daddy niya na magiging okay rin sila ni Andy. Sadya sigurong matalas ang pakiramdam ng mga magulang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Andy. Parang kelan lang ay para silang mga aso’t pusa na palaging nag-aaway. Ngayon ay biglang nagpropose ito ng pag-ibig sa kanya. Wow, akala niya ay sa pelikula lang may ganitong love story. Posible rin pala sa totoong buhay. “Nasa labas ang mga kaibigan mo, siguro ipinamalita mo na kagad sa kanila iyong tungkol satin ‘no? Ipinagyayabang mo siguro ang gwapo mong asawa, ha?”
“MAGPALIT KA, sa fancy restaurant tayo pupunta, hindi sa fastfood chain!” Sita ni Andy kay Cathy nang makitang naka-maong at putting tshiirts lang siya. Napasimangot siya, mag-uusap lang kami, kailangan pang sa mamahaling restaurant pa, hindi ba pwedeng dito na lang kami mag-usap sa bahay? As if magandang salita ang maririnig ko sa kanya. Pero hindi na siya nagprotesta pa, sa halip ay tahimik na nagpalit na lamang siya ng damit. Isang off shoulder na floral green dress ang isinuot niya. Naglagay rin siya ng manipis na make-up saka makailang beses na sinipat ang sarili sa salamin. Kinulang lang talaga ako sa height eh, pero kung beauty ang pag-uusapan, bah lalaban ako! Lumabas siya ng kuwarto at pinuntahan si Manang Terry, “Madali lang daw po kami. Kayo na muna ang bahala sa baby.” Sabi niya sa matanda saka humalik sa mga kamay ng anak. Paglabas niya ng salas ay inabutan niya si Andy, ang guwapo-guwapo nito sa suot niton
“HINDI KA BA TALAGA MAKAPAGHINTAY? Atat na atat ka na talagang makipaghiwalay?” Asar na sita ni Andy kay Catherine nang dumating ito sa bahay, “Hindi na ba magkanda-ugaga si Mak na madala ka sa Canada kaya nagmamadali ka, ha?” “Ibinibigay ko lang kung ano ang gusto mo, Andy!” Yamot na sagot niya dito, “Para hindi na ako nahihirapan pang maghintay saiyo araw-araw. P-para hindi na ko umaasa pa.” “Umaasa?” “Oo. Tatlong araw kang hindi sumipot, ni ha, ni ho wala kang pasabi, ano sa palagay moa ng nararamdaman ko, ha Andy?” Punong-puno ng hinanakit na sambulat niya rito. Bago man lang sila maghiwalay ang masabi niay rito ang lahat ng gusto niyang sabihin. Para at least, makikipaghiwalay siya na walang kinikimkim na mga sama ng loob. “God, Andy, alam mo ba iyong pakiramdam na naghihintay, ha? Sa bawat pagbukas ng gate, umaasa akong ikaw iyong darating. Pero three days? Ni hindi mo man lang ako tinawagan para sabihing hindi ka