Elyana's Point of ViewI couldn't believe what the doctor told me kaya halos tulala ako ng lumabas sa kaniyang klinika. Nanatili muna akong nakaupo sa loob ng sasakyan nang ilang minuto bago ako nagpasayang umalis nang tuluyan. Tama nga ako ng pasya, kailangan ko ng tulong na espesyalista para lubos na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko na rin kasi alam kung bakit paiba-iba ang mga nasa isipan at desisyon ko at tila wala na akong matinong tinatahak na daan.Sala sa init, sala sa lamig just like what Filipinos mostly call it and I honestly feel lost in my thoughts.The doctor told me I have PTSD or Post Traumatic Stress Disorder na common para sa mga taong nakaranasan ng cheating gaya ko at nakita ko pa mismo nang harap-harapan ang panloloko niya. Aniya pa, it's mixed with chronic anxiety, depression, kasama na ang madalas na pag-iisip ng kung ano-ano na siyang nag-ti-trigger ng anxiousness and depression ko. It's normal for people like me she said to mistrust other people at iyong p
Felicity’s Point of View "W-Wait—You're giving it the wrong meaning. Elyana and I are just friends. We sometimes see each other, yes. She calls me when she needs help and I just help her with all my might just like today. It's just friendship and there's no other freaking way we will fall in love with each other. Malinaw 'yan sa aming dalawa. We already talked about that and we both agreed to be friends," mahabang salaysay ni Florentin matapos ko siyang tanungin at tila natatawa sa ginawa kong pag-uusisa sa kung anong namamagitan sa kanila ni Elyana. Napataas tuloy ang isang kilay ko. Parang ayaw kong maniwala pero mukha namang nagsasabi siya ng totoo. "Are you sure?" tanong ko. Naniniguro lang naman. I need to make sure na hindi niya pinaglalaruan ang best friend kong 'yon dahil baka anong magawa ko sa kaniya kapag nagkataon. Hmp! "Yes, that's sure, a hundred percent," sagot naman nito at nagawa pa akong ngitian nang todo. Pangiti-ngiti, samantalang noong huling meeting namin
Third-person’s Point of ViewAng panlulumong nararamdaman ni Felicity dahil sa ginawa nilang buong pamilya kay Elyana ay mas lalo pang nadagdagan matapos niyang makausap si Florentin at marinig ang mga bagay na ibinabahagi ng kaniyang matalik na kaibigan sa binatang Generoso. Habang nakikinig ay tila ba mga pako na ibinabaon sa kaniyang dibdib ang mga salitang kaniyang naririnig.Nabanggit ng diborsyada kay Florentin ang balak niyang paglayo na lamang sa mga Martincu at ipupursige ang plano niyang paghahanap ng malawak na lupain upang pagtamnan ng mga cacao at kape.Mabigat sa kalooban niya dahil mas matindi pa pala sa iniisip niya ang naging epekto ng ginawa nila. Isip-isipin pa nga lang ang lahat ay tila masisiraan siya ng bait paano pa kaya si Elyana na lahat ng mga ‘yon ay siya mismo ang nakararamdam at nakaranas? Hindi niya lubos na maisip kung gaano kabigat ang dinadala ni Elyana nang mga panahon na ‘yon at bilang isang kaibigan na dapat ay dinadamayan at iniintindi siya, isa pa
Felicity’s Point of ViewAng sabi ko bago nagpunta sa mansion ng mga Begum, sasamahan ko si Elyana at kakausapin like the old times, pero hindi ko naman akalain na makatutulog pala ako matapos kong mahiga sa kama niya. Sandali ko lang ipinikit mga mata ko tapos nakatulog na.Traydor na mga mata! Hindi ko naman akalain na mangyayari ‘yon ano. Nagising ako alas otso na nang gabi. Wala na siya sa kwarto at nang hanapin ko siya sa mga muchacha nila ay sa garden ako itinuro. At aba naman! Nagsosolo ang lola niyo sa pag-inom. May bote ng whiskey sa tabi niyang lamesa at may bucket na may yelo pero tunaw na karamihan sa laman. Mukhang kanina pa siya roon. Hindi ko naman siya pwedeng sabayan sa inuman dahil may allergy ako sa alak. As in sa lahat ng alak. Dahil sa allergy ko ngang ‘to ay nagawa kong mapapayag na magpanggap si kuya na ako e. Kaya nabuo ang pamangkin ko.“Hoy bakla! Kailan ka pa naging lasingera?” bulaga ko sa kaniya pero hindi naman mukhang nagulat. Nilingon lang ako at expre
Elyana’s Point of View I froze for a moment when Felicity suddenly entered the bathroom without even asking for permission. I was naked—at warm water lang ang nasa tub. Walang kahit na anong bula ang naroon o kulay para mapalabo ang tubig kaya kitang-kita ang buo kong katawan. Mukhang alalang-alala siya, but I don't understand why. Pagpasok niya, agad niyang hinila ang roba na naka-hanger sa likod ng pinto at bigla na lang lumapit sa akin at hinatak ang braso ko. Pulling me out of the water at naramdaman ko ang malamig na hangin sa balat ko nang nakatayo na ako. "Tingnan mo ang balat mo!" bulyaw niya sa akin pero ano bang sinasabi n'ya? Ano bang mali? I was just taking a bath. Tingnan ko raw so, I did. I raised one of my arm and checked. Nakita ko ang braso ko na medyo mamula-mula. Not my normal skin color dahil parang napaso ang kulay ng pagkapula nang mga oras na 'yon. I looked around and saw the mist covering the glass wall sa pagitan ng bathtub at shower area. Muntik na halos m
Elyana’s Point of View Halos mapangiwi ako sa hapdi ng ibabang bahagi ng katawan ko nang maupo ako sa toilet bowl. I felt my skin was being stretched and it aches a lot. Hindi naman ako naiihi o nagbabalak na maglabas ng kung ano. I just wanted to be alone at ayaw kong makakita ng tao pero dahil may malaking salamin sa tapat ng sink at nakadikit sa mismong wall sa loob, nagkataong kitang-kita ko roon ang itsura ko at kung paano ako napangiwi sa sakit. As I looked at myself, my chest started getting heavier. My hair was tied up I know when Felicity pulled me out of the tub, pero nang mga oras na iyon ay magulo na ang buhok ko ay maraming mga hibla ay nasa kung saan-saan nakalaylay. Namamaga ang magkabilang mata ko dahil sa pag-iyak, and the dark circle around my eyes sa kaiisip at hirap sa pagtulog. Nakatulog nga lang yata ako nang mahaba-haba nang uminom ako ng alak. Medyo mabigat nga lang sa ulo. Wait—I was tipsy nang maglublob ako sa tub. I wasn’t that drunk, I don’t know—hindi
Third-person's Point of ViewNakatanggap ng mensahe si Felicity mula sa kaniyang ina na papunta na raw sa ospital si Felix dala ang pagkain na ni-request niya para kay Elyana. Hindi pa kasi ito nakapaghahapunan at dahil medyo late na na niyang nabasa, tiyak siyang nakarating na ito sa ospital nang mga oras na 'yon.Maari naman siyang makapagdala sa pagbalik niya, ngunit nang malaman kasi nito na nakauwi na ang kaniyang nakatatandang kakambal, naisip agad ni Felicity magkita ang dalawa nang sa ganoon ay makahingi na ng tawad si Felix kay Elyana na ipinangako nito noon sa kaniya na gagawin kapag nakabalik. A siya sa Maynila.Dumiretso na sa mansion ng mga Begum si Felicity upang manguha ng damit na masusuot ng kaniyang kaibigan. Kasalukuyan pa rin kasing roba lang ang suot nito at wala nga ring panloob kaya naisip niyang umuwi at ipagkuha na lamang ito kaysa hayaan na ganoon ang ayos ng babaeng diborsyada. Bibili na lamang siya ng kape para sa kanila ni Florentin kapag pabalik na siya.
Elyana’s Point of View"Magbihis ka na. Mamili ka na lang sa mga nandito. Hindi ka muna raw pauuwiin hanggang bukas" Isang subo na lang lasagna na nasa plato ko pero hindi ko pa masubo-subo. Nilalaro ko ng tinidor at tinutusok-tusok lang doon. Hindi niya yata napapansin ni bakla na naiilang ako sa kaniya. Parang wala lang sa kaniya na nakakita ng hubad na babae samantalang ako—bukod sa walangju kong asawa ay wala ng ibang nakakikita ng katawan kong 'to.H'wag na nating isama iyong panahon na bata pa ako at musmos. There was no malice when you were still a child because you were innocent, but now—iba ang dating kapag matanda na. Nag-bi-bikini naman ako sa beach pero—ewan! Iba talaga e lalo na itong baklang ‘to. Gusto kong isaksak sa kukute ko na babae naman siya. Na wala lang iyon sa kaniya, pero ang hirap! Bakit ang hirap? “Hoy! Nakikinig ka ba?” Nagulat na lang ako nang ibagsak niya sa ibabaw ng lamesa ang magkabilang kamay niya. It created a loud sound at dahil medyo wala ako sa d