Third-person’s Point of ViewAng panlulumong nararamdaman ni Felicity dahil sa ginawa nilang buong pamilya kay Elyana ay mas lalo pang nadagdagan matapos niyang makausap si Florentin at marinig ang mga bagay na ibinabahagi ng kaniyang matalik na kaibigan sa binatang Generoso. Habang nakikinig ay tila ba mga pako na ibinabaon sa kaniyang dibdib ang mga salitang kaniyang naririnig.Nabanggit ng diborsyada kay Florentin ang balak niyang paglayo na lamang sa mga Martincu at ipupursige ang plano niyang paghahanap ng malawak na lupain upang pagtamnan ng mga cacao at kape.Mabigat sa kalooban niya dahil mas matindi pa pala sa iniisip niya ang naging epekto ng ginawa nila. Isip-isipin pa nga lang ang lahat ay tila masisiraan siya ng bait paano pa kaya si Elyana na lahat ng mga ‘yon ay siya mismo ang nakararamdam at nakaranas? Hindi niya lubos na maisip kung gaano kabigat ang dinadala ni Elyana nang mga panahon na ‘yon at bilang isang kaibigan na dapat ay dinadamayan at iniintindi siya, isa pa
Felicity’s Point of ViewAng sabi ko bago nagpunta sa mansion ng mga Begum, sasamahan ko si Elyana at kakausapin like the old times, pero hindi ko naman akalain na makatutulog pala ako matapos kong mahiga sa kama niya. Sandali ko lang ipinikit mga mata ko tapos nakatulog na.Traydor na mga mata! Hindi ko naman akalain na mangyayari ‘yon ano. Nagising ako alas otso na nang gabi. Wala na siya sa kwarto at nang hanapin ko siya sa mga muchacha nila ay sa garden ako itinuro. At aba naman! Nagsosolo ang lola niyo sa pag-inom. May bote ng whiskey sa tabi niyang lamesa at may bucket na may yelo pero tunaw na karamihan sa laman. Mukhang kanina pa siya roon. Hindi ko naman siya pwedeng sabayan sa inuman dahil may allergy ako sa alak. As in sa lahat ng alak. Dahil sa allergy ko ngang ‘to ay nagawa kong mapapayag na magpanggap si kuya na ako e. Kaya nabuo ang pamangkin ko.“Hoy bakla! Kailan ka pa naging lasingera?” bulaga ko sa kaniya pero hindi naman mukhang nagulat. Nilingon lang ako at expre
Elyana’s Point of View I froze for a moment when Felicity suddenly entered the bathroom without even asking for permission. I was naked—at warm water lang ang nasa tub. Walang kahit na anong bula ang naroon o kulay para mapalabo ang tubig kaya kitang-kita ang buo kong katawan. Mukhang alalang-alala siya, but I don't understand why. Pagpasok niya, agad niyang hinila ang roba na naka-hanger sa likod ng pinto at bigla na lang lumapit sa akin at hinatak ang braso ko. Pulling me out of the water at naramdaman ko ang malamig na hangin sa balat ko nang nakatayo na ako. "Tingnan mo ang balat mo!" bulyaw niya sa akin pero ano bang sinasabi n'ya? Ano bang mali? I was just taking a bath. Tingnan ko raw so, I did. I raised one of my arm and checked. Nakita ko ang braso ko na medyo mamula-mula. Not my normal skin color dahil parang napaso ang kulay ng pagkapula nang mga oras na 'yon. I looked around and saw the mist covering the glass wall sa pagitan ng bathtub at shower area. Muntik na halos m
Elyana’s Point of View Halos mapangiwi ako sa hapdi ng ibabang bahagi ng katawan ko nang maupo ako sa toilet bowl. I felt my skin was being stretched and it aches a lot. Hindi naman ako naiihi o nagbabalak na maglabas ng kung ano. I just wanted to be alone at ayaw kong makakita ng tao pero dahil may malaking salamin sa tapat ng sink at nakadikit sa mismong wall sa loob, nagkataong kitang-kita ko roon ang itsura ko at kung paano ako napangiwi sa sakit. As I looked at myself, my chest started getting heavier. My hair was tied up I know when Felicity pulled me out of the tub, pero nang mga oras na iyon ay magulo na ang buhok ko ay maraming mga hibla ay nasa kung saan-saan nakalaylay. Namamaga ang magkabilang mata ko dahil sa pag-iyak, and the dark circle around my eyes sa kaiisip at hirap sa pagtulog. Nakatulog nga lang yata ako nang mahaba-haba nang uminom ako ng alak. Medyo mabigat nga lang sa ulo. Wait—I was tipsy nang maglublob ako sa tub. I wasn’t that drunk, I don’t know—hindi
Third-person's Point of ViewNakatanggap ng mensahe si Felicity mula sa kaniyang ina na papunta na raw sa ospital si Felix dala ang pagkain na ni-request niya para kay Elyana. Hindi pa kasi ito nakapaghahapunan at dahil medyo late na na niyang nabasa, tiyak siyang nakarating na ito sa ospital nang mga oras na 'yon.Maari naman siyang makapagdala sa pagbalik niya, ngunit nang malaman kasi nito na nakauwi na ang kaniyang nakatatandang kakambal, naisip agad ni Felicity magkita ang dalawa nang sa ganoon ay makahingi na ng tawad si Felix kay Elyana na ipinangako nito noon sa kaniya na gagawin kapag nakabalik. A siya sa Maynila.Dumiretso na sa mansion ng mga Begum si Felicity upang manguha ng damit na masusuot ng kaniyang kaibigan. Kasalukuyan pa rin kasing roba lang ang suot nito at wala nga ring panloob kaya naisip niyang umuwi at ipagkuha na lamang ito kaysa hayaan na ganoon ang ayos ng babaeng diborsyada. Bibili na lamang siya ng kape para sa kanila ni Florentin kapag pabalik na siya.
Elyana’s Point of View"Magbihis ka na. Mamili ka na lang sa mga nandito. Hindi ka muna raw pauuwiin hanggang bukas" Isang subo na lang lasagna na nasa plato ko pero hindi ko pa masubo-subo. Nilalaro ko ng tinidor at tinutusok-tusok lang doon. Hindi niya yata napapansin ni bakla na naiilang ako sa kaniya. Parang wala lang sa kaniya na nakakita ng hubad na babae samantalang ako—bukod sa walangju kong asawa ay wala ng ibang nakakikita ng katawan kong 'to.H'wag na nating isama iyong panahon na bata pa ako at musmos. There was no malice when you were still a child because you were innocent, but now—iba ang dating kapag matanda na. Nag-bi-bikini naman ako sa beach pero—ewan! Iba talaga e lalo na itong baklang ‘to. Gusto kong isaksak sa kukute ko na babae naman siya. Na wala lang iyon sa kaniya, pero ang hirap! Bakit ang hirap? “Hoy! Nakikinig ka ba?” Nagulat na lang ako nang ibagsak niya sa ibabaw ng lamesa ang magkabilang kamay niya. It created a loud sound at dahil medyo wala ako sa d
Third-person's Point of ViewNakauwi na sila. Lahat ng mga gamot na iinumin at ipapahid ni Elyana ay sinaulo lahat ni bakla. Nang nasa daan sila pauwi ay tumawag ang mga magulang ni Elyana sa numero ni Felicity dahil hindi raw nila natawagan ang numero ng kanilang anak dahil naiwan sa mansion ang cellular phone nito hindi niya masagot. "How are you sweetheart? Mahapdi pa ba balat mo?" mga tanong ng kaniyang ina na dama sa boses ang pag-aalala. Nadinig din ni Elyana ang boses ng kaniyang ama sa background na may sinasabi at maya-maya lumakas ang boses matapos lumapit at tanungin ang parehong katanungan sa kaniya."Don't worry about me. I don't feel my skin is still burning. We're heading home now. I will just heal my burns at home," kaniya naman sagot sa mga magulang."Do you want us to come home, sweetie?" tanong na galing sa kaniyang ama."I said I'm fine, I can handle myself," mariin nitong sagot at bahagyang napalakas ang boses dahilan para matigilan ang mga magulang niyang nasa
Felicity’s Point of ViewHindi pa ako nakauupo sa aking swivel chair, sumunod na ang sekretarya ko dala ang mga pinaipon kong mga files nang nagdaang araw sa kaniya. Files ng mga kliyente namin na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng kanilang ka-match hanggang ngayon. Ibinigay na niya sa akin ang iba kahapon pero marami pa ang wala. Pinaayos ko na at pina-print dahil mas madaling i-sort kapag ganoon at pwede kong idikit sa malaking board sa dingding ng opisina ko para mapag-aralan.“Thank you,” pasalamat ko sa kaniya at inilapag na lamang niya sa desk ko at lumabas na.Inumpisahan ko na upang mabawasan. Nang sa gano’n ay maibigay na rin sa mga naunang naghihintay ang mga kanilang hanap na kapareha. Sort, match, basa, hanap at ibukod ang ginawa ko sa mga files at print ng pivtures ng mga kliyente ko with name and basic infos nila. I suddenly saw a client na kapangalan ng bruha. Bigla na lang akong nawala sa konsentrasyon dahil doon.I check the time, wala pang bente minuto akong na
“Why here?" nagtatakang tanong ni Elyana kay Florentin habang binabasa ang malakingkaratula ng Camilla's Flower Garden kung saan siya dinala nito. "Are you sure na narito si Felipe?" Kaniyang dugtong pang tanong habang tinatanaw mula sa bintana ng sasakyan ang labas private garden na naroon. Mababakas sa tono ng kaniyang boses ang panggigigil nang mga sandaling 'yon. Mula pa nang nagdaang araw ay kung ano-anong mga bagay na ang pumapasok sa isip niya na maaring dahilan kung bakit hindi umuwi si Felipe at kung saan maaring nagpunta. Nagtatagis ang panga niya sa daan pa lamang sila at ini-imagine na kung ano ang gagawin sakaliman na makaharap na niya ang matchmaker."Wait lang, bawal yata mag-park dito. Mauna ka ng pumasok, susunod na lang ako," wika niFlorentin imbes na sagutin ang mga tanong ng naggagalaiting si Elyana.Wala naman itong nagawa kundi ang bumaba na at mauna sa pagpasok, ngunit dahil hindi niya alam kung saan eksaktong makikita ang kanilang hinahanap, nanatili siya il
Sabado nang umaga, maagang nagising si Felipe matapos ang isang matamis na gabi na pinagsaluhan nilang muli ni Elyana. Unti-unti na niyang nagagamit ang mga turo ng pilyong si Florentin. Napakaraming alam ng dating playboy na kanilang kaibigan.Hindi na niya ginising si Elyana at hindi niya rin sinabi rito ang kaniyang plano para sa araw na iyon. Alas nuebe na nang magising si Elyana. Nagising sa nakasisilaw na liwanag mula sa bintana.Una niyang hinanap sa kaniyang pagmulat ay si Felipe ngunit wala na ito sa kaniyang tabi. Bumangon na siya sa pag-aakala na baka nauna na sa baba, ngunit matapos niyang makapaligo at makapagbihis ay wala siya nakitang Felipe sa paligid. Wala rin sa nursery nang silipin niya ang kaniyang anak na gising na at pinaliliguan ng kaniyang yaya at ni Daldalita.Tumuloy na siya sa kusina kung nasaan ang ibang mga kasambahay upang tanungin sila dahil walang alam ang dalawa na nag-aasikaso sa bata.“Wala bang nasabi sa inyo si Felipe kung saan siya pupunta?” tanong
Felicity's Point of View "Parang gusto ko na lang magpakabakla ulit. Nakakapagod palang maging lalaki at manligaw lalo na kung alam niyang he’s doing it with great reasons." Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko sa office dahil sa labis na pagkadismaya. Galing kasi ako nag-lunch sa mansion. Inuwi ko na rin ang nakita kong magandang dress na nabili ko para kay Elyana. May client kasi na sa Mall nakipagkita. Napadaan ako sa isang boutique at nakita ang floral dress na suot na mannequin na kasing katawan ng bruha kanina. Una kong naisip na bagay sa kaniya kaya ko binili pero nang ibinigay ko na sa kaniya, hindi man lang tinignan kung anong laman ng paper bag at wala akong narinig na pasalamat. Inabot niya sa isa sa mga kasambahay at ipinadala sa kwarto. I somehow understand na may kausap siya sa cellphone that time pero nakakatampo lang kasi dahil hindi iyon ang unang beses na nangyari. Hindi na lang ako nagreklamo o nagsalita ng kahit na ano. Iwanan ko na lang siya na may kausap s
Elyana’s Point of ViewNagpabalik-balik kami ni bakla sa pagbisita kay Helen sa loob isang linggong pamamalagi namin sa England. There was discomfort between me and Finn that Felipe kept noticing and he even told me that I should better talk to him. It sounded like I was the one who did something wrong in the past para ako pa ang mag-initiate ng conversation. Isa pa, hindi naman siya ang ipinunta ko roon, pero iyong baklang ‘yon made me realized na tama lang na makapag-usap kami dahil at that moment, Finn needed something na kahit papaano mapagpapagaan ng sitwasyon niya. Sa mismong araw kung kailan kami uuwi. Helen requested na roon kami mananghalian bago kami lumipad pabalik sa Pilipinas. Pinaunlakan na namin para sa ikaliligaya niya. Pagkatapos namin managhalian, doon na isip ni bakla na gumawa ng paraan na makapagsarilinan kami ni Finn. “We’ll be flying tonight and you still haven't seen the whole place, Elyana,” pag-uudyok ni bakla and when Helen heard it, agad siyang nagkoment
Walang problema sa mga magulang ni Elyana ang kaniyang planong pag-alis. Batid kasi nilang pareho kung gaano naging malapit ang kanilang anak sa ginang.Mayroon naman silang mga contact sa England na siyang magdadala kay Elyana sa lugar kung saan kasalukuyang naninirahan ang mag-inang Finn at Helen. Sila na rin ang aatasan ng mag-asawa na maging bantay ng anak upang matiyak ang kaligtasan nito roon.Nag-book agad siya ng ticket pagkatapos kumunsulta kay doktora Lilia kung maari na ba siyang magbiyahe sa malayo dahil magdadalawang buwan naman na halos ang hiwa sa kaniyang tiyan mula sa C-section.Ang pagdadahilan niya, humilom na sa labas at hindi na rin sumasakit gaya ng mga unang linggo kaya binigyan siya agad ng permiso. Binilinan na lamang na mag-ingat dahil hindi pa lubusang naghihilom iyon sa kaloob-looban at alam naman niya't nararamdaman niya rin minsan ang pagkirot sa kaloob-looban ng kaniyang tiyan.Namili na rin siya ng mga maaring ipasalubong sa ginang na hindi makasasama ri
Marami ang nagulat sa biglaang pagbabago ni Felicity. Karamihan sa kanila ay natuwa sa kaniyang naging pasya para sa kabutihan ng kaniyang anak na si Aquia. Oo, may kaunting pag-uudyok galing sa pari na huli niyang nakausap tungkol sa kaniyang personal na suliranin ngunit nasa kaniya pa rin nagmula ang mga hakbang at una pa lamang ay isa na iyon sa mga ideyang nasa isipan nito. “Masaya ako anak dahil sa wakas mayroon ka na ring nakitang dahilan para ituwid ang buhay mo.” Kaniyang nakuhang komento sa ina nang dumalaw siya kinabukasan sa kanila upang doon mananghalian gaya nang kaniyang nakagawian. “Para namang sinabi mo, mother Earth na dating patapon ang buhay ko,” maarteng reklamo ni Felicity dahil sa sinabi nito. “Hindi ko naman sinabing patapon ang buhay mo noon, a! Wala akong anak na patapon ang buhay!” “Relax lang, mudra! Sisigaw agad? Kulang na lang bugahan mo ako ng apoy,” pagpapakalma niya sa ginang habang natatawa sa reaksyon nito. “E, loko ka kasing bata ka,” halos pabu
The next day, sa nursery ako tumambay habang nagbabasa ng libro. Aquia was asleep, kaya nasa kani-kanilang mga gawain ang both parents ko. Busy ako at pagbabasa nang may biglang humarang na bungkos ng mga rosas kung saan nakatutok ang mga mata ko. Damang-dama ko pa naman na rin ang eksena dahil nasa intense part na ang kwento. E kaso may istorbo.I raised my head and saw Felicity. Pinaningkitan ko ng mga mata. Ngingiti-ngiti pa."Isn't lovely? A client gave it to me kanina. Naisip kong iuwi na lang kaysa malanta sa office. If you like, sa'yo na lang," saad nito habang nakataas ang isang kilay at parang naiilang na tumitig sa akin.Na-touch na sana ako na binigyan ako ng flowers. Pero galing pala sa client at dahil manghihinayang, he decided to just give it to me. Ginawa pa yata akong trash can."T-Thank you! Kahit papaano, naalala mo ako," usal ko na medyo tunog sarkastiko pero dedma lang naman ni bakla. "You're welcome!" Patili niyang sagot. Ang sakit sa tainga dahil napakatinis ng
Elyana’s Point of ViewNang nakarating kami sa kusina tatlo, hiyang-hiya ang mga kasambahay sa presensya ng bisita namin. Binati niya pa ang mga ito samantalang hindi na nga sila magkandaugaga nang nakita nila siya. Kahit si Daldalita na likas naman talaga na walang tigil ang bibig ay parang natameme biglaan.Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan sila. I didn’t expect they would react like that sa harapan ng nagpapanggap na si Felicity. Sinakyan ko na lang ang trip nila kaysa masabihan pa akong killjoy ng dalawa. Pati si mom todo ang acting pero pasimple ang talikod at tatawa nang mahina. Kuhang-kuha niya ang baritonong boses ni Felix at pati ang kilos. Habang umaarte siya, I couldn't take my eyes of him. Hindi ko na matandaan kung kailan niya huling ginawa iyon. If I was not mistaken, way back high school pa noong huli kong nakitang lalaking-lalaki talaga ang kilos niya at iyong mga panahon pa hindi pa siya naglaladlad.Magkamukhang-magkamukha talaga sila ng kakambal niya kaya ma
Elyana's Point of View The night became so long dahil punong-puno ng kung ano-ano ang isip ko. I was awake until midnight at kahit napakaraming mga bagay na gumugulo sa isip ko, I felt at ease—at peace. Hindi mabura-bura ang ngiti sa labi ko. Walang gabi na hindi ko naiisip lahat ng mga problemang pinagdaanan ko. Iyong mga insidenteng halos nagwakas ng puso ko. But look at me, I am still standing, smiling, at sa totoo lang, I felt contented sa anumang mayroon ako sa kasalukuyan. I couldn’t deserve the happiness my son brought me. Buong akala ko noong umalis ako sa England at nagpasyahang magpag-isa na lang dahil it seemed it was my only choice pero hindi pala. May naghihintay pala sa akin na mas maganda and never in a second pinagsisihan ko na umuwi ako sa Pilipinas. Aminado naman akong malaki ang naging papel ni Felicity sa lahat. From start at hanggang sa kasalukuyan nand’yan pa rin siya to stand beside me. Ewan lang sa baklang ‘yon kung aong plano niya sa buhay niya. Hindi na