Share

Mischievous Glint in his Eyes
Mischievous Glint in his Eyes
Author: clarishiiii

Chapter 1

Author: clarishiiii
last update Last Updated: 2021-07-20 13:37:05

"Pwede bang manligaw?" Nahihiyang tanong sa'kin ng isang lalaking nakasalamin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Too bad. You're not my type. Kung pumasa ka sana sa tipo ko sa isang lalaki ay hindi ka na manliligaw sa'kin. 

"You think papasa ka sa standard ko?" Mataray kong tanong sa kanya kaya natahimik siya. "Hindi naman 'di ba? Now, get out of my way." Iritang pagpapalayas ko. Dahil sa hiya ay kusa na siyang gumilid sa dadaanan ko.

"Babe!" Nakangisi kong sinalubong si Coby. Lumingkis ang kanyang kamay sa aking beywang. I felt his soft lips on me.

"Landi!" Natigil kami nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Alexa.

Nginisihan ko siya. "Inggit ka lang."

"Babe, pasok na ako." Paalam ni Coby at hinalikan ako ng mababaw bago tuluyang umalis.

"Anong nangyari sa inyo ni Ken?" She asked. 

Habang naglalakad sa corridor ay hindi nakakatakas sa paningin ko ang mga babaeng masama ang tingin sa'kin. Tinaasan ko sila ng kilay kaya mabilis silang nag-iwas. Taas-noo akong naglalakad. No one can tame me. 

"Ken? Who's that?" Kunot-noong tanong ko.

"What the freaking hell? Gaano ba karami ang lalaki mo at hindi mo matandaan kung sino si Ken?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Alexa, Ken who? Ken Dimiona o si Kenneth Hermoza? Well, nevermind. Kung sino man ang tinutukoy mo ay wala na kami. Si Coby na ang current boyfriend ko ngayon." I said.

"Ewan ko sa'yo!" Pumasok kami sa loob ng room. Hindi namin pinansin ang titig ng mga kaklase namin. Sa dulo kami umupo. "Nga pala, gimik tayo mamaya?"

"Saan?" I asked.

"Sa tambayan." She said. Tinutok ang sarili sa cellphone.

Sa tambayan na sinasabi niya ay ang Dos. Isang high-end bar na lagi naming tinatambayan kapag bored kami.  Nang matapos ang klase ay umuwi muna ako sa bahay para magpalit ng damit. I'm now wearing black sports bra as my top and white short skirt. Nilugay ko ang maalon kong buhok. 

Dumiretso na ako sa Dos. Sumalubong sa'kin ang ingay ng mga tao. Patay-sinding ilaw. Natanaw ko si Alexa sa isang couch kasama ang pinsan niya sa motherside na si Patrice Santiago. That brat. Sila ang may-ari nitong Dos.

"Ang tagal mo!" Angil niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Shut up, bitch! Sisihin mo ang traffic." I said and sat beside her. 

Kinuha ko ang isang shot glass at sinalinan iyon ng margarita. Tinapunan ko ng tingin si Patrice. She's wearing her bratty outfit. Short skirt pairing with off-shoulder top. Nakapony-tail ang kanyang buhok at ang dulo nito ay kinulot. Si Alexa naman ay color rose gold tube dress and I think it's five inches above the knee.

"Okay! Okay! Let's have a game!" Anunsiyo ni Alexa. Ayan na naman siya sa mga laro niya.

"Game ako lagi!" Sabat ni Patrice.

Kinuha ni Alexa ang isang boteng walang laman. Alexa and her games. Tahimik lang akong nakamasid at nang pinaikot niya iyon ay sa'kin agad tumapat. Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumisi siya sa'kin.

"I heard, tambayan din daw ito ng mga magpipinsang Zamora..." panimula niya. "...pero dahil mabait ako hindi na kita pahihirapan."

"Tss. Dami mong daldal." Komento ko.

Inirapan niya ako. "See that guy?" Tinuro niya ang isang lalaking nakatalikod sa'min sa 'di kalayuan. May kahalikan itong babae. 

"Nakikita ko dahil may mata ako." Pambabara ko.

"That's Leenox Zamora and that girl, uhmm probably, one of his flings. Guluhin mo sila! Umeksena ka tapos kunwari ay asawa ka ni Leenox." Pumaibabaw ang malakas na halakhak ni Alexa.

"Ang cheap ah!" Komento ni Patrice.

Sinamaan siya ng tingin ni Alexa. Lagi silang ganyan pero hindi naman sila umaabot sa puntong nagsasabunutan. I guess, bonding nila iyang pagbabarahan.

"Go!" Alexa cheered me.

Tinungga ko ang isang shot bago tumayo. Nang makalapit na ako kay Leenox at sa babae niya ay mabilis kong hinablot ang braso nung babae. 

"What the hell!?" Tss. Maarte! Mas maganda naman ako at mas sexy.

"Shut up, mistress!" I shouted. "Asawa ko itong kinakalantari mo!"

"Yah! Miss, I don't even know you." Rinig kong sabi ni Leenox.

Nginisihan ko siya. Saglit kong tinapunan ng tingin si Alexa. Damn you, Alexa! Tss. The show must go on. Kunwari akong nangilid ang luha. Pwede na yata akong ma-award-an ng best actress.

"Really? Leenox? Pagkatapos mo akong pakasalan ay bigla ka na lang maghahanap ng iba? Tanggap ko 'yong hindi ka umuuwi gabi-gabi sa bahay at itago ang relasyon natin pero itong harap-harapan mong nilalandi ang kabit mo ay ibang usapan na!" Singhal ko sa kanya. Muntik na akong matawa nang manlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

Maraming mga tao ang napalingon dahil sa ginawa kong pagsigaw. I guess, center of attraction na kami. Marami na naman ang nakasaksi sa kagandahan ko.

Bumaling ako doon sa babaeng natulala. Mukhang hindi pa rin nagsisink in sa kanya ang mga sinabi ko. Poor girl, kung sa ibang araw mo sana kinalantari itong target ko ay hindi ka masasama dito.

"May asawa ka na!?" She exclaimed.

"Babe." Kinuha ni Leenox ang kamay nito pero padabog nitong binawi.

"Babe mo mukha mo!" Singhal nito sa kanya at ginawaran ng isang malutong na sampal bago nag-walk out.

Nag-aalab ang mga mata ni Leenox nang bumaling sa'kin. I heard him cursed harshly as his jaw tightened. My lips stretched for a secret smile. He breath deeply as his shoulder loosened. 

"Oops! My bad. Laro-laro lang 'to, Mr. Zamora." Nanunuya kong wika at saka mabilis na umalis. 

Tanaw ko ang malaking ngisi ni Patrice at si Alexa naman ay humahagalpak sa tawa. Umupo ako at nagsalin ng alak sa shot glass.

"Grabe! Best actress!" Hindi pa rin natitigil sa katatawa si Alexa.

Ako ang nagpaikot ng bote at tumapat iyon kay Patrice. Mabilis na kinuha ni Alexa ang bote at ngumisi sa pinsan niya.

"Ako ang mag-uutos!"

"Ikaw na naman. Mamaya ay sa Zamora na naman iyan." Angil nito.

"Hindi na. Dahil kaka-eighteen mo pa lang. Kiss the guy you like!" Hamon nito.

"Basic." Ngumisi si Patrice.

"...torrid." dugtong ni Alexa.

"Akala mo ay matatakot ako diyan." Tumayo si Patrice.

Kinalabit ako si Alexa at tinuro ang pinsan niya. Sinundan namin ng tingin kung sino ang lalapitan nito pero laking gulat ko nang nagtungo ito sa grupo ng magpipinsang Zamora. Rinig ko ang halakhak ni Alexa sa gilid ko. She kissed that guy, Carver Zamora.

Umasim ang mukha ko nang bumalik na itong si Patrice. "Ganong klase pala ang type mo." Komento ko.

"I'm just attracted!" Depensa niya sa sarili niya.

Dahil si Alexa na lang ang hindi natatapatan ng bote ay hindi na namin ni-spin ang bote at siya na mismo ang nagpresinta na kaming dalawang ang mag-utos sa kanya. 

"Humanap ka ng kalandian ngayong gabi." Utos ni Patrice.

"Tapos pagkatapos kang halikan, sapakin mo." Dagdag ko.

Humalo siya sa dagat ng tao pero tanaw pa rin namin siya. Lumapit siya sa isang lalaking at hindi na nagpaligoy-ligoy pang hinalikan ito. Nang maghiwalay ang labi nila ay mabilis niya itong sinapak kaya napahiga ang lalaki sa sahig.

"Shit! Idol na kita bestfriend!" Sigaw ko.

Sumenyas siya sa'kin lumabas na kami. Mabilis kaming sumunod. Sigurado kaming magkakagulo sa loob kapag naabutan kami. Hihingal-hingal kami nang makarating kami sa parking lot. Nag-apir pa ang magpinsan. Kapag nalaman ni Tito Eugene ang ginawa ng anak niya ay mapapagalitan na naman itong si Alexa.

Mag-aala una na kaming nakauwi. Kinabukasan, tanghali na akong nagising. Wala nang masyadong estudyante nang makarating ako sa parking lot na malamang ay nasa room na nila. Bumaba ako ng kotse ko. Natanaw ko si Coby na papalapit sa'kin. 

"Ang tagal mo." Komento niya.

"Wala naman akong sinabing hintayin mo ako." Balik kong sabi sa kanya.

Sinabayan niya ako sa paglalakad. Gwapo si Coby, matangos ang ilong, amber eyes and his perfect jaw. Ayaw ko lang sa kanya ay masyado siyang clingy. Baka bukas ay makipagbreak na rin ako sa kanya. I rather leave them than being left. 

"Wife!"

Isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa'kin sa paglalakad. Kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino iyon. Boses pa lang ay sobrang makapangyarihan na. 

"What's wrong?" Coby asked.

Ngumiti ako at umiling. "Nothing. Let's go." Sabi ko. 

"Wife!" Biglang may humigit ng braso ko palayo kay Coby. 

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Leenox Zamora. Bumaling siya sa'kin nang nakangisi. There's a mischievous glint in his eyes. Oh boy! Don't tell you're here for some cheap revenge, huh? 

"L-Leenox Zamora?" Bakas ang gulat sa ekspresyon ni Coby. Gaano ba makapangyarihan ang mga Zamora at parang nanginginig sa takot itong si Coby?

"The one and only. Can you stay away from my wife?" His demanding voice! My gosh! Why so hot, Leenox?

Lumipat ang tingin sa'kin niya sa'kin. "Z-Zetha."

"Go! Get out of my sight!" Malamig kong utos at siya naman itong nagkukumahog na umalis.

Padabog kong binawi ang kamay kay Leenox. You want to play the game? Hindi mo mauubos ang lalaki ko, Leenox. Marami akong reserba.

"Ginagawa mo dito?" Walang gana kong tanong sa kanya.

Humalukipkip siya at hinarap ako. My heart is beating harshly for no particular reason. He remained silent. His deep eyes were telling me that he's really mad at me. Sinalubong ko ang kanyang tingin kahit na pakiramdam ko ay hinihigop nito ang lakas ko.

"Tingnan mo, tinatanong ka ng maayos ayaw mong sumagot." Naging iritado na ako. "Late na ako. Bahala ka diyan." Akmang aalis na ako nang hagitin niyang muli ang braso ko.

"I'm the one whose mad here not you." He firmly said with his jaw clenching. 

Nanunuya akong ngumiti sa kanya. "Galit ka dahil sa ginawa ko sa'yo kagabi? Kaya ka gumanti sa'kin? Hindi ka ba nakaraos kagabi? Talagang pinuntahan mo pa ako dito! Feeling close." Mapang-asar akong tumawa. Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad paalis. 

Pagpasok ko sa room ay nasa akin ang atensyon nila. Naiiling na kang sa'kin ang professor dahil sanay na siyang ganito ako. Umupo ako sa tabi ni Alexa. 

"Zetha." Tawag niya sa'kin.

"Oh?"

"Nalaman ni Dad iyong ginawa ko kagabi. Tapos 'yong sinapak ko palang lalaki ay anak ng business partner niya." Kwento niya.

Tinapunan ko siya ng tingin. "Then, you're dead." Pang-aasar ko.

"Iyon na nga. Ililipat niya raw ako ng school." Sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong kinalaman n'on sa pagkakasapak mo sa lalaki 'yon?"

"Lilipat daw niya ako EZ University para daw makahingi ako ng sorry doon sa lalaki." Nakasimangot niyang dagdag.

"Magsosorry lang, lilipat ka na?" 'Di makapaniwalang wika ko.

"Ewan ko ba." Nagmomroblema niyang bulong.

"Lipat ka na lang, sama ako. Lipat na tayong dalawa tutal ang boring na dito." Nilakasan ko ang boses ko at sinadyang iparinig sa professor namin.

"Miss Marcelo, kung wala kang ganang makinig sa klase ko ay pwede ka nang lumabas." Malamig na wika ng prof.

"Wala rin namang magbabago. Boring pa rin. Paglumabas ako, boring doon pero kung nandito ako boring pa rin. What's the use? No. Ayokong lumabas." I said. "And don't worry. Hindi mo na makikita ang maganda kong mukha dahil lilipat na kami ni Alexa ng ekwelahan." Nakangisi kong dagdag.

"Alam mo ba kung sino ang may-ari nung University na sinasabi ko? Ang mga Zamora." Wika ni Alexa.

Nagkibit-balikat ako. "Pakialam ko sa kanila."

Pakialam ko sa kanila lalo ka sa bwisit na Leenox Zamora na 'yon. Pero mukhang magandang ideya nga ang paglipat sa EZ University. Pakiramdam ko ay masarap makipaglaro sa playboy na 'yon. Lagasan ng kalandian yata ang gusto niyang laro.

Hindi lahat ay makukuha mo, Leenox. Masyado kang misteryoso para maging playboy. Kinakuha mo ang atensyon ko. At maganda rin kung mapapabilang ka sa mga koleksyon ko.

Dumiretso kami sa canteen nang maglunch time. Kumakain kami roon hindi dahil sa gusto namin. Kumakain kami roon para kami ang center of attraction. Swerte nga sila dahil gaganahan silang kumain, ikaw ba naman ang makakita ng dalawang dyosa 'di ba?

"Next week lilipat na ako." Panimula niya.

"Correction. Lilipat na tayo. Sa tingin mo hahayaan kitang iwan ako dito sa boring na eskwelahan na 'to?" Mataray kong sabi sa kanya.

Nailing na lang siya sa katarayan ko. "Bakit wala si Coby?" She asked.

"Break na kami." Bored kong sagot.

"Agad-agad? Ba't ang bilis?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Sumimangot ako. "Hindi pa naman dapat kaso, alam mo bang pinuntahan ako ni Leenox dito kanina. Tapos ayun! Nagbreak na kami ni Coby." Iritang kwento ko.

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. "Gago!" Tili niya at hinampas pa ang braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Peace! Pero... oh my gosh."

"Tss."

"Hala may gwapo!"

"OMG! Isang Zamora."

"Anong ginagawa niya rito?"

Sapat na ang usap-usapan ng mga babae sa paligid para malaman ko kung sino iyon. Tinapunan ako ni Alexa ng mapang-asar na ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na pinansin ang paligid. Naramdaman ko na lang na may humila ng upuan sa tabi ko.

"Wife..." nanindig ang balahibo ko sa mapaglarong boses. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"Wife daw oh! Hoy Zetha!" Pang-aasar ni Alexa.

Iritado kong binalingin si Leenox. Wala na ang seryosong ekspresyon niya kanina nung nasa parking lot kami. Napalitan na ito ng isang mapaglarong ngiti. Ang kaninang mabigat na aura ay naging magaan. No wonder why there's so many girls whose willing to bend down their knees for this man. Maraming gustong lumuhod sa lalaking ito. 

"Anong ginagawa mo rito? Nakaganti ka na kanina 'di ba?" Iritang-irita kong sabi sa kanya.

Nagtaas-baba ang kilay niya. "Masama bang bisitahin ang asawa ko?"

Si Alexa ay palipat-lipat lang ng tingin sa amin dalawa. Walang balak makisabat at halatang natutuwa sa napapanood.

"Ba't tumabi siya kay Zetha?"

"Hindi alam ni Zetha na playboy din 'yang si Leenox."

"Nakahanap na siya ng katapat niya."

"Mga chismosa! Can you just fucking shut your mouth up? H'wag niyong hintaying ipatahi ko 'yang mga bunganga niyo!" Sigaw ni Alexa na nagpatigil sa lahat.

"Asawa? Can't remember that I'm already married." Pambabara ko sa kanya.

"Coming from you? Sino ba sa ating dalawa ang nagdeklarang mag-asawa tayong dalawa?" Nanunuyang balik na tanong niya sa'kin.

Ngumisi ako sa kanya. Hindi ako magpapatalo. "C'mon! It's just a game. Don't tell me sineryoso mo 'yon?" Humalakhak ako at tuwang-tuwa sa pang-aasar.

Nagkibit-balikat siya. Hindi na sumagot at nanatiling tahimik sa tabi. Bakit pakiramdam ko ay ako ang pinakamalas na babae? Katabi ko lang naman ang isang lalaking mukhang anghel pero may ugaling demonyo. Mukhang anghel sa kagwapuhan pero demonyo naman ang ugali. Playboy!

Related chapters

  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 2

    "Zetha, magtino ka nga sa bago mong eskwelahan." 'Yan ang bilin sa'kin ni Daddy.Hawak ko ang isang pirasong papel, laman nito ang room at schedule ko. May mga estudyante akong nakakasalubong. Ang iba, ayon sa reaksyon nila, kilala na ako. Sino ba ang hindi nakakakilala sa akin? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Tinawagan ko si Alexa dahil ang usapan namin ay sabay kaming papasok."Hello, Zetharine Marcelo." Maarteng bungad niya sa'kin."Nasaan ka na?" Ubos ang pasensyang tanong ko sa kanya."Tingin ka sa likod mo." She said.Mabi

    Last Updated : 2021-07-20
  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 3

    Nakasukbit ang isang strap ng bag ko sa balikat ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga estudyanteng tinititigan ako. Parang hindi sila sanay na makakita ng magandang nilalang. Nakaponytail ako ngayon. At kung minamalas ka nga naman. Hindi kalayuan ay natanaw ko si Leenox.He looked at me and gave me a mischievous smile that had melted plenty of girls in this town. Sinalubong ko ang tingin niya ng isang malamig na tingin. When the playgirl meets the playboy. Hindi ako nag-iwas ng tingin dahil gusto kong siya ang mauna. Hanggang sa makalapit siya sa'kin, hindi napuputol ang tingin namin."Hi, Miss Zetharine." Bati niya sa'kin."Hello, Leenox." Bati ko rin.Sinabayan niya ako sa paglalakad. Ang bawat estudyanteng n

    Last Updated : 2021-07-20
  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 4

    "Bye, Mommy! Daddy!" Paalam ko at nagmamadaling sumakay ng kotse ko."Zetha, magtino ka!" Iyan lagi ang bilin sa'kin ni Daddy.Nailing na lang ako. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at umalis na. Makikita ko na naman ang pagmumukha ni Leenox. Pumasok ako sa school at sumalubong sa'kin si Leenox na may kasamang babae. Nagtagpo ang aming tingin. Nakangisi siya at sumaludo pa sa'kin samantalang inirapan ko lang siya.Hindi na ako magtataka kung lahat ng babae rito sa EZU ay magiging fling niya. Habang tumatagal ay nasasanay na ako sa tingin ng mga estudyante sa'kin. Hindi lang bilang Zetha na kilala nila, isama mo ma rin na nalilink ako kay Leenox. As if naman papatulan ko ang lalaking iyon.Kaklase ko si Akeem sa unang subject ko ngayong araw. Ipinagpapasalamat ko nga't kahit isang subject ay may hindi ko kaklase si Leenox. I don't k

    Last Updated : 2021-10-22
  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 5

    Kumain lang kami ni Leenox sa mall kahapon at umuwi na. Habang naglalakad sa corridor ay may isang lalaki ang humarang sa'kin. Mukhang first year lang, I'm not sure."Miss Zetha, pinapatawag ka ni Ma'am Franco." Wika nito. Tila nahihiya pang kausapin ako.Tumango. "Alright."Ngumiti ako ng matamis sa kanya. Mabilis itong gumilid sa dadaanan ko. Bahagya akong natawa nang mamula ang magkabilang pisngi nito. Gano'n talaga ang epekto ko sa kahit na sino. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi hanapin ang presensiya ni Leenox. Madalas ko kasi itong nakakasalubong, minsan pa nga'y may nakalingkis na babae.Nagtext ako kay Alexa na mauna na sila sa Amoraz. Pupusta ako, kapag nabasa niya ang text ko ay magrereklamo na naman iyon na masyado akong pa-VIP. Dumiretso ako sa office

    Last Updated : 2021-10-22
  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 6

    "Leenox..." Bagot kong tawag sa pangalan niya.Nandito kami sa library, vacant time namin kaya napagdesisyunan na naming magreview. Nakasubsob siya sa libro at nag-angat siya ng tingin sa'kin. Ang natural na mapungay niyang mga mata ay tumingin sa'kin."Bakit ba ako pumayag sa quiz bee na 'yan?" Puno ng pagsisisi kong tanong sa kanya.Bumuntong-hininga siya at nagkibit-balikat sa'kin. "Malay ko sa'yo.""Nagsisisi na ako! Sana pala humindi na lang ako." Maktol ko."Shhh.." tinapat niya ang hintuturo sa labi. "Nasa library tayo. Bawal ang maingay dito."Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Kasama naman kita ah? Hindi ako, I mean, hindi tayo mapapagalitan dahil Zamora ka." Sagot ko.

    Last Updated : 2021-10-22
  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 7

    I'm wearing mom jeans pairing with a white cardigan top and white sneakers. Wala akong planong magpakababae ngayon. Kinuha ko ang shoulder bag ko. Simple dinner lang naman kaya hindi ko na kailangan masyadong mag-ayos.I mean, maganda na ako tapos kapag nag-ayos pa ako, lalo akong gaganda. Baka hindi na makakain ang mga tao sa Amoraz at tumitig na lang sa kagandahan ko. Syempre, concern lang naman ako sa kanila. Sayang ang in-order nilang pagkain kung hindi naman sila makakakain ng mabuti dahil mas pipiliin nilang titigan ang kagandahan ko.Bago umalis ay pumunta ako sa kusina. Naabutan ko si Mommy na nagluluto. "Mommy, sa Amoraz ako magdidinner.""Sino ang kasama mo?" Tanong ni Daddy mula sa salas. Lakas ng pandinig."A friend." I simply said."Umuwi ka bago mag-alas dies." Bilin ni Mommy.

    Last Updated : 2021-10-22
  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 8

    Nandito kami ngayon sa library. Walang masyadong estudyante dahil oras pa ng klase. I was busy reading my book when Alexa suddenly catched my attention. She's pointing her index finger to the other table. Nilingon ko kung ano ito o kung sino nga ito. It's Leenox. Kasama ang isang babae.Payat at maputi ang babae. Matangos ang ilong at singkit ang mga mata. Mahaba at straight ang buhok nito hindi katulad nang sa'kin na hanggang beywang at maalon."May bago na naman palang nabiktima si Leenox." Bulong ni Alexa."Hindi ka na nasanay." Sabi ko."Ikaw? Kumusta kayo ni Lucas?" She asked."Wala. Hindi uso sa'kin ang comeback, Alexa. Gusto nga niyang maging girlfriend ako kaso ayoko." Nakangisi kong kwento sa kanya.

    Last Updated : 2021-10-22
  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 9

    Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi pero ang alam ko ay kulang na kulang talaga ako sa tulog ngayon. Pagharap ko sa salamin ay napangiwi ako nang makitang halatang-halata ang eye bugs ko. Mabuti na lang at may concealer ako. Tinawagan ko si Alexa para magpasundo sa'min.Maagang umalis sila Mommy at dahil nga tanghali na ako nagising, hindi na ako nakasabay sa kanila. Mabilis akong lumabas ng bahay nang marinig ko ang ingay ng busina ng kotse ni Alexa."Bakit ba tanghali ka nang gumising?" Natatawang tanong niya.Humikab muna ako bago sumagot. "Si Leenox kasi—""Ano!? Pinuyat ka!? Binigay mo na ang V-card!?" She hysterically asked.I threw her a glance that unmistakably loaded with daggers. "Hayaan mo ka

    Last Updated : 2021-10-22

Latest chapter

  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 41

    The rain were falling so hard. Hindi ko na alintana kung basang-basa na ako sa ulan. Wala na akong pakialam kung magkasakit man ako. Ang tanging nasaisip ko na lang ay ang makaabot sa concert nila Leenox. Ang gusto ko na lang na mangyari ngayon na malaman ni Leenox na siya ang pinipili ko.I checked the time. It's already 2:30 in the afternoon. The concert were about to end. Thirty minutes. I need to reach him before 3:00. Malakas ang buhos ng ulan. Dahil sa katatakbo at malakas na buhos ng ulan ay hindi ko na napansin ang isang bato kaya naman natisod pa ako. Mabilis akong tumayo kahit medyo masakit ang tuhod ko.Naiiyak na ako dahil baka hindi na ako umabot. Patawid na sana ako nang biglang may malakas na busina ang sumakop sa sistema ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at natulos na lang sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang kotse na papalapit sa'kin. Rinig ko ang pags

  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 40

    "Miss Zetha, about sa model na kukunin natin para sa promoting ng bagong—""Ask Matthew about that. Siya ang nagha-handle no'n." Putol ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa laptop."P-Pero sabi po ni Sir Matthew, kayo raw po ang nagha-handle." Wika nito.Dahil sa sinabi niyang iyon ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. "What?" Bumuntong-hininga ako at napapikit ng mariin. "Mamaya na kita kakausapin tungkol doon." I said."Miss Zetha, may meeting po kayo sa manager ng Scenario mamayang alas tres ng hapon."Padabog kong isinara ang laptop ko. "Bakit ako? Hindi ba't ikaw ang pinaghandle ko no'n?""Katatawag lang po ng manager ng Scenario at kayo po ang gusto niyang makausap.""May problema ba? I'm pretty sure

  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 39

    "Good morning, Ms. Zetha, I would like to inform you that Sophia Angela Zamora and Layka San Augustine is already here." Pormal na wika ni Rachel mula sa intercom. Isinama ko siya rito sa Pilipinas dahil siya lang ang pinakamagaling kong naging sekretarya sa nakalipas na mga taon."Let them in." Sagot ko.Bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa nito sila Sophie at iyong Layka. Sophie becomes more mature and sexy. Kung tutuusin ay papasa na siyang modelo. Bukid sa pagiging fashion designer ay pwedeng-pwede siyang maging isang modelo. Layka were tall and morena type of girl. Mukhang mas matangkad pa siya sa'kin pero halos pantay lang sila ng laki ni Sophie.Pormal ang mukha ni Layka habang si Sophie naman ay abot sa tenga ang ngiti. I smiled at them and motion them to sit."So, I'm Zetharine Marcelo the owner of the clothing line. Tomorrow will be the opening the branch and I would

  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 38

    After my both of my parents had died, Matthew was the one who took care of me including Ninang Mira. I never leave our house because I want to cherish our memories. As a happy and complete family. When my mother comforts me and gives me support. If I only knew that these things would happen, I wished I just stayed by their sides 'till the dawn. If I can only turn back the time."Zetha, gusto mo bang mag-aral sa Singapore?" My Tita asked me.Natigil ako sa pag-aayos ng gamit. Umiling ako. "Ayoko po.Saka mas mahal ang tuition sa Singapore, Tita. Hindi na kakayanin ng pera ko." Sagot ko."Pero 'di ba pumasa ka sa isang university doon? Hindi ba't iyon naman talaga ang plano mo kapag tumuntong ka ng third year college

  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 37

    After nang marinig ko ang sinabi ng manager ni Leenox ay hindi na ako tumuloy sa kanya. Bigla na lang din kaming nawalan ng komunikasyon. Our relationship is getting blur. Palabo na kami nang palabo. I'm asking myself, kami pa ba? Mahal pa ba niya ako? Ito na ba 'yung panahon na iiwan niya ako para sa pangarap niya? Pero kung ang pag-iwan niya sa'kin ay makabubuti sa pangarap niya, ayos lang sa'kin na iwan niya ako."Sikat na 'yung boyfriend mo ah! Siya lagi ang laman ng newsfeed ko." Komento ni Mattew habang nag-sscroll sa kanyang social media.Napatingin ako sa kanya. "Talaga?"Tumango siya. "Hindi ka ba nag-o-online?" Kunot-noong tanong niya sa'kin."Alam mo naman hindi na ako nag-so-social media." Mahinang sagot ko. Unti-unti niyan

  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 36

    Isang linggo. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat ng problema ko ngayon. Hindi ako nakatanggap ng tawag may Leenox dahil alam kong gusto niyang bigyan ako space. And also, he became busy because they will release their song this coming month. Kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa pamilya ko. Ang daming nakikisimpatiya. I tried to smiled sweetly while looking at the mirror. I want to show to myself that I'm okay and still fighting. I'm trying my best to be positive. Pero sinong niloko ko? I'm aware that I am broken into pieces behind these smiles. I am are just pretending to be okay because I'm afraid to face the truth. Unlike the old me, I didn't apply any makeup. Inilugay ko lang ang buhok. I just wear our school uniform and lazily grabbed my bag. I grabbed my car's key and start the engine. Wala na sa'min iyong bahay namin. Tanging ito na lang kotse ko ang nat

  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 36

    Isang linggo. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat ng problema ko ngayon. Hindi ako nakatanggap ng tawag may Leenox dahil alam kong gusto niyang bigyan ako space. And also, he became busy because they will release their song this coming month.Kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa pamilya ko. Ang daming nakikisimpatiya.I tried to smiled sweetly while looking at the mirror. I want to show to myself that I'm okay and still fighting.I'm trying my best to be positive. Pero sinong niloko ko? I'm aware that I am broken into pieces behind these smiles. I am are just pretending to be okay because I'm afraid to face the truth.Unlike the old me, I didn't apply any makeup. Inilugay ko lang ang buhok. I just wear our school uniform and lazily grabbed my bag. I grabbed my car's key and start the engine. Wala na sa'min iyong bahay namin. Tanging ito na lang kotse ko ang natira at n

  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 35

    Bumuhos ang malakas na ulan. Sumama ako kay Matthew sa condo niya. May tiwala naman ako sa kanya. Basang-basa ang damit ko. Inabot sa'kin ni Matthew ang bago niyang t-shirt. Nagpalit ako ng damit. Umupo ako sa dulo kama at niyakap ang tuhod ko. Muling bumalik na alaala ko sa mga nangyari kanina. Ang bilis. Bigla akong nabasag. Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Matthew. Hindi ko siya tinapunan ng tingin, nanatili sa pwesto ko. Tahimik siyang lumapit sa'kin. Umupo siya sa tabi ko. "You're tired. You need to rest." He softly said. "Matthew..." Walang ibang salita ang lumabas sa bibig ko kundi ang pangalan niya. "Bukas mo na problemahin ang problema mo, Zetharine. Magpahinga ka muna. Halata namang pagod ka." Marahan nitong wika.

  • Mischievous Glint in his Eyes   Chapter 34

    Alexa trying her best to hide her pain. Sa bawat hakbang namin habang naglalakad kami sa corridor ay nasasaktan ako. Tahimik lang siya. Hindi na siya 'yong kilala kong Alexa na madaldal. Maraming nagbago. Hindi ko akalaing sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat at pakiramdam ko ay magbabago pa. There's a line between Akeem and Alexa."Alexa..." tawag ko sa kanya."Late na ako Zetharine. Mauna na ako." Sambit niya at tipid akong nginitian. Hindi na niya ako hinintay na makasagot at iniwan na niya ako.Bumuntong-hininga na lang ako at dumiretso sa klase ko. Nakaabutan ko si Leenox na nakapangalumbaba, halatang kanina pa ako hinihintay. Nang makita niya ako ay biglang sumigla ang kanyang ekspresyon. Binaba ko ang bag ko at umupo sa tabi niya."Leenox, kumusta na si Akeem?" Tanong ko sa kanya.He sighed. "Walang nagbago sa kanya kaya mas lalo akong nag-aalala." I can

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status