"Zetha, magtino ka nga sa bago mong eskwelahan." 'Yan ang bilin sa'kin ni Daddy.
Hawak ko ang isang pirasong papel, laman nito ang room at schedule ko. May mga estudyante akong nakakasalubong. Ang iba, ayon sa reaksyon nila, kilala na ako. Sino ba ang hindi nakakakilala sa akin? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Tinawagan ko si Alexa dahil ang usapan namin ay sabay kaming papasok.
"Hello, Zetharine Marcelo." Maarteng bungad niya sa'kin.
"Nasaan ka na?" Ubos ang pasensyang tanong ko sa kanya.
"Tingin ka sa likod mo." She said.
Mabilis kong pinatay ang tawag at humalukipkip. Hindi ako lumingon sa likuran, hinihintay na dumating ang magaling kong kaibigan. Tulad ng inaasahan ay umakbay sa'kin si Alexa. Iritado kong inalis ang kamay niya sa balikat kong nakaakbay.
Mas matangkad siya sa'kin. She have monolid eye-shape with her color chestnut brown eyes. Slim ang katawan niya at kung tutuusin ay papasa siyang modelo. Natural ang beachy wave niyang buhok. Pointed nose and pinkish lips.
"Room A16." Sambit ko.
"Sorry to say pero nag-shift ako ng course." She said.
"What!? Why!?"
"Naisip ko kung ano ba talaga ang gusto ko. I want to be a flight attendant. Kaya nag-shift ako sa tourism."
"Bakit nandito ka pa?"
"Ihahatid kita sa room mo. Balita ko kasi kaklase mo si Leenox." Humalakhak siya kaya naman napatingin sa'min ang ibang estudyante.
Natigilan ako sa paglalakad sa sinabi niya. Huminto rin siya at nameywang. I rolled my eyes at her. Ang tingin niyang may mapang-akusa ang iginawad niya sa'kin. Naiiling akong nagpatuloy sa paglalakad at hindi na sinabi sa kanya ang nasaisip.
"Huwag mo na akong ihatid. Hindi kita nanay." Iritado kong wika.
"Okay. Bye." Mabilis niyang sang-ayon at iniwan ako.
Habang naglalakad ay biglang may bumangga sa'kin. Nahulog ang dala niyang mga folder. Napahinto ako sa paglalakad. Pinulot niya iyon at nanatili lang akong nakatayo. Nakahalukipkip kong pinanood ang pagpulot niya sa mga folder niya dala. Nang tumayo siya, handa na sana akong sigawan siya pero nagbago ang ihip ng hangin.
Isang Zamora. Sa mata at tindig pa lang ay malalaman mo na agad kung Zamora ang kaharap mo o hindi. Mapula ang kanyang labi, matangos ang ilong. Tipid siyang ngumiti sa'kin. Hindi man lang magsusungit?
"I'm sorry, Miss." Sabi niya at saka nilagpasan ako.
Ako naman itong hindi man lang nakapagsalita. Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Mabuti na lang at malapit na ako sa classroom ko. Pagpasok ko at nagsasalita na ang professor sa harap. Humarap ito sa'kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Pinasadahan ko ng kamay ang aking buhok para mas makita niya ang kagandahan ko.
"Miss?"
Ngumiti ako. "I'm Zetharine Marcelo. But you can call me Zetha." I said at naglakad patungo sa bandang dulo. Umupo ako sa tabi ni Leenox na ngayon ay malaki ang ngisi.
Leenox and the mischievous glint in his eyes. Tuwing tatapunan ko siya ng tingin at magtatama ang aming mata ay pakiramdam ko, may iniisip siyang kalokohan. I can smell his scent. Nanunuot sa ilong ko ang mabango niyang amoy. Is that one of his assets kaya nagkakandarapa ang mga babae sa kanya?
Kinalabit niya ako pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Nananatiling sa propesor ang tingin ko. Pero kahit anong pader ang ilagay ko sa sarili ay natibag din iyon nitong Zamora'ng katabi ko. Inis kong siyang nilingon at tinaasan ng kilay.
"What do you want!?" Pabulong kong singhal sa kanya.
"You didn't inform me. Sana ay sinundo kita at sabay na tayong pumasok." He said while smiling at me.
I rolled my eyes at him. "Stop playing your games. Bakit ko sasabihin sa'yong lilipat ako rito? Ano ba kita?"
"As the matter of fact, I'm your husband." He answered me.
"Husband my ass." Bulong ko at inirapan siya.
"Wife..." tawag niya pero hindi ko pinansin.
Nakakairita siya. Mas gugustuhin ko pa yatang maging kaklase ang Zamora'ng nakabangga ko kanina dahil sa hitsura pa lang nito ay halatang mabait na. Nakakairita itong si Leenox.
"Wife..." kalabit niya ulit. Inis kong hinawi ang kamay niya.
Tumayo ako dahilan para makuha ko ang atensyon ng prof namin.
"What's the problem, Miss Zetha?" She asked.
"Pwede bang makipagpalit ng pwesto? This guy who's sitting beside me is really annoying." I said.
Nanlaki ang mga mata ng mga kaklase ko sa sinabi ko. Nagulantang din ang prof namin. Hindi nila inakalang masaaabi ko iyon dahil alam nilang Zamora itong katabi ko. Binalingan ko ng tingin si Leenox na nakangisi pa rin sa'kin.
"Prof. Mel, sorry for her attitude. May hindi lang kami pagkakaintindihan ng babaeng 'yan." Wika ni Leenox.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at pwersahang hinila paupo sa silya. Tumikhim ang prof at nagpatuloy sa pagtuturo. Sa sobrang inis ay kinurot ko sa braso si Leenox. Napangiwi naman siya sa ginawa ko. Tinaasan ko siya ng kilay at pinakitang wala akong balak mag-sorry sa kanya.
Pagkatapos ng klase ay mabilis akong lumabas ng classroom. Tinext ko si Alexa na magkita kami sa cafeteria. Taas-noo akong naglalakad sa corridor. At mabilis kumalat ang balita sa ginawa kong pagreklamo sa prof dahil lamang sa naiirita ako kay Leenox.
"Ang kapal ng mukha niya."
"Pasalamat siya at katabi niya si Leenox."
"Akala mo naman sobrang ganda niya."
"Right! I think mas maganda pa ako sa kanya."
"Siya iyong playgirl na si Zetha."
Pinasadahan ko ang aking buhok ng mga daliri ko. Pakiramdam ko ay isa akong modelong naglalakad papalapit sa mga inggiterang unggoy. Matamis ko silang nginitian. Nanigas sila sa kinatatayuan nila. Mapang-insulto ko silang tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Makapal ang mukha ko? I don't think so. Ikaw nga makapal din ang mukha mo tapos makapal pa ang makeup mo. Coloring book ka ghorl?" Nginisian ko siya at bumaling ako sa katabi niya. "You think mas maganda ka sa'kin? No. Magmaganda ka kapag hindi na drawing 'yung kilay mo."
Kinindatan ko pa silang dalawa bago tuluyang umalis. Ayoko pa naman sa lahat ay ang mga nagmamaganda sa harap ko. Tingin ko nga, kahit na magparetoke ang mga 'yon ay mas angat pa rin ang kagandahan ko.
Pagpasok ko sa cafeteria ay naabutan ko na si Alexa na naghihintay. Nag-angat siya ng tingin sa'kin at kumaway. Inirapan ko siya at nagtungo sa kanya.
"Inorder na kita." She said.
"Whatever."
"Ang bagal mo talagang kumilos. Alam mo bang halos ten minutes na akong naghihintay rito?" Sabi niya.
"Hindi mo ikamamatay ang paghihintay ng ten minutes." Sabi ko.
"Tss. By the way, ang ganda pala rito sa EZU. Sana pala noon pa tayo lumipat dito." Sabi niya at tumango naman ako.
Totoo ang sinabi niya. Maluwang ang EZU. Sa main gate, pagpasok mo ay may makikita ka agad na malaking fountain. Ang cafeteria ay maluwag at masasarap ang pagkain. Halatang pang mayaman lang talaga itong University. Ang parking lot ay halos mapuno ng mamahaling kotse. Halos lahat ng sports equipment ay kumpleto din sila. Pool area, soccer field, gymnasium, etc. name it.
Kung ano-ano pa ang ikinuwento ni Alexa. I stopped laughing abruptly, picked up my soup spoon, remembered that I had finished my soup and put it back again.
"Wife!"
Pareho kaming natigilan ni Alexa. Bumuntong hininga ako at hindi pinansin ang patawag. Hindi na ako nagulat nang may tumabi sa'kin. Nilapag niya ang tray ng pagkain. Nag-angat ako ng tingin at agad iyong lumipat sa dalawang lalaking kasama niya.
Umupo sa tabi ni Alexa iyong lalaking nakabangga ko kanina at napagitnaan naman ng dalawang magpinsan ang isa pa. Si Leenox, aura pa lang ay alam mo nang maloko. Ang isang nakabangga ko kanina ay masasabi kong mukhang mabait pero ayoko magconclude, isa siyang Zamora kaya imposibleng hindi niya nakuha ang ugali ni Leenox.
Pero itong isang kasama nila ay walang emosyon. His eyes were color grayish and cold as ice. Matangos ang ilong. Ang labi ay natural na mapula. His hair were color black na may highlights na kulay gray. Tinapunan niya ako ng tingin.
"Am I too handsome?" He asked.
Nag-iwas ako ng tingin. "Not really." Sagot ko.
"Shut up, Chace. Alam nating mas gwapo ako sa'yo." Sabat ni Leenox.
"Mas gwapo ako dahil nauna ako sa'yong ipinanganak. Latak ka na lang ng lahi natin." Chace answered using his deep but cold voice.
"C'mon. Mas matanda ka lang sa'kin ng isang taon." Sagot ni Leenox.
"Dito pa kayo nag-away. Nakakahiya sa dalawang babae." Sabat nung isa. Bumaling ito sa'min. "I'm Akeem." He said.
Ngumiti ako sa kanya. "Zetha and Alexa." Turo ko sa kaibigan ko.
"Yah! Kay Akeem nakangiti pero sa'kin nagsusungit." Sabat ni Leenox.
"Mas mukhang matino raw kasi si Akeem kaysa sa'yo." Sagot ni Chace at tinapunan kami ng tingin ni Alexa. "I'm Chace Zamora."
"Lumayas na nga kayong dalawa! Kinukuha niyo ang atensyon niya. Ba't hindi kayo sa restaurant kumain?" Wika ni Leenox.
Walang emosyon siyang binalingan ni Chace. "May I remind you, ikaw ang naghila sa'min dito ni Akeem."
Tahimik lang kaming dalawa ni Alexa. Mali pala ang akala ko. Hindi sila magkakatulad ng ugali. Itong si Akeem ay mabait at madaling i-approach. Si Chace naman ay cold at magdadalawang-isip ka kung lalapitan mo ba o hindi. Si Leenox naman, err, madali siyang i-approach pero in a malanding way. Oras na lumapit ka, sa kama na ang bagsak niyo.
"Wife--"
"Zetha. Zetha ang pangalan ko." Diin ko.
"Whatever. Sabay na tayong pumasok?" He asked.
"No thanks. Kaya kong pumasok mag-isa."
"Taray mo. Magkaklase tayo kaya sabay tayong papasok."
"Pumasok ka mag-isa mo." Bara ko. "Ba't ba nandito ka? Nakakairita."
"Naiirita ka sa sarili mong asawa?" Pang-aasar niya.
"Asawa? Ikaw ba 'yong babaeng nagdeklarang asawa mo si Leenox noon sa bar?" Sabat ni Akeem.
"It's just a dare." Sabi ko.
"Ayaw mo talaga kay Leenox?" He asked.
"Mukha bang gusto ko siya?" Balik-tanong ko sa kanya.
"May mga pinsan pa kami kaso sa restaurant kumain. Reto kita gusto mo? Merong mas better kay Leenox." Sabi ni Akeem.
"Shut up, Akeem." Iritadong saway ni Leenox.
Umiling ako at uminom ng tubig. "No thanks, Akeem. Wala akong balak magkagusto sa mga Zamora." Sabi ko ng may pinalidad.
"Really?" Napatingin ako kay Chace. Naninindig ang balahibo ko nang ngumisi siya. "Pero oras na magustuhan ka ng isang Zamora ay hindi ka na makakawala. Guard yourself, lady." He mysteriously said.
Bumabagabag sa'kin ang sinabi ni Chace. Well, I don't really care about them. At kung magugustuhan man ako ng isa sa kanila ay wala akong pakialam. Wala akong planong magmahal dahil kakambal lang nito ay sakit. Iyon ang pinakainiiwasan kong mangyari.
Ni-bun ko ang buhok ko at nagpalit ng PE uniform. May choice kami kung volleyball o badminton ang sasalihan namin. Badminton ang pinili ko dahil hindi naman ako fan ng volleyball. Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang nakangising si Leenox habang nakaupo sa bench.
Inabot sa'kin ng kaklase namin ang raketa. Duo ito at talagang kinausap ni Leenox ang prof namin para kaming dalawa ang magkapartner. Ako ang nasa harap at siya ang nasa likod. Ang kabilang kampo ang nag-serve. Nilingon ko si Leenox. Ngumisi siya sa'kin at tinira ang shuttlecock.
Pinagmasdan ko ang galaw ang ng kalaban namin. Hindi makapagfocus ang babae dahil kay Leenox. Mukhang inaakit nitong si Leenox ang kalaban para naming distracted. Kinuha ko na iyong pagkakataon para tambakan pa sila. Sa huli, kami ang may mataas na puntos.
Umupo ako sa bench at uminom ng Gatorade. Pinagmasdan ko ang masamang tingin sa'kin ni Jamila (kalaban namin). Lumapit siya sa'kin habang salubong kilay. Humalukipkip siya at iritang-irita.
"Dinaya mo kami." Inis niyang wika.
Nginisihan ko siya. "Hindi kami nandaya. Hindi rin namin kasalanan kung mas pinairal mo 'yang atraksyon mo kay Leenox. Na-distract ka kay Leenox kaya kayo natalo. It's not our fault." Sabi ko.
"Hey, anong nangyayari?" Biglang sumulpot si Leenox at umupo sa tabi ko. Inagaw niya ang hawak kong face towel at pinamunas iyon sa kanyang mukha.
"W-Wala, Leenox." Lumukot ang mukha ko nang maging mahinhin ang boses nito. Pabebe.
"Sabi niya ay nandaya daw tayo." I answered bluntly. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na nataranta.
"Nandaya? When? Wala akong maalala." Wika ni Leenox at kinuha ang Gatorade na hawak ko.
"A-Ahh, Leenox."
Nakangising binalingan ng tingin ni Leenox si Jamila. Uminom muna siya ng Gatorade bago magsalita. "Hindi kami nandaya. You're just too distracted." Sabi nito at nahihiyang tumango si Jamila bago umalis.
Inis kong binalingan ng tingin si Leenox. Nakasampay sa balikat niya ang face towel ko at hawak naman niya ang Gatorade ko.
"Bakit mo pinamunas sa mukha mo 'yang face towel ko!? Tapos ininom mo pa ang Gatorade ko."
"Hindi ka mamamatay sa pawis ko, Zetha. Mabango kaya 'to. Gusto mo h'wag mo nang labhan at i-frame mo pa." Nakangisi niyang sagot.
"Eww! Salahula naman."
Inabot niya ang Gatorade. "Hindi ko naman inubos." Sabi niya.
Umiling ako. "Sa'yo na 'yan. May laway mo na." Sabi ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano naman? Ba't parang nandidiri ka? Nakikipaghalikan ka nga sa kung sino-sino tapos itong bote na ininuman ko ay diring-diri ka na."
"Laway conscious ako." Sabi ko.
Sarkastiko siyang tumawa. "Nakikipaghalikan ka sa iba tapos laway conscious ka? Laway conscious ka lang pagdating sa'kin. Makita mo, paghinalikan kita baka manigas ka diyan sa kinauupuan mo." Madilim niyang wika bago tumayo at iwan akong nakatulala.
Ano naman sa kanya kung nakikipaghalikan ako sa iba? 'Tsaka hindi iyon kung sino-sino lang dahil may taste naman ako sa lalaki. Boyfriend ko iyong hinahalikan ko. Anong problema niya? Siya na nga itong nang-agaw ng inumin. Tapos hahalikan pa raw niya ako? I don't care. I can kiss someone without feelings. Pero ang punto ay bakit parang naging iritado siya bigla?
Nakasukbit ang isang strap ng bag ko sa balikat ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga estudyanteng tinititigan ako. Parang hindi sila sanay na makakita ng magandang nilalang. Nakaponytail ako ngayon. At kung minamalas ka nga naman. Hindi kalayuan ay natanaw ko si Leenox.He looked at me and gave me a mischievous smile that had melted plenty of girls in this town. Sinalubong ko ang tingin niya ng isang malamig na tingin. When the playgirl meets the playboy. Hindi ako nag-iwas ng tingin dahil gusto kong siya ang mauna. Hanggang sa makalapit siya sa'kin, hindi napuputol ang tingin namin."Hi, Miss Zetharine." Bati niya sa'kin."Hello, Leenox." Bati ko rin.Sinabayan niya ako sa paglalakad. Ang bawat estudyanteng n
"Bye, Mommy! Daddy!" Paalam ko at nagmamadaling sumakay ng kotse ko."Zetha, magtino ka!" Iyan lagi ang bilin sa'kin ni Daddy.Nailing na lang ako. Binuhay ko ang makina ng sasakyan at umalis na. Makikita ko na naman ang pagmumukha ni Leenox. Pumasok ako sa school at sumalubong sa'kin si Leenox na may kasamang babae. Nagtagpo ang aming tingin. Nakangisi siya at sumaludo pa sa'kin samantalang inirapan ko lang siya.Hindi na ako magtataka kung lahat ng babae rito sa EZU ay magiging fling niya. Habang tumatagal ay nasasanay na ako sa tingin ng mga estudyante sa'kin. Hindi lang bilang Zetha na kilala nila, isama mo ma rin na nalilink ako kay Leenox. As if naman papatulan ko ang lalaking iyon.Kaklase ko si Akeem sa unang subject ko ngayong araw. Ipinagpapasalamat ko nga't kahit isang subject ay may hindi ko kaklase si Leenox. I don't k
Kumain lang kami ni Leenox sa mall kahapon at umuwi na. Habang naglalakad sa corridor ay may isang lalaki ang humarang sa'kin. Mukhang first year lang, I'm not sure."Miss Zetha, pinapatawag ka ni Ma'am Franco." Wika nito. Tila nahihiya pang kausapin ako.Tumango. "Alright."Ngumiti ako ng matamis sa kanya. Mabilis itong gumilid sa dadaanan ko. Bahagya akong natawa nang mamula ang magkabilang pisngi nito. Gano'n talaga ang epekto ko sa kahit na sino. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi hanapin ang presensiya ni Leenox. Madalas ko kasi itong nakakasalubong, minsan pa nga'y may nakalingkis na babae.Nagtext ako kay Alexa na mauna na sila sa Amoraz. Pupusta ako, kapag nabasa niya ang text ko ay magrereklamo na naman iyon na masyado akong pa-VIP. Dumiretso ako sa office
"Leenox..." Bagot kong tawag sa pangalan niya.Nandito kami sa library, vacant time namin kaya napagdesisyunan na naming magreview. Nakasubsob siya sa libro at nag-angat siya ng tingin sa'kin. Ang natural na mapungay niyang mga mata ay tumingin sa'kin."Bakit ba ako pumayag sa quiz bee na 'yan?" Puno ng pagsisisi kong tanong sa kanya.Bumuntong-hininga siya at nagkibit-balikat sa'kin. "Malay ko sa'yo.""Nagsisisi na ako! Sana pala humindi na lang ako." Maktol ko."Shhh.." tinapat niya ang hintuturo sa labi. "Nasa library tayo. Bawal ang maingay dito."Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Kasama naman kita ah? Hindi ako, I mean, hindi tayo mapapagalitan dahil Zamora ka." Sagot ko.
I'm wearing mom jeans pairing with a white cardigan top and white sneakers. Wala akong planong magpakababae ngayon. Kinuha ko ang shoulder bag ko. Simple dinner lang naman kaya hindi ko na kailangan masyadong mag-ayos.I mean, maganda na ako tapos kapag nag-ayos pa ako, lalo akong gaganda. Baka hindi na makakain ang mga tao sa Amoraz at tumitig na lang sa kagandahan ko. Syempre, concern lang naman ako sa kanila. Sayang ang in-order nilang pagkain kung hindi naman sila makakakain ng mabuti dahil mas pipiliin nilang titigan ang kagandahan ko.Bago umalis ay pumunta ako sa kusina. Naabutan ko si Mommy na nagluluto. "Mommy, sa Amoraz ako magdidinner.""Sino ang kasama mo?" Tanong ni Daddy mula sa salas. Lakas ng pandinig."A friend." I simply said."Umuwi ka bago mag-alas dies." Bilin ni Mommy.
Nandito kami ngayon sa library. Walang masyadong estudyante dahil oras pa ng klase. I was busy reading my book when Alexa suddenly catched my attention. She's pointing her index finger to the other table. Nilingon ko kung ano ito o kung sino nga ito. It's Leenox. Kasama ang isang babae.Payat at maputi ang babae. Matangos ang ilong at singkit ang mga mata. Mahaba at straight ang buhok nito hindi katulad nang sa'kin na hanggang beywang at maalon."May bago na naman palang nabiktima si Leenox." Bulong ni Alexa."Hindi ka na nasanay." Sabi ko."Ikaw? Kumusta kayo ni Lucas?" She asked."Wala. Hindi uso sa'kin ang comeback, Alexa. Gusto nga niyang maging girlfriend ako kaso ayoko." Nakangisi kong kwento sa kanya.
Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi pero ang alam ko ay kulang na kulang talaga ako sa tulog ngayon. Pagharap ko sa salamin ay napangiwi ako nang makitang halatang-halata ang eye bugs ko. Mabuti na lang at may concealer ako. Tinawagan ko si Alexa para magpasundo sa'min.Maagang umalis sila Mommy at dahil nga tanghali na ako nagising, hindi na ako nakasabay sa kanila. Mabilis akong lumabas ng bahay nang marinig ko ang ingay ng busina ng kotse ni Alexa."Bakit ba tanghali ka nang gumising?" Natatawang tanong niya.Humikab muna ako bago sumagot. "Si Leenox kasi—""Ano!? Pinuyat ka!? Binigay mo na ang V-card!?" She hysterically asked.I threw her a glance that unmistakably loaded with daggers. "Hayaan mo ka
It's a sunny Sunday. Pagkatapos naming magsimba ay humiwalay na ako kila Mommy. I headed for Starbucks to get some coffee and a slice of mocha cake. When I found a good spot to settle in, I took out my phone and checked in on my social media account while I sipped on my drink.Alexa's name popped out on the screen.Alexa:Hoy babae! Nasaan ka?Ako:Starbucks.Alexa:Taray! Starbucks ka pa samantalang ako 3-in-1 coffee lang.Ako:Gaga!Alexa:Kasama ko si Patrice. Pupunta kami diyan.Ako:No need na! Paalis na rin naman na ako.Alexa:Ka
The rain were falling so hard. Hindi ko na alintana kung basang-basa na ako sa ulan. Wala na akong pakialam kung magkasakit man ako. Ang tanging nasaisip ko na lang ay ang makaabot sa concert nila Leenox. Ang gusto ko na lang na mangyari ngayon na malaman ni Leenox na siya ang pinipili ko.I checked the time. It's already 2:30 in the afternoon. The concert were about to end. Thirty minutes. I need to reach him before 3:00. Malakas ang buhos ng ulan. Dahil sa katatakbo at malakas na buhos ng ulan ay hindi ko na napansin ang isang bato kaya naman natisod pa ako. Mabilis akong tumayo kahit medyo masakit ang tuhod ko.Naiiyak na ako dahil baka hindi na ako umabot. Patawid na sana ako nang biglang may malakas na busina ang sumakop sa sistema ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at natulos na lang sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang kotse na papalapit sa'kin. Rinig ko ang pags
"Miss Zetha, about sa model na kukunin natin para sa promoting ng bagong—""Ask Matthew about that. Siya ang nagha-handle no'n." Putol ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa laptop."P-Pero sabi po ni Sir Matthew, kayo raw po ang nagha-handle." Wika nito.Dahil sa sinabi niyang iyon ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. "What?" Bumuntong-hininga ako at napapikit ng mariin. "Mamaya na kita kakausapin tungkol doon." I said."Miss Zetha, may meeting po kayo sa manager ng Scenario mamayang alas tres ng hapon."Padabog kong isinara ang laptop ko. "Bakit ako? Hindi ba't ikaw ang pinaghandle ko no'n?""Katatawag lang po ng manager ng Scenario at kayo po ang gusto niyang makausap.""May problema ba? I'm pretty sure
"Good morning, Ms. Zetha, I would like to inform you that Sophia Angela Zamora and Layka San Augustine is already here." Pormal na wika ni Rachel mula sa intercom. Isinama ko siya rito sa Pilipinas dahil siya lang ang pinakamagaling kong naging sekretarya sa nakalipas na mga taon."Let them in." Sagot ko.Bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa nito sila Sophie at iyong Layka. Sophie becomes more mature and sexy. Kung tutuusin ay papasa na siyang modelo. Bukid sa pagiging fashion designer ay pwedeng-pwede siyang maging isang modelo. Layka were tall and morena type of girl. Mukhang mas matangkad pa siya sa'kin pero halos pantay lang sila ng laki ni Sophie.Pormal ang mukha ni Layka habang si Sophie naman ay abot sa tenga ang ngiti. I smiled at them and motion them to sit."So, I'm Zetharine Marcelo the owner of the clothing line. Tomorrow will be the opening the branch and I would
After my both of my parents had died, Matthew was the one who took care of me including Ninang Mira. I never leave our house because I want to cherish our memories. As a happy and complete family. When my mother comforts me and gives me support. If I only knew that these things would happen, I wished I just stayed by their sides 'till the dawn. If I can only turn back the time."Zetha, gusto mo bang mag-aral sa Singapore?" My Tita asked me.Natigil ako sa pag-aayos ng gamit. Umiling ako. "Ayoko po.Saka mas mahal ang tuition sa Singapore, Tita. Hindi na kakayanin ng pera ko." Sagot ko."Pero 'di ba pumasa ka sa isang university doon? Hindi ba't iyon naman talaga ang plano mo kapag tumuntong ka ng third year college
After nang marinig ko ang sinabi ng manager ni Leenox ay hindi na ako tumuloy sa kanya. Bigla na lang din kaming nawalan ng komunikasyon. Our relationship is getting blur. Palabo na kami nang palabo. I'm asking myself, kami pa ba? Mahal pa ba niya ako? Ito na ba 'yung panahon na iiwan niya ako para sa pangarap niya? Pero kung ang pag-iwan niya sa'kin ay makabubuti sa pangarap niya, ayos lang sa'kin na iwan niya ako."Sikat na 'yung boyfriend mo ah! Siya lagi ang laman ng newsfeed ko." Komento ni Mattew habang nag-sscroll sa kanyang social media.Napatingin ako sa kanya. "Talaga?"Tumango siya. "Hindi ka ba nag-o-online?" Kunot-noong tanong niya sa'kin."Alam mo naman hindi na ako nag-so-social media." Mahinang sagot ko. Unti-unti niyan
Isang linggo. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat ng problema ko ngayon. Hindi ako nakatanggap ng tawag may Leenox dahil alam kong gusto niyang bigyan ako space. And also, he became busy because they will release their song this coming month. Kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa pamilya ko. Ang daming nakikisimpatiya. I tried to smiled sweetly while looking at the mirror. I want to show to myself that I'm okay and still fighting. I'm trying my best to be positive. Pero sinong niloko ko? I'm aware that I am broken into pieces behind these smiles. I am are just pretending to be okay because I'm afraid to face the truth. Unlike the old me, I didn't apply any makeup. Inilugay ko lang ang buhok. I just wear our school uniform and lazily grabbed my bag. I grabbed my car's key and start the engine. Wala na sa'min iyong bahay namin. Tanging ito na lang kotse ko ang nat
Isang linggo. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat ng problema ko ngayon. Hindi ako nakatanggap ng tawag may Leenox dahil alam kong gusto niyang bigyan ako space. And also, he became busy because they will release their song this coming month.Kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa pamilya ko. Ang daming nakikisimpatiya.I tried to smiled sweetly while looking at the mirror. I want to show to myself that I'm okay and still fighting.I'm trying my best to be positive. Pero sinong niloko ko? I'm aware that I am broken into pieces behind these smiles. I am are just pretending to be okay because I'm afraid to face the truth.Unlike the old me, I didn't apply any makeup. Inilugay ko lang ang buhok. I just wear our school uniform and lazily grabbed my bag. I grabbed my car's key and start the engine. Wala na sa'min iyong bahay namin. Tanging ito na lang kotse ko ang natira at n
Bumuhos ang malakas na ulan. Sumama ako kay Matthew sa condo niya. May tiwala naman ako sa kanya. Basang-basa ang damit ko. Inabot sa'kin ni Matthew ang bago niyang t-shirt. Nagpalit ako ng damit. Umupo ako sa dulo kama at niyakap ang tuhod ko. Muling bumalik na alaala ko sa mga nangyari kanina. Ang bilis. Bigla akong nabasag. Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Matthew. Hindi ko siya tinapunan ng tingin, nanatili sa pwesto ko. Tahimik siyang lumapit sa'kin. Umupo siya sa tabi ko. "You're tired. You need to rest." He softly said. "Matthew..." Walang ibang salita ang lumabas sa bibig ko kundi ang pangalan niya. "Bukas mo na problemahin ang problema mo, Zetharine. Magpahinga ka muna. Halata namang pagod ka." Marahan nitong wika.
Alexa trying her best to hide her pain. Sa bawat hakbang namin habang naglalakad kami sa corridor ay nasasaktan ako. Tahimik lang siya. Hindi na siya 'yong kilala kong Alexa na madaldal. Maraming nagbago. Hindi ko akalaing sa isang iglap lang ay nagbago ang lahat at pakiramdam ko ay magbabago pa. There's a line between Akeem and Alexa."Alexa..." tawag ko sa kanya."Late na ako Zetharine. Mauna na ako." Sambit niya at tipid akong nginitian. Hindi na niya ako hinintay na makasagot at iniwan na niya ako.Bumuntong-hininga na lang ako at dumiretso sa klase ko. Nakaabutan ko si Leenox na nakapangalumbaba, halatang kanina pa ako hinihintay. Nang makita niya ako ay biglang sumigla ang kanyang ekspresyon. Binaba ko ang bag ko at umupo sa tabi niya."Leenox, kumusta na si Akeem?" Tanong ko sa kanya.He sighed. "Walang nagbago sa kanya kaya mas lalo akong nag-aalala." I can